Dovetail

ChinitaQueen25 tarafından

378K 23K 7.3K

[Royal Academy's 2nd book] They won and they lived but will they be able to survive the emerging bloodshed? ... Daha Fazla

Dovetail
Pharaohs
Normal
Once King
Unconscious
Hanada
Dead
Gray
Past
Celebration
Woman
Amara
History
Father
Night
Message
Drink
Heart
Fulumbra
Hold on
Son of Poseidon
Voices
Scroll
Moments
Renvela
Heiress
Akita
Niece
Elders
Taldor
Surge
Escaped
Future
Enlightened
Guests
Asleep
Identity
Emergence
2nd wave
Azalaura
Arrival
Still Changing
Armour
Time
Wizard
Epilogue
3rd book

Half-blood

11K 592 209
ChinitaQueen25 tarafından

Sorry for the delayed update! I've been dealing with the so-called writer's block kaya sobrang hirap na hirap ako makapag-update. Anyway, enjoy reading!

**

"Have you heard the news? Anak ni Lady Eavour si Dame!"

"What?!"

"Not just that! Dame is a half vampire! The heir to the throne!"

Luna's mouth was open, and her hand, which was holding a spoon full of food, came to a halt midway. She sighed and looked at Iraia, who was staring at her innocently.

They ate their lunch quietly before leaving the Ensiv. The news has spread throughout the academy, and there is nothing they can do to stop it because none of the parties involved are clarifying the situation.

"Then he's the only half-blood existing?"

"What will the consiglio do now?"

"He's been a hottie but knowing how he's a prince? Nadagdagan pa lalo!"

Nagkatinginan ulit silang dalawa hanggang sa natahimik rin ang paligid nang makabalik na sila sa Teadra. 

Nakatangang binagsak ni Luna ang katawan sa carpet.

"Paano nila nalaman?"

Iraia shook her head. "I'm not sure, babe, but I'm sure it has something to do with the consiglio and Cinco."

Napabuga naman ng hangin si Luna. 

None of them intend to conceal his identity, but the majority of them may regard him as a threat. A half-blood that is alive and breathing... can simply destroy everything.

'Yon ang pinagdi-diskusyunan ng consiglio at ng Cinco ngayon. Once kasi na malaman ng lahat ang tungkol sa binata'y baka mapahamak ito. They have been hearing about the existence of the half-bloods but this is the very first time that someone really exists.

That's what the cinco and consiglio has come to terms with. When word gets out that Dame is a half-blood, it will endanger not only him, but the entire population of his bloodline.

People from different kingdoms can marry and have children if the child can absorb the same amount of energy as his parents.

In terms of blood, each kingdom has its own distinctive mark. The components of their blood are distinct.

Normal crestiors with parents from the same kingdom have only one type of blood in their system. 

A half-blood has two blood types running through his veins, and it's up to his body to decide whether to accept it and allow him to live, or to wreck his organs and cause him to die.

In other words, the fact that a half-blood is alive is a miracle.

"Dame's the first half-blood ever existed." Mahinang bulong ni Iraia at marahang sinuklay ang buhok ng kaibigan.

"Even so, both of his parents are members of the consiglio and Cinco. They probably tried everything they could to protect his identity, but they still failed."

Napangiti naman si Iraia nang marinig ang mahinang bulong ni Luna. "That's why, honey, they're doing everything they can to hide the truth. They won't let him be harmed, and as if they could? Don't worry about him."

Hindi kalaunan ay binigyan siya nito ng makahulugang ngisi at mapang-asar na tinaas baba ang kilay. "You should learn how to trust your man, Luna."

"Anong man? Issue ka!"

Luna grunted and tried to kick her friend when Iraia swiftly turned into a fairy. The young lady laughed uncontrollably before splattering glitter all over her face.

"Iraia Tallaia!"

Umuubo siyang napaupo at paulit-ulit hinampas ang dibdib para malabas ang mga glitters na pumasok sa bibig niya.

Iraia returned to her human form at muli ay maarteng dumekwatro sa harap niya. 

"Kaya hindi ka crush ni Veton kasi maldita ka!" Duro niya sa kaibigan.

Iraia gasped at napahawak pa sa dibdib. "That's very mature of you, Luna."

"Totoo naman."

Inirapan niya ang kaibigan at nag-martsa pabalik sa Ensiv. Kakakain lang niya pero wala siyang magagawa, nagugutom ulit siya.

She was in the midst of dealing with the dragon on her stomach when Master Laidre appeared in front of her.

"Luna, follow me." At nilagpasan siya nito.

Pinigilan niyang mainis dahil baka pahirapan na naman siya nito kaya labag man sa kalooban ay padabog siyang bumalik sa nilakaran kanina at sinundan ito habang bumubulong-bulong.

"Grabe, hindi talaga nag-fail si Master Laidre na inisin ako."

"I can hear you, Luna." Matigas nitong ingles na ikinangiwi niya.

Ginilid ni Luna ang ulo para bahagyang makita ang mukha ng kausap. "Lakasan ko pa ba Master para mas marinig mo? At least kahit bina-backstab kita naririnig mo." Walang hiya niyang dahilan.

But her Master just scoffed kaya nanahimik na lang siya hanggang sa makarating sila sa office nito. He opened the door to let her in na ginawa naman niya bago sumunod na pumasok si Master Laidre.

Hindi na niya hinintay pa na paupuin siya nito at pahagis na inupo ang katawan sa sofa. Naglakad naman papunta si Master Laidre sa kanyang table para kuhanin ang isang glass paper at nilagay 'yon sa harap niya.

"Ano 'to, Master?" Takang tanong ni Luna.

"Read."

Nakanguso siyang patagong umirap at umusog palapit sa lamesang nasa harap niya para maabot ang glass paper.

To her shock, it wasn't a glass paper but an invitation!

Nakatangang tinuro ni Luna ang sarili at inangat ang tingin sa kanyang Master. "Senora Luna?" Malakas siyang napasinghap.

"Oh my, kailan pa naging mataas ang posisyon ko sa lugar na 'to para tawagin akong Senora?!" Wala sa sarili niyang bulaslas. She even held both of her cheeks while questioning the invitation.

Baka nagkamali lang.

"Open it, Luna."

Marahan niyang binuksan ang invitation at kinuha sa loob ang manipis na glass. Hindi ito nag-itsurang salamin dahil kulay itim ang base color nito at ginto naman para sa disenyo.

Ilang beses niya 'yong binasa. Lalo na ang malaking pangalan na nakasulat sa gitna nito. Parang napapaso niya itong binitawan at siniksik ang sarili sa sofa.

"Master, joke time ba 'to? Hari 'yan, Master! Hari!" Gulantang niyang ani at tinuro pa ng paulit-ulit ang invitation.

"At hello, Master. Hindi kami close para i-invite ako ano!" Irap niya.

Tumalikod ito para kuhanan siya ng tubig at nang makakuha, nilagay niya 'yon sa kanyang harapan. Pagkatapos ay tahimik itong umupo sa harap niya at humalukipkip. Kusang dumiretso ang katawan ni Luna nang maramdamang bumigat ang hangin sa loob ng opisina ng Master.

"Because you are special, Luna."

Nabitin sa ere ang sasabihin ng dalaga. Matagal niyang prinoseso sa utak ang sinabi ng Master bago unti-unting napanguso.

"Talaga, Master?" Paninigurado niya.

Hindi naman na ito sumagot kaya nakangiwi niya itong inirapan. "Ano namang gagawin ko don, Master? Kasama ba sila Sefarina?"

"You are all invited." Napahinga naman siya ng maluwag at agad napainom ng tubig.

"But the king personally invited you."

Nabuga niya ang kanyang iniinom sa harap mismo ng kanyang Master na mabuti na lang ay naiwasan agad 'yon! Kinakabahan niyang inilapag ang baso habang pasimpleng pinupunasan ang bibig.

"S-Sorry, Master. Sadya." Binulong niya ang huling salita dahil baka bigla siya nitong ibalibag na hindi malabong mangyari.

Bahagya siyang umubo at inayos ang sarili. "Who personally invited who?" Ulit niya kahit na alam naman niya ang sagot.

Sinamaan siya nito ng tingin bago bumalik sa pagkakaayos ng upo. "You were out on a mission when the king went here to give you that."

Napanganga siya dahil talagang pumunta pa ang hari rito sa academy! Isang kahihiyan na nagpunta ito para sa wala!

"I'm so shy, Master! Pumunta rito ang hari nang wala ako! That was so disrespectful! Ano na lang ang mukhang ihaharap ko, Master?!" Pagpa-panic niya at naisip na ang lahat ng scenario'ng maaaring nangyari.

"Have you seen Damien?" Lihis nito sa usapan.

Napakunot naman ang noo niya dahilan para matigil siya sa pag-panic at mabilis na umiling. "Hindi, Master. Palagi siyang wala sa Teadra- well, which is normal naman pero akala kasi namin nasa ilalim siya ng pagt-training." Takang aniya.

"But you're also trying to find him... does that mean na he's been missing in action without us knowing?"

Pinigilan niyang kabahan dahil unti-unting nabalot ang kanyang sistema ng pag-aalala. 

Hindi man bago sa kanya na hindi makita si Dame kahit na magkatabi lang ang dorm nila ay bakit pati ang inaasahan niyang kasama nito ay hinahanap din siya?

"He's not even out on a mission. Pinilit ko ang ibang miyembro ng consiglio na pagpahingahin muna kayo— you're very much welcome. But now the issue of Dame being a half-blood has surfaced, I need you Pharaohs to let it down for a while." Seryoso nitong litanya.

Parang maamong tupa namang tumango si Luna at nag-thumbs up pa. "He needs no protection, Master. Baka sila pa ang may kailangan." Bungisngis niya.

Tinanguan lang siya nito kaya napairap na lang siya. "Don't forget the king's birthday, kid. Mag-ayos ka."

"Roger, Master!"

Tinalikuran na siya nito habang siya naman ay tamad na kumaway sa Master niya at nag-martsa na palabas habang mahigpit ang hawak sa invitation. 

Sa sobrang gulantang niya na ang hari pa na nakasama niyang makipaglaban ang mismong nagdala ng invitation para sa kanya'y mas lalo lang siyang nakaramdam ng gutom.

Natigil ang kanyang paa sa paghakbang nang makaramdam ng pamilyar presensya. Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan nang malaman kung bakit.

Parehas na parehas ang nararamdaman niya ngayon sa presensyang nakasunod sa kanya noong nasa mortal realms pa siya! Could it be...

She slowly turn around and caught her breath upon seeing the man she's been dying to see.

"Are you..." Ilang beses siyang napakurap.

"...okay?"

Luna slightly bended her upper body when Dame raised his hand up only to pat her head.

Napakurap siya ng ilang beses dahil akala niya kung ano na ang gagawin nito sa kanya. Nanatili siyang tahimik habang pinapakinggan ang mabilis na tibok ng kanyang puso.

Hindi naman tumigil si Dame at marahan pang hinaplos ang kanyang buhok.

"I'm sorry."

Bakit? Bakit siya nasasaktan?

Why do you look so sad... and desperate?

Luna's lower lip trembled as she tried to smile. Enfys' warnings have already broken her heart; she can't afford to let this man in front of him do the same.

"A-Ano ba, Damien Elio! Para kang tanga! Nags-sorry ka kasi hindi mo sinabi samin kung nasaan ka o dahil hindi ka na naman nagpapakita?" She tried to avoid the subject.

Dame's expression barely changed. He messed up her hair one more time before slipping both of his hands into the pockets of his pants.

"Oh? Anong tingin 'yan?" Mataray pa rin niyang ani.

Naglakad ito lalo papalapit sa kanya bago hinawakan ang collar ng kanyang uniform at naglakad. Wala tuloy siyang choice kung hindi ang magpahatak!

"H-hoy!"

Kinurot niya ang bewang ni Dame kaya nang mapangiwi ito'y nabitawan siya nito. Ginamit niya ang pagkakataong 'yon para kumaripas ng takbo palayo sa binata pero hindi pa man din nakakalayo'y bigla siyang tumigil at nilingon si Dame.

Sinamaan niya ito ng tingin at dinuro. "Kapag ikaw hindi ko nakita sa dinner mamaya." Minuwestra niyang hiniwa ang kanyang leeg bago bumalik sa pagkakatakbo.

She was giggling when she came back alive. Sumalubong sa kanya si Pream at Veton na parehas siyang pinanood na hubarin ang kanyang kapa at inihagis sa sofa.

"Bakit parang ang saya-saya mo?" Taas kilay na tanong ni Veton.

"Bakit parang inggit na inggit ka?" Balik tanong naman niya at binelatan pa ang kaibigan.

Pream laughed as Veton scoffed. "That's foul."

"Hello, sweethearts! Have you seen- oh, my love!"

Mabilis na tumakbo si Veton papunta sa kwarto niya para hindi siya mayakap ni Iraia na kapapasok lang. Nagtataka naman niyang tinignan ang saradong pintuan ng binata.

Anong nangyari do'n?

"Give him a break, Iraia. Kinakabahan na ata sayo." Biro ni Pream habang nagluluto.

Tawang tawa namang naupo si Iraia sa tabi ni Sefarina na ngayo'y nakangangang naghihilik. "She looks..."

Nakangiwi niyang pinagmasdan ang itsura ng kaibigan at napailing na lang dahil ayaw na niyang ituloy ang kanyang sasabihin.

"Horrible. She looks horrible." Tango tango ni Luna at malungkot na tinignan si Sefarina.

"Anyway, sasabay kumain si Dame. Arrow's also likely to be present since nandito ang sleeping beauty niya."

Unti-unti namang humarap sa kanya ang dalawa nang may nakakalokong ngisi sa kanilang mukha. In response, she gave them a bored middle finger before crawling over to Sefarina and laying beside her.

When Iraia stood up to go near Pream, who was cooking their food, Luna's eyes opened. "Should I lend you a helping hand? But I'm not a great cook."

Pream quickly moved his hands to keep Iraia from approaching, which made her laugh. "But Enfys is."

"My name was called. What is it this time?" Luna laughed when she detected tiredness in her tone.

"Go help Pream cook, love."

When Enfys nodded and moved towards the kitchen, Luna gasped and sat slowly, her hands covering her parted mouth.

This is not how Enfys is! She's not used to acting this way around people, especially men!

"Since when did they get that close?" She overheard Iraia mutter.

Hindi na muli pang nagsalita si Iraia at kapwa nanahimik na ang kanilang mga luto kaya lalo siyang dinapuan ng antok. 

Her eyes were about to close when Pream's loud voice echoed.

"Bros! What the hell, na-miss ko kayo!" Mangiyak-ngiyak na niyakap ni Pream si Arrow at Dame na kapwa nagsipagiwas.

Iraia was about to kick her when she abruptly stood up, so she only kicked Sefarina, who suddenly sat straight while trying to fix herself.

Her brows moved up and down as the corner of her lips slowly rose up.

Damien gave her a bored look while putting up with her annoying grin. He can't blame her; one moment he was so sweet, and the next he's dragging her from her collar!

Naningkit ang mga mata niya at marahang pumalungbaba habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng binata.

Ano pa nga kaya ang kayang gawin ng isang half-blood?

**

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

88.5K 3.2K 62
⚠️MACHINE TRANSLATION T I T L E I Am The Most Popular In The World [Quick Wear] 全世界我最红[快穿] A U T H O R Shiseer 涩涩儿 S T A T U S 62 Chapters (Completed...
11.2K 554 32
𝐀𝐧 𝐚𝐧𝐜𝐢𝐞𝐧𝐭 𝐊𝐢𝐧𝐠𝐝𝐨𝐦'𝐬 𝐭𝐚𝐥𝐞 𝐭𝐨 𝐭𝐞𝐥𝐥, 𝐟𝐮𝐫𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐜𝐨𝐧𝐭𝐢𝐧𝐮𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐬 𝐲𝐨𝐮 𝐜𝐨𝐧𝐭𝐢𝐧𝐮𝐞 𝐭𝐨 𝐟𝐥𝐢𝐩 𝐭𝐡𝐞 �...
1.4M 98K 24
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
120K 2.9K 19
Ava Mitchell and her older brother Pete are quite easily the best Navel Aviator's in the country along with their RIO's. When they get the once in a...