The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 35

73.9K 2K 157
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Hindi ko na lamang pinansin ang mga sinabi ni Cassie kahit sobrang bumabagabag iyon sa akin.

"Mommy Eat..." pagkuha ni Zeus ng aking atensyon.

Inilapit nito sa aking bibig ang bread stick na kinakain. Nginitian ko ito at kumagat ng kaunti na mas lalo naman niyang ikinatuwa.

"Mom! Mom! Want!" Tawag niya sa akin habang tumuturo sa tv.

Kinarga ko ito at tsaka pinaghahalikan. "Gusto mong manuod ng tv?" Pangaasar na tanong ko sa kanya.

Tawa naman ito ng tawa habang gigil na gigil akong halikan ang kanyang matambok na pisngi. "Want! Toons!" Sigaw pa niya habang tawa ng tawa dahil sa aking ginawa.

Tumigil na ako dahil baka di na makahinga ang aking anak. Kinuha ko ang remote at tsala inilipat sa Cartoon Network. Saktong baby looneytoons ang palabas kaya naman nagpapalakpak pa ito.

Iniwan ko sandali itong nakaupo sa kanyang rubber mat sa ibaba ng kama. Mabilis akong pumasok sa walk in closet para makapagbihis. Di naman ako nangangamba dahil rinig ko pa din ang tawa ng anak ko mula sa aking kinalalagyan.

"MOMMY!" sigaw na iyak nito.

Dahil sa gulat ay mabilis akong lumabas ng walk in closet buti na lamang at nakapagbihis na ako.

"CALLUM!" pagalit na tawag ko dito.

Bumaling ito sa aking tuwang tuwa dahil sa ginawa. Nakahiga na din ito sa rubber mat habang yakap yakap ang nakaupong si Zeus sa bewang.

"Mommy" tawag sa akin ng aking anak.

Kaagad ko siyang dinaluhan at umupo na din duon. "Bakit baby anong ginawa sayo ni daddy?" Tanong ko dito kahit bumalik na muli ang kanyang atensyon sa pinapanood na cartoons.

Di naman na ako nito sinagot pero nakasibi itong kumuha ng bread stick sa jar sa tabi niya at tsaka muling sumubo. Ang cute pa nga nito dahil nagngingipin pa lang siya di pa niya maayos na nakakagat iyon.

Napabaling naman ako sa nakatingin sa aking si Callum na ngumunguya habang nakangiti. Kaagad tumaas ang isang gilid ng labi ko. "Ikaw talaga..." gigil na sambit ko habang pinipisil ang pisngi nito.

"Aray naman hon" malambing na daing niya at hinila ako para mapahiga sa kanya.

"Ang sarap kasi ng kain niya sa bread stick niya eh...kaya humingi ako" natatawang kwento nito.

Pabiro ko siyang kinurot sa tagiliran. "Baka kamo kinuha mo lang bigla" akusa ko sa kanya. Di naman kasi iiyak ang anak ko kung kukuha ka ng pagkain sa katabi niyang jar, basta wag mo lang galawin yung pagkaing hawak niya.

"Sorry na babe di ko na po uulitin" paglalambing ni callum hinila ako lalo para mapadapa ang kalahati ng katawan ko sa kanya.

Nakapikit ito habang nakangiti. Napanguso na lamang ako dahil siguradong pagod ito. Sinukalay ko ang kanyang medyo may kahabaan ng buhok. "Magbihis ka na para makakain na tayo at makapagpahinga ka" pagaalala ko sa kanya.

Mukha namang nagustuhan nito ang pagsuklay ko sa kanyang buhok. Habang ginagawa ko iyon ay di ko mapigilan ang sarili kong mas lalong humanga kay Callum. Kung pagtatapatin sila ni Sir Zach ay may laban ito, sadya nga lang na mas matured si sir zach nuon.

Sobrang bait niya sa amin ni Zeus, todo ang pagaalaga at ramdam na ramdam naming mahal na mahal niya kami.

"Dii..." baling sa amin ni Zeus. Hawak nito ang mangangalahati na niyang bread stick.

"Eat Dii" tawag niya kay Callum at itinapat ang bread stick nito sa bibig ni Callum.

Dumilat si Callum at tsaka ngumanga, tuwang tuwa ang anak ko habang sinusubuan ang daddy niya. "Bakit basa ito?" Natatawang tanong ni callum sa akin habang nasa bibig ang binigay na tinapay ni Zeus.

Natawa na lamang din ako sa kanya. Basa na kasi iyon ng laway ni Zeus. Pero game na game pa din si Callum na kainin lahat ng isinusubo sa kanya ng aming anak.

"Si mommy din subuan mo ng bread stick na sinawsaw mo sa laway mo" pagbibiro na utos ni Callum kay Zeus.

Tinawanan ko na lamang siya ng di na siya pansinin ni Zeus dahil nagsimula na ang susunod na palabas. Dinilaan ko si Callum para asarin.

"Pinagtutulungan niyo akong dalawa ha" pagtatampo nito at umayos na ng upo. Nasa likuran ko na siya ngayon at hinila niya ako pasandal sa kanya.

"Akin mommy" pagsisimula nanaman niya ng pakikipagaway sa anak namin.

"Akin!" Sigaw ni Zeus habang nasa Tv pa din ang buong atensyon niya.

"Love ko kaya si mommy!" Dugtong pa ni Callum dito.

"I love mommy Mo...." more.

Natawa si Callum dahil hindi magpapatalo ang aming anak. "Ano suntukan na lang oh" pangaasar nito kaya naman nakatanggap siya mula sa akin ng pingot.

Masaya ako sa pamilya namin. Kuntento na ako dito...konting konti na lang, buong buo ko ng maibibigay kay Callum ang sarili ko.

"Wag kang kabahan, kaya mo yan" pagaalo sa akin ni Callum tsaka ako hinalikan sa noo.

Napayakap na lang din ako dito dahil sa sobrang kaba. Ngayong araw kasi ang schedule ko for interview sa Combridge. Walang pasok si Callum ngayon kaya naman inihatid nila ako ni Zeus sa papasukan kong Companya.

"Kiss mo na si Mommy ng Good luck baby" sabi ko pa dito.

Nasa harap na kami ng Building, hawak hawak siya ni Callum habang humihingi ako ng kiss mula sa kanya.

"SOFIA!" napatigil kami dahil sa sigawan.

Napabaling ako sa pinanghalingan ng sigaw at duon ko nakita ang mga kaibigan ko. Ang mga ito ay nakangiting nakatingin sa aming gawi. Mabilis din silang lumapit.

"Yan na ba ang baby m..." di natuloy ni Elayza ang kanyang sasabihin ng mas lalo silang makalapit sa amin.

Napakunot ako ng noo ng makita napatigil ang mga ito habang nakatitig sa aking anak na si Zeus na hawak hawak ni Callum.

"Hoy! Anong nangyari sa inyo?" Natatawang pagkuha ko ng atensyon nila.

"Eh uhmm...yan na ba ang anak mo?" Si Jochelle iyon.

"Oo, ito si Zeus..." pagpapakilala ko sa kanila.

Kinuha ko ang kamay ng anak ko at pinagkaway iyon. "Say Hi sa mga tita mo baby" sabi ko pa.

"At ito nga pala si Callum, napakilala ko na siya sa inyo dati di ba? Siya ang asawa ko" nakangiting pagpapakilala ko pa sa mga ito.

Pero sobra talaga akong nagtaka sa mga kinikilos ng mga ito. Nagpaalam na sina Callum at Zeus sa akin. Baka malate na din kasi ako sa Interview ko.

"Kinakabahan talaga ako" sabi ko sa mga ito.

Napahinto ako ng paglalakad ng mga nakatahimik lamang itong nakasunod sa akin na hindi naman nila normal na gawain.

"May problema ba?" Tanong ko sa mga ito. Mas lalo akong nabahala dahil sabay sabay din ang mga ito na nagreact at ngumiti pa sa akin.

"Ah wala naman...sige hintayin ka na lang namin after ng interview mo" paalam pa nila dahil may pasok din ang mga ito.

Tumango na lamang ako at ngumiti sa kanila. Gusto ko talagang malaman kung may problema sila, kasi napansin kong nagsimula yung pagiging ganun nila nung makita nila ng malapitan ang aking anak. Pero dahil may interview pa ako ngayon mas pinili ko na lamang ang mag Focus duon.

Nang ako na ang iinterviewin ay nagulat ako dahil wala ng tanong tanong pa. "Teka miss di niyo po ba ako papapasukin duon?" Tanong ko sa babae sabay turo duon sa kwarto na pinagiinterviewan ng mga aplicante.

"Di na pi kailangan. Ito na po ang contract...paki sign na lang po" sabi pa sa akin na sobra ko talagang ikinagulat.

Binasa ko ang contrata at nakitang normal naman ang lahat dito. Pinirmahan ko na lamang iyon kahit may pagaalinlangan ako. Para akong nakalutang habang palabas. Iba din kasi ang tingin sa akin ng mga aplicanteng sumunod sa akin. Feeling ko tuloy ang unfair ko.

Pinindot ko ang Elevator, hinihintay ko iyon ng may tumabi sa akin. "Welcome to the Company Hija" sabi nito kaya naman napabaling ako sa kanya.

May edad na ang lalaking ito pero sumisigaw ng kakisigan ang kanyang presencya. Di ko alam kung anong irereact ko sa kanyang sinabi.

"Shall we?" Sabi niya at pinauna akong pumasok sa Elevator.

Naiilang ako dahil di ko naman siya kakilala, pero mas pinili ko na lamang ding manahimik.

"You're a Samaniego, we have no choice kundi ang tanggapin ka" pagsisimula nito.

Napakunot ang aking noo. "Ano pong ibig niyong sabahin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Nginitian ako nito. "Ninong ako ng Asawa mo, at dahil itinuturing ko na ding anak si Callum, kailangan kong tanggapin ang mga taong mahal niya." Pagpapaliwanag nito.

Napalunok alo dahil duon. "Kaya ko pong patunayan na Samaniego po ako o hindi...kayang kong gawin ang trabahong ibibigay sa akin dito" matapang na sagot ko sa kanya.

Mas lalo lamang itong napangiti at tsaka nagkibit balikat. "Let's see" maiksing tugon niya.

Tumunog ang Elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami, "See you around Hija, paki kamusta mo na lang ako sa asawa mo" sabi nito bago naunang lumabas sa elevator.

Mabilis din naman akong sumunod ng labas. Nakita kong marami kaagad na sumalubong na body guards dito.

"Mr. CEO" tawag ng isa kaya naman sobra talaga akong nagulat na ang kausap ko pala kanina ay ang may ari ng buong companya.

Nauna ako sa restaurant sa labas. Ilang minuto lang ay nagsidatingan na din ang aking mga kaibigan. Kaagad na nagkanya kanya itong umorder.

"Sofia...yung anak mo" pagsisimula ni Justine.

Napatigil ako sa pagsipsip ng juice. "Bakit anong meron sa anak ko?" Tanong ko sa kanya.

Nagtinginan muna ang mga ito na para bang naghihintayan pa sila kung sino ang magsasalita.

"Yung anak mo kasi, kamukha ni Sir Zach" sabi pa ni Elayza.

Napatigil ako dahil duon at napaiwas ng tingin. Mukhang nahimigan nila ang naging reaction ko.

"Anak mo ba iyon kay Sir Zach?" Tanong naman ni Christine.

"Guys..." suway naman ni Grace na katabi ko lang.

Nginitian ako nito na para bang ayos lang kung hindi muna sagutin ang mga katanungan nila.

"Anak ko si Zeus...anak namin ni Callum" sabi ko sa harap nilang lahat.

Tahimik na lamang na tumango ang mga ito at buti na lamang ay di na nila binuksan ang topic na iyong muli.

Naging masaya sila dahil magkakasama sama na muli kaming magtratrabaho, sayang nga lang at nahiwalay pa sina Rea, Glayn, at theresa. Wala na din naman akong balita kay Lyndi. At wala pa akong lakas ng loob na magtanong tungkol sa kanya.

"Promise baby wala akong sinasabi kay ninong tungkol duon sa magaaply mo...alam ko naman kasing kaya mo iyon" pagtanggi ni callum sa pagaakala kong may kinalaman siya sa mabilis kong pagkakatanggap sa trabaho.

Nang sumunod na araw ay nagmall kaming tatlo, matagal na daw kasi niyang gustong makapagbonding kaming tatlo. Palagi kasi itong busy sa trabaho niya.

Nauna kami sa isang salon para magupitan si Callum. Mahaba na kasi ang buhok nito. Nakatingin ito sa amin ni Zeus sa may salamin. Kahit nasa anak ko ang aking atensyon ay napapansin ko pa ding pinagtitinginan ang asawa ko ng mga babae sa loob.

Napapasimangot na lamang tuloy ako at tsaka tahimik na nagsusumbong sa aking anak. "Yung daddy mo ang landi landi talaga" pagkausap ko sa walang pakialam sa akin na anak ko dahil sa hawak niyang laruan.

Tumayo si Callum ng matapos na siya. Di ko siya tiningnan pero kita kong papalapit na ito sa amin.

"Dii!" Tawag ni Zeus dito at tsaka nagambang magpapabuhat.

Kaagad na naglahad si Callum ng kamay para mabuhat ang anak namin. "Hey, bakit ayaw mong tumingin sa akin?" May pagtatampo pang sabi nito.

Pinatayo ako nito at tsaka pinulupot ang braso niya sa aking bewang. "Wala, tara na nga" yaya ko sa kanila.

Tuwang tuwa pa ang mokong ng magpaalam sa kanya yung mga babae at bakla duon sa loob. Kung hindi lang niya hawak ang anak ko babatukan ko na sana siya dun mismo sa loob para bawas pogi points din yon.

"Si mommy nagseselos" pagpaparinig ni Callum na wari'y si Zeus ang kanyang kausap.

Sinamaan ko na lamang siya ng tingin. Pero nagsisi ako dahil halos maglaway ako dahil sa itsura nito. Mas lalo kasi siyang gumawapo.

Nginisian pa nga ako nito dahil sa aking naging ekspresyon. "Kain muna tayo love" paglalambing niya sabay kindat.

Inirapan ko pa siya, "tigil tigilan mo nga ako sa mga endearment mo na yan" inis na suway ko pa sa kanya.

Dumiretso kami sa isang Restaurant. At duon nagpasyang kumain.

"Wait lang Comfort room lang kami, puno na ang Diapers niya" paalam ko kay Callum.

Nginitian naman ako nito at tsaka tinanguan pero inirapan ko lamang siyang muli.

"Oorder na ako para sa atin" sabi pa niya bago namin siya iniwan duon.

Pumasok kami sa Cr at tsaka ko ginawa ang dapat kong gawin. Buti na lamang at tahimik si Zeus ngayon at di nagpapakita ng kahit anong pagkairita.

"Mommy" malumanay na tawag niya sa akin.

Kaagad na yumakap ito sa akin at mabilis na sumumsob sa aking leeg. Narinig ko pa ang paghikab nito kaya naman hinagod hagod ko ang kanyang likuran.

"Baby kakain ka pa ng Favorite mo" pagkausap ko dito.

Tumingin ako sa may salamin para tingnan kung nakapikit na ba ito o natutulog na. Napangiti ako ng makita kong dilat na dilat pa rin namang ito.

Bumalik na kami sa Lamesang pinagiwanan namin kay Callum, pero nagulat ako ng makitang may kasama na ito ngayon.


"Oh...andyan na pala ang asawa mo" nakangiting pahayag ni Sir Zach.

Mabilis na tumayo si Callum para lapitan ako. "Anong ginagawa niyan dito?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.

Nakasimangot na sumagot sa akin si Callum. "Di ko alam, bigla na lang lumapit sa akin"

Napatingin ako sa lamesa. Hindi pwedeng umalis na lamang kami kaagad dahil may pagkain na sa lamesa. Anduon na lahat ng inorder namin.

Iginaya ako ni Callum para makaupo na sa kanyang tabi. "Dont worry di naman ako magtatagal, i just want to check on you guys" nakangisi pang sabi nito sa amin.

"We're fine, pwede ka ng makaalis" matigas na sagot naman ni Callum dito.

Parang di naman naapektuhan si Sir Zach dahil duon at nanigas ako ng malipat ang tingin niya sa karga karga kong si Zeus.

"Gusto ko lang din sanang makilala ang anak niyo, anong pangalan niya?" Tanong nito.

Yung anak mo kasi, kamukha ni Sir Zach

Bigla kong naalala ang sinabi ng mga kaibigan ko. Unang kita pa lang nila sa anak ko namukhaan na nila ito kaagad. Paano pa kaya kung si Sir Zach na mismo ang makakita dito.






(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

761K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
803K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
2.2M 56.9K 45
Barkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwi...
1.8M 42K 22
Mahal ko siya pero sumusuko na siya... Palagi kong sinasabing andito lang ako pero di siya naniniwala, ayaw niyang ipagkatiwala yung puso niya hangga...