The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 34

71.8K 2K 90
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Napahigpit ang kapit ko kay Callum habang nakangiti si Zach habang pinapakilala siya ni Cassie sa kanyang daddy at Kuya Cedrick. Bahagya itong nakatalikod sa aming gawi. Pero mas lalong kumabog ang dibdib ko ng bumaling si Cassie sa kanyang kuya callum.

Napayuko ako sa sobrang kaba, pero kaagad din naman akong napatingala sa seryosong mukha ni callum na nakatingin sa kapatid. Bumaba kasi ang kamay nito sa aking bewang at mas lalo niya akong inilapit sa kanya.

"Zach this is also my brother...si Kuya Callum" pagpapakilala niya dito.

"Nice to meet you" pahayag ni Sir Zach at kaagad naglahad ng kamay kay Callum.

Napalunok ako ng makita ang masama at matalim na tingin ni Callum dito at mukhang wala pa siyang balak na tanggapin ang kamay ni Sir Zach.

"Kuya" pagbabanta ni Cassie.

Napatingin si Callum sa kapatid at wala ng nagawa si Callum kundi tanggapin ang kamay ni Sir zach pero sandali lang naman iyon.

Magpapasalamat na sana ako at hindi kami gaanong close ni Cassie, pero parang gusto kong magmakaawa sa kanya na wag na akong ipakilala ng bumaling na siya sa akin at nginitian nanaman ako ng peke.

"And this is my Sister in law, Asawa ni kuya Callum. Si Sofia" pagpapakilala ni Cassie sa akin.

Lapat na lapat ang aking labi habang nakatingin sa kanyang mukha. Napakalaki ng kanyang ipinagbago, pero lahat ng iyon ay sobrang kapuri puri.

Nanigas ako ng nakangising bumaba ang tingin nito sa akin mula ulo hanggang paa. "Nice to meet you Ms. Hernaez" mapangasar na bati nito sa akin.

"Mrs. Samaniego" mariing pagtatama naman ni Callum dito.

Lalong lumawak ang pagngisi ni sir zach kaya naman pigil na pigil ko ang sarili ko para bigwasan siya. Nakakainis na kasi sobra.

"Ow my Bad..." sambit nito at muling bumaba ang tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa.

"You've grown up so well sofia" pinal na sabi pa nito bago siya mabilis na hinila ni Cassie palayo sa amin.

Nakita ko pa ang paminsan minsang pagbaling sa akin ni Cassie na para bang naiinis ito sa akin. Marahil dahil masyado akong pinuna ng kanyang date na si sir Zach.

Nagaalalang bumaling sa akin si Callum. He cupped my face and tsaka niya pinagtapat ang mukha naming dalawa. "Are you fine? Gusto mo bang umuwi na tayo?" Pagaalala niyang tanong sa akin.

Sasagot pa lang sana ko na hindi na kailangan dahil ayos lang ako. Pero biglang lumapit sa amin si kuya Cedrick. "Hi love birds..." bungad na bati nito sa amin.

"Anong kailangan mo Kuya?" Seryosong tanong ni callum dito.

"It's dinner time, hinahanap na kayo ni dad sa hall" sagot naman nito sa kapatid tsaka ako nginitian kaya naman nginitian ko din siya. Mabait naman kasi ito sa akin, nung ikinasal kami ni Callum ay nasa ibang bansa ito kaya naman pagkauwi niya dito ay kasal na ako sa kapatid niya at maayos naman niya akong tinanggap.

Mukhang tatanggi pa sana si Callum, kaya naman pinisil ko ang kamay dito dahilan para mapatingin siya sa akin at nakangiti ko na lamang siyang tinanguan para sabihing ayos lang naman iyon sa akin.

"Hihintayin namin kayo dun" paalama na ni kuya cedrick sa amin at nauna ng umalis.

"But sofia, alam kong di ka kumportable" pahayag pa nito sa akin.

Marahan akong umiling bago hinawakan ang kamay nito. "Ayos lang ako, promise..." pagaalo ko sa kanya dahil kita kong di ito mapakali. Kita kong alalang alala siya sa akin.

Nagpakawala na lamang siya ng isang malalim na buntong hininga bago tumango at mahigpit na hinawakan ang kamay ko bago kami naglakad patungo sa hall.

Konti na lamang ang kasabay namin sa pagpasok sa hall halos lahat kasi ay nakaupo na sa kani kanilang nakareserve na upuan. Natanaw namin sina daddy at kuya Cedrick sa pinakaunang round table. Ayos pa naman at nagagawa ko pang ngumiti. Pero ng matanaw ko na ang kabuuan ng round table ay halos sabay kaming mapahinto sa paglalakad ni callum.

Nakaupo kasi duon kasama nila ang date ni Cassie na si Sir Zach. Kung hindi lang siguro tutok na tutok ang daddy niya at kuya cedrick niya sa paglapit namin ay siguradong kanina pa kami mabilis na naglakad pabalik ni Callum.

"What took you so long?" Bungad na bati ng daddy niya sa amin.

"Nothing dad" seryosong sagot ni Callum dito.

Pinaghila niya ako ng upuan para makaupo na ako. Napalunok naman ako at kahit papaano ay nakakahinga ng maluwag dahil busy si sir zach sa pagkausap kay Cassie kaya naman di nagagawi ang mga mata nito sa amin...sa akin.

"You look stunning tonight hija, kung andito lang si Olivia nasisigurado kong magkakasundo kayo" bati sa akin ni daddy.

"Thank you po" pasasalamat ko sa kanya.

Itinuring na talaga nila akong tunay nilang pamilya. Si mommy olivia ang ina ni Callum. Sayang nga lang at di ko na ito naabutan dahil bata pa lamang sila callum at halos magtatatlong taong gulang pa lang si cassie ng mawala ito sa sakit na Cancer.

Sinerve na ng waiter ang lahat ng pagkain sa table. Ang buong atensyon ko ay nasa pagkain dahil hindi ko nagugustuhan ang aking nararamdaman. Alam ko kasing nakatitig ito sa akin, titig na hindi ko gugustuhing makita dahil panigurado ay magtatatambol nanaman sa kaba ang aking dibdib.

Ayoko ng nararamdaman ko sa tuwing tinitingnan niya ako. Pakiramdam ko kasi ay nagkakasala ako sa aking asawa sa di ko malamang dahilan.

"Nasabi mo na ba sa asawa mo Callum?" Sabi ni daddy na nakakuha ng aking atensyon.

Napabaling ako sa gawi nila na kanina pa naguusap tungkol sa Trabaho at negosyo. Nagtaka naman ako dahil sa parang kabadong si callum na nakatingin ngayon sa akin.

"Di pa po dad" parang nininerbyos na sagot nito sa ama.

"You should tell her now, you need to be there as soon as possible" seryosong sabi ni daddy na nagpakunot sa aking noo.

"Ano yon?" Malumanay na tanong ko sa aking asawa at hinawakan ang kanyang kamay. Tipid ko din itong nginitian para matanggal ang kanyang kaba.

"Tell her Callum, i know she'll understand" pagtutulak pa sa kanya ng ama.

Pinisil ko ang kamay nito. "Sige sabihin mo" sabi ko pa.

Kita kong parang nahihirapan ito at parang ayaw pa ata niyang sabihin sa akin.

"Gusto ni dad na ako ang humawak sa project sa Singapore" pagsisimula pa nito.

At mukhang di na nakapagpigil pa si daddy at nakisali na din sa pagpapaliwanag sa akin.

"2 months lang naman iyon hija, ang gusto ko lang icheck niya ang lahat para sa gagawing hotel duon. After 2 months papauwin ko na siya dito, isa pa...malaking project iyon, magandang experience para sa isang nagsisimulang architect kagaya niya" pagpapaintindi sa akin ni daddy.

Napatingin ako kay callum, mukhang ayaw nitong malaman ko. Ayos lang naman iyon sa akin, walang problema. Lalo na't ikabubuti niya susuportahan ko siya.

Di sinasadyang mapagala ang tingin ko sa mga tao sa buong mesa. At hindi ko nagustuhan ang kakaibang tingin ni sir zach sa akin. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na para bang hindi ko nagustuhan iyong malaman niyang mawawala ang asawa ko ng ilang buwan.

Pagkatapos magkaroon ng mini Auction ay nag dim na ang ilaw at nagsimula ng tumugtog ng slow dance. Si daddy at kuya Cedrick ay nawala sa lamesa marahil ay pinuntahan ang ibang bussiness man na naririto sa event.

"Pwede ko bang maisayaw ang napakaganda kong asawa?" Bulong sa akin ni Callum.

Bahagya pa nga akong nakiliti ng dumampi ang labi nito sa aking tenga, at ang kanyang hininga sa aking leeg at pisngi.

Nginitian ko ito at tinanguan. Naghanda na ako sa pagtayo at biglang nagsitaasan ang balahibo ko ng magtama ang aming paningin ni sir Zach. Madilim ang kanyang mga mata at sobrang matalim ang tingin niya sa akin. Halos manlambot ang aking tuhod, buti na lamang at mahigpit na nakahawak sa aking kamay si Callum.

Pinagsawalang bahala ko ang kakaibang tingin ni sir zach sa akin at itinuon ang buong atensyon ko sa aking asawa.

"Napakaganda mo ngayon" nakangiting sambit ni callum. Ang mga kamay nito ay nakahawak sa aking magkabilang bewang. Pinulupot ko naman sa kanyang leeg ang aking mga kamay.

"Hmp. Bola! May kasalanan ka lang sa akin eh" natatawang pangaalaska ko sa kanya.

"Im sorry sofia, gusto ko naman talagang sabihin sayo eh...di ko lang alam kung paano" sagot niya sa akin.

Mula sa bandang likod ni callum ay natanaw ko ang mariin at matalim na tingin sa amin ni sir zach. Kaya naman dahan dahan kong iginawi si callum para magpalit kami ng pwesto.

"Ayos lang naman iyon sa akin, basta para sa ikabubuti mo" paninigurado ko pa sa kanya.

Dahan dahan nanamang nagpapalit ang aming posisyon dahil sa dahan dahang pagikot namin. Pero nagulat ako ng wala na si sir zach sa kanyang kinauupuan ngayon.

"Enjoy the night..." pangaasar ni cassie sa amin.

At halos manindig nanaman ang aking balahibo ng makita ko ang kasayaw nito. Matalim pa din ang kanyang tingin sa akin. Buti na lamang at di pinansin ni callum ang presencya ng dalawa. Nanatili ang buong atensyon nito sa akin.

"Pero ayoko kayong iwan ni Zeus, baka maMiss niyo ako" nakangising sabi pa niya sa akin.

Pabiro ko siyang hinampas sa dibdib. "Ang kapal ng mukha nito" natatawang pangaasar ko sa kanya.

"Pero seriously sofia, di ko pa talaga alam kung dapat kong tanggapin iyon, ngayon ko lang kasi kayo iiwan ng matagal ni Zeus" pamomorblema niya.

Tumaas ang kanang kamay ko para haplosin ang kanyang pisngi. "Palagi mo na lang kaming inuuna ni Zeus, gusto ko ngayon. Yung sarili mo naman Callum...para sayo iyon, magandang experience iyon para sayo" pagpapaintindi ko pa sa kanya.

Tipid itong ngumiti. At nalipat ang mga kamay nito sa aking likuran para mas lalong mapalapit ang katawan naming dalawa. Nagtaas baba din ang kamay nito sa hubad kong likuran.

"Paano kayo?" Malungkot na tanong nito sa akin.

"Sandali ka lang naman dun, tsaka andito lang kami palagi ni Zeus para suportahan ka. Love na love ka kaya namin" paglalambing ko pa sa kanya.

Lumawak lalo ang ngiti nito. "Ang swerte ko talaga sayo...sa inyo" sabi niya bago ako napakagat labi ng tinaniman nito ng maliit na halik ang hubad kong balikat, patungo sa leeg hanggang sa pisngi. Bago niya marahan at buong paglalambing na inangkin ang aking labi.

"ZACH!' sigaw ni Cassie na naging dahilan para mapatigil kami ni Callum.

Napalunok ako ng maalalang nandito nga rin pala siya. Andito siya at nakita niya lahat iyon. Di ko na nakita pa si Sir Zach pagkatapos ng sayaw, marahil ay nagkaEmergency sabi ni Cassie kaya daw biglang umalis.

"SOFIA! NAMISS KA NAMIN!" sigaw ng aking mga kaibigan ng magkita kami sa isang restaurant malapit sa kanilang pinapasukang companya at pagaaplyan ko din.

Malaki na din ang mga pinagbago ng mga ito. Lahat sila ay nakapangoffice attire. "Kamusta ka na?" Bati ni Jochelle sa akin.

Nginitian ko ito bago sinagot. Busy kasi iba sa pagorder. "Ayos naman ako." Sagot ko pa sa kanya.

"Buti naman kung ganun, ang tagal mo ding di nagparamdam sa amin...nabalitaan na lang namin na ikinasal ka na at may anak ka na din" sabi pa nito na tinunguan ko na lang.

"Kailan ba uli tayo magkikita kitang lahat? Namimiss ko ng magkakasama tayo" sabi naman ni Chrsitine.

"Naku siguradong busy sina Glayn at Theresa sa school, ang alam ko finals nila eh" sabi pa ni grace habang ang kanyang mga mata ay nasa menu.

"Gagawa tayo ng paraan, kailangang maPush ito" si justine iyon.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Hanggang sa matapos ang lunch time nila at sinamahan nila ako papasok sa companya.

Combridge Pharmaceutical Corporation

Masyadong maganda ang building na ito. Dahilan para malula ka, para ka tuloy pumasok sa isang mamahaling hotel dahil sa laki at ganda ng chandelier.

"Oh! Ganda noh! Yayamanin" natatawang sabi ni Elyza sa akin.

"Kumpleto ito. Pwede ka sa manufacturing o dito mismo sa main office" pagpapaliwanag ni Christine sa akin.

Tumango tango ako at tsaka muling iginala ang paningin sa kabuuan ng lugar. Dahil may mga trabaho pa sila ay hinatid na lamang nila ako sa may HR. Di naman din ako nagtagal duon. Nagpasa ako ng resume bago ako binigyan ng schedule for interview. Halata kasing madami ang nagaaply dahil sobrang busy ng lahat.

Muli kong tinahak ang palabas ng building. Tinext ko na din ang mga kaibigan ko na ayos na ang lahat at nagpasalamat na din sa kanila. Habang palabas ay marami akong nakasalubong na nakaputing tshirt at maong pants. May nakasulat na intern sa kanilang likuran.

"Good Afternoon po ma'm Sofia" bati sa akin ng isang katulong.

"Si Zeus po?" Tanong ko dito.

"Nasa lanai po sa second floor, na kay ma'm Cassandra po" sagot nito sa akin. Di ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. Mabilis akong umakyat sa second floor para puntahan ang mga ito.

"Cassie" tawag ko dito.

Lumingon ito sa akin kinabahan ako ng iritado ang pagmumukha nito. Napababa ang tingin ko sa di maayos na pagkakakarga niya sa aking anak.

"Baby" nagaalalang tawag ko dito habang namumula ito at mamasamasa ang kanyang mga mata.

Ng mapunta ang tingin nito sa akin at mukhang nakilala ako ay kaagad nanaman iyong sumibi. Kaya naman walang pagdadalawang isip kong kinuha ang aking anak.

"Anong ginawa mo sa kanya Cassandra?" Tanong ko dito habang pinupunasan ang pisngi ng aking anak.

Nakapamewang itong humarap sa akin. "Wala akong ginagawa sa kanya noh!" Laban niya pa sa akin.

Di ko siya nasagot, busy kasi ako sa aking anak. "Matanong nga kita sofia, nasaan na ba talaga ang ama niyang anak mo?"

"Hi...hindi ko alam" mabilis na sagot ko sa kanya.

Matagal ako nitong tiningnan na para bang binabasa niya ako. "Bahala na nga kayo diyan...di ko nagugustuhan ang pumapasok sa isip ko tuwing tinitingnan ko ang mukha ng anak mo" pagmamaktol nito at dali daling kinuha ang kanyang handbag.


"Ba...bakit?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.


Tinaasan ako nito ng isang kilay. "May kamukha siya, at di ko nagugustuhan ang namumuong konklusyon sa utak ko"







(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

199K 3.8K 21
Dice and Madisson
798K 41K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
2.2M 56.9K 45
Barkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwi...
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...