The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 30

76.4K 1.9K 119
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Kahit nagulat ay kaagad akong niyakap ni ma'm grace. "Shhh...hindi magagawa ni Zach iyon sayo" pagaalo niya sa akin.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa naramdaman ko na lamang ang namumuong pagkamuhi para kay sir zach.

"Magkikita sana sila ni Attorney ng biglang may humarang sa sinasakyan niyang taxi. Apat na lalaking nakasakay sa motor, pinaulanan sila ng bala...ayaw na talaga nilang buhayin ang Daddy mo" umiiyak na sumbong ni mommy.

Halos magwala na ito sa labas ng emergency room. May mga pulis na din na kinakausap naman si lola dahil hindi makausap ng maasyo si mommy dahil sa kanyang kalagayan.

"Excuse po, Ma'm may suspect po ba kayo, na pwedeng gumawa nito sa Daddy niyo?" Tanong sa akin ng isang pulis habang tahimik akong umiiyak sa gilid.

Sa aking tabi ay si ma'm grace na walang ginawa kundi ang patahanin at damayan ako. Palagi din nitong pinapaalala sa akin na may isa pang buhay sa sinapupunan ko na kailangan ako para maging malakas.

Malakas ang kutob kong sila sir Zach ang may kagagawan nito. Pero di ko kayang sabihin sa pulis na nagtatanong sa aking harapan ngayon. Malakas ang pakiramdam ko na sila ang nasa likod ng lahat ng ito, pero ni isang salita ay walang lumabas sa aking bibig.

Tanging pag iling na lamang ang naisagot ko sa kaharap kong pulis. "Salamat po, Ma'm" sabi nito at kaagad na umalis sa aming harapan.

"Hindi ko inaasahang magagawa niya ito" humihikbing sumbong ko kay ma'm grace.

"Wala pa tayong alam, Sofia. Pero nasisigurado ko sayong hindi kayang gawin ni Zach ito...alam niyang masasaktan ka" pagpapatahan nito sa akin.

Bumalik ako sa pagiyak ng tahimik. Wag naman sanang may mangyaring masama sa daddy ko. Ngayong tinuturuan ko pa ang sarili kong tanggapin muli siya. Gusto ko pang subukang mabuo pa ulit kami. Hindi magiging madali pero pinipilit ko namang sinusubukan. Para kahit papaano ay bumalik ang lahat sa dati, kahit alam kong may lamat na ito.

Kaagad akong napalapit sa pwesto ni mommy ng lumabas ang doctor sa emergency room.

"Under observation pa po ang Mister niyo. Ililipat na po natin siya ngayong sa ICU, sa ngayon ang pwede na lang po nating magawa ay imonitor siya at maghintay" sabi ng doctor sa aming harapan.

Mas lalong napahagulgol si mommy at tsaka yumakap sa akin. Kaagad ko siyang dinamayan at tinahan. Naawa na ako sa kanya dahil lagi na lamang itong umiiyak, simula nung umalis si daddy, nung mahuli, at ngayon ito. Ang gusto lang naman niya ay mabuo kaming pamilya, mabigyan ako ng buong pamilya.

"Sofia..." tawag ng kararating lamang na si sir kervy.

Kaagad na humalik ito kay ma'm grace bago lumapit sa akin. "What happend? Nagpatulong na din ako sa mga kilala ko para mapadali ang paghahanap ng may kagagawan nito" sabi niya pa sa akin.

Gusto kong magpasalamat pero di ko magawa. "Umamin na po kayo...si Sir Zach po ba ang may pakana nito?" Matapang na tanong ko sa kanya.

Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Kaagad siyang dinaluhan ni ma'm grace para pakalmahin. "What are you talking about Sofia? Hindi ito magagawa ng pinsan ko" diretsahang pagtanggi niya na para bang siguradong sigurado siya.

Inaasahan ko na ang kanyang sasabihin. Ano nga bang mapapala ko? Pinsan niya iyon kaya naman ipagtatanggol niya.

"Pero siya lang po ang may kakayanan na gawin ito..." pagkasabi ko nuon ay hindi ko na napigilang mapahagulgol.

"Damn it..." rinig ko pang frustrated na bulong nito.

Natahimik ito sandali malamang ay pinapakalma niya ang kanyang sarili. "Look Sofia, hindi kayang gawin ni Zach ito. You know him right? Nagkasama kayo sa iisang bubong. Bakit ganuon kadali na lang sayong pagbintangan siya?" Seryosong tanong pa niya at hindi matatago ang hinanakit sa boses nito habang sinasabi ang mga iyon.

Napatakip na lamang ako ng parehong palad ko sa aking mukha. Napapailing na lang din ako habang umiiyak. Sa sobrang gulo ng utak ko, di ko na alam kung tama pa nga ba ang mga naiisip ko. Halos lahat na lang ay mabilis na dumadagsa sa utak ko dahilan para wala ng preno ang lahat ng sasabihin ko. Hindi ko na napagiisipang mabuti, wala na akong oras na pagisipan pag mabuti.

"Sorry...Hindi ko na po alam ang gagawin ko" paumanhin ko sa mga ito. Nakaramdam na din ako ng hiya dahil nasasangkot pa sikang magasawa sa mga problema na ako naman ang may kagagawan. Dahil sa mga naging maling desisyon ko dati ay ito ako ngayon, maraming napeperwisyong buhay.

Muling lumapit si ma'm grace sa aki at tsaka ako niyakap. "Naiintindihan namin Sofia. Laging mo lang tatandaan na nandito lang kami para sayo...handa kaming tumulong" pagninigurado pa nito at pagaalo.

Dahil bawal magstay sa ICU ay magkakasama kaming umuwi ni mommy at ni lola. Di pa rin ito matigil sa pagiyak at di pa nga makausap ng maayos. Nagpresinta na din kasi sina ma'm grace at sir kervy na sumabay na kami sa kanila dahil may dala silang sasakyan.

"Salamat sa inyo..." pasasalamat ni Lola habang akay akay niya si mommy, nauna silang pumasok ng bahay.

"Sofia, hindi ko alam kung ano yung nararamdaman mo ngayon. Pero alam kong sobrang bigat non, pero sana wag mo ring pabayaan ang sarili mo...may batang umaasa sayo" nagaalalang paalala sa akin ni ma'm grace.

Kaagad ko siyang tinanguan at binigyan ng tipid na ngiti. Tama siya, di ako pwedeng magpabaya, dapat ay maging matapang ako. Lalo na ngayon.

May iilan pa silang bilin sa akin bago sila tuluyang umalis. Tinanaw ko ang sasakyan nila habang papalayo ito. Umikot na ako para sana pumasok na ng magulat ako ng makita ko ang gulat na mukha ni lola. Mukhang binalikan ako nito pagkatapos ihatid si mommy sa loob.

"Sofia..." paos na tawag nito sa akin.

Ilang lunok muna ang nagawa ko dahil sa parang kung anong nakabara sa aking lalamunan. "Lola, kanina pa po ba kayo diyan?" Tanong ko kahit natatakot ako.

"Apo, akala ko ba bestfriends tayo? Dapat walang secret diba?" Pagtatampo pa nito.

"So...sorry po, Lola" paghingi ko ng tawad at kaagad na yumakap sa kanya.

"Hindi ko po sinasadya, kasalanan ko pong lahat ito" paninisi ko sa aking sarili habang umiiyak sa mga bisig niya.

"Sofia, Apo. Hindi mo kasalanan ito, walang may gusto nito...at yang bata sa sinapupunan mo biyaya yan" pangaral niya sa aki kaya naman tuloy mas lalo kong hinigpitan ang aking yakap sa kanya.

Iniwan ko si lola at ipinagsawalang bahala sa mga nagdaang problema. Hindi ko din alam kung paano siya nung mga panahong iyon, lalo na't siya lang din ang pwedeng kapitan ni mommy dahil wala ako...dahil iniwan ko sila.

Di niya ako hinayaang matulog na hindi kumakain. Napagdesisyonan din naming wag munang sabihin kay mommy dahil marami pa itong iniintindi sa ngayon. Siguro ay pag maayos na si daddy tsaka na namin sabay na sasabihin sa kanila ang lahat.

"May lakad ka ba ngayon, Apo?" Tanong sa akin ni lola kinaumagahan. Naghahanda ito ng almusal sa mesa, si mommy ay hanggang ngayon tulog pa din sa kanyang kwarto. Marahil ay di kaagad siya nakatulog kagabi.

"May pupuntahan lang po ako lola pero pagkatapos po nuon ay didiretso naman po ako kaagad sa hospital" sagot ko sa kanya.

Di naman na ito nag tanong ng kung ano pa, nung nagusap kami kagabi ay sinabi niya sa akin na suportado niya lahat ng magiging desisyon ko dahil may tiwala siya sa akin.

Di ko alam kung saan ko pwedeng mahanap si sir zach. Kailangan naming makapagusap, hindi pwedeng ganito na lamang na wala na lamang pansinan bigla. Wala akong ideya kaya naman nagbakasakali ako sa school. Hindi ko na sinubukan pang pumasok dahil alam ko naman na hindi na ako papapasukin ng guards dahil iyon ang utos ni ma'm president.

Dumiretso ako sa parking lot para tingnan kung nanduon ang kanyang sasakyan. Nabuhayan ako ng loob ng makita kong nakaparada iyon sa tapat ng bagong tayong dentistry building.

Naghintay ako sa tabi nuon. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyante. "Sofia!" Tawag sa akin nina Justine, Grace at Elayza.

"Ba't hindi ka pumasok sa loob?" Tanong ni Elayza sa akin.

"Oo nga! Para kang guwardiya ng sasakyan ni Sir Zach diyan" sabi pa ni Justine.

"Nasa quadrangle sila, tara pasok ka" yaya naman sa akin ni grace.

Kaagad kong sinabi sa kanila na hindi ako pwedeng basta basta na lamang pumasok dahil sa utos ni ma'm president. Humiram din ako ng notebook sa kanila, nagsulat ako ng sulat dahil nawawalan na ako ng pagasa na lumabas si sir zach at makita ko siya.

"Pasencya na talaga kayo sa abala" nahihiyang sabi ko sa kanilang tatlo.

"Tsaka sana sa atin atin na lamang muna ito, medyo magulo pa kasi ang sitwasyon" pahabol ko pa.

Kaagad naman silang tumango na tatlo. "Gagawin namin ang lahat para maibigay namin ito kay Sir Zach, Sofia" paninigurado pa ni grace sa akin.

Hinatid sila ng mga mata ko habang papasok sila ng university. May parte sa aking naiinggit dahil ganyan din sana ang buhay ko ngayon, ordinaryong studyante. Pero naging komplikado ang lahat para sa akin.

"Hindi ka talaga makaintindi ng simpleng salita, Ms. Hernaez"

Napahinto ang paglalakad ko palayo sa university at kaagad na napabaling sa nagsalita.

"Anong mahirap intindihin sa salitang wag ka ng magpapakita dito?" Mariing tanong sa akin ni ma'm president.

"Kailangan ko pong makausap si Sir Zach, marami po kaming kailangang pagusapan" matapang na sagot ko pa sa kanya.

Nakita ko ang pagkainis sa kanyang mukha na dinaan na lamang niya sa pagngisi sa akin. "Alam mo, wala talaga akong masabi sa kakapalan ng pagmumukha mo. Ayaw ka ng makita ng anak ko kaya lumayo ka na" utos niya pa sa akin.

Kumunot ang aking noo. "Bakit po? Dahil po ba may kinalaman kayo sa nangyari sa Daddy ko?" Tanong ko pa sa kanya.

Nagulat ako ng lumipad ang kamay nito sa aking pisngi. "Wag na wag mong maibaling sa amin ang sisi, dahil alam nating pareho kung sino ang tunay na biktima dito" matapang na sagot nito sa akin.

"Alam ko po, kaya nga hindi niyo natanggap ang hatol ng korte sa Daddy ko kaya kayo na ang humatol sa kanya sa sarili niyong paraan" laban ko pa sa kanya. Alam kong mas matanda siya sa akin. Pero walang lugar ang pagpapakita ng paggalang sa ngayon.

"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo bata! Hinding hindi kami papayag na marungisan ng dugong basura ang mga kamay namin" pagkasabi niya nuon ay kaagad siyang umalis.

Nanlulumo pa din akong nagtungo sa hospital. Nagtaka ako ng di ko makita si mommy duon. Kaya naman kaagad akong tumawag sa bahay, nalaman kong nanduon pa si mommy at may sakit daw ito sabi ni lola. Para akong pinagbagsakang langit at lupa. Kung wala lang batang unti unting nabubuo sa sinapupunan ko ay matagal na siguro akong nagisip ng bagay na hindi tama.

"Pagaling ka Daddy, kailangan ka pa ni Mommy. Kailangan pa kita at ng magiging Apo mo" pagkausap ko dito.

Bago umuwi sa bahay ay napagpasyahan ko munang kuhanin na ang lahat ng gamit ko duon sa condong tinuluyan namin ni sir zach. Kagaya pa din ito nung huling punta ko, ginawa ko kaagad ang dapat kong gawin. Gusto kong malungkot, gusto kong umiyak habang isa isa kong nilalagay sa maleta ang mga gamit ko.

Isa isa ko na ding inilabas sa kwarto ang mga maleta ko. Iniligay ko muna iyon sa may gitna ng sala ng magulat ako ng bumukas ang pintuan.

"Sofia..." tawag sa akin ni sir zach at mabilis na kinain ng kanyang malalaking hakbang ang aming pagitan.

Nabigla ako ng kaagad niya akong niyakap. Naamoy ko din kaagad ang alak mula sa kanya.

"Damn...I miss you so much" mariing sabi nito habang mas lalong humigipit ang yakap nito sa akin.

Kaagad akong nagpumiglas at buti na lamang ay humiwalay din naman siya kaagad. "I'm sorry Sofia, i'm so messed up this past few days..." nanlulumong sabi pa niya sa akin at tangka nanaman sana niya akong yayakapin ng kaagad kong iniharang ang magkabilang kamay ko sa kanya.

"May kinalaman ka ba sa nangyari kay Daddy?" Matapang at diretsahang tanong ko sa kanya.

Medyo nakaramdam ako ng sakit ng makita ko ang pagusbong ng sakit sa kanyang mga mata. "Ofcourse not baby, hindi ko yon magagawa sayo..." sincere na sabi pa niya.

Natahimik ako pagkatapos nuon, kaya muli nanaman siyang nagkaroon ng chance na lapitan ako. "Sumama ka na sa akin sa America, Sofia. Hindi safe dito...please sumama ka na sa akin" frustrated na pamimilit niya sa akin.

Kaagad na kumunot ang noo ko kasabay ng paginit ng aking ulo. "Sa lahat ng nangyayari ngayon, yan pa din ang nasa isip mo?" Dismayadong tanong ko sa kanya.

Parang wala naman iyon sa kanya. "I just want you safe, so please come with me...I promise na aalagaan kita duon, Sofia" paninigurado pa ito.

Di ko alam kung dahil lang ba sa lasing siya o magulo lang talaga ang isip niya.

"Hindi po ako makakasama" malumanay pero seryosong sabi ko sa kanya.

"But your promise...sabi mo hindi mo ako iiwan" Punong puno ng sakit ang kanyang bawat salita, pero i need to choose, kailangan ko ng magdesisyon. At pipiliin ko ang dapat kong pinili simula pa lang.

"Umalis kang magisa Sir Zach, kasi sa totoo lang pinagsisisihan ko ang araw na nakilala at pinapasok kita sa buhay ko"






(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

6.2M 146K 54
Wala na bang pinipili ngayon? pati bestfriend kabilang na din sa listahan ng papaiyakin, papaasahin at paglalaruan mo!?
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.8M 42K 22
Mahal ko siya pero sumusuko na siya... Palagi kong sinasabing andito lang ako pero di siya naniniwala, ayaw niyang ipagkatiwala yung puso niya hangga...
207K 3.9K 21
Dice and Madisson