Ways For Her To Dislike Him

By _gette_

18.5K 965 157

Complete. Thelistine High #1 l Caile is having a quite smooth academic life as the council president of the p... More

Prologue
Ch. 1: Caile Christian Lajara
Ch. 2: Their Plan
Ch. 3: First Encounter
Ch. 4: Off the record
Ch. 5: Trash
Ch. 6: Agree
Ch.7: Campaign week l Election day
Ch. 8: His New Secretary
Ch. 9: Trouble
Ch. 10: Acquaintance party
Ch. 11: Acquaintance party: Seducing Andy
Ch. 12: Acquaintance party: Seducing Tamarra
Ch. 13: The undeclared Queen Bee
Ch. 14: Clash
Ch. 15: Interruption
Ch. 16: ...
Ch. 17: Pageant (Practice) I
Ch. 18: Pageant (Practice) II
Ch. 19: Pageant (Practice) III
Ch. 20: Pageant Night I
Ch. 21: Pageant Night II
Ch. 22: Pageant Night III
Ch. 23: Pageant Night IV
Ch. 24: Missing in action
Ch. 25: Caile's first move
Ch. 26: Caile's second move
Ch. 27: Caile being caring
Ch. 28: Locked up
Ch. 29: Little suspicion
Ch. 30: Quarrel
Ch. 31: Outcome
Ch. 32: Busy
Ch. 33: Fieldtrip
Ch. 34: Fieldtrip II
Ch. 35: Fieldtrip III
Ch. 36: Change of feelings
Chapter 38
Ch. 39: He suddenly wants to stop
Ch. 40: Range of anger
Ch. 41: Comfort Zone
Ch. 42: Over
Ch. 43: Rumors
Ch. 44: Caile x Tamarra
Chapter 45
Ch. 46: The Witch
Ch. 47: Sports Fest
Ch. 48: Sports Fest II
Ch. 49: Sports Fest III
Ch. 50: Sports Fest IV
Ch. 51: Bewitched
Ch. 52: Evade
Ch. 53: Confession
Ch. 54: Confusion
Ch. 55: Rejection
Ch. 56: Observation
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60: Christmas party I
Chapter 61: Christmas party II
Chapter 62: Aftermath
Chapter 63: After this
Chapter 64: After all
Chapter 65
Special Chapter
Thelistine #2: He's Mine
Thelistine 1.2: Wayward Love

Ch. 37: Aimee x Andy

177 14 0
By _gette_


ANDY'S POV


"Caile, sasama ka sa'min?"

"Saan?"

"Tatambay kami sa Freedom park."

"Kayo nalang muna, may meeting kami."

"Na naman? Ba 'yan."


Napasulyap ako sa pwesto nina Caile nang marinig ko iyon. Malamang na meeting ng council ang tinutukoy niya, kung may meeting sila edi kasama doon si Tamarra.


Pero nagtanong ako kay Tami kanina kung libre ba siya ngayong hapon, sabi niya oo raw.


Napapailing na umupo muna ako sa upuan ko at nilabas ang phone ko, saktong pagbukas no'n ang pagpasok ng text ni Tamarra.


[Tuloy tayo mamaya, may saglit na meeting lang kami. Hihintayin mo ako, diba? =)]


Mabilis akong nagreply ng sige. Agad kong itago ang phone matapos no'n at sandaling inisip kung saan ako tatambay habang naghihintay. Naisip ko ang garden. Tama, doon nalang muna, para na rin makasagap ng natural na lamig ng hangin, hindi tulad dito sa loob, air conditioned.


Umupo ako sa bakanteng bench na nandoon, wala na masyadong nakatambay dito dahil na rin sa uwian na. A perfect place if you wanted to have some peace of mind.


Tinext ko si Tam na hihintayin ko siya sa garden. Nagreply siya na 30 minutes lang daw tatagal ang meeting nila kaya sige. Nilagay ko ang bag ko sa dulo ng upuan saka ko ginawang unan iyon at humiga. Tinignan ko ang kulay orange na langit. Inalis ko muna ang mga tanong sa isip ko na ilang araw nang hindi nawawala.


Bakit mas nai-stress pa ako sa relasyon namin ni Tamarra kesa sa pag-iisip ng topic sa thesis namin?


Natawa ako. I met Tamarra almost a year ago. Sa tertiary campus ng Thelistine. Nandoon kami ng mga kaibigan ko dahil sa laban ng basketball team namin sa basketball team ng Helene Central School.


"JEKOY! I-SHOOT! I-SHOOT MO UMAYOS KA!! GO HELENEEEEEEE!"-sabay sabay kaming napalingon ng mga kaibigan ko sa maingay na cheer na iyon ng babaeng nasa likod namin.


Naka-Helene uniform. Napailing ako. Anong aasahan sa mga estudyanteng galing doon?


Maraming estudyanteng naki-kick out doon, madalas lalaki. Ang mga babae parang sa palengke nakatira kung makaasta. Minsan na kaming bumisita sa lugar na iyon dahil may isang laro ng basketball na doon ginanap at kahit kaming mga lalaki ay ilag sa mga babae doon. Naturingang semi-private ang school pero ang mga estudyante masahol pa ang ugali sa... ayoko nalang magsalita.


"Ten, ang ingay mo."-reklamo ng katabi niyang babae. Doon sandaling napunta ang tingin ko, parehas din ang uniform niya sa maingay na babae pero hindi katulad noong isa, mukhang hindi siya nag-eenjoy sa basketball game. Nagpapaypay siya ng sarili gamit ang cover ng notebook niya habang nililibot ng tingin ang paligid, maputi pero nangingintab ang mukha niya, naninilaw ang dapat puting uniform niya at ang buhok ay nakaclip sa likod.


Binalik ko ang tingin sa naglalaro. Naririnig ko ang palitan ng usapan ng dalawang babae sa likod pero hindi ko na iyon inintindi.


Natapos ang laro at nanalo kami laban sa Helene. Nagkaayaan na kaming umuwi na. Napasulyap pa ako sandali sa likod ng inupuan namin, wala na yung dalawang babae doon pero sa inupuan nila may naiwan.


Notebook.


Inabot ko iyon saka binuklat buklat. Ito ang notebook na hawak ng kasama ng babaeng maingay sa likod namin kanina.


Literature note. Tamarra Cruz.


Iyon ang nakasulat sa unahan.


Tamarra. Pretty name. Kinuha ko iyon saka sinubukang hanapin ang may-ari sa labas ng gym, pero masyadong maraming students at maraming taga-Helene, naiirita na ang kasama ko dahil parang palengke raw ang tertiary campus ngayon kaya mabilis na niya akong inayang umalis.


Hindi ko alam kung importante ba sa kanya ang notebook pero naisip kong isauli na lang din. Facebook ang ginamit ko para makita siya, hinanap ko ang pangalan niya, marami siyang kapangalan kaya inisa-isa kong tignan ang mga mukha ng lumabas sa search list. Nakita ko siya, hindi ko siya in-add pero na-message ko siya tungkol sa notebook niya. Ilang araw pa bago siya nagreply. Matapos ang ilang palitan ng messages, nakipagkita siya sa'kin sa Thelistine university, sa gym kung saan ko nakuha ang notebook niya.


That day was marked as the very first day my heart started beating for her. 


"Excuse me?"


Napamulat ako ng mata at sandali akong nasilaw sa liwanag ng langit.


"Excuse me."-pag-uulit ng boses mula sa kung saan.


Napaupo ako. "Huh?"-lumingon ako sa nagsasalita. At si Aimee ang nabungaran ko paglingon ko.


"Umusog ka, uupo ako."-utos niya sa natural na tono niya. Hindi nangmamataas o kung ano mang tawag doon. Napakunot ang noo ko at nilibot ng tingin ang paligid. Binalik ko rin agad ang tingin sa kanya.


"Sa dami ng bakanteng upuan... dito pa talaga?"


Nakatayo siya sa gilid ng bench at nandoon ang natural na walang pakealam na expression niya.


"Marami naman pala, so pwede ka nang tumayo at lumipat doon. Now, excuse me."-hindi ako gumalaw. "Ano?"-she snapped.


"Look, maraming upuan pero nauna ako dito, ikaw pwede mo i-occupy ang mga bench na walang nakaupo."


"But that's my spot."-sandali pa siyang itinuro ang upuan bago umupo sa tabi ko, nilagay niya ang bag niya sa pagitan namin.


Pambihirang babae. Tinignan ko siya, ano bang problema nito?


"If you think na aalis ako dahil nakaupo ka na dyan, well think again."


Humarap siya sa'kin. "Hindi iyan ang iniisip ko so shut up, ni wala ka sa iniisip ko."


Bigla akong natawa. Umiwas nalang ako ng tingin. Nawalang parang bula ang katahimikan. Dahil ginulo niya ang pananahimik ko, guguluhin ko rin ang kanya. Humarap ako sa kanya, diretso ang tingin niya sa harap pero pansing tagus-tagusan ang tingin niya doon.


"Ano bang iniisip mo?"-tanong ko.


Ilang sandali pa bago niya ako pinansin. Dahan-dahan niya akong nilingon saka sinagot.


"Something that is out of your concern."


"Ow."


Katahimikan ang sumunod. Aimee's really mysterious. Hindi mo siya mababasa, at kahit sikat siya sa buong campus, wala masyadong nakakaalam ng tungkol sa kanya. Madalas ay ina-isolate niya ang sarili niya fro the rest. Bukod sa kaibigan niyang babae na madalas niyang kasa-kasama ay wala na akong ibang nakitang kinakausap niya.


She's mysteriously attractive, kaya kahit ganyan siya at parang out of everyone's reach, maraming nagkakagusto sa kanya.


Biglang may pumasok sa isip ko, dahilan para mapatingin ako sa kanya.


"What's your relationship with Caile?"


Natawa ako nang maalala ko ang nangyari noong fieldtrip. Naaliw akong panoorin sila pero mas naaliw ako nang marinig ko ang kwento sa likod no'n.


"None."-mabilis siyang sagot na nakakunot pa ang noo.


"Sinong niloko mo? Pero alam mo bang bakla sya?"-hindi sikreto ang tungkol doon pero hindi rin si Caile ang tipo na ladlad kaya kung hindi mo siya kilala, hindi mo naman iisipin na bakla siya. Isa pa, sa Newton ay walang tumuturing sa kanya na ganon. Sobrang inirerespeto siya ng lahat.


Bigla siyang ngumisi sa'kin. Sandali akong natigilan doon.


An angelic face with devilish grin, imagine what an enticing face she have.


"Alam mo bang hindi totoo 'yan?"-nakangisi niyang sagot. 


Nawala ang ngiti ko. "I knew him since elementary."


Tumaas ang isang kilay niya. "Talaga? Eh ba't mas may alam pa ako?"-she mocked.


Nangunot ang noo ko. So, may relasyon ba kayo o wala?


"What do you mean?"


"Sabihin nalang nating... may alam akong hindi mo alam."


Yung ngisi, tono ng pananalita, at aliw sa mukha niya... medyo kinabahan ako sa mga iyon.


"Ano naman 'yon?"


"Kapag sinabi ko, wala nang thrill."


Ano bang pinagsasabi niya?


"Tungkol saan nalang?"


"Kapag sinagot ko 'yan, mahuhulaan mo na."


"Aimee."


"What?"-nakangisi pa rin siya. "Don't start with me, Andy."


Natahimik nalang ako. Nakadagdag sa isipin ko ang mga sinabi niya. Pakiramdam ko may bagay na alam si Aimee na hindi ko alam, pero may kinalaman ako. Kung ano 'yon, gusto kong malaman... pero paano?


"Waiting for Tamarra?"-tanong niya maya maya. Tumango lang ako, tinuon ko nalang ang tingin ko sa puno na malapit sa'min. Naramdaman kong sumandal siya sa upuan. "I wonder... anong nagustuhan mo sa kanya?"


Naramdaman kong uumpisahan na naman niya ang panlalait. "Hindi ko alam kung anong meron sa girlfriend ko at parang mainit ang dugo mo sa kanya."


"Bakit hindi mo siya tanungin? Iyon ay kung sasagutin niya ang tanong mo... I bet mahihiya iyon."


Mas lalo akong nalito. Magtatanong pa dapat ako pero natanaw ko nang lumabas ng building namin si Caile. Sandali lang siyang napasulyap sa gawi namin bago dumiretso sa pathwalk na papuntang car park. Napatayo ako, natanaw ko na rin kasi si Tamarra na palabas. Hindi na ako nagpaalam kay Aimee, iniwan ko nalang siya basta saka sinalubong si Tamarra.


Ngumiti agad siya pagkakita sa'kin.


Natuloy ang date namin at hindi ko na sinubukan banggitin kay Tam na nagkausap kami ni Aimee at may mga bagay itong sinabi sa'kin na kinalito ko. Naisip ko kasi na kung may gustong ipaalam si Tamarra sakin tungkol sa kanya, hindi ko na kakailanganing magtanong dahil siya na ang kusang mag-oopen no'n.

_________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

110K 5.2K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
1.9M 95.3K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...