The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 23

68.7K 1.8K 41
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________




Nagising ako dahil sa ginaw sa buong kwarto. Dahan dahan kong minulat ang mabibigat na talukap ng aking mga mata. Duon ko nakitang mataas na ang araw sa labas. Napahawak ako sa kumot na nagtatakip sa hubad kong katawan. Isang dahilan pa marahil iyon kaya mabilis kong naramdaman ang lamig sa buong kwarto.

Gusto kong gumalaw pero di ko kaya, sobrang sakit ng buong katawan ko. Sinubukan ko ding igalaw ang paa ko pero pag sinusubukan ko ay mas nararamdaman ko ang sakit sa gitna ng aking mga hita.

"Aray..." mahinang daing ko ng inipon ko lahat ng lakas ko para makaupo man lang.

Pagod na pagod akong sumandal sa headboard ng kama, hinila ko ang kumot para matakpan ang kahubaran ko. Duon ko nakita ang dugo sa puting bed sheet ng kama.

"Wala na..." frustrated na sabi ko sa aking sarili at mariing napapikit.

As far as i remember, nakatatlo kami. Yung tipong nakapikit na lang ako at gustong gusto ng matulog pero gumagalaw pa rin si sir zach sa aking ibabaw. Para nga itong walang kapaguran, parang nakalimutan din ata niyang iyon ang unang beses ko.

"Good morning" ngiting ngiting bati nito sa akin, di ko namalayang pumasok na pala ito sa kwarto.

"Go...good morning" mahina at naiilang na sagot ko sa kanya.

Nakaputing tshirt na ito at jersey shorts. Nakita ko ang galaw nito at ang paglapit niya sa cabinet.

"Ito muna ang suotin mo. I know you can't wear shorts for the mean time" nakangiting sabi pa nito na parang nang aasar pa.

Tinulungan niya akong masuot ang puting tshirt niya sa akin. Ramdam ko tuloy ang paginit ng magkabilang pisngi ko ng tumambad sa kanyang ang dibdib ko ng tinanggal niya ang nakatakip na kumot sa aking katawan.

"Where do you want to eat? Gusto mong dalhin ko na lang dito yung pagkain?" Malambing na tanong niya sa akin.

Kaagad akong umiling. "Sa baba na lang po" sagot ko.

Kita ko ang pagaalala sa mukha nito. "I know you're hurt" malambing na sabi niya at tsaka lumapit sa akin.

"Ayos lang po ako" nahihiyang sagot ko.

Muli kong naramdaman ang pagtaas ng balahibo ko ng inakay ako nito na parang bagong kasal. "Sir..." pagproprotesta ko dahil sa pagbubuhat niya sa akin.

"Wag kang malikot Sofia baka mahulog ka" natatawang suway nito sa akin.

Mas lalo akong napakapit sa leeg nito ng nagsimula na kaming bumaba ng hagdan. At nagulat ako dahil sa dami ng pagkain sa may lamesa.

"Thank you" sabi ko ng dahan dahan ako nitong ibinaba sa may upuan.

"You're welcome" sagot niya sa akin bago niya ako sandaling hinalikan sa labi.

Tahimik akong kumain, nagsimula na din naman ito, hanggang ngayon ay nahihiya pa din akong may masabi o magawa na makakapagopen ng topic sa nangyari kagabi kaya naman mas pinipili ko na lamang na manahimik na lang sa ngayon.

"You are now mine, Sofia" biglang singit nito dahilan para masamid ako sa paginom ko ng gatas.

"I won't run. I promise, gusto kong malaman mo na hindi katawan mo or virginity mo ang habol ko sayo." Seryosong sabi pa niya.

"I love you...and i'm even willing to marry you right now. But damn it , You're so young. For now on I want you to start taking pills" dugtong pa niya na ikinagulat ko.

"P...po?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Naningkit ang mata nito marahil dahil sa aking pagkwestyon sa kanyang desisyon. "Akala ko po ba gusto niyo ng magkaanak" pinilit kong gawing biro iyon.

Kita kong sumeryoso ang mukha nito. "Not now, you're too young for a child, Sofia" sagot niya sa akin.

Napababa ang tingin ko sa aking pagkain. Mas gusto ba niyang magkaroon ng anak sa kasing edad niya?

"Can you still swim?" Biglang basag niya sa nagharing katahimikan sa aming dalawa.

Napaangat ako ng tingin at muli kong naalala ang kundisyon ng aking balikat ngayon. "O...opo, sabi ni Coach Dylan bukas na lang kami magkita sa competition. Magpahinga na lang daw po ako sa ngayon" kwento ko sa kanya.

Bahagya itong tumango pero alam kong may gusto pa siyang sabihin na mas lalo kong ikinakaba. "How about your shoulder? Ayos na ba yan?" Tanong niya sabay sipat sa aking balikat.

Kaagad kong pinilit lawakan ang aking ngiti. "Ito po... ayos na po ito" nakangiting pagsisinungaling ko.

Sandali siyang sumimsim ng kape bago muling nagsalita. "Don't walk too much, you should rest" nakangising sabi niya sabay kindat sa akin.

Nakasalampak ako sa may sofa habang nanunuod ng Tv. Bago pumasok sa banyo ay inasar pa ako ni sir zach na sumabay na ako sa kanya sa banyo para matulungan daw niya akong maligo. Sobrang hiyang hiya talaga ako sa pangaasar niya pero ang panganagtwiran nito ay nakita naman na daw niya ang kabuuan ko.

"Before lunch babalik ako. I need to go to the bank" paalam niya sa akin habang inaayos niya ang kanyang polo sa aking harapan.

Batid kong maraming inaayos si sir zach ngayon, ang balita ko ay kinuha ni ma'm president ang lahat ng accounts niya kahit yung mga personal account ni sir zach ay pinaFreeze niya. Nalaman kong marami na itong utang kay sir kervy at sa mga kaibigan nito.

"Ok ka lang po ba?" Out of nowhere kong tanong.

Napatigil ito bago ako nginitian. Lumapit siya da akin at tsaka umupo sa aking tabi. "Ofcourse I'm fine, gagawin ko lahat para sayo Sofia...kaya natin to" paninigurado niya pa sa akin.

Ngnitian ko siya bago niyakap. "I love you, sir Zach" buong pusong sabi ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pagganti niya at ang mas lalong paghigpit niya sa yakap niya sa akin. " I love you too" sagot niya sa akin bago niya halikan ang labi ko.

Ng matansya kong ayos na ako at kaya kong ng gumalaw at maglakadlakad ay nagpasya na akong maligo. Medyo mahapdi talaga siya, kaya naman nagingat ako sa mga galaw ko. Pagkatapos maligo ay dahan dahan akong umakyat para makapagbihis na.

Nagsusuklay ako ng buhok at uupo na ulit sana sa sofa ng may kumatok. Inaasahan kong baka si sir zach na iyon kaya naman kaagad ko itong binuksan at nagulat ako ng makita ko si sir kervy duon.

"Pasok po kayo" sabi ko tsaka ko binuksan ang pintuan.

Pumasok naman siya kaagad at umupo sa sofa. "Wala po si Sir Zach, may pinuntahan po" sabi ko.

"Alam ko, ikaw naman talaga ang sadya ko, Sofia" seryosong sabi nito.

Nanduon yung kaba lalo na't kahit nuon pa man ay takot na talaga kami kay sir kervy dahil sa likas nitong kasungitan at sobrang misteryoso talaga, yung tipong di mo kayang biruin ng basta basta.

Inalok ko siya ng maiinom pero tumaggi naman siya kaya naman umupo na lamang ako sa kaharap nitong sofa.

"Nakuusap ko si Dylan, kinamusta ko ang training mo. Bukas na ang competition...handa ka na ba?" Seryosong tanong nito sa akin.

Tumango tango naman ako. "Ayos naman po, pahinga po kami ngayong araw para bukas" magalang na sagot ko dito.

Sandali itong natahimik. "May report na pinasa ang nurse sa akin, bilang chairperson ng university sports committee...sinabi niyang you are not fit to compete" propesyonal na saad nito.

Nanlamig ako sa kinauupuan ko, alam kong pansin niya iyon kaya naman siya na lang ulit ang nagsalita sa pagitan naming dalawa.

"Hindi ka lalangoy bukas, Sofia" pahayag niya pa.

"Si...sir, hindi po pwede" naiiyak na sabi ko.

"Hindi siya tutupad sa pangako niya, Sofia. I tell you, kilala ko si Auntie. Masasayang lang ang pagod mo" sabi nito nanikinalaki ng mata ko.

"Sir..."

"Hawak niya ang kaibigan mong si Lyndi para gawin sa iyo yan. Para sa ganon lumiit ang chance na manalo ka bukas. At kahit manalo ka, hindi niya basta basta hahayaan kayo ni Zach" sabi nito sa akin na para bang ito na ang katapusan ng lahat at wala ng pagasa pa.

"Gusto ko pong subukan" matapang na sabi ko pa.

Nginisian ako nito. "Pinaayos niya na ang lahat ng kailangan mo, kinakausap na din niya ang parent mo..."

"Para po saan?" Pagputol ko sa kanya.

"For you to be a exchange student" sagot niya.

Parang biglang tumigil ang aking paghinga. Parang nakaramdam ako ng galit na para bang ako ay niloko at natraydor. Uminit ang gilid ng aking mga mata at papatak na sana ang luha ko ng kaagad ko itong maagapan ng biglang bumukas ang pintuan.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni sir zach sa kanyang pinsan.

May dala itong paper bag. "Dito ka ba maglulunch? Nagtake out ako sa restaurant" dugtong pa niya dito pero nakatingin lamang si sir kervy sa kanya.

Napabaling naman si sir zach sa akin pero nagiwas na lamang ako ng tingin. "Kamusta ang bangko?" Seryosong tanong ni sir kervy dito.

Padabog na umupo ito sa tabi ko tsaka niya pinulupot ang kamay niya sa bewang ko. Kita ko ang pagbaba ng mata ni sir kervy duon.

"Ang mga putanginang yon! Nasuhulan na siguro ng pera ang mga walanghiya" galit na galit na sagot nito.

Naaawa akong tumingin sa kanya. Alam kong ginagawa niya ang lahat para sa amin. Pero nginitian lamang ako nito tsaka ako hinalikan sa ulo.

"Nga pala! Ikaw muna ulit ang magbayad sa abogado ko ha!" Baling ni sir zach dito.

Tinaasan siya ng kilay ni sir kervy. "May patago kang pera sa akin?" Pangaasar nito.

"Para saan pa at naging pinsan kita? Wala kang kwenta!" Asar ni sir zach dito.

"Tarantado!" Sambit na lamang ni sir kery habang napapailing.

"Bukas ng umaga imemeet ko yung abogado ko, tapos didiretso kaagad ako para mapanuod kita" masayang kwento ni sir zach sa akin.

Napatingin na lamang ako kay sir kervy. Mariin itong nakatingin sa akin na para bang hinihintay niyang sabihin ko kay sir zach na di na ako sasali bukas. Pero di ko gagawin iyon, papatunayan ko ka ma'm president na gagawin ko ang lahat ng makakaya, para naman mahiya siya para sa sarili niya sa oras na di siya tumupad sa usapan namin.

"Anong ng balita?" Tanong ni sir kervy dito.

"Kumpleto na ang lahat ng kailangan, bukas ko na din malalaman ang tunay na mastermind sa pagpatay kay Dad" sabi nito.

Nahigit ko ang aking hininga ng mapatingin sa akin si sir kervy. Di lingid sa kaalaman kong may alam siya kung sino talaga ako.

"Maiwan ko na kayo, sa tingin ko marami kayong dapat na pagusapan na dalawa" makahulugang paalam niya sa amin at walang lingon lingon na lumabas ng apartment.

"Kain na tayo, hayaan mo na yung sumpungin na yon" natatawang sabi ni sir zach sa akin tsaka niya ako hinila papunta sa dinning.

Siya ang nagayos ng mesa. Pinaupo lamang ako nito at di pinagalaw. "Hindi mo na ba mapapatawad ang pumatay sa Daddy mo, Sir Zach?" Matapang na tanong ko sa kanya.

Napahinto ito sa kanyang ginagawa. "Hindi...walang pwedeng makapagpabago ng desisyon ko" sagot nito sa akin at damang dama ko ang determinasyon sa kanyng boses.

"Kahit na sino?" Kinakabahang tanong ko pa.

"Kahit na sino" mabilis at matigas na sagot niya sa akin.

Humugot ako ng napakalalim na paghinga. "Kahit ako?" Mahinang sabi ko.

Tumingin ito sa akin bago hinaplos ang pisngi ko. "Wag lang ikaw Sofia. I want you out of this issue, ayokong nadadamay ka sa mga ganitong klase bagay." Sagot niya na tipid ko na lamang na nginitian.

Maaga kaming nagising kinabukasan. Kailangan ay maaga ako sa school, at si sit zach naman ay may lakad para imeet ang kanyang abogado. Sa totoo lang di ko alam kung ako kinakabahan, sa competition ba o sa kung anong mangyayari pagkatapos niyang malaman ang lahat sa abogado niya.

"Didiretso ako kaagad dun, promise hindi ako malalate" paglalambing nito habang nakayakap sa akin mula sa likod.

Dahan dahan akong humarap sa kanya. "Sana walang magbago" malungkot na sabi ko at anong mang oras ay gusto ko na talagang umiyak. Gusto ng pumutok ng dibdib ko dahil sa sobrang bigat nito. Gusto ng mag breakdown ng systema ko sa pagfunction dahil sa bagod. At gusto na ding masira ng ulo ko sa sobrang daming iniisip.

Kumunot ang noo nito, marahil ay nahiwagaan sa aking sinabi. "Walang magbabago, Sofia" nakangiting paninigurado niya sa akin bago niya inangkin ng buo ang aking labi.

Ayokong lumabas ng kanyang sasakyan pagkadating namin sa harapan ng school. Ayokong umalis sa tabi niya at hayaan siyang magisang malaman ang totoo. Natatakot akong baka pagkatapos ng lahat ng ito ay bumalik kami sa dati. Yung tipong napakalayo niya sa akin at wala akong karapatang lumapit sa kanya.

Natatakot akong mawala siya sa akin.

"Focus, Sofia!" Sigaw ni coach dylan sa mismong tenga ko.

Sa sobrang gulat ay napatalon pa ako pero tinawanan lamang ako nito.

"Game...pwesto na" turo niya sa akin sa mga nakahelerang makakalaban ko.

Huminga ako ng malalim bago humakbang. Nagpalinga linga ako pero wala pa din duon si sir zach. Lalo tuloy akong kinabahan. Natanaw ko din ang mga kaibigan ko. Di man magkakatabi ay kumpleto naman sila.

Pumwesto na kaming lahat. Sobrang kaba ng dibdib ko. Sandali kong iginala muli ang paningin ko sa buong paligid at duon ko na nakita ang kararating lamang na si ma'm president. Nakahalukipkip ito at nakangising nakatingin sa akin.

Lahat ng kaba at sakit na nararamdaman ko ay inipon ko para maging motivation at tapang. Sabay sabay kaming tumalon ng marinig na namin ang hudyat. Rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga nanunuod.

"Sofia! Go Sofia!" Dinig na dinig ko ang nangingibabaw na boses ni coach dylan.

Mas nilawakan ko pa ang pagikot ng aking mga kamay. Ayos pa naman nung una pero ng muli kong itinaas ang kanang kamay ko ay halos makainom ako ng tubig dahil sa pagdaing. Sobrang sakit nuon.

Pero di ko pinansin, sinubukan ko pa din. Sobrang sakit, napakasakit. Ilang beses akong nakainom ng tubig pero pinagpatuloy ko pa din.

Kahit second lang...

Paulit ulit na bulong ko sa sarili para kahit papaano ay makapasok sa next round.

"Tama na, Sofia! Tama na!" Sigaw ni coach dylan sa akin.

Di ko siya pinansin, di ako hihinto. Sa sumunod kong pagtaas ng kanang kamay ko ay halos malunod na ako dahil di ko na kaya pang ibalance ang sarili ko dahil para akong pinapatay ng sakit.

"Tama na to" malapit ang boses ni coach dylan. Duon ko lang naramdaman na inakay na ako nito.

"Masakit po..." mahinang daing ko sa kanya. Tumulo na din ang luha sa aking mga mata. Di pansin iyon ng iba dahil naghiyawan na sila ng mayroon ng nanalo.

"Dadalhin na kita sa clinic" nagmamadaling sabi ni coach dylan at tangka niya akong bubuhatin ng may pumigil sa kanya.

Tiningala ko ito. Blanko ang kanyang ekspresyon. Nakakatakot, at alam kong may mali.

"Bitawan mo siya" malamig na saad ni Sir Zach.









(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 142K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
802K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
2.2M 56.6K 33
[COMPLETED] Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sa 'yo? • • • Fina Tuazon is a plain college student whose only drea...