Ways For Her To Dislike Him

Door _gette_

18.5K 965 157

Complete. Thelistine High #1 l Caile is having a quite smooth academic life as the council president of the p... Meer

Prologue
Ch. 1: Caile Christian Lajara
Ch. 2: Their Plan
Ch. 3: First Encounter
Ch. 4: Off the record
Ch. 5: Trash
Ch. 6: Agree
Ch.7: Campaign week l Election day
Ch. 8: His New Secretary
Ch. 9: Trouble
Ch. 10: Acquaintance party
Ch. 11: Acquaintance party: Seducing Andy
Ch. 12: Acquaintance party: Seducing Tamarra
Ch. 13: The undeclared Queen Bee
Ch. 14: Clash
Ch. 15: Interruption
Ch. 16: ...
Ch. 17: Pageant (Practice) I
Ch. 18: Pageant (Practice) II
Ch. 19: Pageant (Practice) III
Ch. 20: Pageant Night I
Ch. 21: Pageant Night II
Ch. 22: Pageant Night III
Ch. 23: Pageant Night IV
Ch. 24: Missing in action
Ch. 25: Caile's first move
Ch. 26: Caile's second move
Ch. 27: Caile being caring
Ch. 28: Locked up
Ch. 29: Little suspicion
Ch. 30: Quarrel
Ch. 31: Outcome
Ch. 32: Busy
Ch. 33: Fieldtrip
Ch. 35: Fieldtrip III
Ch. 36: Change of feelings
Ch. 37: Aimee x Andy
Chapter 38
Ch. 39: He suddenly wants to stop
Ch. 40: Range of anger
Ch. 41: Comfort Zone
Ch. 42: Over
Ch. 43: Rumors
Ch. 44: Caile x Tamarra
Chapter 45
Ch. 46: The Witch
Ch. 47: Sports Fest
Ch. 48: Sports Fest II
Ch. 49: Sports Fest III
Ch. 50: Sports Fest IV
Ch. 51: Bewitched
Ch. 52: Evade
Ch. 53: Confession
Ch. 54: Confusion
Ch. 55: Rejection
Ch. 56: Observation
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60: Christmas party I
Chapter 61: Christmas party II
Chapter 62: Aftermath
Chapter 63: After this
Chapter 64: After all
Chapter 65
Special Chapter
Thelistine #2: He's Mine
Thelistine 1.2: Wayward Love

Ch. 34: Fieldtrip II

142 12 0
Door _gette_


TAMARRA'S POV


Nag-enjoy ako simula sa panonood ng Sea Lion and Dolphin's show hanggang sa pagtanaw sa dagat ngayon. 


Nagulat ako nang bigla akong dambain ni Alliya.


"Everyone's enjoying the day, girl. Ikaw lang ata ang hindi."


"Huh?"-napalingon ako sa kanya.


"Huh? Huh? Kunwari hindi nagets. Anong drama mo, Tamarra? Tingin-tinginan sa dagat, senti mode?"


Kunot ang noong umiwas ako ng tingin, "Tigilan mo muna ako, Alliya."


"Tsh. Hindi ka pa ba magbibihis?"-tinignan niya ang suot ko, napayuko tuloy ako sa katawan ko. Nakashorts ako at PE shirt namin sa pantaas. "Wala ka bang balak maligo?"


"Bakit, hindi ba ako pwedeng maligo na ganito ang suot?"-tinuro ko ang tshirt ko. OA na nanlaki ang mata niya.


"Sando, Tamarra, magsando ka man lang! Kahit sando nalang, iyong iba nga naka-bikini oh. Magpakita ka naman ng balat para hindi tayo ma-kabog dito."


"Nonsense."-tumayo ako mula sa pagkakaupo sa loob ng cottage namin. Hindi ko naman kailangang makipagtapatan sa iba. Hindi ako mananalo, balat mayaman sila eh.


"Saan ka pupunta?"


"Iikot lang."


"Sama!"-ikinawit niya ang braso niya sa braso ko.


"Oh akala ko maliligo ka?"


"Nah. Nagbihis lang talaga ako para magpakita ng balat, sawa na ako sa dagat."-sagot niyang lumilinga-linga sa paligid. Napailing ako, isa rin siya sa mga balat mayaman na tinutukoy ko.


Maganda nga ang paligid, nakaka-enjoy ngang panoorin yung iba na mag-enjoy, pero sa loob loob ko pakiramdam ko may kulang. Alam ko kung ano yung kulang na 'yon.


Si Andy.


Huminga ako ng malalim. Hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung bakit yung mababaw na tampuhan lang naman ay kailangang umabot sa mahigit isang linggong hindi pagpapansinan. Bakit sa dami ng pwedeng dahilan ng tampuhan... si Aimee pa?


Kapag naiisip ko iyon, parang akong mapufrustrate.


Huminga uli ako ng malalim. Narealize ko nang ako nga ang mali sa'min ni Andy, kaya sinubukan ko siyang kausapin 3 days after ng tampuhan na iyon, kaso hindi pa yata siya ready na kausapin ako dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Sa Thelistine naman, hindi nagkakataon na magkasalubong kami. Kapag nakikita ko siya, nasa malayo siya.


I don't really know how to handle a relationship...


Nagulat ako nang biglang bumitaw si Alliya sa braso ko. Napalingon ako sa kanya, nakatanaw siya sa malayo, sinundan ko ang tingin niya pero maraming estudyante kaya hindi ko alam kung sino o ano doon ang tinitignan niya.


"Bakit, Iya?"-tanong ko nang macurious ako. Sandali lang siyang tumingin sa'kin bago walang paalam na iniwan ako. Bigla siyang tumakbo hanggang sa maya maya pa ay nawala na siya sa paningin ko.


Anong nangyari sa kanya?


Susubukan ko pa sana siyang habulin pero biglang may mabigat na kamay na humawak sa braso ko.


"Hi, Tami!"-napalingon ako sa nagsalita.


"Jade... w-what? Ano 'to?"-bigla siyang may kinabit na posas sa kamay ko.


"Under arrest by request."


Nanlaki ang mata ko. Pakulo ng officers! Pero sinong nagrequest?! At sinong ikukulong nila sa kabila?


Maya maya pa ay natanaw namin si Jiro na hawak sa braso si... si Andy!


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Medyo nagpupumiglas pa si Andy mula sa hawak ni Jiro pero hindi siya makawala. Hinintay naming makalapit sila sa'min. Bigla akong nahirapang lumunok.


Ilang minuto pa at nasa harap na namin sila, mabilis na kinabit ni Jiro kay Andy ang kabilang bahagi ng posas. Saka sila tumayo sa harap namin.


"You know the drill, Tami. Bye!"-paalam ni Jiro na hinila si Jade palayo.


"What is this all about?"-manghang tanong ni Andy na inangat ang kamay niya para tignan ang posas. Hindi ko naiwasang hindi mapatitig sa mukha niya. Namiss ko sya.


Napapitlag ako nang tumingin siya sa mata ko, mabilis kong nalipat sa posas ang tingin ko. "C-Council's activity. Hindi ako in-charge sa activity kaya hindi ko alam na ganito... I mean, n-na may nagrequest to arrest us."


Gumagapang ngayon ang ilang sa'kin. Anong gagawin namin ngayon?


"Paano raw maaalis 'to?"


Huminga muna ako ng malalim. "This activity is for reconciliation ... or something like that... purposes, aalisin nila ito exactly 3 hours after nilang ilagay 'to."


"1pm palang, 6pm pa ang alis natin dito dahil at exactly 7pm ang alis ng mga bus. By 4pm papakawalan na nila tayo. May matitira pa naman pala akong oras para maenjoy ang fieldtrip."


Parang hinugot ang hininga ko nang sabihin niya iyon. Napaiwas ako ng tingin, sa dagat ako humarap.


"Pero... pwede ko ring umpisahang i-enjoy 'to ngayong palang."-dugtong niya sa sinasabi kanina, wala sa sariling napatingin ako sa kanya, nagsalubong ang tingin namin. Sandali pa akong nagulat. "Mainit. Nagsunblock ka ba?"-tanong pa niya na tiningala ang langit, pero napapikit din siya dahil sa sinag ng araw.


"Hi-Hindi."-napayuko ako sa buhangin. Para akong tuod at pakiramdam ko nagmumukha na akong tanga sa harap.


"So ano, palakasan nalang ng loob magbilad sa arawan? Tara doon, mainit."-inakay niya ako palapit sa isang bakanteng cottage.


"Sandali..."-tumigil ako sa paglalakad, napatigil din siya. Inalis ko muna ang kamay niya sa'kin saka ako tumingin sa kanya. "A-Ayos na ba tayo?"-alangan kong tanong.


"Bakit, miss mo na ba ako?"


"Ha?"


"Tara muna doon."-hindi ko na siya pinigil nang akayin niya uli ako. Umupo kami at humarap sa may dagat. Medyo masakit sa mata ang sinag ng araw na nagrireflect sa tubig pero hindi ako nag-iwas ng tingin.


Sandali pa kaming nanahimik ni Andy, parang nagpapakiramdaman. Hindi ko alam kung ako ba ang dapat maunang magsalita o kailangan ko siyang intaying mauna.


I decided na intayin siyang maunang magsalita. Pero matagal na sandali pa ang lumipas pero talagang nanahimik lang siya, that is when I decided na basagin na ang katahimikan.


"Sa tanong mo kanina... yes, I miss you."-pigil hininga kong usal. Boyfriend ko naman 'to pero pakiramdam ko estranghero ang kasama ko. "I-Im sorry... Andy. Alam ko namang ako yung mali. Pero... pero noong sinusubukan ko nang i-reach out ka, sana nakipagcooperate ka."-hindi ko naiwasang hindi isumbat. "Noong tinatawagan kita, sana sinagot mo nalang yung tawag ko. Pwede naman kasi tayong mag-usap eh. Edi sana, mas maaga nating naayos yung problema natin."


"Talaga, namiss mo ako?"-sagot niya sa sinabi ko.


Nang tignan ko siya, nakangisi siya sa'kin. Now, that is Andy that I used to know. Pero hindi ko alam ngayon kung anong kangisi-ngisi sa sinabi ko.


"Iyan lang sasabihin mo sa sinabi ko? Ayos na ba tayo ngayon?"-umaasa kong tanong. Wag niyang sabihing hindi dahil hindi ko alam kung anong gagawin ma-please lang siya. Wala akong alam sa mga gano'n dahil ito ang unang relationship na pinasok ko.


"Totoo ngang namiss mo ako?"


"Bakit, ako ba hindi mo namiss?"


"Tamarra?"


"Oo nga kasi!"


Sa gulat ko, bigla siyang tumawa. Iyong usual na tawa niyang nakatingala siya, akala mo humuhugot ng hangin mula taas. Nilingon niya ako maya maya, yung kaliwang kamay niya na nakaposas inangat niya at dinala sa kaliwang braso ko, nakaakbay na siya sa'kin ngayon. Yung kanang kamay ko napunta sa may dibdib ko dahil iyon ang nakaposas sa kaliwang kamay niya.


Hanep.


"Akalain mo iyon. Totoong gumana..."-sabi niya na hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya o sarili niya.


Kumunot ang noo ko, "Anong sinasabi mo?"


Masuyo siyang tumingin sa'kin. "Sinadya kong hindi ka muna pansinin. Para naman mamiss mo ako at sa sunod na pag-uusap natin, tungkol sa atin lang ang pag-uusapan natin at walang ibang kahalo. Dapat isang buwan ko pang gagawin ang pag-iwas kaso ikaw... isang linggo palang, bumigay ka na."


Kung maigagalaw ko lang ang kanang kamay ko, o kung maaabot ko lang siya gamit ang kaliwang kamay ko, baka nahampas ko na siya.


"So parang experiment lang ang ginawa mo? Edi hindi ka na pala nagtatampo. At ano, balak mo pang patagalin. Ang galing mo, ano."


"Syempre, ako pa?"


"Tsh. Ewan sa'yo, Andy!"


Umiwas nalang ako ng tingin, tumawa siya. By then, alam kong okay na talaga kami. Nanahimik na naman kami. Naramdaman kong mas humigpit ang hawak niya sa braso ko. Wala sa sariling napangiti ako.

***

Dalawang oras pa lang ang nakalipas pero nagdecide na kami ni Andy na hanapin sina Jiro nang maalis na nila ang posas na 'to sa'min. Okay na naman kami eh, isa pa, gusto rin naming ma-enjoy ang dagat katulad ng iba and ang uncomfortable kung nakaposas kami habang nagtatampisaw.


Sa paghahanap naming sa officers na in-charge sa kalokohang 'to, iba ang nakita namin.


Si Nathalie... and she's locked with Aimee. Parang akong tinayuan ng balahibo nang makita ang suot nila, pink two-piece bikini ang kay Aimee na may patong na short sa baba pero bahagya pa ring litaw ang bikini. Si Nathalie ay naka-blue two-piece bikini na may patong na see through beach dress... parang wala ring tinago ang dress niyang suot dahil basa iyon.


Nakilala ko si Nathalie noong pageant dahil isa rin siya sa kasali. 


Tumayo siya nang mapansin na madadaanan namin ang pwesto nila, parang gulat pa siyang makitang nakaposas din kami.


"You're locked too!"-bulalas niya. Nakatayo si Aimee sa tabi niya.


"And you too."-sagot ni Andy sa kanya.


"Paano niyo aalisin 'to?"


"Balak naming hanapin ang officer na may hawak ng susi namin. Okay na kami kaya I guess pwede na kaming makawala mula dito."-paliwanag ni Andy.


"Sasama kami! Aimee and I already talked and I guess okay na naman kami."-si Nathalie.


Napasulyap ako kay Aimee, nakatanaw lang siya sa dagat.


"Sige, tara—"


"AIMEE!"


Sabay sabay kaming nagulat sa sigaw na iyon. Sandaling sumikdo ang puso ko. Sabay sabay din kaming napalingon sa likuran namin ni Andy, doon nanggaling ang boses.


At muli kaming nagulat nang si Caile ang mabungaran namin. Para siyang galit, and his gaze... is fix to Aimee.


Parang may nangyari o mangyayari palang. Bigla akong nalito sa kanya. Napatitig ako sa kanya habang papalapit siya sa'min. At bigla rin akong nalito sa bigla kong naramdaman.

_______________________________

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

44.7K 3.4K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
32.1K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...