The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 20

74.5K 2K 154
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



"How was your day?" Tanong sa akin ni Sir zach kinagabihan.

"Ayos lang" nakangiting sagot ko sa kanya.

Naakabay ito sa akin. Kaya naman mas lalo niya akong inilapit sa katawan niya. Ramdam ko ang paghalik nito sa aking ulo.

"Ikaw, saan ka po galing?" Tanong ko sa kanya.

"Kila Kervy" sagot niya.

Kaagad akong napanguso, ibig sabihin nagkita nanaman sila ni ma'm grace. Alam ko namang making makaramdam ako ng selos dahil may anak at asawa na si ma'm grace tsaka mabait siya sa akin. Ako lanh itong nagbibigay ng ibang kahulugan sa mga bagay bagay.

"Ang lalim naman niyang iniisip mo" malambing na bulong niya malapit sa tenga ko at nagiwan pa siya ng halik duon.

"Iniisip ko lang sina Lola" sagot ko sa kanya.

"Don't worry kinakamusta ko din naman siya kay Lola...she's fine baby wala ka dapat ikabahala" pagpapagaan niya ng aking kalooban.

Sandali akong natahimik. "Ayos ba ang lahat sa school?" Tanong pa niya.

Nginitian ko siya. "Mismo mo na ang school noh!" Asar ko pa sa kanya.

Pinisil nito ang ilong ko bago sumagot. "Mamimiss ko ang school kung nandun ka, eh nandito ka naman eh" sagot niya sa akin sabay mas lalong paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Hmp...bola ka Sir! Ilang babae na ba ang nabola mo ha?" Tanong ko sa kanya.

Sandali itong bumitiw at nagkunwaring bumilang. Dahil sa inis ay tinabig ko ang kamay niya na mas lalo niyang ikinatawa.

"Excuse nga po..." sabi ko sabay tangkang tumayo ng hinila ako nito pahiga tsaka ako dinaganan.

"Selos ka?" Naaliw na tanong pa niya sa akin.

Inirapan ko na lamang siya. "Uy! Selos siya" muli pa niyang asar sa akin.

Dahil sa kahihiyan ay kinuha ko ang unan at tsaka iyon itinakip sa mukha niya, nakipaglaban siya sa akin kaya naman lumaban din ako, nagaagawan kami sa unan ng kaagad niyang hinawakan ang magkabilang kamay ko at ikinulong iyon sa magkabilang gilid ko.

"Madami na akong na bolang babae, but iilan lang ang seryoso ako" kwento niya sa akin.

"Ilan yung iilan na yon?" Dugtong na tanong ko pa.

Nginitian ako nito bago niya dahan dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Ikaw lang" sabi niya pa bago niya inangkin ang labi ko.

Naglalakad ako sa kahabaan ng Main gate ng mapahinto ako ng may matanaw ako. Maging ito ay napahinto rin, pero ng makabawi ay mabilis nitong kinain ang pagitan naming dalawa. Kita ko ang pagtakas ng luha sa kanyang mga mata at halos mapasinghap ako ng kaagad na lumipad ang palad niya sa aking pisngi.

"Kasalanan mong lahat ito!" Sigaw niya sa pagmumukha ko.

"Mommy..." naiiyak na pagtawag ko sa kanya.

Marahil nahalata niyang pinagtitinginan na kami kaya naman hinila niya ako palayo duon. Dinala niya ako sa may parking lot kung saan wala gaanong tao.

"Di ko alam kung saan ako nagkamali sa pagpapalaki sayo, Sofia!" Sumbat niya sa akin tsaka mas lalong bumuhos ang luha mula sa kanyang mata.

Di ako nagsalita, nanatiling tinatanggap lahat ng sumbat niya dahil alam ko naman sa sarili kong may kasalanan ako. At alam kong malaki iyon.

"Ayaw mo bang mabuo tayo?" Sigaw niya sa akin at muli nanaman akong nakatanggap na malutong na sampal mula sa kanya.

Dahil sa sakit ay di ko na napigilan ang aking pagiyak. "Umalis ang Daddy mo! Iniwan nanaman niya tayo dahil sayo! Dahil akala niya kasalanan niya kung bakit ka nagkakaganyan!" Sigaw niya pa sa akin.

"Totoo naman po! Kasalanan niyang lahat ito!" Laban ko kay mommy.

"Gusto ng Daddy mo na mabuo ulit tayo! Pero anong ginawa mo!?" Sigaw niya pa muli sa akin, pero dahil sa inis ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tsaka ako inalog alog na para bang akala niya sa paraang iyon ay magigising ako.

"Ma...Ma naman!" Frustrated na sabi ko habang umiiyak.

"Wala kang pakialam sa pamilya na to Sofia" akusa niya sa akin na kaagad kong inilingan.

"Ma...nakapatay si Daddy, may pinatay siya!" Madiin pero mahinang sabi ko kay mommy.

Sa di ko mabilang na pagkakataon ay muli nanaman niya akong sinampal. "Di yan totoo! Tigilan mo na ito! Umuwi na tayo!" Hila niya sa akin.

Kaagad akong nagpumiglas, "Ayoko na pong umuwi sa atin! Ayoko na po!" Pagpupumilit ko.

"Sofia!" Sigaw niya sa akin.

"Ayoko na po, Ma..." mahinahong pakiusap ko.

Padabog niya akong binitawan. "Kung hindi ka sasama sa akin ngayon, kakalimutan kong may anak ako" pagbabanta niya sa akin.

Nanlulumo ko siyang tiningnan pero mukhang desidido siya sa kanyang desisyon. "Ano, Sofia?" Tanong niya.

Umiling ako dahilan para marinig ko ang pagsinghap niya. "Ma..."lalapit sana ako sa kanya para hawakan siya ng bigla niyang tinabig ang aking kamay.

"Kalimutan mo ng may ina ka, Sofia...dahil kakalimutan na din kita" pagbabanta niya sa akin tsaka niya ako iniwan na magisa duon.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak duon. Di ko na talaga alam kung anong dapat kong gawin, sinong dapat pilin at kung sino yung worth it para sa lahat ng sakit na ito.

"We have only a week to prepare, Sofia" sabi ni coach Dylan sa akin.

"Ok po, Coach" nakatulalang sabi ko sa kanya.

Tinabihan ako nito habang nakaupo ako sa may gutter. "Umiyak ka nanaman?" Sabi niya sa akin.

"Wala po ito, Coach" nakangiting sabi ko sabay pahid muli sa luha kong di matigil sa kakapatak.

"You know what Sofia, alam ko ang nangyayari sa main campus. But still, I remain silent...kasi nakikita kong desidido ka sa competition na ito" kwento niya sa akin.

Tumango tango ako. "Kailangan ko po talagang maipanalo to, Coach" desididong sabi ko.

Kaagad na kumunot ang noo nito. "Kailangan? For what...whatever happens may full scholarship ka pa din naman" kwento nito sabay tawa.

"Kaya nga yung iba they take it for granted" dugtong pa nito.

Nakikinig lamang ako sa kanya nang bumaling siya sa akin. "But I see your dedication for this Sofia, nakikita kong kinakaya mo lahat ito" pagpapalakas niya ng loob ko.

Dahil sa pagcocomfort sa akin ni coach dylan ay di ko napigilan mapayakap sa kanya. "Masyado pa akong bata para maging second Dad mo, Sofia. Let's say a brother..." natatawang sabi niya pa sa akin.

"Thank you po, Coach" pasasalamat ko sa kanya.

Pagkatapos mag practice ay kaagad na akong nagbihis ng school uniform, may klase pa kasi ako. Ramdam ko ang mga tingin ng mga estudyanteng nakakasalubong ko, marahil sa issue at dahil na din siguro sa namumugto kong mata.

Ang aking pisngi ay namamanhid pa din hanggang ngayon. Masakit iyon, pero mas masakit ang mga sinabi ni mommy. Di oo alam kung bakit ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi ko. Totoo namang lahatnng iyon, ayokong nanduon si daddy dahil nagaalala ako para sa kapalanan nilang dalawa ni lola.

"Sofia paturo namang humalik oh" asar sa akin ng mga marine student na nakaupo sa may bench.

Tiningnan ko lamang sila ng masama pero mas lalo lang itong nagtawanan. "Hoy! Kay Sir Alonzo lang yan! Pang bigtime lang yan!" Sabat pa ng isa na dahilan para mas lalo silang magtawanan.

Napatakbo na lamang tuloy ako patungo sa susunod naming klase.

"Sportsfest na next week, at dahil may mga representative kayo...exempted kayo ng 3 days ibig sabihin madadaanan ang next meeting natin." Paguumpisa ng professor namin.

Halos lahat kami ay nakikinig sa kanya. Lahat ay nakikinig dahil mukhang halos lahat ay excited na din.

"Let's have a deal...pag may nanalo na representative ng klase niyo, exempted sa isang quiz" sabi ng prof. Namin na kaagad namang dinaingan ng mga classmates ko.

"Quiz lang, Ma'm?" Tanong nung isa kong kaklase na kasali sa varsity ng basketball.

"Bakit Mr. Osiang? Masisigurado mo bang makakashoot ka?" Sabi ng prof. Namin dahilan para pagtawanan siya ng mga kaklase namin.

"Si Ma'm naman" daing nito habang kakamot kamot sa batok.

Napaayos ng upo ang aming professor. "Ok, pag may nanalo sa inyo para irepresent ang buong campus, buong klase may plus sa final exam" sabi pa nito kaya naman naghiyawan ang mga kaklase ko.

Napabumtong hininga ako. Ang daming nakataya sa competition na ito, mukhang kailangan ko talagang magbutihan ang training ko.

"Sofia...sofia please magusap naman tayo" habol sa akin ni Rea, glayn theresa at elayza.

Huminto ako para pakinggan sila. "Sumama ka na uli sa amin, bati bati na tayo sige na!" Yaya ni theresa.

"Mas mabuting wala na lang ako sa grupo niyo, mukha kasing panira lang ako duon" sabi ko sa kanila.

Hinawakan ni rea ang kamay ko. "Hindi naman eh...Miss na miss ka na nga namin" pagdadahilan niya.

Miss ko na din naman sila eh, miss na miss. Pero ayoko ng may madamay pang iba. "Ayokong madamay pa kayo sa akin" sabi ko tsaka ko sila muling tinalikuran.

Sumakay ako ng jeep patungo sa mall, kung saan saan ako nagpupupunta bago ako tuluyang nagtungo sa terminal ng jeep. Nakakapagod man ay ganyan ang gawiin ko araw araw. Para di ako masundan kung meron man.

"Damn it! That's my own account!" Malakas na sigaw ni Sir Zach ang naabutan ko.

Ng tuluyan na akong nakapasok sa Apartment ay duon ko nakitang may kausap pala ito sa cellphone. Nakatalikod siya sa akin pero kitang kita ko sa bigat ng paghinga niya na galit na galit siya.

"I'll talk to that bullsh*t!" Mariing sigaw pa nito bago pinatay ang tawag tsaka niya hinagis sa sofa ang kanyang cellphone.

"T*ngina!" Mura pa niyang muli.

"Na...nandito na ako" pinilit kong siglahan ang boses ko.

Di ako nito binalingan, pero napahilot na lamang siya sa kanyang sentido. "May pagkain na sa mesa, kumain ka" sabi niya sa akin.

Ibinaba ko ang bag ko sa may sofa bago ako nagtungo sa kanya para yakapin siya patalikod.

"Hindi mo po ako sasabayan kumain?" Tanong ko, gusto kong pakalmahin sana siya.

Bumuntong hininga muna ito bago ako sinagot. "I'm not hungry" sabi pa niya.

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. "May problema po ba?" Tanong ko.

"Wala" maiksing sagot niya.

"Feeling ko meron eh...sabihin mo sa akin baka sakaling makatulong ako" alok ko sa kanya.

"Wala nga" sagot niya pa sa akin, nahimigan ko duon ang malapit na niyang pagkairita.

"Sige na, Sir Zach" muli ko pang pagpupumilit.

"Sabing wala"

"Pero..."

"Sabing wala, ang kulit mo!" Tumaas ang boses nito kaya naman napabitiw ako sa kanya dahil sa gulat.

Iritadong tumingin ito sa akin bago padabog na umakyat patungo sa itaas. Napahilamos ako ng aking nga palad.

"Kaya pa to, Sofia" pagpapalakas ko ng aking loob.

Kinain ko ang nakahandang pagkain sa mesa at pagkatapos ay iniligpit ko na iyon. Naglinis na din ako ng katawan bago umakyat sa itaas. Tulog na ito kaya naman nagdahan dahan ako sa aking pagkilos.

"I'm sorry" malambing na sabi ko sa kanya bago ko siya hinalikan sa pisngi.

Nagising ako dahil sa aking alarm. Sandali akong nagunat ng katawan bago ko napansing wala na duon si sir zach. Mabilis kong inayos ang kama bago bumaba.

"Sir Zach" tawag ko sa kanya. Hinanap ko din siya sa banyo pero wala siya.

May pagkain na sa mesa, umupo na lamang ako tsaka ko lang napansin ang nakaipit na isang libo sa gilid ng placemat. Napabuntong hininga ako. Siya ang gumagastos ng lahat para sa aming dalawa ngayon. Nahihiya na tuloy ako.

Nagbihis lamang ako ng pantalon at tshirt. Training lang naman ang pasok ko ngayon. Exempted na din kami sa klase dahil nga sa gaganaping sportsfest.

"Apat kayong maglalaban sa first game. Firts and second lang ang tutuloy sa next game which is makakaharap niyo na ang seniors and juniors. First and second lang din ang magrerepresent sa university" pagpapaliwanag sa akin ni coach dylan ng magiging takbo ng sportfest.

Nagpapatuyo na ako ng buhok dahil kakatapos ko lang magtraining. Katabi ko ito habang madaming papers na inaasikaso. "Hindi mo nalagay yung name ng Dad mo dito" baking niya sa akin, kinukumpleto na kasi niya ang mga papers ko para ipasa sa sportsfest coordinator.

"S...Steve Hernaez po" naiilang na sagot ko sa kanya.

Palabas na sana ako ng mapahinto ako ng tinawag ako ni Cristine.

"Sofia, sandali..." pagpigil niya sa akin. Pawis na pawis ito dahil sa pagvoVolleyball.

Sa likod niya ay tumatakbong sumunod si jochelle. "Sofia, miss ka na namin!" Sabi nito at akmang yayakap siya ng di niya na tinuloy.

"Pawis kami..." natatawang sabi niya.

"Tapos ka ng mag training?" Tanong ni Cristine sa akin.

Kaagad ko siyang tinanguan. "Magusap naman na kayo ni Lyndi oh" pakiusap niya.

Natahimik ako. "Kinausap na namin siya, handa naman na daw siyang humingi ng sorry sayo, hindi masaya kung hindi tayo kumpleto, Sofia" malungkot na sabi ni Cristine.

Tipid ko siyang nginitian. "Sige...baka bukas"

Kaagad nila iyong ikinatuwa. Sandali pa kaming nagusap hanggang sa tinawag na sila ng coach nila sa volleyball. Bago umuwi ay dumaan muna ako sa grocery, nakita ko kasing wala ng ibang stock sa kusina kanina. Iilan lang naman ang nabilo ko pero pwede ng ipandagdag.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako ng madaming plastick ng groceries ang nakalatag sa may sahig. Nagtungo ako sa may kusina at napahinto ako ng makita kong anduon si ma'm grace at si sir kervy. Nagluluto si ma'm grace habang magkatabi namang nakaupo sa lamesa yung magpinsan.

"Paborito namin yan ni Ken eh" natatawang sabi ni sir zach.

"Magtigil ka Alonzo, anak ko yun" madiing sabi sa kanya ni sir kervy.

"Hmp! Magaaway nanaman tong mga bugok na to!" Suway ni ma'm grace sa dalawa.

Dahil duon ay napatawa si sir zach, tawa na hindi ko pa nakikita pag ako ang kasama niya.

"Bakit kasi hindi ka pa maganak Zach?" Tanong ni ma'm grace dito.

Pero naestatwa ako dahil sa sagot ni sir Zach dito. "Kung nag ingat lang sana kasi yang Ate mo. Asawa ko sana siya ngayon at may anak na din sana ako"









(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

611K 22.1K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.6M 23K 36
PUBLISHED UNDER LIB PHR Available in NBS Bookstores and thru online stores via shopee and lazada for as low as 199 pesos. Lahat na ata ng zone mapa-f...
207K 3.9K 21
Dice and Madisson