FAKE FIANCE ✔️

By keired

3.9M 42.4K 2.4K

MINI-SERIES ON TV5; PUBLISHED UNDER LIB. Demi's mom is getting married to a super hot bachelor's dad. Nothing... More

1: THE INTERVIEW
2: MEET UP
3: ACCIDENT
4: THE VISIT
5: DINNER DATE
6: MEET HIS BESTFRIEND
7: OTHER MAN
8: LQ
9: ENGAGEMENT
10: AFTER ENGAGEMENT
11: BESTFRIEND'S HELP
12: WEDDING PREPERATION
13: KISS
14: ANGELO
15: TELL HIM
16: FRIENDSHIP
18:HEARD
19: (wala akong maisip na title)
20: JEALOUS
21: PRETENDING
22: KISS GOODBYE
23: Ruiz
24: TALKSHOW
25: FRIENDS?
26: KAYA NG LONG DISTANCE?
27: UNEXPECTED VISITOR
28: CONFRONTATION
29: VISITORS, MASSAGE
30: WHAT?
31: UNSAID SURPRISE
32: DEMI'S HOUSE
33: MOTHER
34
35: MAMA and PAPA
36: Rafael
37: WEDDING?
37.5: WEDDING
EPILOGUE
PREQUEL: LIFE BEFORE DEMI MET HER FAKE FIANCE

17: BUSINESS DINNER

88.5K 1K 32
By keired

"If you cannot work with love but only with distaste, it is better that you should leave your work."---Khalil Gibran



CHAPTER 17

Busy busyhan ako nang buong araw. Naghahapit kasi kami para sa susunod na issue. Parang kailan lang namomoroblema ako sa last issue.

May kumatok sa office ko. Sisigawan ko sana kasi grabe makakatok pero hindi naman pala staff ko ang yun.

"Delivery Ma'am." Sabi nung bulaklak. Wait, yung lalaki pala sa likod ng isang napakalaking bouquet. Inilapag nya yun sa harapan ko at may inabot na papel para pirmahan ko.

"Thank you." Tska umalis yung delivery boy.

Sa bulaklak may nakasingit na card at doon ko nalaman kung kanino yun.. Galing kay Rafael. Noong nakita ko yung pangalan nya bumilis yung pagpump ng dugo ko sa katawan pero ng sabihin nya sa message na '...peace offering ko. May nagawa kasi akong kasalanan sayo. Gusto ng client ko na makita ka kaya sabi ko pupunta ka.' Ayun naman pala. May favor kung bakit nya ako binigyan ng bulaklak. Mautak talaga yun, alam nya kasi na magagalit ako.





<3

"Bakit ganyan ang suot mo ngayon?" Kaagad na salubong ni Rafael sa akin na nakakunot ang noo. Hindi ko alam kung anong mali sa suot ko; long sleeve na polo, black slacks na pa-elephant ang dulo, at pointed shoes. Syempre hindi mawawala ang salamin ko.

"Bakit?"

"Hayy.. Tara na." Sumakay na kami sa kotse nya (may driver sya this time). "Boutique A muna tayo." Sabi nya sa driver.

Ang tinutukoy nyang boutique A ang isang napakalaking shop na puro formal attire at corporate attire ang tinitinda. At gaya ng inaasahan ko, bibilhan nya ako ng damit na may 'Fashion' daw.

I admit na maganda naman nga yung kinalalabasan kada sya yung pumipili ng damit ko tulad ngayon, I look slim and elegant in this black fitted dress that ended just below my knees. Mas enexaggerate ng dress na ito ang curves, at clevage ko. Sexy pero hindi ko ata kaya 'to!



"Don't be shy." Rafael said while checking me out. "You're beautiful."

Maganda raw ako! Last time na sinabi nya yan iba ang naramdaman ko. At mukhang bumabalik ang pakiramdam na yun.

"Let's go." He said escorting me back to his car. Hindi ko namalayan kung bayad na ba itong suot ko. Bahala na sya.

Sa kotse tahimik lang ako habang binibigyan nya ako ng background sa kasama namin mamaya.

"Mr. and Mrs. Cavallero were around 60's but they looked young and fit. You don't have much problem with Mr. Cavallero because I'll be talking to him about our business. The problem is his wife. She's a socialite and loves to travel, I hope you can talk to him in a GOOD way. Good huh? Wag mo awayin. She' s easy to handle if you get her interest."

"Yeah, I get it."

"And act natural." Yun yung huli nyang paalala bago kami bumaba.

Arm in arm kaming naglakad sa hallway ng bahay. Oo, hallway talaga sa laki at haba. Hindi naman kasi ito bahay kundi mansyon.

"This way sir." Sabi nung mukhang buttler sa amin at pinagbuksan kami ng pintuan. Sa loob pala nun ay salon/ ball room.

"You're finally here Rafael." Kinamayan naman ni Mr. Cavallero si Rafa saka sa akin tumingin. "You must be the future Mrs. Raymundo." At ako naman ang kinamayan nya.

Future Mrs. Raymundo? "Good evening Mr. Cavallero."

"Please Edmund."

"Edmund"

"Oh, is that her?" May biglang sumingit namang babae at alam kong si Mrs. Cavallero na yun. "Hello dear, I'm Beth." Nakipagbeso-beso sya sa akin.

"Nice to meet you Ma'am Beth."

"Beth na lang pwede?" Tumango ako. "Rafael! I can't believe you'll getting married."

"I know, I know." Niyakap nya si Beth.

"Let's eat, shall we?"

Puro business ang pinaguusapan nila. Ako nananahimik lang dito at nakikinig lang sa kanila. Wala talaga akong alam sa mga ganyang bagay.

"And what about your soon-to-be wife, Rafael? Narinig ko na chief-editor ka raw." Sabi ni Edmund sa amin ni Rafael.

"Yes Sir."

Usap-usap na kami. Ngayon ako ang maraming sinasabi tungkol sa trabaho ko. Interested naman sila lalo na pagdating sa finance. Nakwento ko naman lahat ng alam ko sa kanila. Maski pagdating sa travel segment ng magazine. Si Beth pala kasi mahilig magtravel.

"France is great with all those luxurious thing. What can you say Demi?" Beth asked me.

"Personally, I don't like Paris. The way of living, the cost of goods are too expensive and the people are not that hospitable."

Oops! May nasabi na naman ba akong mali? Si Rafael kasi sinisiko ako. Si Edmund naman hindi natuloy ang pagsubo. At si Beth, parang iiyak na sya.

Aiissh! Yung bibig ko na naman. Kill me now!

"Demi.." Nakatitig pa rin si Beth sa akin na parang iiyak na. "You think so?"

"Uhmm.. I mean.." I stammered. I hate how I talk not thinking first. Now I hurt people again.

"Tama ka Demi.. Kala ko ako lang ang ganun ang iniisip." Nakangiti na sya pero naiiyak pa rin.

Hindi sya galit? Hayy..Buti na lang hindi pala talaga sya nagalit o naoffend sa sinabi ko. Sa dalawa ko pang kasama, nakahinga sila ng maluwag. Siguro kala nila magagalit si Beth.

"The truth, I never like Paris. Lahat lang talaga ng mga kumare ko gusto yun. Ang gusto ko talaga yung..blah..blah.." Amg dami nyang kwento. Umalis na nga kami sa table para magkaprivate talk kaming dalawa. Nagtatanong sya kung saan daw pwede pumunta, kung pwede ba raw akong sumama sa kanya pag nagtravel daw sya. Sagot ko lang naman "Kung hindi po busy."

"I'm so happy we share the same thoughts about traveling. And I'm happy that you're the girl for Rafael. Para ko na syang anak. Since Fe died, I act as his mother pero symepre hindi ko matutumbasan ang tunay na ina. Hayy.. Sobrang mahal nyang si Rafael ang ina nya. Mahal na mahal. Kaya ng nawala si Fe, hindi na sya katulad dati. He act so cool, indipendent and ill mannered but now that he's with you... I missed that smile." Tumingin sya sa dereksyon nila Rafa at Edmund na mukhang tuwang tuwa sa pinagkukwentuhan nila. Nakafocus yung tingin ko kay Rafa. Sa pag ngiti nya hindi ko mapigilang mapangiti. "Please take care of him Demi."

"Y-yes." I want to.

"Look, he's looking at you. Young love~ I guess I need to talk to them."

Naiwan ako doon na tinitingnan silang tumatawa sa hindi ko marinig na dahilan. Hindi naman nila ata ako pinaguusapan diba?

Rafael glanced at me. Kaagad naman ako umiwas ng tingin. Hindi ko kasi magawang makipagtitigan ngayon lalo na't nakatingin sya ng ganyan. Tumingin-tingin na lang ako sa painting.

"Hey" I heard a swee..er..deep voice. Kanino pa nga ba yun kundi kay Rafael. Nakalapit na pala sya sa akin na nandun pa rin ang ngiti nya.

"Rafael, ano na nangyari sa deal?"

Hindi sya sumagot sa akin, sa halip, inextend nya yung kamay nya sa akin. "Let's dance."

Nangiti lang ako at nakipagsayaw sa kanya. Tinignan ko yung mag-asawang Cavallero na sumasayaw ng Waltz.

"Marunong ka pala sumayaw." Namangha naman itong si Rafael sa akin.

"Ano tingin mo sa akin?" Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Wala, kala ko lang hindi ka marunong sumayaw."

"Natuto ako habang nag-aaral noong collage. Mahirap sa umpisa pero pinilit ko para kay..." Angelo.

"Kay Angelo?"

Nakakahiya pero tumango na lang ako. Maraming bagay noon ang ginawa ko para kay Angelo. Ang magluto, sumayaw, kumanta, maging matalino, sumali sa kung ano-anong organization, hindi lumalapit sa kahit sinong lalaki. Lahat! Siguro nga si Angelo ang nag shape ng personality ko.

"Sana may gawin ka rin para sa akin."

"Huh?!" Narinig ko yun pero hindi ako sigurado kung tama ang narinig ko.

"Wala. Uhmm.. Tungkol pala sa deal, papayag lang daw sila kung.."

"Kung?" Naging attentive ako sa sasabihin nya.

"Kung gagawin natin silang sponsor sa kasal."

"As in Ninong at Ninang? Pero meron na tayo diba?" Tinawanan nya lang ako. "Bakit ka tumatawa?"

"Madali lang yang ipabago." He pulled me closer to him, this time we are not dancing. Hindi ko alam kung bakit ganito na kami ngayon.

"Oo nga pala. Mayaman ang mapapangasawa ko. Kaya nyang baguhin ang lahat." I said jokingly while leaning on his chest. Ewan ko ba, gusto ko lang gawin ito bigla.

"Sana nga kaya ko baguhin lahat." Natawa na naman sya at niyakap ako ng mahigpit. "Parang totoong ikakasal nga tayo."

"Oo nga."

Continue Reading

You'll Also Like

13.1M 126K 61
Meet Azalea Elle Lopez, an almost bride na tinakbuhan ng kanyang groom sa hindi malamang dahilan. Paano na niya haharapin ang buhay niya lalo na't ma...
83.5K 1.9K 36
Can you live with your brother's bestfriend? con-amore-2015
6.4K 976 46
NOTHING IS CERTAIN Ryoc and Laine's love story is your typical "friends-turn-to-lovers" story. Since childhood, he has already set his eyes on her. L...
1.1M 36.3K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...