Ways For Her To Dislike Him

By _gette_

18.5K 965 157

Complete. Thelistine High #1 l Caile is having a quite smooth academic life as the council president of the p... More

Prologue
Ch. 1: Caile Christian Lajara
Ch. 2: Their Plan
Ch. 3: First Encounter
Ch. 4: Off the record
Ch. 5: Trash
Ch. 6: Agree
Ch.7: Campaign week l Election day
Ch. 8: His New Secretary
Ch. 9: Trouble
Ch. 10: Acquaintance party
Ch. 11: Acquaintance party: Seducing Andy
Ch. 12: Acquaintance party: Seducing Tamarra
Ch. 13: The undeclared Queen Bee
Ch. 14: Clash
Ch. 15: Interruption
Ch. 16: ...
Ch. 17: Pageant (Practice) I
Ch. 18: Pageant (Practice) II
Ch. 19: Pageant (Practice) III
Ch. 20: Pageant Night I
Ch. 21: Pageant Night II
Ch. 22: Pageant Night III
Ch. 23: Pageant Night IV
Ch. 24: Missing in action
Ch. 25: Caile's first move
Ch. 27: Caile being caring
Ch. 28: Locked up
Ch. 29: Little suspicion
Ch. 30: Quarrel
Ch. 31: Outcome
Ch. 32: Busy
Ch. 33: Fieldtrip
Ch. 34: Fieldtrip II
Ch. 35: Fieldtrip III
Ch. 36: Change of feelings
Ch. 37: Aimee x Andy
Chapter 38
Ch. 39: He suddenly wants to stop
Ch. 40: Range of anger
Ch. 41: Comfort Zone
Ch. 42: Over
Ch. 43: Rumors
Ch. 44: Caile x Tamarra
Chapter 45
Ch. 46: The Witch
Ch. 47: Sports Fest
Ch. 48: Sports Fest II
Ch. 49: Sports Fest III
Ch. 50: Sports Fest IV
Ch. 51: Bewitched
Ch. 52: Evade
Ch. 53: Confession
Ch. 54: Confusion
Ch. 55: Rejection
Ch. 56: Observation
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60: Christmas party I
Chapter 61: Christmas party II
Chapter 62: Aftermath
Chapter 63: After this
Chapter 64: After all
Chapter 65
Special Chapter
Thelistine #2: He's Mine
Thelistine 1.2: Wayward Love

Ch. 26: Caile's second move

176 13 1
By _gette_


CAILE'S POV


Katulad ng nakasanayang routine ko araw araw, bahay-Thelistine-SCO-classroom-bahay. 


Today may bagong transferee, at sa section namin iyon napunta. Lalaki. Agad na nagsiayos ng upo ang mga babae, syempre mahaharot, inaasahan nilang mapapansin sila ng bagong salta. May itsura rin kasi si kuya eh.


"Good morning, I'm Steven Medina..."-mahina at halos nakayuko lang siya sa harap, malamang nahihiya. Naghanap ng bakanteng upuan si ma'am at sa row lang namin may bakante. Bawat isang row kasi sa ay may tig-aanim upuan, at lima lang kami sa row namin. So sa row namin siya napunta, si Nikko na nasa may bintana pinalipat sa tabi ni Milliano kung saan wala namang nakaupo para yung transferee sa tabi nalang ng bintana para kahit papano hindi awkward sa kanya na pumagitna sa'min.


Nagsimula na ang discussion ni ma'am for today at lahat naman kami nanahimik na. Sa sumunod na subject ay vacant kami dahil absent ang teacher. Narinig kong nagsisimula nang kilalanin nina Nathe ang transferee, kinuha ko nalang sa bag ko ang book na binabasa ko para may magawa ako.


"Saang school ka galing?"-nakaringgan kong tanong ni Nikko.


"Helene school, malapit lang din dito."


Sandali akong natigilan at napaisip. Helene school? Dumadami ata ang transferee dito na galing sa school na 'yon ah.


"Ah. Eh bakit ka lumipat?"-tanong naman ni Josh.


"Ah, eh..."-hindi nakasagot ng maayos 


"Girlfriend?"-tanong ni Milliano bigla.


"Wala ako no'n."


"Pansin ko lang, kanina mo pa tinitignan isa-isa iyong mga kaklase natin, may hinahanap ka ba o kinikilala mo lang sila isa-isa?"-tanong uli ni Nathe. Ang daldal nila, baka naiilang na ang transferee. Hindi ko na narinig na sumagot pa yung Steven.


Matapos ang higit isang oras ay pumasok na ang chemistry teacher namin at nagstart na uli ang lesson. Matapos no'n ay break time na. Dahil may transferee, may responsibility kaming i-tour sila sa buong campus para ma-familiarize sila sa lugar.


"Excuse me."-tawag pansin ko kay kuya, lima silang lumingon sa'kin, kasama  na iyong apat kong kaibigan. "May orientation para sa'yo para malaman mo ang SC rules and do's and don'ts. It would consume your break time, okay lang ba?"


"Yes."-bahagya pa siyang ngumiti, tumango naman ako para ipaalam na magsisimula na iyon ngayon. Tumayo siya, si Josh naman ay biglang humarang sa daan ko.


"Prend pwede mo rin siyang ipagkatiwala sakin, ako na ang magtutour sa kanya."


"Baka kung saan mo pa dalhin, wag na."


Nakasimangot na umalis siya sa daan, inintay ko naman si kuya. Sa SCO muna kami pupunta.


"Nga pala, I'm Caile, the student council president."-pakilala ko habang naglalakad.


Nilingon niya ako, nagulat pa nga ata na ako sa president. "Nice to meet you."


Dahil mukhang naaawkward-an siya, nanahimik nalang ako uli.


"Caile."-napatigil ako sa tawag na 'yon galing sa likod ko. Kasabay kong tumigil si Steven. Nilingon ko ang tumawag.


Si Aimee. 


"Yes?"-tanong ko maya maya, lumapit siya ng bahagya sa kinatatayuan ko.


"Photoshoot daw for a certain poster."


Napakunot ang noo ko. "Tapos na ako ah? Ikaw nalang ang may shoot as far as I know."


Nagkibit balikat ito. "Bago ata, tapos na rin ako sa shoot na sinasabi mo."


Bahala na kung ano 'yon. "Uh, ngayon na ba? Ihahatid ko lang siya sa SCO then susunod ako."-tinuro ko si Steven using may thumb finger. Saka lang ata niya napansin na may kasama ako, napakunot ang noo niya sa pagkakakita dito pero sandali lang iyon. Tumingin siya sa'kin mayamaya saka nagpaalam. "Mauna na ako."


Sinundan ko nalang siya ng tingin, napansin kong sinusundan din ni Steven ng tingin ang babae.


"That's Aimee."-sabi nito mayamaya.


"You knew her?"-tanong ko dahilan para mapalingon siya sakin. Tumango siya. 


"Parang hindi niya ako nakilala?"-hindi ko alam kung tanong niya ba sa'kin 'yon o tanong niya sa sarili.


"Close kayo?"-tanong ko pa.


"Not that  much, pero kilala niya ako. Ikaw, close kayo?"


"Kinda."-kahit hindi, Caile?


"Talaga? Pero walang nakakaclose na kahit sino si Aimee Farrelle, maliban nalang kay Melissa."-sino naman si Melissa? "Bago 'yon ah."


Hindi na ako nakasagot dahil saktong tumigil na kami sa tapat ng SCO. Pumasok kami sa loob, si Jade ang unang hinanap ko dahil siya ang matiyaga sa pagtutour sa newbies. Mabuti naman at nandoon ito sa oras na 'to kaya hinabilin ko nalang si Steven dito


Sumunod na ako kay Aimee pagkatapos.

***

Step two... know her. Iyan ang ibinigay na tip kanina ni Aimee. Natutuwa ang bruha na ginagawa ko nga talaga ang plano niya. Bakit ako walang makapang tuwa? Pero wala ring guilt. Robot ba 'ko?


Know her... paano? 


Humiga ako sa kama. Paano ko ba siya kikilalanin? 


Gumulong akong pakaliwa. Magtatanong ako sa kanya? Pakikipagchikahan, ganern? Napailing ako, ayoko no'n.


Gumulong ako pa-kanan. Natanaw ko ng tingin ang laptop ko na nakapatong sa ibabaw ng bedside table.


Tama!!


Tama... 


Inabot ko ang laptop saka binuksan. Tama, nabubuhay tayo sa 21st century at uso ang teknolohiya, ang bagal mo Caile...


Naglog-in ako ng fb account ko. Sinearch ko ang Tamarra Cruz, hindi ko pa siya fb friend pero buti nalang naka-public ang wall niya kaya makikita ko ang posts niya. 


Profile pictures... Tagged pictures.. Tagged status... Relationship status with Andy... Iyon lang ang meron, hindi siya nag-i-status! Pambihira! Wala siyang status na kahit ano.


Sinubukan ko pang magkalkal. Pictures! Puro pictures talaga. Pictures niya noong nasa Helene pa siya. May mga pictures siya with her mom. Puro sila lang, walang papa o kapatid... baka wala siya no'n?


Nakalkal ko hanggang ang pictures niya noong second year HS siya. Wala namang interesting doon maliban sa isa... isang class picture, magkasama si Aimee at Tamarra.


Magkaklase sila! 


Nasa magkabilang dulo sila ng row. Mas na-focus ang tingin ko kay Aimee. Hindi siya nakasmile at kung ano ang mukha niya noon, gano'n pa rin ngayon. Poker faced, nakafull bangs na mas nagbigay dito ng bitchy impression sa iba. 


Once again, naligalig ako.


Bakit galit si Aimee kay Tamarra? Sa kanilang dalawa, mas si Aimee ang pwedeng makagawa ng bagay na ikakagalit ni Tamarra and not the other way around.


Siguro dapat ko ngang kilalanin si Tamarra. Kung hindi ko nakuha kay Aimee ang sagot sa tanong ko, baka kay Tamarra ko makuha.

***

Ang plano ko hindi ko kaagad nagawa dahil dumating ang 1st monthly exam. Busy busy-han ang iba sa pagrireview at kasama na kami. 2 days after exams ay saka palang kami nakapagreport uli sa SCO. 


"Hi, guys!"-bati ni Jiro pagkapasok ng office.


"Guys? Plural? Ilang Caile ba ang nakikita mo, Jiro?"-tanong kong nakayuko sa papers na chinicheck ko. Napag-utusan kasi akong magcheck ng test papers sa English ni ma'am Borromeo na lahat ata halos ng English subjects from 1st year to 4th year eh hawak niya.


"Dalawa kayo Caile... Caile tignan mo 'ko!"-nag-angat ako ng tingin para nga tignan siya, nagduling dulingan siya. Dalawang Caile nga talaga ako sa paningin niya. Tinawanan ko nalang siya saka bumalik sa ginagawa ko.


Maya maya pa ay tumunog na naman ang pinto, sign na may pumasok. 


"Miss you guys!"-nakilala ko ang boses kahit hindi ako nag-aangat ng tingin, that's Jade.


May test papers ng pitong sections pa akong tatapusin. Bawal pa naman i-take home 'to. 


Kumikirot na ang leeg ko, tumingala ako sandali para i-stretch iyon.


"Pagod ka na?"-nagulat ako sa nagtanong, paglingon ko sa kanan, nandoon si Tamarra sa cubicle niya at nakaharap sa'kin.


"Kanina ka pa nandito?"-tanong ko, hindi ko alam na nandito rin siya. Akala ko si Jiro at Jade lang ang nandito bukod sa'kin.


"Ngayon ngayon lang, kasabay ko si Jade."-sabay naming nilingon ng panandalian si Jade. 


Kaya pala hindi ko siya napansin, hindi naman kasi siya nagsalita.


"Nagchecheck ka rin pala ng test paper. Anong subject 'yan?"-tanong niya nang mapasulyap sa desk ko.


"English, ikaw din ba?"-tanong ko na sumilip sa desk niya.


"Yes. Pero Physics 'tong sa'kin."


"Ahhh."


Natahimik na kami at bumalik na sa kanya kanya naming ginagawa. Maya maya pa ay nagpaalam na sina Jade at Jiro na uuwi. Hustong paglabas nila ang pagtayo ni Tamarra.


"Uuwi ka na rin?"-tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.


"Oo sana, tapos na ko eh. Ikaw ba?"


"May 4 sections pa akong tatapusin. You take care, bye."


"Tulungan nalang kita, para matapos na rin 'yan."-lumapit siya sa'kin, nag-angat ako ng tingin saka umiling.


"No need. Umuwi ka na."


Ngumiti siya. "Para saan pa't secretary mo ako?"-kinuha niya ang isang bugkos ng test papers na wala pang check. "Pahingin correct answers."-sandali ko siyang tinignan bago inabot ang gamit ko kanina, hindi ko na kailangan no'n dahil kabisado ko na ang mga tamang sagot.


Umupo siya sa upuan niya at mabilis na nagsimula. Chineck ko ang wrist watch ko, 5:23pm na.


"Hindi ka pa ba hahanapin sa inyo? Baka naghihintay na ang sundo mo."


Sumagot siya nang nakatutok ang tingin sa papel na hawak, ako naman ay nakatingin sa kanya.


"Wala akong sundo 'no. Nagtatricycle ako papasok at pauwi."


"Seryoso?"-mangha kong tanong. Hindi ko kasi alam 'yon. Tumango lang siya. "Buti kaya mo."


Bigla siyang tumawa. "Anong buti kaya ko? Kaya ko naman talaga, hindi ako lumaking mayaman."


Sandali akong natahimik, saka tumango kahit hindi naman niya iyon nakikita. "That's why."


"Ang hindi ko maintindihan sa inyong mayayaman, ka-walking distance lang ng bahay niyo mula school, nagkokotse pa kayo. Lugi kayo, bukod sa nagsasayang lang kayo ng gas, nakakadagdag pa kayo sa polusyon."


"Hindi lahat malapit ang bahay 'no. Ang layo ko kaya."-I said, half guilty. I don't know why.


"Taga saan ka ba?"


"The Ancestral."


"Seryoso?"-napalingon siya sa'kin, parang gulat pa. Tumango ako. "Malapit lang kami do'n. Sa Queensland kami."


Kumunot bigla ang noo ko, Queensland? "Exclusive village 'yon ah, akala ko sabi mo mahirap kayo?"


Sandali lang siyang natigilan bago huminga ng malalim saka bumalik sa pagchicheck ng test papers.


"Hindi naman sa'min 'yon. Sa papa ko 'yon. Nagpakasal sila ng mama ko grade six palang ako, pero hindi kami tumira kasama siya until a year ago. Sa Junction compound kami nakatira bago lumipat dyan."


"Huh?"-lito kong tanong, hindi ko nakuha ang tungkol sa papa at mama keme. "Matagal nang kinasal ang parents mo pero noong kailan lang kayo nagsama-sama sa iisang bubong?"


Marahan itong tumango. "Oo, may mga certain issues pa kasing inaayos eh, saka civil wedding palang din naman iyon. Ang church wedding, medyo nagkakaproblema pa. Tutol kasi ang anak ni papa."


But wala namang kaso kung magsama ang dalawang tao kahit civil wedding palang ang kasal nila. Hello, iyong iba nga hanggang live-in nalang talaga hanggang sa tumanda.


"Half-sibling? Interesting."-nasabi ko nalang na ang tinutukoy ay iyong huling sinabi niya.


"Yes, it is."-naiiling niyang sagot, nang tignan ko ang mukha niya ay nakangiwi siya.


Hindi na ako nagtanong pa uli at bumalik na sa ginagawa. 


So may nalaman ako tungkol sa buhay niya kahit papaano, pero ang nalaman kong iyon masyado namang pang-personal at wala nang kinalaman sa kanila ni Aimee. Hays.

____________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...