The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 14

73.5K 2.1K 181
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



"Sa...salamat po" nauutal na sabi ko kay sir Zach at mabilis na bumaba sa kanyang sasakyan.

Sa may kanto malapit sa school ako nagpababa, hanggang ngayon kasi ay ayokong kahit na kaunti ay may makahimig na close kami kahit konti lang naman.

Nasa quadrangle ang mga kaibigan ko. Kaagad akong dumiretso duon. "Wala tayong lecture sa biochem ngayon. Sa laboratory na lang daw tayo imemeet ni Ma'm. Busy para sa Chemsoc week" kaagad na salubong sa akin na Glayn.

Napatango ako. Nanatiling kabado, parang lutang at high sa drugs ang pakiramdam ko ngayon.

Iginala ko ang aking paningin sa aking mga makasa. Duon ko nakita ang matalim na tingin sa akin ni lyndi.

Lumunok muna ako bago ako nagsalita sa kanya. "Ka...kamusta?" Tanong ko.

Naningkit ang mata nito. Halatang inis. "Mabuti...nakakamove on naman na kahit papaano, naghahanap na ako ngayon ng pwedeng mapaglibangan" pekeng ngiti ang ibinigay niya sa akin pagkatapos niya iyong sabihin.

"Go...good to hear that" kabadong sagot lo din naman sa kanya dahil di ko naman alam kung paano ko siya pakikitunguhan.

Maya maya ay inalis nito ang pink na backpack sa kanyang lap at padabog na inilagay sa gilid ng upuan. "Comfort room lang ako" paalam nito sa mga kaibigan namin.

Kaagad na tumugon si cristine sa kanya. "Saan?" Tanong nito kay lyndi na ngayon ay nakatayo na.

"PJP" taas kilay niyang sabi habang nakatingin sa akin. That time i hold my emotions back. Baka mamaya ay may makitang emosyon si lyndi sa akin na hindi naman pwede. Ayokong maghinala pa siya, tama ng alam nilang crush ko lang si sir zach. Ayaw kong malaman nilang there is more than that.

"Alam niyo abnormal din tong si Lyndi eh...parang nung isang araw lang gusto na daw niyang pakamatay" natatawang kwento ni cristine habang napapailing pa.

"Sus...ganun talaga pag hindi malalim ang love kala mo ikamamatay mo na hindi naman pala" leksyon ni glayn sa amin.

"Saang koreanovela mo nanaman ba yan napulot ha, Glayn?" Singit ni justine.

Tumaas lang ang isang sulok ng labi nito tsaka umirap.

Wala akong ginawa kundi ang ipaglipatlipat ang page ng aking hawak na laboratory manual, wala ako sa mood at sobra talaga akong tinatamad. Maya maya ay bumalik na si lyndi, kung kanina ay nakasimangot ito ng umalis ay abot tenga naman ang ngiti niya ngayon.

"Kararating lang ni sir Zach" masayang kwento niya sa amin. Not directly to me...

"So what?" Masungit na tanong ni cristine.

Maarteng umupo si lyndi sa kaharap kong bench. "Wala lang, kala ko kasi hindi nanaman siya papasok" natatawang sabi pa niya.

"Hoy Lyndi wag mo sabihing si Sir Zach naman ngayon! Aba hindi pa nga nagiisang buwan nung nagkaroon kayo ng problema ni Sir Kenji maguumpisa ka nanaman!" Pangaral sa kanya ni grace.

Nagkibit balikat ito at napabaling sa akin. "Wala namang masamang magkaroon ng bagong crush diba, Sofia?" Nakangusong tanong niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko nung una pero tumango na lamang ako sa kanya. "May iba kayang gusto si Sir Zach!" Laban ni glayn.

"Oo nga, tsaka tumigil ka nga muna Lyndi!" Si elayza naman.

"Sus! Yung mga ganyang tipo ni Sir Zach, hindi magseseryoso sa isa...tsaka crush lang naman, hindi ko naman sinabing aagawin ko!" Natatawang sabi niya pero siya lang ang natawa. Halos lahat kasi kami ay napatahimik dahil duon.

I need a break kaya naman, nagpaalam na muna ako. "Cr lang ako" paalam ko sa mga ito ng di ko sila nagawang tingnan.

"Sama ako!" Habol ni rea at hinayaan ko siyang sumunod sa akin.

Patungo akong medicine building, maganda kasi ang cr duon at pangsosyalin. Wala gusto ko lang maiba ngayon.

"Himala at hindi tayo sa pjp nag cr ngayon" natatawang sabi ni rea.

Di ako umimik, nanatiling tinitingnan lamang ang aking imahe sa malaking salamin.

"Hoy..." malumanay na kalabit sa akin ni rea.

"I'm over acting" di iyon tanong kundi isang pahayag.

Nanliit ang mata ni rea at tsaka kumunot ang noo. "What are you talking about?" Tanong niya. Di ko alam kung wala ba talaga siyang alam o gusto niyang sa akin manggaling ang lahat.

"Hindi naman masama na magkaCrush din yung kaibigan mo sa crush mo diba?" Naiilang na tanong ko sa kanya.

Kumalma ang kanyang mukha. "Di naman masama...but mukha kasing hindi crush lang ang meron sa inyo ni sir Zach, may mas malalim pa..." sabi niya na ikinagulat ko.

"Paanong..."

Napahalukipkip ito at sumandal sa pader, kita ko pa rin naman siya sa salamin kaya duon ko na lamang siya tiningnan. "Halata namang gusto ka talaga niya" pasimula niya.

"Pustahan nga tayo, ipagpapalit niya ang position niya dito sa school para lang sayo" paninigurado nito.

Napalunok ako at tsaka na siya hinarap ngayon habang nakasandal ako sa sink.

"Yon ang ayokong mangyari...kaya nga hindi ko na alam ang gagawin ko eh" problemadong sabi ko.

"Ayaw mo kasing aminin na gusto mo din siya!" Point out niya.

Napailing ako. "Hindi ko siya gusto..." mahinang sabi ko na para bang sarili ko ang kinukumbinsi ko at hindi si rea.

"Gusto mo siya, Sofia Nicole Hernaez. Gusto mo siya" madiing pagpapaintindi nito sa akin.

Di na ako sumagot pa at hinayaan ko ang aking sariling makipagtitigan sa sahig."Teka, cubicle lang ako" paalam ni rea sabay pasok sa isa sa mga cubicle.

Maya maya ay bumukas ang pintuan ng cr. Napaayos ako ng tayo ng makita kong si cristine iyon kasama si jochelle.

"Bakit ayaw mong pumasok?" Tanong niya sa taong di ko naman kita dito. Nasa labas pa rin kasi sila at nakabukas lang ang pinto.

"Hoy tara na" yaya naman ni jochelle dito.

Pero nakarinig lang ako ng pagtakbo pababa. At lalo akong nakaramdam ng takot at kaba sa isinigaw napangalan ni cristine.

"Lyndi!" Tawag niya dito.

"Problema nun?" Nagtatakang tanong niya, at pumasok na lamang sa isa sa mga cubicle.

"Baka katext nanaman si Sir Kenji  hawak nanaman ang cellphone eh" kwento ni jochelle.

Maya maya ay lumabas na si rea sa cubicle. "Hoy! Anyare sayo mukha kang natatae ah!" Natatawang asar niya sa akin.

Napakurapkurap ako at napailing, "Tara na baka nasa room na yung iba" yaya ko sa kanila.

"Sige pre, una na kayo" sabi ni jochelle sa amin.

"Oo nga" pagsangayon naman ni cristine. Di na ako nagpaligoy ligoy pa at kaagad na akong lumabas duon.

"Hoy, teka!" Pagtawag ni rea sa akin na naghuhugas pa ng kamay sa may sink.

Tuloy tuloy ang pagbaba ko hanggang sa muntik na akong matumba dahil muntik na akong makabangga ng isang tao.

"Sorry po" paghingi ko ng paumanhin ng hindi man lamang ito tinitingnan.

Di naman na ito sumagot kaya naman lalagpasan ko na sana ito ng kaagad ako nitong hinawakan sa balikat. "Is there something wrong?" Malambing na tanong niya na ikinagulat ko.

Napatingala tuloy ako at duon ko nakita ang nagaalalang mukha ni sir zach. "Wala po" mahinang sagot ko sa kanya.

Tiningnan ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko. Itataas ko na sana ang kamay ko para tanggalin iyon ng kaagad na parang may nalungkot na kung ano sa akin ng siya na mismo ang nagtanggal nuon.

"Una na po ak..." di ko na natuloy ang sasabihin ko ng kaagad niya akong isinandal sa may pader at ikinulong.

"Napapansin ko lately parang ang tamlay mo. What's bothering you, baby? Sabihin mo sa akin" pagsusumamo niya.

Matangkad siya kaya naman pantay lang ng mata ko ang labi niya. Napaiwas na lang tuloy ako ng tingin dahil sa pagkailang. "Madami po kasing kailangan gawin" palusot ko.

Humugot ito ng malalim na buntong hininga at tsaka ko nakita ahg pagtango niya. "Ok...I'll drive you home later" pahayag niya na ikinalaki ng mata ko.

"Hindi po pwede!" Laban ko.

"Why?" Kunot noong tanong niya.

Napayuko tuloy ako, "Basta po, hindi pwede" pagmamatigas ko.

Bahagya kong tinulak ang matigas niyang dibdib palayo sa akin para makaalis na ako. Pero ganuon na lamang ang gulat ko ng mahigpit niyang idinikit ang isang kamay ko sa pader at kaagad akong hinalikan.

Di ako nakagalaw, di man ito ang unang beses ay nagugulat pa din ako sa tuwing inaangkin niya ang aking labi. Di pa siya nakuntento at ang isang kamay niya ay hinapit pa ang bewang ko palapit sa kanyang katawan.

Duon ko lang napansing lasang alak ang kanyang labi. Napakapit ako sa kulay gray niyang long sleeve. Dahil sa lalim ng kanyang halik, maging ang leeg ko ay parang mababali dahil sa marahas at nanggigigil na galaw ng kanyang labi sa akin.

"S...sir" tawag ko sa kanya sa takot kasing baka bumaba na ang mga kaibigan ko galing Cr.

Lumagpas ang labi niya sa labi ko papuntang pisngi pababa sa leeg hanggang duon na siya naghabol ng hininga. "I'm not sorry for that, Sofia..." bulong niya sa aking tenga dahilan para mapalayo ako sa kanya dahil sa pagkakakiliti.

"Ka...kailangan ko na pong umalis" paalam ko sa kanya.

Dahan dahan niyang pinagtagpo abg mga mata naming dalawa. "Do you feel it, Sofia?...Naramdaman mo ba kung gaano ako kagigil sayo?" Tanong niya na nagpatindig sa balahibo ko.

Inipon ko lahat ng lakas ko para sagutin niya. "Are you telling me that you only feel lust, Sir?" Matapang kong tanong sa kanya.

Di ko inaasahang mapapangisi ito. "If it is only lust, Sofia, bakit ako magtitiis sa innocenteng batang katulad mo? Mas maraming maganda at sexy diyan, mas may karanasan na kesa sayo" mayabang na sabi niya.

Itinaas ko ang parehong kamay ko para itulak siya pero di sapat ang aking lakas dahil hanggang ngayon ay nanghihina pa din ako dahil sa halik niya.

"Then dun ka!" Sigaw ko sa pagmumukha niya.

Kinagat nito ang ibababg labi niya na para bang nagpipigil ng ngiti. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa. " But, hindi sila ikaw Sofia...kasa ang gusto ni Zach si Sofia, wala ng iba" malambing na sabi niya.

"Dalian niyo!" Rinig kong sigaw ni cristine sa itaas, mukhang nagmamadali na ang mga ito pababa.

Kaagad kong tinulak si sir zach at nagpaubaya naman siya. "I'll drive you home, Princess" pagpapaalala niya sa akin at kaagad din namang umalis. Gusto ko na nga sana siyang itulak pababa dahil akala mo namamasyal sa mall kung maglakad.

"Oh, Sofia!" Gulat na tawag nila sa aking tatlo.

"Andito ka pa pala" sabi ni jochelle.

Di na nila ako hinintay na sumagot tuloy tuloy lang ang pagbaba nila kaya naman si rea na ang humila sa akin pababa.

"Scandal kayo ha!" Natatawang pangaasar niya sa akin na ikinalaki ng mata ko.

"Na...nakita mo?" Gukat na tanong ko.

Kaagad itong umiling kaya makakahinga na sana ako ng maluwag pero kaagad din naman niyang binawi. "Napanuod ko lang" sabi pa niya sabay tawa.

Kaagad kong binawi ang kamay kong hawak niya. "Hoy, nahiya pa siya oh" pangaasar nito sa akin.

Dahil duon ay kaagad akong tumakbo para iwanan siya. "Oh, bag mo" abot sa akin ni theresa ng nagmamadali na ang mga ito paakyat sa laboratory.

"T*ngina" daing ng hinihingal pang si cristine.

"Hoy, bunganga mo!" Natatawang suway ni grace dito.

Wala pa pala kasi ang prof namin, nagmadali pa naman kami. Inilagay ko ang bag ko sa tabi ng bintana, at nagulat ako ng may umitsa ng isang pink na bag sa tabi ko.

"Anyare dun?" Tanong ni jochelle.

Napalingon ako at duon ko nakita ang nakabusangot na si lyndi. "Hindi pinansin ni Sir Zach eh...dumaan kasi sa harap namin, todo ngiti" kwento ni theresa.

"Nababaliw nanaman" natatawang sabi ni elayza.

Napakagat labi tuloy ako. "Nakatikim kasi ng lips kaya masaya" singit ni rea na kaagad kong pinlakihan ng mata.

"Anong lips?" Tanong ni glayn.

Kaagad na hinampas ni rea ang braso ni glayn. "Edi lips...yung candy baliw!" Natatawang asar ni rea marahil sa nakita niyang di mapakaling ekspresyon ko.

"One of these days...may isang sisikat sa grupo natin" bigla sabi ni lyndi sa gitna ng katahimikan.

"Bakit sinong magaartista?" Tanong naman ni justine.

Ngumiti si lyndi, ngiting alam mong may itinatago. "Wait and see..."

Kaagad kong sinabi kay rea na hindi ako makakasabay sa kanila pauwi. Di na ito nagtanong at mukhang may alam na siya. Hinintay ko si sir zach sa labas ng university kung saan walang makakakita sa amin. Kaagad na pumarada sa harapan ko ang bago niyang puting volvo.

"Let's eat dinner first" pahayag niya pagkasakay ko.

Di naman na ako lumaban pa. "Can I ask you something?" Tanong ko dito.

"Anything baby..." paninigurado niya.

Di ko alam kung tama ba itong gagawin ko o kung nasa tamang wisyo ba talaga ako. "Pwede bang pansinin mo din yung mga classmates ko? Lalo na si Lyndi?" Paguumpisa ko.

Kita ko ang pagbaling niya sa akin pero di ko siya ginantihan ng tingin o tumingin man lang sa kanya. Ayoko, natatakot akong salubungin ang mga titig niya.

"Are you telling me to entertain other girls?" May bahid ng pagkadismaya ang kanyang boses.

"Of course not" matigas na sabi ko.

Kita ko ang magtiim bagang nito at ang paghigpit ng hawak niya sa kanyang manibela. "Good...cause I won't do that" matigas na sabi pa niya.

"Gusto ko lang naman tulungan si Lyndi...you know, nagmomove on pa din siya sa nangyari sa kanila ni Sir ke..." di niya na ako pinatapos

"I'm not a moving on thing...na ipapagamit mo sa kaibigan mo para makalimot siya. Do you understand that, Sofia?" Galit na sabi niya sa akin.

Nahiya tuloy ako para sa sarili ko. "I...I'm sorry" mangiyak ngiyak na sabi ko.

Naramdaman ko ang pagbagal ng andar ng sasakyan at ang paghinto nito sa gilid ng kalsada.

Kita ko ang pagtanggal niya ng kanyang seatbelt at tsaka siya lumapit sa akin. Hinawakan niya ang baba ko para magpantay ang tingin naming dalawa.

"Wag mo akong ipamigay, Please. Sayo ko lang binibigay ang sarili ko, Sofia. Sayo lang ako kaya sana naman wag mo akong ipamigay sa iba" pakiusap niya.

Tumango ako sa kanya ng magsimula ng maglaglagan ang mga luha ko. "Di kita ibibigay sa iba Sir Zach...ayokong sa iba ka" sabi ko at kaagad na yumakap sa kanya.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin. "Damn baby, wala akong uurungang laban para sayo"








(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

758K 26.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
143K 4.8K 32
[ UNDER EDITING ] Aimie Cha is a woman whose life is peaceful, she is not rich but she is not poor either. She graduated as a valedictorian in a famo...
2.2M 56.6K 33
[COMPLETED] Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sa 'yo? • • • Fina Tuazon is a plain college student whose only drea...
2.2M 56.9K 45
Barkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwi...