The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 12

76.2K 2.1K 204
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



"Umamin ka na kasi" pagpupumilit ni glayn.

Kanina pa nila ako kinukulit ni rea habang gumagawa kami ng ointment sa aming Drug delivery system laboratory.

"Wala nga" tipid na sagot ko sa kanila habang nagfofocus ako duon sa paghahalo ng aking ointment sa evaporating dish.

"Ok lang yan, Glayn...lalabas din yan" natatawang sabi pa ni rea.

Di na lamang ako umimik pa. Sobra tuloy akong naconscious sa mga galaw ko ngayon. Sa sampu kaming magkakaibigan ay si lyndi talaga ang di ko ganuon ka Close. Medyo mailap kasi ito at palaging nakaharap sa kanyang Cellphone. Di ko naman alam kung bakit at wala naman din akong karapatang makialam pa sa kanyang personal na buhay.

"Hindi tayo magmemeet tomorrow dahil may activity sa quadrangle..." anunsyo sa amin ng aming CPI professor ng sumaglit siya sa aming room para iannounce na hindi niya kami mamemeet bukas dahil nga sa nasabi nga daw na event sa Quadrangle.

Nagbigay lamang din ito ng Assignment na kailangan pa din naming ipasa bukas kaya no choice kundi ang pumasok pa din sa oras, yun nga lang pagkatapos mong maipasa ang assignment mo ay magpapagala gala ka na sa school.

"Don't worry guys...hindi kayo mabobored bukas" paninigurado sa amin ng aming prof.

Di naman siya nagkamali dahil nabusog ang aming mga mata sa ibat ibang booth na nakalatag ngayon sa buong quadrangle.

"Ayoko po!" Pagpupumiglas ni Rea ng hulihin siya ng isang marine dahil sa di namin alam na kasalanan.

"Sofia!" Hingi niya ng tulong.

Napatawa na lamang ako dahil sa kanyang reaction. Inis na inis kasi ito. Di napigilan ang mga marine students kaya naman nakulong pa din siya sa jail booth. Madami ng tao sa loob, ang iba ay inis kagaya ni rea, pero ang iba naman ay parang nageenjoy pa.

Lumapit ako duon para basahin ang mga bawal dahilan para mahuli nila ang aking kaibigan. Bawal ang mga nakapulang lipstick, may nakasabit na Earphones na tenga, animal printed na backpack, itim na I.D case at mga nakaBraces...kung isa ka sa mga ito ay siguradong mahuhuli ka nila.

"Ate pyansahan ko po siya" bayad ko tsaka turo sa aking kaibigang si rea na nakabusangot na sa loob.

Inis na inis ito habang paakyat kami sa building namin, pero natatawa na lamang ako dahil duon. Saktong pagdating ng room ay nanduon na ang mga classmates ko.

"Try niyo, Guys!" Anunsyo ni Jochelle.

"Ano yun?" Nagtatakang tanong ko.

Itinaas niya ang hawak na puting Envelope na may puso sa gitna." Sa halagang 10 pesos, pwede mo ng padalhan ng sulat yung crush mo, pwedeng di ka magpakilala...sila na ang bahalang magdeliver kahit saang building basta alam mo kung ano yung schedule niya" paliwanag ni Jochelle.

Si justine at Cristine ay kanya kanyang sulat sa kanilang mga Envelope. "Gusto ko ding itry!" Nakangiting sabi ko.

Pagkatapos ipasa ang Assignment namin ay kaagad kaming nagtungo sa Kisses Booth kung saan para silang mail mans na magdadala ta maghahatid ng iyong sulat sa nais mong pagbigyan nito.

"Sulat mo dito yung pangalan ng padadalhan mo, then yung schedule niya tsaka kung saang room" paliwanag sa amin nung tourism student na namamahal duon.

Napakagat labi ako, di ko pa nga pala alam kung sino ang pwede kong padalhan. Nagiiisip ako ng biglang dumating sina Theresa, Grace at Elayza.

"Hoy Sofia, tawa nanaman ng tawa si Sir Zach sa harap ng laptop niya, sabi na nga ba't may sayad ata iyon eh" sabi ni Elayza na ikinatawa ng aking mga kaibigan.

Dahil sa kanyang sinabi ay kaagad akong nagkaroon ng Idea kung sino ang aking pwedeng padalhan. Di naman niya malalaman na galing iyon sa akin.

Kaagad kong sinulat ang pangalan ni Sir Zach at kung saan siya matagagpuan kundi sa Medicine registrar office.

"Ate anduon po siya ngayon" nakangiting sabi ko pa.

Kaagad na tumango si ate at kaagad na ibinigay ang letter ko sa mga Mail man nila na naghahatid sa ibat ibang building.

"Ihahatid na namin now" nakangiting paninigurado niya pa.

Nuon ko lang tuloy naramdaman ang kaba, kung tama ba ang aking ginawa. Sh*t Sofia siguraduhin mong paninindigan mo iyan.

"Naks! Lakas ng loob ah!" Pangaasar nila sa akin.

Di na ako nakapagFocus pa sa sumunod naming klase pagkatapos nuon. Iniisip ko kasi kung ano ang pwedeng maging reaksyon ni sir Zach sa aking pinahatid na letter sa kanya. Isa iyong tula. Tula na ako mismo ang gumawa.

"Ano bang problema?" Mahina pero nagaalalang tanong ni Cristine kay Lyndilou.

Kaagad nilang napukaw ang aking pansin, pilit kasi nilang hindi ipinapahalata sa aming prof ang nangyayari. Namumugto ang mga mata nito at panay singhot.

"I'm not yet ready..." sabi niya sabay subsob muli sa kanyang dalawang palad. Napatingin ako sa katabi kong si Rea pero tiningnan lamang din ako nito at tsaka nagkibit balikat.

Naging mailap sa amin si Lyndi ng mga sumunod pang araw, pero di naman napagod sina Cristine at Grace na lapitan, damayan at amuhin siya.

Nakaupo kami sa kabilang side ng quadrangle kung saan kita namin lahat ng nakahelerang booth. Natatawa kami habang pinapanuod yung mga nahuhuli sa Jail booth, yung mga babaeng parang nangingisay habang nagsusulat sa kisses booth at yung mga naghihiyawan para sa kanikanilang mga kaibigang ikinakasal sa wedding booth.

"Gara ah!" Daing ni Glayn habang nakatingin kay rea na nakatanggap ng letter sa isang unknown sender.

"Hayaan mo Glayn, papadalhan kita" natatawang asar sa kanya ni theresa na kaagad naman niyang sinamaaan ng tingin.

"O kaya naman Glayn. Padalhan mo na lang yung sarili mo" dugtong pa ni Elayza na lalo naming ikinatawa.

Nasa gitna kami ng pagtatawanan ng magulat kaming lahat ng may isang lalaking nakablack hoddie at naka face mask ang lumapit sa aming pwesto.

"Hi miss, pwede ka bang pakasalan?" Diretsahang tanong niya sa akin na kaagad ko namang ikinagulat.

Imbes na damayan ako ng aking mga kaibigan ay nagtawanan pa ito tsaka ako inasar.

"Pero..." pagdadahilan ko sana pero ang mga napakaSupportive ko talagang mga kaibigan ay pinagtulakan pa ako.

Muli kong tiningnan ang lalaking iyon at mas lalong nagtayuan ang mga balahibo ko ng kumindat ito sa akin. "Sir...Sir Zach!?" Nanlalaki matang tanong ko ng mamukaan ko siya.

Bahagya itong tumango, para di mahalata ng ibang tao. "B...bakit?" Tanong ko out of now where.

"Wala trip ko lang...tara pakasal tayo" preskong preskong sabi pa niya na parang wala lang.

Di na ito nakatiis pa at kaagad na akong hinila nito patungo sa wedding booth. Nilingon ko anb aking mga kaibigan para sana humingi ng tulong pero ang mga ngiti nito ay abot pa mga tenga na akala mo ay sila ang ikakasal.

"Papakasal po kami, Father" sabi nito sa kunwaring Pari sa booth. Kaagad naman akong sinuotan ng Belo ng isa sa mga estudyante.

"Pili kayo ng singsing" sabi pa nito sa amin at ipinakita ang ibat ibang uri ng plastick na singsing na pwede naming pagpilian. Napatingin naman ako sa balot na balot na si Sir Zach.

"Pili ka na..." utos niya sa akin at rinig na rinig ko pa ang kanyang pagngisi.

Pumili na lamang ako ng kahit anong desenyo ng singsing duon, hanggang ngayon ay di pa din kasi nagsisink in sa akin ang aming ginagawa kahit ba sabihing laro laro lamang ito.

"Ikaw, Kuya?" Baling naman sa kanya nung babaeng may hawak ng mga plastick na singsing.

"Hindi na...meron ako dito" sagot niya at kaagad na bumaling kay Father.

Napatingin ako sa mga kaibigan kong nakahelera sa gilid. Silang lahat ay natatawa sa nangyayari sa akin. Without even knowing kung sino ang kasama at katabi ko ngayon.

"Pasulat muna ng pangalan, para mamaya pagbabasahin ni Father" sabi ni Ate tsaka kami binigyan ng papel at ballpen.

Kaagad kong isinulat ang aking pangalan. Nang kay Sir Zach na ay kaagad kong nakitang ang second name niya ang kanyang gamit. Tama lang iyon para mas safe, marami pa namang estidyante ngayon sa buong quad, ag pustahan tayo karamihan sa mga iyan ay kanya ding tagahanga.

Would you dance if I asked you to dance?

Would you run and never look back?

Would you cry if you saw me crying?

Would you save my soul tonight?

Narinig ko ang pagdami ng tao sa aming likuran ng magsimula na din ang aming magiging background song.

"Hijo, baka pwede mong ibaba ang iyong hoddie at tanggalin ang iyong face mask" utos sa kanya ni father.

"Naku Father, hindi po pwede eh...may sakit po kasi ako ngayon" pagdadahilan nito. Di naman pa nagpumilit pa ang pari parian sa aming harapan at sinimulan na ang seremonyas.

Would you tremble if I touched your lips?

Would you laugh? Oh, please tell me this.

Now would you die for the one you love?

Hold me in your arms, tonight.

Di ko naman naintindihan ang iba pang sinabi nito dahil sa parang lumulutang sa ere na pakiramdam ko ngayong oras na ito. Kaagad kong nilingon si Sir zach pero seryosong seryoso ito, maya maya ay nilingon din niya ako.

"Mag focus ka nga sa kasal natin, bastos ka ah" bulong at utos niya sa akin.

I can be your hero, baby.

I can kiss away the pain.

I will stand by you forever.

You can take my breath away.

Imbes na laban ko siya duon ay kaagad akong napaayos ng tayo at napatingin diretso kay Father.

"Do you, Andrew Alonzo...Take, Sofia Nicole Hernaez to be your lawfully wedded wife?" Tanong ng pari.

"Yes, Father" sagot niya kaagad.

Would you swear that you'll always be mine?

Would you lie? Would you run and hide?

Am I in too deep? Have I lost my mind?

I don't care. You're here tonight.

I can be your hero, baby.

I can kiss away the pain.

I will stand by you forever.

You can take my breath away.

Sa akin naman bumaling si Father ngayon. "Do you, Sofia Nicole Hernaez. Take, Andrew Alonzo to be your lawfully wedded Husband?" Tanong niya sa akin.

"Uhmmm..."

"It means yes" kaagad na singit ni Sir Zach na nagpatawa sa mga kaibigan ko at sa ibang nanunuod sa amin.

"I'll repeat again...Do you Sofi..."

"Yes, Father" kaagad na putol konsa kanya.

Mas lalo kong narinig ang tawa ng aking mga kaibigan. Nasabihan pa nga ako ng mga ito ng bastos dahil daw sa aking ginawa, wala naman akong magagawa dahil kabado ako.

Matapos iyon ay nagpalitan kami ng singsing. Pero ganuon na lamang ang gulat ko ng naglabas ito ng totoong singsing. Isa iyong promise ring. Maganda siya at halatang mamahalin talaga. Kaagad namang naghari ang bulong bulungan sa aming palaigid na panay puri sa singsing na isinuot sa akin ni sir Zach.

"I now pronounce you, Mr. And Mrs. Alonzo" anunsyo ng pari sabay palakpakan.

"You may now Hug the Bride" dugtong pa nito kasabay ng hiyawan.

"Hug lang!? Boring!" Daing ni Zach na pati ako ay tinawanan din ang kanyang kalokohan.

Hindi ko napigilang mahampas siya sa braso kaya naman, natatawa tawa na lamang itong napayakap sa akin na kahit ako ay parang naiilang at di rin mapakali.

"Tara honeymoon na" hila niya sa kamay ko dahilan para bawiin ko iyon.

Napatawa naman ito at kaagad na lumapit sa akin. "Asawa na kita ha! Bawal ng may lumapit sa iyo..." paalala pa niya bago ako iniwan duon.

Kaagad na pinalibutan ako nb aking mga kaibigan na di magkamayaw sa pangaasar sa akin. "Shet! First lady ng University na ang peg!" Pangaasar ni glayn na kaagad kong sinuway dahil baka may makarinig.

Hay naku, wala na talagang pwede pang maisikreto dito sa mga kaibigan kong ito.

"Mrs. Alonzo!" Sabay sabay na tawag nila sa akin ng dapat sana ay magwalwalk out ako.

Napapadyak ako sa gitna ng quad at kaagad na nagmadaling tumakbo papunta sa next class namin. Di pa rin naman natigil ang mga iyon sa pangaasar sa akin dahil napagalitan na nga sila ng prof namin dahil sa kanilang ingay.

"Dito po ba si Sofia...Alonzo?" Tanong ng isang Tourism student. May mga hawak silang sulat. Napataas naman ang isang kilay ko.

"Hoy, Sofia Alonzo daw" pagkuha ni grace ng atensyon ko.

Napaturo ako sa aking sarili. "Ako?...pero her" sasabihin ko palang sana ang apelyido ko ng kaagad nilang ipinaalalang ikinasal nga pala ako kanina.

Kagat kagat ko ang aking labi ng tanggapin iyon. Binuksan ko kaagad ang Card.

To: My Wife

Thank you sa Poem mo...nagustuhan ko.

From: Your Husband


Gusto ko na sanang magtititili duon pero muntik pa akong masamid ng aking sariling laway ng makita ko ang matalim na titig sa akin ni lyndi.

"Class, keep quite!" Stress na stress na sigaw sa amin ng aming prof kinabukasan

Naglelecture kasi kami ng biglang pinatawag si Lyndi sa klase. Ramdam na kaagad ng lahat na may di magandang nangyayari.

"Shit, sinasabi ko na nga ba at mahuhuli sila eh" problemadong sabi ni Cristine.

"Ano ba kasi talagang meron?" Tanong ni glayn.

"May relasyon sila ni Sir Kian, eh alam naman nating bawal iyon sa university diba?" Sabi niya at pilit hinihinaan ang boses. Nagulat naman ako ng parang di na nagulat pa ang iba pa naming mga kaibigan.

"Matagal ko ng nahahalata yon" seryosong sabi ni Elayza.

Dahil sa nagising problema ay maaga kaming pinalabas ng aming prof. Kaagad din naman kaming naghiwahiwalay ng aking mga kaibigan para sa kanya kanyang gagawin dahil sa maagang dismissal.

"Kian will be transfer in Pampanga Campus" maawtoridad na sabi ni president, habang di sinasadyang napadaan ako sa hall way kung saan nasa labas sila ng isang glass wall kung saan madalas silang nagmemeeting.

Anduon si sir Zach katabi ng mukhang secretary ni Ma'm president. Nakangiti siya sa akin pero di ko magawang ngumiti din kanya.

Nang mas lumapit na ako sa kanilang pwesto ay napabaling sa akin si Ma'm president at mas lalong tumapang ang itsura.

"I need to go, ayusin niyo yan...dahil pag naulit pa yan hindi lang ganyang paglilipat sa Campus ang solusyon ko" masungit at nakakatakot na banta niya.

"Why president, ano pa bang pwedeng ibang solusyon?" Panghahamon na tanong ni sir Zach sa kanya mismong ina.

"Simple, gagawin natin siyang Exchange student at ipatapon sa ibang bansa...kaya ikaw Zach, wag na wag kang gagawa na hindi ko magugustuhan" baling nito sa anak sabay alis.









(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 56.6K 33
[COMPLETED] Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sa 'yo? • • • Fina Tuazon is a plain college student whose only drea...
801K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
758K 26.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.