RANDOM DEDICATION
okay this is the kakilig
chapter 12 imagine yourself
in the situation im sure
madadama niyo yung kilig haha :P
============================================================
ACE POV
Narito parin ako sa sahig na kinauupuan ko patuloy na umaasang hahabulin niya ako
Napagpasyahan kong ituloy ang paglalakad ko palabas ng school. Patuloy padin ang kaunting pagdaloy ng luha sa aking mga mata, patuloy parin kasing bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari
I'm still asking myself . . .
BAKIT?
Bakit niya nagawa sa akin yun
May nagawa ba akong mali?
While asking those question, i just found myself standing in front of the gate ng school and i also found out na naka lock ito at wala yung manong guard para buksan
Naghintay ako ng konti baka nag CR o may binili lang ito, pero sa tagal ng inantay ko ay wala ding dumating
"no..no pls. dont do this! manong paki bukas naman po yung gate lalabas po ako" tanging nasabi ko
Dumating na nga ako sa point na aakyatin ko na dapat yung gate makalabas lang pero hindi ko kinaya sa taas ba naman nung gate na yun kahit sino mahihirapan talaga
Itinuloy ko ulit yung pagtawag this time mas malakas kesa kanina, nagpatuloy lang ako sa pagsigaw ko pero walang dumating o maski sumagot man
"F*CK" sabi ko
"bakit ba nangyayari sakin to nakakainis" tanong ko sa sarili ko
Imbis ng maghintay sa wala ay napagdesisyunan ko na pumunta muna sa paborito kong tambayan at iyon ay sa viranda, hindi din naman ako makakauwi agad ng bahay na maga ang mga mata ko tatanungin lang ako nila mommy
Sa pagpunta ko ng viranda akala ko magiging okay na ako kahit paano, akala ko marerelax na ako ngunit kabaligtaran pala sa halip ay doon ko naibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko
Umiyak ako ng umiyak , lalo pa't naalala ko ang mga masasayang moments namin dito ni paolo
Hindi ko expected na magagawa niya sa akin na lokohin ako, sabagay sino ba naman ang magkakagusto sa tulad ko
Walang lalaking magmamahal sa amin ng totoo because that's the reality of life na ang mga lalaki ay para sa babae hindi sa kapwa lalaki, hindi din lahat ng oras ay parang fairytale na pwedeng mangyari lahat sa isang kuwento
Maybe this happen to teach me one thing
Na wag masyadong mag-expect, wag maging ASSUMERA
Para naman LESS EXPECTATION, LESS PAIN and LESS DISAPPOINTMENT
Nasabihan lang ako kagabi na mahal niya ako naniwala naman agad ako, nahulog sa kanyang patibong na mapaglaruan ako
Oo nga pala sabi nila lagi daw kasunod ni hapiness si sadness
pero bakit naman ganun hindi balance, hindi ko naman inasahang ganito ka grabe ang sadness na kasunod ng hapiness na natamo ko kagabi
ang SAKIT . .
ang SAKIT SAKIT
Please tell me that i'm just dreamin that when i woke up he'll be there, he'll be there in my side saying "mahal na mahal kita ace"
PLEASE wake me
PLEASE wake me up from this nightmare
PLEASE let me escape this pain
Ngayon alam ko na ang feeling ng niloko at napaglaruan
Sabihin niyo mang medyo OA na ako masakit talaga kasi ang paasahin ka ng taong akala mong mamahalin ka
Matapos ang ilang minutong pagdadrama sa loob ay naisipan kong bumalik na sa harap ng gate baka andoon na si manong guard, hindi nadin ako nagpasyang bumalik sa gym kung sakaling may praktis man itetext ko nalang si jv na sumama ang pakiramdam ko
Sa labas ng viranda ay may mga nagkalat na petals ng bulaklak na naka linya
Sinundan ko lang ang direksyon ng mga ito
Sa huling piraso ng bulaklak na sinundan ko sa direksyong iyon ay napunta ako sa may school grounds namin nakaharap ako ngayon sa may stage
Bigla nalang akong nagulat ng may biglang may tumugtog
-------------------------------------------- >> click multimedia --------------------------->>
Yung paborito kong kanta " a thousand years "
Tapos may mga taong naglabasan mula sa likod ng stage sila coach pala na para bang may mga dala itong illustration boards na may mga letrang nakasulat
Pumila sila at nabuo ang isang salita
"I LOVE YOU"
Tumulo nanaman ang luha ko sa aking nabasa
Then may isang video na nagplay sa isang digital tv na nasa stage, isang video message
Do you remember the day we saw each other for the 1st time?
We are not that close
Pero you always make me smile when i see you
Gustong gusto kong inaasar ka
Seeing you in that mood makes me happy
WHY??
Ang CUTE CUTE mo kasi
Halos 2 buwan narin pala tayong magkakilala
At sa 2 buwan na iyon ay nabuo ang ating malalim na pagkakaibigan
Na napunta sa malalim na pagtitinginan na para sa isat-isa
I want to be by your side ace
Having you by my side is what completes me
Alam nating mahirap ang ganitong relasyon pero ipaglalaban natin
Ace!
If i tell you i love you, can i keep you forever
Ace!
Can you be mine??
Can i be your superman
ipagtatangol kita kahit kanino
Will you make me the happiest man alive??
I LOVE YOU ACE
Sa dulo ng video ay larawan ni paolo na may hawak na mga bulaklak
Hindi ko napigilang mapaiyak lalo na nung makita ko si paolo na lumabas mula sa likod ng stage at may dala dalang mga bulaklak
Unti-unti siyang lumapit sa akin
"ahh ace" si paolo
PAK sinampal ko siya
"aray bakit? hindi mo ba nagustuhan?" tanong nito
"ang gago mo paolo, ang gago gago mo" sabi ko sa kanya habang umiiyak
"dahil ba ito sa kanina? wala yun ace scripted lang lahat ng yun para pag selosin ka at malaman ko kung mahal mo ba ako"
"nasaktan ako paolo ang sama sama ng ugali mo, hindi mo naman na kailangang gawin pa iyon"
Niyakap ako ni paolo
"sorry na pakulo naman lahat ito ni jv"
sa sinabing iyon ni paolo ay lumapit si jv
"bhessy ako talaga nag plano ng lahat ng iyon sorry!"
"ikaw kinonsinte mo pa best friend pa naman kita"
"sorry na nga diba siya nga pala siya yung girl kanina friend ni paolo si claier" si jv
"hello ikaw pala si ace, wait wag kang magagalit sa akin ah! dinamay lang nila ako. wag kang mag alala mahal na mahal ka nitong kaibigan ko" paliwanag ni claire
"haha, okay lang yun napatawad ko na kayo mag iinarte pa ba ako nagawa niyo na eh" sabi ko naman sa kanila
Lumuhod naman si paolo sa harap ko ng mga sandaling iyon
"ace can i be your man? promise yun na ang una at huling beses kitang sasaktan sorry ulit" si paolo
"SAGUTIN mo na" sigaw ng mga taong nakapaligid sa amin pati pala si manong guard kasama nila kaya pala wala doon sa pwesto niya sa gate
"wala na yun kalimutan na natin, oo naman pao you can be my man" sabi ko
palakpakan at sigawan ang itinugon ng mga nakapaligid sa amin
"i love you ace"
"i love you too pao"
Niyakap namin ang isat-isa ng mahigpit na mahigpit tila ba'y walang makakapagpahiwalay sa aming dalawa at nung araw na iyon si sadness ay napalitan ulit ng happiness
============================================================
ayy kinilig ba kayo? haha
sorry sa mga hindi nice
na words na ginamit pasensya na
at dito magsisimula ang
magulong mundong pinasok nila