"Hahahaha! Diyan pala si Kuya ba't hindi niya ako tinawag? Inuman sana kami. Tsk."
"Saglit lang naman siya don. Kanina lang umalis. Alam mo naman, namiss siguro ang maganda niyang kapatid." Then I flip my hair.
Napatigil si Kiel sa paglalakad saka niya kunwari padabog na binitawan ang kamay ko. Alam mo yun? Yung padabog nga niya binitawan ang kamay ko pero joke joke lang? Yung hawak niya parin 'to?
Bakit nga pala ako nagpapaliwanag nang ganito? Bahala nga kayong umintindi!
"Hindi ko alam..." nakayuko siya.
"Na ano?"
"...."
"Na ano kako?" Sinilip ko na mukha niya.
Kaso hindi parin siya sumasagot.
"Huy. Beybe?"
"Na...."
Nak ng baklang kambing 'to. Kailan pa 'to natutong mambitin?
"Na???????"
"Na...makapal pala mukha mo." Sabay tingin niya sa akin ng seryoso.
1
2
3
4
..
"A-ARAYYYYY! AHAHAHAHA! AYLABYU BEYBE AHAHAHA! AHAHAHA-RAY!"
Sunud-sunod ko siyang kinurot.
"Girl si Kieeeeeel!!! Yieeeeee!!!"
"Hala hala girl!! Waaaaaah! Appetizerrr!!!!!!"
"Yieeeeeee! Tapos si Gab naman mamaya!!! Yieee"
Natigil ako sa pangungurot kay Kiel at sinamaan ng tingin ang mga haliparot na'to.
"Tss. Tara na nga girls. Makatingin 'tong alipores na 'to. Maghihiwalay din kayo! AHAHAHAHA"
Akma ko nang lalapitan iyong hinayupak na 'yon nang...
"You." Gulat akong dinuro ni Kiel 'yung nagsalita.
"Yes Kiel? Yieeeee." Aba todo lambing ang boses.
"Girl chance mo na! Ahihihihi."
"I told you girls, mapapansin din ako ni Kie----"
"Shut the fvck up. Get loss."
O_o
Hala hala.. kailan pa nag-i english 'tong baby Kiel ko?
"H-ha?"
"I'm telling you, you won't like it if I say it again."
"Hala girl tara na!!!" Saka hinila nung isang alipores ang kapwa niya alipores. Hahahahahaha! Mga alipores! Sige mag sama sama kayong lahat!!! XD
Saka ako napatingin sa seryosong mukha ni Kiel na nakatingin pala sa akin.
"Ayos ba?" Sabay kindat sa akin. Yieeeeee mas lalo akong naiinlove sa kumag na 'to! Hahahahaha!
"Ahahahaha! Ilang oras mo prinactice english mo? AHAHAHA!"
"Ouch naman mahal." Saka niya binaba lalo ang cap niya.
"Ajujujuju."
"Tara na nga. Tss. Malelate na tayo nito." Sabi ko saka hinigot lalo kamay niya.
At kinikilig ang lola niyo. Hahahahaha!
---------
"Guys, we need to participate to the program later by just watching it 'til the end. Attendance 'yon kay Sir Glenn at Sir Benji." Dadak ng class president namin.
Hanubayen, parang highschool naman kami kung makautos ng ganito. Pero maganda na rin pala 'to kesa mag-alien na naman kami sa discussion. Hahaha!
"Hoy, ano ano ngini-ngiti mo diyan?" Ay, may katabi pala ako. Haha
"We need to be at the auditorium by 1pm 'til 5pm. 2 subjects yon kaya matagal. I'll check the attendance okay? 'Yun lang. Tara break time!"
Nagsitayuan na kami.
"Bili tayong kakainin mamaya. Nakakagutom umupo." Sabi ko kay Kiel.
"Owkidowki."
"Yay! Tara tara!" Hila ko na sa kanya.
---------
Marami-raming students na ang nasa auditorium nang dumating kami kaya bandang gilid na lang kami naupo ni Kiel at para hindi na rin siya pagkaguluhan ng mga alipores sa paligid hehe.
"Cass, ano ba meron ngayon?" Tanong niya habang inaayos ang mga pagkain namin.
Hindi ko maintindihan kung bakit wala kaming proper endearment ni Kiel. Hindi ko kasi alam kung kailangan pa ba talaga yun sa isang relasyon.
"Hoy beybe."
See? Kahit ano maisip namin dalawa, yun na pinantatawag namin sa isa't isa.
"Babes."
See again? Hay I told you gu----
"CASSIDY LORENZO."
Nagulat ako sa pagmamalaking boses ni Kiel.
"Hehe. Ano ba Kiel Vin Gomez? Hehe"
"Ano ba meron ngayon?"
"Teacher's month celeb tungak." Sinimulan ko na kainin ang isang supot ng Bread Pan.
"Okay. Gisingin mo nalang ako no?" Saka siya inihilig ang ulo niya sa balikat ko at binaba ang cap niya.
Ahihihi kilig!
"Hey? Diba magpeperform ang Sweet Potatoes ngayon?"
"Oo yata. Tignan mo, may nakaset na."
"Yieeeee makikita ko na naman si Gab my loves."
"Onga e. Kyaaaah!"
Ingay ingay naman 'tong katabi ko. Hmf.
"Diba engineering si Gab? Hindi ko lang alam yung sila Jhay, Lawrence, Kris at Alex."
"Classmates lang sila Girl."
"Ha? Ahahaha ganoon ba? Hm. Nabalitaan mo ba dati yung ex girlfriend ni Gab sa dati niyang school?"
Lilinawin ko lang, HINDI PO AKO TSISMOSA. SADYANG NAKAKARINIG LANG AKO.
"Ah oo! Si La----"
Hindi na naituloy ng katabi ko kasi nagsimula na ang emcee.
"Good afternoon students! As we all know, we're celebrating Teacher's Day! Let first stand up for the national anthem and for opening prayer."
Syempre hindi ako tumayo. I'm not rude naman pero wala eh, humihilik na si Kiel sa balikat ko. Yumuko nalang ako sa prayer.
"Okay please be seated. And for the opening remarks, let's call Mr. Asdffghjkl" hindi ko na naintindihan dahil ayaw ko nang intindihin ang sasabihin ng kung sino man yon.
Nang matapos lahat lahat ng checheboreche...
"For intermission number and for the crowd's request, from engineering department, let's call SWEET POTATOES!"
Nabuhay ang diwa ko sa sobrang lakas ng tili sa auditorium. Lumingon pa ako sa likod at narealize kong punung-puno pala kami dito.
"Kyaaaaaa!! Ayan na silaaaaaaa!"
"Gaaaaab, Jhaaaaaay! Waaah!!!"
"Alexxxxxx!!! Krrrrrrrrrisssssss omayghad!!!"
"Ang matres kooooooooo!!!"
Isang strum ng gitara lang eh parang guguho na ang auditorium.
Tsss
All day, staring at the ceiling
Making friends with shadows on my wall.
Nagtataka ako bakit hindi nagigising si Kiel sa ingay dito. At nang bumaling ako sa stage...
O_o
All night, hearing voices telling me
that I should get some sleep because
tomorrow might be good for
something..
If I'm not mistaken, ang front man nila ay Gab ang name.
Gab?
Siya yon?
Weh?
"Gaaaaaab! Aaaaaah!!!"
Confirm.
Nakapikit siyang kumakanta habang naggigitara pa.
Hold on.
Feeling like I'm heading for
A break down
And I don't know why.
At nakakakilabot dahil sa chorus, sumabay ang madla kaya napalingon ako sa paligid.
Syet, parang concert lang.
Pero bumaling ulit ako sa stage...
...his eyes are like talking to mine.