The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 8

80.7K 2.5K 166
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Tahimik akong nakikinig sa Prof namin sa Drug delivery system lecture. Sa totoo lang ay gusto ng bumagsak ng mga talukap ng aking mata. Nakakaantok kasi dagdag mo pa ang oras ala una hanggang alas tres na masarap naman talaga sanang matulog.

"Ang layo nanaman ng narating niyang isip mo" bulong sa akin ni Justine kaya naman tuloy napaayos ako ng upo.

"Shh...ha hindi ah!" Dipensa ko sa mahinang tinig dahil baka makita kami ng prof namin.

"Kahapon...nakita ka talaga naming bumaba sa sasakyan ni Sir Zach" pagpupumilit pa rin niya.

Actually kahapon pa nila ako tinatanong tungkol duon. At kahapon ko pa din itinatanggi ang nga paratang nila kahit alam kong nakita ng dalawang mata nila ang pagbaba ko sa sasakyan ni Sir Zach.

Di gaanong kalayuan sa university ako ibinaba ni sir Zach matapos naming manggaling sa North. Hindi ko naman alam na nasa jeep pala sila Justine patungong school at di nila sinasadyang nakita iyon.

"Hindi nga sabi ang kulit nito" dipensa ko pa.

"Tsk. Tsk. Tsk. Ang mga letche girls walang secrets" pangungunsensya pa niya.

"Eh wal..." di na natuloy ang pagdidipensa ko ng mapahinto ang lahat ng may kumatok sa pintuan.

Inirapan ko na lamang si Justine at ganuon din naman siya sa akin. Nagdrawing na lamang ako sa handout ko habang nakikipagusap yung prof namin duon sa kumatok.

"Ms. Hernaez may naghahanap sayo" sabi nito na ikinagulat ko.

"P..po?" Nagtatakang tanong ko.

Nakangiting ang prof namin na para bang nangaasar siya. "Mukhang may package ka" sabi niya sabay lakad patungong table niya at prenteng umupo.

Dahan dahan ang nagawa kong paglakad, wala akong alam tungkol sa package na pnagsasabi ng prof namin. Pagdating sa pintuan ay nagulat ako ng makita ko ang isang lalaki na nakauniform ng Lbc kung di ako nagkakamali.

"Po?" Tanong ko sa kanya.

"Good afternoon Ms. Sofia Hernaez may nagpadala po nito para sa inyo" sabi niya.

Agad nanlaki ang mata ko ng iabot niya sa akin ang isang malaking kumpol ng pulang rosas at isang paper bag na naglalaman ng chocolates.

"Pa Sign na lang po dito ma'm" sabi nung delivery man bago umalis.

Shock na shock ako sa mga pangyayari kaya naman tuloy wala sa sarili akong pumasok sa classroom namin at nagising ako sa katotohanan ng magsigawan ang mga classmates ko.

"Sinasabi ko na nga ba!" Akusa ni Justine ng tamad na tamad akong umupo sa upuan ko.

Buong class hour ay di ako nakatakas sa mapangasar na tingin ng mga classmates ko maging ang mga kaibigan ko ay matalim ang mga tingin sa akin na kalaunan ay sinusundan nila ng ngisi. Pati nga ang prof namin eh humuhugot pa at palagi ako ang pinapatamaan.

"That's all for today" anunsyo nito ng magalas tres na.

Hinintay ko munang maunang magsitayuan ang mga classmates ko bago ako tumayo. Pinulot ko ang bulaklak na nilapag ko sa sahig kanina.

"Well well well...anong nangyayari?" Taas kilay na tanong ni Cristine habang nakahalukipkip pa.

Nakanguso akong tumingin sa kanya at nagkibit balikat. "Wala akong alam...baka nagkamali lan..."

"Nagkamali? At ano...tanga yung tao at pangalan mo ang nalagay niya?" Sabat ni Ella.

Mas lalo akong napanguso. "Wala talaga akong alam Guys...promise!" Taas ko pa ng isang kamay ko.

"Whatever...tara at kumain na lang tayo" yaya ng mga ito.

Agad akong napangiwi, di ko kasi alam kung paano ko bibitbitin ang lahat ng ito ngayon. May tuckle box pa naman akong hawak tapos may paper bag pa tapos may bulaklak pa takte namab oh!.

"Excuse me girls...pwedeng patulong?" Habol ko sa kanila.

Agad naman akong napangiti ng bumalik sila para tulungan ako kahit may kasama pang irap iyon.

"Salamat ang babait niyo talaga" pambobola ko.

"Letche ka!" Natatawang asar ni justine sa akin.

Sa chowking kami kumain kung saan medyo may kalayuan sa university nahihiya tuloy ako habang naglalakad sa may sidewalk.

"Kanino galing?" Seryosong tanong ni Glayn.

Siya at si rea lang ang naiwan sa lamesa ang iba ay nagkanya kanya sa pagOrder.

"Ewan" sagot ko sabay kibit balikat.

"Usong hanapin yung card" mapanuyang sabi ni Rea.

"Sorry naman..." balik na asar ko sa kanya tsaka hinalugbog yung bulaklak. Agad kong nakita ang kulay pink na card at di ko pa man din iyon na bubuksan ay inunahan na akong nung dalawa.

"Hi Ms. Suplada...from maginoong bastos" malakas na basa ni glayn duon.

Maginoong bastos? Wait! What!? At kailan pa naging maginoo ang mga bastos?

"Kilala mo na?" Natatawang tanong ni rea kay glayn.

"Teka iisipin ko muna" pangaasar ni glayn at umaktong nagiisip kunwari.

"May letter Z ba sa pangalan to?" Natatawang tanong niya kay rea.

"Pwede..." sabi ni rea at umaktong iniisip pa.

"Tumigil nga kayo!" Suway ko sa dalawa pero sabay naman silang tumawa.

"Oh sayo na to" sabi ni glayn sabay hagis sa card.

Napabuntong hininga ako. "Di ako natutuwa" seryosong sabi ko na nagpatigil sa kanilang dalawa.

"Seriously, Sofia?" Di makapaniwalang tanong ni Glayn.

Napayuko ako. "Akala ko gusto mo siya" dugtong pa na tanong ni rea.

Lalo akong napayuko. Pero ngayon ay naitakip ko na ang dalawang palad ko sa aking mukha.

"Crush ko siya pero di pa ako ready sa ganito" mahinang sabi ko.

"Ready saan? Sa pagtanggap ng mga regalo?" Tanong ni Glayn.

"Err...ewan! Basta!" Pagmamaktol ko.

"Wag ka ngang maginarte diyan sofia, ito naman ang gusto mo di ba?" Sabat ni rea.

"Di agad...ang bilis naman" daing ko.

"Wow! Sofia ikaw lang ata ang kilala kong di natuwa dahil napansin na siya ng Crush niya" mapanuyang sabi ni glayn.

"Di niyo kasi naiintindihan eh" pagpapaliwanag ko.

"Then ipaintindi mo" seryosong sabi ni rea.

Humugot nanaman ako ng malalim na paghinga. "He is president's son" pagsisimula ko.

Sabay na tumaas ang kilay ng dalawa. "I'm just a student" dugtong ko pa.

"Then?" Sabay silang nagtanong pero wala na akong maisagot.

"Wala problema..." biglang singit ni justine na ikinagulat naming tatlo.

"Let's vote for Sofia!" Natatawang singit pa ni jochy.

"Ha...saan?" Nakakunot noong tanong ni glayn.

"First lady...ng soon to be president ng university!" Sabi ni ella tsaka sila sabay sabay na nagtawanan.

Mas lalo kong binilisan ang paglangoy. Langoy na para bang may humahabol sa akin sa likod. Mabilis akong umahon at naghanap ng hangin ng mahawakan ko na ang dulo ng pool agad ko ding narinig ang pito ni Coach dylan.

"Very good Sofia...di man malaki, you still improve" puri sa akin ni Coach.

"Thank you po..." sabi ko sabay ahon sa pool.

Wednesday at wala ang prof nami sa biochem ngayon. Pwede na sana akong umuwi ang kaso ay kailangan na naming magpasa ng form para sa community pharmacy internship namin na gaganapin this coming summer.

Nagtext na din ang mga kaibigan ko na nasa school na sila at naglulunch lang sa KFC kung saan katabi lamang ng school. Halos 3rd year at 4th year lang ang nasa university ngayon dahil sa make up class nila. Isinuot ko ang kulay pink kong vneck na tshirt at isang faded jeans. Inayos ko ang gamit ko tsaka na ako bumyahe patungong main.

Dumiretso na ako sa quadrangle pero nagtext ang mga ito na nasa Pjp building daw sila kaya naman mabilis akong tumungo duon. Umaakyat pa lamang ng hagdan ay mabilis ng nagtambol ang puso ko.

"Wala siya diyan sofia..." pangungumbinsi ko sa aking sarili.

Iniiwasan ko siya. Simula kasi nung magpadala siya ng bulaklak at chocolate ay ayoko ng magpakita sa kanya...

Nakahinga ako ng maluwag ng natanaw kong walang ilaw sa office niya kaya naman mabilis akong naglakad. Natanaw ko sina jochy, cristine at grace na preskong nakaupo sa may sofa.

"Asaan sila?" Tanong ko kahit medyo malayo pa ako sa kanila.

"Sa loob" nakangiting sagot ni Jochy sabay turo sa cr.

Agad akong tumango. Pero halos mawala ang ngiti sa labi ko ng makita ang nangingibabaw na ilaw na nanggagaling sa laptop ni sir zach. Iyon lamang ang tanging ilaw sa loob kaya naman kitang kita ko kung paanong dahan dahang siyang napabaling sa gawi ko at ang pagkabigla niya dahilan para mapaayos siya ng upo.

Napalunok ako, di ko kaya ang titig niya. "Te...teka mauuna na si...siguro ako sa Dean's office" nauutal na paalam ko kina jochy.

At halos magtaasan ang balahibo ko ng makitang mabilis itong tumayo at akmang lalakad na palabas ng mabilis akong lumakad palayo ng di man lang narinig ang sagot ni jochy.

"Damn it, Sofia...bilisan mo" pagchecheer ko sa sarili ko.

Napalingon ako. Buti at wala pa siya...pero pinagpatuloy ko pa din ang mabilis na paglakad ko. Pumihit ako pakanan para magshort cut pantungong GSB building kung saan nanduon ang dean's office. Pero halos maiwan ang kaluluwa ko ng kaagad na may humigit ng braso ko papasok sa kabilang pintuan ng pjp building.

"Aray ano ba!" Hiyaw ko ng diniretso niya ako hila patungong hangdan.

Napatingin ako sa kamay nitong nakahawak na ngayon sa palapulsuhan ko. At kinilabutan ako ng makita kung sino iyon. "Si...sir Zach" sambit ko.

Di niya ako nilingon. Nagpatuloy lang siya sa pagakyat sa hagdan kaya naman tuloy halos mawalan na ako ng hangin dahil wala akong chance na makahinga. Nabatid kong sa Rooftop kami papaunta ng tinahak na namin ang hagdan sa may 4th floor.

Minsan oo, minsan hindi

Minsan tama, minsan mali

Umaabante, umaatras

Kilos mong namimintas

"DAMN IT!" sigaw niya na ikinagulat ko at marahas niyang binitawan ang palapulsuhan ko.

Kita ko ang mabibigat na paghinga niya marahil ay napagod din sa pagakyat namin sa hagdan.

"Sir Zach..." matapang na tawag ko sa kanya.

Nagulat ako ng lumingon ito ang namumula ang kanyang mata. Nanggigilid ang luha dito.

Kung tunay nga ang pag-ibig mo

Kaya mo bang isigaw

Iparating sa mundo

"Bakit, Sofia?" Matigas na tanong niya.

Napaawang ang aking bibig. Di ko alam ang dapat kong isagot o sabihin.

"Iniiwasan mo ba ako?" Seryoso at nakakatakot na tanong niya.

Umabante siya kaya naman napaatras ako.

"Si...sir Zach, hindi naman sa Ga...gan" napatigil ang nauutal kong bibig ng suntukin niya ang bagay na nasa likuran ko. Yung mga locker.

"Bakit, Sofia? Bakit mo ako iniiwasan!?" Sigaw niya sa pagmumukha ko.

Tumingin sa 'king mata

Magtapat ng nadarama

Di gustong ika'y mawala

Dahil handa akong ibigin ka

Kung maging tayo

Sa 'yo lang ang puso ko

Walang ibang tatanggapin

Ikaw at ikaw pa rin

May gulo ba sa 'yong isipan

Itugma sa nararamdaman

Kung tunay nga ang pag-ibig mo

"Sir..." tawag ko sa kanya. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa takot.

Lalo lamang niya inilapit ang sarili sa akin. "Matapang ka diba? Ilabas mo yang tapang mo!" Hamon niya sa akin.

"Ilabas mo yang putanginang tapang na yan!" Sigaw niya na naging hudyat ng tuluyang pagtulo ng luha ko.

Tumingin sa 'king mata

Magtapat ng nadarama

Di gustong ika'y mawala

Dahil handa akong ibigin ka

Kung maging tayo

Kailangan ba kitang iwasan

Sa twing lalapit may paalam

Ibang anyo sa karamihan

Iba rin pag tayo

Iba rin pag tayo lang

Tumingin sa 'king mata

Magtapat ng nadarama

Di gustong ikaw'y mawala

Dahil handa akong ibigin ka

"Binabalik mo lahat ng ibinibigay ko sayo...Bakit!?" Galit na tanong niya.

"Di po kasi pwede, Sir!" Matapang na sagot ko sa kanya.

"Alin ang hindi pwede!? Sabihin mo sa akin?" Panghahamon na tanong pa niya.

"I...ikaw at ako" mahinang sabi ko.

Narinig ko ang pagsinghap niya. "Are you afraid of commitments?" Naniningkit ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.

"No" Matapang na sagot ko.

Nakatitig siya sa akin. Nang hindi ko na kinaya ay mahagya ko siyang tinulak kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong makawala sa kanya. Malalaking hakbang ang ginawa ko para lakbayin ang malaking rooftop na iyon.

"Sofia!" Tawag niya sa akin at naramdaman ko na ang mabibigat na hakbang niya palapit din sa akin.

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pagiyak ko. Pero napahiyaw ako ng haklitin nito ang braso ko.

"You are too old for me!" Sigaw ko sa pagmumukha niya.

Agad kumunot ang noo niya. "Wh...what?"

"Di tayo bagay, Sir! Studyante lang ako" pagpapaintindi ko sa kanya.

Napangisi ito at mas lalong hinila ang kamay ko para mapalapit ako sa kanya.

"Are you telling me na you only love the chase?" Nakangising tanong niya.

Di niya na ako binigyan ng chance na makasagot. At mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking braso.

"You love the chace... pero pag nandyan na ayaw mo na. Gusto mo lang yung kilig, but when it comes to serious matters, ayaw mo na" akusa niya sa akin.

"So what!" Matapang na sigaw ko sa kanya.

"Di uubra sa akin yan, Sofia" pananakot niya.

"Well, I dont care" sabi ko sabay talikod sa kanya pero hinila nanaman niya ako dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya.

"You only need to trust me" matigas at mariing sabi niya.

Napangisi ako. "I'm sorry. But, I don't even know the word trust"

Ang kaninang nakakunot na noo niya ay mas lalo pang kumunot. "Sofia..." tawag niya sa akin na di ko alam kung nagaalala ba o ano.

"I don't trust anyone...kahit si Mama, si Lola o kahit mga kaibigan ko." Sagot ko sa kanya.

Ang kaninang kamay niyang nakahawak sa braso ko ay nalipat sa aking pisngi.

"Why?" Malambing na pagaalo niya sa akin.

"I lost it..." nahihirapang sabi ko dahil sa pagiyak.

"Shhh..."

Kinabig ako ni Sir Zach palapit sa kanya tsaka niya ako niyakap. "I lost it...the day when my father tried to kill me"





(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

106K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.2M 56.5K 33
[COMPLETED] Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sa 'yo? • • • Fina Tuazon is a plain college student whose only drea...