The Bachelor's Lost Love (Gre...

By Maria_CarCat

5.2M 135K 9.7K

Can I be the missing piece, if he was damn broken? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue (Special Chapter)

Chapter 7

82.1K 2.5K 224
By Maria_CarCat

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________





"Ok ka lang?" Tanong sa akin ni Rea.

"Ha?...ah oo" wala sa sariling sagot ko.

Nakangisi itong umiling di marahil naniwala sa aking sinabi na ayos lang ako. Ang totoo kasi ay kanina ko pa iniisip yung sinasabi ni Sir Zach. Technique? Anong technique...

"Sa laboratory na lang natin ituloy ang lecture it's already time" anunsyo ng prof namin.

Mabilis na nagsitayuan ang mga classmates ko at naglabasan. Sinadya kong bagalan ang lakad ko kaya naman di namalayan ng mga kaibigan ko na di na ako nakasunod sa kanila. Matapos kong masigurong nakababa na sila ay pumihit ako pabalik at duon ako bumaba sa kabilang hagdanan kung saan pagbaba mo ay diretso sa office ni sir Zach.

"Mag ccr lang ako...wala akong balak na masama" pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Nadismaya ako ng makitang wala siya duon sa table niya. Baka nasa medicine building nanaman iyon. Nasa harap na ako ng Cr pero parang tinamad na akong pumasok duon di naman talaga ako naiihi. Pipihit na sana ako paalis ng magulat ako ng may biglang humila sa akin.

"Ahhh!" Sigaw ko sana pero kaagad akong napahinto ng makita kung sino ang kaharap ko ngayon.

"Shut up" natatawang suway nito sa akin.

Sandali niyang binuksan ang pinto ng Cr para isabit ang karatulang Cleaning time.

"Sir Zach..." gulat na sambit ko.

"Good afternoon, Sofia" nakangising sabi pa niya sa akin. At tsaka humilig sa sink. He cross his legs habang pinalalaruan niya ang kanyang lower lips at pilyong nakatingin sa akin.

"Good Afternoon Sir!...Hello!" Mapangasar na sabi ko dahil ginaya ko ang paraan niya ng paghehello sa akin.

Lalong lumawak ang ngisi niya. "Kamusta ang college life dito?" Tanong niya.

"Ayos naman..." sagot ko at nakipagtitigan sa sahig.

"How about the swimming thingy?" Pagpapatuloy na tanong pa niya.

"Everything is fine...pwede na ba akong lumabas dahil may klase pa ako?" Pagsusungit ko sa kanya.

Tumaas ang isang kilay nito. Itinaas niya ang kanyang I.d "Alonzo, Honey...I'm Zach andrew Alonzo. President's son, sino yang prof mong hindi makapaghintay? Ipapatanggal ko yan" natatawang sabi pa niya na ikinalaki ng mata ko.

"Unbelievable..." pamanuyang sabi ko sa kanya sabay irap pa.

"I'm just doing you a favor " laban niya.

"What favor? Excuse me...hindi ko hiniling na magkulong dito sa Cr kasama ka, for your information" asar ko sa kanya.

"So saan mo tayo gusto magkulong? Sa kwarto?" Balik na asar pa niya.

"Mas lalong hindi noh!" Sigaw ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Whoo...kunwari pa to! Sino kaya yung mukhang tanga na palaging nakatambay sa Quadrangle para hintayin ang pagdaan ko?" Pangaasar niya na ikinainit ng pisngi ko.

"Sino kaya yung hindi kumakain kasama ng mga kaibigan niya para umupo sa quadrangle para batiin ako ng Good afternoon?" Patuloy niya kasabay ng mas lalong paglaki ng ngisi niya.

"Shut up..." mahinahong suway ko sa kanya.

"At sino kaya ang babaeng naging paborito na ang Cr na to na kaharap ng Office ko?" Sabi niya at direstong nakatingin sa akin.

"Excuse me, Sir!"

"Bakit dadaan ka?" Pangaasar niya nanaman.

"Hindi! Wag kang talk shit...walang special sa Cr na to, nagkataon lang na ito ang malapit sa akin minsan" pagpapaliwanag ko at tsaka lumipad ang tingin ko sa kung saan.

"Kahit nasa Svb ka? Wow naman mala-blockbuster ba ang pila sa dalawang Cr duon?" Tanong niya sa akin.

Tiningnan ko siya ng matalim. "Nope! Sira kasi yung mga Cr duon...what a shame" asar ko sa kanya sabay irap.

"Sira?" Taas kilay na tanong niya sa akin.

Nilabanan ko siya ng taas ng kilay. "Sira siguro sayo, Oo..." nakangising sabi niya na.

Humakbang itong at lumapit sa akin, napaiktad tuloy ako at umatras pero wall na ang nasa likod ko. "Reasons...a lot of reasons Sofia, kayang kaya ko ding gumawa niyan kaya nga ginagawa ko ng hubby ang maglakad sa quadrangle para lang marinig ang Good afternoon mo sa akin...You call me Sir, it so sexy" mapangakit na sabi niya kaya naman bahagya ko siyang tinulak para mapalayo sa akin.

"Bastos ka" akusa ko sa kanya.

"Bastos nakaHubad" laban niya.

"Minsan nakaSuit" mapanuyang sabi ko sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

"Ow...my bad. Ang bastos ko pala" natatawang sabi niya.

Nakakunot ang noo kong nakatingin sa kanya. Kinuha niya ang I.d niya.

"CAS room 207...mamayang mga 5 pa ako rarampa sa Quadrangle, wag ka munang maghintay sa binta ng room niyo na para kang tanga" seryosong sabi niya sa akin habang nagtatago ang mapangaasar niyang ngiti.

Nanalaki ang mata ko. "Paano mo nalaman ang schedule ko? At excuse me hindi ako nakatambay sa bintana ng room namin para hintayin ang pagdaan mo sa quadrangle!" Hiyaw ko sa kapal ng mukha niya.

"Asus! Kaya pala everytime na dumadaan ako naririnig ko yung tili mo sa Second floor" natatawang kwento niya.

Nanlaki ang aking mata. How could he! Paano niya nalaman lahat ng ginagawa ko! Damn it! I forgot. Sa kanila ang university na ito.

"Oh sige na pumasok ka na..." tulak niya sa akin patungong pintuan.

"Aray ko naman!" Daing ko dahil kung mga tulak akala mo di babae yung tinutulak niya.

Narinig ko lang ang tawa nito. "Wag mo na ulit gagawin yon ha" sabi niya kaya naman nakakunot ang noo kong bumaling sa kanya.

"Ang alin?" Masungit na tanong ko.

"Yung technique mo...papaasahin mo akong nanduon ka sa quadrangle tapos wala ka naman pala, ano yon nagpapamiss ka?" Nakangising tanong niya.

"Bakit nakakamiss ba?" Balik na asar ko. But deep in side gusto ko ng sumabog swear. Pero biglang naging busangot ang mukha ko ng umiling siya.

"Hindi naman...i'm just addicted to it" seryosong sabi pa niya. Di pa nga ako nakakapagreact ay mabilis niya na akong tinulak palabas.

"Earth to Sofia! Isuot mo na yung Lab gown mo" utos ng leader namin na si Glayn.

"Ah, Oo" sabi ko sabay punta sa bintana kung saan duon nakalagay yung lahat ng bag namin.

"Si Sir Zach!" Pigil na pigil na tili ng isa sa mga kaklase ko na nasa may bintana din. Kaagad akong napatingin sa quadrangle at duon ko nakita na naglalakad si Sir Zach patungong medicine building.

I see...hindi ako yung naririnig niyang tumitili, yung kaklase ko yon!

"Faster Sofia!" Sigaw ni coach Dylan.

Mas lalo kong binilisan ang paglangoy ko. I need to be more faster kesa sa mga records ko nung mga nakaraang araw.

Pagkadating ko sa kabilang dulo ay nanduon na si Coach dylan. "Do the Bubbling 10 times then let's call it a day" sabi niya then iniwan na ako duon.

Sinunod ko siya. I do the bubbling 10 times pagkatapos ay umahon na din ako. My record is still the same, walang nagbago...I can't concentrate you know.

"Tulong nalulunod ako!"

Napaiktad ako dahil sa sumigaw na iyon. Nanlaki ang mata ko at napairap ako ng makita kung sino iyon.

"Anong ginagawa niyo dito Sir? Ang pagkakaalam ko ay nasa Pjp ang office niyo" sabi ko habang pinapatuyo ko ng tuwalya ang buhok ko.

"For your information nasa kabila lang ang Elementary at highschool ng University, syempre bilang isang masipag na anak ng president kailangan kong kamustahin iyon" pagmamayabang niya.

"Wow congratulations...ang galing mo" tamad at mapanuyang sabi ko sa kanya.

"Go pack up...nagugutom na ako" utos niya sa akin.

"Oh...eh ano namang kinalaman ko sa pagkagutom mo?" Tanong ko sa kanya.

"Let's eat together, I'll treat you mabait ako ngayon eh" nakangiting sabi pa niya.

"No thanks...I'm Full" mataray na sabi ko.

Pero di ata pabor sa akin ang pagkakataon dahil agad na kumalam ang sikmura ko.

"I don't think so, Silly girl...go pack up kung hindi ako ang magbibihis sayo" utos niya sa akin sabay tulak sa akin patungong Cr.

"Kung makapanulak ka naman Sir!" Hiyaw ko sa kanya.

"Ok lang yan...incase na mahulog ka, no need to worry baby sasaluhin kita" sabi niya sabay kindat.

"Wow kinikilig ako" mapanuyang sabi ko para itago ang tunay kong nararamdaman.

"Ok lang...yan naman ang gusto ko ang kiligin ka" sabi niya sabay tawa.

"Gago ka, Sir!" Inis na sabi ko sabay takbo dahil di ko na kayang itago ang pagtawa ko.

Paglabas ko ng Cr ay naabutan ko si Sir Zach na kausap si Sir dylan.

"Oh Sofia andito ka pa pala" bati ni Coach dylan sa akin.

"Ah opo, Coach" sagot ko at napatingin ako kay sir zach pero inirapan lang ako nito.

"Are you going to the main Campus, Ms. Hernaez? " pormal na tanong ni sir Zach sa akin.

"Yes, Sir" sagot ko.

"Then you can go with me, duon din ako papunta sumabay ka na...come jump in" yaya niya sabay turo sa kanyang itim na bugatti veyron.

"Bye coach" paalam ko kay coach dylan pero nagulat ako ng kaagad hinigit ni sir zach ang braso ko pasakay sa kanyang sasakyan.

Hindi na ako nakapagsalita sa buong byahe. Hinayaan ko na lang siya na magdrive pero halos mabali ang leeg ko ng nilagpasan namin ang university. Nahalata niya siguro kaya kinuha niya ang I.d niya na sa di ko malamang dahilan ay may Schedule ko.

"3 pa ang pasok mo...11:30 pa lang. Sa north na tayo maglunch" seryosong sabi niya na para bang wala na akong karapatang tumanggi pa.

"S...sige" sabi ko na lang.

Tahimik kami sa byahe, medyo traffic syempre ano pa ba ang maasahan mo.

"Kamusta na ang Mommy at Lola mo?" Tanong niya.

"Ayos naman...kahit papaano ay kumikita ang eatery na tinayo nila ni Lola" kwento ko.

Nagluluto sina lola at mama ng lutong bahay. Kahit papaano ay may mga kumakain naman kaya meron kaming panggastos.

"Wala siyang pinagaaplyan?" Tanong ni Sir Zach sa akin.

"Gusto niyang magAbroad, ayoko" nakangusong sabi ko.

"You are really a pain in the ass...ikaw pa ba ang susundin ng Mommy mo?" Tanong niya sa akin.

"Eh sa ayoko eh" laban ko.

"Suplada" sambit niya na inirapan ko na lang.

Napahinto kami ng agad na tumunog ang Cellphone niya. Agad niyang inilagay ang hintuturo niya sa labi niya senyales na gusto niyang tumahimik ako. Pintakita niya sa akin ang cellphone niya at duon ko nakita kung sino ang tumatawag.

President Calling...

Tumango na lang ako tanda na mananahimik ako habang kausap niya ang Mommy niya. Ang lubos na ipinagtataka ko ay bakit masyado naman ata siyang pormal sa Mommy niya. Bakit hindi Mommy? Bakit kailangan president talaga?

"Yes, Mom...Where? What!? Bakit diyan pa?" Tanong niya sa Mommy niya sabay tingin sa akin.

"Aryt...we're on our way, Oh I mean I'm on my way" bawi niya.

"Damn..."bulong nito habang pinapatay ang Cellphone niya.

"May problema?" Tanong ko.

"Nasa north sila Mommy at Lola, they're inviting me to eat lunch with them" sagot niya habang nakakunot ang noo habang nakatingin sa kalsada. Or I might say nasa parking lot na ng North.

"It's ok, babalik na lang ako sa school sasakay na lang ako ng Bus" sabi ko.

"No. We're going to eat lunch together...kakausapin ko lang sila" pagpigil niya sa akin.

Nagpahila na lang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa loob ng mall. Nasa fine dinning restaurant daw ang Mommy at Lola niya. It was not Ma'm miriam sa father side niya kasi iyon this time yung kasama ni Ma'm president ay lola niya sa kanyang mother side.

"Sa cr lang ako Sir...text mo na lang ako pag ok na" suggestion ko.

"Demanding ka ha..." sabi niya pero kinuha din niya ang number ko tsaka niya tinype ang number niya sa cellphone ko.

Para akong tangang nakatambay sa loob ng cr. Wala naman kasi akong ibang pwedeng puntahan, baka mamaya niyan eh maligaw pa ako. Napahawak na nga din ako sa tiyan ko dahil gutom na talaga ako.

Ng halos isang oras at kalahati na akong nasa loob nuon ay napagpasyahan ko ng umalis na lang. Shit ano bang pumasok sa isip ko at inisip ko na totoohin niya ang sinabi niyang babalikan niya ako?

Hinanap ko ang exit ng mall kung saan pwede akong sumakay ng bus diretsong malanday. Duon na lang din siguro ako sa school kakain ng lunch. Bwiset napagastos pa tuloy ako.

"Nanaman!" Ng bumalik nanaman ako sa isang botique na nadaanan ko na kanina.

Mangiyak ngiyak na ako. 1:30 na din kasi babyahe pa ako patungong school isabay mo pa ang traffic. Alas tres ang pasok ko. Paano ako aabot.

Pinahiran ko ang luhang dumaloy sa mga mata ko. I feel hopeless kainis!

"Sofia! Damn it bakit ka umalis dun!" Hinihingal na suway sa akin ni Sir Zach ng hinigit niya ang braso ko.

Imbes na magalit ay napayakap ako sa kanya. "Epal ka, Sir!" Hiyaw ko sa kanya.

"I'm sorry natagalan ako" paghingi niya ng paumanhin.

Mabilis akong humiwalay sa kanya. "Sandali lang ba yung isang oras at kalahati! Wow ha!" Bulyaw ko sa kanya.

"I'm sorry na nga diba?" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko tsaka ako hinila.

"Nagtake out na lang ako, sa sasakyan ka na kumain. Baka malate ka sa klase mo" tuloy tuloy na sabi niya sabay hila sa akin.

Hindi ko siya pinakinggan. Bahala siyang sumatsat diyan wala akong pakialam sa kanya.

Sinuntok ko ang braso niya ng huminto siya. "Ano pa bang arte yan?" Sabi ko.

"Sila Mommy" bulong niya at ganuon na lamang ang gulat ko ng bigla niya akong hinila at tsaka kami mabilis na tumakbo.

Shet naman na life...gutom na gutom na ako eh! Tatakbo pa!

"I'm sorry" hinihingal din na sabi nito habang nasa loob na kami ng kanyang sasakyan.

"Bakit ba kasi tayo tumakbo?" Inis na tanong ko.

"Baka makita tayo nila Mommy" sagot niya na ikinanuot ng noo ko.

"So?" Tanong ko sa kanya.

"Anong So? Hindi tayo pwedeng makita, bawal ka niyang makita" sabi niya.

"Bakit? Bawal siyang makakita ng maganda?" Tanong ko.

Napangisi ito. "Basta bawal ka niyang makita" sagot niya ulit.

"Eh bakit nga?" Pagpupumilit ko.

"Nabalitaan niya kasing nababaliw ako ngayon sa isang babae" sagot niya. Ouch!

"Oh eh ano namang kinalaman ko dun?" Masungit na sabi ko pa.

"Nakauniform ka ng university" sabi niya.

"And?"

"Malalaman niyang isang estudyante ng university namin ang kinababaliwan ko...pustahan tayo aatakihin sa puso yon" natatawang kwento niya na ikinatameme ko.




(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

803K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
1.7M 49.2K 47
Barkada Babies Series #5 PUBLISHED UNDER PHR ❣ Price: 199php -- Lahat na ata ng klase ng pagmu-move on ay ginawa na ni Michelle. Umakyat sa bundok, n...
1.6M 23K 36
PUBLISHED UNDER LIB PHR Available in NBS Bookstores and thru online stores via shopee and lazada for as low as 199 pesos. Lahat na ata ng zone mapa-f...
616K 22.3K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...