Mad Attraction (Mondragon Ser...

Galing kay DarlingVee

4.9M 110K 8.5K

[FINISHED | UNDER REVISION] Trojan Mondragon only has one rule: "Never fucked the employee." But everything i... Higit pa

[ R E A D F I R S T ]
Mad Attraction [REVISED]
Chapter One [REVISED]
Chapter Two [REVISED]
Chapter Three [REVISED]
Chapter Four [REVISED]
Chapter Five [REVISED]
Chapter Six [REVISED]
Chapter Seven: The Sad Truth
Chapter Eight: The Start of the Deal
Chapter Nine: You're Officially Mine
Chapter Ten: Trojan's Anger
Chapter Eleven: Acceptance
Chapter Twelve: The Contract
Chapter Thirteen: New Girl
Chapter Fourteen: Confession
Chapter Fifteen: Submitting to the Devil Part One
Chapter Sixteen: Submitting to the Devil Part Two
Chapter Seventeen: Other Side of Trojan Mondragon
Chapter Eighteen: Work Issues
Chapter Nineteen: Kissing Practice
Chapter Twenty: File
Chapter Twenty One: Worry and New Offer
Chapter Twenty Two: Cheating and Disobedience
Chapter Twenty Three: Atonement
Chapter Twenty Four: Passion
Chapter Twenty Five: Breakfast
Chapter Twenty Six: Argument
Chapter Twenty Seven: Alta Puebo
Chapter Twenty Eight: Being a Mondragon's Woman
Chapter Twenty Nine: One Night Possession
Chapter Thirty: Ethan's Birthday
Chapter Thirty One: Tied and Blindfolded
Chapter Thirty Two: Regret
Chapter Thirty Three: Caught Off Guard
Chapter Thirty Four: Talk
Chapter Thirty Five: Moment to Remember
Chapter Thirty Six: Job and Falling
Chapter Thirty Seven: Argument
Chapter Thirty Eight: Kitchen (En)counter
Chapter Thirty Nine: Caught in the Act
Chapter Forty: Upcoming Storm
Chapter Forty One: Breaking Point
Chapter Forty Two: Old Friend
Chapter Forty Three: Jealousy
Chapter Forty Four: Distance
Chapter Forty Six: Mad Attraction Part 1
Chapter Forty Seven: Mad Attraction Part 2
Chapter Forty Eight: Marked
Epilogue
Author's Note

Chapter Forty Five: Raging Emotions

80.1K 1.5K 285
Galing kay DarlingVee



Chapter Forty Five: Raging Emotions

Eila

"I TOLD you this one will be good."

"I don't think we can afford that right now. Our first priority is to get back on the top spot. We're behind the local's telephone company."

"Silly! We can afford that. Saka anong malay mo? Baka mas lumakas 'yung hatak nito sa market hindi ba? And we might get another set of investors if we get lucky."

"But this thing..."

Hindi na magawang mag-sink in sa utak ko ang mga pinag-uusapan nila Elisha at Trojan dito sa may mesa namin sa isang restaurant na pinili ni Elisha para magtanghalian sila ni Trojan.

And as his secretary, obligado akong sumama sa kanila kahit na kanina pa ako nagpipigil habang pinapanood sila.

Trojan is getting worst everyday. Ni hindi na nga niya ako magawang kausapin. Kahit nasa bahay pa 'yan o opisina, wala na akong ibang salitang naririnig sa bibig niya maliban na lang kung uutusan niya ako na magtimpla ng ganito, i-print ang ganito, ihanda ang ganito at kung ano-ano pa na parang sa trabaho at kay Elisha na lang umiikot ang mundo niya.

Alam ko kung gaano kahalaga kay Trojan at kompanya at kahit hindi pa niya sabihin, alam kong ayaw niyang basta na lang iyon sukuan o malugi iyon nang ganoon-ganoon na lang nang hindi siya sumusubok isalba ang isa sa mga dahilan ng pag-angat niya at pagiging kilala sa larangan ng pagnenegosyo.

Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung kasama ba talaga sa pag-aayos niya ng problema sa kompanya ang hindi niya pagpansin sa akin at halos minu-minutong pakikipaglampungan niya kay Elisha.

Sa ngitngit ko, muli na lang akong sumubo ng karne na in-order niya para sa akin saka pinilit na alisin sa utak ko ang masyadong daring na pananamit ni Elisha at ang alam kong pananadya nitong pagdikit ng malaking dibdib nito sa katawan ni Trojan kapag lumalapit ito para ituro ang kung ano man sa laptop na dala ni Trojan.

Inakala ko sa sarili ko na magiging matatag ako na makita sila nang magkasama. Na inakala ko na kakayanin kong maging propesyonal sa harapan nilang dalawa at umarte ng normal na para bang hindi ako nasasaktan sa sobrang pagkakalapit nila o muling makakaramdam ng selos dahil kilala ko si Trojan.

Na akala ko kakayanin kong tiisin ang lahat at kimkimin na lang iyon sa loob-loob ko ngunit hindi ko pala kaya.

"Are you enjoying the food, Eila?"

Napaangat ako ng tingin kay Elisha na nakaupo sa harapan ko at may ngiti sa labi nang tanungin ako.

Pero hindi talaga sa kanya nakapokus ang atensyon ko kundi kay Trojan. Inakala ko na kukumustahin niya na rin ako dahil mukhang nagkasundo na sila ni Elisha sa mga dapat gawin sa kompanya pero gaya ng una, hindi. Nanatili pa ring nakatingin sa monitor ng laptop niya ang mata nito at doon lang nakatuon ang atensyon nito.

At kay Elisha.

Marahan akong umiling para alisin sa utak ko ang bagay na iyon.

"You don't like the food?" dinig kong hindi makapaniwalang sabi ni Elisha na muling nagbalik ng atensyon ko sa mukha niya. "But I thought you love it? You seem so excited to finish the steak a while ago."

Mabuti pa si Elisha, kahit busy, napapansin pa rin ako maging ang mga ginagawa ko.

Hindi gaya ni Trojan na wala ng ibang inatupag kundi ang laptop niya.

"Hindi po, Miss Monteclaro," paglilinaw ko. "Nasarapan po ako sa pagkain."

Hindi ko alam kung saan ko pa nakukuha ang pagiging pormal ng boses ko kapag kinakausap ang babae na ito kahit pa nga sa utak ko, ilang beses ko na siyang sinampal, sinabunutan at pinagkakalmot sa mukha.

Siya nga pala, noong nakaraang araw ko lang nalaman, pagkapasok ko sa trabaho kahit na masama pa ang pakiramdam ko dahil sa hangover, ang tungkol sa paglipat ng lahat ng kapangyarihan ng kompanya kay Elisha.

Walang ginawang pagpapaliwanag sa akin si Trojan maging ang mga nagbalik na empleyado sa kompanya ng tungkol sa nangyari. Basta ang alam na lang naming lahat ay si Elisha na ang bagong CEO sa kompanya pero si Trojan pa rin ang acting CEO dito.

Kaya kahit na sukal na sukal sa loob ko na makita mas lalo ang makipag-usap at makipagkaibigan sa babae na ito ay pinipilit ko pa ring patatagin ang dibdib ko na kayanin ang makipagplastikan sa malanding babae na ito na laging kinukulang sa tela ang damit.

"But your face look otherwise," komento pa nito sa naging sagot ko pero maya-maya lang ay ngumiti ulit ito. "I think you should try their tea here. That is the best tea I have ever taste my entire life! You should drink one. Baka maiba na 'yung panlasa mo sa pagkain nila dito."

Aktong tatawagin na ni Elisha ang waiter na malapit sa pwesto namin nang bigla ko siyang pigilan.

"Okay na po ako sa pagkain na 'to, Miss Monteclaro," sabi ko saka siya muling napatingin sa akin. "Saka mukhang hindi yata gusto ng sikmura ko ang lasa at amoy ng tea."

"And why is that? Tea is good for the health than coffee."

"Hindi lang po ako siguro sanay."

"Well, that's new."

Sabay kaming nagulat ni Elisha nang biglang magsalita si Trojan sabay tingin sa akin bago niya tuluyang isinara ang laptop niya.

"I didn't heard about your disgust about tea. I bet Ethan knows that."

Napakunot-noo ako sa pagbanggit niya sa pangalan ni Ethan at 'yung sa tingin ko inis na nahimigan ko sa boses niya.

Ano ba talagang problema niya?! sigaw ko sa isip ko.

"Too bad. Masarap pa naman talaga ang tea nila dito. It's also one the resto's best seller," singit ni Elisha sa aming dalawa ni Trojan. "Bakit? May past experienced ka ba sa tea kaya ayaw mo sa kanya?"

"Allergic lang po siguro ako sa kanya," magalang na sagot ko kay Elisha. "Nasusuka ako sa tuwing maiisip ko ang tea."

"Really?"

\ "Opo. Sinubukan akong painumin ng mayordomo sa bahay na tinitirahan ko noon pampawala ng hang over pero talagang hindi ko kaya ang amoy at lasa niya. Kaya salamat na lang po sa alok, Miss Monteclaro."

"Walang nababanggit sa akin si Carlos sumuka ka nang dahil lang sa isang tea, Miss Delos Santos."

Muling nagtama ang tingin namin ni Trojan.

At kahit na nakakaramdam din ako ng inis sa halos isang Linggo na niyang pambabale-wala sa presensya ko, hindi ko pa rin maiwasang matunaw sa tingin at lalim na nakikita ko sa mga berde niyang mata.

"Who's Carlos? And you guys stop talking about vomit in front of our food?"

Hindi ko pinansin si Elisha at ganoon din si Trojan dahil nanatili lang sa mukha ko ang tingin nito at kung maging kasakiman man, sana habang-buhay na siyang nakatingin sa akin.

Na habang-buhay nasa akin ang atensyon ng isang Trojan Mondragon.

"I didn't heard any of these and I swear Carlos and I will have a lot of talking to do when I go home."

Paano ka walang malalaman eh puro na lang si Elisha mo ang inaasikaso at iniintindi mo! sigaw ng boses sa utak ko pero pinilit kong 'wag nang ilabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.

Ayokong lumabas na maging nagger sa harapan ni Trojan. Baka mas lalo lang niya akong hindi pansinin kapag umarte ako na akala mo isa akong nagseselos na girlfriend pero hindi naman.

Dahil magpahanggang ngayon, hindi ako alam kung ano ako sa buhay ni Trojan maliban sa pagiging sekretarya niya at babaeng ikinakama niya kapag gusto niya.

Tumigil ka sa mga pinag-iisip mong masama, Eila! Sinabi ni Trojan na mahal ka niya kaya alam mo dapat na hindi na lang sex ang pundasyon ng kung anong mayroon kayo ngayon!

Pero doon kami nagsimula. Sa ganoon kami nagsimula. Sa sex.

At paano pa ako makakasiguro na mahal pa nga talaga ako ni Trojan kung nandyan lagi sa tabi niya si Elisha?

"Well, I think everyone lost their appetite so we need to go back now."

Wala ni isa sa amin ni Trojan ang nagsalita o muling pumansin kay Elisha pero sumunod pa rin kami sa gusto niya dahil totoo naman na nawalan na rin ako nang gana sa pagkain.

Ano bang nangyayari sa atin, Trojan?

"CONGRATULATIONS! The success of this week's performance of the company is because of our manpower's hard work and Mister Mondragon dedication to the job. Cheers to everyone!"

Nasa may function hall kami ng isang hotel ngayon kung saan nagdaos si Elisha Monteclaro ng party para sa bahagyang pagbalik ng kompanya sa dating estado nito sa world market.

Hindi ako magsisinungaling at aaminin ko na magaganda ang naging ideas ni Elisha sa kompanya. Na talagang nakatulong ang mga meetings at business proposal na piniprisinta niya para sa pagbalik ng dating performance ng kompanya bago pa ito manakawan ng lugi.

Maaaring mali nga ang tingin ko sa kanya bilang isang business woman dahil talagang napakagaling niya. At kahit na madalas siyang nakikipaglandian kay Trojan, hindi iyon nakabawas sa kahusayan niya sa paghawak ng negosyo at pera.

Kaya hindi na ngayon kataka-taka kung bakit nahuhumaling si Trojan ngayon sa kanya dahil nagkakaintindihan sila pagdating sa trabaho at negosyo.

Nasa may pinakasulok ako na mesa dito sa function hall at kasalukuyang umiinom ng juice habang pinapanood ang mga empleyado ng kompanya na magsawan sa gitna.

Nagmukhang bar ang lugar na ito ngayon. Malalakas na tugtog, nakakaindak na musika, mga taong masaya at nagtatawanan. Lahat ng bagay parang napakagaan at masaya.

Maliban lang sa akin.

Sa bawat minuto na lumilipas, mas lalong bumababa 'yung kompyansa ko sa sarili ko na maayos namin ni Trojan ang kung ano mang problema na mayroon kami ngayon.

Dahil sa tuwing kakausapin ko siya, umiiwas siya. Na sa tuwing susubukan kong lumapit, lumalayo na agad siya.

At noong gabi lang matapos naming magtanghalian kasama si Elisha, pagkauwi namin sa bahay ay nagkasagutan lang kami. Naawa pa tuloy ako kay Carlos dahil sa daldal ng bibig ko, muntik na siyang mapalayas ni Trojan dahil sa hindi nito pagsasabi ng nangyari sa akin.

"That's what you get from being drunk! Sa susunod kung hindi mo naman pala kaya, 'wag ka nang iinom!"

Masakit 'yung sinabi sa aking iyon ni Trojan pero hindi ko na iyon sinagot dahil alam kong mali naman talaga ako doon.

Pero hindi naman ako iinom kung hindi niya ako binibigyan ng rason para uminom. Kung hindi niya ko basta-basta binabale-wala nang ganito.

Ni hindi man lang siya humingi sa akin ng dispensa nang makipaghalikan siya kay Elisha sa harapan ko. Ni hindi man lang niya tinutulak palayo si Elisha kapag sobrang napapalapit na ito sa kanya at halata ang pang-aakit na ginagawa nito sa kanya.

At ni hindi man lang niya nililinaw kay Elisha kung anong relasyon namin.

"Sabagay, ano bang lilinawin eh wala naman talaga kaming concrete na relasyon," mapait na sabi ko sa sarili ko saka ko inubos 'yung laman na juice sa baso ko.

"You're always so stiff, Trojan!"

Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon ni Elisha saka ko sila nakita ni Trojan na halos magdikit na ang mga katawan sa sobrang lapit.

Tumalikod si Elisha kay Trojan saka niya ipinulupot sa leeg nito ang mga braso nito at sumayaw sa harapan nito at nakikita ko pa ang sadyang pagdidikit nito ng balakang nito sa pagkalalaki ni Trojan.

"Would you like some champagne, Ma'am?"

Nawala ang tingin ko kanila Trojan at Elisha nang may marinig akong ibang boses saka ko nakita ang isang waiter na may dalang tray ng mga baso ng champagne glass.

Matagal akong napatingin sa mga bumubulang baso iyong bago ko muling ibinalik ang tingin ko sa mukha no'ng waiter.

"Wala na bang ibang alak na inihanda sa party?"

"We have some hard tonic, Ma'am. Iyon po ba ang gusto n'yo?"

"Nakakalasing ba iyon?"

"Medyo po."

Matagal akong napaisip bago ako muling napatingin kanila Elisha nang marinig ko ang pagtawa nito saka ko nakita na nakikitawa na rin si Trojan sa kanya.

Mariin akong napakuyom sa kamao ko saka ako taas-noong humarap ulit sa waiter.

"Saan ko makikita 'yun?"

"Mayroon po doon sa beverage area, Ma'am."

Umusal ako ng pasasalamat sa lalaki na iyon saka nagdere-derecho sa mesa kung saan nakalagay 'yung mga baso-baso ng alak para sa mga bisita.

Tama na ang pagpapakatanga, Eila! Tumigil ka na!

Nagsinungaling ako sa mga server na nasa mesa na humihingi si Elisha ng isang bote ng tonic na sinabi sa akin no'ng waiter kanina. Hindi naman sila nagduda pagkabanggit ko pa lang no'ng pangalan sa napa-reserved sa buong lugar na ito saka dere-derechong nawala sa gitna ng nagsasayawang empleyado ng TME saka lumabas nang tuluyan sa function hall.

Kung sa ganitong paraan ako dinidispatsa ni Trojan Mondragon, p'wes ipapakita ko sa kanya na kaya ko ring gawin sa kanya 'yung ginagawa niya sa akin!

Trojan

"HAVE YOU seen Miss Delos Santos?"

"Sorry po, Sir Trojan pero kanina pa po namin hindi napapansin si Eila."

"Opo. Kanina nandoon lang siya sa table niya eh tapos ngayon wala na."

"Parang nakita ko po yata siya na lumabas kanina, Sir. Hahanapin nap o ba namin siya?"

"No need. I can manage," paalam ko saka umalis sa harapan nila.

"Wait! Trojan!"

Napalingon ako sa likuran ko nang maramdaman ko na may kumapit sa braso ko saka ko nakita si Elisha.

"Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang party ah?"

"I'm going to look for my secretary."

"Why are you always so concerned with that arrogant woman?" Elisha raised her voice to me. "Sabihin mo nga sa akin, ano mo ba talaga ang babaeng iyon huh?"

"You don't need to know. And I already told you that she's my personal secretary."

"Well, it doesn't seem to me. She's more than just your secretary. Bakit ayaw mo pang aminin?"

"It's none of your business, Elisha. What Miss Delos Santos and I have, wala ka na roon."

Elisha rolled her eyes to me before she turned around and went back to the dance floor.

I went out of the function hall and get my phone inside my pocket before I dialed the number of my house.

"Carlos, nand'yan ba si Eila?"

"Kanina pa po, Master Trojan."

Carlos seems to say something but I can feel his hesitant over the phone.

"What is it, Carlos?"

"Master, kasi..."

"Speak. I'm not in the mood for solving puzzles."

"Medyo nakainom na naman po si Miss Eila."

"What?!" I cried to him. "I already told you not to give that woman any alcoholic drink!"

"Nakainom na po siya nang umuwi dito, Master."

I pinched the middle of my forehead out of annoyance and controlled anger before I released a hard sigh.

"I'm going home. And don't late that Eila drink another shot of alcohol again! Kung kailangan talian n'yo siya para tumigil, then do it!"

"Masusunod po, Master."

Eila

"WHAT THE fuck are you doing, Eila Delos Santos?"

Napangiti ako sa sarili ko habang komportableng nakalatag sa kama ang katawan ko.

Nakakatuwa na naririrnig ko ang boses ni Trojan ngayon.

"Get up, woman! Mag-uusap tayo!"

Mabilis kong naidilat ang mga mata ko nang marinig ko ulit ang boses ni Trojan. At sa pagbangon ko sa ibabaw ng kama, nakita ko siya, galit na galit at nahaharang ng katawan niya ang pintuan ng master's bedroom.

"Ah! Trojan! Kumusta ka na?"

I feel tipsy and my head is spinning. Pero walang-wala iyon sa nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko ngayon.

Tapos na akong umiyak. Napagod na rin ang utak ko kakaisip ng kung ano-ano. Pagod na rin ang puso ko na paulit-ulit masaktan kapag nakikita kong magkasama si Elisha at Trojan.

"When did you become an alcoholic woman, Eila? This is not the woman I used to know. This is not you!"

Natawa ako sa sinabi niya sabay palakpak nang marahan pero sunod-sunod.

"Nakakatuwa naman na sa'yo pa nanggaling ang mga salita na 'yan, Master Trojan."

Laking pasalamat ko na kahit nahihirapan akong magsalita ay nababanggit ko pa rin naman ng malinaw ang mga gusto kong sabihin.

Tama na, Eila. Tama na.

"What's your problem—"

"Problema?" natatawang putol ko sa kanya. "Wala akong problema. Ang totoo nga n'yan ang saya-saya ko eh!"

"Fuck. You're drunk. We'll talk tomorrow."

"Hindi ako lasing!" malakas na sigaw ko sa kanya na nagpahinto sa kinatatayuan niya matapos niyang i-lock ang pinto ng kwarto namin.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hining niya saka nakita ang mariing paghilot nito sa sintido nito.

"Pagod ako, Eila. Wala akong panahon sa mga ganitong bagay—"

"Pagod? At saan ka naman pinagod ni Elisha huh?" pasigaw na sabi ko saka natawa ulit. "Walang panahon? 'Wag kang mag-alala, Master Trojan. Matagal ko nang alam na wala ka nang panahon sa akin."

"What the fuck are you talking about?"

"O? Bakit? 'Wag mong sabihing idi-deny mo pa?" sarcastic na pagkakasabi ko. "Kung sasaktan mo lang din naman ako, sabihin mo na sa akin nang derecho hindi 'yung parang tanga akong naghihintay dito kakaisip kung ano na naman bang mali ang nagawa ko para ganituhin mo ako!"

"Bakit inaano ba kita?!" napataas na rin ng boses niya si Trojan. "Hindi kita maintindihan! I am seriously fucking clueless to everything you say! Kung may dapat mang mag-derecho ng mga sasabihin niya dito, ikaw 'yun Eila!"

"Sige!" malakas na sigaw ko rin at wala na rin akong pakialam kung abot hanggang labas ng mansyon ang pagsisigawan namin. "Gusto mong sabihin ko sa'yo ang lahat? Sige! Ito ang masasabi ko sa'yo. Fuck you, Trojan Mondragon!"

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Trojan sa narinig niyang lumabas mula sa bibig ko.

Hindi ako palamura na tao. Hindi rin ako lasenggera.

Siya ang gumagawa ng dahilan para sirain ko ang buhay ko.

Trojan is breaking every piece of me sa mga ginagawa niya.

"Fuck you at 'yang Elisha na kaibigan mo!" sigaw ko ulit sa pagmumukha niya. "Fuck you sa lahat ng pambabale-wala na ginagawa mo sa akin. Fuck you kasi hindi mo ako naiintindihan at fuck you dahil d'yan sa wala akong oras mong dahilan!"

Akala ko tapos na akong umiyak. Pero hindi ko aakalain na may papatak pa palang luha sa mata ko ngayon.

"Sabihin mo na kung ayaw mo sa akin. Nakakaintindi naman ako. Tagalugin mo pa 'yan o i-Ingles, maiintindihan kita! Kung hindi mo na ako gusto, kung hindi mo na ako mahal, kung hindi ka na attracted sa akin, fine! Aalis ako! Lalabas ako sa bahay na 'to at magre-resign sa trabaho para naman mas magkaroon ka pa ng panahon sa malanding Elisha mo! Kung gusto mo na siyang gawing babae mo, sige! Gawin mo! Kahit mag-sex pa kayo sa bahay na 'to, sa opisina, sa kotse o sa kung saan mo pa gusto, bahala ka na! Basta sabihin mo lang sa akin ang gusto mo at susunod ako! Hindi iyong ginaganito mo ako, Trojan! Hindi iyong ganito!"

Sandaling hindi nakaimik si Trojan pero mamaya lang ay narinig ko ang pagngisi nito.

"So now you're turning your coin to me."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Don't play dumb with me, Miss Delos Santos. If this is your way to go back to that bastard Ethan, then go. Don't use Elisha's name for your lies."

Mariin akong napakuyom sa kamao ko sa galit.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong katinding galit sa buong buhay ko.\

"So, anong gusto mong palabasin?" pigil ang galit na sabi ko. "Na ako pa 'yung nanloloko sa ating dalawa ganoon ba?"

"I didn't say that. Pero kung 'yan ang nasa isip mo, then I guess that's the truth?"

"Ang kapal din talaga ng mukha mo ano?" natatawang sabi ko. "Ang kapal ng mukha mo na baliktarin ang sitwasyon at gamitin na naman si Ethan para takpan 'yang kagaguhan mo!"

"Watch what you're saying, woman," madiin na pagbabanta niya sa akin sabay ng pagtalim ng mga tingin niya. "At bakit hindi ba? Hindi ba talaga namang gusto mong bumalik na sa pinsan ko?"

"Wala kaming relasyon ni Ethan! Ano bang hindi malinaw sa'yo doon?!" sigaw ko.

"You were in love with that fucking bastard and you kissed him at my office and he sent you back here, drunk. And I bet you fuck one another while I wasn't with you!"

"At bakit?! Hindi mo rin ba hinalikan si Elisha huh? Hindi ba at sarap na sarap ka pa nga na nakipaghalikan sa kanya sa mismong harapan ko at tuwang-tuwa ka na dinidikit niya 'yung puwet niya sa'yo? Hindi ba?! At ang kapal ng mukha mo na paghinalaan kami ni Ethan sa ginagawa n'yo ng Elisha mo!"

"She's just a friend!"

"And Ethan is also my friend!" ganti ko sa kanya.

"You loved that shit!"

"At bakit ikaw hindi ba?!"

Muling natahimik si Trojan sa sinabi ko.

"Bakit ikaw hindi ba?" mahinang ulit ko habang walang awat ang pagbuhos ng luha sa mata ko. "Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na ikaw na ang mahal ko, Trojan. Na matagal na akong walang nararamdaman kay Ethan. 'Yung sa amin ni Ethan, matagal na iyon. Tapos na. Nakaraan na. Ano bang 'di malinaw sa'yo doon? Bakit ba ang hirap sa'yo na maniwala na mahal kita at ikaw lang ang gusto ko huh?"

Pabagsak akong naupo sa kama saka itinago ang mukha ko sa mga palad ko at doon umiyak nang malakas.

"Pagod na pagod na ako sa'yo, Trojan."

"What do you mean?"

Inalis ko sa mukha ko ang mga palad ko saka ko marahas na pinunasan ang mga luha sa mata ko gamit ang damit ko.

"Kung wala ka rin palang tiwala sa pagmamahal ko sa'yo, kung 'di ka naniniwala sa mga sinasabi ko at hanggang ngayon sinisisi mo pa rin ako sa ginawa kong panloloko sa'yo dahil nagkagusto ako kay Ethan, mas mabuti pang umalis na lang ako."

"You're going to leave me?" hindi makapaniwalang sabi nito. "I thought you're in love with me. Is that one of your lies too, Eila?"

Muling nanumbalik 'yung galit na naramdaman ko sa sinabi niya.

"Hindi ako nagsisinungaling sa'yo, Trojan," madiin na sabi ko.

"Then why are you leaving?" tanong niya. "Kung mahal mo talaga ako, hindi ka aalis sa tabi ko."

"At kung may natitira ka pang awa sa akin, hindi mo ako sasaktan ng ganito."

"I didn't hurt you, Miss Delos Santos. Your lies, do."

Mas lalong dumiin 'yung pagkakakuyom ko sa kamao ko sa namumuong galit sa dibdib ko.

Bakit ba iniisip niya na nagsisinungaling ako nang sabihin kong mahal ko siya huh? All this time ba ganito ang nasa isip niya?

"Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala ka sa mga sinasabi ko, Mister Mondragon?"

"I don't know," walang emosyon na sabi niya.

"Kung wala ka rin naman palang balak maniwala sa akin, mas mabuti pang doon ka na lang sa Elisha mo!"

"Yeah. Elisha is way more better than a two-faced whore like you."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya saka siya malakas na sinampal sa magkabila niyang pisngi.

Pero bago pa siya makapagsalita o mahimasmasan sa ginawa ko, mabilis kong hinila ang neck tie na suot niya saka siya mariin at marahas na hinalikan.

"'Wag na 'wag mo akong kinukumpara sa malanding babae na iyon, Mister Mondragon dahil alam mo at alam ko na hindi ako kagaya ng makating babaeng 'yun!"

"Don't you dare speak so low of my—"

"Wala akong pakealam!" malakas na sigaw at putol ko sa kanya. "Kung hindi mo ako papaalisin sa buhay mo, kung gustong-gusto mong sinasaktan ako, fine! Sige! Hindi na ako aalis!"

Matalim kong tinitigan ang mga mata ni Trojan saka ako muling nagsalita.

"Pero kung sasaktan mo lang ako gamit ang Elisha na 'yun, sisiguraduhin kong hindi ka niya maagaw sa akin at bibigyan kita nang maraming dahilan para mawala ang atensyon mo at pagkumkumpara mo sa amin ng babae mo."

Alam ko na pagsisisihan ko ang mga gagawin ko kapag bumalik na sa katinuan ang utak ko.

Pero kung sa kabaliwan ko lang mailalabas ang galit ko, kung sa kabaliwan ko lang mapapanatili si Trojan sa tabi ko, gagawin ko ang lahat magkagusto lang siya ulit sa akin.

I will make Trojan Mondragon madly attracted to me again.



Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

2.6K 119 31
"A Love Story Sealed With A Curse" Kerarah Louise Fajardo and Cadu Thiago Cavalcante's story💞💕
89.5K 2.1K 57
Pierce Andrew Gallegos, the male vocalist of Phoenix, was heartbroken by his first love. His world turned downside when the only girl who made his he...
1.2M 33.4K 41
Dahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang anak - anakan at kung...
10.7K 341 13
THE PLAYBOY'S LOVE AFFAIR The Billionaire's Love Series 7 Dean Liam Sebastian Greene "Nakakapagod ka din pa lang mahalin. Nakakapagod na.." It was wr...