Mad Attraction (Mondragon Ser...

By DarlingVee

4.9M 110K 8.5K

[FINISHED | UNDER REVISION] Trojan Mondragon only has one rule: "Never fucked the employee." But everything i... More

[ R E A D F I R S T ]
Mad Attraction [REVISED]
Chapter One [REVISED]
Chapter Two [REVISED]
Chapter Three [REVISED]
Chapter Four [REVISED]
Chapter Five [REVISED]
Chapter Six [REVISED]
Chapter Seven: The Sad Truth
Chapter Eight: The Start of the Deal
Chapter Nine: You're Officially Mine
Chapter Ten: Trojan's Anger
Chapter Eleven: Acceptance
Chapter Twelve: The Contract
Chapter Thirteen: New Girl
Chapter Fourteen: Confession
Chapter Fifteen: Submitting to the Devil Part One
Chapter Sixteen: Submitting to the Devil Part Two
Chapter Seventeen: Other Side of Trojan Mondragon
Chapter Eighteen: Work Issues
Chapter Nineteen: Kissing Practice
Chapter Twenty: File
Chapter Twenty One: Worry and New Offer
Chapter Twenty Two: Cheating and Disobedience
Chapter Twenty Three: Atonement
Chapter Twenty Four: Passion
Chapter Twenty Five: Breakfast
Chapter Twenty Six: Argument
Chapter Twenty Seven: Alta Puebo
Chapter Twenty Eight: Being a Mondragon's Woman
Chapter Twenty Nine: One Night Possession
Chapter Thirty: Ethan's Birthday
Chapter Thirty One: Tied and Blindfolded
Chapter Thirty Two: Regret
Chapter Thirty Three: Caught Off Guard
Chapter Thirty Four: Talk
Chapter Thirty Five: Moment to Remember
Chapter Thirty Six: Job and Falling
Chapter Thirty Seven: Argument
Chapter Thirty Eight: Kitchen (En)counter
Chapter Thirty Nine: Caught in the Act
Chapter Forty: Upcoming Storm
Chapter Forty One: Breaking Point
Chapter Forty Two: Old Friend
Chapter Forty Three: Jealousy
Chapter Forty Five: Raging Emotions
Chapter Forty Six: Mad Attraction Part 1
Chapter Forty Seven: Mad Attraction Part 2
Chapter Forty Eight: Marked
Epilogue
Author's Note

Chapter Forty Four: Distance

69.3K 1.4K 71
By DarlingVee

Chapter Forty Four: Distance

Trojan

"WHERE'S EILA?" salubong na tanong ko kay Carlos matapos niyang kuhanin sa kamay ko ang suitcase ko.

"Nasa kwarto niya."

Mabilis akong napakunot-noo nang marinig ko ang boses ni Ethan na bumababa mula sa ikalawang palapag ng bahay ko.

"What are you doing here?"

"Hinatid ko lang si Eila," matipid na sagot niya. "Alam mo ba na pumunta 'yan sa bar magtatanghaling tapat para lang uminom ng alak?"

"I didn't know that," I answered with ceased forehead.

When did she learned to drink?

"Nakakapagtaka na hindi mo alam." I heard sarcasm on his voice. "Sa huling pagkakatanda ko kasi, bente kwatro oras kang nakabantay kay Eila."

"And I still am."

"Kung totoo man 'yang sinasabi mo, bakit nagkakaganito si Eila huh?"

Hindi ko inaasahan ang susunod na gagawin ni Ethan kaya bigla akong napaatras ng ilang hakbang nang bigla na lang niya akong suntukin sa panga.

"What the fuck was that for?!" I cried furiously.

"Para 'yan sa hindi mo pagsunod sa napagkasunduan, Trojan," Ethan said with tight fist and controlled anger. "Sinabi ko na sa'yo na hinding-hindi kita mapaatawad kapag pinaiyak mo ang kaibigan ko."

"The only time that I made her cry was when we fuck one another! Ano bang problema mo?!"

I always lose my temper to Ethan since I met Eila Delos Santos.

I always feel insecure around this son of a bitch bastard. And whenever I see him alone with my woman, the kiss they shared inside my office always flashes back into my head and made me angry even more.

And I still don't like the idea that Eila was once in love with this fucking bastard!

"Alam mo na naman siguro na hindi alcohol drinker si Eila at mas lalong hindi 'yan iinom at iiyak nang walang dahilan, Trojan."

"She cried?"

"Oo! At dahil iyon sa'yo!"

"I think we have a misunderstanding here," I said still pissed with what he did to me. "Miss Delos Santos and I are in good terms and I am not obliged to explain everything to you. She's happy with me so fuck off!"

"Happy?" he said mockingly. "Siguraduhin mo lang talaga na masaya si Eila sa'yo, Trojan. Dahil oras na lumapit na naman sa akin ang kaibigan ko at umiiyak, sisiguraduhin kong kakalimutan kong magkamag-anak tayo."

"And why do you still care with her huh? Don't tell me you also like her? Saka bakit ba napapadalas 'yung pagpunta niya sa bar mo? Are you having an affair?"

Just by saying those words wants me to slit Ethan's neck and let him die out of my way.

"Ikaw dapat ang umalam ng sagot niyan dahil hindi naman basta-basta pupunta si Eila sa bar ko at makikiusap na painumin ko siya. At ang laki mo namang sira-ulo para pagbintangan kaming may relasyon!"

"Well, I have all the reason to doubt after you kissed my woman."

"Kung pinagseselosan mo pa rin ako, sinasabi ko na sa'yo na tigilan mo 'yan. Alam mo kung sino ang gusto ko at kapatid lang talaga ang turing ko kay Eila. Matanda ka na pero isip-bata ka pa rin, Trojan." inis na sabi nito. "Kung nahihirapan kang pagsabayin si Eila at ang trabaho mo, I am more than willing to take care of her again. Kaysa naman pabayaan ko siya dito na umiiyak mag-isa nang dahil lang sa'yo."

"I told you that—"

"Binabantaan kita, Trojan," he said between my words and throw a deadly glare at me. "Hindi mo laruan si Eila. Hindi siya kagaya ng ibang babae na kinakama natin tandaan mo 'yan. Alam mong ibang-iba siya. Kaya oras na malaman kong niloloko mo lang si Eila, mapapatay talaga kita!"

"Not unless I kill you first for being too concern with my woman," I said in complete anger.

"Excuse me, Master Trojan kung maiistorbo ko kayo sandali ni Sir Ethan pero kanina pa naghihintay sa kabilang linya si Miss Elisha Monteclaro," singit ni Carlos sa pagpapalitan namin ng banta ni Ethan.

"Elisha?" takang tanong ni Ethan. "Wait! Paano nandito si Elisha? Hindi ba nasa France siya? Kailan pa siya bumalik?"

"It's none of your business."

"Well it is mine dahil kaibigan ng pamilya natin ang pamilya niya. At halos sabay-sabay tayong nag-aral sa ibang bansa kaya may karapatan akong kumustahin siya," sagot niya. "Saka bakit siya tumatawag sa'yo?"

"She's the company's new investor."

I was about to explained that Elisha is also the biggest share holder and almost the owner of my company but I decided to leave it.

Nararamdaman ko na sinusundan ni Ethan ang galaw ko matapos kong makuha ang telepono sa kamay ni Carlos at mukhang wala siyang balak umalis dahil pakiramdam ko ay hindi pa siya tapos sa pang-iinis sa akin kaya hindi ko na lang siya pinansin at kinausap si Elisha.

"Elisha."

"Hi! Can we have a dinner tonight? Wala pa akong alam na masarap na pakainan dito dahil kakauwi ko lang. So, instead of asking for your recommendation, why not you join me and have some slight stroll in town?"

"Elisha, I'm tired," I declined.

I heard her groan on the other line. "C'mon, Trojan! Stop being too old! Have some life, will you?"

"I have a life and problems that needs to attend to," sagot ko saka napatingin ulit kay Ethan para senyasan siya na umalis na pero hindi siya nagpatinag kaya napabuntong-hininga na lang ako.

"Ano pa bang problema? I already gave you the check hindi ba? All you need to do is pay and buy new equipments!"

"It's not that easy, Elisha. Those things has a lot of paper work that I need to check tonight."

"Alam mo napaka-workaholic mo pa rin. Para kang naghihrap sa ginagawa mo eh!"

"Ethan is with me. He can accomadate you for dinner."

"Really? Say my regards to Ethan," she giddily said. "Pero hindi naman si Ethan ang gusto kong makasama ngayon. I want you."

"Will you stop playing games with me, Elisha?" I said a little annoyed.

"And who said I'm playing games here? Ikaw naman talaga ang gusto ko, Trojan. Well, rather mas gustong makasama sa dinner. Hindi mo ba talaga ako p'wedeng pagbigyan?"

"I can't—"

"Hindi naman siguro makakasama sa partnership natin ang pagsama mo sa akin sa dinner 'di ba?" she interrupted me. "And basically, I'm the boss now. And as the boss, I order you to join me for a dinner. Saka may isa-suggest din ako para kompanya. We can talk about this over dinner."

Sandali akong nanahimik saka napabuntong-hininga.

"Fine, you win."

"Really? Yey!"

Hindi ko naiwasang mapangiti sa naging reaksyon ni Elisha sa kabilang linya saka ako nagpaalam sa kanya matapos kong sinabi kung saan kami magkikita.

"Alam mo bihira ka lang mapangiti nang ganyan. And thinking it wasn't Eila means a lot to me."

Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Ethan.

"What are you trying to imply, Ethan?"

"I don't know. Maybe you know the answer."

Sandali akong napahilot sa sintido ko bago ko siya muling hinarap.

"I'm too tired to handle the three of you so just shut up and go away."

"Wow. Kailangan ka pa pinagod ni Eila? Kailan ka pa namin pinagod?" he mocked. "Ngayon parang alam ko na kung bakit nagkakaganoon si Eila at wala ngang duda na ikaw ang may kasalanan."

"I don't want to waste my time of your shits, Ethan."

"So kapag kay Elisha may oras ka ganoon ba?"

"Elisha is an important asset in the company," I'm trying my damn very best not to scream the shits out of his face. "Now, I want you to leave this house at kapag balik ko nandito ka pa rin, I swear, I'm going to ripped off your fucking annoying face out of you."

"Iwasan mo ang masyadong paglapit kay Elisha, Trojan kung talagang importante si Eila sa'yo. Hindi mo naman siguro gustong masira kung ano mang mayroon kayo ngayon hindi ba?"

"The only thing that will break my relationship to Eila and my sanity is you, Ethan."

"Sinasabihan lang kita," sabi pa niya saka ako nilagpasan at nagdederecho sa may pintuan. "Kung para sa'yo business lang si Elisha, sa ibang tao hindi. At kasama na ako doon."

Muli na lang akong napabuntong-hininga sa pinaghalo-halong inis, pagod at hindi matawarang selos para kay Ethan.

"Lalabas muna ako, Carlos," sabi ko sa kanya. "Ask the maids to send medicine for hangover to our room, some water and food. And make sure that Miss Delos Santos won't leave the house and see my bastard cousin again. Understood?"

"Yes, Master Trojan."

I throw one last look to the stairs before I turned around and leave the house again.


Eila

HINDI KO aakalain na malalasing ako doon sa halos dalawang bote ng alak na sinabi ni Ethan na may pinakamababadang alcohol content sa lahat ng alak na nasa bar niya. At hindi ko na rin matandaan kung paano ako nakauwi sa mansyon, may bagong damit na suot pagkagising ko at may nakahain na pagkain sa mesa na nasa tabi ng kama sa kwarto.

Pero ang mas hindi ko inaasahan ay ang magising na wala na naman si Trojan sa tabi ko maging sa loob ng buong bahay. Ang sabi pa sa akin ni Carlos, maaga raw umalis si Trojan at malamang na kanina pa ito nasa kompanya nang magising ako.

"Malamang para mas magkaroon sila ng oras no'ng babae niya."

Inis kong pinaghihiwa 'yung ham na nasa plato ko ngayon saka iyon sunod-sunod na sinubo sa bibig ko.

Pero maya-maya lang ay bumagal na rin ang kilos ko hanggang sa tuluyan kong maibaba ang kobyertos na hawak ko.

"Ano bang kinakagalit mo eh wala ka namang karapatang magselos, Eila," mahinang sabi ko sa sarili ko. "Babae ka lang niya. Isang disposable na bagay. At hindi sapat 'yung pagsasabi niya na mahal ka niya para hindi ka niya iwan kapag nakakita na siya ng ibang babae na ipapalit sa'yo para maging panibagong babae niya."

Hindi ko namalayan na bigla na lang pala tumulo ang mga luha sa mata ko habang sinasabi ko ang mga salita na iyon. Kung hindi ko pa nakita ang kamay ni Carlos na may hawak na panyo ay hindi ko pa iyon mapapansin.

Hindi ko alam magmula nang dumating ang Elisha na iyon sa buhay namin ni Trojan, dumadalas na 'yung ngitngit at selos na nararamdaman ko. At pakiramdam ko pa mas nagiging sensitive na ako sa tuwing maiisip ko silang dalawa na magkasama at kasabay noon ay ang pag-iisip ko nang masama sa maaari nilang gawin kapag silang dalawa na lang o kapag nakatalikod ako.

Alam mong hindi ganoong tao si Trojan, Eila, sabi ng boses sa utak ko. Alam mong malaki ang pagpapahalaga niya sa tiwala at fidelity. Hindi ba't nasabi na nga niya iyon sa'yo noon?

Oo. Tama. Pero magmula ang dumating ang Elisha na iyon, nagbago na siya. Ni hindi na nga siya tumatabi sa kama namin kapag matutulog. At kapag nasa kompanya naman ako, lagi siyang pormal at parang parati niya akong tinataboy kapag kasama niya si Elisha.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot at selos dahil sa mga pinapakita niya, pakiramdam ko higit pa sa pagkakaibigan ang relasyon nila.

"Uminom ka muna ng tsaa, Miss Eila," sabi ni Carlos sabay nakita ko ang isa sa mga maid na naglagay ng isang tasa ng tsaa sa harapan ko. "Makakatulong 'yan sa'yo para kumalma ka kahit sandali."

Napatingin na lang ako kay Carlos maging sa dalawa pang katulong na nasa tabi nito sabay usal ng pasasalamat bago ko inangat sa bibig ko 'yung kulay berdeng tsaa na binigay niya.

Kaya lang nang maamoy ko ang amoy dahon sa tsaa ay bigla na lang sumakit ang ulo ko gaya nang naramdaman ko nang magising ako saka ko biglang nabitawan ang baso ng tsaa at gumawa ng ingay ang pagkabagsag noon sa sahig bago ako dali-daling tumakbo sa may kusina, sa lababo saka isinuka ang mga nakain ko.

"Miss Eila!"

Mabilis na dumalo sa akin ang dalawang babaeng katulong sa akin maging si Carlos na sa unang pagkakataon ay nakakitaan ko ng pagkataranta sa mukha.

Halos ilabas ko na ang lahat ng laman ng tiyan ko sa dami ng naisuka ko habang ang dalawang katulong na babae naman ay hindi alam ang gagawin habang panay ang paghagod nila sa likod ko.

"Edna tumawag ka nang doctor saka kumuha ka nang gamot sa quarters! Dalian mo!" pasigaw na sabi ni Carlos sa isang katulong na umaalalay sa akin na mabilis namang sumunod.

Halos wala nang mailabas na kahit ano ang bibig ko pero patuloy pa rin ang pag-ikot ng sikmura ko. At kung wala ang isang katulong at si Carlos sa likuran ko para sumuporta sa akin ay malamang kanina pa ako napaluhod sa sobrang panghihina dito sa may lababo ng kusina.

"Kailangan ko nang tawagan si Master Trojan—"

"S-sandali lang, Carlos," pigil ko sa kanya sabay napahawak pa ako sa braso niya. "'Wag na. 'Wag mo na siyang tawagan."

"Pero Miss Eila—"

"O-okay na ako," sabi ko saka pinilit na tumayo nang maayos pero mahigpit pa rin ang pagkakakapit ko sa may lababo. "Kaya ko na 'to. 'Wag na natin siyang abalahin."

"Pero hindi maari ang sinasabi n'yo, Miss Eila," sagot no'ng katulong sa tabi ko. "Kami po ang mapapagalitan ni Master kapag hindi namin 'to sinabi sa kanya."

"Walang mapapagalitan kung walang magsusumbong," sabi ko sabay nakahinga ako nang maluwag no'ng maramdaman ko na unti-unti nang kumakalma ang sikmura ko. "Papasok na ko."

"Carlos, paparating na raw si Doctor Agaza!" humahangos na sabi ni Edna.

"Pakitawagan na lang ulit siya at sabihin na okay na ko," sabi ko sa kanya saka ako muling humarap kay Carlos. "Carlos, please. 'Wag mong sasabihin 'to kay Trojan. Baka mas madamay lang kayo sag alit niya sa kasalanan ko. Mali na uminom ako nang hindi ko naman pala kaya."

Nakikita ko ang pagtututol sa mga sinabi ko sa mukha ni Carlos pero napapikit na lamang ito sabay buntong-hininga.

"Kung 'yan ang gusto mo," sabi nito sa akin saka hinarap 'yung dalawang katulong. "Alisin n'yo na 'yung nabasag na baso saka iligpit 'yung iba pang kalat. At wala nang gagamit sa bahay no'ng tsaan na pinahanda ko sa inyo. Baka sira na iyon."

Napatingin na lang ako sa kanila nang magsibalik sila sa trabaho saka ako nagsabi kay Carlos na papasok na ako.

Kahit na ilang beses pa niya akong pinigilan at pinayuhan na dumito na lang muna sa bahay at magpahinga ay hindi pa rin ako nagpaawat.

Ayokong mas bigyan ng rason si Trojan na bale-walain ako lalo na ngayon na hindi maganda ang lagay ng kompanya.

Hindi ko man pinaghirapang makuha 'yung trabaho na mayroon ako ngayon, sa tingin ko wala pa rin akong karapatan na magpabaya sa trabaho ko bilang sekretarya niya at pagiging minsanang babae niya.

Pero sa tingin ko mas sekretarya na lang talaga ang posisyon ko sa buhay niya ngayon.




Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 33.4K 41
Dahil sa pag-ako ng responsibilidad, naging single mother si Sallie sa murang edad. Ang mundo niya ay umiikot lang sa kanyang anak - anakan at kung...
2.4M 44.5K 43
[FINISHED] Cassandra was offered a high-paid job by Trojan Mondragon. And that is to lure and seduce his cousin Ethan Mondragon who happens to have a...
15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
7.2M 132K 55
In the End, we only REGRET the Chances we didn't TAKE. Leonardo Revilla's story