Hi Summer.
iamhopelessromantic
After a few minutes ay bumalik na si Nathaniel. And guess what, after five seconds ay nakabalik na rin si Erica. At grabe iyong ngiti niya ah. Daig pa ang nanalo sa lotto. May lotto outlet na pala ngayon sa comfort room? Makapagtaya nga minsan.
Hindi nagtagal ay lumabas na rin kami nang restaurant. Mukhang kanina pa kasi kating-kati na umalis si Erica eh. Mabuti at mawawala na sila sa paningin ko. Pollution lang ang dala nila. Pinopollute nila ang walang kasing linis kong mga mata.
Napadaan kami sa concert hall ng mall at napakadaming tao. Mukhang may artista yata. Grabe ang tilian ng mga tao eh.
"Baby let's see who's on the stage."
Baby let's see who's on the stage. Di ko talaga mapigilan ang sarili ko na gayahin siya.
Nagulat na lang ako kasi imbes na si Nathaniel, ang hinila niya ay si Kuya. Nagmadali naman ako para sundan sila. Kaya lang sobrang daming tao. Hindi ko na maakontrol kung saan ako pupunta. Nadadala na ako ng mga tao. Naiipit na ako.
And then bigla na lang may humila sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Pag tingala ko.
Dug-dug. Dug-dug.
Shit. Bakit ganito ang kabog nang dibdib ko? No ang sagot ko di ba? It's a no. A very big NO. Eh bakit ganito? Sa sobrang lakas ng kabog niya ni hindi ko na magawang marinig ang tilian ng mga tao.
Iyong isang braso niya ay nakapulupot nang mahigpit sa bewang ko. Samantalang iyong isa pang braso niya ay inihaharang naman niya sa mga tao. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Bukod sa nabibingi na ako sa kabog ng dibdib ko ay hindi pa ako makapag-isip ng maayos kasi ang bango-bango niya.
Anak ng di mahulugang karayom. Sa sitwasyon namin, naisipan ko pa talaga siyang amuyin?
Pero hindi ko naman inisip na amuyin siya. Kusa siyang naamoy ng ilong ko. Ay ewan.
Parang bigla akong naconscious sa amoy ko. Kaya ayun, inamoy ko sarili ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong makampante at hindi ako amoy pawis.
"Are you alright?"
Napatingala ako sa kanya. Binitiwan na niya ako. Pagtingin ko sa paligid ay napakunot ang noo ko. Malayo na kami sa mga nagdudumugang mga tao. Paano kami nakarating dito? Ganun ba talaga ako kabusy sa kaaamoy sa kanya kaya hindi ko pa man lang napansin na hinihila niya ako palayo sa mga tao?
"Okay lang ako. Salamat. Sina Edrian at Erica kaya?"
"Tsssk."
Napataas naman ang kilay ko. Anong problema niya? Nagagalit na lang bigla. Tsaka bakit parang hindi siya nag-aalala dun sa GIRLFRIEND niya? Baka mamaya napisa na yun.
Demon: Sana nga.
Angel: Huwag naman sana.
Demon: Sana magkagutay-gutay katawan nun.
Angel: Sana okay lang siya.
Napalingu-lingo na lang ako. Nababaliw na talaga ako.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at tinawagan ang kapatid ko. Napakunot ang noo ko. Cannot be reach siya.
"May kasama lang siyang ibang babae, he already forget about you."
"Anong sinasabi mo?"
"Tsssk. I'm talking about that Edrian." Iyong pagbanggit niya sa pangalan ng kapatid ko padabog. May sama talaga ng loob.
"He's not gonna forget about me. Kahit pa si Anne Curtis kasama niya." Ganun ako kamahal nang kapatid ko.
"Tsssk. Whatever."
"Tsssk. Whatever ka rin. He's not like you. Makakita lang nang seksing babae nakalimutan na agad ang mga sinabi sa'kin."
May I had to stop this heart of mine from jumping off my chest pa siyang nalalaman.
"What did you say?"
Tsssk. Siya pala itong bingi eh.
"Wala. Sabi ko tawagan mo si Erica."
"My phone is dead."
"Itapon mo na yang phone mo. Wala naman palang silbi. Akin na lang number niya."
"What number?"
"Number ni Erica."
"I don't know her number."
Seryuso siya? Hindi niya talaga alam number ni Erica? Eh bakit parang natutuwa ka?
"Pano na ngayon yan. Baka mag-alala si Edrian." O.A. pa naman yun.
"Pakialam ko sa kanya."
Napasimangot naman ako. Bakit ba ang init-init ng dugo niya sa kapatid ko?
Sinubukan ko na lang ulit tawagan ang kapatid ko. Pero wala pa rin talaga.
"Give me your phone."
"Anong gagawin mo sa phone ko?" sabi ko sabay abot sa kanya ng cellphone ko.
Hindi niya sinagot tanong ko. Binalik naman niya kaagad.
"Anong ginawa mo?"
"Nothing."
Hinawakan niya bigla ang kamay ko sabay hila sa'kin.
"Nathaniel ano ba? Saan tayo pupunta?"
Hindi niya ako pinansin. Nanahimik na rin lang ako. Alangan namang magsisigaw ako dito sa mall di ba?
Dinala niya ako sa isang store ng sikat na men's apparrel. Regular customer si Kuya dito at maraming beses na niya akong nadala dito.
"Good morning Mr. dela Vega."
Nanlaki ang mga mata ko. Huwag mong sabihin na regular customer din siya ng store? Kapag minamalas ka nga naman oo.
"Nathaniel anong gagawin natin dito?"
"Ano pa ba sa tingin mo?"
"Eh di bibili ng damit." nakasimangot na sagot ko. Bakit pa ba kasi ako nagtanong?
Tumingin-tingin na siya sa mga damit. Ako naman nakayuko lang na nakasunod sa kanya.
"What do you think?"
"Sir bagay po yan sa inyo." sagot nung saleslady.
"Tangs. What do you think?"
Tiningala ko siya na nakakunot ang noo.
"Bagay daw sa'yo." Bakit ba ako tinatanong niya? Tsaka anong Tangs siya diyan? Sipa gusto niya?
"I'm asking you."
"Oo na bagay na." Ang kulit ng lahi nito.
Bigla na lang siyang nagcussed at ibinalik ang damit. Problema niya? Sinabi na ngang bagay sa kanya eh.
"Naubusan ka na ba nang damit sa inyo at bibili ka?" tanong ko habang nakasunod pa rin sa kanya.
"Kapag bibili ba ng bagong damit naubusan na kaagad? Hindi pa pwedeng may date lang ako?"
Ano daw? Tinitigan ko siya ng masama. Actually sinasakal ko siya sa isip ko. Ang kapal talaga nang apog ng ungas na to. Hinila-hila niya ako. Para ano? Para samahan siyang bumili ng damit para sa date nila niyong tuko niyang girlfriend?
Baka gusto niya ilibing ko siya ng buhay para hindi na siya makapunta sa date niya.
"How about this one?" Inilagay pa niya sa harap niya ang brown na polo shirt.
"Sukatin niyo po Sir para mas makita ni ma'am kung bagay sa inyo."
Nakinig naman siya sa sinabi nang saleslady. Kelan pa siyang natutong makinig sa iba? Habang naghihintay na lumabas siya ay nagbasa muna ako ng magazine. Pero sa totoo lang tumitingin lang naman ako sa pictures. Effort na masyado kung magbabasa ako no.
"Sir ang gwapo niyo po."
Tumingala ako para tingnan siya. Tsssk. Nakakainis. Bakit bagay sa kanya? Kung tutuusin ang simple lang ng polo. Ang pangit pa ng kulay. Pero nung sinuot niya parang gumanda ang damit.
"Ano na Tangs?"
"Pangit." Sabi ko tapos binalik ko na atensiyon ko sa magazine. Pero nakita ko pa na tiningnan ako nung saleslady. Hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
Pumasok ulit si Nathaniel para magsukat ng ibang damit.
"Bagay po..."
"Hindi bagay." Putol ko sa sasabihin nang saleslady. Pumasok ulit siya sa fitting room. Tinaasan ako ng kilay ng saleslady. Well, ano pa bang gagawin ko? Eh di tinaasan ko rin siya ng kilay. Nagbawi naman siya agad ng tingin. Dapat lang, dahil kung hindi mawawalan siya nang trabaho.
Wala na talaga to. Nagmamadilta na ako. Bahala na. Ngayon lang naman eh. Kasalanan naman to ng ungas kaya magdusa siya. Siya itong may gusto nang opinion ko eh. Pagtiisan niya.
"Ang pangit ng kulay."
Sukat ulit.
"Masyadong vibrant."
Sukat na naman ng iba.
"Sobrang simple."
Lingo dito.
Lingo doon.
Sa isip ko ay sobrang nagdidiwang ako. Kung naririnig lang nila ang tawa sa utak ko malamang nabingi na silang lahat. Nakakatawa talaga si Nathaniel. Halos mag dugtong na ang kilay niya. Alam ko na na-aasar na siya pero ang mas nakakatawa ay sobrang uto-uto niya. Idagdag pa ang nanggigigil na saleslady. Sa sobrang pagpipigil niya nang inis niya ay daig pa niya ang may dysmenorrhea.
"Eto po ma'am?" walang ganang tanong ng saleslady.
Tsssk. Tsssk. Tsssk talaga. Wala ba talagang hindi bagay sa kanya? At bakit naman ako naghahanap ng hindi bagay sa kanya? Ang lumalabas ay balak kong isabutahe ang date niya.
Tama na siguro tong kalokohan ko. Nakakaawa na iyong mga saleslady eh.
"Okay na yan."
"Okay lang?"
Napataas ang kilay ko.
"Ano ba dapat?"
"Tsssk. Niloloko mo ba ako?"
Hala. Kanina pa kaya. Ngayon mo lang napansin?
Hahahaha.
Isa pa.
Hahahaha.
"Hindi ah. Bakit naman kita lolokohin?" with matching painosente look
Sumimangot siya bigla.
Waaahhhhh. Kelan pa siya naging cute kapag sumisimangot? Parang gusto ko tuloy pisilin mukha niya.
"Ang dami kong sinukat wala ka man lang nagustuhan?"
"Eh okay na nga yang suot mo ngayon eh."
"Yun na nga eh. Okay lang."
At lalo siyang sumimangot. And it follows na lalo siyang naging cute. Buwisit.
"Oo na. Bagay na sa'yo."
"Talaga?"
"Oo nga."
Ngumiti na siya.
Dug-dug. Dug-dug.
Tumalikod ako sa kanya. Nagkamali yata ako. Dapat hinayaan ko na lang siyang sumimangot. Ayan tuloy.
"Kukunin ko lahat ng sinukat ko."
Napalingon ako sa kanya.
"Lahat yun? Eh hindi naman bagay sa'yo yun eh." Paninindigan ko talaga hanggang sa huli ang kalokohan ko ah.
"Para may pambahay ako." tapos ngumiti na naman siya.
Napakunot na lang ang noo ko. Pambahay? Niloloko niya ba ako? Ano? Gumaganti siya? Hindi nakakatuwa ah. Akala ko pa naman naisahan ko na siya. Tsssk.
Habang nagbabayad si Nathaniel ay may saleslady na lumapit sa'kin.
"Miss Diana. Kumusta po."
Napatingin sa amin si Nathaniel.
Nabanggit ko naman di ba na madalas kami ni Kuya sa store na to. Mukhang nakilala ako ng saleslady. Nginitian ko lang siya.
"Kasama niyo po ba si Sir Edrian?"
Bago ko pa man siya masagot ay lumapit na sa akin si Nathaniel.
"She's with me."
Medyo natakot ang saleslady sa kanya. Paano ba naman kasi. Ang dilim-dilim ng aura niya. Parang papatay siya ng tao.
Sasagutin ko pa sana iyong saleslady pero hinila na ako ni Nathaniel palabas ng store. Nginitian ko na lang ito habang papalayo kami.
"Aray naman." Bigla kasi siyang huminto kaya nabangga ako sa kanya.
"Why is that lady asking for that Edrian? And how come she knows you?"
"Regular customer kasi si Edrian dun." Nakataas ang kilay na sagot ko. Kasi naman eh. Nagagalit na naman siya bigla. Bipolar talaga.
"And?"
"Madalas kasama niya ako. Bakit ba?"
"Madalas?"
"Madalas. Often. Most of the time."
"I'm not stupid. Alam ko kung ano ang madalas."
"Eh bakit ka pa nagtatanong?"
"Tsssk. Whatever."
Tapos ay tinalikuran na niya ako. Nanlaki ang mata ko. Tinalikuran talaga niya ako. Hindi niya ako hinila. Basta iniwan na lang niya ako.
Galit talaga siya. Pero bakit na naman?
Nagmadali na ako para habulin siya. Ang lalaki nang hakbang niya kaya medyo nakatakbo na ako.
"Nathaniel hintayin mo ko."
"Bakit hindi mo na lang puntahan iyong Edrian mo."
"Eh hindi ko nga siya macontact remember."
Huminto siya at galit na nilingon ako.
"So sumama ka lang sa'kin kasi wala siya?"
"Oo." Siya naman talaga kasama ko dito di ba.
Nag-cussed lang siya at tinalikuran ako tsaka mabilis na naglakad.
"Nathaniel naman eh. Kasalanan mo naman to eh."
"Kasalanan ko?" nakakunot ang noong tanong niya sa'kin.
"Oo. Kung hindi naman hinila nung.. nung.. (tuko mong girlfriend) si Erica si Edrian eh hindi mangyayari to."
He sighed. Not once. Not twice. But thrice. And then mukhang kumalma na siya. Ganun kabilis?
And then he offered me his hand. Napatingin na lang ako sa kanya tapos sa kamay niya.
"Come on. Let's go."
Nag-isip pa muna ako sandali.
After a nanosecond.
"Okay." sabi ko sabay kuha sa kamay niya.