When Suplado Boy Meets Palaba...

By iamhopelessromantic

687K 12.3K 1K

Si James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan... More

Prologue
Chapter 1 - The New Comer
Chapter 2 - Diana Sophia Eliza Torres Alcantara
Chapter 3 - Suplado plus Palaban Equals ?
Chapter 4 - Apologize to him? NOOOOO WAY
Chapter 5 - I Have No Choice
The Great James
Chapter 6 - She's Not Gone
Chapter 7 - The Confrontation
Chapter 8 - Lost and Found
Chapter 9 - The Set-up
Chapter 10 - The Accident
Chapter 11 - Nathaniel (Part I)
Chapter 11 - Nathaniel (Part II)
Chapter 11 - Nathaniel (Part III)
Chapter 12 - Puno
Chapter 13 - The Suplado Returns
Chapter 14 - The Hard Reality
Chapter 15 - I'm Stupid
Chapter 16 - Their First Night Together
Chapter 17 - Angel
Chapter 18 - It's Confirm
Chapter 19 - Rooftop
Resolving the Issues
Chapter 20 - Drama Club
Chapter 21 - Relax
Chapter 22 - Nananadya
Chapter 23 - For the First Time
Chapter 24 - Boyfriend
Chapter 25 - His Female Version
The Reason Why
Chapter 26 - Lunchbox
Chapter 27 - Clinic
Chapter 28 - His Personal Nurse
Chapter 29 - Slave and Not Nurse
Chapter 30 - What's Wrong With Her
Chapter 31 - Palaban Girl is Back
Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass
Chapter 33 - She's Mad at Me
Chapter 34 - Cold
Chapter 35 - Secret Admirer DAW
Chapter 36 - Enchanted Kingdom
Chapter 37 - Napakatanga
Chapter 38 - You're my Business
Chapter 39 - Whether You Like it or You'll Like it
Chapter 40 - Tangs
Chapter 41 - Sumpong
Chapter 42 - Heartbeat
Chapter 43 - Yakap
Chapter 44 - To See You
Chapter 45 - Nalaglag
Chapter 46 - Cheer
Chapter 47 - Picture
Chapter 48 - Curious
Chapter 49 - Tears
Chapter 50 - Mall
Bastard
Chapter 51 - Future Sister In Law
Chapter 52 - Dinner
Chapter 53 - Goodbye
Chapter 54 - Hurt
Chapter 55 - What
Chapter 57 - Saleslady
Chapter 58 - Baliw Talaga
Chapter 59 - Walang Takas
Chapter 60 - Smile
Chapter 61 - Placard
Chapter 62 - Date
Chapter 63 - Picnic
Chapter 64 - Trust
Chapter 65 - Jason
Chapter 66 - Honesty May Not Be The Best Policy
Chapter 67 - Cake
Chapter 68 - Stalk
Chapter 69 - Locker Room
Chapter 70 - Guardian Angel
Chapter 71 - Ask
Chapter 72 - Sealed With a Kiss
Chapter 73 - Time Zone
Chapter 74 - Booth
Chapter 75 - King and Queen
Chapter 76 - Candles and Lies

Chapter 56 - Who's Jealous

7.1K 139 34
By iamhopelessromantic

Albert's POV

"Kelan pa ba kayo matatapos diyan?" Naiinip na sigaw ni James. Siya pa itong may ganang mainip gayong siya itong may katabing magandang chick. Bakit hindi na lang kaya niya aliwin sarili niya kasama ang chick?

"Malapit na to James. Mananalo na ako."

 

Naglalaro kami ng baraha ni Dominic. Hindi kasi magkasundo sa desisyon namin. Kaya eto dinadaan namin sa baraha. Ang mananalo ang siyang masusunod.

Nawindang ang gwapo kong pagmumukha nang bigla na lang iniluwa ng pinto si Diana.

"Nasaan si Nathaniel?"

 

Pareho kami ni Dominic na hindi makapagsalita. Halos sabay pa naming tinuro si James.

Dire-diretso lang si Diana na sinundan ang itinuro namin. Nagkatinginan lang kami ni Dominic. Nang parang mahimasmasan na kami sa pagkagulat ay pareho kaming napatayo sa kinauupuan namin.

Lagot.

Pipigilan ko na sana si Diana kaso huli na ang lahat. Nakita na nito si James. Katabi ang magandang chick.

Tumalikod agad siya nang makita ang dalawa. Nalagot na talaga to.

"Diana?"

"May sasabihin sana ako kaso mukhang busy ka. So next time na lang."

 

Pagkasabi nun ni Diana ay naglakad na siya palabas. Tumayo agad si James sa kinauupuan niya at sinubukan siyang habulin. Nagkaisa naman kaming dalawa ni Dominic. Agad naman naming pinigilan si James.

"Damn it. Get out of my way."

 

Ayan. Nagalit na siya. Kami talaga ang sisihin nito sa nangyari. Kami naman kasi ang nagdala ng babae dito eh.

"Ano ka ba James. You shouldn't follow Diana. Masisira ang plano natin."

 

"The hell I care about your plan Dominic. She might have something important to say."

 

"Alam mo James, if it's important sasabihin niya sa'yo yun. Ayaw mo nun, she'll have a reason para makipagkita sa'yo." Ang gwapo ko talaga. Naisip ko agad ang dahilan na yun.

"But Albert. What if she get mad dahil sa nakita niya kanina?"

 

"Eh iyon nga ang plano di ba? Isipin mo yun, siya na mismo ang nagbigay sa atin ng opportunity para magawa ang plano natin."

 

Sa isip ko ay napangiti ako sa sinabi ni Dominic. Mas gwapo pala sa'kin to. Hindi ko naisip yun ah.

"Kapag talaga pumalpak itong planong naisip niyo at lalo akong nilayuan ni Diana. I'm gonna kill you both."

 

"Walang killing na mangyayari James. Trust me."

 

Tinitigan ko lang si Dominic. Mukhang sobrang confident niya. Siguruhin niya lang talaga. Alam ko kasing totohanin ni James ang sinabi niya. Papatayin niya talaga kami kapag nagkataon.

"Ano nga ulit pangalan mo magandang miss?" tanong ko sa babae. Nakalimutan ko eh. Gwapo lang ako hindi matalino.

"It's Erica." sabi niya sabay lapit sa amin. Nagpa-audition kaming dalawa nang pwedeng magpanggap na girlfriend ni James para pagselosin si Diana. At itong babaeng ito ang nadatnan ni Diana kanina. Ang gwapo namin para maisip ang ganitong plano di ba?

Kahit pa sabihin nating kakaiba si Diana babae pa rin siya. And woman just happen to be our expertise. (Insert gwapo laugh here.)

 

"Okay Erica. Tanggap ka na."

 

Wala na rin naman kaming pagpipilian. Nakita na siya ni Diana eh. Baka kapag iba ang kinuha namin ay magtaka iyon at mahuli kami. O hindi naman kaya isipin niya na playboy si James. Eh di papalpak pa plano namin. Mamatay pa ako nang wala sa plano.

"Iyong babae kanina, siya ang pagseselosin mo."

"Well it would be easy Dominic. Judging from her reaction kanina, malamang ngayon pa lang selos na selos na yun."

"Basta tandaan mo Erica. Hindi mo pwedeng ipaalam sa iba ang tungkol dito. Hindi mo din pwedeng sabihin sa iba na girlfriend ka ni James, kasi ang alam nila si Diana ang grilfriend niya. Higit sa lahat hindi ka pwedeng mainlove sa kanya. Naiintindihan mo? Pero kung sa akin ka maiinlove okay lang sa'kin"

 

Pasensiya na. Type ko eh.

 

"Don't worry Albert. Hindi ako maiinlove sa kanya. I already have someone special in my heart."

 

"Does it mean na basted ako?" Sayang naman.

 

"Parang ganun na nga. Hahahahaha."

 

"Pero pwede naman siguro tayong maging friends? With benefits." Hindi na sapat ngayon ang gwapo dapat pursigido rin.

 

"Did something happen? Nakasalubong ko si Diana."

 

Napalingon kaming lahat kay Stephen na kadarating lang. Nakita ko na parang kumislap ang mata ni Erica. Kaya pala ayaw tumalab nang kagwapuhan ko, si Stephen pala type nito.

"At sino naman tong babae?"

 

Lumapit agad sa kanya si Erica.

"I'm Erica. Nice to meet you Stephen."

 

"Well, anong ginagawa mo dito."

 

"Hinire namin siyang artista."

 

Napakunot ang noo niya. Nag cussed naman si James.

"Magpapanggap siyang girlfriend ni James. Balak naming pagselosin si Diana."

"Nasisiraan na ba kayo?"

 

Kami naman ni Dominic ang napakunot noo. Bakit siya nagagalit?

"Erica. Pwede lumabas ka muna. May pag-uusapan lang kami nang mga kaibigan ko."

 

"Sure Stephen basta ikaw." humabol pa siya nang pagpapacute.

"Ano bang iniisip mo James? Bakit ka pumayag sa kalokohan nitong dalawa?"

 

"Siyempre dahil gwapo ako."

 

Siniko ako ni Dominic. Ginantihan ko siya ng siko. Bakit ba? Nagsasabi lang naman ako ng totoo.

"Stephen naman. Wala ka bang tiwala sa'min ni Albert? Effective itong plano namin. In a week's time bibigay din yun."

 

"Sigurado kayo?"

 

Tumango kaming dalawa. Tiningnan naman niya si James. Nagtitigan silang dalawa sandali. Kung kami ni Dominic ang palaging nagkakaintindihan, sina James at Stephen ay ganun din. Pareho kasing kj ang dalawang yan.

"Sige. Bahala kayo. In one week. Kapag walang nangyari in one week titigil na kayo sa kalokohan niyo."

 

 

 

Diana's POV

Binilisan ko ang paglalakad ko. Pero hindi pa man ako masyadong nakakalayo ay tumigil ako. Lumingon ako sa likod ko. Lalo akong nanggigil.

Ang ungas na yun. Hindi man lang ako hinabol?

 

So balak ko talagang magpahabol ah? Iniiwas-iwasan ko tapos ngayon gusto ko habulin ako?

Nagflash back na naman sa utak ko iyong nakita ko kanina. Sandali ko lang nakita pero sobrang linaw niya.

Kelan pa ko nagkaroon ng photographic memory?

Naikuyom ko na lang ang palad ko. Parang gusto kong manampal, manuntok, manabunot,  mangalmot. Lahat-lahat na.

Buwisit talaga siya. He likes me huh? He likes me... Pero ano, dalawang linggo lang may kalandian na siyang babae? Nakakaasar. Bakit ba ako naniwala sa sinabi niya na gusto niya ako.

 

Buwisit.

 

Buwisit.

 

Buwisit.

 

Isa pa.

 

Buwisit.

 

"Diana! Anong ginagawa mo dito?"

 

Nilingon ko si Stephen. Humakbang ako papalapit sa kanya.

"Iyong sagot sa tanong mo. It's a no. A big no. Kahit kelan I would never never ever ever fall for that asshole." Never.

Hindi ko na hinintay na makasagot siya. Nilagpasan ko na siya at naglakad papalayo.


Nakatayo lang ako sa labas ng store ng forever 21. Hinihintay ko si Kuya Edrian. Bumili kasi siya ng coffee sa krispy kreme. Magkasama kaming dalawa na nagmamall. Nang magpaalam ako sa kanya na magmamall ako sinamahan niya ako bigla.

Recently napapansin na kapag nagpapaalam ako sa kanya na may pupuntahan ako palagi niyang iniinsist na sasamahan niya ako. Parang binabanatayan niya ako. Ewan. Baka napapraning lang ako at kung anu-ano iniisip ko.

May nakita akong blenchers sa malapit. Napapagod na ako kakatayo. Naglalakad na ako papunta doon kaya lang may biglang bumangga sa'kin.

"Sorry miss. I didn't mean it."

 

Tiningnan ko iyong babaeng nakabangga sa akin. Sasabihin ko sana sa kanya na okay lang kaya lang umurong yata ang dila ko ng makilala kung sino siya. Tiningnan ko rin ang kasama niya.

Bakit parang biglang nanikip ang dibdib ko?

"Wait miss. You're the girl from the other day. Iyong may sasabihin dapat sa baby ko."

 

Hindi ko napigilang itaas ang kilay ko. Baby niya? Pwede masuka?

"Anyway. I'm Erica. And you are?"

 

Inilahad niya ang kamay niya for a shake. Hindi ko na naman napigilang tumaas ang kilay ko. Tapos ay tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Pero bago pa man umabot sa paa niya ang tingin ko ay sinaway ko ang sarili ko.

Kelan pa ko naging maldita? Gawain lang ng mga maldita ang tingnan ang isang tao mula ulo hanggang paa. At hindi ako maldita.

 

Naiilang na inabot ko ang kamay niya.

"Diana."

 

One second lang nagdampi ang palad namin. Binawi ko agad. Para kasing may nakalagay sa kamay niya na sign WARNING: ENEMY LINES, DO NOT CROSS.

 

"Isn't it amazing baby? May nakita tayong schoomate mo."

 

Isn't it amazing baby. May nakita tayong schoolmate mo.

Ginaya siya ng isip ko. Bad Diana. Kasi naman eh. Hindi ba siya pwedeng magsalita nang maayos, hindi iyong parang biik na hindi maanak. Nakatili. Ano naman daw yun di ba?

Tsaka ang O.A. ah. Nakakita lang siya ng schoolmate ng baby niya (with matching gaya sa boses niya) ay sobrang excited na niya.

"Andito ka lang pala."

 

Nilingon ko si Kuya Edrian. May dala siyang dalawang cup ng coffee. Nakita ko na tiningnan na naman niya ng masama ang kapatid ko. Nakita ko lang ah, hindi ko siya tiningnan. Nagkataon lang na napadaan ang mata ko sa kanya.

Why am I explaining? Wala namang nagsasabing tinitingnan ko siya.

 

"Wow. Diana. Ang gwapo naman ng boyfriend mo."

 

"Hindi ko siya boyfriend."

 

"Ohhhs. Talaga???"

 

Ohhhs. Talaga???

 

Tumango ako.

"Princess, who is she?"

 

"Oh my God. Isn't it sweet baby? He calls Diana Princess."

 

Oh my God. Isn't it sweet baby? He calls Diana Princess.

 

"Baby?" Nakakunot noong tanong ni Kuya.

"She's Erica." Shit. Bakit ayaw lumabas sa lalamunan ko na mga salitang girlfriend ni Nathaniel?

"And you are?" sabi niya sabay lahad ng kamay niya.

Tinanggap naman ni Kuya ang kamay niya.

"Edrian."

 

"Ano nga palang ginagawa mo dito Diana?"

 

Eh di nagmamalling. Ano pa bang gagawin ko sa mall di ba. Alangan namang magjogging ako dito. Tsaka bakit ba niya ako tinatanong? Kung magkapagtanong siya kala mo naman 50 years na kaming magkaibigan no. FC much. Pa cute much. Malandi much. At ako naman selos much?

Wait.

Scratch that.

Who's jealous?

I'm not jealous.

Why would I be jealous?

There's no way I would be jealous.

Tamaan pa nang kidlat ang babaeng ito.

 

"May binili lang ako."

 

"Malapit na palang maglunch Princess. What do you wanna eat?"

 

"Kahit ano na lang." Nawalan na ako nang ganang kumain.

"Thay have a Korean Restaurant here. Why don't we have your favorite cold noodles. Do you want that."

 

Tinanguan ko lang siya.  Wala talaga akong gana.

"Wow. Cold noodles. I also want to eat cold noodles baby." maarteng sabi niya kay Nathaniel sabay kapit sa braso niya.

 I also want to eat cold noodles baby.

 

Tssskk. Gaya-gaya. Walang originality. Tsaka grabe makakapit ah. Tuko lang? Kapag ako hindi nakatiis sa babaeng to, isasahog ko talaga siya sa noodles ko. Konti na lang.

 

"Can we come with you?"

 

Nanlaki ang mga mata ko. Ano daw? Sasama sila sa amin? Sabunot gusto niya?

Napatingin na lang ako sa kapatid ko.

Huwag kang pumayag Kuya. Say no. Please say no.

 

"Sure why not."

 

 

Nanlumo ako sa naging sagot ng kapatid ko. Seriously, papaano ko matitiis ang kaartehan ng babaeng to? Paano ko mapipigilan ang sarili ko na huwag hilahin ang buhok niyang parang wig at sabunutan siya nang sabunutan hanggang sa makalbo siya?

 

Waaaahhhh. Ano ba tong iniisip ko? Bakit kailangan umabot sa sabunutan at kalbuhan?

 

 

 

Buwisit talaga tong dalawang to. Sasama-sama pa sa'min eh maglalandian naman sila. Kung pwede lang maglagay nang malaking poster na 'NO PDA ALLOWED'.

May pasubo-subo pa silang nalalaman. Mga lumpo ba sila at kailangan magsubuan? Putulin ko talaga mga kamay nila eh.

"Princess what's wrong?"

 

Napalingon ako sa kapatid ko.

"You aren't eating? Don't you like the food?"

 

Napatingin ako sa bowl ko. Hindi ko pa nga siya nababawasan.

"Hindi naman sa ganun. Wala lang talaga akong gana." Sino namang gaganahang kumain kung may kasabay kang ungas at maarte?

Sinapo ni Kuya ang noo ko. Kaya lang biglang may nahulog. Sabay kaming napalingon.

"I'm sorry." sabi  ng ungas. Nahulog kasi niya ang chopsticks niya. Tapos tumawag na siya nang waiter para manghingi ng bagong chopsticks.

 

"Kahit na wala kang gana you should still eat. Sakitin ka pa naman." sabi ni Kuya sabay lagay ng shrimps sa bowl ko. Favorite ko shrimps eh.

Nagsmile lang ako. Susubo na sana ako nang bigla namang tumayo ang ungas.

"I'll just go to the comfort room." sabi niya while looking at me straight in the eyes.

Pupunta lang pala sa banyo eh bakit kailangan titigan pa ako sa mata? At ang sama ng tingin niya ah. Ano naman problema niya?

Wala pang isang minuto ay tumayo rin si Erica. Pupunta din daw ng comfort room. Nasundan ko na lang siya nang tingin. Kailangan pag pupunta ng comfort room sabay? Bakit ano bang gagawin nila sa comfort room?

Pakialam ko ba.

Pakialam ko kung nabobore sila at balak nilang mag jack-en-poy sa comfort room.

"Why didn't you tell me na may girlfriend na pala si James."

 

Nabulunan ako sa sinabi ng kapatid ko. Inabot ko agad iyong baso ng tubig at ininom yun.

"Bakit ko naman sasabihin?" Pakialam ko sa buhay nang ungas na yan.

"You don't like Erica."

 

Napatingin ako sa kapatid ko. Sa sinabi niya hindi siya nagtatanong. Parang alam talaga niya na hindi ko gusto ang maarteng babaeng iyon.

Eh bakit ba kasi hindi ko siya gusto?

Kasi maarte siya.

Malandi pa.

At maarte ulit.

At malandi na naman.

Higit sa lahat girlfriend siya ni Nathaniel.

Tsssk. Hindi kasali iyong last. Pakialam ko kung girlfriend siya ng ungas na yun. Ang bagay kaya nila. UNGAS plus MAARTE  equals BUWISIT SA BUHAY KO.

 

"Ano ba yang sinasabi mo Kuya?"

 

"I can see how you look at her. Kung nakakamatay lang yang tingin mo baka patay na yun kanina pa."

 

"Hindi kaya." Todo tanggi ako. Kaya lang iyong tono ko walang conviction.

"She seems nice."

 

Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi ko. Hindi talaga ako makapaniwala sa sinasabi ni Kuya. NICE. Ang babaeng yun nice with one million question mark sa dulo. Ano na namang nice sa kanya?

Oo nga at maganda siya. Sexy din siya. But like duuuuhhhhh. And duhhhhh again. And duhhhhh once more. Ang arte kaya niya. Basta boses pa lang niya nakakairita na.

 

"Don't tell me type mo siya Kuya?"

 

"No. I'm just telling the truth. She's nice."

 

Tiningnan ko na lang masama ang kapatid ko.

"What?"

 

"Wala." Padabog na sagot ko saka hinarap ang noodles ko.

Kaya lang lalo akong nawalan ng gana sa pinagsasabi ni Kuya. Lalo ako naiinis. At sino namang hindi maiinis? Ako ang kapatid niya. He's supposed to take my side. Pero anong ginawa niya, pinagtanggol pa niya iyong tukong yun. At talagang sinabi pa niya at paulit-ulit na sinampal sa mukha ko na nice ang babaeng yun.

Bakit kaya hindi na lang ang babaeng yun ang gawin niyang kapatid?

Teka nga. Teka nga. Teka muna. Masyado naman yata akong affected sa babaeng yun. Kahit pa sabihin natin na sobrang arte talaga niya hindi pa din tama na mairita ako sa kanya ng ganito. Nag-oover react kaagad ako. Higit sa lahat nagiging unreasonable na ako.

Anong nangyayari sa akin?

 ----------------------------------

P.S. 

That's Erica on the picture. If you we're Diana? Hindi kaya kayo mamatay sa pagseselos?

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
696K 13.5K 62
Ang huling yugto sa kwento ng ating INTERGALACTIC BAE
90.7K 2.2K 12
Role player World o alam natin sa RPW ay sikat ngayon sa mundo ng social Media, lalo na sa Facebook. Rpw ay tinatawag nilang pekeng mundo kung saan m...
69K 2.9K 80
Ang simpleng babae na si Sofia Vienna Caronia at ang lalaking si Christian Jacob Villarieno ay matinding nagmamahalan, Kahit pa sa katotohanang ang k...