Dovetail

By ChinitaQueen25

378K 23K 7.3K

[Royal Academy's 2nd book] They won and they lived but will they be able to survive the emerging bloodshed? ... More

Dovetail
Pharaohs
Half-blood
Normal
Once King
Hanada
Dead
Gray
Past
Celebration
Woman
Amara
History
Father
Night
Message
Drink
Heart
Fulumbra
Hold on
Son of Poseidon
Voices
Scroll
Moments
Renvela
Heiress
Akita
Niece
Elders
Taldor
Surge
Escaped
Future
Enlightened
Guests
Asleep
Identity
Emergence
2nd wave
Azalaura
Arrival
Still Changing
Armour
Time
Wizard
Epilogue
3rd book

Unconscious

12K 657 196
By ChinitaQueen25

This will be my second update for today. I hope you enjoy!

Dedicated to ArizaHodrial. Thank you for tuning in! Buckle up and enjoy the ride, honey!

**

"Is she alright?" Agad na tanong ni Sefarina nang makalabas si Lady Doreena mula sa kwarto ni Luna.

"What happened this time, Pharaohs?" Anito sa seryosong boses.

Nagkatinginan sila na para bang tinatanong ang isa't isa kung dapat ba nilang aminin ang nangyari.

"It was Armour. He wants her dead." Dire-diretsong sabi ni Dame na ikinasinghap nila.

"What?!"

"The fuck?"

Nilingon ni Lady Doreena ang kwarto kung saan ngayo'y nagpapahinga si Luna bago binaba ang clipboard nitong hawak. Winaksi nito ang kamay at kaagad lumabas ang joule sa tabi nito.

Pinanood ni Sefarina kung paano iyong kinontrol ni Lady Doreena gamit ang kanyang daliri hanggang sa lumabas doon ang scan ng buong katawan ni Luna. 

She zoomed in to her head kung saan may mga itim na linyang nakapalibot doon. It's as if something dark literally contaminated her brain.

"I'm not sure when or how it happened, but he appears to have tainted Luna."

Ginalaw nitong muli ang kamay kaya gumalaw rin ang katawan ni Luna na nasa joule. This time, nakita nila kung paano unti-unting kumakalat ang itim sa ugat ng katawan ni Luna.

"You see those? Hindi ko pa masabi kung ano ang epekto niyan because I still have to talk to Luna to confirm my theory." Binilugan nito ang mga itim na nagmistulang tinta.

"Holy-"

"Can it be removed?" Nag-aalalang tanong ni Iraia.

"I don't know, Iraia." She answered honestly.

Binalik ni Lady Doreena ang tingin sa joule at tinuro ang kanyang mga binilugan. "Looks like it started from her body until it slowly reached her brain. Sigurado ba kayong hindi siya nagsabing masakit ang ulo niya? Not even once?" Paninigurado niya.

"Yes, Lady."

"She's always in her usual self. Maingay, palamura." Ngiwi ni Veton.

Ang pagtango ni Lady Doreena ang nakapagpasikip lalo sa dibdib ni Sefarina. Even her... she knows that Luna's pain tolerance is something.

"She's brave. You see, our bodies are different from a mere mortal. May mga ugat silang wala satin and same goes with them."

"Luna's situation's a bit complicated. Hindi lang ang katawan niya ang apektado kung hindi pati na ang utak niya and one possible effect of it is her head breaking."

Napaubo si Veton na agad hinampas ni Pream ang likod. "Tangina ka, masakit!"

"I mean it literally." Dagdag niya.

Natahimik naman sila at hindi malaman ang sasabihin. Gano'n ba kalala ang nararamdaman ng kaibigan nila nang hindi nila nalalaman?

"May mga instances bang nangyari na 'to dati? I mean, her passing out because her head hurts?" Agad naman silang nagsi-ilingan.

"I've been with her since day 1 pero kahit isa wala naman siyang sinabi. I'll probably never knew that she's hurting kung hindi pa 'to nangyari." Ani Sefarina habang pahina nang pahina ang boses.

Ngayon lang niya na-realize na baka nagkulang siya bilang best friend nito. Hindi ba niya ito nakakamusta? Hindi ba niya natatanong kung okay lang ba siya?

Because knowing Luna, no matter how hurt she is, she will never tell a single soul. She's so used to being alone that even now, hirap pa rin siyang mag-open sa iba.

"It's alright. Ako na lang ang magtatanong sa kanya, you know that she can't lie to me." Ngisi ni Lady Doreena at kinindatan pa ang mga ito para pagaanin ang sitwasyon.

"How is she?" Tanong ni Dame.

"She's under observation as of the moment. I need to monitor her 24/7. Mukhang kailangan niyo muna siyang iwan sakin." Binigyan sila nito ng maliit na ngiti.

Tinapat nito ang kamay sa pintong kusang bumukas bago marahang sinilip si Luna at kinausap ang ilang delta na nagbabantay dito.

"Is she awake?" Mahina nitong tanong.

"No, Lady. She passed out, again."

Hindi lamang si Sefarina ang suminghap kung hindi pati na ang ibang Pharaohs habang si Lady Doreena naman ay napahinga ng malalim sa narinig. 

Her hand remained on the automated door to prevent it from closing as she looked at them.

"I'll let you see her for a while but please, I don't want to hear any noise." Pakiusap nito na agad naman nilang ikinatango.

Nang tuluyang makapasok, she motioned them to follow her which they silently did. 

Nangunguna si Sefarina'ng halos matumba na habang unti-unting nilapitan ang kaibigan na ngayo'y may kung ano anong aparato ang nakakabit sa kanyang katawan.

Tahimik namang ginalaw ni Lady Doreena ang joule na nasa tabi nito habang sinusulat ng dalawang delta sa kanilang mga clipboard ang mga mahahalagang bagay.

"She can't seem to wake up." Naguguluhang anito na ikinalaki ng mata ni Sefarina.

"Why?" Gulat na tanong ni Enfys.

"Damien." Tawag nito sa binata na nakatingin pa rin sa dalagang nakahiga sa kama.

"Ilang beses kayong lumabas nitong nakaraang linggo?"

"Thrice." Maikli nitong sagot.

Binaba ni Lady Doreena ang clipboard na hawak para lapitan si Luna. Her body is probably just tired, knowing that her stamina isn't that impressive.

She tried to check her pulse at napailing na lang nang maramdamang mas humina ito kumpara sa kanina.

Binaling nito ang tingin sa delta. "Call Grandeur. Code D." Maikli nitong sabi at agad na tumalima ang dalawang delta.

Ang isa'y nagkukumahog na lumabas habang ang isa'y ginalaw muli ang joule na nakakonekta kay Luna.

"What? What's happening? Why call Senor Grandeur?" Panic ni Sefarina.

"Hush, babe." Alo ni Iraia sa kaibigan at marahang hinaplos ang kanyang likod.

May humawak sa balikat niya dahilan para mapatingin siya kay Arrow na binulungan siya. "Check her blood, please."

Nagtataka man ay ginamit pa rin ni Sefarina ang kanyang speja na kahit papaano'y nac-control na niya. 

Gano'n na lang din ang pagsinghap niya at nanginginig na hinawakan ang dulo ng damit niya.

"H-how..." Humigpit ang hawak ni Arrow sa balikat ni Sefarina at inangat ang tingin kay Lady Doreena na may kung ano anong ginagalaw sa joule.

"Her blood stopped circulating... because her veins were no longer carrying it to her heart."

Lahat sila'y napatingin sa binata. Isang hikbi naman ang kumawala sa labi ni Sefarina'ng agad tinakpan ang bibig.

Wala na ang nakapagsalita sa kanila dahil sa ganoong sitwasyon sila nadatnan nila Senor Grandeur at Lady Eavour na kapwa nagmamadali.

"Blood stopped circulating, pulse can't almost be heard." Simpleng paliwanag ni Lady Doreena.

"He did it." 

Nakita nila kung paano napapikit si Senor Grandeur. "We're bringing her to King Ophiluous."

"You're taking her to who?" Hindi napigilang tanong ni Sefarina.

"Sef, it's alright. The King's the scion of all pillars and darkness. He's the only one who can help Luna." Mabilis na pigil ni Enfys sa kanya.

Hindi nila alam kung gaano kabilis ang pangyayari. Nakita na lang nila ang pagdating ng lahat ng miyembro ng consiglio habang sila'y tahimik at tulala lang silang pinapanood.

"Aren't we gonna do something?" Bulong ni Pream na narinig naman niya.

"Gusto mo bang i-suggest na nakawin natin si Luna, pareng bro?" Hindi makapaniwalang sabi ni Veton.

"Don't." Mabilis na pigil ni Dame.

Marahang pinunasan ni Sefarina ang basang pisngi at napatingin sa kaibigan nilang pinigilan sila.

Damien is standing calmly, his gaze never leaving Luna, barely blinking. His eyes were soulless, but Sefarina couldn't deny that the way he looked at her made her feel like it was the last time he'd see her.

"Pharaohs." Tawag sa kanila ni Senor Grandeur kaya agad silang tumalima.

Binuhat na ni Master Laidre si Luna habang si Lady Doreena at ilang delta naman ang umasikaso sa mga aparato nito sa katawan. Sa kabilang dulo ay abala naman si Senor Godfrey sa paggawa at pagbukas ng portal.

"Kreme and Godfrey will stay at the academy, and I'll be leaving with the rest. I know you wanted to come, but Luna isn't the only one who needs our help and support; they're literally all over the place." Pinanood ni Sefarina kung paano pumasok ang mga ito sa portal.

"I trust you all." Huling sabi ni Senor Grandeur bago ito sumunod.

"Damien, anak. Look after your muse." Paalala ni Lady Eavour sa anak.

Siya ang huling pumasok sa portal bago 'yon isara ni Senor Godfrey. They went silent as the two members of consiglio tried to comfort them.

"For now, you can take a break. I'll inform you once I receive the orders." Ngiti sa kanila ni Master Kreme bago umalis para pumunta sa susunod nitong klase.

"Rest, Pharaohs. You still have a long way ahead." Tango sa kanila ni Senor Godfrey na umalis na rin.

Gano'n na lang ang pagkanginig ng tuhod ni Sefarina at tuluyan nang napaluhod sa lapag habang ang luha'y sunod sunod na nagtuluan.

"Sef! Oh my pixie! Honey, Luna's going to be okay." Alo sa kanya ni Iraia na mahigpit siyang niyakap.

"When they left..." Saad ni Veton na natulala. "She isn't breathing anymore."

"Go to bed." Iyon lang ang tanging narinig nila kay Damien na lumabas na sa infirmary.

"She can't die yet. She can't." Mahinang iyak ni Sefarina kay Iraia.

"Tangina, sabi ko sabay kaming makikipag-jam kay kamatayan eh!" Maktol niya.

Sabay namang napaubo sa gulat si Pream at Veton nang marinig ang sinabi niya. 

Naramdaman ni Sefarina ang pagtayo ni Iraia at ilang segundo lang ang lumipas ay tumigil na sa kanyang harap ang pamilyar na pares ng paa. 

Arrow kneeled on one knee to level his face on Sefarina's, who remained slouching on the ground.

"Do you want to rest now?" Marahan nitong tanong.

All she can do is stifle her sobs while nodding slowly. When she felt herself being lifted up by Arrow, her cries became louder.

"Babaeng 'yon, nakahanap ng pagkakataong makayakap kay Arrow." Pagpaparinig ni Veton sa kanya.

"Can't you just be normal for a minute?!" Reklamo naman ni Iraia na ikinangiti niya.

Arrow, on the other hand, is only able to hear Sefarina's sobs. He's not complaining, but it bothers him in some way.

"Hey, it's not your fault."

"I-I should've asked her more. Dapat pala ginulo ko siya ng ginulo." Puno ng pagsisisi nitong sabi.

"Simula pa lang, wala na siyang ibang nararamdaman kung hindi ang sakit. She's been in a lot of pain, to the point where she's gone numb, where her body accepts it as normal." Mas lalo itong humagulgol

"She'll live, Sef. Luna's a fighter."

Nang makarating sa Teadra, tahimik niyang inihiga si Sefarina sa kama nito na nakatulog habang umiiyak.

He took off her shoes and wrapped her in her blanket. He gave her a long look before leaving, making sure she was sound asleep.

He was about to enter his room, which is perpendicular to Sefarina's, when he noticed the sky darkening. He walked up to the glass panels and looked up at the sky.

Naroon pa rin ang araw ngunit unti-unti itong napapalibutan ng kadiliman.

"Wow, mamamatay na ba ako?" Tangang tanong ni Veton na biglang sumulpot sa tabi niya na nakatingin din sa kalangitan.

"Malapit na." Sagot niya na ikinasinghap nito.

"Alam mo, you-"

Natigil si Veton at napatingin sa pintuan kung saan nandoon ang alam nilang may kagagawan ng lahat ng 'to.

"If Sefarina's in pain, paano pa siya?"

Parehas silang napatingin kay Enfys na nakasandal sa tapat ng kwarto nito habang nakatingin din sa direksyong tinitignan nila. Nasa tabi nito si Pream na mukhang naintindihan din ang sinabi ng dalaga.

"You'll know if something's wrong to a half-blood if something impossible's occurring." Sabay tingin nito sa madilim na kalangitan habang ang araw ay tirik na tirik.

The next morning, Iraia was the first one to wake up. She only slept for an hour or two, but all she could think about was her friend.

She decided to just think positively, which is why, after washing up, she went downstairs to get something to eat.

"Good morning, En." Bati niya sa kaibigan na nakaupo sa dining table.

Kumuha siya ng sandwich sa table at pinalamanan 'yon. Nasa gitna siya nang pagtitimpla ng gatas nang mapansin ang itim na kalangitan.

"Gabi pa rin?" Naloloka niyang tanong at binuksan ang glass panel para makalabas papuntang Nallum.

To her shock, the sun's up but the sky's full of darkness!

"What the pixie is happening?"

Hindi siya makapaniwalang nag-martsa pabalik sa loob ng kanilang dorm. She bit on her sandwich at tulalang napaupo sa tapat ni Enfys na tahimik na umiinom ng tubig.

"It's starting."

Her mouth stopped midway as she felt chills all over her spine. Kinakabahan niyang naibaba ang kanyang sandwich at pilit sinalubong ang tingin ni Enfys.

Is she referencing the prophecy? Or was it something else that only she knew about?

"She's in a trance, so tell her to breathe or she'll perish."

Naiwang nakaawang ang bibig niya hanggang sa makaalis na si Enfys sa harap niya. Naramdaman na lang niyang may nagpasok ng tinapay sa bibig niya kaya nabalik siya sa huwisyo.

"Okay ka lang?" Ngiwing tanong sa kanya ni Veton na tinanguan lang niya.

Tumayo na siya at iniwan don ang binata habang tulala pa ring naglakad pabalik sa kanyang kwarto. The Enfys she was with earlier... is obviously not from this period.

"Dame." Tawag niya sa lalaking nakasandal sa balcony.

Hindi pa man din siya nakakapagsalita ay nakita na niya itong tumango. Umalis na ito sa kanyang kinatatayuan at nilagpasan siya.

It had to have been excruciatingly painful for him. For them, it breaks their hearts to see their friend in that state. But it's worse for him because he can't seem to face the fact that Luna has been slowly making her way through his heart, and now she's fighting death alone.

With no guarantee that she will survive.

She closed her eyes and prayed for the safety of her friend. She is confident that the Moon Goddess will help her. More importantly, she knew Luna would not give up without a fight.

A woman can hope.

**

Ah, scenes are getting heavy huh.

Continue Reading

You'll Also Like

157K 5.8K 103
PRIEST: (gently) It'll pass. Grey's Anatomy / Mark Sloan. (The First Edition of Flatline)
354K 10K 28
CURRENTLY REVISING. Expect updates but it is just the revision of the story. I hope you like it. A college girl gets her life ruined when her parents...
564K 18.2K 161
Genre: Space, Doting, Farming, Time travel, Healing Alternative: 空间之农家女是团宠 Author: 小糊涂大仙 Synopsis: Xu Linyue from the 21st century crossing over with...
100K 860 12
အသက်ရွယ်ကန့်သက်ချက်တွေ လွန်လွန်ကြူးကြူးပါဝင်လို့ ကိုယ့်ဟာကိုယ် ဆင်ခြင်ဖတ်ပါ။