Empress Butterfly 🦋 [UNDER M...

By HecateStardust

420K 8.1K 258

EMPRESS BUTTERFLY (BOOK 1 & 2) Summer never experienced how to have a normal life. She's Evanescence Summer N... More

Warning!!!
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7: Something's Wrong
Chapter 8: Drop
Chapter 9: Back
Chapter 10: Smile
Chapter 11: Awkward
Chapter 12: Sweet
Chapter 13: Red
Chapter 14: Concern
Chapter 16: Clearing Feelings
Chapter 17: Basketball
Chapter 18: The Information
Chapter 19: Laundry
Chapter 20: Training
Chapter 21: Dedma
Chapter 22: Are You...
Chapter 23: Hide and Seek
Chapter 24: Training
Chapter 25: Signs
Chapter 26: I Love You
Chapter 27: Half a Heart
Chapter 28: Black Royalties Gang
Chapter 29: Please, Return
Chapter 30: Good Bye
Epilogue
Note ni Nuary
Teaser
Chapter 31: Master Instructor Trale Ynarez
Chapter 32: Dean's Twin
Chapter 33: Illusion
Chapter 34: After a Year
Chapter 35: Back
Chapter 36: His Parents
Chapter 37: His Parents
Chapter 38: They Knew
Chapter 39: Talk About Relationship
Chapter 40: Foundation Day
Chapter 41: Foundation Day
Chapter 42: Foundation Day
Chapter 43: Foundation Day
Chapter 44: Empress Butterfly
Chapter 45: Underground Fight
Chapter 46: Missing, Empress
Chapter 47: Clarinet Penelope
Chapter 48: Accident, Japan
Chapter 49: Night went Wrong
Chapter 50: Tenderly Good bye
Chapter 51: The Empress' Gang
Chapter 52: Tell the Truth
Chapter 53: Heiress
Chapter 54: Deceived
Chapter 55: Gunshot
Chapter 56: Reasons
Chapter 57: She's Back
Chapter 58: I'm the One and Only
Chapter 59: Escape Plan
Chapter 60: Last
Epilogue
Note ni Nuary / History / Playlist
Teaser
Anniversary

Chapter 15: Heartbeat

6.1K 129 1
By HecateStardust

Chapter 15: Heartbeat

Wynd's Point of View

"Te-teka! Summer tulungan mo ako dito please. Malamig!" Pinagtutulak naman nila Sophia si Jc sa dagat. Si Michael naman tawa ng tawa dahil sa kaaway niya si Jc.

Ginising nila kaming dalawa ni Night sa pagkakatulog at nag-ayang magnight swimming. At ngayon para silang mga bata.

Tumingin ako kay Night at pailing-iling siya habang nakangisi. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, siya ang mahilig ngumisi. Bigla namang nawala ang ngisi niya at nilipat ko pabalik sa ibang side ang tingin ko. Naramdaman kong nakatingin siya sa akin. Sabi ko na nga ba, malakas ang pakiramdam niya.

Alam kong may kakaiba sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang kakaiba sa kanya dahil hindi ko mabasa ang kanyang mga kinikilos. Masyado siyang misteryosa at kakaiba.

"Kaya mo yan Jc." Sigaw niya at sumama sa mga Princess na magtampisaw sa dagat.

"Emp tara." Tumayo ako ng tawagin ako ni Trale. Himala at hindi tulog ang taong ito. Pumunta kami sa isang cottege at may mga nakahandang alcohol drinks. May balak ba silang maglasing?

"Sali kami." Nakiupo naman sila. Tumabi sa akin si Night. Binigyan siya ni Michael ng isang baso ng t-ice. Nakita ko pa siyang kinagat niya ang pang-ibabang labi niya bago itungga ang t-ice.

"Maglaro tayo." Sabi ni Alice. Kinuha niya ang isang boteng walang laman.

"Kung sinong matatapatan nito ay iinom ng isang baso. Matira matibay, kung sino ang huling matumba siya ang magiging hari o reyna sa loob ng isang linggo? Para exciting, kung sino ang huling dalawang tao na matumba." Pumayag naman silang lahat kaya pumayag na rin naman ako. Beer sa mga lalaki at t-ice sa mga babae.

Pinaikot niya ang bote at unang tumapat ito kay Nathalie. Pagkatapos uminom ni Nathalie ay pinaikot na niya ulit. Pagkalipas ng ilang oras ay natapatan na kaming lahat. Pero ako dalawang beses palang akong natapatan. Sampung beses kay Sophia, pitong beses kay Rain. Anim na beses kay Trale at Nathalie. Siyam na beses kay Michael, Jc, Alice at Louie. Habang limang beses lang si Gabrielle. At si Night ang pinakamadami, labing lima. Anong magagawa ko kung ayaw akong tapatan ng bote? Tsk.

Pero hanggang ngayon ay mulat na mulat pa siya. Ang lakas ng tolerance niya sa alak. Habang ang ibang Princess tulog na. Hinatid muna nila ang mga Princess sa room nila. Pero pagkalipas ng ilang minuto ay hindi na nakabalik sina Rain, Louie at Trale kaya tinawanan nina Michael at Gabrielle.

"Congratulation Summer ikaw ang panalo sa babae. Pero maiba, sanay ka na bang uminom ng alcoholic drink?" Tanong ni Gabrielle. Umiling lang siya at uminom ulit.

Nagkwentuhan na lang sila habang ako ay nakikinig na lang. Ayokong makisama sa pag-iingay nila. Dahil magkatabi kami ni Night ay pinatong ko ang ulo sa balikat niya. Hindi ako inaantok pero gusto ko lang siyang asarin. Narinig ko pang naghiyawan sina Gabrielle at Michael pero hindi ko sila pinansin. Pumikit na lang ako. Hindi siya umangal kaya pinalupot ko ang kamay ko sa bewang niya. Ano mga bang pumasok sa isip ko at ginagawa ko ito?

"Emp, don't tell me your already drunk?" Tinignan ko si Michael at sinamaan ng tingin. Napailing lang siya pero nakangiti.

"Sabi ko nga lasing ka na." Tumayo na silang dalawa ni Gabrielle at matutulog na daw sila. Bakit kaya hindi na lang sabihin ni Michael na maghahanap siya ng babae? Si Gabrielle naman baka magpapakamatay na. Woman hater kasi.

"By the way Emp. Take it slowly." At nagtawanan pa silang dalawa ni Gabrielle. Mga gago kasi ang dalawang yun.

"Comet tumayo ka na dyan. Inaantok na ako." Ayoko. Ayokong humiwalay sa kanya.

Summer's Point of View

Bigla niyang isinandal ang ulo niya sa balikat ko at pinalupot ang kamay niya sa bewang ko. Para akong nakuryente at bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Hindi ako makakilos dahil sa ginawa niya. Umalis na ang dalawa at naiwan kaming dalawa dito. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Comet tumayo ka na dyan. Inaantok na ako." Ang totoo niyan ay hindi pa talaga akong inaantok. Nahihilo lang ako at gusto kong pumikit muna at mahiga.

Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Niyakap na niya ako at nilapit sa kanya. Mas lalong humigpit ang yakap niya kaya hindi na ako makakilos ng maayos. Anong nangyayari sa taong ito?

Pinilit kong humiwalay sa kanya pero nabigla ako ng hinarap niya ako sa kanya at niyakap ulit. Ano ba itong nararamdaman ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko? Ano nga bang tawag dito?

Hindi ko alam. Hindi ako sigurado. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming ganun ang ayos naming dalawa. Lumuwag naman ang yakap niya sa akin. Mukhang tulog na siya.

Tumayo ako at inalalayan ko siyang maglakad. Ang malas ko naman dahil ang layo ng room namin. Pero swerte pa rin dahil may elevator, kung hindi baka kinaladkad ko na lang si Comet papunta sa room namin.

Ang bigat ng taong ito, nahihilo na rin ako dahil nakarami ako ng t-ice. At hindi ko inaakala na ako pa ang mananalo sa aming mga Princess. First timer lang kasi ako sa pag-inom ng mga alcoholic drinks.

Muntik pa kaming matumba noong papalabas na kami ng elevator. Pero nakahawak naman ako sa pinto kaya nakabalanse naman kami.

Konting lakad na lang Summer, konting-konti na lang. Kaya mo yan.

Binuksan ko ang pinto at nilock ito pagkapasok namin. Tumingin ako sa wall clock at 12 na pala ng madaling araw. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa higaan niya pero napasigaw ako ng masama ako sa kanya. Bumagsak ako sa ibabaw niya at nakakailang ang pwesto ko ngayon.

Aalis na sana ako pero bigla siyang yumakap sa bewang ko at nagkapalit kami ng lugar. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sa puso ko? Huwag mong sabihin na may sakit ako sa puso? Ay huwag naman!

Napalunok naman ako ng magtama ang paningin namin. Ang ganda ng mga mata niya. Ngayon ko lang ito natitigan. Pero teka nga ano bang ginagawa niya? Huwag mong sabihin na nalasing siya?

Pero sabagay, beer pala yung iniinom niya. Habang ako ay t-ice lang.

Wynd's Point of View

Hindi ako humiwalay sa pagkakayakap ko sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin kaya nakakuha ako ng pagkakataon para makatingin ako sa kanya. Ang ganda niya kahit na may salamin siya. Shit! Ano ba itong naiisip ko?

Sinadya kong luwagan ang pagkakayakap ko sa kanya. At nang tulungan niya akong makatayo ay nakaramdam ako ng hilo. Inalalayan niya akong makahiga pero bigla akong may naisip na kalokohan.

Muntikan na akong mapatawa nang mapasigaw siya dahil hinila ko siya. Nakapikit lang ako habang nasa itaas ko siya. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Siguro para may maasar ako. Ang kulit niya kasi at nakakatawa ang expression niya kapag naaasar siya.

Naramdaman ko namang paalis na siya kaya niyakap ko siya sa bewang at umikot ako. Nakatingin lang ako sa mga mata niya na minsan ko ng natitigan, pero natutulog siya at nakapikit. Inangat ko ang kamay ko at hinaplos ko ang pisngi niya.

"Malabo ba ang mata mo?" Halata naman kasing walang grado ang salamin niya. Inangat ko ang kanang kamay ko at dahan-dahang inalis ang salamin niya.

Ang ganda ng mga mata niya! Nakita ko na dati ang mata niya pero ngayon ko lang ito natitigan.

Shit! Ano itong ginagawa ko? At ano itong nangyayari sa akin? Bakit ako nakakaramdam ng ganito?

"Co-comet, anong ginagawa mo?" Napatitig ako sa labi niya. Mapupula ang kanyang manipis na labi. Hindi ko alam at bigla na lang akong yumuko at hinalikan ko siya.

Naramdaman kong nabigla siya sa ginawa ko. I continue kissing her. I thought she will not going to kiss me back.

Pero nagulat ako ng humalik siya pabalik.

I place my right hand on her nape. I close my eyes and feel her soft and sweet lips kissing mine.

I drew her closer to mine and deapened the kiss. This is the first time i love a kiss. Well this is the first time i kiss someone. And i feel happy because she's my first kiss.

I kiss her passionately. I don't know how long we we're kissing each other. But her lips is addicting. I like the taste of her lips.

When we stop i saw her cheeks turns pink. "Good night Summer Night." I kiss her again but that was just a smack. This is the best night for my vacation.

***

Ano kaya ang nararamdaman ni Summer?

Anong mangyayari bukas?

Abangan! Chapter 16: Clearing Feelings

(c) PixieNuary

Continue Reading

You'll Also Like

454 75 14
queer shorts #1 - Natsu no Saigo no hi (The Last Expense of Summer) -- Luigi's summer vacation was lame until Pluto drags him to the fun side. -- Lu...
107K 2.6K 36
(Pureblood Series # 1) - Completed "Sometimes being a queen is not easy how much more if you're the lost vampire queen?" STARTED: March 15, 2016 FINI...
83.9K 2.9K 45
Akimina Sheena Delta, a senior high students taking up Science Technology Engineering Mathematics Strand. The second youngest daughter of Akihiro Del...
75.9K 3.9K 58
[COMPLETED] [EDITING] Celestial Academy Series #2 Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy "An academy that represents a power within the sun and possess...