Ways For Her To Dislike Him

By _gette_

18.5K 965 157

Complete. Thelistine High #1 l Caile is having a quite smooth academic life as the council president of the p... More

Prologue
Ch. 1: Caile Christian Lajara
Ch. 2: Their Plan
Ch. 3: First Encounter
Ch. 4: Off the record
Ch. 5: Trash
Ch. 6: Agree
Ch.7: Campaign week l Election day
Ch. 8: His New Secretary
Ch. 9: Trouble
Ch. 10: Acquaintance party
Ch. 11: Acquaintance party: Seducing Andy
Ch. 12: Acquaintance party: Seducing Tamarra
Ch. 13: The undeclared Queen Bee
Ch. 14: Clash
Ch. 15: Interruption
Ch. 16: ...
Ch. 17: Pageant (Practice) I
Ch. 18: Pageant (Practice) II
Ch. 19: Pageant (Practice) III
Ch. 20: Pageant Night I
Ch. 22: Pageant Night III
Ch. 23: Pageant Night IV
Ch. 24: Missing in action
Ch. 25: Caile's first move
Ch. 26: Caile's second move
Ch. 27: Caile being caring
Ch. 28: Locked up
Ch. 29: Little suspicion
Ch. 30: Quarrel
Ch. 31: Outcome
Ch. 32: Busy
Ch. 33: Fieldtrip
Ch. 34: Fieldtrip II
Ch. 35: Fieldtrip III
Ch. 36: Change of feelings
Ch. 37: Aimee x Andy
Chapter 38
Ch. 39: He suddenly wants to stop
Ch. 40: Range of anger
Ch. 41: Comfort Zone
Ch. 42: Over
Ch. 43: Rumors
Ch. 44: Caile x Tamarra
Chapter 45
Ch. 46: The Witch
Ch. 47: Sports Fest
Ch. 48: Sports Fest II
Ch. 49: Sports Fest III
Ch. 50: Sports Fest IV
Ch. 51: Bewitched
Ch. 52: Evade
Ch. 53: Confession
Ch. 54: Confusion
Ch. 55: Rejection
Ch. 56: Observation
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60: Christmas party I
Chapter 61: Christmas party II
Chapter 62: Aftermath
Chapter 63: After this
Chapter 64: After all
Chapter 65
Special Chapter
Thelistine #2: He's Mine
Thelistine 1.2: Wayward Love

Ch. 21: Pageant Night II

158 15 0
By _gette_


CAILE'S POV


"Stand by, candidates! Three more minutes left!"-sigaw ni Jade na isa sa committee leaders. Pagkarinig ko no'n ay iniwan ko na sina Nathe na kausap ko para lumapit na kay Tamarra. Nasa gilid siya ng stage at sumisilip silip. Curiously, ginaya ko rin siya.


Madaming tao. Kinabahan ako. Bigla naman siyang napalingon sa'kin.


"Ay, kabayo!"


"Leche."-dumulas sa dila ko.


"S-Sorry."


Tinignan ko lang siya and guilt is visible on her face, hindi na nga niya ata napansing napamura ako. 


Natapos na ang opening production ng Thelistine High band at na-set naman nila ang mood ng crowd dahil ngayon ay very energized na ang students. Nagkanya-kanya na kaming pwesto sa likod dahil kami naman ang susunod na lalabas for opening number.


Ang paglabas ay by pair na mauuna sa pinakahuli hanggang una. Halos hindi na ako huminga nang isa isa kaming lumabas mula sa likod. Bawat may lumalabas ay palakas nang palakas ang sigawan ng students, but I could barely hear them dahil mas malakas ang tibok ng puso ko dala ng tensyon.


Nakakasilaw ang ilaw at nakakabingi ang sigawan but here I am, parang namanhid ang buong katawan ko when I felt Tamarra's cold hands against my own hand. Hinawakan niya iyon, naghahanap ng suporta dahil katulad ko, kinakabahan din siya.


Focus, Caile. Pwede kang magmukhang tanga sa harap ni Tamarra pero hindi sa mga estudyante na nanoood sa inyo, anong gagawin mo kung dahil sa pagkadistract eh madapa ka dyan? 


Nairaos naman namin ang opening number, and surprisingly, after that nerve-wrecking production ay nagloosen up ako at nawala ang kaba ko. Pakiramdam ko dahil nairaos ko ang unang phase ay mairaraos ko rin ang mga susunod pa.


But after that opening, hindi ko na hinayaang dumikit pa sa'kin uli ang balat ni Tamarra. Good thing na halos walang skin contact ang steps sa sinayaw namin ngayon ngayon lang.


Habang nagriready ang iba para sa introduction ay biglang lumapit sa'kin si Aimee. Her face was well made-up as well as her emotion.


And she surprised me with her opening statement. "Para kang tuod."


"What the?"-Nanlaki ang mata ko sa binulong niya. Walang utang na loob, parang kanina lang tinulungan ko siya ah.


"I'm watching you. Bakit hindi ka magmake ng move? Chance mo na."


About that way again. Huminga ako ng malalim saka sinalubong ang tingin niya.


"Gimme a tip."


Ngumisi siya and that made her look bitchier. "Easy. Ipakita mo lang na concern ka sa kanya. Ask her from time to time kung okay lang ba siya, kasi sa nakikita ko, she's nervous. Make her calm down."


"Magagawa ko iyon but without sincerity."-sagot ko habang palingon lingon sa paligid, mabuti nalang dahil sa busy ang mga tao ay walang nakakapansin na nag-uusap kami.


Tinaasan niya ako ng kilay. 


"She's too nervous to even notice that. Basta alam niyang nag-aalala ka, okay na iyon."-bahagya siyang sumilip sa likuran ko. "Papalapit na siya, alis na ako. Bye."-hindi pa man ako nakakatango, tinalikuran na niya ako. Pero bigla rin siyang lumingon uli sa'kin. "By the way, salamat sa kanina."-she half smiled before walking away. And as if on cue, pumantay sa tabi ko si Tamarra.


"Namamalik mata lang ba ako o talagang ngumiti si Aimee sa'yo?"-taka niyang tanong, bahagya pang nakakunot ang noo habang nakasunod ng tingin sa babae.


Nilingon ko siya. "Kinakabahan ka?"-tanong ko na malayo sa tanong niya.


Nagulat siya sa tanong at napalingon sa'kin. "H-Ha? Of course. Sino ba namang hindi."


As expected. "Don't be. Makakasira sa performance natin yan."


"Hindi ka kinakabahan?"


Kung alam lang niya.


"Medyo lang."-sagot ko nalang.


Silence comes next. Nakatayo lang ako at siya naman ang likot likot, kung ano anong ginagawa niya. Hindi ko na lang pinansin dahil baka way niya iyon ng pag-aliw sa sarili para mawala ang atensyon niya sa kaba. Maya maya pa narinig ko na ang emcee na nagbibigay ng remarks. Nagbigay ng signal ang organizers na magready na para sa introduction. Pinaayos uli kami sa likod, pinapila ng magkakasunod at naaayon sa numero namin, saka aakyat sa stage para magpakilala na hindi ko makita kung anong sense dahil kilala naman na kami sa buong campus, halos lahat naman kasi ng contestant sa pageant ngayong taon ay na-talk of the town na ng Thelistine students.


Nagsimula sa pair number one... two... three... four...


Five.


Sabay na naglakad si Andy at Aimee pa-forward, kung nasaan ang microphone. Nakasunod kami ng tingin sa likod nilang dalawa.


"ANDY! ANDY! ANDY!"

"QUEEN BEE! QUEEN BEE! QUEEN BEE!"

"ANDDDDDDDDDY!"


Mas dumoble ang tilian ng students nang sila na ang tumapat sa mic.


"FIRST LAAAAAAADY!"-tili ng isang student at the top of her lungs. Karamihan sa audience ay napalingon sa gawing iyon, kahit kami ay nakuha niya ang atensyon.


Seriously, isang babae lang ang tumili ng pagkalakas lakas na iyon pero narinig ng halos lahat ng tao, including me. At maya maya pa, biglang iyong naging chant ng lahat.


"FIRST LADY! FIRST LADY! FIRST LADY! FIRST LADY! FIRST LADY! FIRST LADY! FIRST LADY!"


What the? First lady? Si Aimee ba tinutukoy nila?


Pinahupa muna ng emcee ang ingay bago sinenyasan si Andy na magsalita na.  Napatitig ako sa napaka-lean niyang likod. Nakakainis. Parang gusto ko bumaba at tumakbo papuntang harapan ng stage para videohan si Andy na magsalita.


"Hello--"


"Kyaaaaaaaaaah!"

"ANDY! ANDY ANDY!"

"HIIIII~!!"

"Kyaaaaaaaaaaaaah!"


"--I'm Andy Aquino from IV-A Newton."


"We love you! We love you! We love you!"-chant ng considered fans club niya. Yeah, ganoon siya ka-popular sa campus na mayroon siyang sariling fans club.


Lumayo si Andy sa mic at inayos ang stand para pumantay kay Aimee. That simple act made the students bark loud.


Yes, bark. Kasi para silang aso. Wala namang katili-tili doon sa ginawa ni Andy, binibigyan pa nila ng meaning. Hello, iyong girlfriend niya nasa tabi ko lang. And hello again, iyong future girlfriend -- na ako -- nanonood.


"AIMEE! AIMEE! AIMEE!"

"QUEEN BEE!"

"AIMEE!"

"FIRST LADY!"

"FIRST LADY!"


"First lady nino naman?"-tanong ko sa sarili. Lumingon si Tamarra sa'kin at sandali rin akong napalingon sa kanya.


Ako na ang nag-iwas ng tingin. Natapos magsalita si Aimee maya maya at kami na ang sunod. Pinakiramdaman ko si Tam. Dapat sabay kaming kumilos at nang hindi ko siya naramdamang gumalaw, pasimple ko nang tinapik ang kamay niya.


Saka lang siya kumilos. Sabay kaming lumakad papunta sa harap at sa gitna ng stage nakasalubong namin sina Andy na pabalik sa pwesto nila.


"GHAAAAAAADS!"

"KYAAAAAAAAAAH!"


Ang ingay.


Kay Aimee bumagsak ang tingin ko, at sa'kin din siya nakatingin. Saglit lang iyon kaya naman naman ni hindi kami nagkairapan.


Habang papalapit kami sa mic, mas lumalakas ang hiyawan ng students. Alam kong suportado nila ako, pero pati ba 'tong kasama ko suportado rin nila?


"Mauna ka."-bulong ko sa kanya, sandali siyang sumulyap sa'kin, binigyan ko siya ng magaan na tango. Parehas kaming nadistract nang magtilian na naman ang mga nanonood.


"I SHIIIIIP!"

"KYAAAAAAAH!"

"THE CHEMISTRRRRRRY!"


What the?


"Hello. I'm Tamarra--"


"TAMARRA! TAMARRA! TAMARRA!"

"EINSTEIN! EINSTEIN! EINSTEIN!"


"--Tamarra Cruz from IV-D EINSTEIN."


She step a foot backward. Ako naman ang lumapit sa mic pero hindi pa man ako nakakapagsalita eh lumayo rin ako sa mic, sinalubong nila ako ng tilian eh.


Ang ganda ko raw. Char.


"CAILEEEEEEEE!"

"PRESIDENT! PRESIDENT! PRESIDENT!"

"CHRISTIAN, CHRISTIAN, CHRISTIAN!"

"GO CAILEEEE~"


"I'm--"


"I LOVE YOU CAILE CHRISTIAN LAJARAAA!"

"PRESIDEEEEENT!"


"--thank you."-iyon nalang ang nasabi ko. Magpapakilala pa ba ako eh kilalang kilala na nila ako.


May kung anong nalanghap ang mga students ngayon. Masyado silang high, hindi kaya nakadroga sila?


Pabalik na kami sa pwesto namin nang sumabit sa takong ng sandals ni Tam ang dulo ng dress niyang long back, kaya ayon, bigla siyang napakapit sa kaliwang braso ko. Sa gulat ko naalalayan ko siya bigla gamit ang free hand ko.


The crowd goes wild pero dahil nakatalikod na kami sa kanila kaya hindi ko makita kung gaano ka-wild.


Napalingon ako sa kanya at siya rin sa'kin.


Lampa.

____________________


Continue Reading

You'll Also Like

92.9K 2.8K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
255K 11.1K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
269K 16.8K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...