Relationship Status: It's For...

By chamchamwatty

1.1M 12.8K 3.5K

I just changed the title to avoid confusion with other stories having the same title. This is "I LOVE YOU, KU... More

I love you, Kuya?
Chapter 1- My Kuya
Chapter 2- Monggy's Revenge >.<
Chapter 3- He really did?? >///<
Chapter 4- Chenelyn Eklavu+Keme=Monggay
Chapter 5- Coffee Crumble
Chapter 6-The Dream
Chapter 7-The Gift
Chapter 8- He is Sick, I'm Jealous!
Chapter 9- First LQ?
Chapter 10-My new found friend
Chapter 11-Nicolai and Kevin
Chapter 12- Our Night
Chapter 13- She's a bitch!
Chapter 14- 2 months.
Chapter 15-He's Back. Signs. Past
Chapter 16-Possibility
Chapter 17- Me, Him and THEM
Chapter 18- Lost Angel
Chapter 19- Moving On
Chapter 20-Engagement Party?
Chapter 21-New Beginning
Chapter 22-Under the Tree
Chapter 23- Monthsary
Chapter 24- Truth
Chapter 24.5
Chapter 25- He's not my brother.
Chapter 26- Breathless :">
Chapter 27- Addicted
Chapter 28-Andrei VS Martin (part 1)
Chapter 29-I love him, too
Chapter 30- Changes
Chapter 31- It's a YES
Chapter 32- Our Baby and my UNlucky day >.<
Chapter 33- I'm her Fiancé (part 1)
Chapter 34-I'm her Fiancé (Part 2); The Monggy is back!
Chapter 35-Save the date
Chapter 36-Flashback
Chapter 37-The Accident
Chapter 38-Wide Awake
Chapter 39- Wedding Day.
Chapter 40- Fake Fiancé
Chapter 41-Dream and ... hurt again
Chapter 42- The guy who can't be moved
Chapter 43-Love is sweeter the second time around
Chapter 44-The Other Woman-Sheena Raphaela.
Chapter 45-Secret to Tell
Chapter 46-The EX and Secret Lovers
Chapter 47- Leave
Chapter 48-In sickness and in health?
Epilogue- Farewell.
HEP HEP HOORAY!

Chapter 49-On This Day

10.5K 162 39
By chamchamwatty

Andrei's POV

Hindi ako pwedeng magkamali, si Clarence yun. Sa nakikita ko sa kaniya ngayon namumutla siya at parang nanghihina.

Damn. Naalala ko yung sinabi niyang naospital siya! 

Lalapit sana ako ng lumabas din ng hospital si Martin saka lumapit kay Clarence at inakay pasakay ng sasakyan niya. Buti na lang andiyan si Martin.

Tama si Clarence, sa mga panahong ako dapat ang kasama niya si Martin yung andiyan, he never leave Clarence na siyang madalas kong gawin. I even make Clarence feel bad.

And now, gagawin ko na ang bagay na matagal ko ng pinangako sa kaniya and I'll promise her not to leave anymore.

Clarence's POV

"Hey, okay ka lang ba talaga?"-Martin.

"Oo, pahatid na lang ako sa condo" sagot ko.

"Hanggang ngayon namumutla ka pa din eh"-Martin.

Tumingin ako sa kaniya ng masama.

"Ikaw ba naman makakita ng namatay sa harap mo di ka kaya mamutla diyan? Nakakatakot kaya!!" kainis! nakakakaba kaya talaga!

"Yun ba talaga o dahil akala mo di mo na mahahanap yan?" sabi niya sabay tingin sa daliri ko.

Sigh

"Mag drive ka na lang" tumingin ako sa labas ng sasakyan.

Muntik na kasing mawala to kanina habang naghuhugas ako ng kamay, sabi nung doktor bumalik ako para sa resulta ng test sa akin and thank God kasi hindi na bumalik yung sakit ko.

Aortic Stenosis

Sakit ko nung bata ako, that's the abnormal narrowing of aortic valve and buti na lang nadaan sa monitoring hanggang sa nawala na ng tuluyan ^_^. Pagdating sa condo ko agad na akong pumasok, si Martin umalis na kasi may gagawin pa daw siya.

Pansin ko lang, parang nagiging busy na siya. Wala na siyang time sa akin, joke! Hehe, tsaka pansin ko din lagi na niyang hawak phone niya at parang may laging katext. Hmmm. Si Martin kakaiba :">

Buong araw akong nagpahinga at nagising ako dahil sa isang tawag .. 

O.O

Si .. Si Andrei?!

Shet! Sasagutin ko ba? Teka! Kinakabahan ako! Teenager lang?! Kasi naman .. waaaaaaaah!!

"Hello?" shems! 

[Hey.] OUCH! HEY DAW!!! 

"Oh? Napatawag ka?" biglang bumaba yung energy ko. Siyempre kahit ganun ginawa niya sa akin, mahal na mahal ko pa din siya. 

[Nakita kita kanina sa hospital, are you okay? May sakit ka ba? Uminom ka na ba ng gamot? Sino kasama mo diyan sa condo mo?]

"Ha? Paano mo nalamang nasa condo na ako at wala na ako sa bahay?" sa dinami dami ng tanong niya YUNG ANG PINAKAKINAGULAT KO.

Ang tagal niyang sumagot. Hahaha. Pwedeng kiligin? :">

[Marga told me na wala ka na sa bahay, so what? may kasama ka diyan?]-Andrei.

"Wala. Bakit?"

[Okay] the he ended the call. What the? Okay, Oo nga pala wala na siyang pakielam sa akin. Bahala ka nga Andrei, makapagluto na nga lang ng hapunan. Hay, puro scrambled egg and tuna na lang nakakain ko dito, di naman kasi ako marunong magluto, pa order na lang kaya ako, gusto ko ng pizza *O*

Habang hinihintay yung delivery nanuod muna ako, wala ng ibang magawa nakakatamad. 

Ding Dong

Anjan na! Yes makakakain na din!! Pagkabukas ko ng pintuan ..

"Delivery Ma'am" 

"Tha-Thank you" nanginginig kong kinuha yung box ng pizza! Nakakaloka!!

"So eto lang kakainin mo?" tanong niya sabay punta sa kusina ko. 

"Eh" shems! di ako makapagsalita,

Si Andrei, siya ang delivery boy, ang pinakagwapong delivery boy. Kyaah!! Paano niya nalaman kung saan yung condo ko?

"Isara mo na yang pintuan, baka may makapasok pa" utos niya. Kaloka? makakapasok?! Baliw talaga neto.

"Paano mo nalamang-" pagpasok ko sa kusina busy siya sa paghihiwa, pagtingin ko sa kalan may nakasalang na. So magluluto talaga siya? Dun ko lang napansin na may groceries siyang dala.

"Go to your room. Tatawagin na lang kita pag kakain na" seryoso niyang sabi. Hmp! Bossy naman neto.

Paalis na sana ako ng magsalita ulit siya.

"Leave that pizza here. You can't eat that" kainis! eh gusto ko ngang kumain neto eh. Padabog kong nilapag yung box sa lamesa, ni hindi man lang siya lumingon eh. Hmp! Nakakainis, so nagpunta lang siya dito para magluto? Nice, sana pala hindi na lang siya pumunta eh. Yung kilig ko kanina nawala na. AS IN WALA! ZERO! BLANKO! Napalitan ng kabadtripan. Hmp ka Andrei, 

Kinuha ko yung cellphone ko saka tinext si Nics na andito si ANDREI, kilig nga siya eh. Batukan ko kaya? Di niya ata naintindihan yung COLD sa text ko. Synonym ng cold ay ANDREI. 

Knock Knock

Tapos na siyang magluto! Ako naman itong si bukas ng pintuan-

O______________O

A-ang dilim!! Shems wala akong makita! Inextend ko sa harap yung kamay ko para makapa kung may matatamaan ba ako hanggang sa may humila sa akin pababa .. 

At may naramdaman akong yumakap sa akin ng mahigpit at halikan ako sa noo.

At di ko maiwasang maluha.

"Ganito din yun nung first kiss natin. Natatandaan mo pa ba? Most unforgettable moment in my life. Dun ko napatunayan sa sarili ko na sobrang mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka pa. Silly but true. And now, hindi ko na hahayaang mangyari yun, sorry sa lahat kung hindi mo ko maintindihan, di dapat ganito gagawin ko eh kaso di kita matiis, nakakainis. Sa loob ng 2 linggo natiis kong hindi kita makita and halos mamatay na ako. Sorry talaga Mahal" 

"Huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu. Ang sakit"-ako.

"Sht. What happened Mahal? Aish teka nga" bumangon kaming dalawa saka niya binuksan yung ilaw. Nagmamadali niyang inispeksyon yung katawan ko saka tumingin sa mga mata ko.

"What?! Why are you crying? Sorry nasaktan na naman kita" saka niya ako niyakap.

"Ang sakit .. ang sakit ng mga nangyari sa atin pero eto .. ikaw at ako pa din. Nakakinis ka! Bakit kasi napaka moody mo, babae ka ba at may PMS ka? Kaya ako lumipat dito kasi puro ala-ala mo yung andun sa bahay, ang sakit kaya. Everyday torture. Ikaw nakatiis ako hindi. Thank you Mahal, super. And now, tinawag mo na akong Mahal" niyakap ko siya ng mahigpit.

Yung feeling na, ayos na kami? Eto yun eh. Ang sarap sa pakiramdam. Though masakit yung mga pinakita at sinabi niya sa akin, pag mahal mo ang isang tao mawawala yun and yun yung nangyari sa akin. I'm very thankful to have him

Sabay kaming kumain at natulog. Hanggang sa mga sumunod na araw lagi na kaming magkasama. Nagulat ako nung sinabi niyang AYOS NA ANG LAHAT SA KASAL NAMIN, ako na lang daw! As if naman na tatakasan ko siya noh! Baka nga siya yun eh. JOKE! ^_^v

And sobrang bilis ng mga araw dahil araw na ng kasal namin.

Kinakabahan ako! Nakakainis, tama nga si Mahal ayos na ang lahat at ako na lang ang kulang.

"Congrats Rence. OMG" di na natuloy ni Nics yung sinabi niya kasi naiyak na siya.

"Nics naman eh, wag ka nga" ako din! kasi naman tong si Nics eh. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

"This is it, totoo na talaga to. Wala ng atrasan, I'm so happy for you."-Nics.

"Salamat Nics, wala na talagang atrasan to"-ako.

Nasa ganoong posisyon kami ni Nics ng may pumasok sa kwarto ko.

"Clarence" si Daddy Felix.

Humiwalay sa yakap si Nics saka ako lumapit kay Daddy. 

Kung dati galit ako sa kaniya, ngayon hindi na. Oo kinuha niya ako sa mga magulang ko pero hindi naman niya ako pinabayaan eh, he treated me as his Princess. Niyakap ko siya.

"I'm sorry" yan ang bungad niya sa akin.

"Daddy naman eh"-ako.

"I'm sorry sa lahat ha? And congratulations. I know magiging happy kayong dalawa. Andito lang ako para sa inyo."-Daddy Felix.

"Opo, salamat po Daddy"-ako.

"Ep ep!! enough! Mawawala ang make up ni Bride!" sabi nung nag make up sa akin. Nauna na silang umalis kasi daw baka nahimatay na si Andrei sa church.

Nyek! di kaya, eto oh tumatawag pa nga eh.

"Oh hello?"

[Mahal, asan ka na? Bakit ang tagal mo?] yung boses niya halata mong kinakabahan siya!

"Easy ka lang, wag kang mag-alala darating ako diyan okay? Sige na aalis na ako"

[Okay okay, text mo ko pag andito ka na] KALOKA! hahahaha!! sa sobrang kaba kala mo sa SM lang kami magkikita eh.

"Baliw mo. Hahaha! Sige na kasi"-ako.

[Darating ka ha. Promise yan. I love you]

"Yep. I love you too" sumakay na ako sa bridal car. Teka, kinakabahan talaga ako eh. Ganito pala feeling ng ikakasal, di mo maintindihan nararamdaman mo. 

Hanggang sa makarating na kami sa church, ang daming tao! Ano ba yan lalo akong kinakabahan. Nasa tapat na ako ng pintuan ng church pero nakasara yun. 

"Kaya mo to Clarence" jusme! sana lang talaga wag akong madapa..

Hanggang sa bumukas na yung pintuan, hala! mas marami palang tao kesa sa inaasahan ko. Nag-umpisa na akong maglakad,.

Mabagal lang, para maramdaman ko yung moment. Si Andrei nakatingin lang sa akin tapos nagulat ako ng magpunas siya ng luha niya. Mahal naman naiiyak din ako :')

Yung tugtog ang sarap pakinggan. Tama, sa araw na 'to ang umpisa ng pagsasama namin na may kasiguraduhang hindi na kami maghihiwalay. Siya, ang lalaking mahal ko ang makakasama ko habang buhay. 

Ang lalaking kumumpleto sa magulo kong buhay.

Ang lalaking minahal ako ng higit sa kanino man.

Ang lalaking handang tumanda kasama ako.


Walang iba kung hindi si Andrei 

"Mahal" tanging nasabi ko. Umiiyak na din ako ng sobra,

"Mahal" he held my hand saka hinarap sa magkakasal sa amin, nangangatog ako. Ni hindi ko na nga maintindihan yung sinasabi nung nagkakasal sa amin basta ang alam ko, masaya ako. Hanggang sa magsasalita na kami ng vows sa isa't-isa.

"Mahal. I love you, sobrang mahal na mahal kita at alam kong alam mo yan. Kahit ilang beses tayong pinaghiwalay andito pa din tayong dalawa, tayo pa din hanggang sa huli. Salamat sa lahat, sa pang-unawa, oras at pagmamahal mo." pinunasan niya yung luha niya "Umiiyak ako kasi ... kasi akin ka na at hindi ka na mawawala sa akin. Kahit nasaktan kita hindi mo ko iniwan. I'm very blessed to have you in my life. So wear this ring as a sign of my love and faithfulness to you" sinuot na niya yung singsing sa akin.

"Kuya" biglang nagtawanan yung mga tao sa paligid. "Dati yan ang tawag ko sayo. We thought that this love we have is forbidden but mukhang pagsubok lang yun sa ating dalawa. I know kung gaano tayo nahirapan sa mga panahong yun. I love you so much para bitiwan ko basta alam mo yan. Kahit masakit na nanghawak pa din ako sayo, sa mga pangako mo. Mahal, pinapangako ko sayo na sa araw na ito kasama mo na ako lagi at hinding hindi mababawasan ang pagmamahal ko sayo. I love you" saka ko sinuot yung singsing sa kaniya.

"I now pronounce you husband and wife"

"KISS!!" di naman sila excited diba? hahaha! Tinaas na ni Mahal yung belo ko.

"I love you Mahal"-Andrei.

"I love you more" and there I felt his lips touches mine.

This will not be the ending, this is just the start of new phase in our life. May God guide us to be strong. Marami pang problema ang darating sa amin pero nakakasiguro ako na malalagpasan namin yun basta't magkasama kaming dalawa.

***********************************************************************************

Guyth. May epilogue pa :')

Continue Reading