Relationship Status: It's For...

By chamchamwatty

1.1M 12.8K 3.5K

I just changed the title to avoid confusion with other stories having the same title. This is "I LOVE YOU, KU... More

I love you, Kuya?
Chapter 1- My Kuya
Chapter 2- Monggy's Revenge >.<
Chapter 3- He really did?? >///<
Chapter 4- Chenelyn Eklavu+Keme=Monggay
Chapter 5- Coffee Crumble
Chapter 6-The Dream
Chapter 7-The Gift
Chapter 8- He is Sick, I'm Jealous!
Chapter 9- First LQ?
Chapter 10-My new found friend
Chapter 11-Nicolai and Kevin
Chapter 12- Our Night
Chapter 13- She's a bitch!
Chapter 14- 2 months.
Chapter 15-He's Back. Signs. Past
Chapter 16-Possibility
Chapter 17- Me, Him and THEM
Chapter 18- Lost Angel
Chapter 19- Moving On
Chapter 20-Engagement Party?
Chapter 21-New Beginning
Chapter 22-Under the Tree
Chapter 23- Monthsary
Chapter 24- Truth
Chapter 24.5
Chapter 25- He's not my brother.
Chapter 26- Breathless :">
Chapter 27- Addicted
Chapter 28-Andrei VS Martin (part 1)
Chapter 29-I love him, too
Chapter 30- Changes
Chapter 31- It's a YES
Chapter 32- Our Baby and my UNlucky day >.<
Chapter 33- I'm her Fiancé (part 1)
Chapter 34-I'm her Fiancé (Part 2); The Monggy is back!
Chapter 35-Save the date
Chapter 36-Flashback
Chapter 37-The Accident
Chapter 38-Wide Awake
Chapter 39- Wedding Day.
Chapter 40- Fake Fiancé
Chapter 41-Dream and ... hurt again
Chapter 42- The guy who can't be moved
Chapter 43-Love is sweeter the second time around
Chapter 44-The Other Woman-Sheena Raphaela.
Chapter 45-Secret to Tell
Chapter 46-The EX and Secret Lovers
Chapter 48-In sickness and in health?
Chapter 49-On This Day
Epilogue- Farewell.
HEP HEP HOORAY!

Chapter 47- Leave

9.2K 123 52
By chamchamwatty

Clarence's POV

Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi pala, di ako nakatulog dahil sa sinabi ni Mahal.

Diba pinaghahandaan ko namang sabihin sa kaniya yun? Hindi kasi madali para sa akin, pero anjan na. Nalaman na niya.

Sabi ni Nics, dapat sabihin ko na yung totoo pag nalaman na ni Andrei yung about dun. 

"Kaya mo to Clarence" andito ako sa harap ng pintuan ng kwarto ni Mahal. Siguro tulog pa siya. 

Kakatok na sana ako ng biglang bumukas yung pintuan.

o.O

"Sheena? Saan ka pupunta? Ang aga ha?" bago pa siya sumagot may yabag na akong narinig.

"Honey, nakuha mo na-" napatigil siya sa pagsasalita ng makita ako. Si Andrei, parehas silang bihis na bihis ni Sheena, saan sila pupunta?

"Yes Dad, uhm Mommy you want to come with us?"-Sheena.

"She can't honey. Come" tumingin si Sheena kay Andrei saka sa akin, ang sakit naman nun di pa nga ako nakakasagot hindi na kaagad pwede? 

"Wait!" napatigil sila sa paglalakad.

"Honey, get in the car and wait me there okay?" tumango lang si Sheena saka lumabas ng bahay.

"Sa-saan kayo pupunta?"-ako.

"Ipapasyal ko lang si Sheena" cold na pagkakasabi ni Andrei.

"Sama ako, wala naman akong gagawin tsaka para maalagaan ko din si Sheena"-ako.

"Wala si Marga kaya walang maiiwan dito sa bahay and besides kasama naman namin si Ellaine"-Andrei.

"Ellaine?" tumingin siya sa wrist watch niya saka nagsalita 

"We have to go, baka malate pa kami sa usapan namin." walang hug or kiss sa noo akong natanggap. 

So ganun?? Dahil sa hindi kami okay si Ellaine yung kasama niya ngayon? Great! Just Great. Nagpaka busy ako buong araw, kahit ultimong pagbubunot ng patay na halaman sa garden namin ginawa ko na may magawa lang ako. Kaso nung sadyang wala na akong magawa nagpunta ako kina Nics, bahala siya! Hindi ko ikukulong ang sarili ko dito!


Pagkarating ko kina Nics, sinabi ko sa kaniya yung nangyari sa amin ni Mahal.

"What? Bumalik si Ellaine?"-Nics.

"Yeah, tsaka kung nandun ka lang maiirita ka talaga sa kaniya. And now magkasama sila ni Andrei" pag naaalala ko talaga yun naiirita ako!

"Dapat sinundan mo sila! Baliw mo talaga, nako naman Rence mali ka ng desisyon eh dali puntahan mo sila!"-Nics.

"Ha? Paano ko naman gagawin yun tsaka tignan mo kung anong oras na oh! 8:00 pm na!"-ako.

"Parang di mo naman ako kilala. Wait lang" umalis saglit si Nics at pagbalik niya dala na niya yung phone niya. 

"Tatawagan ko siya" dinial na niya yung number ni Andrei.

"Hello Kuya Andrei? Si Clarence asan?" bungad ni Nics. Ni-loud speaker niya yung call.

[Sa bahay siguro, bakit?]

"Ay di mo siya kasama? Asan ka ngayon? Eh kasi namimiss na siya ni Baby Nikka eh"-Nics.

[Nasa SM ako ngayon eh. Siguro siya na lang tawagan mo] halatang ayaw paistorbo!

"Ay sige kuya, salamat. Enjoy~" sinamaan ko ng tingin si Nics, enjoy daw eh!

"Gumora ka na! Sa SM daw dali!" ayaw naman niya akong ipagtulakan ano? Pumara na ako ng taxi saka nagpunta sa SM. Agad ko silang hinanap pagkapasok ko pero nowhere to be found ang tatlo! 

"Ang cute ng pamilyang yun oh, ang pogi at ganda ng parents kaya namana ng anak"

"Oo nga eh. Nakakatuwa"

Napatingin ako sa dalawang babaeng nag-uusap hanggang sa napatingin na din ako sa tinitignan nila.

Si Andrei, Ellaine at Sheena pala yung tinitignan nila.

Si Ellaine at Sheena tawa ng tawa habang nakatingin kay Andrei na naglalaro ng kung ano. 

Oo nga, parang pamilya nga sila.

Napaisip ako, paano kaya kung hindi naghiwalay si Andrei at Ellaine, siguro may anak na din sila ngayon at masayang masaya sila. 

Kung hindi siguro ako umamin sa kaniya baka sila pa din ni Ellaine ngayon, at kami ni Martin?

"Miss, okay ka lang? Kilala mo ba sila?" nagulat ako ng tanungin ako nung isang babae,

Ngumiti ako sa kaniya.

"Kapatid ko po yung lalaki pero dahil sa akin kaya naghiwalay sila nung girlfriend niya. Sige po" nagmamadali akong lumabas ng mall at pumara ng taxi. Wala akong pakielam kung marinig ni Manong Driver yung iyak ko basta ang alam ko nasasaktan ako ngayon. 

Ng makarating sa bahay, nagpunta ako ng kusina para uminom ng tubig, parang sasabog na kasi yung dibdib ko.

"Bat gising ka pa?"

"Di pa ako inaantok" sagot ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

"Okay, akyat na kami" ng maramdaman kong wala na siya saka ako humarap sa may pintuan ng kusina.

Hindi ko na kaya eh. Dapat ko na siyang makausap!

"Andrei!" hinabol ko siya, nasa may dulong part na siya ng hagdanan.

"Don't shout, natutulog na si Sheena"

"We need to talk, I'll wait for you here" wala siyang sinabing salita at dumiretso na siya sa kwarto niya. Umupo na ako sa sofa at iniisip ko pa din kung paano ko sasabihin sa kaniya.

Kaya mo yan Clarence, basta ang mahalaga masabi mo sa kaniya ang totoo.

Ilang minuto ang lumipas bago bumaba si Andrei.

"Andrei, about dun sa" napatigil ako sa pagsasalita ng makita kong may dala siyang mga bag. "Teka, saan ka pupunta?!"-ako.

"Hotel"-Andrei.

"Ha? Bakit?"-ako.

"You know why Clarence"-Andrei. 

Ouch. Clarence

"Si .. Si Sheena?"- pinipigilan kong wag umiyak.

"Susunduin ko siya bukas ng umaga. I have to go" nakakailang hakbang pa lang siya ng pigilan ko.

"By the way, ang ganda niyong tignan nila Ellaine kanina, happy family?" masokista ka talaga Clarence! 

"May sumagi nga sa isip ko kanina eh ... 

"What if hindi kami naghiwalay ni Ellaine, masasaktan kaya ako katulad ngayon?" 

**********

Sorry lame update! Maya ko tuloy. Hehehe! 

"

Continue Reading