When Suplado Boy Meets Palaba...

By iamhopelessromantic

688K 12.3K 1K

Si James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan... More

Prologue
Chapter 1 - The New Comer
Chapter 2 - Diana Sophia Eliza Torres Alcantara
Chapter 3 - Suplado plus Palaban Equals ?
Chapter 4 - Apologize to him? NOOOOO WAY
Chapter 5 - I Have No Choice
The Great James
Chapter 6 - She's Not Gone
Chapter 7 - The Confrontation
Chapter 8 - Lost and Found
Chapter 9 - The Set-up
Chapter 10 - The Accident
Chapter 11 - Nathaniel (Part I)
Chapter 11 - Nathaniel (Part II)
Chapter 11 - Nathaniel (Part III)
Chapter 12 - Puno
Chapter 13 - The Suplado Returns
Chapter 14 - The Hard Reality
Chapter 15 - I'm Stupid
Chapter 16 - Their First Night Together
Chapter 17 - Angel
Chapter 18 - It's Confirm
Chapter 19 - Rooftop
Resolving the Issues
Chapter 20 - Drama Club
Chapter 21 - Relax
Chapter 22 - Nananadya
Chapter 23 - For the First Time
Chapter 24 - Boyfriend
Chapter 25 - His Female Version
The Reason Why
Chapter 26 - Lunchbox
Chapter 27 - Clinic
Chapter 28 - His Personal Nurse
Chapter 29 - Slave and Not Nurse
Chapter 30 - What's Wrong With Her
Chapter 31 - Palaban Girl is Back
Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass
Chapter 33 - She's Mad at Me
Chapter 34 - Cold
Chapter 35 - Secret Admirer DAW
Chapter 36 - Enchanted Kingdom
Chapter 37 - Napakatanga
Chapter 38 - You're my Business
Chapter 39 - Whether You Like it or You'll Like it
Chapter 40 - Tangs
Chapter 41 - Sumpong
Chapter 42 - Heartbeat
Chapter 43 - Yakap
Chapter 44 - To See You
Chapter 45 - Nalaglag
Chapter 46 - Cheer
Chapter 47 - Picture
Chapter 48 - Curious
Chapter 49 - Tears
Chapter 50 - Mall
Bastard
Chapter 51 - Future Sister In Law
Chapter 53 - Goodbye
Chapter 54 - Hurt
Chapter 55 - What
Chapter 56 - Who's Jealous
Chapter 57 - Saleslady
Chapter 58 - Baliw Talaga
Chapter 59 - Walang Takas
Chapter 60 - Smile
Chapter 61 - Placard
Chapter 62 - Date
Chapter 63 - Picnic
Chapter 64 - Trust
Chapter 65 - Jason
Chapter 66 - Honesty May Not Be The Best Policy
Chapter 67 - Cake
Chapter 68 - Stalk
Chapter 69 - Locker Room
Chapter 70 - Guardian Angel
Chapter 71 - Ask
Chapter 72 - Sealed With a Kiss
Chapter 73 - Time Zone
Chapter 74 - Booth
Chapter 75 - King and Queen
Chapter 76 - Candles and Lies

Chapter 52 - Dinner

7.8K 172 26
By iamhopelessromantic

Dedicated to sa’yo omono27. Hindi kasi talaga ako makaget-over doon sa sinabi mo na maglandian muna. Anyway hindi ko inaasahan na mamemeet agad iyong quota ko. Akala ko aabutin pa nang isang linggo. Well hindi pa rin naman talaga siya totally namemeet. Pero dahil may sobrang makulit diyan ay hindi na rin ako nakatiis. Nag update na rin ako .

Anyways  ang quota ngayon is 400 reads, 40 votes and 30 comments. Still not counted iyong dalawang beses na nagcomment. Same things goes with my reply. Pasensiya na at ang dami kong arte.

 

iamhopelessromantic

 

 

 

Nagsimula na akong maglakad palabas ng room namin. Ako lang mag-isa. Dapat may gagawin kami sa club namin kaya lang nag-excuse ako. Sinabi ko kay Annika na may importante akong gagawin kahit wala naman talaga. Nakokonsensiya nga ako. Mukha kasing nag-alala siya.

Pero anong magagawa ko. Baka puntahan ako ng ungas doon. As much as possible ayoko siyang makita. Tsaka ang daming tao dun, baka magka-issue pa ng wala sa oras.

Habang naglalakad ako ay pakiramdam ko may sumusunod sa'kin. Tumigil ako at nilingon ang likuran ko. Walang ibang tao. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Kaya lang hindi talaga ako mapalagay. Wala naman akong naririnig pero ramdam ko na may nakasunod sa akin. Instinct kung baga.

Nagsisimula na akong matakot. Wala kasi akong makitang ibang tao sa paligid. Asan na ba ang ibang students? Oras nang uwian dapat maraming tao pero bakit wala yata silang lahat.

Binilisan ko ang lakad ko. Tapos bigla akong tumigil sabay tingin sa likod.

"Huli ka!"

 

Inikot ko ang paningin ko. Kung may makakakita sa'kin iisipin talaga nila na nababaliw na ako. Wala talagang tao sa likod ko. Napabuntunghininga na lang ako. Kahit kelan ang praning ko talaga. Epekto na siguro to ng pag-iwas-iwas ko doon sa ungas na yun.

Itinuloy ko na lang ulit ang paglalakad ko. Nang makailang hakbang na ako ay hindi ko mapigilang mapakunot ang noo ko. Kung kanina ay nararamdaman ko lang na may sumusunod sa akin, ngayon naman ay nakakarinig na talaga ako ng mga yabag.

Parang nanindig ang mga balahibo ko. Palakas kasi ng palakas ang mga yabag. Ibig sabihin palapit na nang palapit ang sumusunod sa akin. Hindi ako tumigil sa paglalakad. Natatakot ako na baka abutan ako kapag ginawa ko yun.

Hindi rin ako lumingon. Gusto ko isipin ng sumusunod sa akin na hindi ko siya napapansin. Bumilang ako hanggang tatlo. Tapos.

Takkboooooooooooooooooooooooo...

 

 

"Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh."

 

Panay ang sigaw ko habang tumatakbo. Tapos nararamdaman ko na lang na may biglang humawak sa magkabilang braso ko. Higit sa lahat hindi ko na maiapak ang paa ko sa lupa.

"Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh. Tulong!!!!!"

Dalawang matatangkad na lalaki na naka-amerikano ang nakahawak sa magkabilang braso ko. Kahit anong pagpupumidlas ang gawin ko ay balewala lang sa kanila. At dinadala nila ako sa kung saan. Sa fire exit yata. Hindi ako sigurado.

Pagtingin ko sa likod ko may dalawa pang naka-amerikanong lalaki. Nang makalabas na kami ng building ay may dalawang itim na kotse ang mabilis na huminto sa harap namin. Pumasok iyong dalawang mama doon sa isang kotse. Tapos kami naman nang dalawang mama na nakahawak sa akin ay sa isa.

"Mama. Kinikidnap niyo ba ako? Wala akong pera pang ransom kaya pakawalan niyo na ako."

 

Walang sumasagot sa kanila. Nakatingin lang sila ng diretso sa harapan. Hindi naman sila mga pangit, hindi mo nga sila mapagkakamalang kidnaper eh. Sobrang seryuso lang talaga ng pagmumukha nila kaya natatakot ako.

"Miyembro ba kayo ng sindikato na nagbebenta ng mga babae sa ibang bansa? Naku mama maawa po kayo sa'kin. Bata pa po ako. Marami pa po akong magagawa para baguhin ang ating masaklap na mundo."

 

No reaction pa rin. Kahit blink nang mata wala. Daig pa nila ang mga robot. Baka nga robot tong mga to? Pagnagkataon lagot ako. Walang puso ang mga robot na pwedeng maawa. Hay ewan.

"Wait baka ibang sindikato kayo. Kayo ba yung nagbebenta ng organs? Naku po mga seryusong mama. Huwag niyo naman pong kukunin ang mga organs ko. Hindi ko pa po sila napapakinabangan ng husto. Pwede saka na lang po kapag 60 years old na lang ako. Sige na po maawa na po kayo sa'kin."

 

Hindi ko alam kung anu-ano pa ang mga pinagsasasabi ko para lang maawa sila sa'kin at pakawalan nila ako. Kaya lang wala pa ring reaction mula sa kanila. Parang napapaos na nga ako sa kasasalita at kasisigaw pero wala pa rin.

Hanggang sa tumigil na iyong kotse. Sapilitan nila akong pinalabas.

"Mga mama. Maawa na po kayo sa'kin. Pakiusap huwag niyo kong ibebenta. Pakawa-------"

 

Napatigil ako sa pagsasalita. Na shocked ako ng makita kung nasaan ako. Napakunot ang noo ko na tiningnan iyong mga dumukot sa'kin.

"You're here already! Good job boys."

 

Parang hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat. Mukhang hindi naman ako nakidnap. Dahil dinala ako ng mga mama sa bahay ni Nathaniel.

"Ikaw?"

 

"Yes my dear. It's me." Proud pa niyang sabi habang papalapit sa akin. Tapos ay bineso-beso niya ako.

""Come in."

 

Hinila na niya ako papasok ng bahay. Nagpatianod naman ako. Hindi pa rin ako nakakabawi sa pagka shocked ko. Pinaupo na niya ako.

"Hindi pa nga pala ako nagpapakilala sa'yo ng maayos. I'm Cheska dela Vega. I am James' sister." sabi niya pagkatapos niyang maupo sa katapat kung upuan.

 

 

"Ano nga pala ang kailangan mo sa'kin? Bakit mo ko pinadukot?"

 

"Pinadukot? Hindi naman kita pinadukot. I just ask some of my bodyguards to take you here, no matter the consequences."

 

Hindi ako agad nakasagot. Grabe. Nakakatakot naman itong babaeng ito. Ibang klase talaga. Ngayon alam ko na kung bakit ganun si Nathaniel. May pinagmanahan naman pala. Pareho sila ng kapatid niya. Sira-ulo.

"Pero pareho lang naman yun."

 

Mukhang na shocked siya sa sinabi ko. Tapos bigla-bigla na lang siyang tumawa. Tawa siya ng tawa na parang isang super havey na joke iyong sinabi ko.

"Would you mind telling me kung saan nanggaling iyang guts mo?"

 

"Ha?" Anong guts ang pinagsasabi niya?

Imbes na sagutin ako ay tinawanan lang niya ulit ako.

"Just forget it. Anyways."

 

May sinenyas ito. Tapos nagsilapitan na iyong mga mamang dumukot sa'kin kanina na may dala-dalang shopping bags. Mga branded ang mga yun. Nagulat na lang ako ng bigla na lang nila iyong iniabot sa akin.

"Ano to?"

 

"Clothes. Shoes. And a few bags. Hindi mo ba alam kung ano yan?"

 

Napasimangot ako. Pareho nga sila ng ungas. Sobrang pilosopo. And speaking of the devil. Tumingin-tingin ako sa paligid. Andito kaya siya sa bahay nila? Sana naman hindi pa siya umuuwi.

"Siyempre alam ko kung ano yan. Hindi naman ako tanga. Ang ibig kong sabihin ay kung bakit mo ko binibigyan ng mga to."

 

Tumawa na naman siya ulit. Nakakainis ah. Kung may pagkakaiba man sila ni Nathaniel ito na yun. Kung si Nathaniel palaging nakasimangot ito namang ate niya panay ang tawa.

"That's my apology."

 

"Apology? Para saan?"

 

"Para sa nangyari kanina. Napagkamalan kasi kitang girlfriend ni James."

 

Pakiramdam ko uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Ako girlfriend ng ungas na yun?

"It was all just a misunderstanding." Tama. Misunderstanding lang talaga yun. Bakit parang bigla akong nalungkot? Wala lang to.

"Pwede ka namang mag-sorry na lang. Hindi mo na ako kailangan ipadukot at bigyan ng kung anu-ano."

 

"Hahaha. Okay. I'm sorry. But you still have to accept that. Think of that as a gift. A gift from your 'FUTURE future sister in law'."

 

"FUTURE future sister in law?"

 

"Nevermind that. I was just kidding." sagot niya sabay tawa.Bakit siya lang natatawa sa joke niya?

"Nagpahanda na ako dinner. We have one of the best chef here so you have to stay for dinner okay."

 

"Naku hindi pwede." Kailangan ko nang umalis agad. Baka umuwi na ang ungas. Hindi niya ako pwedeng abutan dito.

"Of course you'll stay for dinner. I insist."

 

"Pero Cheska---"

 

"Wala nang pero, pero. Siyanga pala you can call me ate. Konti lang ang pinapayagan kong tawagin akong ate so consider yourself lucky."

 

Lucky talaga? Tingin ko hindi eh.

"Okay. Ate."

 

 

Waaaaaahhhhh. Lagot talaga ako nito kapag naabutan niya ako. Bakit naman kasi hindi ako makatanggi sa babaeng to?


"Good evening Sir."

 

Napalingon ako sa likuran ko. Dumating na siya. Nagdire-diretso siya at walang lingun-lingon na umakyat na sa hagdan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi hindi niya ako napansin.

Naman ano nang gagawin ko. Hindi na ako pwedeng magtago.

"Manang. Tell James na maghanda na for dinner. Sabihin mo rin sa kanya na may bisita tayo."

 

"Yes Miss Cheska."

 

Ito na talaga to. Kaya ko to.

Bago pa man makaakyat iyong katulong na inutusan ni Cheska, este Ate Cheska, ay pababa na naman ng hagdan si Nathaniel. Nakabihis na siya. Dire-diretso lang din siya palabas. Mukhang nagmamadali siya.

"James where are you going?"

 

Tumigil siya sa paglalakad pero hindi pa rin niya kami nililingon. Huwag ka na lang lumingon. Umalis ka na lang agad.

"Kauuwi mo lang tapos ngayon aalis ka na naman?"

 

"I have something important to do."

 

Ayan nga. Umalis ka na. Kung ano man iyong importanteng bagay na gagawin mo gawin mo na. Huwag kang papipigil dito sa ate mo.

"Okay. I'll let you leave."

 

Shocked na napatitig ako kay Ate Cheska. Talagang papaalisin niya ito? Bakit ayaw mo? Di ba iyon nga ang gusto mo?

"But first. Pwede bang batiin mo muna kahit sandali ang bisita ko."

 

Marahas siyang napabuntunghininga. Mukhang ayaw niya gawin ang sinasabi ng ate niya. Dapat huwag na lang talaga niya gawin. Umalis na lang siya.

Nang lilingon na siya ay tumalikod naman ako sa kanya kaya hindi ko na nakita ang reaction niya. Naramdaman ko na lang ang paglapit niya.

Pwede mahimatay? Sana alam ko kung paano mahimatay. Iyon talaga ang gagawin ko.

"What are you doing here?"

 

Hindi ko siya nilingon. As if hindi ko siya nakikita at naririnig. Deadma lang.

"I invited Diana over for dinner." Invited ka diyan. Kinidnap mo ko. Kinidnap.

Hindi ko siya narinig sumagot. Basta nararamdaman ko lang na nakatitig siya sa'kin. Sabihin niyo nang nagfeefeeling ako basta alam ko nakatitig siya sa'kin. At iyong titig niya tumatagos yata sa kaluluwa ko.

Bakit parang nanginginig ako?

Natatakot ba ako?

Natatakot nga siguro ako. Iyon lang naman ang pwedeng maging dahilan para manginig ako.

"James, bakit nakatayo ka lang diyan? Aren't you supposed to say hi to Diana?"

 

Napatitig na lang ako kay Ate Cheska na sobrang lapad nang ngiti. Ang saya-saya niya. Ni hindi niya napapansin na naiilang na ako dito. Parang gusto ko na ngang kumaripas ng takbo. Nananadya yata siya eh.

"Miss Cheska ready na daw po ang dinner."

 

"Okay. Diana let's go." sabi niya sabay tayo.

 

Tumayo na  rin ako sa kinauupuan ko. Hindi ko pa rin talaga siya nililingon. Nakatayo lang ako na parang estatwa naghihintay na maunang maglakad si Ate Cheska papunta sa dining.

"You can now leave James. Gawin mo na iyong plano mo."

 

Tumalikod na si Ate Cheska at nagsimulang maglakad. Hahakbang na rin sana ako ng biglang na lang hawakan ni Nathaniel ang kamay ko at hinila ako palabas. Eto na naman kami sa hilahan portion na to. Hindi ba talaga to mauubos? Bakit kasi ang hilig niyang manghila? Hindi ba pwedeng tanungin niya muna ako kung sasama ako o hindi?

Nagpumidlas ako pero hindi lang niya ako pinansin. Tumingin ako kay Ate Cheska nanghihingi nang saklolo. I was hoping na pipigilan niya ang kapatid niya. Kaya lang lalo pa yatang lumapad ang ngiti niya kumpara kanina. Parang hindi man lang siya nagulat sa ginawa ni Nathaniel.

"Take good care of Diana James. Kapag nagalusan yan kahit konti patay ka sa'kin. And make sure to take her home."

 

Dapat ba akong matuwa at binantaan niya ang kapatid niya?

Gusto ko na talagang magsisigaw para bitawan ako ng ungas na to. Pero ayoko pa rin. Ano ako baliw lang. Sigaw nang sigaw. Tsaka ano namang isisigaw ko? Saklolo? Tulong? Ano kinikidnap lang?

May maniniwala naman kaya na kinikidnap ako nitong ungas na to?

Alam kong wala kaya sayang lang din ang effort. Magmumukha lang akong tanga.

Binuksan na niya ang passenger seat. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Get in the car. Or baka gusto mo pang makita ng ate kung papaano kita sapilitang ipapasok sa kotse?"

 

Sinamaan ko lalo ang tingin ko. Iyong tipong maglalabas ng bala ang tingin ko na papatay sa kanya. Pero wala. Nakabullet proof vest yata ang isang to at buhay pa rin hanggang ngayon. Nang marealize ko na hindi ko talaga siya mapapatay gamit ang tingin ay wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumakay sa kotse niya.

Nang makaupo na siya sa driver's seat ay hindi ko na siya tiningnan. Piandar na niya ang kotse at ako naman nakatingin lang sa labas.

Tahimik lang kaming dalawa. Hindi niya ako kinakausap. Mabuti nga iyon dahil wala rin akong balak kausapin siya. Wala naman siyang kwentang kausap eh. Kaya di bale nang mapanis ang laway ko.

Hindi ko alam kung saan kami papunta pero napapansin ko na puro kahoy na ang nadadaanan namin. Mukhang papunta kami sa probinsya. Nagtataka man ay hindi ko siya tinanong. Ayoko nga siyang kausapin di ba? Kaya kahit kinakabahan na ako ay nanahimik na lang ako.

Pagkatapos siguro ng isang millenium ay bigla na lang niyang inihinto ang kotse. Nagulat man ako ay hindi pa rin ako kumibo. Lalo namang hindi ako tumingin sa kanya.

Ayoko ko siyang makita. Naiinis ako sa kanya.

Bakit ba kasi mas pinapahirap niya ang sitwasyon?

 

Pwede namang hayaan na lang niya ako di ba?

 

Hirap na hirap na nga akong iwasan siya tapos ganito pa ang ginagawa niya.

 

Nakakainis talaga.

 

 

 

"How long do you plan on doing this?"

 

Pinigilan ko ang urge ko na sagutin siya.

Wala kang naririnig Diana.

 

Wala siya sa dito.

 

Hindi mo siya kasama.

 

"Naghintay ako sa labas ng bahay niyo. But you never get out. Aren't you tired of playing hide and seek with me?"

 

Tired? Retired pa kung gusto mo. Hindi naman ako maghihide kung hindi ka seek ng seek sa'kin.

"I'm sorry okay."

 

Napalingon ako bigla sa kanya. Nang marealize ko ang ginawa ko ay binawi ko agad ang tingin ko sa kanya at humarap sa bintana.

Shit. Bakit ka lumingon?

 

Kasi naman eh. Nagsosorry siya. He isn't the type of person na basta-basta na lang nagsosorry. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya para magsorry. Pero ngayon ginawa niya. Nangongonsensiya yata siya eh.

 

God. Anong gagawin ko? Parang hindi ko na yata siya matitiis.

 

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinubukan kong buksan ang pinto ng kotse. At dahil hindi iyon nakalock ay bumaba ako agad at mabilis na naglakad palayo. Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto niya kaya alam kong sinundan niya ako. At dahil sobrang bilis kong maglakad, singbilis ng pagong, ay naabutan niya ako at humarang siya sa daanan ko.

"Where the hell are you going?"

 

"I told you to stay away from me. Bakit ba ang kulit mo?"

 

Nilagpasan ko siya at nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.

 

"Do you even have any idea kung saan ka pupunta ha?"

 

Napatigil ako. Napaisip ako sa sinabi niya. Puro puno lang ang nakikita ko sa paligid. Walang kahit isang bahay. Pero itinuloy ko pa rin ulit ang paglalakad.

Wala nga akong idea kung nasaan kami. Pero mas gugustuhin ko pang maligaw kaysa sa makasama siya. Baka kasi makagawa lang ako ng bagay na pagsisihan ko sa huli. Ngayon pa nga lang kasama ko siya ay nagsisisi na ako.

Nahabol na naman ulit niya ako. This time hinawakan na talaga niya ang braso ko nang mahigpit. Sa sobrang higpit ay hindi ko napigilang mapangiwi.

"Do you really hate being with me that much?"

 

"Oo. Ayoko kahit makita ka lang or marinig ang boses mo. Ngayon titigilan mo na ba ako?"

 

Hindi siya sumagot. Basta dahan-dahan lang niyang binitiwan ang kamay ko. Parang gusto kong bawiin iyong sinabi ko ngayong nakita ko na nasaktan siya. Napasobra ba ako?

"I'm sorry. I didn't mean it that way. Naiinis lang talaga ako sa mga pinaggagawa mo. It would be much better if we returned things to the way they are."

 

"What do you mean?"

 

"Simple lang. We'll return to the time kung kelan hindi pa tayo nagkakakilala."

 

"Just like strangers?"

 

Tumango ako.

Hindi na siya sumagot. So I guess it's a yes. Silence means yes. Pero bakit parang hindi ako kumbinsido?

Tumalikod na ako sa kanya. Hindi ko na kailangang magpaalam. We're strangers to each other after all. Nagsimula na akong maglakad palayo. Parang ang bigat ng mga paa ko.

"Tell me. Are you kidding me?"

 

Nakakunot ang noo na nilingon ko siya.

"Of course not."

 

"Well you must be. You can't be serious sa sinabi mo."

 

"But I am." Mukha pa ba akong nagbibiro. Eh di ba iyon na nga ang ginagawa ko.

"Are you out of your mind?"

 

"Ano?"

 

"How could you ask me to act like I don't know you? Does that even make sense."

 

"Of course it make sense. Ano bang mahirap sa sinabi ko? Wala naman di ba? At lalo namang walang mawawala sa'yo. Hindi naman tayo magkaibigan para maging big deal to sa'yo."

 

"And who said I wanted to be your friend?"

 

"Oo na hindi na. Bakit maysinabi ba akong gusto mo kong maging kaibigan? Wala naman di ba? Kaya ano pa bang ipinuputok nang butse mo?"

 

"You're asking me to ignore you? How am I supposed to do that kung ikaw na lang palagi ang iniisip ko? When in every corner of the room andiyan ka."

 

Anong sinasabi niya?

"Tingin ko nga nababaliw na nga ako eh. At lalo akong nababaliw kasi sobrang tanga mo. Ang tanga-tanga-tanga-tanga mo talaga."

 

"Oo na tanga na. Hindi mo naman kailangan ulit-ulitin eh. Pakialam mo ba?"

 

"Of course may pakialam ako. Dahil diyan sa sobrang katangahan mo hindi mo napapansin ang nararamdaman ko."

 

 

 

 

 

"You don't know that I like you."

 

Continue Reading

You'll Also Like

1K 171 18
Mga tulang nabuo sa apat na sulok ng kwarto, Mga tulang bunga ng pagkabagot, Mga tulang hinabi ng luha at siphayo, Mga tulang nais gumising sa natutu...
87.1K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
90.7K 2.2K 12
Role player World o alam natin sa RPW ay sikat ngayon sa mundo ng social Media, lalo na sa Facebook. Rpw ay tinatawag nilang pekeng mundo kung saan m...
261K 4.3K 71
MAHAL KITA KATHRYN BERNARDO [COMPLETED!] [BOOK 2]