When Suplado Boy Meets Palaba...

By iamhopelessromantic

687K 12.3K 1K

Si James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan... More

Prologue
Chapter 1 - The New Comer
Chapter 2 - Diana Sophia Eliza Torres Alcantara
Chapter 3 - Suplado plus Palaban Equals ?
Chapter 4 - Apologize to him? NOOOOO WAY
Chapter 5 - I Have No Choice
The Great James
Chapter 6 - She's Not Gone
Chapter 7 - The Confrontation
Chapter 8 - Lost and Found
Chapter 9 - The Set-up
Chapter 10 - The Accident
Chapter 11 - Nathaniel (Part I)
Chapter 11 - Nathaniel (Part II)
Chapter 11 - Nathaniel (Part III)
Chapter 12 - Puno
Chapter 13 - The Suplado Returns
Chapter 14 - The Hard Reality
Chapter 15 - I'm Stupid
Chapter 16 - Their First Night Together
Chapter 17 - Angel
Chapter 18 - It's Confirm
Chapter 19 - Rooftop
Resolving the Issues
Chapter 20 - Drama Club
Chapter 21 - Relax
Chapter 22 - Nananadya
Chapter 23 - For the First Time
Chapter 24 - Boyfriend
Chapter 25 - His Female Version
The Reason Why
Chapter 26 - Lunchbox
Chapter 27 - Clinic
Chapter 28 - His Personal Nurse
Chapter 29 - Slave and Not Nurse
Chapter 30 - What's Wrong With Her
Chapter 31 - Palaban Girl is Back
Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass
Chapter 33 - She's Mad at Me
Chapter 34 - Cold
Chapter 35 - Secret Admirer DAW
Chapter 36 - Enchanted Kingdom
Chapter 37 - Napakatanga
Chapter 38 - You're my Business
Chapter 39 - Whether You Like it or You'll Like it
Chapter 40 - Tangs
Chapter 41 - Sumpong
Chapter 42 - Heartbeat
Chapter 43 - Yakap
Chapter 44 - To See You
Chapter 45 - Nalaglag
Chapter 46 - Cheer
Chapter 47 - Picture
Chapter 48 - Curious
Chapter 49 - Tears
Chapter 50 - Mall
Bastard
Chapter 52 - Dinner
Chapter 53 - Goodbye
Chapter 54 - Hurt
Chapter 55 - What
Chapter 56 - Who's Jealous
Chapter 57 - Saleslady
Chapter 58 - Baliw Talaga
Chapter 59 - Walang Takas
Chapter 60 - Smile
Chapter 61 - Placard
Chapter 62 - Date
Chapter 63 - Picnic
Chapter 64 - Trust
Chapter 65 - Jason
Chapter 66 - Honesty May Not Be The Best Policy
Chapter 67 - Cake
Chapter 68 - Stalk
Chapter 69 - Locker Room
Chapter 70 - Guardian Angel
Chapter 71 - Ask
Chapter 72 - Sealed With a Kiss
Chapter 73 - Time Zone
Chapter 74 - Booth
Chapter 75 - King and Queen
Chapter 76 - Candles and Lies

Chapter 51 - Future Sister In Law

7.5K 155 36
By iamhopelessromantic

Dedicated sa'yo ullado52. Kasi nga ang kulit mo... Next update will be after 200 reads 20 votes and 20 comments , hindi counted iyong dalawang beses na nagcocomment.... Delaying tactics mga people... Pumalag man kayo wala kayong magagawa... (insert evil laugh here)...

iamhopelessromantic

Bumuntunghininga muna ako bago lumabas ng kotse. Higit isang araw na ang lumilipas pero hindi pa rin mawala sa isip ko iyong nalaman ko tungkol kay Stephen. Sino nga ba ang mag-aakala na makakakilala ako ng katulad ko. Alam ko naman na marami talaga ang mga anak sa labas pero hindi ko pa rin maiwasang magulat ng malaman ko na pareho pala kaming dalawa. Ang masama pa, nalaman ko ang tungkol dun sa isang hindi magandang pagkakataon.

Akala ko madrama na ang buhay ko. Pero wala pa pala to kumpara sa kanya.

"She likes me. But it isn't enough para ipaglaban niya ako. Mas masakit pala yun kaysa sa malamang hindi ka gusto ng taong gusto mo."

 

Nakatatak na sa isip ko ang sinabing iyon ni Stephen. Paulit-ulit pa iyong nagpaplay sa utak ko hanggang ngayon.

Naiintidihan ko naman na walang ibang gusto ang mga magulang kung hindi mapabuti ang mga anak nila. Pero kailangan ba talagang maging batayan ang pagiging anak sa labas ng isang tao para masabing wala itong mabuting maiibigay sa taong mamahalin nito.

"Mukhang ang lalim nang iniisip natin ah?"

Napatigil ako sa pag-iisip at tiningnan ang taong sumabay sa'kin sa paglalakad.

"Mark. Ikaw pala." Nginitian ko siya kahit na medyo nahihiya pa rin ako dahil sa ginawa ni Nathaniel. Pumutok ang labi niya dahil sa suntok ng ungas. Pero mukhang maayos na ito ngayon.

"If you're planning to apologize again. Just forget it. I already had enough of your apologies. Napapagod na akong magsabi nang It's alright, wala ka namang kasalanan. Kaya tama na okay."

 

"Thank you. Hindi yan sorry ah."

 

 Magkasabay kaming nagkatawanan. Kahit papano ay nabawasan ng konti ang bigat na nararamdaman ko.

 

 

"Good morning!" bati ko sa mga kaklase ko pagpasok na pagpasok ko pa lang ng pinto.

"Finally you're here."

 

Napalingon ako sa babaeng nagsalita na papalapit na sa akin. Hindi siya nakauniform kaya malamang hindi siya estudyante ng school. Isa pa mukhang nasa college na siya. Maganda siya at sopistikada. Sosyal pero hindi naman mukhang maarte.

Ng makalapit na siya sa akin ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko tapos hinila ako palabas ng room namin.

"Let's go."

 

Kinuha ko ang kamay ko.

"Sandali lang miss. Kilala ba kita?"

 

"You don't know me?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Bakit sino ba siya at dapat kilala ko siya.

 

"I wouldn't ask if I know." sagot ko.

Bigla na lang siyang natawa. May sayad yata ang babaeng to.

"Silly me. I'm sorry for my rudeness. Anyways I'm Cheska. Did the name ring the bell?"

 

"Ha?" naguguluhang sabi ko.

Anong bell ang sinasabi niya? Dapat ba may bell akong marinig? Hindi ko siya maintindihan eh.

 

"Miss pasensiya ka na pero hindi talaga kita kilala."

 

 

"STAY AWAY FROM HER!!"

 

Sabay kaming napalingon sa sumigaw. Si Nathaniel. Papalapit siya sa amin at nakatingin ng masama sa babae.

Parang bigla naman akong kinabahan. Parang gusto kong tumakbo palayo. Kaya lang bago ko pa mapagdesisyunan kong tatakbo ba ako o hindi ay hinawakan na niya ang kamay ko.

"Let's go." sabi niya sabay hila sa'kin. Kaya lang pinigilan kami nung babae. Hinawakan niya iyong isa ko pang kamay. Balak yata nilang mag tug of war at ako ang gagawin nilang lubid.

"Let her go."

 

"No James. You let her go."

 

Nagpalipat-lipat na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Mukhang magkakilala ang dalawang to. Nagsusukatan lang sila ng tingin. Parang tinatakot nila ang isa't-isa sa pamamagitan ng titig. Pero mukhang walang matitinag.

"Just what the hell do you think you're doing? You'll scare her."

 

"Excuse me? Scare her? Masyado akong maganda para matakot siya. I just wanna check out my future sister in law. Masaba ba yun."

 

Nanlaki ang mga mata ko. Her what?

"Future sister in law? Sino? Ako?"

 

Iyong matatalim niyang tingin ay naglaho na parang bula ng tumingin siya sa akin. Tapos nginitian pa niya ako nang pagkatamis-tamis.

"Yes you're right my dear. I'm your boyfriend's big sister."

 

Lalong kumunot ang noo ko na parang mapupunit na. Kapatid siya ng boyfriend ko? Pero wala naman akong naalalang may boyfriend ako unless nagkaamnesia ako.

"Will you shut up?"

 

"Is that even the right way to talk to your pretty sister James Nathaniel dela Vega?"

 

Napalingon naman ako kay Nathaniel. Parang hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Baka naghahallucinate lang talaga ako. Ang babaeng to ay kapatid daw ng boyfriend ko na hindi ko alam na meron pala ako. Tapos itong ungas na ito ay kapatid ng babaeng ito. Parang hindi ko gusto ang pinupuntahan nang usapang to ah.

"First sinigawan mo na ako kanina. I just let it go dahil andito ang aking future sister in law, tapos ngayon naman pinapatahimik mo ko? Sabihin mo nga sa'kin James. Gusto mo na bang mamatay?"

 

Nanggigil na kinamot niya ang ulo niya.

"Seriously ate. Will you stop talking nonsense."

 

"Nonsense? At ano naman sa sinabi ko ang nonsense aber?"

 

"PWEDE BA TUMAHIMIK NGA MUNA KAYO!!!" Sigaw ko sabay waksi sa mga kamay nila na nakahawak pa rin sa kamay ko. Hindi na talaga ako nakatiis. Naguguluhan na nga ako sa mga sinasabi nila tapos nagsisigawan pa sila sa mukha ko.

Hinarap ko si Nathaniel. Pero biglang bumilis tibok ng puso ko. Pinilit kong alisin ang kaba ko at huminga muna ako ng malalim.

"Would you care to explain to me kung anong nangyayari? Ano tong sinasabi nang kapatid mo na future sister in law ko siya?"

 

"Just forget about it. Nababaliw lang tong kapatid ko."

 

Magsasalita pa sana iyong future sister in law ko daw na kapatid niya pero hinila na niya ito paalis.

 

"Anong sinasabi mong nababaliw na ako James? Tama bang siraan mo ko future sister in law ko."

 

Narinig kong reklamo niya habang papalayo na silang dalawa. Napasapo na lang ako sa ulo ko. Pinapasakit nila lalo ang ulo ko.

 

 

 

James' POV

Padabog kong isinara ang pinto ng recreation room. And then hinarap ko ang magaling kong ate. She is three years older than me at sa States siya nag-aaral. I didn't even know na umuwi pala siya. Ang hilig talaga niya sa sorpresa.

"What do you think you're doing ate?"

 

"What?" Nagmamang-maangan pa. I knew her already.

"Bakit mo nilapitan si Diana?"

 

Nagpunta siya sa sofa at prenteng naupo. Sinundan ko naman siya.

 

"I told you I wanted to take a look with my future sister in law. Annika told me that you already have a girlfriend and that the girl is really amazing. I just wanted to see it for myself."

 

"She is not my girlfriend."

 

Tinaasan niya ako ng kilay. Fine. Don't believe me.

"Almost isang taon tayong hindi nagkita. At nang dumating ako hindi ka pa mahagilap. Tapos ngayon ipinagdadamot mo sa'kin ang girlfriend mo?"

 

"I told you she's not my girlfriend."

 

"Pero hindi yan ang sinasabi ng mga napagtanungan ko."

 

"What?"

 

"The whole school knows that she is your girlfriend. Bakit mo ba itinatanggi?"

"Dahil hindi ko nga siya girlfriend."

 

Hindi na siya nagsalita. Kinuha niya ang cellphone niya sa bag niya at nag dial.

"Hello Annika dear. I'm her at the recreation room. Would you mind coming here for a moment? I just need to ask you something."

 

"Okay. I'll wait for you here."

 

"Why did you ask Annika to come here?" tanong ko agad sa kanya ng ibaba niya cellphone niya.

"I'm sure narinig mo naman ang sinabi ko kay Annika kanina di ba. Don't make me repeat myself."

 

Nanggigigil na talaga ako sa inis. Pero balewala lang yun sa kanya. Ako pa ang sinisindak niya.

 

 

 

"Ate Cheska I'm here. What is it that you need to ask? Uie James, andito ka pala." sabi ni Annika na kadarating lang.

Akmang tatayo na ako para umalis pero pinigilan ako ng ate ko.

"Sit down James. Hindi pa tayo tapos."

 

Marahas akong napabuntunghiniga. Wala naman akong nagawa kung hindi sundin siya. She always get what she wants. Pinaupo na rin niya si Annika sa tabi niya.

"Annika ano tong sinasabi ni James na hindi daw niya girlfriend si Diana?"

 

Nanlaki naman ang mata ni Annika na napatingin sa'kin.

"What? Hindi mo girlfriend si Diana. Pero paano nangyari yun? Nag-away ba kayo? Nakipag break ba siya sa'yo ha?"

 

Napasapo na lang ako sa ulo ko. Masakit na nga ang ulo ko dahil kay Diana dadagdag pa tong dalawang to.

 

"Lumabas ka muna Annika." Narinig kong sabi ng ate ko.

"What now James? Mauupo na lang ba tayo dito?" Tanong niya ng makalabas na si Annika.

 

"Fine. Girlfriend ko na siya. That's what everybody knows except for her."

 

Kumunot ang noo niya.

"What do you mean?"

 

Do i really have to tell her? This is embarrassing.

"Aiiiisssshhhh. Damn it."

 

"James dela Vega."

 

"Okay fine. I told everyone that she's my girlfriend but actually she's not. I just want the people here to stop bothering her. I just wanted to protect her."

 

"So wala naman palang problema."

 

Napayuko na lang ako. I was right. She was thinking that Diana was a problem. She was planning to get rid of her. No one's good enough for her. And now that she knew the truth, she had nothing to worry about.

 

"Ang kailangan lang naman ay maging girlfriend mo siya."

 

Napatingala ako.

"Why are you staring at me like that?"

 

"What did you just say?"

 

"Do I really have to repeat myself dear brother?"

 

"I thought you came here to scare her away."

 

"Well that was the original plan." sabi ko na nga ba eh.

"But when Annika told me everything, well I'd have a sudden change of heart. I actually like her."

 

"You like her?"

 

"Yeah. Is it so hard to believe? Wala ka man lang bang tiwala sa kanya? Wala ka talagang kwenta."

 

"Sa'yo ako walang tiwala ate. You like no one remember. You think you're perfect."

 

"Because I really am. Huwag ka nang pumalag. Anyways like what you said I like no one. Well except for her. Kaya naman huwag mo na siyang pakawalan pa okay. Huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan na magiging dahilan para hindi siya mapunta sa'yo. Whatever happens dapat kayong dalawa ang magkatuluyan. Understand?

 

 

 

"Makinig kang mabuti James dela Vega. Kung hindi lang din si Diana ang mapapangasawa mo then don't even think of getting married."

 

"What?" Paanong sa kasal napunta ang usapan?

"Kung hindi lang din ang babaeng yun ang magdadala ng mga anak mo then forget about having a family. Magpakamatay ka na lang."

"Just what are you talking about?"

 

"You like Diana right?"

 

Hindi ako makasagot. Do I like her?

"God!" bulalas niya sabay tayo.

 

"I think dapat pag-isipan mo nang mabuti kung ano ang talagang nararamdaman mo dear brother."

 

Ano ang talagang nararamdaman ko?

"At kung pwede lang. Make it fast. Baka kasi magising ka na lang isang araw wala na si Diana. She's with someone else. At kapag talaga nangyari ang bagay na yun ay ibibitin kita ng patiwarik.

 

That girl. She's truly amazing. I wouldn't like her if she's not. And on top of that. She's one of a kind. I'm sure you noticed na hindi siya naiintimadate sa'kin. She even yelled at me. Wala ka nang mahahanap na katulad niya James. Pero ikaw, well wala ka rin namang katulad, nag-iisa ka lang kung katigasan ng ulo ang pag-uusapan. I'm saying this because I'm your one and only pretty sister. There are a lot of guys out there who are much better than you. At I'm sure ngayon pa lang ay nakapila na sila, waiting for their chance.

 

Isa lang naman ang lamang mo sa kanilang lahat. Isa kang dela Vega. At ang mga dela Vega hindi na kailangang pumila. Use that to your advantage. Don't wait for your chance, make your own chance. Kung kinakailangan padaanan mo ng tsunami iyong mga nakapila, then so be it."

 

 

"How about dad?" Hindi ko alam kung bakit bigla kong natanong ang bagay na yun. Basta bigla na lang siyang lumabas sa bibig ko.

"What about him?"

 

"Does he know anything?"

 

"Well sa pagkakakilala ko kay dad. If he had known anything then dapat matagal na siyang sumugod dito at kinausap si Diana. But since hindi pa niya ginagawa yun ibig sabihin wala pa siyang alam."

 

Hindi ko alam kung dapat ba akong makampante sa sinabi ng kapatid ko. I know anytime soon malalaman din ng papa ko ang mga nangyayari. And he would surely have his own courses of actions. Actions that he thinks would protect his interests.

"Don't worry James. Ano pang silbi ng maganda mong ate hindi ba? I got your back."

 

"Thanks ate." I really needed someone to support me.

"Besides. You wouldn't like her for no reason. Kung ano man ang nakita mo sa kanya. Ah no, let's clear that. Kung ano man ang nakita nating dalawa sa kanya, I'm sure dad will also see it. And everything will be fine."

 

"I really hope so."

 

"You agreed."

 

"Ha?"

 

"You didn't react when I said you like her. So I guess that's it. Napag-isipan mo na kung anong nararamdaman mo. You do like her."

 

Napangiti na lang ako. Naisahan niya ako dun ah.

 

"Yeah you’re right."

 

 

 

"There's no doubt about it."

 

 

 

"I do like her"

 

 

 

 

 

 

 

"A lot."

 

 

Continue Reading

You'll Also Like

69K 2.9K 80
Ang simpleng babae na si Sofia Vienna Caronia at ang lalaking si Christian Jacob Villarieno ay matinding nagmamahalan, Kahit pa sa katotohanang ang k...
45.3K 967 22
Original copy: Start: 07.12.2018 Ends: 07.18.2018 Edited stories is also available at Psicom App. Thank you!
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...