Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Epilogue

234K 5.3K 873
By asherinakenza



[ RAYOR ]

R- ead
A- t
Y-our
O-wn
R-isk

SDTR: Epilogue

"Ladies and gentleman, I’m please to introduce Mr. and Mrs.Cando!" Iyon na yata ang pinaka magandang salita na narinig ko sa buong buhay ko!

Akala ko noon ay hindi na matutupad ang isang pangarap ko na madala ang pangalan ng lalaking mahal na mahal ko dahil sa pagpaparamdam sa akin noon ng tadhana na hindi tama ang lahat ng nararamdaman namin para sa isa't isa.

Binalot ng masigabong palakpakan ang buong Anilao Beach Club dahil sa mga bisita na inimbita namin ni Ethan. Nandoon ang buong pamilya naming dalawa at ang malalapit naming kaibigan, si Jersi at Vanessa ay halos mangiyak ngiyak pa habang pumapalakpak. At si Ara naman ay nakayakap sa braso ni Marcus at malayang tumutulo din ang luha sa kanyang mga mata.

Best man ni Ethan si Tyler, Marcus at Troy. Habang si Ara, Jenica, Jamille naman ang napili kong bridesmaids. Ring bearer naman namin si Sebastian, flower girl naman namin ang isa sa mga pamangkin ko. Abay rin sa kasal namin sina Jersi at Vanessa.

Inanyayahan ko rin si Jerome, buong akala ko nga ay hindi siya pupunta dahil nasa Malaysia siya. Pero nagulat ako dahil dumating siya kahapon at binati niya kami ni Ethan, nag usap din silang dalawa ng lalaki sa lalaki at kahit anong pangungulit ko kay Ethan ay hindi niya sinabi sa akin iyon.

"Mabuhay ang bagong kasal!" Sigaw ni Sebastian habang tumatalon talon!

"Kiss!" Malakas na panunuya ng aming mga bisita, panay ang halakhak naming dalawa ni Ethan dahil sa sigawan na iyon. Nakapatong ang palad ko sa ibabaw ng dibdib ni Ethan at ang kaliwang braso naman niya ay nakapulupot sa baywang ko.

"Kiss daw." Ngisi niya habang titig na titig sa mga mata ko. Ngumisi ako at ako na mismo ang humalik sa labi niya! Malakas na sigawan ang narinig ko.

Hinawakan ni Ethan ang batok ko upang mas lalong palalimin ang aming paghahalikan na punong puno ng pagmamahal.

Hanggang ngayon ay narito pa rin ang pakiramdam na para bang lumulutang ako sa mga halik niya. Nalalasing ako at nawawala sa katinuan. Humaplos ang palad niya sa likod ko at hindi ko maiwasang magpakawala ng matinding impit na ungol dahil paghalik niya.

"May programme pa ba para sa bagong kasal? Eh mukhang gusto nilang diretso honeymoon na!" Narinig kong halakhak ni Tyler na siyang nagpangisi sa amin ni Ethan sa pagitan ng halikan namin, pinutol niya ang halik at muli niyang pinagtagpo ang mata namin. Kumikinang ang mata niya at para bang sinasabi non kung gaano siya kasaya.

"I am glad that in the end, we are still together. Kasal na rin tayo sa wakas. You are all that I have ever wanted, Claire. Kailanman ay hindi ka na makakawala sa akin." Bulong niya habang titig na titig sa mga mata ko, habang ang puso ko naman ay walang patawad sa pagtalon dahil sa sobrang kasiyahan! Tumulo ang masayang luha sa mga mata ko na siyang pinunasan naman ng kanyang hinlalaki.

"I will always be yours, Ethan at hinding hindi na ako kakawala pa sa pagmamahal mo." Nakangiti habang umiiyak na sabi ko sa kanya, nakita ko ang pagkinang ng kanyang mga mata at ang kasiyahan doon na bumabalot ay tumatagos sa puso ko.

Ikinulong niya ng palad niya ang magkabilang pisngi ko at binigyan niya ako ng matamis na halik sa aking noo kasunod non ang pagkulong niya sa akin sa kanyang mainit na bisig.

Ito na yata ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko bukod sa pagkakakilala ko sa asawa ko na ngayon. Ang makita ang matamis na ngiti mula sa pamilya ko ang isa sa ipinagdiriwang ng puso ko, buong akala ko ay hindi ko sila makakasama sa pinaka importanteng araw ng buhay ko.

Nang matapos ang kasal at ang salo-salo namin ay tumungo na rin kami ni Ethan sa villa naming dalawa dahil nakaramdam na rin kami ng pagod. Katatapos lang naming maligo at nakahiga na kaming dalawa sa malaking kama, yumakap ako sa dibdib niya at ikinulong naman ako ng kaliwang braso niya saka ko naramdaman ang paghalik niya sa ulo ko.

"Sobrang saya ko, Ethan." Bulong ko sa kanya.

"Mas masaya ako, Claire. Dahil alam kong akin na akin ka na." Maligayang pahayag niya, mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "Thank you for loving me, Claire, for accepting me for who I am." Patuloy niya, itinaas ko ang tingin sa kanya upang makita ko ang gwapong mukha niya.

Inabot naman niya ang labi ko ng kanyang labi at ginawaran niya ako ng napakatamis na halik. "Mabuti nalang at nagpapahalik ka na ulit." Ngisi niya habang patuloy na tinitikman ang labi ko, ngumisi ako at hinampas ko ang dibdib niya!

Sa loob kasi ng isang buwan ay hirap na hirap siyang halikan ako dahil palagi ko siyang itinutulak palayo, napaka tamis kasi ng labi niya noong mga nakaraang araw.

Habang lumalalim ang paghalik niya sa akin ay gumalaw naman ang kamay niya patungo sa isang dibdib ko at malaya niyang pinisil iyon na nagpa-daing sa akin ng sobra. Hinawakan ko ang kamay niya at para bang tinulungan ko pa ang kamay niya sa kanyang ginagawa. Nalalasing ako sa mga halik at haplos na ginagawa niya, hinayaan ko na rin na manghina ako dahil doon.

"Ethan..hindi yata pwede." Ungol ko nang dumapa siya sa ibabaw ko at sinimulang halikan ang likod ng tainga ko na siyang nagpatindig sa lahat ng balahibo ko!

"Pwede, I asked your OB, pwede daw, baby." Ngisi niya at bumaba ang kanyang halik sa aking leeg.

"Damn. Talagang tinanong mo?" Hindi makapaniwalang bulong ko habang hinahalikan niya ang leeg ko. Napasinghap ako nang punitin niya ang suot kong nighties at itinapon sa kung saan iyon! Wala na akong suot na bra kaya naman malayang nakita ni Ethan ang dibdib ko, tinitigan ako ng mapungay na mata niya at gamit ang kanyang dalawang kamay ay marahan niyang pinisil iyon.

"Yes. Tinanong ko, baby. Ayokong mamiss kita, pwede naman daw hanggang sa bago pumutok ang panubigan mo. Pero, don't worry, I promise, hanggang 5 months lang baby." Aniya na nagpalaki sa dalawang mata ko!

"F..five months?" Ungol ko, patuloy siya sa paghalik at haplos kaya naman bawat salita ko ay nasasamahan ng maligayang ungol. "Yes, baby. Ang tagal kitang pinantasya sa isipan ko at hindi pa rin ako makapaniwalang, nagagawa na nating dalawa ito." Mabigat na ang paghinga ni Ethan na siyang nagpapaganda sa pandinig ko.

Dalawang buwan palang akong buntis ngayon at hindi ako makapaniwala sa plano niya! Grabe ang tuwa niya nang makompirma niyang dinadala ko na ang anak naming dalawa, ang saya lang sa pakiramdam dahil kitang kita ko at ramdam na ramdam kong mahal na mahal ako ng asawa ko ngayon, mahal na mahal ako ni Ethan sa kahit anong dahilan pa ang mayroon ang mundo.

Magpoprotesta na sana ako pero nawala na ako sa ulirat ko nang simulan niyang halikan ang isang dibdib ko habang ang isang kamay niya ay patuloy sa pagpisil! He sucked it gently and my nipples hardened even more na sa tingin ko ay naramdaman niya dahil pinaikot niya ang palad niya sa isang ibabaw ng dibdib ko.

"Ethan.." Hinaing ko at ginulo ko pa ang buhok niya, nalalasing ako sa pakiramdam na ito. At hindi ko alam kung bakit kung kailan buntis ako ay mas lalo akong naging alerto sa bawat galaw niya, para bang unting haplos lang niya ay magrereact ang buong pagkatao ko!

"Uhh, Claire." Ungol niya at bumaba sa tiyan ko ang halik niya patungo sa puson ko. Sandali siyang tumigil at hinubad niya ang suot niyang sando upang muli kong makita ang magandang pangangatawan niya! Kasunod niyang hinubad ang boxer short niya at hindi ko maiwasan ang paglunok ng sobrang lalim dahil nakatutok sa akin ang kanya.

Muli niya akong dinaganan upang siilin ang labi ko! Napaungol ako nang tumama ang sa kanya doon sa hita ko! Niyakap ko siya ng mahigpit upang hindi siya makawala!

"I love you so much, Mrs.Cando." Bulong niya sa labi ko na nagpawala sa puso ko! Ang sarap marinig na isa na akong Cando, na isa na akong legal na asawa ng isang Ethan Luke Cando!

Hahalikan ko na sana siyang ulit pero umawang ang bibig ko nang maramdaman kong hinawi niya ang suot kong panty at hinaplos ang sa akin!

"My baby is ready to take me." Ngisi niya na nagpapula sa mukha ko, hinampas ko ang balikat niya pero napalunok ako nang ipasok niya ang isang daliri niya sa loob at nilakbay ang buong pagkatao ko!

"Ethan..please!" Pakiusap ko, namungay ang mata naming dalawa at narinig ko ang mabilis na paghinga niya dahil sa mga ungol na pinapakawalan ko.

Ngunit para akong nainis nang alisin niya ang kamay niya doon. "Damn it, I need to taste you over and over again, baby." Hingal na bulong niya at bumaba ang halik niya sa puson ko! Ginamit naman niya ang isang kamay upang hilahin pababa ang panty ko. Hinila niya ako sa aking binti upang medyo bumaba ako sa kama and he knelt in front of me, itinaas niya sa ere ang binti ko at halos kumuyom ang kamao ko sa bed sheets nang halikan niya iyon ng dahan dahan! He released my legs and he kept them apart and rested my feet on his shoulders. Halos mabaliw ako nang halikan niya ulit iyon na para bang labi ko rin iyon, ipinikit ko ang mata ko at hinayaan ko siya sa kanyang ginagawa habang hinahaplos ko ang buhok niya.

"Ethan.." Paulit ulit ang tawag ko sa kanya habang ginagawa niya iyon, dahan dahan kong iminulat ang mata ko nang pag-tagpuin niya ang kamay naming dalawa upang iyon ang maging sandalan ko ng lakas! At nang marating ko ang sukdulan ay halos mapisil ko ang kamay niya ng sobrang diin!

Walang wala na ako sa sarili ko nang muli siyang pumaibabaw sa akin, nanghihina na ako sa mga haplos niya at nababaliw na ako sa mga halik niyang malambing. Hinalikan niya ang noo ko at tungki ng ilong ko saka tinitigan niya ang mga mata ko. "I love you, Ethan.." Habol hiningang bulong ko, ngumiti siya at sandaling hinalikan ang labi ko. Hinuli niya ang kamay ko at inihaplos niya iyon sa matipunong pangangatawan niya pababa doon sa kanya na kanina pa handang handa.

Hindi na bago sa akin ang pagkahanda ng kay Ethan dahil nadama na iyon ng palad ko noon. Pinagbahagi ng binti niya ang dalawang binti ko at tinulungan niya ang kamay ko na maipasok ang sa kanya doon sa akin! Kagaya ng dati, ganun pa rin ang pakiramdam ko, nalalasing ako at hindi ako makapaniwala na nakakaya ko ang sa kanya.

"Baby..." Magkasabay na bulong namin sa sensasyong hatid ng bawat isa. Nakakalasing, nakakawala sa sarili. Muli siyang gumalaw at ipinasok na ang buong sa kanya na nagpaangat sa labi naming dalawa habang ang mga mata namin ay nangungusap sa bawat isa! We both moaned and shuddered uncontrollably when he started moving inside me, first slowly, so I could feel every inch of his glory, then faster. I grabbed his butt with my hands to pull him back as he thrust, na siyang nagpa-angil kay Ethan sa sobrang pagpipigil ng daing.

"Damn, ang mo sikip pa rin, Claire." Garalgal na bulong niya sa tainga ko at mas pinag igihan ang pag galaw sa akin!

"I love you.." Bulong naming dalawa, hinalikan ko ang pisngi niya, sumunod ang labi niya. Ipinulupot ko ang dalawang binti ko sa baywang niya at tinanggap kong lalo ang punong punong pagmamahal na pag labas masok niya sa akin!

"Ahh, Ethan!"

Panay ang daing naming dalawa sa tuwing mararamdaman ang unti unting sukdulan!

"Fuck. I love you so much, my one and only Mrs.Cando!" Sigaw niya at humawak siya sa head board ng kama upang mas idiin ang sa kanya sa akin! Ngunit ilang sandali pa ay ikinulong niya ang mukha niya sa balikat ko at hinigpitan ko ang yakap sa kanya kasabay ng pagsalubong namin sa rukrukan ng sukdulan!

__

"Are you sure?" Kunot noong usisa sa akin ni Ethan isang hapon habang hinihintay namin si Sebastian sa school niya, Friday ngayon kaya naman kami ang susundo kay Sebastian para sa bahay siya buong weekends. Yun daw kasi ang naging usapan nila noon ni Briana tungkol sa oras na paghahati kay Sebastian, buong school week ay kay Briana siya at kapag weekends naman ay sa amin ni Ethan. Doon na kami nakatira ngayon sa bahay na ipinagawa ni Ethan dahil gusto daw niyang masanay na ako na siya na ang palagi kong kasama, gusto ko ngang matawa dahil parang sanay na sanay na nga ako kahit noon pa.

Nginitian ko siya saka tumango. "Yes, sigurado na ako." Sagot ko sa kanya, tinitigan niya ng buong pag aalala ang mga mata ko.

"Baby, hindi mo naman kailangang gawin ito kung hindi ka komportable." Aniya, huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang kanyang kamay. Nginitian ko siya.

"Kailangan, Ethan. Para tuluyan nang humupa ang sugat naming dalawa ni Briana sa isa't isa." Paliwanag ko sa kanya, hinihiling ko kasi sa kanya na gusto kong makipag usap kay Briana, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa kong pagkakamali at sa mga pananakit ko sa kanya ng hindi sinasadiya.

Magsasalita pa sana siya pero narinig na namin ang sigaw ni Sebastian na tumatakbo palapit sa amin.

"Mama Claire! Daddy!" Sigaw niya at mabilis na nagpakarga kay Ethan! Humalik siya sa pisngi ni Ethan at pagkatapos ay sa akin, bigla niyang itinaas ang dalawang kamay niya!

"Mama! Daddy! I have six stars from teacher!" Maligayang kwento niya.

"Wow! Ang galing galing naman ni Sebastian namin!" Sabi ko saka kinurot ko ang pisngi niya na nagpa-hagikhik sa kanya ng sobra sobra.

Sumakay na kami sa kotse at kagaya ng dati sa kumandong sa akin si Seb para makatabi niya ako sa sasakyan.

"Mama Claire, magpe-play tayo mamaya ha! Tapos bukas tuturuan mo ako sa assignments ko!" Hiling niya sa akin, tinanguan ko siya habang nilalaro laro niya ang kwintas ko.

Napabaling naman ako kay Ethan na ngayon ay seryoso sa pagmamaneho at walang imik.

"Sebastian, you're a big boy na, bakit nagpapakarga pa kay Mama Claire mo?" Suway niya sa anak.

Bumuntong hininga si Seb at bumaling sa Daddy niya na kanina pa parang may topak.

"Daddy, magaan lang ako! Di naman maiipit si baby sa tiyan ni Mama!" Angil niya sa ama na nagpatawa sa akin ng sobra sobra. Lumiko si Ethan saka nagbuntong hininga.

"Tigas ng ulo." Pag susungit niya, humarap si Sebastian sa kanya at humalukipkip ito saka pinag dikit pa niya ang dalawang kilay niya.

"Daddy, ang sungit mo. Siguro di ka nakalaro ng basketball last night. Sabi kasi ni Tito Tyler, kapag bad mood ka daw di ka naka-play ng basketball! Gusto mo ba Daddy mamaya mag-play tayo nila Mama Claire?" Litanya ni Sebastian na nagpalaki sa mata ko! Mabilis na nagpreno si Ethan at itinabi niya ang sasakyan nang marinig ang mungkahi ni Seb.

Nakipagtitigan siya sa anak niya pero sa huli ay natalo pa rin siya, hinampas ko ang braso ni Ethan dahil ang sungit sungit ng mukha niya ngayon. "What? Daddy? We can play naman kung gusto mo, diba ginawan mo nga ako ng mini court sa may swimming pool ng house natin. Gusto mo Daddy, kampi pa kayo ni Mama Claire sa basketball!" Aniya at sa hindi ko malamang dahilan ay humalakhak ako ng malakas. Tinitigan ako ng masama ni Ethan kaya naman tumahimik ako pero napapahagikhik nalang ako.

Natutuwa kasi ako kapag nakikita kong hindi na makaimik si Ethan kay Sebastian, para bang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng anak niya sa edad na apat na taon.

Hinila ko si Seb at pinatingin ko nalang siya sa window. Panay ang turo niya sa mga sasakyang madadaanan namin nang sa wakas ay nagmaneho na ulit si Ethan.

Ilang sandali pa ay nakatulog na si Seb dahil sa sobrang traffic. Hanggang ngayon ay tahimik pa rin siya kaya naman hinaplos ko ang braso niya, kaagad siyang napatingin sa kamay ko sumunod ay sa mata ko.

"Kanina ka pa tahimik." Puna ko, huminga siya ng malalim at muling ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Nag aalala lang ako sa desisyon mo, kung hindi ka komportable, pwede mo namang ipagpaliban nalang muna." Aniya patukol ulit sa desisyon kong makipag kita kay Briana.

Inayos ko ng higa si Seb para mas makausap ko siya ng maayos. "Ethan, kaya ko na. Saka isa pa, para na rin kay Sebastian 'to." Suway ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim at tinanguan ako, lumiko na siya papasok sa subdivision at nang makarating na kami sa tapat ng bahay ay kinuha niya sa akin si Sebastian at inalalayan niya akong makababa.

"Sa sofa mo nalang muna siya ihiga, Ethan. Magigising pa yan mamaya." Sabi ko sa kanya na sinunod naman niya.

Sandali kong tinitigan si Sebastian saka lumapit ako kay Ethan at niyakap ko siya mula sa likod niya.

"H'wag ka ng mag alala, kung naging maayos kayong dalawa ni Briana, naniniwala akong magiging maayos rin kaming dalawa." Bulong ko sa likod niya, hinawakan niya ang kamay ko at humarap siya sa akin. Tinitigan niya ang mata ko at hinalikan niya ang noo ko.

"Alright, tatawagan ko siya mamaya." Aniya, ngumiti ako at muli akong yumakap sa kanya.

__

"Mommy?!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Seb nang makapasok kami sa loob ng restaurant kung saan napag usapan nila Ethan at Briana na magkikita kami.

"Namiss mo ba ang Mommy?!" Ngiti ni Briana at hinalikan ang anak sa pisngi. Maikli na ang buhok ni Briana at masasabi kong bumagay sa kanya iyon. Tumayo siya at isang maganda ngunit medyo nahihiyang ngiti ang ibinigay niya sa akin.

"Hi, Claire." Aniya, sa kabila ng matapang niyang mukha ay masasabi kong napakaganda pa rin siya. "Briana.." Bulong ko, lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi.

Sandali pa kaming nagtitigan bago namin napagpasiyahan na maupo, tumabi sa kanya si Sebastian at sa tabi ko naman si Ethan. Panay lang ang ngitian naming dalawa at tahimik kaming kumain ng tanghalian na inorder namin kanina. Si Seb naman ay panay ang tanong tungkol sa pagkaing nakahain.

"Daddy! Nanghuli kami noon ni Tito Tyler ng crabs! Nung kasal niyo ni Mama Claire?" Kwento niya saka itinuro ang nakahaing pagkain.

"Marami?" Ngisi ni Ethan, tumango tango si Seb at ngumiti. Hinaplos ni Briana ang buhok ng kanyang anak at pinunasan niya ang bibig nito.

"Finish your food na muna, Seb." Pakiusap niya sa anak at binigyan ng pagkain sa plato ito. "Thanks, Mommy!" Sigaw ni Seb at hinalikan sa pisngi si Briana.

Natutuwa akong makita ang kasiyahan sa kanyang mga mata na hindi ko nakita noon.

"Malikot talaga siya." Ani Briana nang habulin ni Ethan si Seb dahil tumakbo iyon palabas. Tapos na kaming mananghalian at naisipan naming umorder ng tea.

Nagkatawanan kami pero ilang sandali ay natahimik kaming pareho at nagkatitigan.

"Uhm, nabanggit sa akin ni Ethan na buntis ka, ilang months na yan?" Nguso niya sa tiyan ko. Ngumiti ako, "Tatlong buwan na."

"Mahirap noh? Pero masarap sa pakiramdam." Masayang sambit niya na nagpangiti sa akin at nagpa sang ayon na rin.

Hindi ko akalain na magiging magaan ang pakiramdam namin sa isa't isa ngayong araw na ito.

Lumunok ako bago nagsalita. "Briana, I'm sorry." Bulong ko sa kanya, tumungo siya at ngumiti saka umiling.

"Claire, ako dapat ang humingi ng tawad. Alam kong nahusgahan kita at higit sa lahat, nasira ko ang pamilya niyo nila Tito Paul John." Paumanhin niya saka tinagpo ang kanyang mata sa aking mata.

Ngumiti siya at nagkibit balikat.

"Sabi nila kapag mahal mo ang isang tao, h'wag kang tumigil hangga't hindi siya napapa-sayo." Mahinahon na sabi niya.

"H'wag kang mawalan ng pag asa na mamahalin ka rin niya katulad ng pagmamahal na nararamdaman mo para sa kanya." Patuloy niya at isang magandang ngiti ang ibinigay niya sa akin sa kabila ng matapang na mukha niya ay nakikita ko sa mga mata niya ang purong pagmamahal na sa tingin ko ay kaya niyang ibigay kay Ethan.

Maganda siya, mapilantik ang pilik mata at manipis ang kanyang labi. Sa sobrang kaputian ay namumula ng natural ang kanyang dalawang pisngi, maganda ang buhok na hanggang balikat na lamang ngayon. Matapang ang kanyang mukha at kung titignan siya ay mapapasabi kang mataray ang isang katulad niya. Pero sa tingin ko ay gustuhin si Briana.

"Kaya nga hindi ako tumigil, dahil naniwala ako na baka mahalin niya rin ako." Aniya saka ngumiti ng isang mapait na ngiti na nagpakirot sa puso ko.

"Pero, mali pala ako. Dahil kung talagang mahal mo pala ang isang tao, dapat ay makakayanan mo siyang palayain." Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang dahang dahan na pagtulo ng kanyang luha.

"I..I'm sorry, Briana." Hingi ko ng tawad dahil parang nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya.

Tinitigan niya ako sa mga mata ko at umiling siya, napatingin ako sa kamay niya nang hawakan niya ang ibabaw ng kamay ko at marahan na pinisil iyon.

"No. Hindi mo kailangang humingi ng tawad, ako, ako dapat ang humingi ng tawad sayo dahil hinusgahan kita. A..akala ko kasi masama kang tao, akala ko aagawin mo na rin sa akin si Sebastian." Nakangiti pero umiiyak na sabi niya, hinawakan ko na rin ang kamay niya at umiling ako.

"H..hindi ko aagawin sayo si Seb. Ikaw ang nagdala kay Seb, pero sana mapagbigyan mo akong makasama siya kahit pa minsan lang. Napamahal na rin kasi sa akin yung bata." Hiling ko sa kanya na nagpakinang sa dalawang mata niya, ngumiti siyang lalo at pinunasan ang luha sa pisngi.

"Oo naman. Mas masaya nga yun dahil maraming nagmamahal sa anak ko, dalawa ang Mama niya." Natatawang biro niya na siyang nagpatawa rin sa akin.

Tumayo ako at ganoon rin siya, lumapit kami sa isa't isa at para kaming bata na nag iyakan sa balikat ng bawat isa.

"I'm sorry!" Magkasabay na hagulhol naming dalawa.

Pagpapatawad. Isa yan sa tinalakay namin noon nung nag seminar kami ni Ethan para sa kasal naming dalawa noon. Paano mo masasabing malaya kang nagmamahal kung ang puso mo naman ay hindi kayang magpatawad.

Una kong naisip si Briana. Kung titignan mabuti alam kong ako ang kontrabida sa kanilang dalawa ni Ethan, ako yung umextra sa buhay nilang dalawa na maaari pa sanang maayos.

Hinaplos niya ang likod ko. "Just be happy, Claire, h'wag mo na akong isipin pa. Magiging masaya na rin ako para kay Ethan, but, I'm sorry, h..hindi ako pumunta sa wedding." Umiiyak na aniya at lumayo mula sa pagkakayakap sa akin.

Tinawanan niya ako habang tinititigan niya ako sa mga mata ko.

"Baka pigilan ko pa yung kasal." Biro niya at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi.

Ngumiti ako. "T..thank you so much, Briana and I'm sorry." Sambit ko, ngumiti siya at tinapik niya ang balikat ko. Bumaling siya kay Ethan na nandoon sa kabilang lamesa kasama si Seb na kumakain ng ice cream kaya tumingin din ako, malamlam ang titig sa kanya ni Ethan na punong puno ng paghingi ng kapatawaran, narinig kong tumawa si Briana at umiling.

"Alagaan mong mabuti si Ethan. Napaka buting ama niya sa isang anak, ilang beses ko nang napatunayan iyon. Alam ko namang sinubukan niyang maayos ang sa amin noon, pero wrong timing lang talaga ang sa aming dalawa, dahil ako lang yung nagmahal at iba ang mahal niya. P..pero hindi ako nagsisisi, sa katunayan nagpapasalamat pa rin ako sa panginoon dahil binigyan niya ako ng pagkakataong makilala ang isang katulad niya." Umiiyak na sambit niya na nagpapiga ng sobra sobra sa puso ko.

"Yung isang katulad niyang, minsan na nga lang dumating sa buhay ko, pero hindi pala para sa akin."

"Yung isang katulad niyang, nagparamdam sa akin kung gaano kasakit ang magmahal ng totoo at higit sa lahat siya yung isang tulad ng tao na nagturo sa akin kung paano pakawalan ang hindi para sa akin." Aniya habang nakangiti kahit na panay ang tulo ng kanyang luha, marahan kong pinisil ang kamay niya at hindi ko na rin napigilan ang pag iyak ko.

"Bullshit na Cando 'to. Napakahirap kalimutan." Bulong niyang tumatawa, "Pasensya ka na, hindi kasi ganun kadaling kalimutan ang pagmamahal ko para sa kanya, pero maniwala ka Claire, masayang masaya ako para sa inyo." Muli siyang humarap sa akin at sa huling pagkakataon ay hinalikan niya ako sa pisngi ko bago tuluyang umalis.

Hindi ko napigilan ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko dahil sa pagkahabag na nararamdaman ko para kay Briana! Tinakpan ko ang mukha ko, maya maya lang ay naramdaman kong pumulupot ang braso ni Ethan sa baywang ko. Pilit niyang pinunasan ang luha ko.

"Shhh." Pag aalo niya sa akin, "Nasaktan ko siya, Ethan. Nasaktan ko siya." Hagulhol ko, hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap saka hinayaan niyang umiyak ako nang umiyak sa dibdib niya habang hinahaplos ang likod ko.

"Baby, hindi naman natin ginusto yon. Shh, tama na. Makakasama sa bata yan." Suway niya sa akin.

"Paano na si Briana?" Tanong ko sa kanya at yumakap na rin ako sa kanya, ramdam ko ang titig sa akin ng mga staff.

"Kilala ko si Briana, alam kong makakaya niya ang lahat ng ito." Pagpapakalma niya sa akin at mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit.

"Mama Claire." Malamlam na tawag sa akin ni Sebastian na naging dahilan para ayusin ko ang sarili ko. Humarap ako kay Seb at naupo ako upang magkapantay kaming dalawa. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Umiiyak ka?" Usisa niya, ngumiti ako at umiling. "Napuwing lang ako." Sabi ko, nanlaki ang mata niya.

"Gusto mo Mama Claire hipan ko? Para mawala, kasi ganun ang ginagawa ni Mommy kapag napupuwing ako." Suhestiyon niya, tumawa ako at hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin sa aking mata.

___

"That's for today." Pagtatapos ni Dad sa meeting at sabay sabay na tumayo ang mga board members. Anim na buwan na rin ang lumipas at sa anim na buwan na iyon ay masasabi kong daig ko pa ang tumama sa pustahan sa isang NBA games.
Asawa ko lang naman ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa mga ngiti ko ang mga pangakong binitawan sa akin ni Claire nung araw ng kasal namin.

Sinamsam ko ang mga papeles ko at nakahanda na sanang umalis nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Kunot noo kong sinagot iyon nang makita kong number iyon sa bahay.

"He--"

"Daddy!!" Hinihingal na sigaw ni Sebastian sa kabilang linya at para bang naririnig ko ang boses ni Mama at Ara doon.

"Lalabas na si baby brother at baby sister ko!!" Sigaw niya at hindi ko pa gaanong maintindihan iyon dahil nagkakanda bulol pa siya sa pagsasalita habang hingal na hingal.

"Calm down, young man. Dahan dahan. Ano yun?" Suway ko sa kanya at napatingin pa sa akin si Dad at Marcus dahil napansin ang pagkunot ng noo ko.

"Damn it!! Ethan!!" Sigaw ni Claire iyon sa kabilang linya at nakaramdam ako ng kaba!

"DA..DDY. LALABAS. NA. SILA BABY. LALABAS NA SILA!!" Muling sigaw ni Seb at nabitawan ko ang cellphone ko!

"Holy shit!"

"What happened?" Usisa ni Dad, napatingin ako sa kanila at halo halong emosyon na yata ang naramdaman ko!

"Manganganak na ang asawa ko!" Sigaw ko at nanakbo na ako palabas ng function room! Narinig ko ang pagsunod sa akin nila Dad.

Halos magkandahulog na ang susi ko sa sasakyan bago ko pa maisuot iyon!

"Relax!" Sigaw ni Dad at Marcus sa akin mula sa back seat at pinagtatawanan pa ako.

Sabik na akong makita ang magiging bunga naming dalawa ni Claire! Inihanda ko na ang sarili ko para dito pero bakit kinakabahan pa rin ako!

Fuck.

"T..tawagan mo sila kung saang ospital!" Sigaw ni Dad kay Marcus at sa wakas napaandar ko na ang sasakyan ko.

Di ko na alam pero masasabi kong parang pinalipad ko ang sasakyan ko makarating lang kaagad sa ospital! Hinila ko ang necktie ko at mas binilisan ko ang pagtakbo patungo sa delivery room!

At pagkarating namin doon nila Dad ay nandoon na sila Mama.

"Si Claire?!!" Hinihingal na sigaw ko!

"Kakapasok lang sa kanya sa loob." Sabi ni Ara saka lumapit sa kapatid ko.

"Samahan mo kaya siya." Suhestiyon ni Mama at natigilan ako. "Babae ba ang Doctor?!" Sigaw ko na nagpangisi kay Dad.
Tinapik ni Mama ang balikat ko at tumawa.
"Don't worry anak, professional ang mga Doctors. Ano ka ba?"

Nanliit ang mata ko nang sa sagot ni Mama ay nakumpirma ko na lalaki ang magpapaanak sa asawa ko!

"Pipigilan ko!" Sabi ko at akmang pupunta sa delivery room pero hinila ako ni Sebastian!

"Daddy, h'wag! Mama Claire is mad at you!! Nag-ba-bad words siya kasama name mo!" Aniya at nagtawanan sila Mama.

Damn it! Alam kong mahirap ang nangyayari ngayon sa asawa ko dahil ilang beses na akong nanood sa internet ng mga nanganganak at masasabi kong hindi biro iyon, nanood lang ako pero parang nasasaktan na rin ako, lalo na at dalawa ang dinadala ng asawa ko! Pangarap ko lang na anakan ang asawa ko! Pero hindi ko pangarap na masaktan siya ng ganito!

"Calm down, Daddy!" Sigaw sa akin ni Sebastian dahil hindi ako mapakali.

Pabalik balik ako sa paglalakad nang biglang dumating ang mga magulang ni Claire at mga pinsan niya.

"Nasaan si Claire?!" Salubong sa akin ni Tita Tanya. "Nasa loob pa po." Kinakabahan na sagot ko.

"Fuck. I'm sorry, Mr.Lataza. Di ko gustong saktan ng ganito si Claire, gusto ko lang magkaanak kami." Kinakabahan na sabi ko na nagpangisi lang sa kanila.

Damn. Hindi ako mapakali, lakad ako ng lakad at para bang sasabog na yata ang puso ko para sa asawa ko.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang delivery room at lumabas na ang Doctor kasunod ang dalawang nurse na may bitbit na dalawang sanggol.

"Mr.Cando?"

"Y..yes. A..ako, asawa ako nung nasa loob. Anak ko--"

"Bro, relax!!" Pang aalaska sa akin ni Marcus na tinawanan naman ni Ara. "Sus, akala mo siya hindi ninerbiyos noon." Bawi ni Ara na nagpangisi lang sa kapatid ko.

"Congratulations, Mr.Cando. Healthy ang kambal, maging ang asawa mo." Lahat na yata ng kaba sa puso ko inagos na ng tubig.

Lumapit sa akin ang dalawang nurse at naihilamos ko ang isang palad ko sa aking mukha nang biglang tumulo yung lintik na luha ko nang mapagmasdan ko ang dalawang anak namin ni Claire.

"Kuya ka na!" Sabi ni Mama kay Seb.

Sa pangalawang pagkakataon naramdaman ko yung saya kung paano ko nakita noon si Seb, iba yung tibok ng puso ko para sa mga anak kong 'to. Para sa akin sila yung bumuo ng mundo ko, sila ng asawa ko.

"Ang cute! Kamukhang kamukha niyong dalawa ni Claire!" Puna ni Ara ngayong nasa private ward na kami, kanina pa niya nilalaro ang dalawang kambal.

Hinalikan ko ang noo ng asawa ko na nagpagising sa kanya. "E..Ethan." Tawag niya sa akin, umupo ako sa gilid ng kama at hinalikan ko ang ibabaw ng kamay niya.

"H..how are you, baby?" Bati ko sa kanya, nababaliw na yata ako, dahil sa mga mata ko kahit anong anggulo ko yata siya pagmasdan ay maganda pa rin siya.

"Ang sakit.." Bulong niya na kumurot sa puso ko. "I..I'm sorry, baby."

Ipinikit niya ang kanyang mata kaya muli kong hinalikan ang noo niya. "Yung anak natin? Gusto ko silang makita.." Hiling niya.

Tinawag ko si Ara at si Mama dahil buhat nilang dalawa ang anak namin ni Claire.

Tinulungan ko siyang makaupo at kitang kita ko kung paano kuminang ang luha sa mga mata niya dahil sa sobrang kasiyahan.

"Oh my god, ang taba nila." Natatawang puna niya at binuhat ko ang lalaki habang sa kanya ang babae.

"Lalabas muna kami." Paalam nila Mama at humalik kay Claire.

Panay ang tulo ng luha niya kaya naman maingat kong pinunasan iyon. "Thank you so much, baby." Bulong ko sa kanya, tumingin siya sa aking mata at ngumiti.

"No..thank you, Ethan. Pangarap ko kayang magkaanak sayo." Isang biro lang niya iyon pero walangya kumalabog yung puso ko, wala ng humpay.

Hinalikan ko ang labi niya na marahan naman niyang tinugon. Kasunod non ang pag ngiti namin sa isa't isa habang yakap yakap ang anak namin.

Sa dinami rami ng pinagdaanan naming dalawa ay hindi pa rin ako makapaniwala na hindi niya ako sinukuan. Siguro dumating sa punto na muntik na, pero alam ko, naniwala akong makakamit namin ang kasiyahan na inaasam ng puso naming dalawa. At hindi nga ako nagkamali dahil doble dobleng saya ang mayroon kami ngayon.

Si Claire, na siyang hinangad ko sa buong buhay ko at napiling ipagramot sa akin ng tadhana noon. Pero heto na ngayon at sa kanya ko pa rin handang ibigay ang damdaming ni minsan ay hindi nagbago para sa kanya.

I am so damn in love with her eyes, her smile, her scent, her body, her laugh. I am so damn in love with my wife.

Siguro nga ay naging mapusok ako noon. Pero ang lahat nang iyon ay hinding hindi ko pinag sisisihan.

Dahil kung hindi nangyari ang lahat ng ito, hindi ko matututunan kung paano maghintay sa tamang panahon, hindi ko maiisip na hindi ko dapat minamadali ang lahat ng bagay.

Naging mapusok ako. Isa akong gago, na pasarap lamang ang iniisip noon. Puro pag-papagaling sa kama, kasama ang babae. Pero napatunayan ko noon na takot pala ako sa isang responsibilidad na hindi ko napag handaan.

Binalak kong takasan, pero mismong kunsensya ko na ang sumuntok sa akin para imulat ako sa isang responsibilidad.

Hindi tamang sabihin na hindi ko sinasadiya o hindi namin sinasadiya. Dahil ang totoo ay pinili namin, pinili naming mangyari ito sa buhay namin.

Oo nagkamali ako, pero hindi isang pagkakamali na buhayin ang isang walang kamalay malay na nabuo sa apoy ng tukso. Dahil yung bunga pala sa apoy ng tukso na yon ang magtuturo sa akin na muling bumangon sa pagkakadapa sa buhay ko.

Ang anak ko ang naging lakas ko upang maging matatag.

Oo natakot ako sa umpisa dahil nawala lahat ng pinalano ko para sa pangarap ko. Pero kailanman ay hindi ko naisip na magiging sagabal si Sebastian sa mga pangarap ko. Dahil mapapasa-katuparan pa rin pala ang lahat ng pangarap ko basta't handa kong isakripisyo ang lahat ng mayroon ako.

Ilang beses na ba akong nadapa sa buhay? Ilang beses na ba akong nabigo at nakaramdam ng matinding kalungkutan? Pero kahit kailan ay hindi ko inisip na sumuko.

Whatever happen, I will always get up, at tutuparin ko ang lahat ng pangarap ko. Kahit na mahirap. Kasabay ng pagtupad ko sa mga pangarap ko ang pagtupad ko rin sa pangarap ng mga anak ko at ng mahal kong asawa.

Mahirap pero alam kong makakaya ko.

Ganun naman talaga sa buhay ng tao. Mahihirapan ka muna, bago maging madali ang lahat ng bagay.

Muling hinalikan ni Claire ang labi ko, sandaling halik lang yon pero halos mabaliw na ako.

"I love you so much, Ethan.." Bulong niya.

"I love you, Claire."

Hindi ko plano noon na mahalin ang isang katulad niya, dahil alam kong mahirap siyang abutin. Pero sobrang saya ko, dahil hindi ko nga planado, pero planado pala ng Diyos, at ipinagpapasalamat ko na pinagbigyan niya akong mahalin ang isang babaeng hindi ko inaakalang kababaliwan ko sa buong buhay ko.

Fuck. I just fell for this woman and I haven't even noticed it, but, I am truly blessed to owned her heart.

♡ WAKAS ♡
Wattpad
asherinakenza
Created: August 23, 2014
Finished: July 30, 2015
Somewhere Down The Road

***

AN: T.T Nakakaiyak! Umabot kayo hanggang dito sa Epilogue! Grabe maraming maraming salamat po sa walang sawang pag suporta nitong SDTR kahit na sobrang bagal kong mag update. Nakakaiyak! Hindi ko inexpect na sa kabila ng pagka busy ko sa trabaho habang sinusulat ko ito, eh may nagbabasa pa rin. Thank you so much babies! Hinding hindi ko makakalimutan kung paano niyo sinuportahan sina Ethan at Claire sa kabila ng napaka-komplikadong buhay nila.

MARAMING SALAMAT PO!

Ang susunod na story ko po ay kay Tyler, ang title ay Just Because I'm A Gentleman. At kapag kinaya ng powers ko o ng feels ko, isasabay ko ang Pinagtagpo ng Tadhana nila Monique Cando. :) Sana po suportahan niyo rin kung medyo trip niyo po. Hehe. Thank you so much! *hearts everywhere!*

I LOVE YOU! ♡♡♡

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

112K 3.1K 24
CROSSROADS SERIES #1 *** Para sa mga manglalakbay ito iyong tipong na stuck ka sa intersection and you have to choose whether you have to take the ri...
9.2K 130 19
May mga bagay na nakasanayan mo nang andiyan, kaya hindi mo na gaanong nakikita ang halaga. Familiarity breeds contempt, sabi pa nga. Pero paano kung...
851K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
4.3M 76.7K 35
Warren experienced his most unforgettable frustration in the hands of his first love, Lena. The unbearable pain pushed him to change himself to becom...