When Suplado Boy Meets Palaba...

بواسطة iamhopelessromantic

687K 12.3K 1K

Si James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan... المزيد

Prologue
Chapter 1 - The New Comer
Chapter 2 - Diana Sophia Eliza Torres Alcantara
Chapter 3 - Suplado plus Palaban Equals ?
Chapter 4 - Apologize to him? NOOOOO WAY
Chapter 5 - I Have No Choice
The Great James
Chapter 6 - She's Not Gone
Chapter 7 - The Confrontation
Chapter 8 - Lost and Found
Chapter 9 - The Set-up
Chapter 10 - The Accident
Chapter 11 - Nathaniel (Part I)
Chapter 11 - Nathaniel (Part II)
Chapter 11 - Nathaniel (Part III)
Chapter 12 - Puno
Chapter 13 - The Suplado Returns
Chapter 14 - The Hard Reality
Chapter 15 - I'm Stupid
Chapter 16 - Their First Night Together
Chapter 17 - Angel
Chapter 18 - It's Confirm
Chapter 19 - Rooftop
Resolving the Issues
Chapter 20 - Drama Club
Chapter 21 - Relax
Chapter 22 - Nananadya
Chapter 23 - For the First Time
Chapter 24 - Boyfriend
Chapter 25 - His Female Version
The Reason Why
Chapter 26 - Lunchbox
Chapter 27 - Clinic
Chapter 28 - His Personal Nurse
Chapter 29 - Slave and Not Nurse
Chapter 30 - What's Wrong With Her
Chapter 31 - Palaban Girl is Back
Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass
Chapter 33 - She's Mad at Me
Chapter 34 - Cold
Chapter 35 - Secret Admirer DAW
Chapter 36 - Enchanted Kingdom
Chapter 37 - Napakatanga
Chapter 38 - You're my Business
Chapter 39 - Whether You Like it or You'll Like it
Chapter 40 - Tangs
Chapter 41 - Sumpong
Chapter 42 - Heartbeat
Chapter 43 - Yakap
Chapter 44 - To See You
Chapter 45 - Nalaglag
Chapter 46 - Cheer
Chapter 47 - Picture
Chapter 48 - Curious
Chapter 49 - Tears
Bastard
Chapter 51 - Future Sister In Law
Chapter 52 - Dinner
Chapter 53 - Goodbye
Chapter 54 - Hurt
Chapter 55 - What
Chapter 56 - Who's Jealous
Chapter 57 - Saleslady
Chapter 58 - Baliw Talaga
Chapter 59 - Walang Takas
Chapter 60 - Smile
Chapter 61 - Placard
Chapter 62 - Date
Chapter 63 - Picnic
Chapter 64 - Trust
Chapter 65 - Jason
Chapter 66 - Honesty May Not Be The Best Policy
Chapter 67 - Cake
Chapter 68 - Stalk
Chapter 69 - Locker Room
Chapter 70 - Guardian Angel
Chapter 71 - Ask
Chapter 72 - Sealed With a Kiss
Chapter 73 - Time Zone
Chapter 74 - Booth
Chapter 75 - King and Queen
Chapter 76 - Candles and Lies

Chapter 50 - Mall

7.3K 126 10
بواسطة iamhopelessromantic

Dedicated sa'yo vanessaISmyname. Sana makaabot ka hanggang dito. 

Kagabi pa sana itong update kaya lang biglang nawalan ng kuryente at hindi ko na nacharge ang laptop ko. Tapos nakatulog na ako kahihintay na bumalik ang kuryente. Ang tagal kasi talaga...

Anyway... Enjoy the update..


iamhopelessromantic



"Yana"

 

"Yana"

 

Nagising ako dahil sa pagtawag sa'kin sabayan pa ng walang tigil na yugyog.

"Ate Lena, Saturday ngayon, wala kaming pasok." sagot ko na hindi na nag-abalang imulat ang mata at nagtalukbong sa kumot.

"Sandali lang to Yana." sabi niya sabay hila ng kumot.

Bumangon ako at hinarap si Ate Lena. Isa siya sa mga katulong namin. Ang pinakakasundo ko sa lahat dahil siya ang pinakabata. Limang taon lang ang tanda niya sa'kin at medyo may pagka-immature ng konti. Working student siya. Nagtatrabaho siya sa min as maid tapos pumapasok siya sa gabi.

"Anong nangyari diyan sa mga mata mo?"

 

"Bakit?"

 

Inabot niya sa akin ang salamin. Kinuha ko naman yun at agad na tiningnan ang mukha ko. Napabuntunghininga lang ako sa hitsura ko. Tapos ay nahiga na naman ako ulit. Pero pinigilan naman ako ni Ate Lena.

"Magtapat ka nga sa'kin."

 

"Ano?"

 

Medyo kinabahan ako.

"Nanood ka ba ng movie kagabi?"

 

"Ha?"

 

"Ang daya mo ah. Ikaw lang nanood ng mag-isa? Ano ba iyong pinanood mo at namaga ng ganyan ang mga mata mo? Papanoorin ko rin."

 

Napabuntunghinga na lang ako. Sabi ko na di ba, may pagka immature. Humiga na ulit ako. Hinihila naman niya ako para bumangon.

"Ano yung pinanood mo?"

 

"A Moment to Remember"

 

"Yun? Eh di ba tapos na nating panoorin yun?"

 

"Feel ko lang ulitin."

"Talaga? Eh bakit mas maga yata ang mga mata mo kaysa nung una?"

 

"Mas nakakaiyak siya kapag inulit."

 

"Talaga?"

 

"Oo."

 

Uto-uto talaga si Ate Lena. Ipinikit ko na ulit ang mga mata ko. Pero ayaw pa rin niya ako tigilan.

"Ate Lena naman eh. Ang kulit mo. Kita mong inaantok ang tao eh."

Inaantok pa talaga ako. Ikaw ba naman ang umagahin sa kaiiyak. Feeling ko naubos na tubig sa katawan ko. Tapos hindi ko maintindihan kong anong pinagdadrama ko.

"May sasabihin pa ako."

 

"Ano?"

 

"May kotse kasi sa labas."

 

Nahiga na ulit ako. Nakakinis ah. Ginigising niya ako para sa walang kakwenta-kwentang bagay.

 

"Eh ano ngayon?"

 

"Andiyan na kasi yan kagabi pag-uwi ko tapos ngayon andiyan pa rin siya."

 

"Pabayaan mo na kasi yan. Baka kung sino lang yan."

 

"Nag-aalala lang kasi ako."

 

"Eh di tumawag ka ng security. Hindi iyong inaabala mo ko dito."

 

"Sigurado ka sa sinasabi mo?"

 

"Ha?"

 

"Sigurado ka na patatawagin mo ko ng security?"

 

"Oo nga eh." Bakit ang kulit niya? Sabagay birds of the same feathers flock together.

"Talaga lang ha? Talagang-talaga?"

 

Napakunot ang noo ko. Anong problema nitong si Ate Lena? Nang-aasar yata to eh.

"Talagang-talaga."

 

"Bakit hindi mo kaya muna tingnan iyong kotse? Baka kako kilala mo iyong may-ari. Parang pareho kasi siya nung kotse na naghatid sa'yo minsan."

 

Bigla akong napababa sa kama ko at napapunta sa bintana. Hinawi ko ang kurtina. At talagang nanlaki ang mga mata ko. Napakamot ako sa ulo ko at napabalik ng wala sa oras sa kama ko. Si Ate Lena naman ay nakatitig sa'kin na nakataas ang isang kilay.

Anak ng... Ano na namang ginagawa niya dito? Bakit siya nagpunta dito? Talaga nga kayang kagabi pa siya diyan? Masisiraan na talaga ako ng bait sa kanya.

"Mukhang kilala mo nga."

 

"Paano mo nalaman na hinatid niya ako."

 

"Nakita kita na bumaba sa kotseng yan."

 

"Bakit hindi mo agad sinabi na andiyan yan?"

 

"That's what I have been trying to tell you my dear. Pero ayaw mo naman gumising agad."

 

So kasalanan ko pa ngayon? Naman. Hindi ba niya naintindihan ang sinabi ko kahapon? Or baka naman hindi lang niya narinig? Or talagang matigas lang ang ulo at mukha niya?

 

"Baka naman gusto mong sa labas na magjogging Yana?"

 

Nilingon ko si Ate Lena na prestong nakaupo sa kama ko.

"Mahiya ka naman sa sahig no. Lakad ka ng lakad diyan."

 

"Ate Lena naman eh. Kita mong kinakabahan na ako dito eh."

 

"At bakit ka naman kinakabahan?"

 

Tumayo siya at lumapit sa bintana. Aktong sisilip siya sa labas pero pinigilan ko agad siya.

 

"Bakit mo ko pinipigilan? Sino ba yung ubod ng gwapo na nasa labas? Admirer mo ba yun Yana?"

 

"Anong gwapo ka diyan? Ungas kaya yan. Tsaka anong admirer? Baka stalker pwede pa."

 

"Grabe ka naman. Ganyan na pala stalker ngayon?"

 

"Eh ano ba ang stalker? Di ba yung sunod-sunod?"

 

"Ano ka ba. Ang gwapo niyan para maging stalker. Iyang stalker na word para lang yan sa mga pangit. Sa case niya, eh admirer yan."

 

"Ewan ko sa'yo." Namomroblema na nga ako dito kung anu-ano pang kalokohan ang sinasabi nito.

 

 

"Alam mo Yana kung naiihi ka may CR naman eh. Ayan oh ang lapit-lapit."

 

"Ate Lena naman eh."

 

"Anong Ate Lena ka diyan. Nahihilo na ako sa kakalakad mo no. Tumigil ka na kasi sa kalalakad diyan at labasin mo na iyong admirer mo."

 

"Ayoko nga." Nilalayuan ko na nga yun tapos ngayon lalabasin ko pa.

"Hindi ka man lang ba naaawa dun? Kagabi pa yun dun."

 

Pabagsak akong nahiga sa kama.

"Yana, huwag kang matulog. Iyong admirer mo."

 

"Ate Lena naman eh. Tumigil ka na nga sa kaka-admirer mo. Lalo akong hindi makapag-isip  sa'yo eh."

 

At sinong matutulog? Palagay ba niya makakatulog ako sa sitwasyon ko? Eh kahit ang huminga yata eh nahihirapan akong gawin, matulog pa kaya.

"Ano ba kasi yang iniisip mo diyan?"

 

"Basta."

 

Nalintikan na talaga to. Ano nang gagawin ko ngayon? Pupuntahan ko ba siya? Huwag na lang kaya. Pero kagabi pa siya diyan sa labas.

 

Kinuha ko ang cellphone ko. Wala iyong kahit isang text o tawag niya. Pinalitan ko kasi ang number ko. Bakit? Ewan ko. Feel ko lang. Inabot yata ako ng pagkabaliw ko at bigla kong naisipan na magpalit ng number.

Kung tawagan ko na lang kaya siya?At ano sasabihin ko? Na umuwi na siya? Parang makikinig naman yun. Tsaka para san pa at nagpalit ako ng number di ba?

 

 

"Yana ano na?"

 

"Oo na. Maliligo muna ako."

 

Nginitian niya ako ng makahulugan.

"Bakit?"

 

"Wala. Bilisan mo nang magpaganda diyan. Para naman hindi sayang ang paghihintay nung si pogi."

 

"Hindi ako magpapaganda no. Maliligo lang ang tao pagpapaganda na agad?"

 

"O siya hindi na. Basta dalian mo, nang malabas na natin iyong admirer mo."

 

"Hindi ko nga admirer yun eh. Tsaka nakakapansin na ko sa'yo Ate ha. Parang sobrang excited ka na naman yata na puntahan yung ungas doon. Type mo? Kung gusto mo puntahan mo na ngayon din."

 

"Asus! Ito naman oh. Selos agad?"

 

"Ano? Hindi ah. Selos pinagsasabi mo diyan." Wala akong pakialam kahit lamunin mo pa yun ng buo.

"Eh bakit kailangan nauutal ka?"

 

"Ewan ko sa'yo Ate. Makaligo na nga."

 

 

 

Isang blouse na kulay blue tsaka fit jeans ang sinuot ko. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa full size mirror. Bakit pa ba ako nagbihis eh sa labas ng gate lang naman ako pupunta?

Sumilip ako sa bintana. Andun pa rin talaga ang kotse niya. Lumapit ako sa kama ko at ibinagsak ang katawan ko. Nagpagulong-gulong ako.

Pupuntahan ko ba siya o hindi?

 

 

Kapag pinuntahan ko siya. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya?

 

At kapag hindi naman. Ewan ko na lang.

 

Naiiyak na talaga ako. Pero wala namang luhang lumalabas. Kung kelan gusto mo umiyak ayaw. Kung kelan mo naman pinipigilan saka tumutulo.

 

"Yana ano pang ginagawa mo diyan?"

 

"Bakit?"

 

"Anong bakit? Hindi mo pa rin ba pupuntahan iyong admirer mo?"

 

"Ewan ko."

 

"Ewan mo?"

 

Bumangon ako sa pagkakahiga.

"Ate Lena may ipagtatapat ako."

 

Lumapit siya sa akin at naupo ako sa tabi ko.

"Iyang nasa labas."

 

"Ano?"

 

"Ano kasi..."

 

"Sinabihan ko na kasi yan na layuan ako eh. "

 

"Ginawa mo yun? Nasisiraan ka na ba ng bait?"

 

Napakunot ang noo ko. Ako nasisiraan ng bait?

"Ang gwapo-gwapo niyan tapos pinapalayo mo? Dapat sinusunggaban mo na agad yan. Baka maagaw pa yan ng iba. Kung ako lang may admirer na tulad niyan ewan ko na lang."

 

"Ate naman eh. Wala ka namang kwentang kausap eh. Hindi ko nga admirer yun. Sira-ulo pa yun. Bigla ba naman sinuntok ang kaibigan ko."

 

"Sinuntok niya kaibigan mo? Bakit naman?"

 

"Aba malay ko sa kanya. Kaya nga sira-ulo eh. Bigla-bigla na lang nagagalit. Niyakap lang naman ako ni Mark sinuntok na kaagad niya. Tapos ngayon naman andiyan siya sa labas ng bahay."

"Eeeeeeeeeehhhhhhhhhh."

 

Napatakip ako sa tenga ko.

"Ate huwag ka ngang sumigaw diyan. Para kang baliw."

 

"Waaahhhhhh. Kasi naman no. Nakakakilig."

 

Tinaasan ko siya ng kilay. Nakakakilig? Alin naman kaya sa sinabi ko ang nakakakilig? Baka nakakaasar pwede pa.

"Grabe Yana. Ang sweet naman ng admirer mo. Imagine, pinuntahan ka talaga niya dito at hinintay ng magdamag. Sana makahanap din ako ng tulad niya."

 

"Talagang pinapangarap mo na makatagpo ng tulad niya? Wala nang katulad niya. Nag-iisa lang yan sa mundo. Kaya kalimutan mo na yang pangarap mo. Kung ayaw mo magsisi sa huli."

 

"Kontrabida ka na pala ngayon sa buhay ko?"

 

"Concern lang ako sa'yo. Isang malaking pagkakamali na pangarapin mong makatagpo ng tulad ng ungas na yun."

 

"O siya hindi na. Sayong-sayo na iyong admirer mo."

 

"Hindi ko nga yun admirer."

 

"Ewan ko sa'yo Yana. Ang mabuti pa lumabas na tayo."

 

"Samahan mo ko?"

 

"Hindi mo na kailangang maki-usap. Dahil sasama talaga ako."

 

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tumayo. Hindi pa man kami tuluyang nakakababa ng hagdan ay paakyat naman ang kapatid ko.

"Good morning Sir Edrian." bati ni Ate Lena.

"Good morning. Princess may pupuntahan ka ba?"

 

"Ahhh. Ano. Pupunta ako ng mall Kuya." Alangan namang sabihin ko na sa labas lang may ungas na pupuntahan.

Tumingin siya sa wristwatch niya. Naramdaman ko naman ang pagkurot sa'kin ni Ate Lena. Pinandilatan ko lang siya.

"Pero maaga pa. Hindi pa bukas ang mall."

 

Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Ate Lena. Oo nga pala. Nakalimutan ko. Eight pa lang pala.

"Almost an hour din naman ang biyahe papuntang mall. Kaya malamang bukas na yun pagdating ko."

 

"Okay."

 

Nakahinga ako ng maluwag.

"Sabay na tayo."

 

Nanlaki ang mga mata ko.

"No need Kuya. I can go by myself."

 

"Pupunta rin naman ako ng mall. So sabay na tayo."

 

Wala talagang rising tone ang sinabi niya. Ibig sabihin hindi siya nagtatanong. Nag-iinsist siya. Patay ako nito.

"I'll just go upstairs to change."

 

"Okay." Wala na akong magagawa kung hindi ang pumayag.

"Yana bakit ka pumayag? Paano na yung admirer mo sa labas?"

 

"Eh anong magagawa ko? Magtataka yun kapag hindi ako pumayag."

 

"Bakit mo naman sinabi na pupunta ka ng mall gayong sa labas ka lang naman ng bahay pupunta?"

 

"Hindi pwede. Ayaw ni Kuya sa lalaking yun."

 

"Bakit naman?"

 

"Ewan ko sa kanya. Basta sinabi lang niya. He's no good for me."

 

"Ganun ba. Sige sumama ka na lang kay Sir Edrian. Huwag mo na lang puntahan yung admirer mo."

 

"Ang bilis magbago ng isip Ate ah. Kanina lang pinipilit-pilit mo ko na puntahan na siya tapos ngayon huwag na."

 

"Kasi naman no. Ayaw naman pala ng Kuya mo dun. Baka mamaya kapag nalaman niyang kinunsinti kita ay masisanti pa ako ng wala sa oras."

 

"Laglagan to Ate ganun?"

 

"Ito naman tampo kaagad."

 

"Eh ano nang gagawin natin ngayon? Paano kung hindi pa rin iyon umalis diyan? Baka pati mga kapitnahay natin magtaka na. Magkagulo pa dito."

 

"May naisip ako Yana."

 

"Ano?"

 

"Halika dito."

 

Lumapit naman ako sa kanya gaya ng sinabi niya. Tapos ay ibinulong niya sa akin ang plano na naisip niya. Napatangu-tango naman ako kahit na medyo nag-aalangan ako.

"You ready Princess?"

 

Tinanguan ko lang ang kapatid ko. Pakiramdam ko kasi hindi ako makapagsalita sa sobrang nerbiyos.

Sumakay na kami sa kotse niya. Si Ate Lena ang nagbukas ng gate para sa amin. Saktong kakalabas lang nang kotse sa gate ng sinabihan ko ang kapatid ko na ihinto. Nagtataka siyang napatingin sa'kin.

"I forgot something."

 

Binuksan ko na agad ang pinto ng kotse at lumabas. Lumapit naman sa akin si Ate Lena tulad ng plinano namin. Pinilit kong huwag tumingin sa direksiyon kung nasaan ang kotse niya. Baka mapansin niya na tumingin ako magkandaletse-letse pa tong gimik namin.

"Sigurado ka ba dito sa plano mo Ate?"

 

"Oo. Akong bahala. Ngayong nakita ka niyang umalis malamang aalis na din yan. Huwag kang mag-aalala."

 

"Sabi mo eh. Sige balik na ako sa kotse. Baka makahalata pa sila."

 

"Sige."

 

Papasok na ulit ako sa kotse ng sumigaw si Ate Lena.

"Bye Miss Yana. Bye Sir Edrian. Enjoy." Nilakasan talaga niya. Nagpaparinig lang?

Pumasok na ako.

"What did you forget."

 

"Cellphone ko."

 

"Okay." sabi niya tapos pinaandar na niya ang kotse.

Ten minutes siguro after naming makalabas ng subdivision ay nag vibrate ang phone ko. Tiningnan ko agad kung ano yun. Nag text si Ate Lena.

Umalis na siya Yana. Sucess.

 

Nakahinga ako ng maluwag sa nabasa ko. Parang natanggal iyong mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung hindi pa din siya umalis.

Kabubukas pa nga lang ng mall ng dumating kami. Buti at tumama kahit papaano ang pagsisinungaling ko.

"What are you gonna buy Princess?"

 

Napatanga ako. Wala ako maisip. Inikot-ikot ko ang paningin ko. Baka may makita ako. At may nakita nga ako. Hinila ko agad ang kapatid ko palayo. Paano ba naman kasi. Andito ang ungas. Andito siya sa mall.

Anong ginagawa niya dito? Sinusundan ba niya ako? Naman. Hindi ba talaga niya ako patatahimikin kahit sandali?

Hinila ko si Kuya papasok sa Jollibee.

"Kuya kain muna tayo. I'm hungry."

 

"Okay. Pero lipat na lang tayo sa iba. Sa medyo fine."

 

Nakita ko na napadaan ang ungas. Napayuko naman ako ng konti. Panay ang tingin nito kung saan. Mukhang may hinahanap. Sana lang hindi ako yun.

 

Nang lumagpas na sa Jollibee ang ungas ay hinila ko na naman palabas ang kapatid ko.

"Kuya. Nagtext friend ko. Andito din daw siya sa mall. Puntahan ko lang ah?"

 

"I thought you're hungry?"

 

"Hindi pa naman ako sobrang gutom. Pupuntahan ko na lang muna friend ko."

 

"Okay. Asan ba siya? Samahan na kita."

 

"Huwag na."

 

Nagtatakang napatitig siya sa'kin.

"Mahiyain kasi yun Kuya eh. Kaya ako na lang. Don't worry I'll take care of myself."

 

Tumingin muna siya sa wristwatch niya.

"Sabagay it's almost time para sa usapan namin ng friend ko. Just call me if there's any problem. Let's just see each other at lunch? I'll just text you kung saan tayo magkikita. "

 

"Yeah. I will. Bye Kuya."

 

Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Umalis na kaagad ako though hindi ako sure kung saan ako pupunta. Humiwalay ako sa kapatid ko dahil mas madaling umiwas kung ako lang mag-isa.

Ang bilis nang lakad ko but at the same time sobrang ingat. Baka mamaya bigla ko na lang makabangga iyong ungas na yun. Maliit lang ang mundo at lalo namang mas maliit itong mall.

Lakad ako ng lakad. Tingin nang tingin. Hahakbang na naman sana ulit ako ng makita ko siya. Palapit siya sa'kin. Pero hindi pa rin niya ako nakikita kasi panay ang tingin niya sa ibang direksiyon.

Wala na akong pwedeng puntahan. Idinikit ko na lang ang sarili ko sa pader. Iyon bang parang pader lang din ako. Sana iguana na lang ako para mag camouflage lang ako. Ipinikit ko ang mga mata ko. Natatakot akong dumilat kasi baka pagdilat ko andiyan na siya sa harap ko.

Nakarinig ako ng tumatawa. Kaya naman iminulat ko ang mga mata ko.

Tinatawanan ako ng ilang napapadaan. Naiilang na nginitian ko lang din sila sabay dahan-dahang lumayo sa pader. Tumingin ulit ako sa paligid. Wala ang ungas. Hindi niya ako nakita. Seryuso? Hindi talaga niya ako nakita? Effective pala ang pag camouflage ko. Magawa nga ito ulit.

Ipinagpatuloy ko na ulit ang paglalakad ko. Napatigil ako kasi nakikita ko na naman siya. Though hindi ko naman talaga siya directly nakikita. Nakikita ko siya sa salamin. Panay pa rin ang lakad at tingin niya.  Mukha siyang galit. May bago ba?

Mukhang nakaparugged din ng itsura niya. Talaga nga kayang magdamag siyang nasa labas kagabi? Parang napakaimposible. Baliw lang ang gagawa ng ganun.

Titigan ko siya sa salamin. Bakit ganun. Kahit na napakasuplado ng mukha niya. Kahit na nanlalalim na ang paligid ng mata niya. Ang gwapo pa rin niya. Ang dami pa ring mga babaeng napapatingin sa kanya. Mga malalandi talaga.

At bakit parang nagagalit ako? Pakialam ko kung pinagtitinginan siya ng ibang babae?

Lumapit ako ng konti sa salamin kasi hindi ko na siya masyadong makita. Mukhang nawawala na siya sa circumference na kayang abutin ng salamin. Hanggang sa hindi ko na nga siya makita.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Alam ko nasa malapit lang yun. Kailangan makita ko na siya bago pa siya ang unang makakita sa'kin.

"Diana."

 

 

"ANAK NG PATAY NA PATING!"

 

Napahawak ako sa dibdib ko sabay lingon sa tumawag sa akin.

 

 

 

 

 

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

16.5K 272 8
100 days back in High school. (Short Story) Si Charlotte, isang career woman, matalino, succesfull, at pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero sa kabila...
260K 17.7K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.1K 124 15
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang binata na nakatira sa maliit na apartment, palagi siyang binubugbog ng mga gangster sa daan dahil gusto ng mga g...
Find My Way Home بواسطة lex

القصة القصيرة

26.1K 1.1K 34
Home is where our story begins, and ends. [Highest Rank: #89 in Short Story] [Completed]