THE BLACK DEMON'S HEART

Door AllukaLuka

270K 6.7K 1.6K

Isang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat pa... Meer

PROLOGUE
PART 1 ~ BANGUNGOT
PART 1.2 ~ HABULIN..
PART 2 ~ TUGISIN
PART 2.2~ WANTED
PART 3~ KUTOB
PART 3.2 ~ PUGAD
PART 4 ~ KUTA
PART 4.2 ~ BLACK DEMONS
PART 5 ~ ISA
PART 5.2 ~ DALAWA
PART 6 ~ PART TIME JOB
PART 6.2 ~ PRANING
PART 7 ~ TULOG
PART 7.2 ~ GISING
PART ~ 8 "S"
PART 9 ~ BISTO
PART 10 ~ TROUBLE
PART 11 ~ XXX
PART 12 ~ BLACK NOTE
PART 13 ~ BAD OMEN
PART 14 ~ PROJECT
PART 15 ~ MY DAY
PART 15 ~ MY DAY PART 2
PART 16 ~ MY DAY-NGEROUS 2
PART 16 ~ MY DAY~NGEROUS 2.1
PART 17 ~ THE END
PART 18 ~ REWIND
PART 19 ~ DEMON'S PARTY
PART 20 ~ CAR WASH
PART 21 ~ MAGAZINE
Part 22 ~ THE LOST MONKEY
PART 23 ~ DEMON'S LAUGH
PART 24 ~ PATAY MOMENTS
PART 25 ~ WEIRD MOMENTS
PART 26 ~ MALAS
PART 27 ~ TATTOO
PART 28 ~ SWIMMING
PART 29 ~ LESSON
PART 30 ~ TABLE MANNER
PART 31 ~ THE LUNCH
PART 32 ~ SHOE
PART 33 ~ FAST-FOOD
Part 34 ~ PHOTO SHOOT
Part 35 '~ DA OTOR ISH BAK!!
PART 36 ~ DEMON'S FOOD
PART 37 ~ INVITATION
PART 38 ~ BETRAYAL
Part 39 - That Girl
PART 40 ~ UNEXPECTED
Part 41 ~ Date with a Demon
Part 42.1 ~ The Date
Part 42.2 ~ THE GAME
Part 44 ~ RAMDAM
PART 44.2 ~ DONUT
PART 45 ~ IWAS
Author's Note
Part 45.1
Part 46 ~ Opening
Part 46.1
Part 46.2 ~
Part 47 ~ Beginning
PART 48- Her Heart
Part 49.1 ~ The apple
Part 49.2
Part 50 ~ Quest
PART 51 ~ Larawan
PART 52 - Family
PART 53 - Photos
PART 54.1 ~ SONG
PART ~ 54.2 OLD MANSION
PART 55.1 ~ GARDEN
PART 55.2
Part 56 - HISTORY

Part 43 ~ The Visitor

2.7K 102 24
Door AllukaLuka


Sunod-sunod ang malalakas na katok na nanggagaling sa labas. Kanina ay banayad lang ang ginagawa nito, ngunit inabot na ito ng sampung minutong mapayapang pagkatok ay wala pa ring nagbubukas ng pinto, kaya naman gumamit na ito ng pwersa. Lumipas ang ilang minuto at tila wala pa ring nakakarinig sa katok na nakakakuha na ng atensyon ng mga tao sa paligid. Wala ni isa man sa kanila ang may balak na pagbuksan ang istorbo sa kanilang pagtulog. Una, dahil pare-parehas silang puyat. Pangawala, may hangover pa silang dapat itulog. At pangatlo, masarap matulog. At kung wala silang balak na tumayo upang buksan ang pinto, wala rin balak tumigil ang kumakatok ng pinto.

Bumalikwas si Valeria at kinalabit, gamit ang paa, ang kung sino mang nasa paanan niya. "Pinto," nakapikit niyang sabi.

Ungol lang ang sagot nang nasipa ni Valeria. Nakatalukbong ito ng kulay pulang kumot na hindi umabot sa paa. Panay lang ang ungol nito sa ginagawang pagkalabit ni Val na nauwi sa sipa. Bumalikwas ulit si Valeria at mas malakas na sipa ang natamo ni Nari kaya napaupo siya nang nabibigla.

"May kalaban! May kalaban!" ani Nari na ginawang baril ang kamay. Sabog ang buhok niya at nanlilisik ang mga matang ginala sa paligid. Mabilis siyang gumapang sa sahig at pinagbabaril ang pader.

Binato siya ni Val ng unan. "Gagi! Yung pinto buksan mo!"

Natigilan naman si Nari at bumalik sa pwesto niya kanina. Magkukumot na sana siya nang tinamaan siya ulit kay Valeria.

Napatayo na parang robot si Nari at lumabas sa kwarto na tulog pa ang diwa. Dere-deretso siya sa paglalakad at hindi pinansin ang mga nagkalat na katawan sa sahig na tulog-mantika. Kalahati lang ng mga mata niya ang nakabukas, antok na antok pa ang itsura niya at ang bigat ng ulo niya. Ngunit iba ang pakiramdam niya sa kanyang katawan, parang papel sa gaan na hindi niya mawari.

Binuksan niya ang pinto. Bumungad sa kanya ang isang pigura ng babae. Maliit ang babae at may maiksing buhok. Naka-floral dress ito na tenernuhan ng bulaklaking sombrero. Kahit pa matagal nang lumipas ang summer ay feel na feel nito ang outfit na naka-shades pa. May dala-dala rin itong malaking maleta at mukhang magbabakasyon lang sa Boracay ang dating.

Napangiti sa kanya ang babae na sa tanya niya ay....basta hindi na fresh. Dumilat nang pagkalaki-laki ang mga mata niya nang mapag-sino ito. Kumurap siya ng mga isang daan at baka dinadaya lag siya ng isipan niya. Tila nawala ang hangover niya nang magsalita ito.

"Hello hija," masigla nitong bati.

Imbes na batihin ito ay mabilis niyang sinarado ang pinto. Ni-lock niya iyon, sa gitna sa taas at sa baba. Hindi pa siya nakontento at kinabit ang door chain tsaka siya kumaripas ng takbo papunta sa kwarto. Wala siyang paki kung may limang tao o mahigit pang umungol at umaray sa pagtakbo niya. Ang mahalaga ay marating niya ang kinaroroonan ng mga kaibigan niya.

Kinalabit niya si Val. Kahit sadista ang kaibigan nilang ito ay siya lang, kahit papaano, ang may maayos na pagiisip.

"Ano ba!?" sigaw nito sa kanya nang hindi na lang kalabit ang ginawa niya. Napakagat siya sa kuko ng daliri niya. "Inaantok pa ako," angil ni Val.

Niyugyog niya ulit si Val nang bumalik ito sa pagtulog. "Valeria," parang batang nagpapansin sa nanay na sabi ni Nari.

"Nari!" inis na sabi ni Val. "Wag kang istorbo. Kung naiihi ka, umihi ka na d'yan sa salawal mo." +__+

"Hmmp. Hindi kaya ako naiihi! Pero ang sakit ng ulo ko. Ba't masakit to? Ano'ng ginawa niyo sa akin? T^T"

Napatakip ng tainga si Val. Wala itong balak patulan ang kadramahan ni Nari. At lalong walang nagpumilit sa kanya na lumaklak ng alak. Nag-perform tuloy siya kagabi nang hindi niya namamalayan.

Bumalik ulit siya sa pagyugyog kay Val nang mapansin hindi siya nito pinakikinggan. Naalala niya ang di inaasahang bisita nila."Val...si tita Sandy nasa labas," ipit ang boses niyang sabi.

"Oh di papasukin mo." -__-

"P-pero."

Hindi na nito pinansin si Nari at bumalik na ito sa pagtulog. Pinagbuksan na nga yung tao hindi pa pinapasok, anito sa isip. Ang liit na bagay para istorbuhin pa ito sa pagtulog nito.

Kasabay nang paglabas ni Nari sa pinto ng kwarto ay ang pagmulat ng mga mata ni Valeria. Napaupo ito at mabilis na tinawag si Nari nang magsink-in sa utak nito ang sinabi niya.

"Si t-tita Sandy?"

Napatango-tango si Nari. Napatayo at mabilis na ginising ni Val sina Syn at Carol na sarap na sarap sa pagtulog. Okay lang sana kung si Carol lang ang madadatnan ng bisita nila pero hindi. May sabit silang labing-dalawa!

Naunang nagising si Carol ngunit wala pang dalawang minuto ay natumba ulit ito at bumalik sa paghilik. Si Syn naman ay parang uod sa gilid habang sarap na sarap sa pagtulog. Nang ayaw magising ni Syn ay sinigawan na niya ito na may kasamang kurot.

"Synella andito ang mama mo!"

.....

"Dios ko." Napapikit ang mama ni Syn sa narinig. Hindi ito makapaniwala na madadatnan niyang may kinakasamang mga lalaki na ang mga bata. Noong huling bisita niya sa mga ito ay tansan lang ang kinokolekta nila, ngayon lalaki na. Aaminin niyang masyado siyang naging kampante. Paano na ang pangarap niya para kay Synella na makapag-asawa ng mayaman? Imbes na masopresa sila ay siya naman itong nasopresa. Mabuti na lang at wala siyang sakit sa puso dahil kung hindi naitakbo na siya sa ospital.

Kinausap muna niya ang tatlo bago niya kakausapin nang masinsinan ang mga mukhang sangganong lalaki. May kasama silang isa pang babae na ngayon lang din niya nakita. Sa itsura nito ay mukhang ito ang nangimpluwensya sa kanila. "Saan niyo nakilala ang mga iyan?"

"Kasama po namin sila galing sa lamay ka—" Pinutol ni Aling Sandy ang sagot ni Nari.

"Sa lamay? Ano ba naman kayong mga bata kayo." Lalong siyang nanlumo sa narinig. Kahit hindi niya kadugo ang mga batang ito ay tinuring na niyang mga anak din sina Val at Nari. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang o gurdians nila pagnalamang nakikisama na ang mga ito? Hindi siya makapaniwala nang makita niya ang mga lalaking iyon na parang samahan ng mga kulto dahil halos lahat ay nakaitim. Higit sa lahat ay hindi niya inaasahan na ang abnormal niyang anak ay mahihilig sa lalaki. Ni hindi nga marunong maggupit ng kuko o magbunot ng buhok sa kili-kili ang dalaga niya. Ano na lang ang sasabihin ng papa niya pagnalaman ito?

"Nakita niyo ba ang mga itsura nila? Para silang mga sanggano, mga..mga batang walang mapupuntahan sa buhay," mariin niyang sabi sa mga ito.

"Tama po kayo d'yan mama," segunda naman ni Syn na napatayo pa.

Binato niya ito ng tsinelas. "Upo."

Napalabi na lang si Syn habang hinihimas ang binting natamaan.

"Ano'ng ipapakain sa inyo ng mga iyan? At ang dami nila.. tatlo lang kayo plus iyong isa pa don!" hindi makapaniwala niyang bulalas.

"Nagsasaing naman po ako lagi tita," sagot ni Nari.

"Narimar!" hindik na sabi nito.

Tumahimik na lang sila sa walang humpay na sermon niya. Mabuti na lang pala at naisipan niyang bisitahin ang anak. At kung natagalan pa siya malamang dalawa na ang sasalubong sa kanya. Napahinto siya sa pagdradrama at mabilis na nilapitan ang anak. Hinawakan niya ang tiyan nito.

"Jusko! Jusko! Synella ipalaglag mo yan."

"Ho?" naguguluhang sabi ni Syn. "Aray Ma, wag mo pong hilutin ang t'yan ko. Hindi naman masakit eh," napapakamot na sabi ni Syn. "Tsaka hindi ko pa mailalaglag ma. Mamayang gabi pa yan."

Napailing siya nang marahas. "Alam kong kasalanan ito..pero ang babata niyo pa. Hindi ko ito matatanggap." Napahikbi ang ginang at nagsimula silang matranta.

"Mama," nag-aalalang sabi ni Syn. "Hindi nga masakit."

Nasa mukha ng tatlo ang pagkatuliro. Hindi nila malaman kung bakit nangkakaganun ang nanay ni Syn. Ilang sandali ring nanahimik ang ginang at nag-isip nang mabuti. Napagtanto niya na napakasama pala niyang ina para mag-isip ng nakakahindik na bagay.

Inabot ni mama Sandy ang mukha ni Syn. "P-patawarin mo ako sa nasabi ko. H-hindi ko dapat sinabi iyon."

"Ang alin po ma?" Nagtataka at nag-aalalang tanong ni Syn.

"Ay teka anak, tabingi yang gupit mo," pansin niya sa maikli nitong buhok. Mukha tuloy silang kambal dahil parehas sila ng gupit liban lang sa bangs na naka-side ang kay mader.

"Mama naman eh," nakasimangot na sabi ni Syn.

Bumalik siya ulit sa pag-iyak. "A-alagaan natin ang bata anak."

"Bata?" kuros nilang tatlo.

"Papunta pa lang kayo pabalik na ako," matatag at makahulugang sabi ni mama Sandy. "Kalimutan na niyo ang pagpapalaglag sa mga bata. Panindigan niyo yan," aniya sabay turo sa maumbok na tyan ni Synella.

"Ha!?" bagsak ang panga nila sa narinig.

"Ay teka, sino sa kanila ang ama? Ang dami nila ha," naguguluhang tanong niya.

"Ma!" hindik na sabi ni Syn. "Nagkakamali kayo ng iniisip." -__-

"Sa tingin ko tita ibang daan po iyong dinaanan niyo," ngiwi namang sabi ni Val.

Nagpalipat-lipat lang nang tingin ang may edad ngunit charming pa rin na nanay ni Syn.

"Ganyan talaga t'yan ko ma. Hindi pa kasi ako natutunawan!" inis na sabi ni Syn.

"Weh?" diskompyado nilang sabi.

.......

"Kumain kayo nang mabuti ha. Mabuti na lang pala at madami akong dalang sariwang gulay," malawak ang ngiting sabi ni mama. Naawa na ako sa labi niya sa sobrang lapad ng ngiti niya. Konti na lang at parang mapupunit na iyon.

Masaganang nagsikain naman ang mga demonyo. Wala na ang tensyon na dala ni mama kanina. At dahil inabot na kami ng madaling-araw at sa ulang nananadya ay hindi na umuwi ang mga demonyo. Ayoko nang isipin pa ang nangyari kagabi dahil baka magkusa akong maghukay ng libingan ko. Basta ang alam ko lang ay nagpamalas si Nari ng talent niya. Ang dami naming guests dahil sa kanya. Pati ang nanahimik na kaluluwa ni Jose Rizal ay sumapi na sa kanya. Muahahahaha! Naribang talaga ang babaing to.

"Wow tita, ang sarap ng luto mo," sabi ni H.

Yan, tawagin daw siyang tita ng mga demons. -__- Samantalang kanina balak na niyang tapusin ang mga buhay ng mga ito. Halos ilabas na niya ang laser sword ng Voltes V.

Sumubo ako ng sariwang karot. Tss. Nalaman lang ang background ng mga ito nagbago na ang ihip ng hangin. Ang mama talaga, di na nagbago. Pagkatapos niya kaming kausapin kanina ay sinunod niya ang mga ito. Daig pa ni mama ang reporter kung makapaghukay ng itatanong. Magalang namang nagpakilala ang mga demons kay mama at ilang minuto lang ang lumipas ay close na ang mga demons sa mama ko.

"Synella!" nanlalaki ang mga matang sabi niya sa akin kaya napatigil ako sa pagkagat. "Kuneho ka ba para kumain niyan?" mahina ngunit may pagbabanta niyang sabi.

Napabuga ako nang hangin tsaka ko mabilis na sinubo ang natitira. Lumubo ang bunganga ko sa pagnguya.

Pinalo niya ako sa braso kaya napa-aray ako. "Ma!"

"Dalaga ka na Synella. Hindi ka na nahiya sa mga bisita mo."

"Sino'ng may sabing bisita sila?" asar kong sabi habang puno pa rin ang bibig kaya nagsisiliparan na ang mga piraso ng kinakain ko.

"Aish!" asar na sabi ni mama tsaka siniksik sa bunganga ko ang repolyo. "Pagpasensyahan niyo na ang anak ko minsan talaga may tama 'yan."

Kanino kaya ako nagmana? -___-)"

.........

Inayos ko ang bangs ko na feeling ko ay kumukulot na dala ng konsimisyong dulot ng mga demons. Gusto kong lukutin ang mukha ko at itago sa likod ng aking bangs. Otso kasing demonyong 'to. Kelangan pa ba talagang ihatid ko siya sa klase niya. Lechugas, pinagtitinginan tuloy kami. Ayoko pa namang maging visible sa school na 'to.

"Slow down rug doll, we're not on a race."

Napahinto ako tsaka napalingon sa hari. "May klase din kaya ako," angil ko sa kanya.

Pinagbantaan niya ako sa pamamagitan ng tingin. Tss. Pinaghintay niya ako sa harap ng school para lang ihatid siya. -__- Kinder ba siya at kelangan pag ihatid? Bigyan ko kaya siya ng mapa para di na siya mawala sa school na to?

Inantay ko ang tila nagpa-fashion na demon. Kung iyong ibang nilalang natutuwa sila puwes ako hindi. Ilang minuto na lang at mag-iistart na ang klase ko. -__- At dahil hindi ko na maantay ang usad pagong na demon ay sinalubong ko na siya. Kinuha ko ang kamay niya nang walang pasabi tsaka hinatak ang demonyo. Kung aantayin ko pa siya baka last subject na ako maka-attend.

"My, my! Look magkaholding hands na sila."

"She's so lucky!"

"Why that nerd pa?"

Napalingon ako sa paligid ko. Lalo yata kaming napansin dahil sa ginawa ko. Liningon ko ang hari habang kinakaladkad ko pa rin siya. Nagpapakaladkad naman ang demon at bored na bored ang itsura. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay namin.

Dug dug.

Napalundag ng mga tatlong beses ang puso ko sa magkahugpong naming mga kamay. Tumigil ako sa paglalakad tsaka inalis ang bara sa lalamunan. Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya. Nakaramdam ako nang panlalamig nang tuluyan nang nagkahiwalay ang mga kamay namin. Winaksi ko sa isipan ang anumang damdaming meron ako. Hindi dapat ako nakakaramdam ng panghihinayang.

Nagitilan ako nang biglang bumalik ang init ng kamay ko. Napatingin ako sa kamay na pumawi sa lamig na naramdaman ko at pagkatapos ay naglakbay ang paningin ko sa nagmamay-ari nito.

"Let's go," kaswal niyang sabi.

Otso.....

.........

"Hoy nerd, kinulam mo yung mga demonyo no?" nakataas ang kilay na sabi ni Mary.

Napailing ako nang marahan tsaka ako napangiti.

"Grabe, natitiis nila yang ganyang pagmumukha?" tila nasusuka namang sabi ng isa.

Lalo kong pinaluwang ang pagkakangiti ko nang lalo silang mabwisit . Wala akong balak patulan ang pagiging childish nila. -__- Mga inggiterang feelingera.

"Kung sa tingin mo natatakot kami sayo dahil binabakuran ka ng mga Black Demons then you're wrong," seryosong sabi ni Ellen.

Akala ko pa naman closed chapter na kami ng mga kontrabidang 'to.

"Magsasawa din sayo ang mga demons, lalong lalo na si X," dagdag pa niya.

Hindi ko inalis ang mapang-asar kong ngiti. Ngunit nakaramdam ako nang kaunting kirot nang marinig ang sinabi nito.

"X is coming girls," nanlalaki ang mga matang sabi ni Pam.

Para silang mga langgam na nabuhasan nang tubig at nagsibalikan sa kani-kanilang pwesto. Hindi pala takot ah. Tss.

........

"Excuse me," sigaw ko sa kanila. Sinenyas ko na maglalampaso ako kung saan sila nakaupo habang naglalaro ng video game.

Hindi ako pinansin nina X at L at pinagpatuloy lang ang paglalaro. Parehas silang seryoso na akala mo ay ginto ang pinaglalabanan nila.

Otso kelan ako matatapos nito kung di sila aalis. May nalalaman pang sundo-sundo tong hari na ito tapos ipapalinis lang pala ang hide out ng mga demonyo.

Napalingon ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Coach Marshall. Maluwang ang pagkakangiti nito na binati ang mga demons. Ilang araw na niyang sinusuyo ang mga demons na sumali sa nalalapit na Sports festival na gaganapin sa school, kasama ng mga elite at piling schools ang magtutunggali. Napili ang Everest University para maging host ng naturang taunang festival. Ayun kay coach ay halos Black Demons ang bumubuo sa basketball team ngunit ang iba ay nagfocus sa ibang sports. Iyon nga lang, sa di malamang dahilan ay hindi na naglaro pa ang mga ito.

Binati ako ni coach at binati ko rin siya ng may ngiti sa labi. Lumapit siya sa akin at bumulong. "Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Ganyang-ganyan kami nong kabataan namin, pinagsisilbihan namin ang aming mga irog."

Napangiwi ako sa narinig. Kung alam lang ni coach ang katotohanan sa bawat kilos ko. -__-

"Boys boys!" masiglang baling niya sa mga demons na walang paki kay coach. "Kailangan kayo ng school ngayon. Dalawang taon na tayong nalalampaso ng ibang school. Kayo ang pag-asa namin nang umangat ulit ang ating paaralan," madamdamanin niyang pahayag.

Parang dinaanan lang ng malamig na hangin ang emosyonal na talumpati ni coach. Ni walang huminto para tapunan man lang siya ng kahit patamad lang na tingin.

Sinenyasan ako ni coach na lumapit pa. "Ikaw na lang ang pag-asa ko Synella."

Napailing ako kay coach. Ayokong makisawsaw sa kanila. Tsaka mukha bang magpapanalo ang mga iyan? Kung sa basagan siguro ng mukha maniniwala pa ako at ipupusta ko ang buong lahi ko ng walang pagdadalawang-isip.

.....

Ano ba yan ang daming gagawin. Sumasakit na ang ulo ko. Sabay-sabay ba naman ang mga assignments tapos may long quizes pa. Inagaw ko ang librong ire-review ko na hawak ni X. Isa pa tong namimeste eh. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pag-aaral ko.

"I'm still reading it," aniya.

"Kasali ka ba sa quiz namin lord X?" tanong ko. Tinapunan niya ako ng libro na nailigan ko naman kaya nginisihan ko siya. Uulit pa sana siya nang tumikhim ang librarian. Kung ang akala ko ay hindi na siya uulit ay nagkamali ako. Para saan pa at naging hari siya ng mga demons kong mababahag lang ang buntot niya sa isang tikhim lamang? Kaya pinalipad niya ulit ang nadampot na libro at tumama iyon sa ulo ko.

Asar na demonyo.

Hinamplos ko na lang ang nadaling ulo tsaka pinulot ang libro. Hindi ako nahiyang ipakita sa kanya ang pagkaasar ko. Kung pwede lang ihampas tong mga libro sa kanya malamang ubos na yung mga nasa shelves. At sisiguraduhin kong Dictionary at Encyclopedia ang unang ihahampas ko sa kanya.

Inayos ko ang mga libro dahil magkasalubong na ang kilay ng librarian. Hindi lang niya masita si X kaya ako na lang ang pinagbubuntungan ng mga kilay niya. Ang plano ay mag-isa ko lang sanang magsusunog ng kilay dito sa library pero itong asungot na 'to dikit nang dikit. Hindi ko naman dala ang banal na hiyas para sundan ako nang sundan. Wala na akong klase kaya minarapat kong dalawin ang aking mahal na library. Nabibilang lang ang napapadpad dito na hindi na nakapagtataka dahil kaya naman nilang bumili ng sarili nilang library. At dahil isa akong dukha ay laking pasalamat ko kay inang silid-aklatan.

"Your head is harder than those books," nang-aasar niyang sabi. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Hindi ko alam kung vacant niya o nag-aaral pa ba siya at ng mga kampon niya. Mukha kasing hindi nila pinapasukan ang mga subjects nila. Inigaw niya ang librong hawak ko pero mabilis kong nilayo iyon.

Pinukol ko siya nang masamang tingin. "Wag mo kong istorbuhin madami akong gagawin."

"Tss. What time ka uuwi?" tanong niya habang nakasandal sa upuan,Nakatingin siya sa kamay niya na gumagawa ng tunog sa pamamagitan ng pag-tap sa handle ng upuang kahoy.

"Maglilinis pa ako mamayang 5 dito sa school," sagot ko naman habang pinapasadahan ang libro. Dinilaan ko ang hinlalaki ko tsaka nilipat ang pahina.

"What the f..."

"Ops!" pigil ko sa kanya. Tinapat ko ang hintuturo sa labi ko. "Ssshhh. Umuwi ka na kung wala ka ng gagawin dito sa school kamahalan. Hindi ako makakadaan sa kuta niyo. Nakita mo naman busy ako sa pagiging estudyante."

Akala ko naman ay aalis na ito kanina. Ilang miuto lang ang lumipas ay bumalik ito at may dala-dala ng aklat. Habang nakataas ang mga paa sa mesa ay nagbabasa din ito ng libro. Hindi ko maiwasang sumilip sa walang emosyon ngunit payapa niyang mukha. Masama na talaga ang epekto ng demonyo sa akin. Minsan naaakit na ako sa kahit sa simpleng pagupo niya lang.

Nakurot ko ang sarili tsaka pinilig ang ulo. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganoong bagay. Hindi ako naaakit, namamangha lang. Tama. Minsan nakakamangha siya umupo. Yun tama yun!

Napabuntong-hininga ako. Bakit parang pati sarili ko ay pinagsisinungalingan ko na?

Muli akong napatingin sa kanya. Sinandal ko ang kaliwang pisngi ko sa palad ko. Gusto ko siyang pakatitigan nang magsawa na ang mga mata ko at sa susunod ay natural na naman ang lahat.

"Don't stare at me rug doll. Hindi ako kasali sa quiz mo."

Napangiti ako. Hibang na yata ako at napangiti ako. Hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa kanya habang nakangiti pa rin. Binaba niya ang libro at naiiritang nakipagtitigan sa akin.

"What's that for?"

Napailing ako habang nakangiti. Hindi ko alam kung ano ring tama ko at feeling ko ay nagpapakyut ako sa demon na 'to. Pero sa totoo lang, totoo ang ngiti ko. Hindi ko alam basta napapangiti ako. Kung tutuusin halos araw-araw na kaming magkasama ng demon na to. At kahit madalas siyang tinutubuan ng sungay at buntot ay palagay ang loob ko sa kanya.

Bigla kong naalala ang pinakiusap ni coach Marshall. Malapit na kasi ang Sportsfest at walang balak si coach na tantanan sila. Balak ko sanang sumali sa track and field pero hindi na kaya ng schedule ko. Otso kasing mga demons na to malaking konsumo sila ng oras ko.

"Lord X pagbigyan mo na si coach. Wala namang masama kong maglalaro kayo."

Tinaas niya ulit ang librong hawak, The Little Prince ang pamagat nito. Napatayo ako at inagaw sa kanya iyon. Hindi ko pinansin ang nakakatakot niyang tingin. Paborito kasi namin ni Santi ang librong ito. Bago kami matulog noon ay kwinekwentuhan kami ni papa. Meron kaming copy sa bahay ngunit sobrang luma na at mukhang nanggaling pa sa ninuno ni papa ang itsura ng libro.

Biglang naglaho sa kamay ko ang libro. Inagaw iyon ni X sa akin.

"Pahiram!" napalakas kong sabi kaya nalingon sila sa amin.

Nilayo niya iyon sa akin at tinapunan ako nang nagbabantang tingin. Umupo ulit siya sa pwesto niya at pinagpatuloy ang pagbabasa. Napapalabing ibinagsak ko ang sarili sa upuan. Nangalumbaba ako at naninigkit ang mga matang tinitigan siya.

"At bakit ka nagbabasa ng pang taong libro?" masama ang loob kong tanong. Gusto ko kasing tignan kahit yung mga pictures man lang lalo na yung boa constrictor na lumunok ng elepante. Tsaka namimiss ko na ang pagkwekwento ni papa. T^T

Hindi niya ako sinagot kaya lalo akong naimbyerna. Padabog kong kinuha ang librong pag-aaralan ko. Tinuloy ko na lang ang pagrereview. Mamaya ko na lang hihiramin pagtapos na niya.

Balik kami sa tahimik naming mundo.Ni hindi ko napansin ang paglapit ni Q sa amin. May dala-dala itong makapal na libro. Naglalaro sa labi niya ang walang kamatayang ngiti niya. Ngunit hindi sa kanya napako ang mga mata ko kundi sa kasama niya—si Hana. Nakalugay ang kulay tsokolate at alon-alon niyang buhok. Simple lang pumorma si Hanah pero ang lakas pa rin ng dating niya. Kahit simple lang ang tabas ng bestida niya ay kitang-kita pa rin ang karangyaan. Parang bagay siyang maging commercial ng feminine wash, laging fresh ba. ._.)"

"Is it okay if we join?" nakangiting tanong ni Hana. Sa akin nakatutok ang nagniningning niyang mga mata. Almond shape ang mga mata niya samantalang sa akin rectangle. Ha-ha-ha. -.-" Hugis mata naman ang mga mata ko at marami din namang nagsasabi na maganda ito dahil mukhang buhay na buhay daw.

Natataranta namang akong sumagot ng oo. Nahihiya ako na naasiwa sa kanya. Napaangat ng tingin si X. Nagtama ang mga mata nila ngunit agad na nagbawi si X.

"Hi X!" bati ni Hanah. Hindi sumagot si X at nasa libro lang ang atensyon. "You're still reading that," manghang sabi ni Hanah sa binabasa ni X. Nasa tinig niya ang kasiyahan at lalong nagliwanag ang mukha niya. Umupo si Hanah sa tabi ni X at tinanaw ang libro. "Being grown-ups and to be a better grown-ups."

Tahimik akong nagmasid sa kanila. Ngunit ilang saglit din at ipinagpatuloy ko ulit ang pagbabasa na hindi naman na pumapasok sa utak ko. Kinausap ako ni Q tugkol sa copy ng anime na ipapahiram niya sa akin. Pero nasa kanila talaga ang atensyon ko. Nagiiba kasi ang timpla ng kapaligiran sa tuwing nakikita ko sila. May past kaya silang dalawa?

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko sa naisip. Hindi dapat ako nakikisawsaw sa damdamin ng mga demons. Napatayo ako. "Ay naku, may gagawin pa pala ako. Mauuna na ako mga lords.. at Miss Hana."

Liningon ako ni Hana. "Hana na lang," nakangiting sabi niya. Kahit di nagsasalita si X ay panay ang daldal ni Hana. Ngunit kahit nakapaskil ang seryoso niyang mukha ay walang indekasyon na tinataboy niya ito.

"H-hana," nahihiyang sambit ko. Kininditan niya ako kaya bigla akong namula. Otso, natitibo na ata ako ah.

Nagtaas ng tingin si X ngunit hindi ko sinalubong ang mga mata niya.

"I'll go with you," sabi niya kaya napalingon din naman ako sa kanya.

"No. I'll go with her."

Napalingon kaming lahat kay Q. "Marami pa kaming pag-uusapan," nakangiti niyang sabi.

Hindi ko alam kung matutuwa ako na nagprisinta si Q na samahan ako.Pero ang mahalaga ay makakalayas na ako at makakawala sa hari. Kasama naman na niya si Hana kaya hindi na siya mabobore. Pwe!

Ay bakit ang ampalaya ko sa huling naisip ko? -.-"

"O-okay," kako na lang.

"Don't tell me..." nanunudyong sabi ni Hana.

"Naku pag-uusapan lang namin ang anime. Kung paano kami makakapag-open ng portal papunta don ng masakop na namin sila," mabilisan kong sabi.

Napangiti nang maluwang si Hanah. "Okay," natatawa niyang sabi."Same interest huh," tudyo pa rin niya.

"Haha. Nakikipag-close ako kay lord Q para makahiram," kunwari ay bulong kong sabi. "Sige. Aalis na kami." Hindi naman sa ayaw ko kay Hana pero parang hindi ako komportable. Lalo kasi akong nanliliit pagkasama ko siya.

Hay naku, ang bad ko ata.Para kasing iniiwasan ko siya.

Nagpaalam na lang ako ulit tsaka mabilis na hinatak si Q paalis sa library. Hindi na ako tumingin pa kay X. At aamiin kong bagay sila at ako naman ay tao. >_>

"

&

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...