dedicated to kay Charlotte. Ang pinakalatest sa listahan ng nag follow sa'kin. Thank you so much...
iamhopelessromantic
James' POV
"Damn it."
Kanina pa ako naghihintay dito sa hallway. It's almost time for class pero hindi pa rin siya dumadating. She never came late. At kung malalate man siya, why now? Kung kelan hinihintay ko siya. Nananadya yata yun eh.
I can't contact her either. Lalo tuloy ako nag-aalala. After she left without saying a word, she's not answering any of my calls. Then the next thing I knew, she can't be reached.
"Lagot talaga siya sa'kin mamaya."
And speaking of my angel. Nakikita ko na siya. Napangiti ako.
Why the hell am I smiling?
I should be mad.
Yeah. I am mad. Basta na lang siyang umuwi ng hindi nagsasabi sa'kin and she ignored all my calls. Kaya dapat magalit ako sa kanya.
Kinunot ko ang noo ko. Lalapitan ko na sana siya kaya lang bigla na lang siyang tumalikod at naglakad pabalik.
I followed her immediately.
"Where are you going?"
She looked at me for a second and then look away. What the hell. There's something wrong with her. I can tell.
"Why aren't you answering my calls?"
"Why are you even calling in the first place?"
"Look at me." utos ko sa kanya. Pero hindi niya ginawa. She's talking to me pero hindi naman siya tumitingin sa mga mata ko. She isn't like this.
"I SAID LOOK AT ME."
Imbes sa gawin ang sinasabi ko ay naglakad na siya paalis. Hinablot ko ang kamay niya at iniharap siya sa'kin.
"Ano ba? Malalate na ako." she said staring at my hands in hers.
"That's not the way to your room."
"I forget something okay. Kaya pwede ba bitiwan mo na ako."
"Not unless you tell me what happened."
"Nothing happened okay. Masaya ka na?" This time tiningnan na niya ako sa mata.
I was right. Something really did happen contrary to what she is saying. Medyo namamaga ang mga mata niya. Higit sa lahat. Her eyes, it's the same back when I saw her in the cemetery. Malungkot.
"Tell me did you cry?"
"I don't know what you're talking about." she said looking away again.
"Why did you cry?"
She tried to get rid off my hands but she can't.
"ANO BA?"
"How many times do I have to tell you that I don't want to see you cry?"
"But you didn't see me cry damn it."
"That's the point. I didn't see you cry. I hate it more when you cry and I'm not around. So whenever you feel like crying try to stop it. And if you can't do it when I'm with you. Naiintindihan mo ba?"
"Pwede ba. I don't have time for your jokes."
"Who says I'm kidding?"
Bumuntunghininga siya.
"You're unbelievable." Nakawala siya sa pagkakahawak ko tapos ay tinalikuran agad ako. Pero nahabol ko pa rin siya.
"We're not done yet."
"Just what the hell do you want?" What the hell do I want?
"I'm worried about you."
"Worried? Are you serious?"
"You just left. And you didn't answer my calls. Papaanong hindi ako mag-aalala?"
"Will you. Will you just stop this?"
"Stop what?"
"Whatever you're doing." Whatever I'm doing?
"Just what do you mean by that?"
Hindi niya ako sinagot. Tatalikuran na naman sana niya ako pero pinigilan ko siya.
"Tell me, did I do something wrong?"
"Wala."
"Then why are acting like this? Why are you avoiding me?"
"Because that's what I should have done in the first place."
"What?"
"You didn't do anything wrong. So don't worry. It's just that you didn't do anything right."
"What the hell---"
"Hey James."
Nilingon ko iyong tumawag sa'kin. Si Albert. Kahit kelan istorbo.
"WHAT?" galit na sigaw ko. Tapos paglingon ko umalis na si Diana.
"Damn it."
"Ang aga-aga ang init ng ulo natin ah."
"Get lost." Iniwan ko na siya.
Diana's POV
Binilisan ko ang paglalakad ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nahabol na naman niya ako. Pumasok ako sa comfort room. Ini-lock ko agad ang pinto. Buti walang ibang tao.
Napasandal ako sa pinto. And then napatingin ako sa salamin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kinakabahan ako na naiinis. Naiiyak na natatawa. Nababaliw na yata ako.
Ang ungas na yun. He's worried about me? Huh! Ganun ba talaga katanga ang tingin niya sa'kin at kung anu-anong kalokohan ang pinagsasabi niya?
He's just curious. So ganito pala siya kapag nacucurious? Now I know.
Inayos ko muna ang sarili ko. Like may aayusin talaga. Huminga ako ng malalim. Hindi ako dapat maapektuhan ng ganito. Sino ba siya para maapektuhan ako? Isa lang naman siyang ungas na walang magawang matino sa buhay.
Except for being a jerk. He's nothing.
Natapos ang lahat ng klase namin na wala man lang akong naalala kahit konti. Kung nagkataong nag quiz teacher namin sigurado itlog ang makukuha kong score.
Kung bakit kasi hindi man lang ako makapagconcentrate. Kasalanan niya talaga to. I hate him so much.
"Hi miss! Pwede makipagfriends?"
Isinara ko muna ang locker ko at tinatamad na nilingon ang nagsalita. Isang teddy bear ang nasa harap ko.
"Mark?" Ibinababa na niya ang teddy bear. At hindi nga ako nagkamali. Dahil iyong teddy bear na dala niya ay iyong teddy bear na ibinigay niya sa'kin kahapon. Medyo naguilty ako. Dahil sa pagmamadali ko ay nakalimutan kong dalhin ang teddy bear na bigay niya. Actually nakalimutan ko talaga ang tungkol dun. Kung hindi ko pa ito nakita ngayon I wouldn't remember it at all.
"Sobrang nalulungkot itong si Simon." malungkot niyang sabi. With matching pout pa ng lips.
"Simon?"
"Itong teddy bear."
Napatango ako. "Okay. At bakit naman?"
"Kasi ayaw sa kanya ng amo niya. Iniwan na lang siya ng basta-basta."
Inabot ko sa kanya ang teddy bear.
"Kung sino man yun. She must have lost her mind. Ang cute-cute kaya nitong si Simon."
Nag-smile na siya sa sinabi ko.
"Thanks Mark. And I'm sorry. Nagmamadali lang kasi talaga ako."
"It's fine. I understand."
Hinug ko si Simon. Parang narelax ako ng niyakap ko siya. Kaya lang at the same time bigla akong nalungkot. Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi ko mapigilan ang sarili ko na maluha.
Naramdaman ko ang kamay ni Mark sa mata. Pinahid niya ang luha ko.
"Is there anything wrong."
Bago ko pa man masabi sa kanya na "wala" ay tumulo na naman ang mga luha ko.
He brought me into a hug. And his hug has made a signal. Lalong lumakas ang pag-iyak ko. Na kahit anong pagpipigil ang gawin ko ay hindi ko magawa. Parang may sariling utak ang mga luha ko, at ang gusto nila ay tumulo.
"You know you can always tell me if there's anything wrong. I'd be more than willing to listen."
Lalo akong napaiyak. How can I tell him what's wrong kung kahit ako hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
I tried to pull myself together. Pero bago ko pa man magawa yun bigla na lang napakalas sa pagkakayakap sa'kin si Mark. And then the next thing I see nakahandusay na siya sa sahig. Nathaniel hit him. Parang biglang umatras ang lahat ng luha ko sa sobrang shock. Ni hindi ko magawang magsalita. Sinubukang makatayo ni Mark. I was about to help him pero bigla na lang akong kinaladkad ni Nathaniel. Dahil doon nabitawan ko iyong teddy bear na hawak ko.
Napatingin na lang ako kay Mark habang kinakaladkad ako palayo. Marahas niya akong isinandal sa pader. Nanlilisik ang mga mata niya sa sobrang galit.
"Didn't I tell you na ayoko na umiiyak ka ng wala ako? And worst you're crying in front of someone else. Sinusubukan mo ba talaga ang pasensiya ko?"
Naikuyom ko na lang ang palad ko. Siya pa ngayon ang galit. Pagkatapos ng ginawa niya sa pa ang may ganang manumbat.
"Tell me. Masaya ka ba sa ginawa mo?"
"What?"
"I'm asking you. Masaya ka ba sa ginawa mo kanina?"
"Do I look like happy?"
"Hindi. Kaya nga hindi ko maindihan kung bakit mo ginawa yun. Hindi ka naman pala magiging masaya. Then why do you have to hurt him?"
"You're asking me why? That bastard is hugging you."
Iyong nakakuyom kung palad. Ibinuka ko yun at biglang pinaglanding sa pisngi niya. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na masampal siya. Napahawak siya sa pisngi niya at lalo namang nanlisik ang mga mata niya.
"Huwag na huwag mo siyang mumurahin. For your information, in case na hindi mo alam, iyong taong sinaktan mo happened to be my friend. He's one of my bestfriends. So don't you dare call him like that. Tsaka ano naman ngayon kung yakapin niya ako? Like I said kaibigan ko siya at wala akong nakikitang masama kung yakapin ako ng kaibigan ko."
"Walang masama? Have you ever thought of how I would feel?"
"I'll returned the question. Have you ever thought of how I would feel? Naisip mo ba kung anong mararamdaman ko nang sinuntok mo si Mark? Obviously hindi. Cause if you did hindi mo yun gagawin in the first place. Napakaselfish mo kasi. Sobrang selfish mo. Wala ka nang nakikita kung hindi ang sarili mo. Wala ka nang ibang naiisip kung hindi ang nararamdaman mo. You just do as you please. And it doens't matter kung makasakit ka nang iba ang mahalaga magawa mo ang gusto mo. And now you're asking me to care about how you feel? Since you don't care about how I feel then it would be just fair that I wouldn't care about how you feel."
Umalis ako sa pagkakasandal sa pader. Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.
"You!." Kinagat ko ang labi ko. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako. Parang ang hirap sabihin ng mga naiisip ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Or shall I say lakas ng loob.
"Stay away from me. Stop bothering me, higit sa lahat stop bothering yourself of the things that I do. I am none of your business kaya naman huwag na huwag mo na ulit ako pakikialaman. Pagod na pagod na ako sa pakikialam mo. Pagod na pagod na ako sa'yo. Kaya kung pwede lang pabayaan mo na ako."
Kinuha ko ang braso ko at tinalikuran ko na siya. The moment na ginawa ko iyon bigla na namang tumulo ang luha ko. Hindi ko siya mapigilan kaya binilisan ko na lang ang paglalakad ko.
Bakit ganito? Bakit ako nasasaktan. Bakit ako nasasaktan sa ginawa ko.That's the right thing I should do pero bakit hindi ako masaya? Bakit nasasaktan ako na itinataboy ko siya?
This is what I want right? I want him away from me. Pero bakit ako umiiyak?
I don't even know what to call these tears. But one thing is for sure.
This isn't tears of joy.