Mad Attraction (Mondragon Ser...

By DarlingVee

4.9M 110K 8.5K

[FINISHED | UNDER REVISION] Trojan Mondragon only has one rule: "Never fucked the employee." But everything i... More

[ R E A D F I R S T ]
Mad Attraction [REVISED]
Chapter One [REVISED]
Chapter Two [REVISED]
Chapter Three [REVISED]
Chapter Four [REVISED]
Chapter Five [REVISED]
Chapter Six [REVISED]
Chapter Seven: The Sad Truth
Chapter Eight: The Start of the Deal
Chapter Nine: You're Officially Mine
Chapter Ten: Trojan's Anger
Chapter Eleven: Acceptance
Chapter Twelve: The Contract
Chapter Thirteen: New Girl
Chapter Fourteen: Confession
Chapter Fifteen: Submitting to the Devil Part One
Chapter Sixteen: Submitting to the Devil Part Two
Chapter Seventeen: Other Side of Trojan Mondragon
Chapter Eighteen: Work Issues
Chapter Nineteen: Kissing Practice
Chapter Twenty: File
Chapter Twenty One: Worry and New Offer
Chapter Twenty Two: Cheating and Disobedience
Chapter Twenty Three: Atonement
Chapter Twenty Four: Passion
Chapter Twenty Five: Breakfast
Chapter Twenty Six: Argument
Chapter Twenty Seven: Alta Puebo
Chapter Twenty Eight: Being a Mondragon's Woman
Chapter Twenty Nine: One Night Possession
Chapter Thirty: Ethan's Birthday
Chapter Thirty One: Tied and Blindfolded
Chapter Thirty Two: Regret
Chapter Thirty Three: Caught Off Guard
Chapter Thirty Four: Talk
Chapter Thirty Six: Job and Falling
Chapter Thirty Seven: Argument
Chapter Thirty Eight: Kitchen (En)counter
Chapter Thirty Nine: Caught in the Act
Chapter Forty: Upcoming Storm
Chapter Forty One: Breaking Point
Chapter Forty Two: Old Friend
Chapter Forty Three: Jealousy
Chapter Forty Four: Distance
Chapter Forty Five: Raging Emotions
Chapter Forty Six: Mad Attraction Part 1
Chapter Forty Seven: Mad Attraction Part 2
Chapter Forty Eight: Marked
Epilogue
Author's Note

Chapter Thirty Five: Moment to Remember

79.6K 1.8K 148
By DarlingVee


Chapter Thirty Five: Moment to Remember

Eila

"HINDI ka naman seryoso na papasakayin mo ako d'yan hindi ba?"

"Who said I'm kidding?" sabi niya sa akin saka niya hinila ang renda ng kabayo palapit sa akin.

Muntik na akong mahimatay sa kinatatayuan ko nang makita ko na nang malapitan ang mukha ng kabayo na kinuha ni Trojan sa kwadra na nasa likod ng mansyon.

"He won't bite you, don't worry. Virus was a trained stallion."

"Virus?'

"That's the name of this guy."

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nawala ang kaba na nararamdaman ko para sa hayop na nakatayo sa harapan ko nang makita si Trojan na mukhang masaya habang hinahawakan nito ang baba no'ng dala-dala niyang kabayo.

"Where are you going?"

Napalingon kami pareho ni Trojan sa nagmamay-ari ng boses na iyon at nakita namin si Eros at Kesha na nakasakay na rin sa ibabaw ng kabayo nila.

"I'll tour Miss Delos Santos around Alta Puebo."

"Huh! Fuck love birds!" inis na sabi ni Eros.

"See? Sabi ko sa'yo eh! They're in love!"

"Shut up, Kesha! I don't have time to get involve with a rude woman like her. I don't even like here in Alta Puebo."

Mabigat na lang akong napabuntong-hininga sa sinabi ni Eros.

May hinala ako na si Eros 'yung taong malakas ang paniniwala sa first impression last. At 'yung nakita niya sa opisina ni Trojan ay nakatatak na sa utak niya at sa tingin ko aabutin ng taon bago siya matuwa sa presensya ko.

"Why are so mad with, Eila?" hindi makapaniwalang tanong ni Kesha bago siya mapatingin ulit sa amin. "Anyway, sasamahan ko si Eros na tingnan 'yung palayan. Mabuti na lang at nawala agad 'yung malakas na ulan. Baka gusto n'yong sumama?"

"And what's so endearing picking root crops and wheat?" sarkastikong sabi ni Trojan.

"Don't you dare insult my land, Trojan!"

"Yeah, shut up, farmer."

"Hoy! Ano ba kayo?!" saway ni Kesha sa kanilang dalawa. "Sige na, Eila, aalis na kami. See you later!"

"S-sige."

"Hindi pa tayo tapos, Trojan! Babalikan kita!"

"Oo na! Oo na! Tingnan na natin 'yung palayan!"

Hanggang sa mawala na sa paningin namin sila Kesha at Eros, may pakiramdam ako na hindi pa rin tapos si Eros sa pagkainis niya kay Trojan at sa hindi naman sigurdo sinasadyang pag-iinsulto nito sa mga magsasaka.

Pero wala sa mukha ni Eros ang magsasaka. Saan ka makakakita ng magsasaka na English speaking?

"Are you done daydreaming about that stupid farmer?"

Bigla akong napahiya para sa sarili ko dahil nakatulala pa rin pala ako sa kawalan kung saan nawala sila Eros at Kesha.

"H-hindi siya ang iniisip ko."

"Yeah right. You're stammering and you're lying."

Bigla na naman akong nakaramdam ng kaba sa sinabi ni Trojan. Halata kasi na nainis ko na naman siya sa ginawa ko kahit na wala naman talagang malisya sa inisip ko.

Pero bigla ko ring naalala 'yung mga paalala niya tungkol sa pagtingin ko sa ibang lalaki at sa sinabi ni Ethan noon sa pagiging obsessive-compulsive ng personality ni Trojan.

"Sakay."

"H-huh? Saan na—"

Hindi ko na natapos ang pagtatanong ko nang bigla akong hawakan ni Trojan sabay tili nang malakas nang bigla na lang niya akong iangat sa lupa saka niya ako sinakay sa ibabaw ng kabayo niyang si Virus.

Pero mas ikinagulat ko ang biglang pagtawa ni Trojan.

"You'll wake the dead sa sigaw mo, Miss Delos Santos," natutuwang sabi ni Trojan.

Nakahinga ako nang maluwag sa pagtawa niya.

Nawala na siguro sa isip niya 'yung pagkatulala ko kanina, sa isip ko.

Pinanood ko si Trojan na walang kahirap-hirap na sumakay sa ibabaw ng kabayo habang ako naman at biglang napayakap sa baywang niya nang bigla na lang gumalaw ang kabayo na kinasasakyan namin saka ko mariin na ipinikit ang mata ko sa nerbyos.

"Ibaba mo na ako, Trojan! Please!" madiing hiling ko habang maghigpit pa ring nakayakap sa kanya at nakapikit pa rin ang mga mata.

"Mapupunit mo ang damit ko, Eila. Relax and open your eyes. Hindi ka ihuhulog ni Virus."

Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko gaya nang inutos niya sabay pigil ng hininga ko nang makita na sobrang lapit pala ng mukha niya sa mukha ko.

Sa loob ng ilang sandali, wala ni isa sa amin ang nagsalita. Maging ang paligid at huni ng kung ano mang hayop ay bigla na lang tumahimik. Na para bang bigla na lang huminto ang oras nang biglang magtama ang mga mata namin.

"Don't seduce me, honey. I'm determined not to touch you."

Hindi pa nagrerehistro sa isip ko 'yung ibig sabihin ng sinabi ni Trojan nang muli na naman akong napayakap nang sobrang higpit sa kanya nang basta na lang nito hilain ang renda ng kabayo at saka biglang tumakbo ang nakakatakot na hayop na ito.

"Don't you dare close your eyes again. You'll miss the beauty of this place."

Kahit na hindi niya ako nilingon nang sabihin iyon, sinunod ko pa rin ang gusto niya.

At bigla akong napasinghap nang makita ko sa kanan ko ang baybaying dagat ng isla ng Alta Puebo.

Dahil sa kakatapos lang huminto ng ulan, sinalubong ng mabangong amoy ng dahon at iba pang halaman ang ilong ko na mas lalo pang nagpadagdag sa kagandahan ng mga puno sa paligid at ng dagat sa may 'di kalayuan.

"Ang ganda."

"I know. That's why everyone love this place."

Hindi na ako sumagot pa doon sa sinabi niya at hinayaan ko na lang ang sarili ko na magsawa sa napagandang tanawin sa paligid namin.

At dahil sa nakikita ko ngayon, unti-unti nang nawawala ang takot na nararamdaman ko sa sinasakyan naming kabayo at hindi ko mapigilang matuwa sa lugar na ito.

Maganda ang lugar ng exclusive village kung saan nakatayo ang mansyon ni Trojan sa may Quezon. Pero puro bahay naman ang makikita mo doon at mga nagtataasang building na nasa malapit lang. Halos bibihira na lang ang mga authentic na puno sa Manila. Kaya hindi ko maiwasang mapaisip kung nanaginip ba ako dahil sa sobrang ganda ng lugar na ito.

"Matagal ng nabili nila abuelo at abuela ang isla na 'to," nagulat ako nang biglang magkwento si Trojan pero hindi pa rin niya ako nililingon dahil abala ito sa pagpapatakbo sa kabayo kaya ako na lang ang napapatingin sa likod niya. "Magmula nang pakasalan nila ang isa't-isa, pinili ni abuelo ang Palawan, ang isla na 'to, para bumuo ng sarili niyang pamilya kasama si abuela at dito nila pinagarap na tumanda kasama ng mga magiging apo nila hanggang apo sa tuhod."

"Hindi ka makakarating sa isla nang hindi ka sasakay sa chopper o 'di kaya helicopter. Mahihirapan ka kung gagamit ka ng yate o barko dahil may mga kalapit kaming isla. Maliligaw ka."

Napapatango na lang ako sa pagpapaliwanag niya.

Hindi ko talaga akalain na ikikwento niya sa akin ang tungkol sa bagay na ito. Ito na yata 'yung pinakamahabang salita na nasabi niya sa akin.

"May malapit rin na talampas dito," biglang nagbago ang tono ni Trojan. "And you almost fell on that cliff if I didn't catch you in time, Miss Delos Santos."

"Pasensya ulit," hinging paumanhin ko sa nagawa ko kahapon.

Narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga ni Trojan sabay napansin ko na wala na akong ibang nakikita sa paligid namin kundi puro puno.

"Teka! Nasaan na tayo? Bakit hindi ko na matanaw ang mansyon?"

"We're inside the forest, that's why."

"Pero hindi ba sinabi mo na may mababangis na hayop dito?"

"Sa gabi lang. And don't worry, if we encounter one, we'll run."

"At ano sa tingin mo ang magagawa nang pagtakbo natin huh?!" hindi ko napigilang mapataas ang boses ko sa kanya. "Nababaliw ka na ba?"

Isang malutong na tawa lang ang sinagot niya sa akin.

"Trojan! Ano ba?! Hindi nakakatawa 'to! Bumalik na tayo sa mansyon!"

"Not until we reached the end of this forest!"

"Trojan!"

"We're here."

Bigla kong naitikom ang bibig ko nang makita ko ang isang batis sa harapan namin.

"N-nasaan na tayo?" nalilitong sabi ko dahil wala ni sa panaginip ko na makakakita ako nang ganitong kagandang batis.

Kung may magpakita man na unicorn sa amin dito, hindi na ako magtataka dahil sa mala-fairy tale na itsura ng batis na ito.

Sobrang lakas ng agos ng tubig na nagmumula sa tuktok ng batis. May nakita rin akong magkadikit na bundok sa isang parte ng batis at napapaligiran ng maraming puno ang lugar na ito at mga ligaw na halaman at bulaklak na nasa gilid ng batis.

"We're still at Alta Puebo," sagot sa akin ni Trojan habang tinutulungan niya akong makababa.

Muntik na akong matumba nang maramdaman ko ang lupa, dahil siguro sa hindi ako sanay sumakay sa kabayo pero mabilis naman akong nasalo ni Trojan na mabilis kong ginantihan ng isang pasasalamat.

"You like the place?"

"Like? Hindi ko lang gusto 'to!" parang batang sabi ko sabay harap sa kanya. "I love this place!"

Trojan gave me a very genuine place saka niya biglang inalis sa mukha ko ang ilang piraso ng buhok na tumatabing sa mukha ko.

"Same here. I love this place too."

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang uminit ang pakiramdam ng mukha ko doon sa sinabi niya lalo na sa parte na love pero bago pa niya mapansin ang reaksyon ng mukha ko, mabilis na akong tumalikod sa kanya sabay muling humarap sa may batis at muling napangiti sa ganda ng lugar.

"Kung ikakasal ako, gusto ko sa lugar na 'to," wala sa sarili na sabi ko.

"You want to get married on a deserted place?"

Tuluyang namula 'yung mukha ko sa sinabi niya dahil sa pagkapahiya at maaaring malisya na p'wedeng maiisip ni Trojan sa sinabi ko.

Ano ka ba naman, Eila?! Bakit mo binabanggit ang salitang kasal sa lugar na 'to at sa ganitong oras? Nababaliw ka na ba?

Tumikhim na lang ako sabay pilit na inaalis sa isip ko 'yung huling sinabi ni Trojan.

"Hindi. Ang sabi ko ang ganda ng lugar n'yo. Magandang gawing pasyalan 'to."

"Well, I heard something else," nahihimigan ko ang panunukso sa tono ng pananalita ni Trojan. "And we don't plan to take this place a tourist spot. This is our lair. Only family members and friends are allowed to visit."

Bigla kong naramdaman ang importansya sa sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy isa ako sa pinaka-importanteng tao sa mundo kahit na mahirap lang ako.

"You want to take a dip?"

"Huh?" bigla akong napalingon sa kanya. "D'yan? Hindi. Okay lang. Wala akong dalang damit. Saka—"

"You have your clothes on."

"Hindi 'to ang sinasabi—ano ba, Trojan?! Ibaba mo ko!"

Malakas akong napatili sabay nagpupumiglas nang bigla na lang niya akong buhatin saka siya naglakad papalapit sa batis.

"Isa! Trojan! Ibaba mo na ako!"

"No. Not unless you get wet."

Muli na naman akong namula sa sinabi niya. Alam ko naman na iba ang ibig sabihin niya pero naiinis ako dahil ang isa pang kahulugan ang naisip ko.

At bago pa ako muling makapagprotesta, naramdaman ko na lang na bigla akong binagsak ni Trojan sa malamig na tubig sa may batis sabay umahon din ako nang marinig ko ang malakas na tawa niya.

"Ano ba?! Hindi ka nakakatawa!" malakas na sigaw ko sa kanya sabay tingin sa sarili ko. "'Ayan! Basa na tuloy ako! Hindi pa naman sa akin 'to tapos—"

"Who cares? I can buy you new set of clothes."

"Hindi naman 'yun ang issue dito eh!" sagot ko ulit. "Saka tingnan mo nga sarili mo! Basa ka na rin. Ano na lang ang sasabihin nila pagbalik natin?"

Naglakad ako papunta sa direksyon niya, sa direksyon papunta sa may lupa para umahon.

Pero bago pa man ako makalagpas sa pwesto niya ay mabilis niyang nakuha ang braso ko para pigilan ako na umahon sa tubig.

"You're being killjoy. I brought you here to appreciate the place. Tapos aalis ka lang? And who cares about what they'll think anyway? We're old enough to have our own private time."

"Na-appreciate ko ang lugar kung iyon talaga ang gusto mong marinig mula sa akin. Maganda 'yung isla n'yo. Ngayon umahon na tayo bago pa tayo magkasakit dito."

"Bakit ba nagmamadali kang bumalik sa mansyon? Dahil nandoon si Ethan?"

Natigilan ako sa sinabi niya sabay nagulat nang marahas niyang bitawan ang braso ko.

"Bumalik ka kung gusto mong bumalik. I won't take you. Find your way back!"

Napanganga ako doon sa sinabi niya saka bigla akong nakaramdam ng inis sa ugaling pinapakita niya.

"Alam mo, hindi ikaw 'tong kasama ko ngayon. Ano bang nangyayari sa'yo? Ano ba talagang problema mo?!"

"Go back. Be careful with the wild animals."

Hindi makapaniwalang napabuga ako ng hangin sabay lagay ng dalawang kamay ko sa baywang ko.

Bale-wala na sa akin 'yung lamig na nararamdaman ko. Mas nangingibabaw na 'yung inis ko sa kanya.

"Alam mo, tingin ko tama talaga si Ethan. Napaka-isip-bata mo!"

Bigla akong napatili nang marahas niyang hilain ang braso ko sabay hinila niya ako palapit sa kanya.

"Don't you dare mention that bastard's name here, Eila. I'm warning you."

Lihim akong napalunok habang titig na titig ako sa mga mata niya na kulang na lang mag-apoy sa sobrang galit.

"B-bakit ba kasi galit na galit ka kay Ethan? Ano bang ginawa niya sa'yo?"

"Don't ask the obvious, Miss Delos Santos," bagot na sabi niya saka niya ako muling binitawan.

"Nagseselos ka ba talaga sa kanya?"

"Don't make me repeat what I said, woman."

Hindi ko mapigilang mapangiti doon sa sinagot niya pero sinubukan ko pa ring ilihim iyon sa kanya.

Alam ko na hindi ito 'yung tamang panahon para matuwa lalo na ngayon na nainis ko na naman siya.

Pero hindi ko mapigilan ang puso ko na matuwa sa mga inaakto niya. At lahat ng inis na nararamdaman ko sa kanya kanina ay bigla na lang nawala.

"Hindi ba sinabi ko na naman sa'yo maging sa harapan ng abuelo't abuela mo na wala na akong nararamdaman para kay Ethan? Kaya bakit nagagalit ka pa rin sa kanya."

Napasinghap ako nang bigla akong hapitin ni Trojan palapit sa kanya nang walang kahirap-hirap at na para bang wala kami sa tubig.

"I hate the fact that he knows you more than I do. Doon ako naiinis. And let's add the fact that you're in love with him."

"Was. I was in love with him. Noon pa 'yun," paliwanag ko sabay muling uminit ang pakiramdam ko. "Hindi ba sinabi ko na ikaw na ang gusto ko? Na ikaw na ang mahal ko?"

Eila, nakakahiya ka!

Pero mas mabuti nang maging kahiya-hiya sa harapan niya kaysa naman pag-isipan na naman niya ng masama 'yung relasyon namin ni Ethan at maging 'yung nararamdaman ko para sa kanya.

Gusto kong maging malinaw sa kanya ang lahat. Gusto kong maramdaman niya na hindi ako nagbibiro nang sabihin ko sa kanya na mahal ko siya.

"He's still ahead of me," parang batang sabi niya sabay bitaw ulit sa akin. "Mas kilala ka niya. Mas matagal kayong nagsama. And regardless of the past tense, you're still fell for that manwhore bastard."

"Pero Trojan—"

"Enough!" saway niya sa akin sabay humarap ulit sa direksyon ko saka biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha niya lalo na nang padaanin niya ang likod ng kamay at daliri niya sa gilid ng mukha ko. "I want to know you more, Miss Delos Santos. More than what bastard knew about you. My investigations don't satisfies me anymore."

"Investigations?" litong sabi ko sabay nanlaki ang mata ko. "Pinaimbestigahan mo ako?!"

"It's necessary business protocol, honey. I can't accept applicants without any background check."

Inis akong napabuntong-hininga sa sinabi niya.

Alam ko naman na may mga kompanya talaga na gumagawa ng ganoon sa aplikante nila. Pero iba ang pakiramdam ko sa imbestigasyon na sinasabi niya base na rin doon sa una niyang sinabi bago ito.

"Pinaimbestigahan mo na pala ako eh! Ano pa bang gusto mo?" hindi ko napigilan ang inis sa boses ko.

"You. I want you," mabilis at seryosong sagot ni Trojan habang hindi inaalis ang tingin sa mata at buong mukha ko. "I want to know more about you, honey. Tell me stories I didn't know. Secrets you haven't shared to anyone even to Ethan."

"Trojan..."

"Make me the most important man in your life, Eila."

Bigla na lang ako napapikit nang muling dumampi sa pisngi ko ang likod ng kamay ni Trojan saka ko naramdaman na lumapit siya sa akin.

"I shouldn't touch you. I promised not to."

Muli kong idinilat ang mata ko saka ako sinalubong ng tingin ni Trojan.

"Pero kanina mo pa ako hinahawakan," mahinang sagot ko.

Bigla ko na lang naramdaman na uminit ang paligid maging ang tubig kung nasaan kami.

"But that's different," Trojan said in a controlled voice and heavy breathing.

"Ano bang pinagkaiba noon? You still touched me. What difference will your touch this time make?"

"Way too different, honey," muling bulong ni Trojan sa tainga ko. "Stop provoking me. I might lose my control and fuck you underwater."

Biglang uminit ang buong mukha ko sa sinabi niya.

"Come. Umalis na tayo dito. Baka ginawin ka pa."

Bigla akong napahawak sa laylayan ng damit ni Trojan para pigilan siya na umalis sa harapan ko.

"Pero pinapayagan kita."

"What?"

"I'm letting you, Trojan," mahinang sabi ko sabay napayuko bago ako muling nagkalakas-loob na iangat ang tingin ko sa kanya. "I'm letting you to touch me."

Nakatingin lang siya sa mukha ko at hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya.

Nang mahimasmasan ako at naisip kung ano bang kabaliwan ang pinagsasabi ko, nang akmang babawiin ko na ang sinabi ko sa kanya, muli kong naramdaman ang malakas na paghapit ni Trojan sa baywang ko.

And the next thing I knew, we're kissing passionately. Embracing each other so tight and whispers each other's name.

The place was suddenly filled with our moans and harsh breathing.

Right on this magical place, in the middle of nowhere...

Trojan and I make love.

Continue Reading

You'll Also Like

23.6K 935 95
Amidst a birthday celebration filled with cupcakes and Malibu drinks, Rome's night takes an unexpected turn when she drunkenly stumbles into the wron...
1.1M 29.5K 32
It was an arranged marriage na hindi puwedeng tutulan ni Nikki. Dahil sa utang na loob, kailangan niyang mapakasal sa anak ng isang kilalang pamily...
2.4M 44.5K 43
[FINISHED] Cassandra was offered a high-paid job by Trojan Mondragon. And that is to lure and seduce his cousin Ethan Mondragon who happens to have a...