His Plastic Doll

By markferms

44K 1.7K 258

In the midst of Conan's moving on stage, his classmate, Ryle--their handsome school org president--seeks his... More

Author's Note
Wattpad Version
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Epilogue
Acknowledgment
Soon to be Published!
Cover Reveal
ARC Giveaway Winner
ARC Giveaway Receipt Proof
Chapter Preview
Early Review #1
Book Version
1
3
4
5
6
7
8
9
10
Open For Pre-Order!
Don't Miss Out!

2

341 8 7
By markferms

"Baks, sa tingin mo, natutulog pa kaya si Ryle?" tanong ni Ella.

Abalang humihigop ng yogurt drink si Conan nang marinig ito. Alas-dos y medya na ng hapon, pero dahil nagkaroon ng early dismissal ang kanilang teacher, naisipan nilang maupo sa gilid ng school gym para manood ng isang volleyball practice. Kung saan si Ryle, na kaklase at kaibigan nila, ang tumatayong team captain.

Ryle is one of the most popular guys at Trinity Springs University o mas kilala sa tawag na TSU, ang school nila. Sa lahat ng lalaking atleta sa kurso nila, Ryle is the most eye-catching one. Alam ng lahat iyon. It's not his muscular physique that made him refreshingly attractive, but his friendly vibe towards other people.

Conan deeply believed na marami ng babae ang nagtapat ng pag-ibig nila sa binata—nang hindi man lang nakararamdam ng kahit kaunting fear of rejection. Isa sa mga rason doon ay ang common knowledge nila kay Ryle. They knew that he would only smile diffidently, as if hindi nito alam ang natatanging katangiang kinagigiliwan ng lahat. But Conan presumed that his timid smile would be enough response for their confession. Perfect, even.

"Oo naman. Aba, sa tingin mo ba, maa-achieve niya iyang ganyang clear skin kung lagi siyang naka-zombie mode?"

Sa tapat nila'y maririnig ang pagsigaw ni Ryle ng 'touch ball' sa mga kakampi nito. Umabante ito at nag-squat papasalo ng bola. Every move that Ryle makes speak confidence, projecting the assertive radiance of his whole essence—making him unrivaled among the rest. Sa pamamagitan ng tamang porma at kontroladong lakas ng puwersa sa pagpapaangat nito ay nakuha iyon ng kanilang setter. He stood in the court attentively, lalo na nang perpektong maipasa ng setter ang bola sa isa pang spiker ng kanilang team.

Tumahimik ang paligid. Maging ang ilang estudyante sa gilid ng court ay nag-aabang sa mangyayari. Maging si Conan ay napigil ang sariling paghinga. Tanging ang malakas na paglagapak ng bola sa sahig ng kalaban ang animo'y naging antilo ng ilang manonood para maghiyawan.

Conan couldn't stop staring at him. Jestoni might not be into sports, but he kept on depicting him from Ryle's features and physique. From the way their biceps bulge, how their pecs protrude from their shirt, and how their robust broad shoulders closely resembled each other. Hindi mapigilan ni Conan ang sariling . . . manggigil. Snaps of Jestoni's bareness atop him kept on flashing in his mind.

It's a good mind ice breaking exercise, indeed. Talagang nakagigising ng diwa. But Conan's impure thinking did not last long when Ryle gazed at their direction. Napadiin ang paghawak ni Conan sa karton ng gatas na iniinom sa takot na mabasa ni Ryle ang kanyang iniisip. Iniwas niya ang mga mata sa pagtatama ng paningin nila. Mahina siyang napatikhim bago hinarap si Ella. "Bakit mo pala natanong?"

"Wala. Nagagalingan lang ako. Kasi tingnan mo, bukod sa pagiging volleyball captain, third year representative pa siya ng org natin. Tapos included pa siya lagi sa top ten. Take note, ha, sa bawat subject pa natin iyon! Gosh! May time pa kaya iyan sa sarili niya?"

Ella had always been like this, always had questions about everyone. Pasalamat na nga lang si Conan na hindi tungkol sa kanya ang mga tanong nito, kung hindi, lalo lang hahaba ang usapan; lalo siyang mahihirapang makaalis. E, may trabaho pa naman siya maya-maya.

"He's an extrovert," Conan started. "Of course, he has lots of time and energy for everything. But wait, pati pagiging representative niya, dinamay mo pa! Naku, parang hindi ka naman aware. Remember? Sabi ni Ryle dati, attendance lang sa meetings ang ginagawa niya. Bukod doon, wala na."

"Pero at least, 'di ba? May maidadagdag siya sa resume niya for internship, o kaya naman kapag maghahanap na siya ng work pagka-graduate. E, tayo? Nganga!"

Pangiting napasingasing si Conan sa kaibigan. "Kung hindi ka ba naman puro tsismis at BL, baka may nasalihan ka na ring school club!"

Muli silang napalingon sa court nang lumakas muli ang hiyawan ng mga manonood. Ang bolang lalagpas na sana sa linya ay hinabol pa mismo ni Ryle at patalong ikinabig pabalik sa mga kamiyembro. Hindi baleng bumagsak ang katawan sa sahig, basta ba masigurong makukuha nila ang bawat puntos, lahat ay gagawin at gagawin nito para manalo.

Bahagyang naantig ang damdamin ni Conan sa pagkasaksi ng matinding konsentrasyon ni Ryle sa laro. Hindi niya maiwasang isipin kung paanong mas naging kaakit-akit tingnan ang kaibigan sa ganoong disposisyon. Seryoso, determinadong manalo, at nakasentro ang isip sa mga plano—mga katangiang wala sa kanya.

"Maiba, napapaisip ka rin ba kung bakit volleyball iyong napiling sports ni Ryle? I mean, bakit hindi basketball, e may height naman siya? O kaya naman, tennis. Teka, may tennis club kaya tayo?" tanong ni Ella, na sa laro nakatuon ang atensiyon. Nang muling ma-receive ni Ryle ang bola ay kapwa sila namangha. Pinanood ni Conan ang reaksiyon ni Ella, lalo na ang pagporma ng bibig nitong kani-kanina lamang ay hindi matahimik ay bahagya nang nakabuka na animo'y isang batang nanonood ng Discovery Channel.

At first, Conan only shook his head about her question and shrugged, but then a thought swam in. "Maybe it's where he first fell in love with?" Iyon lang din naman ang madalas niyang tugon sa mga taong nagtatanong kung bakit siya nahilig sa arts, kahit pa ba hindi naman arts ang kanilang kurso.

"Puwede. Pero siguro, oo nga. Given Ryle's concentration kahit pa practice game lang iyan, mukhang volleyball nga ang first love niya," Ella said with a spark in her eyes. "That makes sense now. Hay, Ella, bakit ba hindi mo naisip iyon?" Bahagya pa itong napatungo-tungo sa sariling sinabi bago hinarap si Conan nang may buong ngiti sa labi. "Feeling ko, na-energize akong mag-sport. Anong club kaya magandang salihan? Sa tingin mo? Ha? Ha? Ha? Bilis! Ano sa tingin mo?!"

Naningkit ang mga mata ni Conan habang nakatingin kay Ella. Samantala, naiwan namang clueless si Ella kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ng kaibigan.

"Baks, ano ba?! No'ng nakaraang sem, nag-try ka rin sa chess club! Ni hindi ka naman tumagal ng kahit ilang araw man lang!"

That is Conan's problem with Ella. She's impulsive and hyperactive, like a dog set out of its leash. Gustong-gusto nitong subukan kung ano man ang maisip. Sa kanilang magkakaibigan, si Ella itong laging may plano sa galaan. Isa pa, madalas din itong magtampo; tipong ang hindi pagsipot sa hangouts na siya mismo ang nag-set ay isa ng malaking kasalanan. Si Ella rin ang reyna ng tsismis sa circle nila. Natatandaan ni Conan kung paanong halos katakutan niya rin ang gossiping skills nito. Best example ang pagkaalam niya sa naging case nila ni Jestoni noon. Sa totoo lang, wala naman siyang naikuwentong kahit ano tungkol sa binata. Nalaman na lang ni Conan na alam pala ni Ella ang tungkol sa kanila base sa mga source na nakalap nito.

But that doesn't change his view about their friendship. Kahit ganoon ang dalaga, itinuturing niya pa rin itong isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Dahil may pagkakalog man at tsismosa, si Ella itong katangi-tanging kaibigang dumamay sa kanya noong panahong lugmok na lugmok siya sa panggo-ghost sa kanya ni Jestoni.

Isa pa, kung hindi dahil kay Ella, hindi mabubuo ang circle na iniingatan niya. She was the one who "recruited" Inesa, Ryle, and him dahil na rin sa angkin nitong galing sa pakikihalubilo. Kung wala si Ella, hindi mabubuo ang Tropang X-tra Rice, na nabuo nang sabay-sabay silang tumayo para bumili ng isa pang kanin isang araw noong nagsabay-sabay silang kumain sa canteen noong first week nila sa school.

"Sige, ito na lang. What do you think of Ryle?" biglang tanong ni Ella na hindi malaman ni Conan kung saan nito nahugot. Her face was unbothered by the growing tension in the game. Tila nakaisip kasi ng taktika ang kabilang koponan kung paano nila ika-counter ang mga solid receive ni Ryle. Ang resulta, bahagya silang nahihirapan sa nagiging takbo ng laban.

"He's straight; if that's what you wanted to know," Conan replied in a dismissive tone and sipped again on his drink.

"Baks naman, hindi sa ganoon! I mean, look at him, don't you think he's some kind of boyfriend material? Maskulado, matalino, gentleman—and look at that smile! Gosh!"

Conan couldn't help but be weirded out with the question. Totoo naman. Hindi naman niya iyon ipagkakaila. Pero "Mr. Perfect" man sa mata ng karamihan, si Ryle ay isa sa mga malalapit nilang kaibigan. Nasa iisang squad lang sila. Iisang circle of friends. They shouldn't be discussing things like that.

"Crush mo?" sabi na lang ni Conan. Sa gilid niya'y napansin niyang may ilang estudyanteng ang sama na ng tingin sa kanila dahil sa ingay nila.

"Is he Timothée Chalamet? Then no."

"Then why are you asking me?"

"I was just curious if Ryle was your type, given na puro tulad niyang macho guwapito ang mga na-link sa iyo."

Ryle was indeed Conan's type. In fact, he has a secret crush on him that he kept on suppressing for some reason. Una, dahil magkaibigan sila. It would certainly cause a weird awkwardness between them if Ryle found out about his interest in him. Pangalawa, him and Jestoni had dated months ago, so he shouldn't be going around being attracted by another guy. Third and most importantly, Ryle is straight.

Kahit may mga kaibigan man siyang mahilig kumontra sa ganoong pag-iisip, suportado siya, at lagi pang sinasabing Love has no gender, may mga hindi pa rin sila naiintindihan sa ganoong klase ng relasyon. There will always be such reasons why these labels exist, and that is to respect people's preferences. The stereotyping goes like this: most straight guys prefer girls. And Conan's obviously not one! Magsasayang lang siya ng oras sa isang taong wala namang pag-asang maging kanya.

When he told Ella about this, she said, "What if he's not straight? 'Di ba? May instances na ganoon, e. Akala mo, pamintang buo, durog pala. Alam mo 'yon?"

"He is," Conan said, almost with an urge to roll his eyes. "Ini-stalk ko na siya noon. I even discovered na nagka-girlfriend siya noong high school. You can even check his Facebook account, Baks. Madali lang makita sa uploaded profile pictures kasi mukhang hindi siya masyadong nagpapalit. Kaloka nga, e, hanggang ngayon hindi niya pa rin dini-delete iyong selfie nila ng ex niya."

Ella stifled a gasp.

"What?"

"You stalked him."

"E, ano ngayon? It's the first thing most gays would do if they met a handsome guy: find any signs if he's straight or not. Mabuti nga nalaman ko agad, e. At least, hindi ako nagsayang ng oras sa pag-iisip kung may pag-asa ba ako o wal—"

A ball that had been spiked on the floor had bounced in the wrong direction—towards the audience—and specifically pointed to Conan's face. It happened so fast that before anyone could shout, the ball was already an arm-length distance upon hitting. But Conan, who only had a fraction of second to react, just calmly raised his hand, fingers outstretched, catching the ball instantly using his palms.

Silence roamed the whole gymnasium for a full second before they were interposed in amazement. Everyone in the gym, even the athletes, were staring at him as if he was a superhuman, when all he just did is catching a ball.

Ryle wasn't the one who had caused the ball to bounce off wrongly, pero siya ang unang nakabawi sa pagkamangha at agad na dumalo kay Conan.

"Okay ka lang?"

Conan tried so hard not to see sparkles around him. He ignored the sudden breeze blowing against the air, gave one hard blink, and then mentally composed himself.

'Self, kalma. Kaibigan mo iyan.'

Inabot niya ang bola kay Ryle at mabilis na sinuri ang sariling katawan bago siya tumugon. "Yup. Still alive."

Nang masigurong ayos lang ang kaibigan ay pinakawalan na nito ang pagkamangha at tumawa nang nakangiti. "Nice receive, by the way." Kapwa hindi nila matanggal ang paningin sa isa't isa. "Sabi ko sa iyo, try-out ka sa team, e. For sure, malaki ang chance na makakapasa ka," dugtong pa nito nang hindi matanggal ang ngiti sa labi.

In his mind, Conan was certain of saying 'no'. Volleyball ang pinakahuling sports na iko-consider niya. He doesn't want to be part of it anymore. He can't even help but tremble just by stating or hearing the name of that sport. But in some way, Ryle's presence helped him to recover.

After getting the ball, bumalik din si Ryle sa court para ipagpatuloy ang naudlot nilang laro.

Conan tried to suppress his smile, not letting Ryle see how his presence affected him. But his smile cannot be concealed. He knew deep within that Ryle's praises were too bona fide to be disregarded. In the end, natalo siya sa sarili at hinayaan ang mga labing pumorma ng ngiti. Natigil lamang siya nang marinig ang nakalolokong bungisngis ni Ella.

"Akala ko ba . . ." pambibitin nito sa ere, abot-tainga ang hindi makapaniwalang ngiti sa labi.

"Hala siya! Don't conclude anything, puwede? Wala lang iyon. Natuwa lang ako sa usapan namin."

"And you expect me to simply believe that?"

Pumait ang timpla ng mukha ni Conan. "Alam mo, Baks, kaka-Thai movies mo iyan. Bawas-bawasan ang panonood ng boy's love. Hindi lahat ng pag-uusap ng dalawang lalaki, romantic na."

Lumihis ng tingin si Ella, pero ang ngiti nito'y hindi pa rin nawala. "Sige na nga. Sabi mo, e."

At isa pa, malinaw namang wala siyang pag-asa rito dahil alam niyang may iba nang nakapukaw ng atensiyon nito.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...