Affair across the sky (Compl...

By mine_ya

321 12 0

Tama bang magmahal ng taong nakatali na sa iba? She wanted him unknowingly and he was her definition of new b... More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Epilogue

Chapter 2

25 2 0
By mine_ya

Solaria Pov

Kinabukasan ay mabilis na bumangon ako upang makapaghanda na ako sa aming almusal. Kasalukuyang inihahanda na nila Klare which is isa sa mga kasambahay rito sa mansiyon na naging malapit sa akin ang hapagkainan.

"Goodmorning ma'am Solaria," mahinang bulong niya ng tumabi ako sa kaniya upang maka-upo na.

Tipid akong tumango sa kaniya ngunit ramdam ko ang pagtagal ng titig niya sa aking pisngi. Binalewala ko na lamang siya dahil alam kong sanay na siya na nakikita akong gan'to na may pasa. Pero sa kaniya lang hindi nakakatakas ang mga pasa ko dahil lagi ko itong nilalagyan ng make-up upang hindi mahalata.

"Pababa na si sir Tristan," seryosong sabi ni manang fe na siyang mayordoma sa mansiyon.

Umayos ako ng upo at bahagyang inilagay ang mga kamay sa hita at doon ikinuyom. Ramdam ko ang bawat yabag niya hanggang sa naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago siya naupo sa harapan ko.

"Let's eat," seryosong sabi niya kaya kahit may kung anong nakaharang sa aking lalamunan ay pinilit ko na lamang kumain.

Tanging kubyertos lamang ang aking naririnig sa buong hapag bagay na nakasanayan ko na sa nakalipas na isang taon. Minsan may mga pagkakataon na tatanungin mo ang sarili mo na kailan kaya babalik ang dati?

Pero minsan iniisip ko kung kaya ko pa bang tanggapin kung sakaling bumalik ang dati naming samahan. Sapat ba na mahal ko siya para patawarin siya sa lahat ng pananakit niya sa akin? Nakakatawa lang isipin na ilang beses niyang sinabi sa akin na hindi siya gagaya sa ama niya pero it turns out na mas malala pa siya kaysa sa ama niya.

"Are you fuckin' listening, Solaria Soercia!?" Napaigtad ako habang gulat na gulat na nakatitig kay Tristan na may matatalim na titig sa akin.

"Uhm...." nangangapang sagot ko dahil hindi ko nasundan kung ano ang sinasabi niya dahil masyadong naging okyupado ang isip ko. Kaya sa huli ay yumuko na lamang ako, "I'm sorry."

"Ano na naman ba ang iniisip mo at hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko!?'' Napapikit pa ako dahil pabalya niyang itinapon ang hawak na kutsara sa lamesa. "O baka naman nagplaplano ka na namang tumakas!?"

Mabilis na nag-angat ako ng tingin sa kaniya bago sunod-sunod na umiling. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko dahil isa sa mga bagay na kinakatakot ko sa kaniya ay ang maubos ang pasensya niya sa akin.

"H-indi naman Tris---"

"Siguraduhin mo lang Soercia! Dahil alam mong ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang pagsisinungaling!" ramdam ko ang pagbabanta sa boses niya.

Mapait akong tumango at ngumiti sa kaniya, "Huwag kang mag-alala.....hinding-hindi ko na uulitin 'yong pagkakamaling nagawa ko sa'yo dati,"

Nangilid ang luha ko at kahit na bahagyang nanghihina dahil sa nararamdaman ay kumain na lamang ako ng tahimik. Hindi na rin naman na siya nagsalita at nagpatuloy na lang siya sa pagkain. Alam kong pareho kami ng iniisip pero hindi ko alam kung pati sa nararamdaman ba ay pareho kami.

Its been a year since that tragedy happened that ruined everything even our almost perfect relationship and even once we didn't even talk about it. I know it was my fault but can't he blame me? Maybe he think that I did'nt tooke care of myself the reason why we lost our baby. But turhtfully  I was scared that time, so damn scared that I chose to ki--------

"Sir Tristan nandiyan na po sila senyora," sabay kaming lumingon ni Tristan sa kung nasaan ang mga magulang niya.

"Iho....." malambing na boses ni mommy Thalia ang narinig ko.

Sabay kaming tumayo ni Tristan ngunit mas nauna siyang lumapit at humalik sa mommy niya bago tumango sa daddy niya na kasalukuyan naman ng nakatingin sa akin.

Marahan akong lumapit sa kanila at nagmano. Hinaplos naman ni mommy ang pisngi ko kaya pilit na pinigilan ko ang pagngiwi dahil natatamaan niya ang pasa sa pisngi ko.

"How are you, iha?" pasimple akong sumulyap kay Tristan pero nang masalubong ko ang matatalim niyang titig ay umiwas ako ng tingin bago ngumiti kay mommy.

"I'm fine, mommy. Tara po at sabay na tayong mag-agahan." Hinawakan ko ang braso niya para alalayan siyang maupo sa hapag at makasabay namin silang mag-almusal.

The breakfast was peaceful and quiet aside from mommy Thalia who keeps on talking about how scared she was because of the threats that they keep on receiving with their rivals in their company.

"My gosh mabuti na lang marami ang bodyguard niyo at walang masamang mangyayari sa inyo anak!"

"Of course, I wouldn't let anyone hurt my wife," except from you, my beloved husband. Tahimik lang akong kumakain pero minsan rin ay nagsasalita especially kapag may mga tanong si mommy.

I don't know why their family was fucked up. Kung sinasaktan pala ni daddy si mommy pero bakit hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila? Is it because they love each other? Is it enough to justify abused just because you love that person?

How funny to think that love sometimes makes us stupid person and it makes us slowly killing ourself inside.

"You should add more bodyguard, iho," bakas ang finality sa boses ni daddy kaya alam kong gagawin nga ito ni Tristan coz after all he is afraid of him.

"Yes, dad. I already hired someone to guard my wife and make sure that she is safe wherever she go." Kumunot ang noo ko bilang pagproprotesta sa tinuran niya pero sumalubong sa akin ang mga titig ni daddy.

"You look thin, iha. Are you getting enough sleep? Or my son is tiring you?" tumaas pa ang kaniyang isang kilay tanda na pareho kami ng iniisip sa ibig niyang sabihin.

Napakagaling mong umarteng hayop ka!

Tumawa si mommy sa tabi niya bago marahang hinampas ang braso nito.
"Oh, you shut up love! Normal lang na mapagod siya tuwing gabi lalo na't hindi na sila bumabata. Kailangan na rin nila tayong mabigyan ng apo,"

Bahagya kong nabitiwan ang kutsara ko dahil sa tuloy-tuloy na pagsasalita ni mommy. Napasulyap ako sa bandang tiyan ko bago malungkot na napangiti.

I'm sorry.......

Kasabay ng pagtaas ng aking titig ay ang pagtama ng paningin ng aking asawa. Kita ko ang blangko ngunit ang galit at paninisi ay nararamdaman ko. Huwag kang mag alala dahil habang buhay kong dadalhin ang pagkakamali na 'yon. Kaya nga kahit sinasaktan mo ako ay nanatili pa rin ako sa tabi mo dahil mahal kita at dahil nangako ako sa kaniya na hindi kita iiwan kahit pagod na pagod na ako.

"Goodmorning ma'am and sir," isang malamig na boses ang siyang nagpatigil sa titigan naming mag-asawa.

Sabay na tumayo sila daddy at Tristan habang si mommy ay namimilog ang mata at bahagyang gulat dahil sa hindi inaasahang bisita.

Kaya dala ng curiosity ay umikot ako upang tignan kung kanino galing ang boses mula sa likuran ko. Ilang beses akong napakurap dahil sa lalaking nasa harapan namin ngayon.

Anong ginagawa ng isang Frith Fajardo sa aming mansiyon? Really? Frith Fajardo was known as tycoon when it comes on their security agency company. Kaya halos lahat ng mga kilalang tao ay sa agency nila kumukuha ng mga well-trained na bodyguard.

"Don't tell me iho ikaw 'yong new bodyguard na na-assign sa asawa ng anak ko?"

Tumango ang lalaki bago tinanggap ang pakikipagkamayan nila daddy at Tristan. "Yes, sir. My father assigned me because all of our agents are busy with this big case about those syndicates,"

Dahan-dahan akong tumayo kaya lahat sila ay sabay-sabay na bumaling sa akin. Halos magsitayuan ang balahibo ko at nanuyo ang lakamunan ko nang tumama sa akin ang mga malamig niyang mata. What the heck......

The way his brown eyes settled on me makes my knees trembled. He was tall, have thick eyebrows, his red lips that makes you lose your mind, unlike Tristan na maputi, matangkad, pogi, at tama lamang ang pangangatawan pero hindi kasing laki ng katawan ni Frith. Maybe because he is in a security agency company and being fit is a requirements.

Pero isa sa mga nagpapalakas ng dating sa sa lalaking nasa harapan ko ay ang peklat niya sa gitna ng baba. It was just a small scar but I don't know why it looks good on him.

Lumapit sa akin si Tristan bago ako hinapit sa baywang at sabay na lumapit kay Frith. "This is my wife, Solaria Soercia Lopez,"

"I'm Frith Fajardo, your new bodyguard," malamig niyang sabi sabay lahad ng kaniyang kamay.

Ngunit napako ang aking titig sa kaniyang kamay na nakalahad. It was a ring just like mine. A ring symbolized that he was already owned by someone else just like how my husband own me.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 32.6K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
341K 4.7K 32
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...
383K 28.6K 15
MY Creditor Side Story ပါ။ Parallel Universe သဘောမျိုးပြန်ပြီး Creation လုပ်ထားတာမို့ main story နဲ့ မသက်ဆိုင်ပဲ အရင် character ကို ရသအသစ် တစ်မျိုးနဲ...
789K 40K 35
1ST BOOK OF BRIDE SERIES✨✨ Don't do this, leave my parents, don't ruin my life, I will die. She was begging infront of him joining her both hands. Th...