Relationship Status: It's For...

Por chamchamwatty

1.1M 12.8K 3.5K

I just changed the title to avoid confusion with other stories having the same title. This is "I LOVE YOU, KU... Mais

I love you, Kuya?
Chapter 1- My Kuya
Chapter 2- Monggy's Revenge >.<
Chapter 3- He really did?? >///<
Chapter 4- Chenelyn Eklavu+Keme=Monggay
Chapter 5- Coffee Crumble
Chapter 6-The Dream
Chapter 7-The Gift
Chapter 8- He is Sick, I'm Jealous!
Chapter 9- First LQ?
Chapter 10-My new found friend
Chapter 11-Nicolai and Kevin
Chapter 12- Our Night
Chapter 13- She's a bitch!
Chapter 14- 2 months.
Chapter 15-He's Back. Signs. Past
Chapter 16-Possibility
Chapter 17- Me, Him and THEM
Chapter 18- Lost Angel
Chapter 19- Moving On
Chapter 20-Engagement Party?
Chapter 21-New Beginning
Chapter 22-Under the Tree
Chapter 23- Monthsary
Chapter 24- Truth
Chapter 24.5
Chapter 25- He's not my brother.
Chapter 26- Breathless :">
Chapter 27- Addicted
Chapter 28-Andrei VS Martin (part 1)
Chapter 29-I love him, too
Chapter 30- Changes
Chapter 31- It's a YES
Chapter 32- Our Baby and my UNlucky day >.<
Chapter 33- I'm her Fiancé (part 1)
Chapter 34-I'm her Fiancé (Part 2); The Monggy is back!
Chapter 35-Save the date
Chapter 36-Flashback
Chapter 38-Wide Awake
Chapter 39- Wedding Day.
Chapter 40- Fake Fiancé
Chapter 41-Dream and ... hurt again
Chapter 42- The guy who can't be moved
Chapter 43-Love is sweeter the second time around
Chapter 44-The Other Woman-Sheena Raphaela.
Chapter 45-Secret to Tell
Chapter 46-The EX and Secret Lovers
Chapter 47- Leave
Chapter 48-In sickness and in health?
Chapter 49-On This Day
Epilogue- Farewell.
HEP HEP HOORAY!

Chapter 37-The Accident

14.8K 121 20
Por chamchamwatty

Clarence's POV


Sht. Asan na ba siya? Peste nakapatay pa yung cellphone nya!! Mahal, asan ka na ba? Nag-aalala na ako sayo!!

Takbo pa din ako ng takbo hanggang sa mapadako ako sa isang kumpol ng mga tao.

"Shit" oo, alam kong makasalanan na ako dahil kanina pa ako nagmumura, dahil din naman sa sitwasyon ngayon! Tumakbo ako papalapit sa mga tao, sinubukan kong sumiksik sa kanila at ng makarating ako sa harap at makita ang kanilang pinagkakaguluhan ..

"Mahaaaaaaaaaaaaal!!!" agad akong tumakbo kay Mahal na nakahiga at walang malay, puno siya ng dugo!!

"Mahal, wake up. Please, Oh God" hindi ko alam ang gagawin ko, takot akong hawakan siya, takot akong baka may kung ano pang mangyari sa kaniya.

"Tumawag kayo ng ambulansya please. Fiance ko siya, please tulungan niyo ako" para na akong baliw na nanghihingi ng tulong sa mga taong nakapaligid sa amin, hanggang sa di ko na nakayanan napaupo na lang ako sa tabi ng lalaking pinakamamahal ko.

"Bakit .. " wala na akong lakas para magsalita, ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Si Andrei, sobra na akong naaawa sa kaniya.

Lalo na ngayo't alam na niya ang totoo sa kaniyang pagkatao.

Flashback

"Sorry, sa lahat ng nagawa ko. Oo masyado akong mahina dahil nagpadala ako sa galit ko pero ngayon gusto kong itama ang lahat. Ang mga nagawa kong pagkakamali. Sana mapatawad niyo ako" sabi ni Daddy Felix na umiiyak na.

"Fe-Felix, patay ang anak namin ni Leila? Tama ba?"-Tito Paolo.

"Oo kuya, hindi mo anak si Andrei kasi sa akin siya. Anak ko siya" nakatingin lang si Tito Paolo kay Daddy Felix, so si Andrei anak talaga ni Daddy Felix?

"Wait. Wait lang naguguluhan ako, so .. hindi lang pala si Clarence ang ampon dito kung hindi ako din dapat?" gulong tanong ni Andrei.

"Oo, akala ko anak kita, gaya ng nakwento ko kay Clarence" bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng tignan ako ni Andrei, hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya kaya napayuko na lang ako.

"Isa pa, si Clarence, siya ang hindi ko anak. Kahit ni Stella" this time ako naman ang tumingin kay Daddy Felix..

"Ano po? Hindi ako anak ni Nanay Stella? Pero .." hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng magsalita si Daddy Felix.

"Pinalabas ko lang na ikaw ang anak niya dahil na din sa galit, nagawa kitang kunin sa tunay mong mga magulang para lang makapaghiganti." sabi ni Daddy Felix.

"Pa-paano niyo yun nagawa? Ibig sabihin, hindi ikaw. o si Nanay ang tunay kong mga magulang?" nanghihina na ako sa mga nalalaman ko.

"I'm sorry" ngunit isang malakas na suntok ang binigay sa kaniya ni Tito Paolo.

"Damn you Felix! Ano tong nagawa mo? Hindi mo ba alam na ang dami mong naloko? Even me your own brother, paano mo to nagawa ha? I didn't expect na gagawin mo to, simpleng away lang maraming nadamay!" galit na galit si Tito Paolo.

"I'm sorry! Kaya nga eto at tinatama ko na" sabi ni Daddy Felix.

"Tingin mo mababalik ng sorry mo ang lahat? Lalo na kay Clarence na walang malay sa ginawa mo?" galit na sabi ni Tito Paolo.

"Bakit? Hindi lang naman ibang tao ang nadamay! Pati sarili kong anak nasali sa gulong to ng hindi ko inaasahan!" galit na sabi ni Daddy Felix.

Anak? Sinong anak?

"Si Stella, nagkita ulit kami noon at may nangyari sa amin. Oo, kahit pinakasalan ko si Leila si Stella pa din ang mahal ko kaya hindi ko pinalagpas ang pagkakataon at lagi kong sinusundan si Stella pero natigil lang yun nung nalaman kong may asawa't anak na siya. Pero parang naawa ang tadhana sa akin at muli kaming nagkita. At dun .. dun niya sinabi na nagkaroon kami ng anak pero nawala ito." bigla siyang ngumiti ng may sakit.

"Ang anak ko kay Stella ibinigay ko sa ibang tao, 18 taon hindi ko alam na may anak kami at ngayon niya lang sinabi sa akin, at dahil kinuha ko ang akala niyang tunay niyang anak na walang iba kung hindi si Clarence, labis akong nasaktan. Pero ngayon, gusto kong bumawi sa nawala kong anak" bigla siyang tumingin sa isang tao .. at pagkakita ko .

Kay Martin sya nakatingin.


Si Martin tumingin din sa amin. Teka, don't tell me.

"Ang batang iniwan ko sa labas ng bahay nila Gina, siya. Siya ang tunay naming anak ni Stella" lahat kami nagulat sa sinabi ni Daddy Felix.

Si .. Si Martin .. edi kung ganun.

"Stop!! Pwede ba Dad itigil mo na ang kalokohang to!" sigaw ni Andrei na labis ng naguguluhan.

"Ibig sabihin, ikaw ang totoong tatay ni -" hindi na niya natuloy ang sinasabi niya ng magsalita si Martin.

"And what? Ano kung ikaw ang totoo kong tatay? Kahit kelan, hindi ko na pinangarap na makita ka pa. Si Leo at Gina na ang mga magulang ko kaya wala akong pakielam sayo" seryosong sabi ni Martin.

"Martin! Wala kang galang kay Daddy!" hinawakan ko sa braso si Andrei at nagulat ako dahil nanginginig na siya.

Sht.

"Oh bakit? At ikaw, wag kang umasa na tatanggapin kita bilang kapatid ko. You know what, nasayang lang ang oras namin dito, nasayang lang dahil sa walang kwentang kadramahan ng pamilya niyo! " at walang sabi na lumabas si Martin sa function room ng restaurant.

"Andrei, sundan mo ang kapatid mo" matagal bago pa sumunod si Andrei.

"See? Yan ang epekto ng panlolokong ginawa mo. It's your own mess so better clean it with yourself." galit na sabi ni Tito Paolo saka umalis hanggang sa sumunod si Tito Leo, kaming dalawa na lang ni Daddy Felix ang andito.

"Clarence" akmang lalapit siya ng pigilan ko siya. Ang sakit kasi, yung akala ko nakita ko na ang tunay kong pamilya pero hindi pala? Na akala ko yung issue lang ng pagiging ampon ko ang andito pero hindi pala?

"Ang galing mong manira ng buhay, feeling mo Diyos ka para konrtrolin ang mga buhay namin? Wala kang kasing sama. Kawawa ka dahil pati anak mo nadamay? Ha! Kung kawawa ka, ano pa ako? Kinuha mo ko sa mga magulang ko para lang sa walang kwenta mong paghihiganti, kung sana kasama ko ang mga magulang ko ngayon, kung sana masaya ako at hindi parang bulag sa mga kasinungalingan na gawa mo." pinunasan ko yung luha ko saka lumabas ng restaurant.

Kelangan kong habulin si Mahal, alam kong wala din siya sa sarili niya at kelangan niya ng karamay

End of Flashback

"Miss? Miss?" nagising ako sa isang kwarto .. teka, asan ako?

"Andrei!" napaupo ako bigla, si Andrei, asan siya?!

"Miss, yung kasama niyo po ba ang hinahanap niyo? Andun na po siya O.R." nurse pala tong kasama ko.

"O.R? Kamusta na siya? Ayos lang ba siya? Ginagamot na ba siya ng mga doktor ha?"-ako. Tumingin yung nurse sa wrist watch niya.

"Actually almost an hour na siya andun pero don't worry ginagawa ng mga doktor ang lahat para umayos ang kalagayan niya. May masakit ba sayo?"

Ang puso ko, masakit. Sobrang sakit.

Umiiling na lang ako bilang sagot.

"Sige pag may kelangan ka tawagin mo na lang ako or yung ibang nurse ha? Pahinga ka muna" sabi niya sabay labas ng kwarto. Napahawak ako sa ulo ko at di ko na napigilan ang umiyak.

Sana okay lang siya, sana umayos na yung kalagayan niya. Teka, hindi ako mapanatag ng nandito lang ako, dapat makita ko siya. Paglabas ko ng kwarto agad kong hinanap kung saan yung O.R, gusto kong makita-

"Miss, may dinala daw ditong pasyente na nabunggo? Naka red siyang polo. Mga isang oras na ata o mahigit siyang andito?" napahinto ako sa pagtakbo ng marinig ko ang boses na yun ...

"Ay meron po Sir, Andrei Valdez po ang name niya base sa nakita naming ID sa wallet niya" sagot ng nurse.

"Oo siya nga, asan siya ngayon?"

"Nasa O.R po siya ngayon, may kasama po siyang babae eh .Oh, ayun po yung kasama niya" tinuro ako ng nurse at di ako nagkamali kung sino yun..

"Clarence" lumapit sa akin si Tito Paolo, agad ko siyang niyakap.

Sa ngayon kelangan ko ng karamay. Niyakap niya din ako.

"Tahan na iha, andito lang ako, okay? Wag ka ng matakot"-Tito Paolo.

"Si Andrei po, kanina pa siya nasa O.R pero hindi ko po alam kung saan yun Tito, patanong naman po sa nurse kung saan yun oh, gusto ko kasing ako ang unang makita ni Mahal pag gumising na siya" Oo, para akong batang nawawala sa isang malawak na lugar at nagpapasama sa isang matanda.

"Tara, puntahan natin siya" inakay ako ni Tito Paolo papunta sa O.R, umupo muna siya pero ako palakad lakad lang, nananalangin na sana maging maayos ang operation niya.

5:00pm

"Doc!" nagulat ako ng sumigaw si Tito Paolo, yung doktor!!

"Kamusta na po ang pasyente?" lumapit ako kay Tito Paolo.

"Madaming dugo ang nawala sa kaniya and dapat siyang masalinan ng dugo and dahil nga sa pagkakabangga niya, naapektuhan ang utak niya at yun ang mas kinakatakot ko."

"Po? Bakit, ano po bang pwedeng mangyari sa kaniya?" lalo lang akong kinabahan.

"Possible kasi na macomatose ang pasyente.” Dahil sa sinabi ng doktor halos matumba na ako.

“Ano po bang bloodtype niya?” tanong ni Tito Paolo.

“O, sasabihan ko yung nurse ko ng magrequest na ng dugo pero mas maganda kung makapaghanap kayo ng donor kasi alam kong matatagalan pa bago dumating kung irerequest na dugo”

“Sige Doc, thank you” pagkatapos umalis na yung doktor.

“O, gusto kong magdonate, kahit kunin na nila ang lahat ng dugo ko mailigtas lang si Mahal gagawin ko.”

“Clarence, hindi pa natin alam kung anong bloodtype mo”-Tito Paolo.

“Edi papacheck ko dito, teka saan ba yun?” aalis na sana ako ng bigla akong yakapin ni Tito Paolo, dahilan para umiyak ulit ako. Kelan ba to matatapos?

“Alam ko kung gaano ka nasasaktan, ako din naman, anak ko siya, hindi pala pamangkin ko siya, kadugo kaya pati ako nasasaktan pero Clarence, don’t make this situation more complicated okay? Mag-isip kang mabuti at kung magpapadala ka masyado sa emosyon mo hindi yan makakatulong, andito lang ako hindi kita pababayaan.” Hindi na ako nakapagsalita dahil iyak ako ng iyak.

Sino bang pwede naming mahingan ng tulong?

Kinabukasan, binisita namin si Andrei sa hospital kasi daw nalipat na siya sa private room.

“Kaya mo ba? Kung gusto mo-“ Tito Paolo.

“Kaya ko” kahit halos lumabas na yung puso ko dahil sa kaba pinilit kong tatagan yung sarili ko. Pinihit na ni Tito Paolo ang pintuan at bumukas ng kaunti yung pintuan. Pigil ang aking hininga hanggang sa tuluyan na itong bumukas at nakita ko si Andrei, ang lalaking mahal ko na walang malay at madaming nakakabit na tubo sa kaniya. Tuluyan na kaming pumasok ni Tito Paolo.

“Sabi  sa akin ng doktor makakatulong daw kung kakausapin natin siya, pero Clarence, mas maganda sana kung magagandang bagay lang ang sasabihin natin sa kaniya, okay?” sabi ni Tito Paolo, nginitian ko na lang siya.

Ang galing mong magpanggap Clarence.

Umupo ako sa tabi ni Mahal at hinawakan ko siya sa braso niya. Hindi pwede sa kamay kasi may nakatusok na kung ano.

“Mahal.” Hinintay ko kung sasagot ba siya pero hindi. Kaya nagpatuloy na lang ako.

“Mahal, ano .. alam mo bang pupunta dito mamaya si Marga kasi gusto ka daw niyang makita. Isasama niya daw si Baby Clyde. Mahal, hindi ka ba napapagod humiga diyan? aba, isang araw ka na sa kama pero hindi ka pa din gumigising, try mo kayang idilat yang mata mo, diba? 45 days na lang Mahal, hindi ka ba excited? Ako kasi excited na excited na kaso mukhang ayaw ata akong pasayahin masyado eh. Ang daming nangyari, ang daming nagulo. Pati ikaw nadamay, pero sobra naman ata ang nangyari sayo, hindi ikaw ang dapat andiyan eh.” Naramdaman ko na hinawakan ako sa balikat ni Tito Paolo.

“Ang unfair noh? Kung sino pa yung mga walang kasalanan sila pa yung sobrang nasasaktan ngayon, tulad ko. Back to zero na naman sa paghahanap ko sa mga magulang ko, ayos na yung pagpropose mo saken sa harap ni Nanay Stella eh, it was like a fairytale but magiging happy kaya ang ending natin?” hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko.

“Mahal, Andrei, Panget, Kissing Monster, wake up please. Ayaw mo kong nasasaktan diba? Kaya dapat bumangon ka na diyan, ui. Magpapakasal pa tayo Mahal eh, gagawa pa tayo ng maraming baby and I’ll make sure na hindi na mawawala yung baby natin just please, please please wake up” di ko na kaya! Di ko kayang makita na nasa ganun kalagayan si Andrei kaya lumabas ako ng kwarto ..

“Sorry!” may tao akong nabunggo.

“Sorry-“

O___O

“Clarence.”

“Martin”

“Clarence-“ lalapit sana siya ng

Slap

 

“Anong ginagawa mo dito ha? Dahil sayo naaksidente si Andrei! Ang selfish mo Martin, bakit ha? sayo lang ba masakit ang lahat? Pakiramdam mo sayo lang mahirap tanggapin ang lahat? Kahit kelan wala kang kwentang tao! Hinabol ka ng kuya mo pero anong napala niya? Wala! Galit ako sayo! Galit na galit ako sayo! Walang kwenta!!” pinaghahampas ko siya pero hindi siya lumalaban, hindi niya ako pinipigilan.

Hanggang sa yakapin niya ako.

 

“Sorry Clarence, oo alam kong nonsense ang panghingi ng sorry pero sorry pa din. Kung pwede lang akong makipagpalit ng sitwasyon gagawin ko para lang wag kang mahirapan ng sobra, para hindi ka na makitang sobrang nasasaktan. I’m sorry. I’m really really sorry.”

“Paano na kami ni Andrei ha? Magpapakasal pa kami alam mo ba yun?” tinulak ko siya at nakita kong umiiyak din siya.

“I’m sorry, ano bang magagawa ko para lang ..”

Ikaw ang pumalit sa sitwasyon niya ngayon. Ikaw ang mahirapan ng sobra, ikaw ang humiga doon at saksakan ng maraming tubo! Ikaw ang mawala wag lang si Andrei!” napatigil ako sa pagsasalita ..

Patuloy na tumulo ang mga luha niya.

Sht. Ano ba tong nasabi ko?!

“Oo nga, pag ako ang nawala hindi ka masasaktan tulad ngayon, or even feel a little concern about me. Don’t worry, gagawin ko yun para sayo” pinunasan niya yung luha niya saka ako iniwan mag-isa.

Gusto ko siyang tawagin pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Gusto ko siyang habulin pero parang napako ako sa kinatatayuan ko..

Gusto kong sabihin sa kaniya na nabigla lang ako pero wala, nasaktan ko na naman siya.

******************************************************************************

So ayan, na reveal na ang totoo, Si ANDREI at MARTIN ang magkapatid.

Sinabi ni Nanay Stella kay Clarence dati na walang nangyari sa kanila ni Felix dahil ayaw na niyang maalala yun, siyempre sarado utak ni Nanay Stella nun kasi akala niya di siya talagang minahal ni Felix tapos parang lumalabas na ni “rape” siya ni Felix kaya gusto niyang ibaon na yun sa limot.

Namatay ang anak ni Paolo at Leila kaya hindi anak ni Paolo si Andrei.

About sa apelido ni Tito Paolo, kaya sinabi niyang SAMONTE eh dahil gusto niya ding maghiganti kay Felix, so para matago ang identity niya eh di niya ginamit ang totoo niyang apelido.

Bakit pinalitan ang cover ng ILYK? May kinalaman yan sa magiging takbo ng story guys =))) ayun lang po. Salamat!

Pasensya kung magulo, sadyang magulo lang ang utak ko =__________=

Chamcham<3

Continuar a ler