When Suplado Boy Meets Palaba...

By iamhopelessromantic

688K 12.3K 1K

Si James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan... More

Prologue
Chapter 1 - The New Comer
Chapter 2 - Diana Sophia Eliza Torres Alcantara
Chapter 3 - Suplado plus Palaban Equals ?
Chapter 4 - Apologize to him? NOOOOO WAY
Chapter 5 - I Have No Choice
The Great James
Chapter 6 - She's Not Gone
Chapter 7 - The Confrontation
Chapter 8 - Lost and Found
Chapter 9 - The Set-up
Chapter 10 - The Accident
Chapter 11 - Nathaniel (Part I)
Chapter 11 - Nathaniel (Part II)
Chapter 11 - Nathaniel (Part III)
Chapter 12 - Puno
Chapter 13 - The Suplado Returns
Chapter 14 - The Hard Reality
Chapter 15 - I'm Stupid
Chapter 16 - Their First Night Together
Chapter 17 - Angel
Chapter 18 - It's Confirm
Chapter 19 - Rooftop
Resolving the Issues
Chapter 20 - Drama Club
Chapter 21 - Relax
Chapter 22 - Nananadya
Chapter 23 - For the First Time
Chapter 24 - Boyfriend
Chapter 25 - His Female Version
The Reason Why
Chapter 26 - Lunchbox
Chapter 27 - Clinic
Chapter 28 - His Personal Nurse
Chapter 29 - Slave and Not Nurse
Chapter 30 - What's Wrong With Her
Chapter 31 - Palaban Girl is Back
Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass
Chapter 33 - She's Mad at Me
Chapter 34 - Cold
Chapter 35 - Secret Admirer DAW
Chapter 36 - Enchanted Kingdom
Chapter 37 - Napakatanga
Chapter 38 - You're my Business
Chapter 39 - Whether You Like it or You'll Like it
Chapter 40 - Tangs
Chapter 41 - Sumpong
Chapter 42 - Heartbeat
Chapter 43 - Yakap
Chapter 44 - To See You
Chapter 46 - Cheer
Chapter 47 - Picture
Chapter 48 - Curious
Chapter 49 - Tears
Chapter 50 - Mall
Bastard
Chapter 51 - Future Sister In Law
Chapter 52 - Dinner
Chapter 53 - Goodbye
Chapter 54 - Hurt
Chapter 55 - What
Chapter 56 - Who's Jealous
Chapter 57 - Saleslady
Chapter 58 - Baliw Talaga
Chapter 59 - Walang Takas
Chapter 60 - Smile
Chapter 61 - Placard
Chapter 62 - Date
Chapter 63 - Picnic
Chapter 64 - Trust
Chapter 65 - Jason
Chapter 66 - Honesty May Not Be The Best Policy
Chapter 67 - Cake
Chapter 68 - Stalk
Chapter 69 - Locker Room
Chapter 70 - Guardian Angel
Chapter 71 - Ask
Chapter 72 - Sealed With a Kiss
Chapter 73 - Time Zone
Chapter 74 - Booth
Chapter 75 - King and Queen
Chapter 76 - Candles and Lies

Chapter 45 - Nalaglag

8.8K 162 35
By iamhopelessromantic

Dedicated to kay millymiles. She had been reading my story. Though recently hindi ko na siya napapansin. She must be busy. I hope she reads this one.

Thanks nga rin pala sa lahat ng nagcomment at vote though hindi ko na kayo mamemention dahil hindi ko pa nacheceheck feeds ko. 

Iamhopelessromantic

 

--------------------------------------------------------------------------------------

Diana's POV

"Lumiko ka diyan." Nakita ko na kumunot ang noo niya.

"Hindi yan ang papunta sa bahay niyo."

 

Iyon ang akala mo.

"Basta. Sundin mo na lang kasi ako. Huwag ka nang masyadong maraming tanong." Dapat kasi noon ko pa sinabi na hindi talaga dun ang bahay namin eh. Nahihirapan tuloy ako ngayon. Pero sino ba naman kasi ang mag-aakala na ihahatid pa ulit ako nito? Tsssk. Bahala na nga si Naruto.

Sinabi ko sa kanya kung saang subdivision pumunta. Mukhang alam naman niya ang daan. Ng nasa gate na kami ng subdivision ay naghanda na akong buksan ang bintana ng kotse. Strict kasi ang security sa subdivision. Hindi basta-basta nagpapasok ng kung sinu-sino.

"Kayo pala yan Maam Diana." sabi ni Manong guard. Kilala niya ako. Feeling close kasi ako eh. Lahat kinikilala.

"Opo."

 

"Iba yata sundo natin ngayon ah. Boyfriend niyo po Maam?" Tsismoso din tong si manong eh.

"Hindi po. Sige po una na kami." At ayun pinaharurot na ni Nathaniel ang kotse. Parang kanina pa niya gustong gawin iyon habang kausap ko iyong guard.

Pinahinto ko na siya sa tapat ng bahay namin. Bumaba na agad ako. Sumunod naman siya.

"Ano bang gagawin mo dito? Kaninong bahay ba to?"

 

Napakamot na lang ako ng ulo. Mukhang galit kasi siya eh. Parang natatakot na tuloy ako sabihin sa kanya ang totoo.

"Ano kasi...."

 

"Bahay ba to nung Edrian?"

 

"Ha? Ah Oo." Bahay naman talaga ni Kuya Edrian to eh.

 

"What? Anong gagawin mo dito?"

 

"Dito ako nakatira." Ayan nasabi ko na.

 

"You what? Nakikitira ka sa kanila?"

 

"Hindi. Ay oo." Nagulat ako kasi nagulat siya eh.

 

"ANO BA TALAGA?"

 

"Bakit ka ba kasi nagagalit diyan? Tsaka huwag ka ngang sumigaw."

 

"At paanong hindi ako magagalit. You're living in the same roof with that guy."

 

"So what? Kap---"

 

"So what? Are you really out of your mind?" Hindi man lang ako patapusin magsalita. Anong masama kung kasama ko sa iisang bahay ang kapatid ko? Nakakainis talaga siya. Nagagalit na lang bigla. Tapos naninigaw pa.

"Umalis ka na sa bahay nila. If you don't have anywhere else to go I'll get you one."

 

"Ano ba yang sinasabi mo?"

 

"Just do as I say will you."

 

"No. Ayoko. Sino ka ba sa tingin mo para sabihin sa akin ang dapat kung gawin? Ang problema kasi sa'yo Nathaniel nagagalit ka na lang ng basta-basta. Nagagalit ka nang wala namang dahilan. Tapos hindi ka pa nakikinig. Hindi pa nga ako tapos magsalita naninigaw ka na agad. Tingin mo ba madadaan mo ang lahat sa pagsigaw? Tapos kung anu-ano pang kalokohan ang pinagsasabi mo. Umalis? Bakit naman ako aalis eh bahay namin to."

 

"Bahay mo? Paanong naging bahay mo ang bahay ng lalaking yun?"

 

"Bahala ka nang mag-isip. Problema mo na yan."

 

Tinalikuran ko na siya. Naglakad na ako papunta sa gate namin at nag door bell.

"Yaya Teresa ako po to." Automatic nang bumukas ang gate. Pumasok na agad ako bago pa niya ako mahabol. Ini-lock ko na agad iyon. Hindi ko na rin talaga napigilan ang pagkulo ng dugo ko. Kasi kung anu-ano nang pinagsasabi niya. Bahala siya sa buhay niya. Bahala siya mabaliw sa kaiisip kung paanong naging bahay ko ang bahay ni Edrian. Total ayaw naman niya makinig kanina eh. I already did my part on telling the truth. Hindi ko na kasalanan kung sira-ulo siya at hindi niya ako pinatapos magsalita kanina.

 

 

Pagkatapos mag-dinner ay umakyat na agad ako sa kwarto ko. Gumawa ng ilang assignments tapos ay nagshower na. Pagkatapos kung magbihis ng pajamas ko ay chineck ko ang phone ko. Napakunot ako kasi meron akong 28 missed calls. Umupo ako sa kama ko. Hindi ko pa man na-uunlock ang phone ko ay may tumatawag na naman.

Ang ungas.

 

Hindi ko sinagot. Naiinis pa rin kaya ako sa kanya. Ayoko ko siya makausap. Wala naman siyang matinong sasabihin eh. After a few rings, well hindi naman talaga siya nagriring kasi nakasilent nga, basta, ibinababa na yata niya. Tapos tumatawag na naman siya. Hindi ko ulit sinagot. Pero hindi ko rin nireject. Eh di malalalaman niya na alam kong tumatawag siya at sinadya kong hindi sagutin. Magsasawa din yan. Waaahhhhh. I'm so mean.

Ng tumigil na siya sa pagtawag ay tiningnan ko kung sino pa iyong ibang tumawag.

Anak ng patay na pating.Siya lahat. Sa kanya lahat iyong na missed kong call.

 

Anak ng patay na pating ulit.

 

Nabitawan ko bigla ang phone ko sa sobrang gulat. Tumatawag na naman kasi siya. At worst pa na press ko ang accept button.

SHIT. SHIT. Anong nang gagawin ko ngayon?

 

Dali-daling kung pinulot ang phone ko. Feeling ko nanginginig ang kamay ko habang dahan-dahan kung inilalagay iyon sa tenga. Inihanda ko na ang sarili ko sa pagsigaw niya. Pero ilang seconds na ay wala pa ring nagsasalita sa kabilang line.

Tiningnan ko ang screen ng phone ko. Nakaconnect talaga siya. Tumatakbo ang time. Waaahhhhh. Anong gagawin ko. Parang natatakot akong magsalita eh.

Magsasalita na sana ako pero naputol na ang tawag.

Nung nangyari? Waaahhhh. Nagugulahan na talaga ako. Bakit siya tumawag eh hindi naman pala siya magsasalita. Sira-ulo talaga yun. Ninerbiyos pa ako para sa wala. Eh bakit dissapointed ako?Ay ewan.

 

Baka hindi naman talaga ako tinawagan nun? Eh anong nangyari kusang nagdial ang phone niya? May isip lang ang phone niya  ganun? Bakit nga ba hindi? Pwede namang hindi niya napapansin na napress pala niya ang call button. Pwede naman yun. Sa katangahan ko minsan nakakalimutan kong i-lock phone ko kaya minsan tumatawag siya ng kusa.

 

Eh paano kung tumatawag talaga siya? Eh bakit hindi siya nagsalita? Waaaaaaahhh. Ao ba talaga?

 

Napatalon ako sa gulat ng may kumatok sa pinto. Sa gulat ko ay naitapon ko ang phone ko. Dali-dali ko naman iyong pinulot tsaka bumalik ulit sa pagkakaupo sa kama. Buti hindi nagkapira-piraso phone ko. Medyo malakas pagkakahagis ko eh.

Bumukas na ang pinto at iniluwa nun si Yaya Teresa. Bakit kailangan magulat ako? Wala naman akong masamang ginagawa ah.

Lumapit na sa akin si Yaya dala ang isang baso ng gatas.

"Thanks Yaya Teresa." sabi ko sabay abot ng gatas at ininom yun. Habang ininom ko ang gatas ko ay pumunta si Yaya sa bintana ko. Isinasara niya ang kurtina.

"Halika ka nga muna dito Yana." Inilapag ko na ang baso sa bed-side table ko at lumapit sa kanya.

"Bakit po Yaya?"

 

"Kanino kayang kotse iyang nasa tapat natin. Kanina pa kasi yan."

 

Tiningnan ko iyong sinasabi niya. At talaga namang kinabahan ako sa nakita ko. SHIT. SHIT talaga. Kotse niya yun. Hindi ako pwedeng magkamali.

Bakit nasa labas pa rin ng bahay namin ang kotse niya? Huwag mong sabihin na hindi pa rin siya umaalis simula kanina?

 

"Yana, umiilaw phone mo. May nagtext yata."

 

Napalingon naman ako kay Yaya tapos sa phone ko. Daig ko pa yata si Superman sa bilis kong nakalapit sa kama ko. Tiningnan ko ang phone ko. Tumatawag na naman siya.

Hindi ko pa rin alam kung sasagutin ko ba to o hindi.

 

"May problema ba Yana?" Napansin yata niya na may iniisip ako.

 

"Wala po Yaya. Ah ano. Huwag niyo na pong alalahanin yan. Baka guest lang yan ng isa sa mga kapitbahay natin at diyan lang naisipang magpark sa tapat natin." Waaahhh. In fairness ang bilis kong makapg-isip ng dahilan.

"Sabagay mahigpit naman ang security nitong subdivision. Sige matulog ka na, may pasok ka pa bukas." At tuluyan na niyang isinara ang kurtina.

"Sige po Yaya. Goodnight." Inunahan ko na siya sa pinto at binuksan iyon. Huwag naman sana niyang mahalata na atat akong palabasin na siya. Todo ngiti ako kahit na medyo nanginginig ako habang palabas siya.

"Sige Goodnight."

 

Ng tuluyan na siyang makalabas ay agad ko nang isinara ang pinto. Napasandal na lang ako dun saka napabuntunghininga. Tapos tumakbo ako papunta sa bintana ko. Hinawi ko ng konti ang kurtina. As in, konting-konti lang talaga. Malay ko ba kung nakatingin siya dito ngayon? Pero hindi naman niya alam kung saan ang kwarto ko eh. Ay ewan. Basta mabuti na ang sigurado.

Sumilip na ako. Nakikita ko nga ang kotse niya. Pero hindi ko naman maaninag kong nasa loob ba siya nun. Tiningnan ko din kung nasa labas siya pero wala naman akong taong nakikita. Kung ganun baka nasa loob nga talaga siya ng kotse niya.

Paano niya nakakayanan mag-stay sa loob ng kotse niya ng ganoon katagal?

 

Tiningnan ko phone ko. Hindi na siya tumatawag. It's ten o'clock. Parang nanlaki ang mga mata ko. Seven pa lang nang ihatid niya ako kanina. Tapos ten na.

He's been there for like three hours?Seryuso ba talaga to? Baka mali lang tong oras ng phone ko. Kasi papaano niya nakayang magstay ng ganyan katagal eh sobrang mainipin niyan?

 

God. Patay na talaga ako nito. Papatayin na talaga niya ako.Hindi ko pa talaga sinagot tawag niya.

 

Eh ano ba kasing kailangan niya? Bakit hindi pa siya umuwi sa kanila? Lakad ako ng lakad dito sa room ko. Hindi na talaga ako mapakali. Hindi pa rin talaga siya umaalis. I'm sure, kasi panay pa rin tawag niya. Natatakot naman ako sagutin. Super. Feeling ko kapag sinagot ko ang tawag niya ay katapusan ko na.

Tumatawag na naman siya. Hindi pwedeng titigan ko na lang tong phone.

I really have to do something.

Huminga muna ako ng malalim. As in super lalim. Nanggaling pa yata sa inner core ng earth ang paghinga ko. Tinouch ko na ang accept button.

"He-llo." SHIT. Nauutal ako. Tapos sobrang hina pa ang pagkakasabi ko. Mas mahina pa yata ang bulong. Iyong tipong kahit katabi ay walang maririnig kahit na konti.

"Get out of there!"

 

Napanganga na lang ako habang nakatitig sa phone ko. Waaaaaaaaahhhh. Ibinababa na niya agad. Hindi niya ako sinigawan. Pero. Pero. Pero iyong tono ng boses niya napakalamig. Parang gusto kong manginig. Manginig sa sobrang takot.

 

Waaaaaaahhhhh. Parang gusto ko na talagang magpagulong-gulong sa sahig. Hindi ko na talaga alam ang gagawin.

 

Iyong pagkakasabi kasi niya ng 'Get out of there' (ginaya ko talaga tono niya) ay nakakapanindig balahibo. Tapos parang sinasabi pa niya na kapag hindi ko sinunod ang sinabi niya ay papasukin niya ako dito.

Gulo to. Malaking gulo.

 

Nasa tapat na ako ng pinto ko. Lakad pa rin ako ng lakad. Nag-iisip kung lalabas ba ako o hindi pero at the same time nag-iisip na rin ng idadahilan kapag may nakakita sa akin na lumabas. Nagfocus muna akong mabuti sa mga dapat kung gawin. Tapos ay huminga ulit ako ng malalim. Mas malalim pa sa inner core ng earth.

Kinuha ko na ang robe ko at isinuot yon. Tapos dahan-dahan ko nang binuksan ang pinto ko. Sumilip muna ako kung may tao. Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Clear. Mabilis pa sa alas-kwatro ang paglabas ko. Pero dahan-dahan lang ang pagsara ng pinto. Baka may makarinig eh.

Naglalakad na ako pababa ng hagdan. Dahan-dahan lang. Nakayuko ako. Iniisip ko kapag may nakapansin sa akin ay magpapagulong na lang ako pababa. Napalunok na naman ako sa kaba. Ang taas kaya ng hagdan namin. Baka paggising ko bali-bali na buto ko or worst hindi na talaga ako magising. Hayyyy. Kung anu-anong kalokohan ang naiisip ko. Mabuti pa magconcentrate na lang ako sa paglalakad ng dahan-dahan. Dahan-dahan. Sure and Smooth.

Parang ang laking achievement na nang makababa ako ng hagdan. Nakayuko pa rin ako habang naglalakad ako papunta sa pintuan. Daig ko pa ang magnanakaw sa ginagawa ko. Feeling ko ang tagal ko bago ko nakalabas. Parang ang layo ng sala sa pinto.

 

Tumitigil ako sa paglalakad minsan. Chinecheck kung may tao. Nagtatago ako sa likod ng malalaking vase. Ngayon ko lang talaga na-appreciate ang kagandahan nila. May silbi naman pala sila. Hindi lang sila for decorations.

Ng makalabas na ako ng gate ay dumiretso agad ako sa kotse niya. Pero wala siya sa loob. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hindi ko siya makita.

Asan ba kasi siya? Pinaglalaruan lang kaya niya ako?

 

Tumawid ako sa kabilang kalsada. Walang bahay sa tapat namin. Puro puno lang. Babalik na sana ako sa bahay namin ng may biglang humila sa akin sa may mga puno. Tinakpan pa niya ang bibig ko.Sa sobrang bilis ng pangyayari ay wala man lang akong nagawa.

Kahit na nakita ko na ang mukha ng humila sa akin ay hindi pa rin ako makapagsalita sa sobrang gulat at takot ko. Napahawak na lang ako sa puso ko na feeling ko hindi na yata tumitibok.

Ng makaget over na ako sa pagkagulat ko ay hinampas ko siya sa dibdib niya.

He just grab my hands to stop me.

"You scared me to death alam ba yun?"

 

Binitiwan niya kamay ko. But he didn't answer. He just stared at me for like.... forever? Joke. He don't seem mad. Actually I can't see anything in his expression. It's totally blank.

At mas nakakatakot pala siya kapag ganito.

"Anong bang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa umaalis?" Mahina lang pagkakasabi ko. Baka kasi may makarinig sa amin eh. Remember andito kami sa likod ng puno. Ano na lang iisipin ng makakakita sa amin dito?

"Explain what you said."

 

"Ang alin?"

 

"Bakit bahay mo ang bahay nung lalaki yun?"

 

Parang hindi ako makapaniwala sa itinatanong niya.

"You asked me to come here just to ask me about that? Nasisiraan ka na ba talaga ng bait? Do you have any idea what I have gone through makapunta lang dito? I have to sneak out of the house like I'm some thief. Tinakot mo pa ako kanina na halos ikamatay ko tapos tatanungin mo lang ako tungkol dun."

"Why don't you just explain it to me?"

 

"And why would I do that? Why do I  have to explain to you?"

 

"Because I wanted to know? I wanted to know badly."

 

Natahimik naman ako at napatitig sa kanya. Makikita mo talaga. Mukhang desperado nga talaga siyang malaman yun. To think na hinintay niya ako dito for three long hours. Pero bakit?

"Bakit ba kasi? Why does it matter to you? Wala ka namang kinalaman sa bagay na yun."

 

"You really don't know?" Frustrated na tanong niya.

"Would I ask if I know? Hindi naman di ba. Bakit hindi mo na lang kasi sabihin ang dahilan mo. Nang matapos na to. Dahil hindi talaga kita maintindihan. Hindi ko maintindihan ang iniisip mo, ang sinasabi mo, ang kinikilos mo and most especially ang mga ginagawa mo. I don't understand kung bakit andito ka. Kung bakit sobrang big deal sa'yo na nakatira kami sa iisang bahay ni Edrian. And I don't understand kung bakit bigla-bigla ka na lang nagagalit. Wala naman akong ginagawa sa'yo."

 

Nagulat ako dahil imbes na sumagot ay niyakap niya ako. At ako naman imbes na kumalas ay parang gusto ko na din yumakap sa kanya.

Hindi ko pa naman siya kaclose. Tapos aminado pa ako na sira-ulo siya. Pero ewan ko ba, hindi man lang ako natatakot na baka may gawin siyang hindi maganda sa'kin.

"Just tell me. Just tell me it isn't what i think?"

 

It isn't what he think? Bakit ano ba ang iniisip niya?

 

"Kasasabi ko lang di ba? Hindi ko alam kung anong iniisip mo. Kaya diretsuhin mo na ako pwede ba."

 

"How come you don't know?"

 

Napataas ang kilay ko. So kasalanan ko pa kung ganun?

"Mind reader ba ako para malaman ko iniisip mo? Isa lang naman ang alam ko. All I know is you hated me. (Sa bibig pa niya mismo nanggaling iyon, sinabi niya kay Annika at narinig ko) And worst you might even loathe me."

 

"I admit. I did hate you."

 

I did hate you. Inulit ng isip ko. Naniniguradong tama ang nadinig ko.

Did. Past tense eh. So ibig sabihin he doesn' hate me anymore. Waaahhh. Bakit natutuwa ako? Sa tuwa ko ay hindi ko na alam isasagot ko.

 

"Now it’s your turn to explain."

 

Kumalas ako sa yakap niya at kinunutan siya ng noo.

"My turn? Eh hindi ka pa din naman nag-eexplain ah. Tapos its my turn? Ano ka sinuswerte?"

 

Kinunutan din niya ako ng noo tapos sinimangutan pa. Natawa na lang ako. Ha? Natawa ako? Di ba dapat naiinis ako kasi nga sinumangutan ako tapos natatawa ako. Wala na. May sira na rin yata tong utak ko. Kailangan na din itong ipacheck-up.

"Okay fine. Whatever you’re thinking. Whatever it is. Though I have zero percent idea kung ano yun. I am very sure that it’s not what you think. I'm ninety-nine point ninety nine percent sure. Masaya ka na?"

 

He just smiled at me. His very rare but oh so sweet and dashing smile.

SHIT. Ang puso ko nalaglag yata. Asan na ba yun. Hindi ko mahanap. Gumulong-gulong na yata . Dapat mapulot ko na agad yun.

Waaahhh. Ano ba tong sinasabi ko? Puso malalaglag? Ano kagaya lang ng cellphone ko kanina?

 

Kasi naman eh. Hindi naman masyadong obvious na masaya siya di ba (sarcastic). Ano kaya sa sinasabi ko ang nakakatuwa?

"Huwag ka ngang ngumiti."

 

He did what I said. Pero kahit ganun makikita mo pa rin sa mata niya na masaya siya. Bipolar talaga. Kanina lang galit na galit siya tapos ngayon masaya na siya. Ang nakakainis ni hindi ko alam kung bakit.

"Umuwi ka na nga. Papasok na ako sa loob." Nauna na akong maglakad sa kanya. Parang wala kasi siyang balak umalis eh.

Nasa may kalsada na ako ng makita ko nang biglang bumukas ang gate namin. Mabilis akong tumakbo pabalik sa mga puno sabay hila na din kay Nathaniel. Nakasunod siya sa akin eh. Ayun nagtago kami sa likod ng isang puno.

"Bakit ba?"

 

"Sssshhhhhhh." sabi ko. Sabay pigil sa kanya. Aalis na sana siya eh.

Sumilip ako. Tama nga ako. Si Edrian nga. Sino pa ba ang aasahan ko? Kami lang kaya sa bahay. Kinabahan ako ng lumabas siya sa kotse niya. Lalo ako nagsumiksik sa pagtatago sa puno.

"Akala ko ba papasok ka na sa inyo?"

 

"Huwag ka sabi maingay." Itong isang to. Ayaw makipagcooperate. Kapag talaga nahuli kami ng kapatid ko isasama ko talaga siya sa impyerno.

"Yaya Teresa si Princess po?" Napapikit na lang ako. Naku naman. Ano ba kasing ginagawa ko dito?

"Natutulog na siya hijo."

 

"Ganun po ba. Sige aalis na po ako. Just call me kapag may problema."

 

"Sige. Ingat ka ha. Huwag masyadong magpapagabi."

 

"Hindi po talaga ako gagabihin. Madaling araw na ako uuwi eh." Natatawang sabi niya tapos pumasok na siya sa kotse niya at pinatakbo iyon.

Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik ng hindi ko na marinig ang ugong ng kotse niya. Magkakasakit talaga ako sa puso sa pinaggagawa ko.

"Iyong Edrian ba yun?"

 

Tumango lang ako. Parang wala pa akong lakas magsalita eh. Ni hindi pa nga ako makakilos sa kinatatayuan ko. And speaking of kinatatayuan ko. Wait. Bigla akong napalayo sa kanya ng marealize kung gaano ako kalapit sa kanya. Nakasandal siya sa puno at ako naman nakasandal sa kanya.

Bakit big deal? Eh kanina nga nakayakap yan sa'kin? Waaahhhhh. Bakit parang ngayon pa lang nagsisink-in sa utak ko na niyakap niya ako kanina?

 

"Saan siya pupunta?"

 

"I'm not sure. Baka maglalakwatsa yun kasama mga friends niya. Baka sa bar na naman punta nun."

 

"Madalas ba siya umaalis kapag gabi."

 

"Most of the time. Teka nga. Sandali nga lang. Bakit ang dami mo yatang tanong about Edrian? Don't tell me your interestd with him?"

 

"What?" Nanlaki ang mga mata niya.

"Are you gay?"

 

"Of course not. Baliw ka ba? Hindi ko sasayangin ang kagwapuhan ko no" Waaaahhhh. Mag-aagree ako dun. Sayang talaga kapag nagkataon. Pero kasi naman eh. Bakit sobra naman siya makapagtanong ng about sa kapatid ko? Kelan pa siya nagkaroon ng pakialam sa iba? Bakit parang nagseselos ako?

Uie hindi ah.

"Pumasok ka na nga sa inyo."

"Oo na." Kanina pinipilit niya ako palabasin tapos ngayon naman ipinagtatabuyan na niya ako. Tsssk. Kapag talaga sinabi niya lumabas ako ay hindi ko na gagawin iyon. At talagang iniisip ko na may ganito pa uling mangyayari? Huwag na no. Ang sakit sa puso eh. Baka maagang magretire to.

Nauna na akong naglakad. Kakatawid ko pa lang ng kalsada ng may kotseng huminto sa harap ko. Nanlaki naman ang mga mata ko. Daig ko pa ang magnanakaw na nahuli sa akto ng mga pulis.

"Edrian????"

 

"What are you doing here Princess?" tanong niya ng makalapit sa akin.

 

Hindi na naman ako makapagsalita. Tumatagos ang tingin ko sa taong nasa likuran lang niya. Itinaas ko ang kamay ko na may hawak na cellphone. At the same time ay sinesenyasan ko si Nathaniel na maglaho na bago pa siya makita ni Edrian.

"I'm looking for a signal." What a lame excuse Diana.

"Wala bang signal sa loob?"

 

"Wala nga eh. I can't make a call. May kailangan kasi ako itanong sa classmate ko about our assignment."

 

"You should have reached her through internet."

Lagot. May internet onnection nga pala kami. Isip Diana. Isip.

"Hindi kasi mahilig iyong friend ko na yun na mag-surf kaya hindi ako sure kung online siya." Maniwala ka na Kuya. Please naman. Kinakabahan na talaga ako. Hindi pa rin kasi umaalis si Nathaniel sa likuran niya. Hindi yata niya nagets ang senyas ko.

"So nagkausap na ba kayo?"

 

"Ahh. Hindi nga rin eh. Mukhang itong phone ko yata ang may sira. Nahulog ko kasi eh."

 

May kinuha siya sa bulsa niya. Hindi siya nakatingin sa akin kaya I used the opportunity para paalisin na si Nathaniel. Shi-noo ko na siya at the same time I mouth the words 'Umalis ka na.' ng paulit-ulit. Pero hindi pa rin siya umalis. Kinunutan lang ako ng noo.

Ng tumingin ulit sa akin ang Kuya ko ay todo ngiti lang ako. Mapupunit na yata labi ko sa kakangiti.

"Used my phone. We'll just buy a new one for you tomorrow." Naku naman.

"Huwag na Edrian. Baka nagdadrama lang tong phone. Bakit ka nga pala bumalik?"

 

"Nacancel lakad namin eh. Pasok ka na sa loob." Aktong babalik na siya papunta sa kotse niya. Automatic akong napalapit sa kanya para pigilan siyang lumingon sa likod niya.

"Kuya kain naman tayo. Nagugutom ako eh."

 

"Sure. Ipapasok ko lang itong kotse."

 

"Huwag na. Ano. Iutos mo na lang kay Manong."

 

"Kelan ka pa naging palautos.?" Lagot. Nagdududa na talaga siya. Isang lingon lang niya patay na ako.

"Eh gutom na talaga ako eh." sabi ko sabay kapit sa braso niya. Hinila ko na talaga siya papasok. Desperada lang?

"Sige na nga." Naglakad na kami papasok. Iyong isang kamay ko nasa likuran ko at panay pa rin ang senyas.

Ng makapasok na kami sa loob.

"What do you wanna eat Princess?"

 

"Huwag na lang pala Kuya." Nagsalubong ang kilay niya.

"Nag-dadiet ako eh. Goodnight." Kiniss ko na siya sa cheeks tapos umalis na ako agad-agad. Ni hindi ko na siya nilingon. Pagkasara pa lang ng pinto ng kwarto ko ay tumakbo na agad ako papunta sa bintana. Sinilip ko kung nandoon pa rin ang kotse niya. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko na makita kotse niya.

Lumapit ako sa kama ko at ibinagsak katawan ko. Napabuntunghininga ako.

What a night. Parang lahat ng stress, takot at nerbiyos na pwede kong maranasan sa buong buhay ko ay ipinaranas na sa akin ngayon.

 

Hindi ko maiwasang mapangiti habang naalala iyong pagtakas na ginawa ko pati na din yung pagtatago namin sa puno. Against all odds lang ang drama. Kung may nakakita lang talaga sa amin kanina I'm sure iisipin nila na lovers kaming dalawa na pilit ipinaglalayo ng mga magulang.

Waaaaaaaaaaahhhhhhh. Bakit parang biglang uminit ang mukha ko?

 

Biglang umilaw ang phone ko.

UNGAS CALLING

Sinagot ko na agad. Excited? Wala nang isip-isip?

"Hello."

 

"Where are you?"

 

"Sa bahay." Nasa bahay ko na naman talaga kami. Tsaka bakit naman niya itinatanong eh nakita na naman niya akong pumasok?

"Where specifically?"

 

"Sa room ko."

 

"You're alone?"

 

"Of course. Ano bang klaseng tanong yan?"

 

"How far is his room?"

 

"Ha?"

 

"Iyong room nung Edrian."

 

"I don't know. Maybe two or three minutes walk." Bakit ba ito ang pinag-uusapan namin? Bakit ano ba dapat?

"Have he been into your room?"

 

Ano na naman ba tong mga tanong niya? Do I really have to answer this?

"Yes." Sagutin na natin. Baka mauwi na naman kasi sa away kapag hindi ako sumagot.

"How frequent?"

 

"Hindi ko alam. Hindi ko naman binibilang eh."

 

"Tssssk."

 

"Ano na namang problema mo?" Hindi naman ako naiinis. Actually natatawa nga ako eh. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Dapat naasar na ako ngayon kasi kung anu-anong tinatanong niya at hindi ko na naman alam kung bakit pero nangingiti lang ako.

There's something on the tone of his voice that is making me smile from molar to molar.

"I don't have a problem. Good night. Dream of me."

 

Ano daw?

 

 

 

Continue Reading

You'll Also Like

26.1K 871 22
Meet Xin Keib,ang babaeng walang pakealam kung anong nagaganap sa mundo. At darating ang araw na makakatagpo nya ang lalaking nag-ngangalang Ice Aeri...
276K 2.2K 101
"She know she can. She believed, she reached her dream." (TAGALOG - ENGLISH) Highest Rank: #1 in Poetry #2 in Poems
410K 21.8K 45
In an alternate universe, Maine Mendoza fails to make it as a talent in Eat Bulaga, and pursues her other dream to be a Flight Attendant. In one of h...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...