Maybe It's Not Ours

By thelonewriter_

6.8K 165 29

Agatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sn... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
53
Epilogue

52

90 3 1
By thelonewriter_

Pumayag na si Daddy. Pumayag na siyang doon na kami ni Damon tumira sa bahay nito. At first, akala ko na baka pinagbibigyan lang ulit ako ni Daddy sa gusto kong mangyari, pero sinabi ni Damon na nagkausap na sila ni Daddy tungkol doon. At pati ang mga kapatid ko ay nakausap na rin niya.

Hindi ko alam kung kailan at ngayon ko lang nalaman na may pag-uusap pala na naganap tungkol sa bagay na iyon. At hindi ako makapaniwalang nakausap ni Damon ang tatlong kapatid ko tungkol dito. Lalo na si Kuya Sandro.

Gustuhin ko mang ipadetalye kay Damon kung paano ang naging pag-uusap niya kasama ang mga Kuya ko ay umayaw din ko. Ang importante, ito, pinayagan na kaming bumukod. But we promised to Daddy na babalik pa rin kami rito, papasyal at minsan ay dito rin matutulog.

Kahapon sinabi ni Damon sa akin ang tungkol dito, at ngayon, ngayong araw mismo ang alis namin dito sa bahay. Hindi naman biglaan para sa akin dahil sa totoo lang, excited na ako. I am excited because Damon and I are gonna live independently! Like, kami lang ang laman ng bahay niya bukod sa kasama niyang maids doon.

Para na kaming mag-asawa.

"Are you excited, babe?" Tanong ni Damon habang isa-isang itinabi ang mga bag kung nasaan ang mga gamit namin.

Nandito kaming dalawa sa kwarto, mamayang hapon ang alis namin. Nakasandal ako rito sa headboard ng kama, nakaupo rito, habang pinapanood ang mga ginagawa niyang pag-aayos.

"Yes.." I answered him with a giggle. "Anyway, curious ako kung anu-ano ang mga napag-usapan ninyo ng mga Kuya ko tungkol dito. Ano naman ang sinabi nila sa'yo?" Tanong ko naman sa kanya at nagkibit-balikat siya.

"Mga paalala lang."

Mga paalala lang? O mga banta, sabihin niya! Hindi ako kinausap ng mga Kuya ko regarding this, kahit si Kuya Sandro na nakakasama ko rito sa bahay. Paanong kakausapin ako? Nagkakatampuhan pa rin kaming dalawa hanggang ngayon.

"Like?"

Umiling siya at natawa. "Basta."

Bakit naman basta? Ayaw niyang sabihin sa akin? Ngumuso ako sa kanya, ewan ko kung iisipin ko bang hindi maganda ang naging pag-uusap nila.

"Eh, si Daddy na lang. Ano ang pinag-usapan ninyo?" Tanong ko pa habang kinakamot ang braso ko.

"Basta rin."

Imbes na mainis ako sa mga sinasagot niya ay natawa na lang ako. Okay, hindi ko na siya pipilin. Mukhang usapang lalaki iyon, so yeah. Whatever, Lewis.

Tumayo na ako habang hawak-hawak ang tiyan ko. I admit it, ramdam ko nang nag-gain ako ng weight kahit maliit pa ang tiyan ko. Kaya medyo nabibigatan na rin ako, sure na mas bibigat kapag third trimester na.

Nang sumapit ang hapon, nagpaalam na kami kay Daddy dahil sa pag-alis namin dito sa bahay. Supposedly ay 4 o'clock ang alis namin, pero sinabi ko na hintayin pa namin ang pagdating ni Kuya Sandro from work.

Hindi ko rin natiis si Kuya, kaya ako na ang unang makikipagbati. At ganoon din siya, hindi niya ako natiis.

"Tawagan mo lang ako, ha?" Malungkot ang tono ni Kuya Sandro nang sabihin niya iyon. Mas gusto ko pa 'yong nang-aasar siya kaysa ganito.

"Kuya, akala mo naman kung babalik na ako sa California! Same city pa rin tayo. Magkaibang village lang!" Natatawang sabi ko sa kanya. "You can visit us doon sa bahay ni Damon."

Lumingon si Kuya Sandro kay Damon at tinanguan ito, na para bang alam na nilang dalawa ang ibig sabihin nun. Boys.

Hinalikan at niyakap ko sila isa-isa at inulit kong sinabi na bisitahin kami roon sa bahay ni Damon kahit kailan, at ganoon din ang gagawin namin ni Damon. Pumayag naman sila.

Alam na rin ni Ate Gabriela ang tungkol dito sa pagbukod namin ni Damon at sinabing pabor naman siya at nang ma-practice na namin ni Damon ang parenting. Oh, gosh, parents na nga talaga kami ni Damon. I can feel the pressure and the overwhelming joy at the same time.

Nakarating kami sa bahay, hindi na ako nagulat nang pagpasok namin ay maayos ang paligid. At may mga pagkaing nakahanda sa mesa! Sinalubong kami ng dalawang kasambahay ni Damon, 'yong isa ay matanda na habang ang isa ay mga nasa 28 siguro. Hula ko ay mag-ina ito, magkamukha sila eh.

"Magandang hapon sa iyo, hija."

"Hello po, magandang hapon din po."

Ipinakilala ako ni Damon sa dalawa, nagpaalam muna si Damon na ilalagay ang mga gamit namin sa kwarto namin. Sinamahan siya ng batang maid na si Ate Karen. Nagpaiwan na ako rito sa ibaba dahil gusto kong gumala rito, kahit napuntahan ko naman na ang bahay niyang ito.

Kasama ko ang matandang maid na si Manang Helena, nagkukwentuhan kaming dalawa.

"Nako, hija. Ikaw pala ay buntis."

Napalingon ako sa kanya mula sa paggagala ng paningin ko, tumango ako sa kanya.

"Opo, 4 months na po.."

Wala pa man din akong 30 minutes ay magaan na ang pakikisama ko sa maid niyang ito. Kwento siya nang kwento at gusto kong makinig sa mga sinasabi niya. Mukhang matagal nang kasama ito ni Damon dito sa bahay niya?

Kaya napatanong ako.

"Mga ilang taon na po kayong naninilbihan dito kay Damon, Manang Helena?" Tanong ko rito.

"Dito sa bahay niya? O noong simula nang alagaan ko siya?"

Medyo nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. So, ibig sabihin ay bata pa lamang si Damon ay kasama niya na ito? Siya ang nag-alaga kay Damon?

"Inalagaan po ninyo si Damon?" Tanong ko at tumango siya.

"Oo, noon pang bata siya. Doon sa bahay nila dati, kasama ang Daddy at Mommy niya.. Hanggang sa lumaki siya, nandoon pa rin ako sa bahay nila, kasambahay at kasama ang anak ko. Kahit hindi na siya madalas umuwi roon nang magbinata na siya."

Akala ko, mga ilang taon lang nakasama ni Damon si Manang Helena. Pero mukhang buong buhay na niya kilala ang ale na ito. Kaya nagpakwento ako sa kanya tungkol kay Damon.

Mukhang kilala ni Manang Helena ang mga magulang ni Damon. Malamang! At hindi imposible na alam niya rin ang kwento ng pamilya ni Damon? Aish, hindi na kailangang isipin at alamin pa ang tungkol doon.

Nagtataka lamang ako..

Naupo na kami sa sofa rito sa sala, habang hinihintay na bumaba si Damon. Nauna nang bumaba ang anak ni Manag Helena na si Karen, at mamaya-maya ay susunod na rin dito sa baba si Damon.

"Hmm makulit po ba siya noong bata siya?" Tanong ko na ikinaaliw niya.

"Oo, napakakulit na bata. Laro nang laro, at pilyo dati. Naalala ko, tinakot itong si Karen ng pekeng insekto na laruan."

Natawa ako sa narinig ko at ganoon din ang mag-ina. Ilang saglit ay naririto na rin si Damon sa kinaroroonan namin. Tumabi siya sa akin dito sa sofa kaya napatayo na ang mag-ina.

"Handa na ang mga pagkain. Gutom na ba kayo, mga anak?"

Lumingon si Damon sa akin at tumango ako. Dahil oo, gutom na ako.

Magana akong kumain dahil sa sarap ng mga pagkaing nakahanda rito sa mesa. Kaming apat ang naririto sa mesa, si Manang Helena, ang anak niyang si Ate Karen, ako at si Damon.

Wow, Manang Helena cooks so good!

"Tingin ko ay babae ang unang anak ninyo."

Mas umaliwalas ang mukha ko sa aking narinig. Pinag-uusapan kasi namin ang tungkol sa baby, at nabanggit kong gusto ko na babae ang first baby namin ni Damon. Sinulyapan ko si Damon at nakakaloko lamang ang kanyang ngiti. Halatang hindi pabor doon.

"Talaga po? Kung ayan po ay paniniwalaan ko po kayo, Manang."

Nang matapos kami kumain, tumambay pa kami ni Damon sa backyard niya kung saan ang swimming pool na mayroon siya rito sa bahay niya. Madilim na dahil lubog na ang araw, at pareho lang kaming nakatanaw sa kung saan habang nakayakap siya sa akin mula rito sa likuran ko.

"Let's go to our bedroom?" Tanong niya sa akin pagkatapos niya ako bigyan ng halik sa pisngi.

"Okay.."

Pagdating namin sa kwarto niya, ibang-iba na ang hitsura nito kumpara noong panahong nagpupunta ako rito. Kung noon na black and dark blue ang nakikita ko, ngayon ay light color na. It's a combination of white and beige colours. Hindi lang ang bed sheets, kurtina ang tinutukoy ko kundi ang buong interior niya.

Kailan pa siya nagpalit ng wall color? Matagal na ba? O ngayon lang?

Naupo ako sa kama at hinaplos ang comforter na nakalatag dito, hanggang sa mahiga ako. Natawa ako dahil sa aliw, aliw na naririto na ulit ako sa kwarto ni Damon at dito na kami titira sa bahay niya.

Bumangon ako nang nakalapit na siya sa akin dito. "I'll go and take a shower." Wika ko sa kanya at tumango siya.

"Okay, ayusin ko lang muna itong mga gamit mo rito sa cabinet."

"Okay.."

Humalik ako sa kanyang noo nang makatayo na ako bago magpunta sa bathroom. Naging madali lang ang pag-shower ko, nag-toothbrush ako pagkatapos. Nang makalabas na ako ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama, mukhang hinihintay ako.

Nakita ko na nakahanda na sa kama ang isusuot ko kaya lumapit ako rito.

"Shower na rin ako, babe." At humalik din siya sa noo ko.

Nang makapasok na siya sa banyo ay hinubad ko na ang towel na nakabalot sa katawan ko. Napangiti ako nang makita ko kung ano ang hinanda niyang damit para sa akin ngayon.

It's his shirt. He knows that I love wearing his shirt.

Kung hindi maternity dress, oversized shirt na ang sinusuot ko ngayon at biker's shorts sa ibaba. Ang sabi ni Dra. Domingo, huwag na ang mga masisikip na kasuotan, like maong pants, fitted na mga damit. Though, pwede ang fitted as long as stretchable at cotton ang tela.

Humiga na ako sa kama at inabot ang phone ko para maging abala rito habang hinihintay si Damon. At nakita kong may messages si Tita Agatha sa akin.

We've been chatting to each other since nagkaayos na sila ni Damon. At ngayon, nakabalik na si Tita Agatha sa Singapore. Noong isang araw ay nagpadala siya roon sa bahay ng pagkain na hindi lang para sa akin kundi para sa buong pamilya ko rin. She was in a hurry, at kahit gustuhin man naming magkita at mag-bond kahit ilang sandali lamang ay hindi na nangyari.

Pero sigurado naman kami na hindi iyon ang huling beses. Tita Agatha said na paplanuhin niyang magbakasyon nang matagal dito sa Pinas para makasama si Damon at pati na rin ako, at para makilala na rin ang family ko.

Napangiti naman ako nang sunod kong binasa ay ang group chat naming magkakaibigan.

Naomi:

Agatha ninyo, nasa asawa moments na.

Elisse:

Ow, oo nga pala. Enjoy kayo ni Damon sa parenting, Agatha! Yiee!

Dahlia:

Inggit ka, Nao? Start na rin kayo gumawa ng baby ni Wilson.

Naomi:

Gaga! Mauna kayo ni X!

Natawa ako sa mga nabasa ko hanggang sa mag-send ako ng selfie na nakahiga rito sa kama, na kaagad sinagot ni Naomi ng pambabara at pang-aasar. I just rolled my eyes.

"Bisita kami riyan, ha! Pwede?" Tanong ni Dahlia.

"Of course, babes! I'd like to!" Napanguso ako sa sunod kong naisip habang nagta-type. "Malapit na rin bumalik si Damon sa work after his long vacation. So, mag-isa na ako rito bukod sa maids niya na kasama namin dito." Sabi ko sa kanila.

"Don't worry, Agatha. Visit kami riyan sa'yo kapag free day!"

Napangiti ako sa sinabi nila hanggang sa magpaalam na ako. Bago iyon, nag-good night pa kami sa isa't isa pero umisa pa ng pang-aasar si Naomi!

"Feeling ko, may madidiligan tonight. Pabinyag ngayong first night sa bahay."

Oh, gosh! Gusto ko sanang sumagot na matagal na nga akong hindi nadidiligan at ewan ko kung kailan ulit mangyayari iyon. Pero itinawa ko na lamang, mas aasarin lang nila ako kung tuluyan kong aminin na matagal nang walang love makings na nangyayari sa amin ni Damon.

Inayos ko ang unan ko bago magbalot ng comforter sa katawan. Malakas ang buga ng aircon and it's good. Maganda sa pakiramdam, I feel warm naman dito sa comforter ni Damon. At mas lalong magiging warm kapag kayakap ko na siya..

Bigla ko namang naalala si Oliver. Hindi ko pa alam kung nagbago na ba ang isip ni Damon tungkol sa hindi niya pagpayag na kukunin namin ni Oliver ang isa't isa para maging Godparent ng kanya-kanyang baby namin. Sana naman ay magbago na ang isip niya, pero wala pa akong balak buksan ulit ang usapan sa kanya tungkol doon. Hindi muna.

Napatingin ako sa kinaroroonan ng bathroom nang marinig kong bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Damon na tanging puting tuwalya ang nakabalot sa kanyang beywang. At mula roon, tumaas ang mga mata ko sa kanyang abs, dibdib, hanggang sa kanyang mga mata na nakatingin na rin sa akin ngayon.

Umayos ako ng higa nang mas nakikita ang kabuuan niya, like watching him wearing his clothes. Pero imbes na magpunta siya sa kanyang cabinet para kumuha ng damit, dito siya dumiretso sa kama. Sa paanan ko.

Umurong ako nang kaunti para bigyan siya ng space, nakayuko siya ngayon at pinapatuyo ang buhok niyang basa. Naligo pala siya.

"Kailan ka pa nagpalit ng interior mo, babe? It's nice." Tanong ko nang ma-curious ako.

"Hmm, last week."

So ngayon-ngayon lang talaga? I thought matagal na, like noong wala na ako rito sa Pinas?

"Ngayon ko lang naisipan papalitan dahil.. dahil matagal ko nang iniisip 'yong pag-aaya ko sa'yo na rito tumira. Kasama ko."

Hindi na ako sumagot sa sinabi niya, pero napangiti ako. Pinapanood ko lang ang kanyang ginagawa, hanggang sa lingunin niya ako. Akala ko, may sasabihin siya pero nakatitig lamang siya sa akin, hanggang sa unti-unti niyang tanggalin ang comforter sa akin.

Mali, akala ko, tatanggalin niya ayun pala ay pumasok siya sa ilalim. Napalunok ako nang nakikita ko ngayong gumagapang sa ibabaw ko, dito sa ilalim ng comforter. Natawa ako, naaaliw, nae-excite na ewan habang tinitingnan siya.

"What are you doing, Lewis?" Tanong ko sa kanya at bumungisngis.

"I just want to talk to our baby.."

Naging pilit ang ngiti ko, na dapat ay hindi! Okay, who says I'm jealous of the baby?!

Nakatapat siya sa tummy ko at pahalik-halik at bumubulong dito. Nakataas na ang shirt na suot ko dahilan para maging exposed ang buong tiyan ko sa kanya. Nakangiti lamang akong pinapanood siya, hanggang sa mapapikit.

"Alam mo ba, I think nararamdaman ni Cleo ang baby sa tummy ko. She likes to lean on my tummy, noong nasa bahay tayo. Palagi siyang natutulog na nakasandal sa tiyan ko." Kwento ko sa kanya nang maalala ko iyon. "Hmm, pwede ba natin siya patirahin na rin dito, babe?" Tanong ko sa kanya.

"Of course. Kapag bumisita tayo sa inyo, kunin na natin siya."

Hindi na namin siya naasikaso, wala naman talaga akong balak iwan siya roon. Pero ang sigurado ay titira rin siya rito sa bahay ni Damon kasama namin. She's part of our family, she's isn't just a cat.

"Are you sleepy, Agatha?"

Nagmulat ako ng mga mata nang tanungin niya ako. Bumaba ang tingin ko sa kanya at umiling.

"No. Not yet.." Sagot ko, ang totoo nga niyan ay busog ako sa tulog. Palagi.

"Are you tired?" Tanong niya pa at umiling ulit ako.

"No. Hindi naman, wala nga akong masyadong ginagawa. Paano ako mapapagod?" Sagot ko sa kanya at medyo natawa.

"Good."

Muli siyang bumulong sa tiyan ko at hinalik-halikan ito. Noong una, he's giving small kisses on my tummy. Pero uminit ang mga pisngi ko nang sunod na halik na ibinibigay niya sa akin ay malalim, at tumataas ito patungo sa aking dibdib. Wala akong suot na bra kaya hubad na ito sa paningin niya.

Mula sa beywang ko, tumaas na rin ang isang kamay niya para paglaruan ang isang dibdib ko. Hinahaplos ito, pinipisil pero hindi madiin. Habang ang isa ay hinahalikan nang buong pang-aangkin.

Sinisimulan na akong hingalin, nabitawan ko na ang comforter at hinayaan lamang siyang angkinin ang mga dibdib ko rito sa ilalim. Tumaas pa ang mga halik niya sa aking leeg, panga, at saka bumulong siya sa akin.

"Your milk tastes sweet, babe."

"Hmm.."

Nilingon ko siya at mapungay na ang kanyang matang nakatingin sa akin ngayon. Sinapo niya ang aking pisngi at sunod na hinalikan sa aking mga labi. Wet kisses, damn, and he is even playing with my tongue! I miss this damn so much!

Napahawak ako sa kanyang braso nang sabayan ko ang paghalik na ginagawa niya sa akin, at napamura siya nang sadya kong sinagi ang pagkalalaki niya gamit ang tuhod ko. Oh, he's still wearing the towel. Akala ko ay nahubad na kaya ako na ang nagtanggal.

Pero nadismaya ako nang kunin niya ang aking mga kamay para ikulong ito sa kanya. I groaned.

Bumaba ulit siya sa aking dibdib at sumubsob siya nang magsawa siya kakahalik. Nagsalita na ako.

"Are we about to make love? Please, Lewis, huwag mo na naman akong bitinin!" I blurted out.

Narinig ko ang pagtawa niya at umangat siya ng tingin para tingnan ako. Nakasimangot na ako sa kanya. Ngayon, iniisip ko kung paano niya akong nakakayanang halos hubad na sa paningin niya pero nakakapagpigil siya? Samantalang ako, kahit nakadamit siya ay nanggigigil na ako sa kanya.

Tumawa lamang siya at muli akong hinalikan sa dibdib, hanggang sa pababa na siya nang pababa. Unti-unti na niyang ibinaba ang suot kong biker's shorts at underwear. Bumalik ang hawak ko sa comforter para panoorin siya rito sa ibabaw ko. Ngumisi siya habang tinitingnan ang katawan ko.

"I.. I gained weight, right?"

"I think so, but you are still the sexist for me, babe. Mas naging hot ka sa paningin ko.." Mas naging mapungay ang tingin niya sa akin habang pinaghihiwalay ang mga hita ko, lalo na nang tumapat na siya sa aking pagkababae.

Dumapa siya at nilagay sa likod ng mga hita ko ang mga braso niya. Nang maramdaman ko ang kanyang hininga ay halos ako naman ang malagutan ng hininga. And I moaned so loud when he started kissing me there!

"Oh, God.. Damon.."

Nabitawan ko nang muli ang comforter at sa unan napahawak. Napapikit na ako sa ginagawa niyang pambabaliw sa akin dito sa ilalim habang kumakawala ng mga ungol na hindi ko makilala. Naramdaman ko ang pag-abot niya sa aking dibdib para pisilin habang patuloy sa paghahalik na niyang ginagawa.

Ilang minuto ay hindi pa rin siya natatapos, patuloy pa rin niya akong hinalikan dito, more likely licking my part.. Pinasok kong muli ang ulo ko sa comforter para silipin siya. Nakatingin na siya sa akin.

He licked me one more time bago na umangat, ni hindi man siya pinagpawisan sa kanyang ginawa. Samantalang ako, medyo lang. Nakontra ng malakas na buga ng AC niya, pero hinihingal ako.

"I want.. more." Nanghihinang sabi ko sa kanya at ngumisi siya.

"Okay, baby."

Dadapa na sana ulit siya nang pinigilan ko siya.

"No! Not that.. I.. I miss him." Nahihiyang sabi ko sa kanya at kumunot ang kanyang noo.

"Who?"

"Him.."

Dumapo ang aking tingin sa gitnang parte niya at sinundan niya ito, umigting ang kanyang panga.

"Ako? Hindi mo nami-miss?" Naging malalim ang kanyang boses.

I rolled my eyes. "Palagi na kitang nakikita, pero siya, matagal ko nang hindi nakikita.. At nararamdaman."

Humaglapak siya ng tawa at namula ako sa sobrang hiya. Nagtakip ako ng aking mukha.

"God, Agatha. I thought I couldn't see this version of you anymore. Adorable and naughty at the same time.."

Sinilip ko siyang muli rito sa ilalim ng comforter at nakatitig lamang siya sa akin at nakatitig pa rin siya sa akin. Nang malalim. Umupo na ako kaya bumagsak ang nakataas na suot ko hanggang taas ng dibdib ko, at tuluyang inalis ang comforter sa amin. Magkaharap na kami ngayon na nakaupo rito sa gitna ng kama.

Unti-unti ko nang hinubad ang suot kong shirt niya at nang maalis ko na ito sa ulo ko, inayos ko pa ang buhok ko. I'm just trying to seduce him, at nang mabaliw siya sa akin dahil alam kong nagpipigil siya ngayon.

"Tititigan mo lang ba ako, Lewis?" Tanong ko sa kanya, I crossed my arms. "Hubad." Utos ko sa kanya at ngumisi siya.

Hinawakan niya na ang towel sa waist niya at sa isang iglap ay hinubad na niya ito. He's now wearing nothing, just like me. Great.

Lumapit na siya sa akin, hinawakan niya ang braso ko at pinagpalit ang pwesto namin. Siya ang sumandal sa headboard.

"We'll take it slow, hmm?" Hinalikan niya ang kamay ko at hinila na ako palapit sa kanya. And once we got the position, we started moving. Slowly.

Magkaharap kami ngayon habang gumagalaw, and just starting at each other. Straddling him, nakakapit ako sa mga balikat niya habang siya naman ay nakakapit sa beywang ko. He's guiding me.

Hindi ko mapigilan ang kumawala ng ingay dahil sa ginagawa namin, at napamura na rin siya nang bahagyang bumilis ang galaw namin. It's my fault. Ako ang mabilis.

"F ck, no.. Babe.." Napapaos niyang sabi sa akin habang pinipirmi ang bilis ng paggalaw ko sa ibabaw niya.

"Yes.. Yes! It's okay, it won't hurt our baby.." Hinihingal ko namang sabi sa kanya at nakita ko ang pag-ikot ng mga mata niya.

Yumakap ako sa kanya habang patuloy sa paggalaw, sinimulan niya akong halikan sa kung saan naabot ng kanyang mga labi.

"I want you, Lewis. So much. So much.. I missed you." Bulong ko sa kanya at pilit niyang hinarap ako para halikan sa aking mga labi.

Nang matapos kami, nanatili kami sa posisyon namin. Nang bumalik na ang paghinga ko sa normal, natawa ako dahil sa ginawa namin. Natawa na rin siya at sinandal ang kanyang noo sa akin.

"I missed you, Agatha. God.." And he kissed me on the lips one more time.

"I missed you, Lewis.."

Hinalikan niya ako sa gilid ng lips ko  "Are you tired?" Tanong niya naman at umiling ako.

"No. Not yet.." I bit my lips. "Let's do it again." I said as I felt him hard again. 

***

"How are you feeling?" Tanong niya sa akin pagkatapos ilapag ang glass of milk sa table na nasa tapat ko.

Tumabi siya sa aking kinauupuan kaya umusod ako para mas bigyan siya ng space. Nandito kami ngayon sa veranda, dito sa backyard ng bahay. We're having our breakfast. Late breakfast, actually. Past 9 AM na kami nagising.

"I'm okay.. No, I feel great!" Sumandal ako sa kanyang dibdib, at saka tumingala sa kanya. "Ikaw?"

"I feel fine, too.."

Inabot niya ang gatas para ipainom na sa akin, malugod ko namang kinuha ito at ininom, at sunod ay inabot niya ang toasted bread sa akin.

We are just eating light breakfast. May nakahandang kanin at ulam pero hindi ko feel kumain ng something heavy ngayon. Baka masira pa ang appetite ko kapag lunch na.

"Lewis." Tawag ko sa kanya habang ngumunguya. "How's last night?" Tanong ko sa kanya at para siyang nagulat sa tanong kong ito.

"What?"

"I said how's last night? Did you enjoy our love making?"

"Babe.." Parang nagpipigil siyang sambit.

"I'm just asking you. Kasi, 'di ba, matagal na tayong hindi nagmi-make love, na hindi ko alam kung paano mo nakayanan! Hmp." Nagtatampong sabi ko sa kanya at natawa siya.

Dahil kilala naman niya ako bilang pilya, magiging diretsahan na ako sa kanya.

"Sinunod ko lang ang sinabi ni Dra. Domingo. Those weeks na nakapagpahinga ka at walang pagod na naramdaman. At gusto kong ibigay sa iyo iyon, babe. You needed that." Ngumisi siya pagkatapos. "And you have no idea kung paanong pagpipigil ang ginawa ko, Agatha." Dagdag niya.

I get it, I knew it! Sabi ko na, ang iniisip niya ay ang spotting na nangyari sa akin. Iniisip niya na baka mag-cause ulit ng spotting ang love making namin.

"Hmm, sabi naman ni Doc, normal lang ang spotting. At hindi pa naman daw bawal ang sex sa akin.." Muli na akong sumandal sa kanya pagkatapos kong ubusin ang gatas, inakbayan niya ako para maging comfortable sa position namin. "Ako naman ang hindi makapagpigil sa'yo. I've been waiting for you to touch me, to make love to me, Damon. Seriously. Inakala ko pa na hindi na ako kaakit-akit sa paningin mo."

He clicked his tongue. "Matagal na akong naaakit sa mga titig mo, lalo na nang direkta mo sinabi sa aking "make love to me, Damon" noong nakaraang mga araw. Nabaliw ako nun, babe. Seriously." Sabi niya at natawa ulit ako roon.

Inakala kong walang epekto sa kanya iyon!

"Ngayon, no need na magpigil, okay?" Wika ko pa at dumako ang kamay ko sa kanyang dibdib.

Ngumisi siya. "Baka pagsisihan mo 'yang gusto mo, Agatha." Aniya pa at humagikgik ako nang halikan niya ako nang mabilis sa pisngi.

Sunod kong binuksan na usapan ay ang pagpapaalam ko sa kanya kung pwede bang bumisita rito ang tatlong kaibigan ko, pumayag siya at sinabing hindi ko na kailangang magpaalam dahil bahay ko na ang bahay na ito. Kinilig ako roon.

"Start na tayo bumili ng gamit ni baby? Tamang-tama, malapit na ang next check up. At malalaman na natin ang gender ng baby!" Masayang anunsyo ko naman sa kanya nang maalala ko. "Pero no pala, hindi pa natin kailangan malaman. It will be the three girls na unang makakaalam dahil sila ang bahala sa cake for the revelation!"

Nakausap ko na sina Dahlia, Elisse at Naomi about this, na sila ang unang makakaalam ng result sa gender ni Baby sa oras na alamin na namin ito sa checkup. Dra. Domingo will email the result to Naomi, at excited na silang tatlo na malaman kung boy or girl.

Pumayag sila sa ideyang iyon, kaagad! Sila ang bahala sa pagpapagawa ng balloons, confetti, at cake na siyang magre-reveal sa gender once na in-slice namin ni Damon.

Gustuhin ko mang mainggit dahil mauuna silang makaalam, hindi na rin. Besides, nagsisimula na rin namin planuhin 'yong para sa gender reveal at kasabay na rin nun ay ang Baby Shower party. Hindi ito big celebration dahil kami-kami lang na pamilya at close friends ang naroroon.

"Whatever you like, babe." Humalik siya sa sentido ko. "Okay, start na tayo bumili ng gamit pero pang-unisex lang muna? Kapag tapos na ang gender reveal, doon na lang natin dagdagan?"

Dahil next week ang next check up ko kay Dra. Domingo, tuluyan na naming naplano ni Damon ang party sa aming gender reveal. Nagsimula na akong mag-note sa phone ko ng mga kailangan bilhin at gawin.

"Babe, I'll hire na lang ng organizer. Para hindi ka na mapagod. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mong mangyari, design, theme and the like." Sambit ni Damon pero ngumuso ako.

"But gusto ko rin maging hands-on, babe. At para ngang soft touch lang itong gagawin ko dahil ang talagang hands-on ay sina Dahlia." Sagot ko sa kanya at binalik niya ako sa pagkakaunan ko sa kanyang dibdib.

Walang nagawa si Damon at hinayaan niya na ako. Nag-isip na kami ni Damon ng tentative date, sinakto namin sa Sabado ang araw and it is 3 weeks from now! Just tentative.

"Saturday para free ang lahat. Sana." Saad ko habang tinitingnan ang calendar sa phone. "Anyway, malapit na pala ikaw bumalik sa work. Next week na?" Lumingon ako sa kanya nang bigla kong maisip iyon.

Para pa siyang napaisip, hanggang sa tumango siya. "Yeah, babe.."

Next week is three days from now..

"Hmm, edi I'm excited ulit na hintayin ka palagi sa pag-uwi mo." Ngumiti ako sa kanya dahil ewan ko, mukhang hindi siya pabor sa pagbabalik-trabaho niya. "Don't worry, Lewis. I'll give you a massage after work. Every night before we sleep.. Will that be okay?"

Hinaplos ko ang pisngi niya dahil mukha talaga siyang hindi pabor sa pagbabalik niya sa trabaho. Ewan ko kung tinatamad pa siya o nakukulangan sa kanyang bakasyon. Hanggang sa unti-unti na rin siyang ngumiti.

"You are always making me fall in love with you even more, 'no? Alam na alam mo na kung paano ako kunin." Nakangiting wika niya sa akin at nag-make face ako sa kanya.

"What? I'm not joking, babe. Talagang offer ko iyan for you." Natatawang sabi ko pa at natawa na rin siya.

"Silly, alam ko. Pero hindi iyan.. It's just that mukha ka nang asawa ko kung makapagsalita ngayon."

Namula na ako sa kilig. Oh, gosh, Damon! Ako naman, palagi mo pa rin pinapakilig nang hindi ka aware!

Alam kong nakikita niya na ang pamumula ko ngayon sa kilig, at hinayaan ko lang. Inayos niya ang aking buhok at inipit ito sa likod ng tainga ko, hanggang sa bumulong.

"Do you want me to call you wifey? Agatha?"

I bit my lips. "Hindi pa tayo kasal.. Kapag marinig iyan ng mga Kuya ko, akalain pa nilang nagpakasal na tayo nang patago." Pinaglaruan ko ang dulo ng aking buhok habang nakatitig na sa isa't isa.

Binawi niya ang buhok ko sa akin para siya ang maglaro nito. "Just wait. Maghintay lang sila.." Parang nagyayabang niyang sabi sa akin. "Pero sa ngayon, wala silang magagawa kung gustuhin ko mang tawagin o kahit ipakilala pa kita bilang asawa ko." At kumindat siya sa akin.

Nanatili kami sa position namin. Good thing na medyo maluwang ang sofa na mayroon dito si Damon sa kanyang veranda. Nakasandal ako sa kanya habang nagkukwentuhan kaming dalawa.

Oh, to live a life with him like this one! Naalala ko noon, pinapangarap ko lamang na mabigyan niya ako ng pansin. Ngayon, hindi lang pansin ang ibinibigay niya sa akin, kundi ang kanyang sarili. His all of him..

"Team boy ka pa rin ba?" Tanong ko sa kanya nang maisip ko iyon randomly.

"Hmm, yeah. Ikaw?"

"Girl pa rin!" Tumingala ako sa kanya. "Sigurado akong talo ka na, babe. Ramdam ko talagang babae ang first baby natin. Kahit si Manang Helena, babae ang pakiramdam niya."

Napailing-iling siya sa sinabi ko habang nagpipigil ng tawa, hanggang sa titigan niya ako. Hanggang nga mata niya ay nakikita ko ang kanyang saya, at sana ay ganoon din ang nakikita niya sa akin. Because I really am.

"Then I'll still love her with all my heart."

Napangiti ako sa sinagot niya at inabot ang kanyang pisngi para bigyan siya ng isang masuyong halik sa kanyang mga labi.

Nang sumapit ang alas 4, mula rito sa couch na mayroon ang living room ni Damon, napatingin ako nang bumukas ang front door at iniluwa nito si Tito Dalton. Kaagad akong tumayo at lumapit sa kanya para salubungin ang batiin siya.

Kaagad niya akong napansin, medyo nagulat pa siya nang makita ako pero ngumiti siya sa akin.

"Good afternoon po, Tito." Bati ko sa kanya.

"Good afternoon, Agatha. Nandito ka pala. Pumasyal ka rito, hija?"

Hindi na ako nakasagot nang si Damon ang sumagot para sa akin na palapit na rin sa amin.

"No, she's now living here with me, Dad." Ang sinabi ni Damon sa kanyang ama. "What brings you here, Dad?"

Gustuhin ko man punahin ang kaagad na pagtanong ni Damon ng ganoon pero hindi ko rin nagawa. Hindi ba't okay na sila? Pero bakit ang formal pa rin ng pakikitungo nila sa isa't isa sa nakikita ko ngayong magkaharap sila?

"Well, tinatanong ka sa akin nina Mr. Chua. They miss seeing you, Damon."

"I'm coming back on Monday." Tanging sinabi ni Damon.

Naramdaman ko ang paghawak niya ng aking kamay mula sa likuran ko at hinila ako para bumalik sa couch, kung saan nakalapag na sa table na katapat nito ang sliced apple na hinanda niya para sa akin. Bago pa ako maupo, inaya ko si Tito Dalton.

"Ahm, Tito, tara po, maupo po kayo. Ahm, maghahanda po ako ng meryenda ninyo, teka po--"

"Agatha, no need." Pinigilan ako ni Damon pagkatapos niyang tumabi siya sa akin.

Nang ibalik ko ang tingin ko kay Tito Dalton, halos mahiya ako. Ewan ko, pero nahihiya talaga ako.

"Si Manang na ang maghahanda." Dagdag ni Damon.

"Hindi na, I'm alright. Hindi naman ako gutom." Sumandal si Tito sa katabing sofa na kinauupuan niya. "Napadaan lang ako rito, at ngayong nakikita ko kayong dalawa, let me stay for a while. Besides, it's my first time na makapunta rito nang ganitong katagal."

What?

Nang lingunin ko si Damon, seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Kinuha niya ang plato kung nasaan ang sliced apple at inabot sa akin para umpisahan ko nang kainin.

Umikot ang usapan nilang mag-ama tungkol sa kumpanya, ramdam ko ang lamya ni Damon sumagot. Na hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o kawalang atensyon sa pinag-uusapan nila.

I get it, nasa bakasyon pa siya at maaaring iniiwasan niya munang sakupin ng kumpanya ang utak niya! Ilang araw na lang ang natitira bago siya magbalik? Tatlong araw na lang!

Naging madali lang ang pananatili ni Tito Dalton dito sa bahay ni Damon, hindi umabot ng isang oras. Inaya ko pa nga siyang dito na mag-dinner pero umayaw siya at sinabing uuwi na sa kanyang bahay. Hindi ko alam pero.. pero nalulungkot ako para sa kanya.

Mag-isa lang ni Tito Dalton sa kanyang bahay? Where Damon used to live when he was a kid? Siguro naman ay may kasama siya kahit isang kamag-anak?

Gabi, pagpasok pa lamang namin ni Damon sa kwarto, nagsalita na siya.

"Hindi nakakatagal ng pag-stay dito si Daddy sa bahay ko dahil.. dahil kaagad ko siyang pinapaalis." Wika niya na medyo ikinagulat ko, pero making lamang ako sa kanya. "Palagi kasi kaming nag-aaway sa tuwing pumupunta siya rito. You know, business matters."

Napatango-tango na lamang ako at umupo sa kama, habang siya ay nakatayo pa rin sa pintuan, nakasandal habang nakatingin sa akin.

Alam ko naman iyon, sinabi niya sa akin dati na madalas silang mag-away ng Daddy niya, madalas silang hindi magkaintindihan na dalawa. Hindi ba't noong una kong makita ang Daddy niya ay nag-aaway sila? At noong pangalawang beses ay nagsagutan na naman sila, nadamay pa nga ako nun.. Pero wala akong mini-mean na masama tungkol doon. Ang sinasabi ko lang, hindi talaga sila magkasundo na mag-ama noon.

Ako, aamin na naninibago pa rin ako kay Tito Dalton. Parang hanggang ngayon ay nasa "kakikilala" stage pa rin ako sa kanya. Pero sa tuwing binabalikan ko 'yong mga sinabi niya noong nag-dinner kami, noong inamin niya ang mga pagkakamali niya, humahanga ako sa kanya.

The thought na hindi prepared si Tito Dalton sa mapag-uusapan, ni hindi rin niya inaasahang makitang muli si Tita Agatha, mapapahanga ka dahil sa pag-ako niya ng mga nagawa niyang pagkakamali noon sa dalawa. I didn't see that coming, dahil ang nasa utak ko lang noong gabing iyon ay si Damon ang hihingi ng tawad sa kanyang mga magulang. But it ended up na nagkapatawaran silang tatlo sa isa't isa.

Lumapit na si Damon sa akin upang maupo sa aking tabi, hinapit ko naman ang kanyang ulo para isandal sa aking balikat. Nanatili ang aking kamay sa kanyang pisngi, habang ang kanya ay pumalibot sa aking beywang.

"Forgive me if I'm still trying to be easy on him, Agatha. Nangangapa ako, siguro ay dahil hindi ako sanay."

Tumango ako at hinaplos ang kanyang pisngi. "Naiintindihan ko. Naiintindihan kita, Damon. Hindi mo kailangan humingi ng tawad sa akin o kung kanino man, dahil hindi kasalanan ang panunubok mo. Alam ko naman na hindi ganoon kadali at kabilis ang mangyayari. One step at a time. At itong nagkaayos na kayo ng parents mo, sobrang laking first step na para sa mga susunod pang mangyayari. Okay?" Sambit ko sa kanya.

Hinalikan niya ako sa aking balikat, saka bumulong. "Damn, I am really in love with you, Agatha. Paano at ano na ako kung wala ka sa buhay ko?"

Pabiro kong inilayo ang mukha niya sa akin. "You're so cheesy, Damon. Hindi bagay sa'yo ang mga ganyang linyahan. At feeling ko, natatawa rin si baby sa'yo, ramdam ko." Biro ko sa kanya at ngumisi siya.

"Hindi man bagay pero may magagawa ka ba kung talagang in love na in love nga ako sa'yo?" Tanong niya at nagkibit-balikat siya. "Wala." Siya rin ang sumagot.

Hindi ko napigilan ang paglawak ng ngiti ko, he's so unsual but I love him for being this way. He keeps on surprising me, at sa mga bagay na napapansin ko sa kanyang ito ay mas nakilala ko pa siya lalo. At alam ko, hindi pa rito magtatapos. Na kahit mag-asawa na kami, we'll still learn and discover new things about each other.

——

Hello!!! ^^

Continue Reading

You'll Also Like

328 86 33
Stell and Amelia's story
2.7M 172K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
185K 3.2K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...