HIS OBSESSION (UNDER EDITING)

By erzalalaloves

42.6K 1.2K 241

Step into the alluring world of Yohannie Samuel Carbonel, a renowned billionaire and unstoppable force in the... More

PROLOGUE
STAR OFHIS OBSESSION
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
Chapter 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 39
CHAPTER 40
Chapter 41
CHAPTER 42
Chapter 43
Chapter 44
CHAPTER 45
Chapter 46
Chapter 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 38

175 4 0
By erzalalaloves

HENRY

Ilang beses ko nang nasasaksihan na naghahalikan at nagyayakapan sa harapan ko sina Yohan at Elle, unti-unti na akong nasasanay sa mga aksyon nila sa isat isa na kahit naman na itago ko, mahahalata pa rin ang sakit na nararamdaman ko. Nasasaktan ako na may kahalikan at kayakap na iba si Elle, ramdam ko na tuluyan na nga siya na nahulog sa kapatid ko. Wala naman akong magagawa, nakapili na siya.

She already choose Yohan over me. 

Kakayanin ko kaya na siya ay mawala at kay Yoha ya ipaubaya?

Makakaya ko ba na hayaan na lang siya na sumaya sa piling ng sarili kong kadugo?

"Bro, kailan ka pa natututong uminom ha?" Si Louie, kaibigan ko at co-star sa bagong serye  na sino-shoot ko ngayon. 

"Simula ng iwanan ni Elle 'yan nagka-ganyan na 'yan," sagot ni Basti na kaibigan ko rin. "Pabayaan mo na, hind niya pa rin kasi tanggap na hindi siya ang unang hinanap ni Elle. At hindi niya kayang tanggapin na hindi na siya mahal ni Elle."

"Salamat Basti, nakatulong ka sa nararamdaman ko." Sarkastikong sabi ko.

"Walang anuman pare. Magsabi ka lang, palalalain pa natin 'yan para naman mauntog ka na sa katotohanan" 

"Totoo ba 'yon?" Umupo pa si Louie sa tabi ko. "Wala na talaga kayong pag-asa ni Elle?"

"Hindi ko alam pre, mahal ko pa rin si Elle e. Alam mo naman na siya lang ang gusto kong -pakasalan, nakapag-ipon na nga ako e para sa future namin tapos itong si Yohan biglang uma."

"Paano yan?" tanong muli ni Louie, iling lang ang nasagot ko.

Paano nga ba?

Tatanggapin ko na lang ba na wala na talaga kami?

Tatanggapin ko na lang ba na hindi talaga kami ang para sa isa't-isa?

Magpaparaya na lang ba talaga ako?

Kaya ko naman na tiiisin na makita sila na magkasama, kaya ko naman tiisin na hindi na ako ang mahal niya. Titiisin ko yun kahit masakit...

Wala naman akong choice e...

Hindi ko maibabalik ang feelings niya para sa akin kahit pilitin ko, si Yohan na ang mahal niya. Si Yohan nga ang hinanap niya noong dumating siya sa bahay at hindi ako. Nakakapanting na ng tenga ang kaka-Yohan niya, nakak-umay. 

Things are as they are—we suffer because we imagined different.

In my case, iniisip ko na ako pa rin ang mahal ni Elle kahit na malinaw nang hindi, pinaniniwala ko pa rin ang sarili ko na magkakabalikan kami, kahit malinaw na naman na malabo na talagang magkabalikan kaming dalawa.

I don't want to let go kasi baka pwede pa.

I don't want to let go kasi baka may pag-asa pa.

My heart don't wanna let go...

I'm still  and will keep holding on till the end of my time.

"Paano ka na ngayon?" tanong ni Louie, umiling ako ulit habang tinutungga ang huling patak ng alak. "Masakit 'yan lalo ngayon na sa iisang bubong lang kayo nakatira, tapos sabi mo pa balak nang pakasalan ni Yohan si Elle."

"Titiiisin ko, gusto ko lang naman mapansin ni Elle e. 'Yon lang naman ang nais ko kahit masakit okay  lang basta pansinin niya lang ako, basta magkita lang kaming dalawa. Sapat na sa akin ang mga 'yon. Makakaya ko naman na magtiis e gaya ng pagtitiis ni Elliese noon para maprotektahan ang imahe ko sa mga fans.

"Bro ano ka masokista?" Pabirong sabi ni Louie

"Tanga na 'yan si Henry, hindi na masokista yan. Ang tawag sa kanya tanga. T-A-N-G-A, TANGA." saad ni Basti. "Puwede rin na karma, just imagine what Elle went through. Ilang beses nagkaroon ng dating issue itong si Henry, na-link sa iba't ibang babae. "

"Ay oo nga, maalala ko lang na may dating issue sila ni Lorraine." sambit ni Louie 

"Totoo 'yon, naging kami naman talaga ni Lorraine habang kami ni Elliese, hindi naman nila alam e."

"Kita mo? Karma nga 'yang nangyayari sa'yo, Henry." Natatawa pang sabi ni Basti.

"Who's Lorraine? Lorraine Dimaculangan ba?" 

"Yeah," pag-amin ko. "Natukso ako,ibinigay niya kasi ang lahat ng mga bagay na hindi kayang ibigay noon ni Elle."

Kapwa nagkatinginan sina Louie at Basti, nakaawang ang kanilang mga bibig na tila hindi inasahan ang pag-amin ko.

Oo, nag-cheat ako noon. I won't deny it.

Hindi ko sinasadya, natukso lamang ako. 

LDR at bago lang kami ni  ni Elle that time, hindi ko rin nahahawakan ang phone ko dahil pinagbawalan kami ng handler ko pati na ng direktor at mga producer para raw walang maka-distract sa amin during shooting. Si Lorraine ang naging sandalan ko noong mga panahon na 'yon na nangungulila ako kay Elle. Isa pa, marami rin priorities si Elle during that time. 

Nagkaroon kami ng fuck and love relaionship ni Loraine for almost seven months, nagde-date kami, nagse-sex, nag-live in rin kami ng three months yet hindi rin nagtagal when she found out that I have a girffriend.

 Nagsisisi na naman ako sa ginawa ko at hindi ko na inulit ang bagay na 'yon, Elle deserves a better boyfriend.

"Henry, may naghahanap sa'yo. Bella raw ang pangalan. Kausap siya ngayon ni direk." Isa pang co-star ko ang pumasok sa tent na kinaroroonan ko, si Evon. 

"Bella? Bella Fuentabella?"

"Oo, 'yong anak nang may-ari ng ospital na ito."

"Bakit daw?" 

"Hindi ko alam e. Ikaw na lang ang umalam, naroon siya sa lobby ng ospital. Puntahan mo na lang."

Tumango lang ako saka ako tumayo muka sa kinauupuan ko. 

Bigla akong nakaramdam ng curiousity, si Bella hinahanap ako. Sa anong dahilan? 

Mabilis ko na tinungo ang lobby kung saan naroon daw si Bella ngayon, may kutob ako na may nais siya kaya ako ang  hinahanap niya imbes na si Yohan. Kung ano 'yan ay wala akong ideya, malalaman ko pa lamang sa oras na magharap kaming dalawa.

"Henry, I'm glad na hindi mo ako inindiyan hindi katulad ng kakambal mo."

Nang makarating ako sa may lobby ay ang nag-iisang si Bella ang nadatnan ko, malamlam ang  mamula-mula niya mga mata at tila kagagaling lang sa pag-iyak. May mga hawak siyang mga papel at isang maliit na kahon na hugis parisukat.

"Bella, what do you need?"

Hindi siya sumagot,  yumakap lamang siya sa akin at pumalahaw ng iyak. Gusto ko sana na itulak siya papalayo dahil alam kong siya ang rapist ni Yohan pero hindi ko nagawa dahil tila may pumipigil sa akin na kung ano. Yumakap na lang din ako sa kaniya pabalik. 

"Ano ba ang nangyayari? Bakit ka umiiyak?"

"H-Henry..." Humihikbi niyang saad habang humihiwalay mula sa pagkakayakap sa akin. "Henry, I-I just found out that I am pregnant?"

"Your are what?" Tila nabingi ako nang dahil sa sinabi niya. 

"I-I'm pregnant, Henry. Yohan's child, anak namin ng kakambal mo."

"No, this can't be."

"That's the truth, si Marigold kahit siya pa ang tanungin mo. Kaharap siya noong sinabi ni Dra. Pricilla na buntis ako. Two months na, Henry. Here," aniya at sinubukan na iabot sa akin ang mga papel na hawak niya. "This is my ultrasound report, hindi ko pineke 'yan. Buntis talaga ako, Henry. Dinadala ko ang pamangkin mo."

Hindi ko tinanggap ang mga papel, tinitigan ko lang ito ng mariin. "Kung ako sa'yo, hindi ko ito sasabihin kay Yohan. Sigurado ako na hindi niya tatanggapin ang bata, even my family, my parents, si Elle. You raped my twin brother, ginusto mo ang nangyari kaya mag-isa mong harapin ang consequences na ginawa mo."

"I didn't raped Yohan, he raped me kaya nga naghahabol ako e. Kaya nga hinahabol ko siya dahil may atraso siya saakin Henry. At isa pa, if I truly raped him, nasa jail pa rin sana ako till now but I got released. Ako 'yong victim dito and not Yohan."

I see what you did there, Bella. Sinusubukan mo na baliktarin ang posisyon ninyo ni Yohan but I won't let you. Mas kilala ko si Yohan kaysa sa'yo. He won't hurt a girl nor harrased them sexually. Masyadong malambot ang puso niya para sa kababaihan at sa LGBTQ. 

"At sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo?"

"You have to, Henry. Kailangan mo ako na paniwalaan at tulungan."

Despeada na siya, nakakaawa naman.

"File a case against Yohan, maniniwala lang ako kapag nasa likod na siya ng mga rehas." Mapanghamon kong saad. 

"I-I can't, babaliktarin niya lang ako. Yohan is powerful, marami siyang koneksyon, kakilala at—"

Napansin ko na ang pag-aalangan niya. Napakurap-kurap siya ng maka-ilang beses rin. 

AHA!

The art of lying. 

"So as you, bakit ka natatakot kay Yohan? Kung tutuusin nga e mas mayaman ka kaysa sa kaniya. Mas lamang ka ng more or less ay four billion, kasama sa pinakamayamang negosyante ang Tatay mo. He's in the number 3, pang-5 lang si Yohan." I said cooly.

"Henry—"

"Birthday namin ni Yohan ngayon, makikiusap sana ako, Bella. Kahit ngayong araw lang, pagpahingahin mo muna ang kakambal ko. Give him the peace of mind he needed."

"But I'm bearing his child." She yelled. "He needs to know it."

"E di siya ang puntahan mo, siya ang ama. Hindi naman ako."

"I did pero wala naman siya sa bahay ninyo, tinatawagan ko rin siya pero pinapatayan niya ako."

"Hindi ko na kasalanan 'yon."

"Malamang ay kasama niya si Elle."

"Spare Elle, hindi siya damay sa kung anoman ang kalokohan na ginawa mo kay Yohan."

"No." Mariin niyang sabi, dahan-dahan niya na pinunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi. "Inagaw niya sa akin si Yohan, pinagtakpan niya pa ang ginawa sa akin ng kapatid mo so why would I spare her? Wala akong nakikitang rason."

"Bella."

She just smirked. "No, I wont spare that ambisyosa slash mang-aagaw bitch pero mapag-uusapan naman natin 'yan kapag pinili mo na tulungan ako."

Hindi Henry, hindi mo tutulungan ang isang 'yan. 

"Wala na akong pakielam kay Elle, gawin mo ang gusto mo."

Sorry Elle, I need to do this.

"That's imposible." Natatawa niyang sabi. 

"If we were just going to sit here and talk about my ex, well I'm sorry but I'm not interested. Matagal na akong naka-move on sa kaniya, I'm sure she does too. Masaya na sila ni Yohan, wala akong balak na sirain sila. Go on if you want to, ipangalandakan mo na nabuntis ka ng kapatid ko. Tignan natin kung may maniniwala pa sa'yo." I was about to turn to walked away but she stopped me by pulling my right arm. 

"Henry please, tulungan mo ako. Pamangkin mo naman ang dinadala ko e, hindi naman ibang tao.  Kadugo ninyo ito." Pagmamakaawa niya

"I don't care about Yohan kaya wala rin akong pakielam sa anak niya o kung sino man ang mabuntis niya. I only care about my career"

"How about Elle?"

"Kakasabi ko lang, nakapag-move on na ako sa kaniya."

"Kung gano'n, ipapapatay ko na lang silang dalawa. Wala ka naman palang pakielam sa kanila e, okay na siguro na mawala sa landas ko si Elle. Uunahin ko ang babaeng umagaw sa akin ng lahat saka ko isusunod si Yohan tutal ayaw naman niya sa akin at mas gugustuhin niya na makasama ang hampas lupa na 'yon. Si Elle na karibal ko and then si Yohan na karibal mo."

"B-Bella..." aniko habang hinaharap siya.

"Isusunod ko rin ang career mo gaya ng ginawa ko kay Caprice na hanggang ngayon—starlet at hirap na hirap makahanap ng serye na hindi pinapatay ang character niya. Naungusan na nga siya nila Lorraine at Sabrina na dating puro extra lang—speaking of Lorraine nominated na naman siya for best actress award unlike Caprice, gusto mo bang mangyari sa'yo 'yon.'

This is the end of me.

Career ko na lang ang mayroon ako, hindi ko hahayaan na mawala 'yon ng ganoon kadali.

She's evil.

Alam kong tototohanin niya kung anoman ang ibinabanta niya kina Elle at Yohan pati na sa akin ngayon

"What do you want me to do?"

"Simple lang naman."

"Spill it."

"I want you  to help me ruined Elle and Yohan. Do this for me, for you, and for your nephew."

Ang kamay ko na hawak-hawak niya ay inilapat niya sa kaniyang tiyan na medyo halata na ang umbok.

"Gagawin ko kung ano ang makakaya ko, just don't kill them nor ruined my career. Alam mong iyon na lang ang mayroon ako."

"Don't worry, I'll add Elle to your property para naman may silbi siya. That's the reason why I told Dominic not to kill her, alam kong kailangan mo siya. At kung magpapakabait ka, makukuha mo si Elle ng buong-buo."

Continue Reading

You'll Also Like

11.5K 386 21
Astrid Frabella is the wife of Garth Frabella, a former high skilled Mafia Boss. Being the former boss of some mafia guilds, he has a lot of enemies...
151K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
68.4K 1.7K 22
Shiloh Esperanza was a transferee student. She's your typical innocent good girl who always follows orders around, listens to her parents, follows he...