'Yung katabi ko sa Jeep

By stylistnoona

153K 4K 1.3K

[Do Kyungsoo FF, XOXO Basketball Team Series Part 2] Part 1 - COMPLETED Part 2 - COMPLETED Ang magulong buhay... More

PART 1
UPDATE 1
UPDATE 2
UPDATE 3
UPDATE 4
UPDATE 5
UPDATE 6
UPDATE 7
UPDATE 8
UPDATE 9
UPDATE 10
UPDATE 11
UPDATE 12
UPDATE 13
UPDATE 14 (1/2)
UPDATE 14 (2/2)
UPDATE 15
[!!!] MUST READ [!!!]
UPDATE 16
UPDATE 17
UPDATE 18
UPDATE 19
UPDATE 20
UPDATE 21
UPDATE 22
UPDATE 23
UPDATE 24 (1/2)
UPDATE 24 (2/2)
UPDATE 25
END OF PART 1
PART 2
UPDATE A
UPDATE B
UPDATE C
UPDATE D
UPDATE E
UPDATE F
UPDATE G
UPDATE H
UPDATE I
UPDATE J
UPDATE K
UPDATE L
UPDATE M
UPDATE N
UPDATE O
UPDATE P
UPDATE Q
UPDATE R
UPDATE S
UPDATE T
UPDATE U
UPDATE V
UPDATE W
UPDATE X
UPDATE Y
UPDATE Z (2/2)
END OF PART 2
PROMISE
PROMISE 1.0

UPDATE Z (1/2)

724 37 39
By stylistnoona

UPDATE (Z) Part 1 of 2

"Jade," tawag sa akin nang katrabaho ko na kasalukuyang kumukuha nang vital signs sa isang matandang pasyente.

Iniwan ko ang ginagawa kong pagcheck ng dextrose ng pasyente at nilapitan siya, nagmamadali na rin ako sa mga dapat kong gawin dahil malapit ng mag end ang duty ko para sa araw na ito, "Bakit?" Medyo hingal na sabi ko ng makalapit sa kanya, kanina pa kasi ako busy.

Ngumiti siya, "Pinatatawag ka nang head nurse," sabi niya kasabay ang paglagay ng stethoscope sa bulsa ng scrub suit na suot niya. "Mabuti ka pa, nakakuha ka ng recommendations." May halong inggit na sabi nito, mahirap kasing makakuha ng recommendations for abroad lalo na't nangangailangan ng registered nurses dito sa Pinas.

Napangiti ako ng mapait, hindi ko naman kasi gustong umalis eh. Kailangan ko lang talagang hanapin ang sarili ko ngayon kaya lalayo ako, "Makakakuha ka rin nyan." Pa humble na sabi ko, saglit lang akong nakipag kwentuhan sa kanya at agad na dumiretso sa lounge dahil naroon daw ang head nurse namin at nagpapahinga.

Nadatnan kong nakaupo ito, "Good afternoon po!" Bati ko sa head nurse namin, nag angat ito nang tingin at nginitian ako. Iginiya niya ako para makaupo sa kanyang tabi.

Iniabot niya sa akin ang brown envelope, "Congratulations," bati niya sa akin, inabot ko iyon at nagpasalamat. "Kaso, sayang naman regular ka na sana dito." May himig ng panghihinayang ito.

Hindi ako umimik, gusto ko rin naman na magstay dito kaso hindi ako malalagay sa tahimik kapag hindi kaagad ako nakalimot sa mga nangyari sa akin n'ong nakaraang buwan.

"Pero kung desidido ka na talaga, sundin mo lang ang mga plano mo. Basta, in case na magbago isip mo ay tatanggapin kita dito." Napangiti ako sa sinabi nito, niyakap ko siya at walang tigil sa pagsasalamat. Alam ko namang hindi lang ako ang deserving na makakuha nito pero ako ang nabigyan.

"Uuwi ka na?" Tanong sa akin ni Elle nang madatnan niya ako sa may locker room na nagliligpit nang mga gamit.

Nginitian ko siya at tumango, "Oo eh, at last day ko na rin ngayon." Sabi ko, pagbibigay alam ko sa kanya. Mabait kasi siya sa akin.

Ngumuso siya, "Akala ko ba, na-regular ka na rin?" Takang tanong niya, inannounce kasi noong nakaraang linggo kung sino ang mga regulars sa batch namin na probation pa lang. At, napabilang ako doon at pati siya.

Isinara ko ang locker ko at bumaling sa kanya, "Oo, pero nakakuha kasi ako ng recommendation." Sabi ko at isinukbit ang body bag ko sa aking balikat.

Napangiwi siya, "Wow, ang swerte mo. Pero, parang biglaan naman 'ata? Akala ko ba pangarap mo maging head nurse dito?" Hindi ko malaman kung natutuwa siya o nalulungkot para sa akin.

Nagkibit balikat ako, "Kailangan ko mag abroad eh." Malumanay kong sinabi, "O sya sige, mauuna na ako." Tinapik ko ang balikat niya bago ako tuluyang naglakad palayo.

Kahit na sabihin kong malaki ang oportunidad na nakuha ko ay hindi ko pa rin maiwasan ang manghinayang, pangarap ko ang makapasok dito sa hospital na ito dahil bukod sa maganda magpa suweldo ito ay mababait ang mga staffs.

Ipinilig ko ang ulo ko at pilit na iniwaglit sa aking isipan ang panghihinayang.

Naramdaman ko ang pag vibrate nang phone ko kaya kinuha ko ito mula sa aking bulsa, tumatawag si Venice sa skype. Sinagot ko iyon.

"Konnichiwa, Aragon-san!" Bati niya sa akin na may perfect accent pa ng isang hapon.

Napailing ako at napabungisngis, "Parang tanga ka lang, te." Sabi ko at umupo sa may waiting shed, mamaya maya na lamang ako sasakay ng fx pagkatapos naming mag usap. Hindi na ako sumasakay ng jeep.

Napatingin ako sa kabilang kalsada, araw araw kong nakikita iyong itim na kotse na nakaparada doon. Ah, baka kotse lang ng pasyente.

Tumawa si Venice kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya, "O, ano na balita?" Inayos niya ang camera niya, inilapag niya iyon sa desk. May klase kasi siya ngayon, 'di ko alam kung bakit nakikipag skype. -_-

Ngumisi ako at ipinakita sa kanya ang recommendations na ibinigay sa akin kani-kanina lang, "Nakakuha na ako!" Excited na sabi ko habang niyuyugyog ang certificate na hawak ko.

Napatayo naman siya at tumili, nakita ko pa sa background na nagulat ang mga tao sa klase niya at pinagtinginan siya, "Uwaaaaa! Congrats!" She squealed.

"エリサルデさんは、外に出て!" Narinig kong may sumigaw kaya natahimik siya saglit pero agad din namang napangiti. "はい!わかりました!" Pagkasabi n'on ay nag-90 degrees bow pa siya bago pinagkukuha ang mga gamit niya.

Nagulat ako sa nangyari pero 'di ko naiwasan ang mapahagalpak sa tawa, "Grabe, sira ulo mo." Sabi ko ng mahawakan niya na ng maayos ang phone niya.

Ngumisi siya, "Pinalabas niya ako. Okay lang 'yun, ang importanteng mahalaga nakakuha ka ng recommendations!" She squealed again, "Iaapply kita dito sa malapit na hospital sa university, para lagi akong tatambay d'on kasi nandyan ka na." Masaya niyang sabi, hindi ko maiwasang mapangiti pa rin, at least mayroon pa ring mga tao na hindi ako iniwan sa kabila ng mga nangyari.

"Nga pala, sabi sa akin ni Tom sinusundo ka daw niya lagi?" May himig na panunukso na sabi niya, napatawa na lang ako. "Ayie! Kinikilig ka te, 'no?" Dugtong pa niya.

Umirap ako sa kawalan, "Ano ka ba! Minsan lang 'yun kasi may pasok siya at saka, friends lang kami!" Depensa ko, totoo naman kasi- parang si Tom na ang naging boy best friend ko parang pamalit ni Venice habang wala siya dito. Dinadamayan kasi ako ni Tom sa tuwing malungkot ako o kung masaya man.

Humagikgik siya, "Friends? Edi wow!"

May humintong kulay gray na old ford mustang sa harap ko, na alam ko namang kay Tom iyon. "O, sya! Usap na lang tayo mamaya." Sabi ko, hindi ko na siya hinintay na magprotesta at ini off ko na ang video call. Pati nga ang cellular data ko ay ini off ko na rin para hindi na siya makatawag sa skype. Aasarin niya lang kasi ako eh.

Ibinulsa ko ang phone ko, bumukas ang kotse at bumaba si Tom mula roon. May dala itong isang bungkos nang lavender tulips at chocolates, "Kanina ka pa?" Tanong niya sa akin nang makalapit siya.

Umiling ako, "Ngayon ngayon lang." Sagot ko sa kanya, napatingin ako sa hawak niyang bulaklak at tsokolate. Okay na ba sila ng gf niya?

Napatingin din siya sa hawak niya at agad na iniabot sa akin, "Ah- this is for you." Agad na sabi niya.

Nagulat ako pero tinanggap ko din naman, "Para saan 'to?" Hindi ko naiwasang magtanong, ngayon lang kasi ako binigyan ng bulaklak at tsokolate nang lalaking 'to eh. "By the way, salamat dito. Ang ganda." Dugtong ko, baka kasi makalimutan ko pang magpasalamat sa kanya.

Ngumiti siya at tumabi sa akin, "Sabi mo ngayon ia-announce kung sino makakakuha nang recommendations, 'di ba? So, I assumed you got the recommendations."

Hinampas ko siya sa braso niya, "Hindi ako ang nakakuha! Insulto 'to eh." Umakto akong malungkot. Pagti trip-an ko lang muna siya.

Agad siyang napatingin sa akin na nanlalaki ang mga mata, "Ay, sorry! Uhm, dual purpose 'yan! Pampalubag loob kasi hindi ikaw nakakuha." Awkward siyang ngumiti kaya napahagalpak ako sa tawa.

"Pasalamat ka at ako ang nakakuha kundi sasabunutan talaga kita kung hindi ako," pinunasan ko ang luha kong nangilid sa kakatawa dahil sa itsura nya.

Ngumuso siya pero ngumiti din agad, "Baliw ka talaga, 'no? Anyways, congratulations!" He initiated a hug kaya yumakap ako sa kanya at nagpasalamat.

Sandali pa kaming nag usap bago sumakay sa kotse niya, ihahatid niya kasi ako pauwi kapag may free time siya.

"Oh, may nakalimutan ka." Sabi niya bago pa ako makapagtanong ay lumapit siya sa akin, napaatras ako at napapikit dahil sa sobrang lapit niya sa akin. "Nakalimutan mo ang yakap ko." Napadilat ako dahil hindi ko na ramdam ang lapit ng presensya nya.

Napatingin ako sa katawan ko, nakabalot na sa akin ang seat belt. Lagi niyang sinasabi na magseat belt ako pero ngayon niya lang ginawa sa akin 'yon kaya nakakapanibago.

**

"Sigurado ka na bang aalis ka?" Rinig ko ang boses nang mama ko kaya napatigil ako sa pag iimpake nang mga gamit. "Kaka-graduate mo pa lang, eh." Halos mangiyak iyak na sambit niya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto ko.

Ngumiti ako at tumango, "Gusto ko ma, eh. Para makaahon na tayo sa hirap." Hindi ko maiwasang sabi, kung dati ay wala akong pakialam tungkol sa estado ng buhay ng isang tao- ngayon ay iba na ang pananaw ko tungkol d'on. Kapag mahirap ka, ang tingin nang mayayaman sa'yo ay mukha kang salapi at iyon lang ang habol mo sa kanila.

Napailing ako nang muli kong maalala ang araw na iyon. Ayoko nang balikan iyong pangyayaring iyon pero siguro hangga't hindi ako umaasenso ay magiging sampal iyon sa pagkatao ko.

Naramdaman ko ang paglapit nang mama ko, "Parang kailan lang noong una kang pumasok nang nursery." Hinaplos niya ang pisngi ko at niyakap ako, "Ngayon, aalis ka na at magsisimula nang sarili mong buhay." Naramdaman ko ang pag-iyak ni mama kaya napahipit ako sa pagyakap sa kanya.

"Hindi pa naman ako mag-a asawa ma, eh." Biro ko, to lighten the mood. Masyadong mabigat ang mood, ayoko ng umiyak. Hindi naman ako literal na aalis, 'yung tipong wala ng balikan.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawi ang luha na lumandas sa kanyang pisngi, "Eh, d'un na rin patungo 'yon."

Umiling ako at nginitian siya, "Ano ka ba, ma? Babalik pa ako."

Nagring ang phone ko kaya napatigil kami sa pagda drama ni mama, tumayo na rin naman siya at lumabas sa kwarto ko. Agad kong dinampot ang kanina pang nagri ring na phone ko. Bakit tumatawag si Chase?

Ini-swipe ko iyong phone ko at tinanggap ang tawag niya, "Hello? Chase?" Hindi ako siguradong tanong dahil matagal na mula n'ung tumawag sa akin ang lalaking 'to.

Ilang segundo na ang lumilipas pero walang sumasagot sa kabilang linya kaya sinilip ko ang phone ko at siniguro kung na-accept ko ba ang tawag, na-accept ko naman. "Hello?" Tanong kong muli.

Parang nagkagulo pa ang kabilang linya pero saglit lang iyon at sumagot din naman siya. "Uh? Jade!" Parang alanganin na sagot niya.

Napakunot ang noo ko, "Oh, napatawag ka?"

"I didn'tー" narinig ko ang pagdaing niya kaya mas lalong napakunot ang noo ko, "Aw! What the- uh, how are you, Jade?" Ayan na naman ang alanganin niyang tanong, hindi pa rin natatanggal ang kunot ng noo ko.

Napabuga ako ng hangin, kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to. "Ano nga?" Naiinip kong tanong, muntangang lalaki.

"I found out that you are leaving...?" Alanganin pa rin ang tanong niya na kanina pa umiirita sa akin.

Napairap ako, "Oo, eh. Kanino mo nalaman 'yan?" Napapansin kong sumusungit ako nitong mga nakaraang araw.

"A-Ah? Venice told me." Ang weird na talaga niya.

"Alam mo na pala eh. Ba't mo pa tinatanong?" Naiiritang sabi ko, nakaramdam din ako nang hilo at biglaang pagbaliktad nang sikmura.

Inilapag ko sa kama ko ang phone ko at dumiretso sa banyo, hindi ko napigilan ang pagduwal nang makarating ako sa sink.

**

Hinati ko sa dalawa, para masaya. Hahahaha! Pasensya na sa delayed update, nanood kasi ako ng VIXX eh. Gwapo ni Hongbin! 😍

Nabwisit si Jade kay Chase.

Madaming typo at grammatical errors.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 90 32
Dahil sa paghahanap ng makakainan ay napunta sina Gregory at ang kaniyang dalawang kaibigan sa street ng San Andres. Sa paghahanap ay may nakita sila...
2K 305 19
Nilikha ni Bathala ang mundo na mayroong pitong buwan.Ang bawat buwan ay nagsisilbing liwanag sa bawat gabi nang sa gayon ay magkaroon ng liwanag ang...
7.4M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
140K 5.6K 30
"Langit ka,lupa ako. Yung kuya mo Impyerno. Kung di lang kita kaibigan nasapak ko na yan! Ang hangin, maarte,suplado, alaskador,at bully. Lahat na ya...