Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 43

138K 3.5K 211
By asherinakenza

SDTR: Kabanata 43

Nag init at namula ang mukha ko dahil sa sinabi niyang iyon. Hanggang ngayon ay nasa ibabaw ko pa rin siya at titig na titig siya sa mga mata ko, walang duda kaya mahal na mahal ko itong lalaking ito dahil sa mga titig niyang pinagwawala ang buong sistema at katauhan ko.

Ilang buwan ko bang hindi napag masdan ng ganito kalapit ang mukha niya, yung malalim niyang pagtitig, mahabang pilik mata, matangos na ilong at medyo manipis at pinkish na labi. Yung kilay niyang madalas mag salubong sa tuwing nagsusungit siya.

God....

I miss him.

Tumibok ng sobrang bilis ang puso ko nang lumipat ang tingin niya sa labi ko at napapikit na lang ako nang idampi niya ang mainit niyang labi sa labi ko. Isang mahigpit na pagyakap ang ibinigay ko sa kanya nang humaplos ang palad niya sa batok ko upang palalimin ang halik, yung halik na tandang tanda ko kung paano ako palutangin sa ere ay nararamdaman ko nanaman ngayon.

Bawat haplos, bawat pag galaw ng labi at bawat paghahabol niya ng hininga dahil sa hindi mapakawalang labi ko. Yung labi niyang punong puno ng pagmamahal sa tuwing hinahalikan ako ang siyang nagiging dahilan para kumawala ang buong sistema ko.

Hinaplos ko ang buhok niya at hindi ako makapaniwala sa pag ungol na pinakawalan niya.

"Claire.."Garalgal na tawag niya sa pangalan ko at humaplos ang kamay niya sa balikat ko dahan dahan pababa sa braso ko at sa hita ko.

"Ethan..."

"Uhmm." Bulong niya at hindi ko na alam kung paano naipit ng dalawang hita ko at kaliwang hita niya nang maramdaman kong dahan dahan niyang hinaplos ang hita niya doon sa akin. Nakakabaliw siyang halikan at higit sa lahat nakakabaliw ang mainit at malalim na pag hinga niya.

Pero sabay kaming napahinto nang marinig namin ang malakas na pag ring ng cellphone niya, nagkatitigan kaming dalawa at hindi ako makapaniwalang parehong namumula ang mukha namin sa sobrang pagkapahiya!

"I'm sorry!" Nahihiyang sigaw niya at mabilis siyang umalis sa ibabaw ko! Nagtakip ako ng bibig at hinila ko ang blanket sa kama niya saka ibinalot ko iyon sa buong katawan at mukha ko!

"Gosh." Mahinang sambit ko.

Narinig kong tumikhim siya bago sagutin ang tumatawag sa kanya.

"He..hello." Nauutal na sambit niya, kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakasapo ang kamay ko sa aking noo.

"Ahh, y..yes. I'm with her." Namamaos na sabi niya, "Now?" Hindi makapaniwalang tanong niya doon sa kausap.

"Alright, sasabihin ko sa kanya. Okay, what?" Medyo nabago ang tono ng pananalita niya at para bang nakikinig siya doon sa tumawag sa kanya.

"Ara." Tawag niya, nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pangalan ni Ara! Bigla ko siyang namiss! Ang dami kong gustong sabihin sa kanya.

"Alam mo naman ang nangyari nung nakita niya si Se--" Natigilan siya sa pagsasalita at dahan dahan siyang tumayo at narinig kong pumasok siya sa loob ng cr.

Ibinaba ko ang blanket na nakatalukbong sa akin at naupo ako, sumilip silip ako sa cr. Hindi ko marinig si Ethan kaya naman naglakad ako palapit doon at nilapit ko ang tainga ko doon sa pinto pero kahit anong pakinig ko ay wala akong maintindihan.

Mas lalo ko pang idinikit ang tainga ko pero napasigaw ako ng malakas nang biglang bumukas iyon at napasubsob ang pisngi ko doon sa matipunong dibdib niya!!

Mabilis akong umayos ng tayo!

"Ahh..So..sorry! Naiihi ako! Bilisan mo nga!" Palusot ko! Hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil sa kahihiyan na inabot ko.

"Seriously, Claire?" Ngumingising tanong niya. "Oo nga!" Depensa ko.
Pero tinawanan niya lang ako, hinila ko siya palabas ng cr para makapasok ako pero huminto siya at hinarap ako. "Maligo ka na rin, gusto kang makita ni Ara." Aniya na nagpalundag sa puso ko!

Sasagot na sana ako pero napatingin nanaman ako sa labi niya kaya mabilis ko nalang isinara ang pintuan at doon ako nagsisigaw dahil sa kahihiyang inabot ko sa kanya.

Tahimik lang kami ni Ethan buong biyahe pero naririnig ko ang mahinang pag ngisi niya na may halong pang aasar sa akin at sa tuwing titignan ko siya ay bibigyan niya lang ako ng malapad na pag ngiti.

Napapailing nalang ako dahil alam kong hanggang ngayon ay pinagtatawanan niya ako sa isipan niya.

Nang makarating kami sa isang restaurant ay kaagad kong nakita doon sa loob si Ara na katabi si Marcus at may buhat buhat na baby, sa tingin ko ay yun na ang anak nilang dalawa.

Nakaramdam naman ng saya ang puso ko nang makita ko si Sebastian na panay ang halik doon sa kamay ng anak nila Ara at rinig na rinig ko ang halakhak ni Seb, aliw na aliw siya doon sa bata.

Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Ethan at naramdaman ko ang pagkapit niya sa baywang ko. "Are you alright?" Bulong niya.

Bumaling ako sa kanya at nakita ko ang pag aalala sa mukha niya, nginitian ko siya saka tumango ako. "Sabihin mo lang sa akin kung hindi ka komportable. Okay?" Paalala niya, tinanguan ko siya at naglakad na kaming dalawa palapit sa kanila.

Kaagad kaming nakita ni Ara at hindi maitatanggi ang kasiyahan sa mukha niya, "Seb, Daddy oh!" Turo ni Ara sa amin at mabilis na lumingon sa amin si Seb na kanina ay abala sa pakikipag laro sa anak nila Ara. Sa nakikita ko ngayon ay mukhang maayos na si Seb sa pamilya ni Ethan, mukhang alam na nila ang tungkol kay Sebastian at nasisiyahan ang puso ko sa katotohanang iyon.

Napaka lapad ng ngiti ni Sebastian, "Daddy!!" Sigaw niya at tumakbo siya palapit kay Ethan saka nagpakarga dito!

"Hey, little boy." Sambit ni Ethan at napangiti ako nang halikan niya sa pisngi ito habang karga karga.

"Sorry, Daddy, sumama ako kela Tita Ara. Because I heard that you are talking with her in the phone." Paliwanag niya, medyo tumangkad ng kaunti si Seb at sa naaalala ko ay April ang birthday niya at tapos na iyon, apat na taon na siya ngayon at nakakaramdam ako ng panghihinayang dahil hindi ko nasaksihan ang birthday niya. Sana ay naging masaya siya nung araw na yon.

"It's okay, natapos mo na ba ang homework mo?" Usisa ni Ethan sa anak.

"Yes, Daddy! Tinulungan ako ni Tita Monique." Masiglang kwento niya, tumango tango si Ethan sa kanya. Ilang sandali pa ay bumaling sa akin si Seb, ngumuso siya at kita ko sa mga mata niya ang pagkalungkot.

Hinila niya sa tainga si Ethan at may binulong siya doon. Tumingin sa akin si Ethan.

"Tita Claire." Bulong ni Ethan sa anak, "Daddy!" Suway ni Seb sa ama na nagpatawa sa akin. Sobrang nasabik akong makita na ganito sila kalapit sa isa't isa.

"I'm not going to talk to her Daddy, unless you allow me to call her as my Mama Claire." Bulong lang iyon pero hindi nalagpasan ng tainga ko upang marinig.

"Sisteret!" Natauhan ako nang marinig ko ang sigaw ni Ara, lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng sobrang higpit. Tumayo naman si Marcus at hinalikan ako sa pisngi.

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang anak nila, lalaki ito at masasabi kong ang cute cute nito.

"Baby, Austin, si Ninang Claire oh." Masayang sabi ni Ara habang kinakaway kaway pa niya ang kamay ni Austin, tumungo ako upang mapagmasdan mabuti si Austin at masasabi kong ang lakas ng dugo nitong si Marcus.

"Baby, mag usap na muna kayo. Doon muna kami ni Ethan sa labas." Paalam ni Marcus kay Ara, tumango si Ara sa kanya.

Inihiga naman ni Marcus si Austin sa stroller at itinulak niya iyon palapit kela Ethan, nakahabol naman ng tingin sa akin si Seb kaya kinawayan ko siya at namilog ang mata niya kasabay ng pilyong pag ngiti niya saka kumaway din siya sa akin!

Naramdaman kong hinawakan ni Ara ang braso ko kaya naupo ako sa kaharap niyang upuan. Ang ganda ganda na lalo ni Ara kahit pa kapapanganak palang niya.

"Ilang months na ang baby mo?" Tanong ko sa kanya, ngumiti siya.

"Two months." Sagot niya.

Sandali kaming natahimik nang lumapit ang isang server sa amin at nilapagan kami ng mocktails nila.

"Kumusta ka na? Nag alala ako sayo nung Grand opening ng coffee shop." Sabi niya, kita ko sa mga mata niya ang pag aalala at kinurot ang puso ko dahil alam kong kapag si Ara na ang nag alala bilang kaibigan ko ay mararamdaman ko kung gaano ako kaimportante sa kanya.

Tinitigan ko siyang mabuti at sandali kong pinag isipan ang dapat kong sabihin sa kanya.

Huminga ako ng malalim at pinagtagpo ko ang dalawang kamay ko at mariin kong pinisil dahil sa kaba.

"A..Ara." Tawag ko sa kanya, ngumiti siya at tinitigan ako ng buong pagtataka.

"Hmm?" Sagot niya.

Lumunok ako sandali at hinuli ko ang mga mata niya, "I..I remember everything." Bulong ko na nagpaangat ng labi niya.

"Claire.." Tawag niya sa akin at nanginginig ang boses niya, halos magkasabay tumulo ang luha naming dalawa. Mabilis niyang pinahid ang luha niya at lumipat siya sa katabing upuan ko.

"Oh my God, Claire." Umiiyak na bulong niya at ikinulong ng dalawang palad niya ang magkabilang pisngi ko.

"Gosh, are you alright?" Natatarantang tanong niya sa akin, ngumiti ako at tumango bilang sagot. Niyakap niya ako kaya mabilis ko rin siyang niyakap.

Ilang sandali pa ay napakalma naming dalawa ang sarili mula sa pag iyak. Hawak hawak niya ang dalawang kamay ko at titig na titig siya sa akin.

"Alam na ba 'to ni Ethan? Sobrang nag aalala sayo yung tao." Usisa niya sa akin.

"Hindi." Umiiling na sagot ko, sandali ko siyang nilingon doon sa labas na ngayon ay nakikipag laro kay Sebastian. Nandoon din si Marcus na abala sa panonood sa anak niyang natutulog sa stroller.

"Bakit hindi mo pa sabihin? Siguradong matutuwa siya." Masayang suhestiyon niya.

Umiling ako at hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya. "Ara, I can't. Hindi pa pwede, ikaw palang ang nakakaalam." Pakiusap ko sa kanya.
"Pero.."

"Ara, alam kong kapag nalaman nila Mama o ng kahit sino na bumalik na ang alaala ko, ilalayo nila ako kay Ethan at hindi ko kakayanin iyon." Halos pigain ang puso ko dahil sa isiping iyon.

"Aayusin ko muna ang gulo sa pamilya ko at pinapangako kong kapag naayos ko na ang lahat, sunod kong ipaglalaban ang para sa aming dalawa ni Ethan." Umiiyak na bulong ko sa kanya, pinunasan ni Ara ang luha ko.

Huminga siya ng malalim, "Pero, Claire. Sobrang nasasaktan na siya, inaamin kong noon ay hindi ako kumbinsido kay Ethan para sayo, pero Claire, mahal na mahal ka niya. Bakit hindi mo siya isama sa pagharap mo sa pamilya mo?" Suhestiyon niya, alam kong yon ang sasabihin sa akin ni Ara.

"I know, pero ayoko nang dagdagan pa ang problema ni Ethan. Hayaan mong ako ang umayos ng gusot ng pamilya ko, mahal ko siya Ara at hindi ko na kakayanin kapag nawala pa siya." Paninindigan ko pero kita ko sa mga mata niyang hindi siya kumbinsido sa gusto kong mangyari.

"Claire, ayoko na sanang sabihin ito. Pero binibilang na ni Ethan ang panahon niya na kasama ka, he is willing to set you free, isang buwan nalang ang hinihintay niya. Ayaw ka na niyang pahirapan pa at kung ang pag layo lang niya ang sagot para mabawasan ang lahat ng sakit na nararamdaman mo ay gagawin niya. Ganon ka niya kamahal, handa niyang isugal ang sariling kasiyahan niya para sayo." Pag amin niya, hindi ko maiwasang mapangiti, dahil sa pananalita ni Ara ay nakikita kong naging malapit silang dalawa ni Ethan sa isa't isa bilang magkaibigan, sa tingin ko ay nakahanap ng kausap si Ethan bukod kay Tyler na siyang malapit sa kanya ng sobra.

"Hindi ko naman papaabutin ng isang buwan Ara, saka isa pa, buo na ang desisyon ko, hindi ako aalis sa tabi niya. Hindi ko man aminin sa kanya ang katotohanan pero ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siyang kamahal." Sagot ko, ngumiti si Ara at marahang pinisil ang kamay ko.

"Nandito lang ako palagi para sayo, kapag hindi mo na kaya sabihin mo lang. Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa akin diba?" Aniya na nagpakalabit sa puso ko, napaka swerte ko dahil binigyan ako ng Diyos ng isang napaka buting kaibigan na katulad ni Ara, masasabi kong kahit mabilang ko lang sa daliri ko ang mga kaibigan ko ay mapapatunayan ko namang totoo sila.

Ika nga isa o dalawang kaibigan lang ay sapat at tapat na.

Tinanaw ko si Ethan at napapangiti ako dahil nakikita ko nanaman ang totoong pag ngiti niya habang malaya siyang nakikipag habulan kay Sebastian.

"Kaunting panahon nalang Ethan, makakabawi rin ako sa lahat ng sakripisyong ibinigay mo para sa akin at ipinapangako kong hinding hindi na kita tatalikuran pang muli."

***

A/N: Thank you po sa pagbabasa! :) Ito lang ang nakayanan ng powers ko mula sa trabaho hahaha. H'wag pong masyadong mag expect sa story, baka mabigo ko kayo. T.T Ayun, thank you po! Good mornight.

Love lots.

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 51.5K 44
Good side and bad side.
7.1K 682 37
(I don't like him book 2) 'Hihintayin kita hanggang sa dumating na ang tamang oras para sa ating dalawa.' Date started : June 3, 2021 Date finished :...
5.4K 222 10
[Ongoing] My Porker-Faced Guy Book 2 Matapos ang apat na taon, 2 years with no communication, ay nagkitang muli sina Mica at Xander. This time, hindi...
2.4M 69K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...