Sign by the Cumulus (Cloud Se...

Door Jollianeycris

2.4K 84 11

Life as roller coaster as it is, Pristine rode it the hard time. Sinister is always her frustration. The only... Meer

Sign by the Cumulus
Prologue
Cumulus 1
Cumulus 2
Cumulus 3
Cumulus 4
Cumulus 5
Cumulus 6
Cumulus 7
Cumulus 8
Cumulus 9
Cumulus 10
Cumulus 11
Cumulus 12
Cumulus 13
Cumulus 14
Cumulus 15
Cumulus 16
Cumulus 17
Cumulus 18
Cumulus 19
Cumulus 20
Cumulus 21
Cumulus 22
Cumulus 23
Cumulus 24
Cumulus 25
Cumulus 26
Cumulus 27
Cumulus 28
Cumulus 30
Cumulus 31
Cumulus 32
Cumulus 33
Cumulus 34
Cumulus 35
Cumulus 36
Cumulus 37
Cumulus 38
Cumulus 39
Cumulus 40
Epilogue
Series Four

Cumulus 29

58 3 0
Door Jollianeycris


Chapter 29
STAY

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito o kung paano niya nalaman ang lugar na ito. I mean, this is province! May kalayuan sa Manila! At kanina lang nabalitaan kong nalalapit na ang kasal niya, ah? Tapos biglang nandito siya?

"Ano sabing ginagawa mo rito?!"

"Hindi ba't ako dapat ang magtatanong niyan?" he said in a control tone. "You made me go home hoping you'll come after a while. I was waiting for you! I was so worried! I couldn't contact you! You were out of reach! Anong inaasahan mong gawin ko?"

"Anong inaasahan kong gawin mo? Umuwi at magpatuloy doon sa Manila! Nandito ka ba para lang kumprontahin ang hindi ko pag-uwi sa mansion?"

He gritted his teeth. He looks so mad at me but his tired and sleepy eyes made him look weaker and... sad. He swallowed hard.

"Where did you came from?" he asked. "I've been waiting here since morning and no one arrived at the house. I'm glad I stayed. I thought I was waiting at the wrong house and won't able to see you."

What?! Kaninang umaga pa siya naghihintay? Dito? Sa harap ng bahay? Anong oras na ngayon, a! Pinagloloko ba niya ako?

"Sino bang nagsabi sa'yo na magpunta ka rito?" I slightly pushed him. "Umuwi ka sa inyo!"

"I'm staying here."

"At anong gagawin mo dito? Gagawa ng proposal paano pagandahin ang bahay namin?" I can't help but be sarcastic.

I really don't know why he's here. Fine, I understand that he likes me pero impossibleng nandito siya para lang roon!

"I brought my things." he said, showing his bag pack. "Dito ako titira."

"Are you fucking kidding me?!"

Umiling siya at yumuko. He really looks so tired that I was so hesitant to shout at him.

"Makikitira ako," aniya.

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Bakit ka rito titira? Hindi mo bahay 'to! You're trespassing—"

"I'll ask your parents for a permission to work here—"

"Are you really out of your mind, Gallardo?!" Fuck, I hate mentioning his surname so much! It's making me angry! "Go back to your place and don't you ever show your face here again or else I'll report you to the police!"

"Pristine, sino 'yan? May bisita ka?"

I was stunned when I heard Mama's voice going near. Bago pa ako makapagsalita, nasa harapan na siya at tinitingnan na nang mabuti si Third.

Third faced my mom and he slightly bowed down. Kumalabog ang dibdib ko.

"Good evening, Ma'am."

"Good evening, hijo. Kaibigan ka ba ni Pristine?" ngiti ni Mama at bumaling sa akin. "Papasukin mo. Bakit dito kayo sa labas nag-uusap?"

Napalunok ako. "Bakit ka umuwi, Mama? A-Akala ko ba didiretso ka sa hospital?"

"May lulutuin ako para sa hapunan ng Papa at kapatid mo. Pumasok ka, hijo. Papasukin mo ang bisita mo, Pristine. Ang daming lamok dito sa labas."

Third immediately entered our house before I can even stop him. Sumama ang tingin ko. Pinaupo siya ni Mama sa sofa at mabilis naman siyang umupo, hindi na nagdalawang-isip.

"Feel at home, hijo." Mama smiled at him. "Maiiwan ko muna kayo at magluluto lang ako."

Nang makaalis si Mama ay agad ko siyang hinarap. Tumingala naman siya sa akin, inosente ang mukha at pagod na pagod ang mga mata.

"Umuwi ka na."

"Dito lang ako."

"Hindi ka puwede rito! Anong gagawin mo dito? Dito ka titira? Tingin mo ba patitirahin kita rito?"

He didn't speak.

"Hindi ka patitirahin ni Mama rito! Hindi rin kita patitirahin! Umuwi ka na lang!"

Umiling siya. Kabado na ako dahil desidido talaga ang mukha niya.

"I'll stay here. You can't make me leave."

My frustration is urging. Uminit ang mga mata ko at dinuro siya. "I can! Mapapaalis kita sa ayaw o sa gusto mo! Ang kapal ng mukha mong magpakita rito at nagsabi pang titira? Bakit? Tingin mo kaya mong paamuhin lahat ng tao rito?"

He swallowed hard and looked at me. Pain and sadness crossed his eyes.

"Hindi ako uuwi. Dito lang ako."

"Hindi kita tatanggapin dito!"

Hindi ko na alam kung paano siya mapapaalis. Kailangan ko ng bumalik sa hospital. Hinilot ko ang sentido ko at inis na iniwan siya sa sala. Pinuntahan ko si Mama na nagluluto pa rin.

"Babalik muna ako sa hospital. Bukas na ang balik ko." paalam ko kay Mama. "Pauwiin mo 'yang nasa sala. Huwag mong patulugin dito."

"Ha? Bakit?"

"Hindi 'yan taga rito." sabi ko at umalis na.

Nilampasan ko si Third sa sala at dire-diretsong lumabas ng bahay. Naramdaman ko siyang sumunod kaya nilingon ko siya agad at iritadong tiningnan.

"Ano?! Umuwi ka na!"

"Where are you going?" aniyang nakatitig sa akin.

"Go home! Ayaw na kitang makita pag-uwi ko rito!"

Hindi ko na siya pinagsalita at dire-diretso ng naglakad, nagpara ng tricycle at dumiretso na sa hospital.

Akala ko kaya ko siyang hindi isipin habang nasa hospital ako't inaasikaso si Clarence. Pero hindi ako mapakali. Iniisip ko kung anong ginagawa niya o kung inaasikaso ba siya ni Mama. O pinauwi na ba? Umuwi ba siya?

"Ate..." tawag ko kay Ate nang magpaalam itong uuwi ngayong gabi.

Maiiwan ako rito dahil walang magbabantay kay Clarence. Isasama ni Ate si Papa pauwi at bukas, si Ate naman ang magbabantay. Pero gusto ko ring umuwi dahil nandoon si Third. Hindi ako mapakali sa ganitong hindi ko alam kung ano ng ginagawa niya sa bahay.

"Si Third... nasa bahay." sabi ko.

Kumunot ang noo niya bago unti-unting nagulat. Nilapitan niya agad ako.

"Si Third?! Jufrithird Gallardo? Bakit nasa bahay? Anong ginagawa ni Third si bahay, Pristine? Pinapunta mo?"

"Hindi." ani ko. "Pumunta siya nang mag-isa. May dalang bag. Sa bahay daw titira."

"Ano?!" buong pusong nagulat si Ate Pearl.

Napapikit ako at tumango. "Iniwan ko sa bahay kanina. Paki-text ako kung umuwi na o nasa bahay pa rin."

Hindi na malaman ni Ate kung ano pang itatanong sa akin sa gulat niya. Sa huli'y bumuntong-hininga na lang siya at tumango.

She texted me immediately after she arrived home. Kinagat ko ang labi ko habang binabasa ang texts niya.

Ate Pearl:
Nandito pa siya, Pristine. Anong ginagawa niya? Hindi talaga uuwi!

Ate Pearl:
Dito raw matutulog sabi ni Mama! WTF!

Ate Pearl:
Nagkakasundo silang dalawa ni Mama! Anong ginawa ng buwesita na 'to dito?

Ate Pearl:
Puta galit ako pero ba't ang gwapo-gwapo niya?

Napapikit ako at mabilis na nagtipa ng reply.

Ako:
Pauwiin mo.

Ate Pearl:
Pinauwi ko! Kinausap ko si Mama! Ayaw niya pauwiin. She even gave him the vacant room upstairs kahit pinipilit ni Third na sa sofa na matulog! My god!

Ako:
Lalong di uuwi 'yan.

After a while, she replied.

Ate Pearl:
Ayaw talaga pauwiin. Pinagalitan ako ni Mama!

Napahilot ako sa sentido ko. Parang gusto kong umuwi at tingnan kung anong pinanggagawa ng lalaking 'yon sa bahay!

Ako:
Nakilala ka ba niya, Ate?

Ate Pearl:
Hindi. Nakakagalit nga! Parang walang ginawa sa atin! Makikitira pa rito!

Lalo akong hindi mapakali. Sinapo ko ang noo ko at hindi na nakatulog buong gabi. Nasisiraan na ba talaga ng bait 'yong lalaking 'yon? Mananatili siya sa bahay? Hanggang kailan? Hindi siya puwede rito! Hahanapin siya sa kanila at ayaw ko ng gumawa pa ng gulo sa mga Gallardo!

Para tuloy mahuhulog ang mga mata ko kinaumagahan. Kung di lang kailanganng asikasuhin si Clarence, hindi pa ako babangon. Bandang alas otso ay dumating na rin si Ate Pearl, nilapitan at hinampas agad sa braso.

"Anong nangyari doon? Bakit ayaw niyang umuwi?" she sounded too frustrated.

I sighed. "Hindi ko alam. Ikaw ang nandoon kagabi, diba?"

"Mama likes him! She spoiled him so much! Kanina nakita kong nagluluto siya pero inagawan ni Mama! Una pa siyang pinakain at inasikaso kaysa ako! Anong ginawa nun kay Mama, Pristine?" naghihisterya na si Ate.

"Hindi ko alam. Kakausapin ko ngayon."

"Pauwiin mo 'yon! Nagagalit ako kapag nakikita ko siya! Wala akong pakialam kahit sobrang gwapo! Hindi niya rin ako nakilala! Ni hindi alam na kapatid mo ako kung hindi pa ako pinakilala ni Mama! Nakakainsulto!"

Bumuntong-hininga ako at mas lalo ng gustong umuwi. Binilisan ko na agad ang pag-aayos at hinayaan na si Ate na mag-asikaso kay Clarence.

Pagkauwi sa bahay ay nadatnan ko si Third sa sala, naglilinis! Halos hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Mabilis akong lumapit at inagaw sa kanya ang feather duster. Natigilan siya at nagulat nang makita ako.

"Anong ginagawa mo?" naiirita kong tanong. "Hindi ba sinabi kong umuwi ka na? Bakit ka pa nandito?"

"Your mom let me stay," he whispered and stared at me. "How was your brother? Did you sleep? You look so tired."

"Dahil sa'yo! Ang kulit-kulit mo! Sinabi ng hindi ka puwede rito!"

Hindi siya nagsalita. Tinitigan lang niya ako nang mabuti.

"Anong sinabi mo kay Mama? Paano mo siya napapayag na dito matulog kagabi?"

"I talked to her and asked her to let me work here so I can stay."

Napasinghap ako at mas lalo lang yatang na-stress sa nangyayari! Bakit pumayag si Mama? At anong work? Anong tatrabahuin niya rito sa bahay? Maglalaba? Maghuhugas ng pinggan? The Gallardo's heir is fucking cleaning?

I glared at him, very annoyed now.

"You think you can do all the work here? Hindi kompanya ang bahay namin! You can't do paper works, meetings and proposals in here! Tumahimik ka at bumalik ka sa inyo!"

"I'll work hard." namamaos na sabi niya. "I'll do my best so I can stay more."

"Bakit ba gusto mo rito? Hindi maganda ang buhay rito, di kagaya ng nakasanayan mo!"

"I'm fine here. I'll stay to wherever you are." Namumungay ang mga mata.

"Hahanapin ka sa inyo! Anong inaasahan mong magiging reaksyon ng Mama mo kapag nalaman niyang dito ka nakatira? Ayoko ng gulo, Third, please! Umuwi ka na lang!"

"Hindi ka nila magugulo, Pristine. I promised you that."

I scoffed. "Nakatulog ka na kagabi rito kaya umuwi ka na ngayon. Ligtas ka ng makakabyahe."

"I said I'm staying. Hindi ako aalis," aniya at tinalikuran ako para magpatuloy sa paglilinis.

Hindi ko na talaga alam. Sumasakit na ang ulo ko sa kulit niya. I gritted my teeth, very frustrated now.

"Nasaan si Papa?"

"Upstairs."

"Itigil mo nga 'yan! Ayokong isipin ng Mama mo na inaalila kita rito!"

"I know how to do it. At hindi mo ako inaalila." he said coldly and walked pass me to clean outside the house now, halos balewalain na ako sa sala.

Ako yata ang masisiraan ng bait sa kanya!

Lumabas si Mama mula sa banyo, kakatapos lang maligo at nakabihis na. Kumunot ang noo niya at agad na nagpalinga-linga. Nilapitan ko agad siya.

"Ma, bakit niyo po—"

"Nasaan si Third?" linga niya. "Pinauwi mo? Bakit mo pinauwi ang bisita mo, Pristine?"

Umawang ang bibig ko, napapantastikuhan sa ina. Umikot ulit ang paningin niya sa buong bahay, hinahanap talaga si Third.

"Nasa labas..."

"Anong ginagawa niya sa labas? Pinalabas mo?"

"Naglilinis, Mama."

"Ano?! Naglilinis? Bakit mo pinalinis, Pristine?!" halos galit na siya sa akin. "Nahihibang ka na ba? Bisita mo 'yon! Hindi ka ba nahihiya at hindi mo lang gustong pauwiin, pinaglinis mo rin?"

Napapikit ako, hindi na kaya si Mama. Nilampasan niya ako at hinanap agad si Third sa labas, tinatawag ang pangalan nito.

Damn, anong nangyari? Bakit ganito? Anong ginawa niya kay Mama?

Sumunod ako sa labas at nakitang pinatigil ni Mama si Third sa pagwawalis sa bakuran. Lito si Third at ayaw pang ibigay ang walis pero inagaw na ni Mama at pinabalik siya sa loob ng bahay. Third looked so confused at walang magawa kundi ang sumunod.

Habang papalapit siya ay sinalubong ko siya nang masamang tingin. He gave me a "i didn't do anything" look. Sinapo ko ang noo ko at nilampasan siya para kausapin si Mama.

"Wala po kayong trabaho? Bakit nandito pa kayo sa bahay?" tanong ko at kinuha ang walis sa kaniya.

Umawang ang bibig ko nang ibigay niya agad ang walis sa akin, hindi na nakipagtalo! What the hell? Tapos si Third inagawan?

"Absent muna ako. Nandito bisita mo, aasikasuhin ko muna."

"Ano?!" Nanlaki ang mga mata ko. "Anong aasikasuhin? Paano pag palagi siya rito, palagi ka ring absent?"

"Aalis na rin naman ako sa trabaho ngayong weekend. Ayos lang 'yan."

"Mama, anong nangyari? Anong sinabi sa'yo ni Third para asikasuhin mo siya nang ganito?"

Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Mama. "Pristine, ano bang tanong 'yan? Pinabayaan ko ba ang mga bisita ninyo ng Ate mo noon? Kaibigan mo 'yan at abala ka sa hospital kaya syempre ako ang nag-aasikaso! Bakit mo ba ginaganyan ang bisita mo?"

"M-Mama, uuwi rin 'yan ngayon—"

"Gusto nga niyang dito muna! Saan ko pa ba patutulugin? Sa kapitbahay? Bakit ba gusto mong pauwiin ang bisita mo kung ayaw namang umuwi? Hindi mo alam baka may problema 'yan sa bahay nila at gusto muna rito para makahinga sandali! Ano ka ba! Ganyan ka ba kabastos sa mga bisita mo?"

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko na kinakaya si Mama. Itinuro niya ang walis sa akin.

"Maglinis ka riyan. Aasikasuhin ko muna ang bisita mo at baka nagugutom na 'yon." sabay balik niya sa loob ng bahay.

I was almost hysterical. Alam ko namang maasikaso talaga si Mama sa mga bisita namin pero ayaw kong magkaroon pa ng rason si Third na manatili rito. He might think it's okay that he's herr just because Mama's spoiling him so much.

Ayoko pa rin siyang nandito. Ayoko ng magkaroon pa ng koneksyon sa mga Gallardo.

Buong araw talagang hindi pumasok si Mama. Inaasikaso lang si Third at kinakausap ito. Sa gabi lang siya umalis sa bahay dahil mag-aayos na siya ng bills ni Clarence sa hospital. Isinama rin niya si Papa dahil may ipapatingin.

Naiwan kaming dalawa ni Third. Abala siya sa katitingin kung ano pang puwedeng gawin sa bahay. Wala na. Naubos na nila ni Mama kanina. Wala silang ibang ginawa kundi ang magkuwentuhan at maglinis sa bahay. Tumutulong siya kahit pa halos hindi siya patayuin ni Mama.

I was watching a movie but my eyes always diverted to him. He's watching our photos in the wall and he looks so distracting. Umirap ako at ipinokus ulit ang atensyon sa TV pero nauuwi talaga ako sa paninitig sa kanya.

"Maupo ka nga," I said because his posture, his lean body, his height and his presence distract me so much.

Biglang tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Ate Pearl. Sinagot ko agad iyon.

"Ate..."

"N-Nasa bahay pa si Third?" her voice is quite shaky, parang nagpipigil.

"Yes. Bakit?"

"Pauwiin mo agad ngayon." she said. "Ngayon. Agad."

Kinabahan agad ako. Umayos ako ng upo at nilingon si Third.

"Ate, bakit? Anong problema?"

"S-Si Mama..." her voice trembled. "Alam na niyang sa Gallardo ka nagtrabaho. Alam na rin niyang... si Third ang lalaking naging trabaho natin dalawa."

Nanlaki ang mga mata ko.

"She's... she's going back home now. Pinabayaan ako rito at biglang sumugod diyan. Pauwiin mo na si Third bago pa si Mama mismo ang magpapaalis. Galit na galit si Mama, Pristine. Paalisin mo na siya agad."

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

28.1K 447 45
you read the title right! Rainbow and soarin (but mostly RD)
1.4M 122K 61
RATHORE In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emoti...
205K 15.2K 20
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
15.3M 434K 73
"𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐡𝐞𝐥𝐥 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐛𝐞𝐞𝐧 𝐚𝐥𝐥 𝐦𝐲 𝐥𝐢𝐟𝐞?" "𝐍𝐨𝐭 𝐢𝐧 𝐡𝐞𝐚𝐯𝐞𝐧, 𝐭𝐡𝐚𝐭'𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐬𝐮𝐫𝐞." Nothing in life...