I'M INTO YOU SEASON 1

By bluereinventhusiast

6.4K 2.1K 1.2K

They say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels l... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Author's Note

Chapter 59

25 5 5
By bluereinventhusiast

4:52 PM

Kumaway ako kay Kuya Jerald na tanda ng aking pagpapaalam sakaniya. Ngumiti lang ito sa akin at kumaway pabalik.

Tumalikod na ako sakaniya at tumingin sa lalaking nasa tabi ko.

"Tara na?" nakangiting aya ko sakaniya.

"Bukas, kailangan mo nang harapin ang pinaka-malaking bubuo ng pagkatao mo." kalmadong sabi niya sa akin.

"Hindi pa ako ready na harapin sila Trev." natatakot kong sagot sakaniya.

Hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sa mga mata ko.

"Hindi mo alam kung kailan ka magiging ready sa buhay Adri. Kailangang matutunan mo ring harapin ang mga problema at huwag takasan ang nakaraan. Piliin mo palaging mabuhay sa kasalukuyan para maging matagumpay ka sa hinaharap." nakangiting payo niya sa akin.

"Natatakot ako Trev na baka itakwil ako ng sarili kong pamilya. Hindi ko lang talaga kayang magpakasal sa taong hindi ko mahal. Bakit ko ipagpipilitan ang sarili ko sa taong hindi ko kakilala? Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko Trev." naguguluhang sabi ko sakaniya.

"Huwag kang matakot, hawakan mo lang ang kamay ko. Nandito lang ako sa likod mo okay? Naiintindihan kita." niyakap niya akong mahigpit at hinagod-hagod ang likod ko.

"Paano mo nga pala nalaman ang kaso ni Kuya Jerald?" malumanay na tanong ko sakaniya.

"Noong una, nagtataka ako kung paano niya nalaman ang numero ko. Tinulungan pala siya ng mga pulis sa kulungan upang makontak ako. Nagkakausap na kami at sinabi niya sa akin ang lahat-lahat. Pinuntahan kita sa bahay niyo pero wala ka sa kwarto mo, sinikap kong hanapin ka saan mang sulok ng bahay niyo. Nakailang-tawag ako sa phone number mo pero walang nasagot. Triny din kitang i-reach out sa social media pero wala akong makitang bahid ng mga social media accounts mo. Hindi ko alam kung saan magsisimula pero naniniwala pa rin akong makikita kita." kalmadong kwento niya sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko papalabas sa presinto.

"Wala akong ginawa kundi maghanap ng mga informations na makakapaglead kung nasaan ka. Sinabi ko sa sarili ko na kung umalis ka man sa bahay niyo, may valid na reason ka kung bakit mo iyon ginawa. Isang araw, naghahanap ako ng fruits para sa friend ko. Ni-recommend ng isa sa mga friends ko ang bilihan doon, masasarap at fresh daw lahat ng mga tinitinda nila. Pumunta naman ako kaagad sa bilihan na tinutukoy nila, nakita kita noong bumibili ka ng isda. Noong una, hindi ako maniwala. Iniisip ko na baka sobra lang akong occupied na mahanap ka kaya hindi kita pinansin. Paalis na ako noon ngunit nakita kitang sasakay ka sa isang tricycle at doon ko nakumpirma na ikaw nga iyon." mahabang kwento pa niya sa akin.

"Alam mo kapag para sayo talaga ang isang bagay? Kahit hindi mo antayin, kusa itong ibibigay sayo. Hindi mo kailangan magmadali, darating siya sa tamang oras at pagkakataon kapag handa ka na." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Noong makita kita, nabuhayan ako ng loob. Nagpanggap akong tricycle driver para lang masamahan ka sa pag-uwi. Hangad ko pa rin ang safety mo. Noong inaya mo ako sa apartment mo, na-relief ako. Ipinagpapasalamat ko sa Diyos na ayos lang ang kalagayan mo at masayang-masaya ka sa mga bagay na nararanasan mo. Nag-text sa akin ang Mommy ko at pinapauwi na ako ng bahay, ayaw kitang iwan pero kailangan. Habang naglalakad ako pauwi, iniisip pa rin kita. Nakapa-kapa ko ang ballpen na binigay ko sayo kaya bumalik ako. Kahit umuulan na noon ay wala akong pakialam. Ininda ko lahat ng iyon. Nakita ko kung paano ka magkaroon ng mental breakdown at halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko sa katawan. Hindi kitang iwan noon kaya nagpaalam ako kay Mommy na sa unit ko na lamang ako magiistay. " mahabang kwento pa niya sa akin.

"Anong sabi ni Tita?" mausisang tanong ko sakaniya.

"Pinayagan naman ako ni Mommy. Malaki na raw ako, kaya ko na ang sarili ko. Noong una kitang niyaya sa unit ko, hesitant ka pa noong una. Naiintindihan ko. Nag-isip ako ng paran para makasama ka at masigurado kong ligtas ka. Kitang-kita ko ang pagod sa mga mata mo kaya inaasahan kong pipiliin mong magpa-deliver na lang tayo ng pagkain. Wala naman akong problema doon. Noong gabi, pinili kong matulog sa couch para pasimple kong makuha ang laptop ko at maka-connect sa fandom mo at magkaroon ng mga meet and greet. Naalala ko si Dionne, isa siya sa mga naging friends ko noong nasa ibang bansa pa ako. Nagpatulong ako sakaniya na kung maari kunin ka niya bilang exclusive writer, gusto kitang i-surprise na magiging published author ka na." mahabang kwento niya sa akin.

Habang naglalakad kami ay nakakita kami ng isang garden at doon namin napili na maupo at magkwentuhan sa lahat ng mga naganap sa buhay-buhay namin.

"Maraming salamat sa lahat ng efforts mo para lang mapasaya ako at maging better person ako. Naappreciate ko lahat ng iyon. Sobra." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Wala yun, gusto lang kitang mapasaya at mas maging better sa susunod. Eto na ang kasunod ng kwento ko, sinabi sa akin ni Dionne na gustong-gusto ka daw niya kunin para sa publishing company niya. Hindi ko alam na favorite publishing company mo pala sila. Sobrang tuwang-tuwa ako para sayo noong nagsa-sign ka ng contract. Masaya ako para sa dalawang kaibigan ko na nagsa-succeed sa buhay. Noong nakaalis na tayo sa building, kinontak ko na ang in-charge na pulis kay Kuya Jerald. Pwede naman daw tayong dumalaw kaya grinab ko na ang chance. Isa ang acceptance at forgiveness para mag-heal ang isang tao. Alam kong traumatized ka pa rin sa mga pangyayari based sa facial expression at actions mo noong pumunta tayo sa presinto." mahabang kwento niya sa akin.

"Hindi naging madali ang proseso sa pag-face ko ng fears ko pero sobrang worth it naman niya. Lahat ng negative thoughts sa katawan ko, unti-unti siyang nawawala. Nakakatulong siya sa healing na gusto kong makamtan." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Hinawakan ko lang ang mga kamay mo para maramdaman mong hindi ka nagiisa sa laban mo, kasama mo ako palagi. Maraming salamat dahil pinagkatiwalaan mo ako sa bagay na iyon. Dinala kita kay Kuya Jerald, nakita ko ang lungkot at galit sa mga mata mo noon. To be honest, nasasaktan ako para sayo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nanatili na lamang akong tahimik at nakinig sa lahat ng mga explanations niya na alam kong kailangan mong marinig at mabigyan ang chance ang relationship niyo bilang mag-pinsan."  mahabang kwento niya.

"Ilang taon ko rin kinikimkim ang sakit at galit sa puso ko. Hindi ko mapatawad ang sarili ko na hinayaan ko yung mangyari sa sarili ko. Napi-feel bad ako sakaniya dahil ini-spend niya ang mga taon niya sa kulungan nang hindi alam ang mga dahilan niya. Hindi man lang niya inilaban ang kaso niya, hinayaan niya lang akong makamtan ang hustisya. Wala siya sa tamang pagiisip noon kaya hindi ko alam kung tama nga bang ipakulong siya ni Daddy. Hindi ko alam, ang mahalaga ay naayos na ang problema sa pagitan naming dalawa." malumanay kong sabi sakaniya.

"Masaya ako na isa ako sa mga dahilan kung bakit nahanap mo ang acceptance at forgiveness diyan sa puso mo. Sobrang swerte ko na isa ako sa mga dahilan kung bakit nagiging better person ka ngayon. Lagi mo lang tandaan na nandito lang ako palagi kapag nadadapa ka, tutulungan kitang tumayo." kalmadong sagot niya sa akin.

"Kung makakauwi na ako sa amin bukas, paano naman yung mga groceries na pinamili ko para sa apartment ko?" malumanay kong tanong sakaniya.

"Ganito na lang, ipamigay na lang natin yung mga groceries na pinamili mo. Ilagay natin sa may plastic pagkatapos ay ibigay natin sa mga taong hirap i-provide ang pangangailangan nila sa araw-araw. G ka?" nakangiting sagot niya sa akin.

"O sige ba! Bili na lang tayo ng plastic na paglalagyan natin pagkatapos dumaan na din tayo sa apartment ko para makapag-paalam ako sa landlady ko at makuha natin yung mga naiwang gamit ko lalong-lalo na yung groceries na ipapamigay natin." nakangiting sabi ko sakaniya.

Tumayo na kami sa upuan at nagpunta kami sa isang grocery store upang bumili ng mga plastic na gagamitin namin para sa pagpa-pack ng mga groceries na naiwan ko.

Matapos naming mamili ng mga plastics ay nagpunta na kami agad sa counter at nag-bayad.

Sumakay kami ng tricycle para balikan ang mga naiwan kong gamit at groceries.

6:37 PM

Kinuha ko ang susi ng apartment ko at binuksan ko ito.

Bumungad sa amin ang mga groceries at mga gamit ko na organisadong-organisado.

Nakakatuwa naman!

Ang linis ng apartment ko ah!

Ang galing talaga ng landlady ko.

Alam na alam niya kung paano mag-ayos ng kwarto ha.

I like it!

Binuksan na namin ni Trevyn ang box  na puno ng mga groceries na pinamili ko.

"Ang dami mo palang binili talagang groceries, pwede ka nang mag-tayo ng sari-sari store dito eh!" natatawang biro niya sa akin.

"Pwede rin. Ikaw tiga-tinda buong maghapon HAHAHAHA!" nakangiting sabi niya sa akin.

"Ang gwapo ko namang tindero kung ganoon, sigurado akong maraming chicks na bibili sa atin." natatawang biro niya pa sa akin.

"Hays puro ka kalandian yang nasa isip mo ha, mag-balot ka na nga mga groceries diyan. Ikaw talaga!" natatawang sabi ko sakaniya.

"Sus selos ka lang diyan eh! Huwag kang magalala kahit landiin at pagnasaan pa ako ng mga chicks, ikaw pa rin ang pipiliin ko sakanila." natatawang sagot niya sa akin.

"Heh! Magtigil ka nga Trev. Ang bastos mo!" maarte kong sabi sakaniya.

"Ayaw mo nun? Maginoong medyo bastos ang datingan ko." natatawang sagot niya sa akin.

"Ay bahala ka diyan! Magbabalot na ako para mabilis tayong matapos." maarte kong sabi sakaniya.

"Eto na Milk, magbabalot na ako ng groceries. Hindi ka naman mabiro eh!" masuyo nitong sabi sa akin.

Nagbalot lang kami nang nagbalot para mabilis kaming matapos para maipadala agad ito sa mga maswerteng taong makakatanggap nito.

Ang sarap kaya makatulong sa kapwa natin!

Share your blessings ika nga.

Kung may labis man sainyo, maari kayong tumulong sa iba.

Sa maliit o malaki mang paraan.

"Ay anong oras na? Hindi pa tayo kumakain, hindi ka dapat nalilipasan ng gutom eh." kalmadong sabi niya sa akin.

"Quarter to 8 na ang oras ngayon, hayaan mo na ko. Minsan lang naman tayo makakatulong, bakit hindi pa natin sagarin diba?" malumanay kong sagot sakaniya.

"Kasama rin ba ang gutumin at pagudin mo ang sarili mo sa pagtulong mo sa ibang tao? Kung ganoon lang din naman, ayoko na lang." kalmadong sabi niya sa akin.

"Hindi naman ako mamatay kung lampas eight na tayo kumain Trev. Wag kang magalala sa akin okay? Tapos na rin naman tayo sa pagbabalot kaya makakain na rin tayo." malumanay kong sagot sakaniya.

"Hindi ka mamatay sa gutom pero masasaktan ako kung mawawala ka sakin. Gusto mo ba yun?" nagpapaawang sabi niya sa akin.

"O siya! Tara nang kumain, ipagluluto na lang kita. Simpleng pagkain lang ito ha, wag ka masyadong mag-expect sa dinner nating dalawa." malumanay kong sabi sakaniya.

"Alam ko namang kahit anong lutuin mo, sobrang sarap eh! Manang-mana ka kaya kay Tita. Sobrang sarap niyo magluto parehas!" nakangiting sagot niya sa akin.

"Tse! Tabi diyan at maguumpisa na akong mag-luto para makakain na tayo kaagad." malumanay kong sabi sakaniya.

Tumango lang ito sa akin at inayos ang mga binalot naming groceries na ipapamigay bukas.

Hindi na kasi maipapamigay ngayon, sobrang gabi na.

Safety first!

Magluluto ako ng tuyo, scrambled egg at noodles na may gulay.

Prine-prepare ko na ang mga kailangan ko at nag-umpisa na akong lutuin.

Ilang minuto ang nagluto at mabilis ko namang inihain iyon sa lamesa.

"Tara na kakain na!" malakas na tawag ko sakaniya.

Pinaupo niya muna ako bago siya umupo.

Nagdasal muna kami bago kumain para mas lalo kaming i-bless ni Lord ng mga biyaya.

Kumain lang kami ni Trevyn at nag-kwentuhan.

Matapos naming kumain ay hinugasan na niya ang mga pinaglutuan at mga ginamit naming utensils.

Nagpunta ako sa palikuran ng apartment ko at nag-umpisang mag-linis ng katawan.

Matapos kong mag-linis ng katawan ay ginawa ko na ang skin care routine ko sa gabi.

Pumasok na rin si Trevyn para mag-linis ng katawan at gawin ang skin care routine niya sa gabi.

9:48 PM

Maghanda na kami sa pagtulog at nag-good night sa isa't-isa.

"Goodnight!" nakangiting sabi niya sa akin.

"Goodnight!" nakangiting sagot ko sakaniya.

Nagdasal muna kami bago matulog.

It's such a long day.

6:40 AM

Nagising ako sa sikat ng araw at nakita ko si Trevyn na nagpre-prepare ng breakfast.

"Good morning!" nakangiting bati ko sakaniya.

"Good morning, maupo ka na diyan. Malapit na akong matapos rito." nakangiting sabi niya sa akin.

Umupo na lang ako sa lamesa at inintay na maihain sa akin ang hinanda niyang breakfast.

Nag-breakfast kaming dalawa at nag-kwentuhan.

Sobrang saya!

Ang simpleng pamumuhay na gustong-gusto ko!

Nag-ayos na kami para sa pupuntahan namin mamaya.

Ang tahanan ko.

Matapos naming makapag-ayos ay nagpunta ako sa landlady ko.

Ibinilin ko sakaniya ang mga groceries na ipamigay ang binalot namin.

Sa mga borders.

Sa mga nangangailangan.

Sa mga taong kapos-palad ang buhay.

Nagpasalamat ito sa akin at niyakap akong mahigpit.

Niyakap ko siyang mahigpit at umalis na kami ni Trevyn.

Sumakay kami ng tricycle at jeep upang makarating sa bahay namin.

This is it!

I am home.

Nakatayo kami sa bahay namin at hinawakan niya ang kamay ko.

"Tara na?" nakangiting aya niya sa akin.

The past is your lesson, the present is your gift and the future is your motivation.

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so i can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiastwp.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
882 115 16
"Kahit hanggang tingin at sulyap mula sa malayo, kahit kathang isip lang na mayroong tayo, kahit papaano ay naranasan ko ang ngumiti ng tunay". Pagha...
73.9K 4.6K 38
Pano kung sa pagkakamali mo? Maging slave ka ng lalaking kinaiinisan mo at higit sa lahat isa itong... GANGSTER? Kakayanin mo ba? Let the story begin...
1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...