Frida ( COMPLETE )

By ShatteredBlues

6.6K 209 3

Dahil sa pangungulila ni Frida Marseille sa kanyang yumaong asawang si Monsur ay nagpakalayo layo sya para ka... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
CHAPTER 6
Chapter 7
Chapter 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
Chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19:
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34

CHAPTER 35: END

365 8 2
By ShatteredBlues

"Congratulations, Frida!" Malakas  na sigaw nina Joey at Cecile sabay taas ng baso ng wine. Kasama rin nila ang ilan sa malalapit nyang kamag anak at kaibigan nang gabing iyon.

Today ang huling araw kung saan sine celebrate ni Frida ang kanyang last freedom...her bridal shower party.

Ginanap iyon sa isang magarbong kwarto ng kilalang hotel sa Makati. Maganda ang pagkaka setup ng kanilang room kung saan napapalamutian ng ibat ibang kulay ng ilaw at sari saring bulaklak sa paligid. Pajama party ang motif ng kanilang party nang gabing iyon. The guests are wearing pink silk set of pajama shorts habang si Frida naman ang nakasuot ng red silk robe.

"Goodluck to your wedding, ghorl!" Maarteng bati pa ulit ng isang College friend nina Frida.

"Thank you, na touch talaga ako sa mga pa suprise nyo" Ani Frida habang hawak ang goblet na may lamang tubig.

Kanina lang ay nabigay na ng lahat ang kanilang regalo kay Frida pero di nya ine expect na may pahabol pa si Joey sa kanya.

"Oh, but wait...the party is not yet finished, may pa surprise pa ako sayo..." Joey smiled devilishly.

Isang sexy dance music ang pinatugtog sa ere ni Cecile.

"Woah!" Nagpalakpakan ang lahat ng naroon at excited na malaman ang surprise ni Joey.

Isa isang lumabas mula sa likod ng pulang kurtina ang tatlong kalalakihan na ang tanging suot lang ay sexy trunks habang ang mga mata ay nakatakip ng itim na maskara...kelan pa nakapasok ang mga iyon sa kanilang kwarto nang di niya namamalayan?!

Isa isang lumapit kay Frida ang mga lalakeng mala Adonis ang hubog ng katawan. Bukod sa six packs ng mga iyon ay mapapansin din ang mga naglalakihang binti ng mga iyon at brusko ng mga braso habang sumasayaw sa harap ni Frida sa saliw ng sexy dance.

"No, no, hahaha" kinikilig na tanggi ni Frida ng lapitan sya ng mga iyon at yayaing sumayaw.

Todo ang tanggi ni Frida dahil sa nakakahiyang pagkakataon. Never in her life na may lalakeng sumayaw sa kanyang harapan tulad niyon! Nagba blush na si Frida dahil sa mga matang nakatutok sa kanya.

"Ayiiiiieh!" Malakas na sigaw nina Cecile at nang iba pa. Lahat sila ay kinikilig sa ginawang performance ng tatlong brusko.

Maya maya pa ay lumapit na  sa ibang bisita ang tatlong macho dancers at nakipagsayaw din.

Kumindat pa ang isa bago pa lumapit nang tuluyan kay Joey. At nang nasa harap na ito ay hinila nito ang dalaga para makipagsayaw. Unti unti rin iginaya ng binata ang palad ni Joey sa malapad na katawan ng binata. Nagdulot iyon ng pagba blush sa magkabilaang pisngi ng dalaga.

Malakas ang naging sigawan ng lahat nang naroon sa magkahalong tawa at kilig.

"Kaloka ka!" Sabay hampas ni Frida sa braso ni Joey. Di sya makapaniwalang magha hire talaga ang kaibigan ng dancers para sa gabing iyon. Akala nya ay biro lang iyon ni Joey noong makalawa.

"Sabi ko naman sayo, dont you dare me.hahaha" malakas na halakhak ni Joey.  

Natapos ang gabi na masaya at puno ng kilig at kwentuhan. Nang magsiuwian na ang mga bisita ay tanging sina Joey, Cecile at Frida nalang ang nagpaiwan doon.

"Friend alam nyo na ba ang latest chika?" Ani Cecile kina Frida at Joey.

Nakasalampak silang tatlo sa sahig habang umiinom parin ng alak. Nakakalat sa buong paligid ang mga confettis at evidence ng nangyaring party nang gabing iyon.

"Anong meron?" Takang tanong ni Frida na panay ang ngata ng mga pica pica foods na pulutan nila sa party.

"Yesterday, dinampot ng mga pulis si Don Figueroa." Pagbabalita ni Cecile

"You mean yung daddy ni Hanz?!" Gulat na tanong ni Joey. Napatuwid sya ng upo at tila nawala ang kalasingan.

"Yup."

"Anong nangyari?"  May tono nang pagaalala si Frida...eversince nawalan na sila ng communication ni Hanz. Ang huli nga ay nagpadala lang sya ng text message na ayaw na nya itong makita pa kahit kelan.

"Nakahanap ng evidence si Saab kung sino ang totoong may sala sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Keithlind. Guess who?" Pangbibitin muli ni Cecile

"Si Don Figueroa?!" Gulat na tanong ni Joey.

"Mismo!" Sagot ni Cecile.  "Nakakuha kasi ng CCTV copy si Saab that night na namatay si Keithlind, at nakitang nanggaling din sa same floor ng hotel ang Don. And upon investigation, ay umamin din si Don Figueroa na nagawa nya iyon dahil sa pagmamatigas daw ni Keithlind. Pinagpipilitan daw kasi nito na magsasama sila ni Hanz dahil nangako daw iyon sa kanya na pakakasalan ito.Pero malaki ang pagtutol nang Don kaya di nya sinasadyang napatay si Keithlind and he made it look like suic*de." Mahabang kwento ni Cecile. Halos hindi sya humihinga habang kinukwento iyon.

"OMG..."nabigkas ni Frida.... Then, totoo pala ang sinabi ni Hanz sa kanya? Na wala itong kinalaman sa pagkamatay ni Keithlind at totoong magsasama na sana ang dalawa papuntang US kung di lang nangyari ang bagay na iyon.

"But the saddest part is, may naka pending case ngayon ang company dahil sa mga illegal na transactions nito with other company. Haay baka soon magsara narin ang company dahil isa isa nang nagpu pullout ang mga shareholders..." Malungkot na saad ni Cecile.

"Sinasabi ko na nga sa simula palang, di na talaga mapagkakatiwalaan yang si Hanz. Kahit noon pa man di ko na sya gusto." Nakalabing saad ni Joey.

Nakaramdam naman ng lungkot si Frida sa balitang iyon ni Cecile kaya naman the next following day ay nakipagkita si Frida kay Hanz upang makausap ito nang masinsinan.

"Why are you here?" Matabang na tanong ni Hanz habang nagsasalin ng alak mula sa bar counter.

"Kamusta ka na?" Bati ni Frida. Kahit halata nyang malungkot ang dating nobyo.

"Not that good. But weel atleast Im still breathing" biro ni Hanz kasunod ay ang malakas na halakahak nito.

"I just want to say sorry" Ani Frida na nakatayo parin sa tapat nang pinto.

"Sorry for what?" Mapaklang  ngiti pa ni Hanz.

"For my attitude.... For the way I acted the last time that we spoke."

"It's okay. I understand naman. Kahit sino sa sitwasyon mo ay talaga namang magagalit sa ginawa ko."

"But I had to admit, may kasalanan din ako sayo. Im sorry , I tried my best to like y--"

"What a shame, I was really serious nang sabihin ko sayong gusto kita...." Mabilis na putol ni Hanz.

"I'm sorry..." Iyon lang ang salitang namutawi sa bibig ni Frida.

"Hindi mo kailangang mag sorry. I can feel it...iba ang gusto mo. Si Wilson, right?"

"Paano mo nalaman..." Bulong ni Frida.

"It's obvious. Alam ko rin naman na may gusto sya sayo even before pa. He cant deny it. Im a man at nasi sense ko ang mga kinikilos nya na malaki ang paghanga nya sayo...by the way, congrats to your wedding."

Hindi sumagot si Frida. Nanatili lang syang tahimik at tinititigan ang mga kilos ni Hanz. He looks more like haggard and stressed today compared before. Mahahalata ang malaking eyebags sa mga mata nito. Ganun din ang magulong ayos ng buhok nito. Mukhang ilang araw naring nagkukulong si Hanz sa bahay na iyon at nagpapakalunod lang sa alak.

"I wish you happiness Frida." Ani Hanz. If only we met in different time and situation, I'd definitely steal you away from him. Pero sirang sira na kasi ako sayo eh, at hindi ko na mababago pa ang puso mo...." Mapait na ngiti ni Hanz

Tumango lang si Frida saka tumalikod. Naaawa sya kay Hanz but she had to leave him. Frida felt relieved  dahil sa wakas ay nagkaroon na sila ng closure. Finally, she forgave herself and she is not guilty anymore. She can now move one to her next journey...

March 31, 2019

"Miss Del Thierro, are you ready?" Tanong ng assistant wedding coordinator ni Frida na nasa passenger seat   ng limousine. Huminto iyon sa tapat ng Manila Bay. 

"Y-yes.." Kinakabahang sagot ni Frida. 

This is it! Ito na talaga iyon....her first ever wedding. Her REAL  WEDDING! ...Excited na sigaw ng isip ni Frida.

Pagkabukas nang pinto ng limousine ay bumungad sa kanya ang kanyang ama na naghihintay sa red carpet na nagtutulay patungo sa sea side kung saan naroon ang kanilang yate na napapalamutian ng sarisaring ilaw at bulaklak. Naroon naghihintay sa kanya ang kanyang magiging mapapangasawa...si Wilson.

Pagbaba ni Frida ng limousine ay pinatugtog agad ng violinist ang isang romantikong intro ng kantang Standing Right Next To Me na awitin ni Karla Bonoff.

Napaka elegante ng suot na gown ni Frida. It was cut in tube designed with layyered chiffon on her strap and in A-Line length. Mahahalata rin ang simpleng disenyo ng Swarovski crystals sa kanyang waist. Frida is a stunning beauty at hindi maikakailang sya ang napakaganda nang hapong iyon.

She walked on the red carpet, habang nagpi playback sa kanyang isipan ang lahat nang memories nila ni Wilson. Ang mga oras na madalas silang mag away at magtalo, mga tinginang puno ng makahulugan, mga asaran na walang katapusan at mga nakakakilig na pagkakataon na pinagsaluhan nilang dalawa.

Hanggang ngayon ay hindi parin sya makapaniwala. In just a few minutes, she will be officially Mrs. Del Thierro, wife of Wilson Blaire Del Thierro.

Nang makarating si Frida sa dulo ng carpet ay sinalubong sya ni Wilson na napakagwapo sa suot nitong suit and bowtie. He looks  more handsome and gentleman today.

Pumailanlang sa paligid ang isang napakagandang awitin ng kanilang wedding singer ng oras na magtagpo ang dalawa sa dulo nang red carpet.

🎶 "Love is like the wind,
Sometimes it blows your way,
And until now
It missed me somehow.

But when I turned around
I saw you standing there.
The sound of your voice-
I had no choice.

I used to have a wish
One day I'd feel like this.
Now I know love exists
'Cause it's standing right next to me.---🎶

Iginaya ni Wilson si Frida paakyat ng yate patungo sa harap ng pare na naroon sa maliit na altar na nasa deck.

Lahat ng mga mata ay puno ng paghangang nakatutok sa kanilang dalawa. Di mapigilan ng ina ni Frida na si Amy ang mapaluha. Masaya syang makita ang kanyang anak na ikakasal sa  lalakeng nasisiguro nyang nagmamahal ng totoo kay Frida. Sigurado na syang magiging masaya na ito ngayon sa napili nitong bagong buhay.

Naghalo naman ang luha at saya sa mga mata nina Joey at Cecile. Finally, after all the sufferings and pain, sa wakas ay ikakasal na ang kanilang kaibigan. Masaya sila para kay Frida kahit na sa kabila niyon ay nalulungkot at nanghihinayang parin si Joey sa isang muntikan nang pagibig sana kay Wilson....but all she can do right now is wish for her friend's happiness.

Dahan dahang umandar ang yate sa gitna nang dagat. Ang  malamig na simoy nang hangin kasabay nang magandang himig ng mangaawit na naroon sa upper deck ng yacht, ay mas nagpadagdag pa ng pagka romantiko ng oras na iyon.

🎶"Beneath the moon tonight
I see it in your eyes
No more false starts,
No more broken hearts.

I used to have a wish
One day I'd feel like this.
Now I know love exists
'Cause it's standing right next to me.

Even in the dark,
Even when you're gone
I feel you in my heart.

I used to have a wish
One day I'd feel like this.
Now I know love exists
'Cause it's standing right next to me.

Standing right next to me"🎶

Matapos ang nakakaiyak at nakakakilig na awitin ay nagsimula na ang pari sa kanyang seremonya.

"Since it is your intention to enter into the covenant of Holy Matrimony, join your right hands, and declare your consent before God and his Church" Saad ng pari.

"I, Wilson Blaire del Thierro, take you, Fridalyn Marseille, to be my wife. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honour you all the days of my life."

"I, Fridalyn Marseille,take you,Wilson Blaire del Thierro, to be my husband. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honour you all the days of my life."

"What God joins together, let no one put asunder" The priest announced and give their blessings.

Maya maya pa ay inabot na sa kanila ang mga singsing at sinimulan nang isuot ang mga iyon sa kanilang daliri. Nagtapos ang seremonya sa pagsasalo ng dalawa sa isang matamis na h*lik.

Isang masigabong palakpakan ang naging hudyat nang simula ng kanilang pagmamahalan.

Muli ay pinatugtog ang kanilang themesong na Standing Right Next To Me. Kasabay niyon ay ang makukulay na fireworks na nagbigay ng sari saring liwanag sa kalangitan na binagayan naman nang malamlam na liwanag ng sunset.

"Congratulations, Frida!" Masayang salubong ni Nicole matapos ang seremonya.

"Thank you, Nicole!" Hinagkan ni Frida ang pisngi ng kanyang sister inlaw na ngayong si Nicole. Kasama nito ang bago nitong boyfriend na isang American na si Donovan . Matagal nang magkakilala ang dalawa at noon pa ma'y nagpapakita na iyon ng interest kay Nicole kahit na sila pa ni Josh noon. Iyon ang isa sa mga dahilan ni Nicole kung bakit di nya magawang tanggapin ang kasal nang dating nobyo. Dahil noon pa man ay napalapit na sa kanyang puso si Donovan.

"You look so lovely, Mom...I mean Frida, Sorry--" biglang natahimik si Nicole nang maalalang hindi na pala tamang tawaging stepmom nya si Frida.

"It's okay, I understand." Ginagap ni Frida ang kamay ni Nicole tanda nang kanyang sincerety. She forgave Nicole. At lahat nang nangyari noon ay matagal nang tapos at pilit na nilang kinalimutan.

"For goodness sake Nicole kelan ka ba masasanay?" Inis na saad ni Wilson.

"Please give me more time. Haay, ang bilis nyo kasing magpakasal. Masyado nyo akong binigla, di pa tuloy ako makapag adjust hanggang ngayon." Biro ni Nicole na kunwa ay nagtataray.

"Lam mo, yang bunganga mo kahit kelan napaka tabil." Inis na puna ni Wilson saka kumuha ng garlic bread at isinaksak sa bibig ng kapatid.

"Kuya, Nakakainis ka talaga kahit kelan!" Reklamo ni Nicole "Hmp, makaalis na nga, panira ka talaga ng outfit ko!" Mataray na saad ni Nicole saka hinila palayo ang kanyang boyfriend patungo sa kabilang side ng deck.

"Congratulations, anak" Masayang bati naman ni Henry na sinalubong ng yakap si Frida. Ganun din ang  ina ni Frida na si Amy.

"Iingatan mo itong anak namin, Wilson, ha? Wag na wag mo papaiyakin ito..alam mo ang mangyayari sayo.." Bantang biro pa ni Amy bago yakapin ang manugang.

"Of course, Ma, di ko magagawang paiyakin si Frida, takot ko lang po sa inyo." Malakas na halakhak pa ni Wilson.

"Kuh, siguraduhin mo lang at talaga namang ipapabarang din kita." Dagdag pa ni Amy.

"Ma, ano bang pinagsasasabi nyo kay Wilson." Sita ni Frida sa ina.

"Huh, wag na wag syang magkakamaling magloko, ako mismo ang tatabas ng kanyang kayamanan kapag nagkataon. Lagi pa namang ready areng aking bolo dine"

"Pa?!" Nandilat ang mga mata ni Frida sa sobrang hiya sa kanyang asawa. Di pa naman lasing ang kanyang ama ay kung ano ano na ang sinasabi nito kay Wilson.

Napuno nang malakas na tawanan at biruan ang mga magulang ni Frida at Wilson.  Masaya si Wilson sa pagkakaroon ng pangalawang magulang sa katayuan nina Amy at Henry kaya naman ipinangako nyang sa mga iyon, na mamahalin si Frida at aalagaan pati na ang kanilang magiging mga supling.

Nagpatuloy ang masayang party na puno nang kwentuhan, tawanan, masarap na pagkain, good music at fireworks displays sa gitna ng karagatan ng Manila Bay.

"You never knew how happy I am to be with you like this and be your husband for real. Thank you for coming to my life" Bulong ni Wilson sa pagitan ng tenga ni Frida habang sumasayaw sila sa marahang awiting The First Time ng bandang Surface.

"You never knew how happy I am to fully understand what true love is. Wilson...I love you" Niyakap ni Frida nang napaka higpit ang kanyang asawa. Pakiramdam ni Frida, kapag ganitong yakap nya si Wilson ay saka lang sya nakakaramdam ng security. A security that will surely bond her to him for the rest of their life...

6 MONTHS LATER:

"Wilson!!!!" Malakas na sigaw ni Frida sa kanyang telepono habang kausap ang asawa sa kabilang linya.

"Wait, I'll be there...w-wait for me!" Natatarantang saad ni Wilson.

Ilang beses pa syang luminga linga sa paligid pero di magawang umusad ng kanyang sasakyan dahil sa matinding traffic sa Edsa.

"Wait?!...Anong wait? Sa tingin mo ba makakapag antay pa ako sayo ng matagal? F*ck you Wilson, di ko ilalabas itong baby kapag di ka dumating dito this instant! Tandaan mo yan, di ko ito i-iire." Banta na sigaw ni Frida habang tila hinihingal dahil sa matinding sakit na nararamdaman nya dala ng kanyang pagli labor.

"F*ck! Di nga ako makaalis dito?!"  Natataranta na si Wilson at di na nya alam ang kanyang gagawin. Stuck sa traffic ang kanyang sasakyan sa gitna ng Guadalupe.

Ipinihit nya pakanan ang kanyang sasakyan at ipinarada iyon sa tapat ng isang building.

"Sir, bawal po kayo mag park dito!" Sita ng guard sa kanya.

"Sir, please nagmamakaawa ako sa inyo, yung asawa ko manganganak na..papatayin ako nun kapag di ako makarating ng hospital." Pagmamakaawa ni Wilson.

"P-pero Sir..." Napapakamot na alanganing sagot ng security guard.

"Wilson, di ko ilalabas itong baby, tandaan mo yan! I told you wag ka nang pumasok pero pinilit mo parin! Haaay nangigigil talaga ako sayo!" Malakas na sigaw muli ni Frida sa kabilang linya.

"See? Ayaw nyang ilabas ang baby kung di ako makakarating ng hospital. Cant you believe it?!" Reklamo ni Wilson sa guard. Sobrang napi pressure na si Wilson sa gusto nang kanyang asawa.

Simula kasi nang lumaki ang tiyan ni Frida ay naging over possessive din ito sa kanya. Gusto ni Frida na palagi silang magkasama which is minsan ay nahihirapan din si Wilson dahil kailangan nya ring gawin ang responsibilidad nya sa kanyang trabaho.

"Mike!" Tawag nang guard sa isang empleyado nang building na paalis ng oras na iyon sakay ng motorbike nito.

"Ano yun?" Takang tanong ng binata.

"Baka pwedeng isabay mo na si Sir, manganganak na ang asawa nya. Di daw ilalabas ang bata kapag di daw dumating si Sir sa Hospital."

Di mapigilang mapangiti ng lalake nang sabihin iyon sa kanya ng kanilang guard. Sino ba naman ang matinong babae na ayaw i-ire ang sarili nitong anak?

"Sige Sir." Sa wakas ay pumayag din ang binata saka inabot ang helmet kay Wilson.

"Salamat pre."

Mabilis na humarurot ang motor ng binata at hinatid si Wilson sa isang kilalang private Hospital sa Q.C.

Humahangos na dumating si Wilson sa emergency room ng hospital. Ngunit pagdating nya doon ay wala na si Frida. Nailipat na raw ng Delivery room si Frida at doon ay kasalukuyang nanganganak.

Mabilis na tinungo ni Wilson ang Delivery room kung saan ay naabutan nya pang naghihintay sa labas niyon ang ina ni Frida.

"Kamusta po si Frida?" Nagaalalang tanong ni  Wilson.

"Okay naman sya, malakas si Frida at matapang yang anak ko, wag kang magalala sa kanya " Ani Mang Henry.

Kanina pa sya di mapakali sa kakaikot habang hinihintay ang kanyang asawa.

"Wilson, pwede ba...maupo ka na muna. Nahihilo ako sa kakaikot mo" Sita ni Amy sa manugang.

"Okay lang po ba si Frida?Hindi kaya sya mahirapan manganak?" Nagaalalang tanong muli ni Wilson.

"Makakaya yan ni Frida... Wag kang magalala."

Naupo siWilson at pinilit pakalmahin ang sarili. Ngunit ilang oras lang ang lumipas ay lumabas na mula sa delivery room ang kanyang asawa at inilipat sa private room nito.

"How are you?" Nagaalalang tanong ni Wilson. Ginagap nya ang kamay ng asawa.

"Hmp! Nakakatampo ka...ang tagal mong dumating" Nagtatampong saad ni Frida.

"Sorry na, kung pwede lang na hindi ako pumasok ay gagawin ko. Kaso I need to meet up with other investors from U.K. kaya di pwedeng mawala  ako doon...Cant you see? Kani kanina lang ay kausap mo pa ako sa phone tapos bigla narito na ako. Halos nilipad ko ang Edsa makarating lang agad ako rito." Nakalabing saad ni Wilson. Para itong bata kung mag explain kay Frida. Natawa si Frida sa dahilan ng asawa.

"Okay fine, you're forgiven ." Naparolyo pang saad ni Frida na natatawa sa arte ni Wilson.

Hin*likan ni Wilson ang noo ng kanyang asawa.

"Okay, take a rest na muna. Habang wala pa sina Misty and Blaze." Malambing na saad ni Wilson habang hinahaplos ang buhok ni Frida "Thank you for being strong, hon."

Tumango lang si Frida saka mabilis na inagaw ng antok.

Ilang oras lang ang lumipas nang dumating ang mga anak nina Wilson at Frida.

"Here's the baby!" Masayang pagbabalita ng nurse sa kanila nang ihatid ang mga baby sakay ng cradle. Kambal ang naging anak nina Wilson at Frida na pinangalanan nilang Misty and Blaze.

"Frida, they're here" bulong ni Wilson kay Frida na noo'y nakaidlip.

Pagdilat ni Frida ay nakita nya agad ang dalawang cute na angels na mahimbing na natutulog sa cradle.

"They're so cute" Naiiyak na saad ni Frida.

Inabot nina Frida at Wilson ang baby na mahimbing na natutulog at niyakap ang mga iyon sa kanilang braso.

"Look at her, she's so cute, kamukhang kamukha mo si Misty." Ani Wilson habang karga si Misty sa kanyang braso.

"And look at Blaze, he is so cute, kuhang kuha nya maski ang dimple mo." Di makapaniwalang saad naman ni Frida.

"They're both lovelies. Thank you for being my wife hon, ....thank you for being the mother of my kids. I love you so much, Frida."

Wilson k*ss Frida on her lips.

And they live happily ever after...CHAR!😂

LOVE CAN NOT MAKE A HOME WHERE LIES AND SECRETS SLEEPS~



Continue Reading

You'll Also Like

151K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.4M 32.1K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
1.9M 37.8K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
137K 5.7K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...