When Suplado Boy Meets Palaba...

By iamhopelessromantic

688K 12.3K 1K

Si James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan... More

Prologue
Chapter 1 - The New Comer
Chapter 2 - Diana Sophia Eliza Torres Alcantara
Chapter 3 - Suplado plus Palaban Equals ?
Chapter 4 - Apologize to him? NOOOOO WAY
Chapter 5 - I Have No Choice
The Great James
Chapter 6 - She's Not Gone
Chapter 7 - The Confrontation
Chapter 8 - Lost and Found
Chapter 9 - The Set-up
Chapter 10 - The Accident
Chapter 11 - Nathaniel (Part I)
Chapter 11 - Nathaniel (Part II)
Chapter 11 - Nathaniel (Part III)
Chapter 12 - Puno
Chapter 13 - The Suplado Returns
Chapter 14 - The Hard Reality
Chapter 15 - I'm Stupid
Chapter 16 - Their First Night Together
Chapter 17 - Angel
Chapter 18 - It's Confirm
Chapter 19 - Rooftop
Resolving the Issues
Chapter 20 - Drama Club
Chapter 21 - Relax
Chapter 22 - Nananadya
Chapter 23 - For the First Time
Chapter 24 - Boyfriend
Chapter 25 - His Female Version
The Reason Why
Chapter 26 - Lunchbox
Chapter 27 - Clinic
Chapter 28 - His Personal Nurse
Chapter 29 - Slave and Not Nurse
Chapter 30 - What's Wrong With Her
Chapter 31 - Palaban Girl is Back
Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass
Chapter 33 - She's Mad at Me
Chapter 34 - Cold
Chapter 35 - Secret Admirer DAW
Chapter 36 - Enchanted Kingdom
Chapter 37 - Napakatanga
Chapter 38 - You're my Business
Chapter 39 - Whether You Like it or You'll Like it
Chapter 41 - Sumpong
Chapter 42 - Heartbeat
Chapter 43 - Yakap
Chapter 44 - To See You
Chapter 45 - Nalaglag
Chapter 46 - Cheer
Chapter 47 - Picture
Chapter 48 - Curious
Chapter 49 - Tears
Chapter 50 - Mall
Bastard
Chapter 51 - Future Sister In Law
Chapter 52 - Dinner
Chapter 53 - Goodbye
Chapter 54 - Hurt
Chapter 55 - What
Chapter 56 - Who's Jealous
Chapter 57 - Saleslady
Chapter 58 - Baliw Talaga
Chapter 59 - Walang Takas
Chapter 60 - Smile
Chapter 61 - Placard
Chapter 62 - Date
Chapter 63 - Picnic
Chapter 64 - Trust
Chapter 65 - Jason
Chapter 66 - Honesty May Not Be The Best Policy
Chapter 67 - Cake
Chapter 68 - Stalk
Chapter 69 - Locker Room
Chapter 70 - Guardian Angel
Chapter 71 - Ask
Chapter 72 - Sealed With a Kiss
Chapter 73 - Time Zone
Chapter 74 - Booth
Chapter 75 - King and Queen
Chapter 76 - Candles and Lies

Chapter 40 - Tangs

8.4K 143 6
By iamhopelessromantic

Dinala ako ni Annika sa recreation room. Iginiya agad niya ako papasok sa banyo. Sabi ko nga, halos buong bahay na to kaya kumpleto talaga. Naligo na ako. Sobrang dumi ko talaga. Nagkulay maroon pa yata ang tubig after dumaan sa katawan ko. Daig ko pa yata ang nagpagulong-gulong sa putikan.

Mga isang oras siguro akong nagbabad sa shower bago ako nakuntento. Inabot ko ang towel at dinry ang sarili ko. Tapos ay isinuot ko na iyong extra uniform ni Annika. Kung titingnan ko ang uniform mukhang bago pa siya at hindi pa talaga siya nasusuot. Bahala na nga.

Tiningnan ko muna sandali ang sarili ko sa salamin. In fairness kasyang-kasya siya sa akin. Parang akin talaga.

Lumabas na rin ako ng banyo. Akala ko si Annika ang makikita kung naghihintay sa akin. Pero nagkamali ako. Tumayo agad siya sa kinauupuan niya ng makita ako. Lumapit siya sa akin. Nang nasa mismong harapan ko na siya akala ko titigil na siya pero lalo pa siyang lumapit sa akin. Napaatras naman ako ng konti.

Pero parang nananadya yata siya at lapit pa rin siya ng lapit. Kaya ako atras naman ng atras hanggang sa wala na talaga akong maatrasan. Nakasandal na ako sa pader. Nanlaki ang mga mata ko ng inilalapit niya ang mukha niya sa akin. Sa sobrang takot ko ay itinulak ko siya.

Nagsmirk lang siya.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Eto na naman ang puso ko. Nawawala na naman sa rhythm.

"Tsssk. Inaamoy lang naman kita."

 

"Eh bakit ka naman nang-aamoy diyan? Aso ka ba?"

 

"Ang gwapo ko naman para maging aso no. Gusto ko lang malaman kung nagawa bang tanggalin ng sabon iyong amoy mo kanina. Kanina na sobrang dumi at baho mo ay yumakap ka pa sa akin, tapos ngayon ayaw mo na palapit."

 

Namula naman ako ng maalala ang nangyari kanina. Tapos iyong puso ko mas bumilos pa ang pagtibok. Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko na lang siya niyakap kanina. Tapos umiyak pa ako. Eh noong binabato nga ako ng kung anu-ano ay hindi ako naiyak, pero ng makita ko siya ewan ko ba. Bigla na lang akong nanghina. Iyong bang pakiramdam na hindi ko na kailangan maging matapang. Iyong pwede ko nang ilabas ang nararamdaman ko. Parang narelieve ako ng makita ko siya.

Ngayon ko lang napansin na nakapagbihis na rin pala siya ng ibang uniform. Malamang, kasi nga niyakap ko siya kanina kaya nadumihan din siya. Eh ang arte pa naman niyan.

"Eh bakit kailangan mo pang amuyin pwede mo namang itanong na lang sa akin ah."

 

 

 

 

James' POV

"Eh bakit kailangan mo pang amuyin pwede mo namang itanong na lang sa akin ah."

Kahit kailan mukhang hindi ako mananalo sa kanya.

"Aiiishhh. Oo na hindi na kita aamuyin. Pasalamat ka maganda ka."

 

"Ha???"

 

Naman.

"Sabi ko bingi ka." Tsssk. Asa ka pang uulitin ko iyong sinabi ko.

"Ewan ko sa'yo wala kang kwentang kausap." sabi niya.

Tapos umalis na siya sa pagkakasandal sa pader at nilagpasan ako. Sinundan ko naman siya. Nakakailang hakbang pa lang siya ng tumigil siya kaya tumigil din ako. Tapos hinarap niya ako. medyo nagulat pa siya ng makita na malapit lang ako sa kanya. Medyo napaawang ang bibig niya. Mukhang may gusto siyang sabihin pero mukhang nagdadalawang isip siya.

I wonder kung ano yun at mukhang hirap siyang sabihin.

Tumalikod na siya ulit sa akin. Pero bago pa man siya makahakbang ulit ay inunahan ko na siya. Tapos ay hinawakan ko siya sa braso niya at hinila paupo sa sofa. Nagulat pa siya sa ginawa ko. Lagi naman eh.

Tinabihan ko siya. Pinihit ko siya paharap sa akin. Mas lumapit pa ako sa kanya. Kaya lang umurong naman siya palayo sa akin. Kaya lumapit na naman ako sa kanya. Umurong na naman ulit siya.

"Huwag mo nang hintayin na umabot ka sa gilid nitong sofa. Kaya pwede ba steady ka lang diyan."

 

"Eh bakit ba? Bakit ba lapit ka nang lapit diyan?"

 

Hindi ko na lang siya sinagot. Inabot ko lang iyong moisturizer sa may table. Binuksan ko iyon at naglagay ng konti sa palad ko. Aktong ilalagay ko yun sa mukha niya ng pumalag siya.

"Ano yan?"

 

"Huwag mong sabihing pati moisturizer lang hindi mo pa alam?"

 

"Siyempre alam ko na moisturizer yan no. Hindi naman ako ganun katanga."

 

"Mabuti kung ganun." Inilapit ko na ulit kamay ko sa mukha niya pero pinigilan na naman niya ako.

"Ako na maglalagay. Akin na yang bottle."

 

Pero imbes na ibigay ko sa kanya iyong bote ng moisturizer ay inabot ko ang kamay niya. Hahablutin sana niya pero hinigpitan ko ang hawak. Tapos ay inilipat ko sa kamay niya iyong moisturizer na nasa kamay ko. Iyong iba ay ipinahid ko sa braso niya.

"Ayan. Masaya ka na?"

 

Nag-iwas lang siya ng tingin at inayos ang pag-upo. Tapos ay inilagay na niya sa mukha niya iyong moisturizer. Hindi ko naman napigilang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Kailan pa siya naging ganito kaganda sa paningin ko?

"Asan nga pala sila Annika?" tanong niya na hindi pa rin tumutingin sa akin.

"Nasa labas."

 

Nilingon niya ako na nakakunot ang noo. I'm sure iniisip niya kung anong ibig kong sabihin.

"Nasa labas sila. Hindi ko sila pinapasok dito eh."

 

"Bakit naman ayaw mo silang papasukin dito?"

 

Tumayo siya. Akmang hahakbang na siya papunta sa pinto ng pigilan ko siya.

"Tsssk. Pabayaan mo nga lang sila. Iistorbohin ka lang nang mga yun." sabi ko.

Hinila ko na siya papunta sa dining.

"Ano to?"

 

"Pagkain.. Hindi ba halata?"

 

Napasimangot siya.

"Oo na, alam mo nang pagkain yan, hindi ka na tanga. Kaya huwag ka nang sumimangot diyan. Hindi ka pa naglulunch kaya ayan nagpapreparee ako ng food."

 

"Bibitayin mo na ba ako after kung kumain?"

 

"Ha?"

 

"Eh kasi naman no. Iyong mga bibitayin lang naman ang ipinaghahanda ng ganito kadaming pagkain. Halos mapuno na itong buong mesa eh."

 

"Tssssk. Bakit kapag madami bang inihandang pagkain bibitayin na agad? Hindi ba pwedeng hindi ko lang alam kung anong gusto mong kainin kaya naman nagpahanda ako ng marami ha?"

 

"Eh bakit hindi mo naman sinabi kaagad?"

 

"Eh bakit ba napakadami mong reklamo? Kumain ka nga lang diyan."

 

Naupo na siya at nagsimula nang kumain. Mabuti naman at hindi na nagreklamo. Naupo na rin ako sa kaharap niyang upuan. Nakatingin lang ako sa kanya habang sumusubo.

"Bakit ka tumigil?"

 

"Sino ba naman ang hindi? Eh nakatitig ka sa akin."

 

"Eh ano naman ngayon kung nakatitig ako sa'yo?"

 

"Siyempre naman no maiilang ako. Sira-ulo ka talaga. Huwag mo nga sabi ako tingnan. Tusukin ko yang mata mo nitong tinidor eh."

 

"Oo na hindi na. Kumain ka na diyan." Hindi ko na siya tinitigan. Pero paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya. Paminsan-minsan lang ah. Every five seconds siguro. At everytime na sinusulyapan ko siya ay nahuhuli ko siya na nakatingin din sa akin. Or kabaliktaran yata.  Ako ang nahuhuli niya na nakatingin sa kanya dahil everytime na magkakatama ang mga mata namin ay pinanlalakihan niya ako ng mga mata. Parang sinasabi ng mata niya na 'huli ka!!! huwag ka sabing titingin eh'.

 

Ganoon lang kami hanggang matapos siyang kumain.

Tumayo na siya.

"Saan ka pupunta?"

 

"Babalik na ako sa room ko. May klase pa ako."

 

Tumayo ako at hinarangan ang daan niya.

"At sinong may sabing pwede ka nang umalis?"

 

"Ako? Bakit?"

 

"Tssskk. Hindi ka pwedeng umalis. Dito ka lang."

 

"At ano namang gagawin ko dito aber?"

 

"Eh di magpapahinga. Ano pa ba?"

 

"Okay na ako. Hindi ko na kailangan magpahinga."

 

"Anong okay? Nakita mo ba ang sarili mo kanina? Kung paano ka umiyak. You must be in trauma for all I know."

 

"Trauma? Ano bang sinasabi mo diyan? At bakit naman ako matutrauma? Tsaka isa pa kung umiyak man ako kanina wala lang yun."

 

"Wala lang yun? Are you kidding me? Sobrang nag-alala ako sa'yo tapos wala lang yun?"

 

"Kasalanan mo naman eh."

 

"Kasalanan ko? At paanong naging kasalanan ko?" Kasalanan ko pa ngayon eh iniligtas ko na nga siya.

"eh ikaw kasi eh."

 

"Anong ako?"

 

"Ikaw."

 

"Ano nga eh?" Naiinip kong tanong. Bakit ba hindi na lang niya ako diretsuhin. Nambibitin pa to eh.

"Kung hindi dahil doon sa rumors na ano eh hindi naman nila gagawin yun."

 

"Anong rumors?"

 

"Aiiissshhh. Alam mo na yun."

 

"Aissssh ka rin. Hindi ko nga alam."

 

"Aiiishhh. Huwag na nga lang. Basta kasalanan mo to."

 

Hinawakan ko siya sa braso ng akmang tatalikuran na niya ako.

"Just tell me what is it okay. Nang hindi ako mabaliw sa kaiisip. Tell me what did I do wrong this time?"

 

Bumuntunghininga siya.

"Kasi nga paanong nalaman ng buong school iyong tungkol sa joke mo? Eh tayong dalawa lang naman nakakaalam nun."

 

"Joke? Anong joke?" Hindi ako marunong mag joke.

"Naman eh. Bakit ang hina mo ah? Iyong joke mo. Yung joke mo na girlfriend mo na ako."

 

Bigla akong natawa sa sinabi niya. Ewan ko ba. Natatawa talaga ako sa inaasal niya. She was very hesitant na banggitin ang tungkol dun. Ang dali lang naman sabihin ah. Girlfriend. Tsaka anong joke ang sinasabi niya. Hindi iyon joke. Seryuso yun. Wala sa vocabulary ko ang joke.

"Bakit ka natatawa diyan? Huli na para tawanan mo joke mo. Napanis na."

 

"Okay it's my fault. Masaya ka na? Now will you do as I say and take a rest. Dahil kung hindi at talagang magpipilit kang pumasok ay ipapacancel ko lahat ng classes. I'm sure you don't want that."

 

Natawa na naman ako sa pagsimangot niya. Bakit kahit sa pagmamaktol niya natutuwa ako?

"Basta ayusin mo to ah. You have to clear things up. Baka mamaya magkapakpak na naman ang mga pagkain tapos mag crash landing sa'kin."

 

"I already did."

 

"Talaga???" Excited na sabi niya. Tsssk. Ganyan siya kasaya na iisipin ng lahat na hindi ko siya girlfriend? Sorry na lang siya. Dahil girlfriend ko na talaga siya.

"I cleared things already. Hindi na mauulit iyong nangyari kanina so don't worry."

 

"Mabuti kung ganun."

 

Hindi ko naiwasang mapangiti ng maisip ko ang magiging reaction niya kapag nalaman niya ang totoo. Na iyong paglilinaw na sinasabi ko ay iba sa iniisip niya. Malamang magwawala to. Excited na kong makita ang mukha niya.

"Huwag ka ngang ngumiti diyan. Kanina ka pa eh."

 

"Tsssk. Eh ano naman? Tsaka hindi ba't ikaw mismo ang nagsabi sa akin noon na dapat ngumingiti ako?"

 

"At kelan ko naman sinabi iyon?"

 

"Noong nasa park tayo. You should be thankful I followed your advice."

 

"Binabawi ko na ang sinabi ko. Huwag ka na pa lang ngumiti."

 

"At bakit naman?" I asked her. Widening my smile.

"Kasi naman no. Nakakatakot pala kapag ngumiti ka. Nakakakilabot actually. Mas nakakatakot pa kaysa nakasimangot ka. Kaya sumimangot ka na lang ulit, huwag ka nang ngumiti kahit kailan."

 

"Ang sabihin mo na cu-cute-an ka lang sa akin."

 

"Huh! Ikaw cute? Tsssk. Asa ka pa. Magtitiyaga na lang akong tumingin sa asong kalye kaysa sa'yo. Umalis ka na nga."

 

Itinulak na niya ako papunta sa pinto.

"Baka nakakalimutan mo na ako ang may-ari nitong room kaya wala kang karapatang palayasin ako."

 

"Akala ko ba gusto mo magpahinga ako? Alam mo hindi ko magagawa yun kung andito ka. Nakakastress ka kasama. Daig ko pa nanonood ng horror movie."

 

"Horror movie ka diyan. Ang sabihin mo nadidistract ka lang kasi sobrang gwapo ko"

 

Umakto siya na parang masusuka. Sira talaga.

"Gumising ka na kaya. Nananaginip ka pa yata eh."

 

"Mukha nga. Mukhang binabangungot ako kasi kasama kita. Hahahahaha."

 

Sobrang namula siya sa inis dahil sa sinabi ko. Kaya lalo akong natawa. Binuksan na niya ang pinto at tinulak ako palabas. Isasara na sana niya per naiharang ko katawan ko.

"Not so fast."

 

"Ano na naman ba kasi pangit?"

 

"Buksan mo muna to." Naiipit kasi ako sa pinto at sa itsura niya mukhang balak niya na piliting isara ang pinto kahit na nakaharang ako.

"Bilisan mo."

 

Bago pa man siya makakilos ay nahalikan ko na siya. Sa noo lang naman. Pero siyempre nanlaki pa rin ang mga mata niya.

"Sira-ulo ka talaga."

 

"Dissapointed ka ba dahil sa noo lang kita hinalikan at hindi sa lips?"

 

Lalo naman siyang namula. As in sobrang pula. Na parang sasabog na siya. hahahahahaha.

"Kahit sa noo pa yan, sa cheeks o sa lips. Wala ka pa ring karapatan para halikan ako. Hindi kita tatay para halikan ako sa noo. Hindi rin kita kaibigan para halikan mo ko sa cheeks at lalo namang hindi kita boyfriend para halikan ako sa lips."

 

"At sinong may sabing hindi?"

 

"Ano?"

 

"See you later." sabi ko sa kanya sabay ngiti ng malapad. Isinara ko na ang pinto pero bumukas ulit iyon. Pinigilan ko na lumapad ang pagkakabukas nun. Kaya naman nakasilip lang siya.

"Hoy. Ikaw. Ipaliwanag mo nga sa akin ang sinabi mo ha?"

 

"Ang alin?" Painosente kong tanong sa kanya. Lalo naman siyang nanggigil.

"Madapa ka sanang pangit ka."

 

"Hindi ka papakinggan ni Lord kasi bad yang pinagdadasal mo."

 

"Ewan ko sa'yo." Isasara na sana niya ang pinto pero ako naman ang pumigil. Ang gulo namin ah.

"Siyanga pala. Pababantayan ko itong pinto. Kaya huwag ka nang magtangkang tumakas. Hindi ka pwedeng lumabas hangga't di ko sinasabi."

 

"Bahala ka sa buhay mo." Nakasimangot na sabi niya.

"Okay. Alis na ako. Bye Tangs."

 

Kumunot ang noo niya.

"Tangs???"

 

"Tanga. Hahahahaha"

 

Hindi ko na tiningnan ang reaction niya. I'm sure sobrang nanggagalaiti na yun sa sobrang galit.

"BALIW! PANGIT!" Narinig kong sigaw niya. Tapos ay padabog niyang isinara ang pinto.

Continue Reading

You'll Also Like

74.2K 3.3K 48
The girl was Crazy inlove with his classmate, lagi nya itong sinusundan kung saan 'man ito pumunta. minsan na rin syang sinaktan ng minamahal niya ng...
163K 2.6K 36
Hindi sa lahat ng buhay natin napagbibigyan tayo ng pagkakataon na ipamalas ang taglay nating kagandahan; lalo na kung wala ka naman talagang ganda...
276K 2.2K 101
"She know she can. She believed, she reached her dream." (TAGALOG - ENGLISH) Highest Rank: #1 in Poetry #2 in Poems
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...