Maybe It's Not Ours

By thelonewriter_

6.8K 165 29

Agatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sn... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
Epilogue

27

84 4 0
By thelonewriter_

"Hindi mo pa ba nasasabi sa mga kaibigan mo na nandito ka na sa Pinas?" Tanong sa akin ni Kuya Sandro kaya napatingin ako sa kanya.

Umiling ako. "Not yet, Kuya. Pero alam nilang uuwi ako this month, hindi nga lang nila alam ang exact day." I giggled. "Hindi nila alam na nandito na ako ngayon."

"Speaking of your friends, anak, nag-message nga pala si Naomi sa akin kagabi. She was asking kung kailan ang uwi mo dahil gusto ka nilang i-surprise." Wika naman ni Daddy at sunod ko siyang tiningnan.

"Ano po ang sinabi mo, Daddy?"

Umiling siya at nagpatuloy sa paghihiwa ng kinakain niya. "Hindi ko na siya nagawang reply-an dahil inaantok na ako at tinatamad akong magpindot."

Natawa ako sa sinagot ni Daddy. Oh, poor Daddy. He's really an old man na talaga! Tinatamad na siyang maghawak ng phone at pumindot. Naalala ko ngang sabi ni Kei sa akin noong kauuwi ko, na hindi na pwedeng sumipa ng ball dahil sasakit ang back at legs nito. One time when they were playing soccer, my nephew said. That was just cute, though.

"Bakit? Wala ka bang balak ipaalam sa kanila, little sis?" Tanong naman ni Kuya Augustus sa akin at umiling ako.

"No naman po, Kuya. Ang plano ko nga ay ngayon sabihin sa kanila! Medyo nag-a-adjust pa ako ngayon sa time, e." Sagot ko at medyo natawa.

Sa layo ba naman ng agwat ng time ng San Francisco at Pinas, inaamin kong hindi ko pa ring magawang sundan ang matagal ko nang kinagawian. Umaga rito, gabi roon. Hapon dito, madaling araw doon. At ang sarili ko ay oras pa rin doon sa Cali ang galaw. Kaya nga madalas ay tulog ako kapag hapon at sa gabi ay gising na gising, hanggang madaling araw.

"Sanayin mo ulit, kapatid." Natatawang sabi ni Kuya Sandro.

Tanghali, we are having our lunch. Ako, si Daddy, Kuya Sandro, Ate Seline at Kuya Gus. Wala si Kuya Gavin dahil siya ang pinaka-busy sa amin dito. Pero nahahagilap ko pa rin naman siya dahil madalas siyang magpunta rito sa umaga bago dumiretso office niya. Though, kahit may sarili na siyang bahay, nagpupunta pa rin siya rito para bumisita at madalas ay dito kumain with his family. Na siyang madalas mangyari simula nang pagkauwi ko rito sa Pinas.

Si Kuya Gus, though, may sariling bahay na rin siya with his family, bumibisita pa rin siya rito. Siya at kasama ang asawa't anak niya. Si Kuya Sandro ang naiwan dito sa bahay namin, dito siya nakatira, sila ni Ate Seline at ang baby nila. Mabuting dito dahil bukod sa may kasama si Daddy, naaaliw si Daddy dahil may isa siyang apong araw-araw niyang nakikita. Lalo na't matagal akong nawala rito..

"Talagang kailangan ko nang sanayin. Hindi po pwedeng aantukin ako kapag start na ng internship ko kay Kuya Gavin!" Sabi ko pa sa kanila.

"Sabihin mo lang kung sungitan ka ni Kuya Gavs, ha? Ako ang susugod sa opisina niya."

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Kuya Sandro, pati si Ate Seline. At dahil nagawi na sa usapang internship, ito na ang sumunod naming topic ngayon dito sa dining table.

Next week ang plano kong mag-apply for internship doon sa company ni Kuya Gavin. Wait, apply? Need ko pa bang gawin iyon, kung sure namang makakapasok ako roon sa company mismo niya, namin? Tsk, what an advantage. Kahapon, napag-usapan na rin namin ito at sinabi niyang sabihan ko lang siya kung kailan ko na gustong mag-start.

Sa ngayon, bukod sa pag-a-adjust sa time, hinahanda ko na rin ang sarili ko para sa internship na kailangan kong gawin sa loob ng three months. I am required to complete 550 hours of training and in line with that, hindi lang basta proof na nasa office ako't nagtatrabaho ang kailangan kong ipakita. Dahil may kalakip na documents din ang internship kong ito, what I am talking about is the weekly journal and some reflection papers about how's it going.

Iisipin ko sanang pwede ko namang pekehin ito, 'yong para bang kahit hindi ko na seryosohin pero hindi ko rin magawa. I'm not that type of person. And this one's big deal for me because our internship adviser told us na dadaan sa evaluation ang ipapasa naming portfolio about our internship. Kailangan ay maganda ang output, ang ipi-present namin, dahil may special diploma pa kaming matatanggap kung sakaling pasok sa standards nila ang output namin.

At advantage ko ngang may company na kami at Kuya ko mismo ang CEO. Pero ang totoo niyan, hindi lang naman ako ang umuwi for this internship. Dahil may mga kaklase rin ako na umuwi sa kani-kanilang cities para paghandaan din ang internship na ito. May classmates nga ako na nagbalak pang mag-NYC para roon pumasok for internship, sa malalaking company pa.

"Ang tagal mo pala rito. Dito ka na kasi, forever." Sabi pa ni Kuya Sandro at ngumiti ako sa kanya.

"Bakit? Na-miss mo ba ako, Kuya?" Tanong ko at tumayo siya.

Nagtaka pa ako kung saan siya pupunta, sa akin pala. Nagpunta siya sa likuran ko at niyakap ako habang nakaupo pa rin ako rito.

"Oo, na-miss kitang asarin." Sagot niya at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko.

"You're so clingy, Kuya! OMG!" Tuwang-tuwang sabi ko at nakangiti lang sina Daddy habang nakatingin sa aming dalawa.

Akala ko, clingy siya nang ikinairita ko naman ang pagkuha niya ng mayo na narito sa mesa gamit ang thumb niya at direktang dinampi sa pisngi ko! This man!

"Kuya!" Naiinis na sabi ko habang pinupunasan ang pisngi ko kung nasaan ang mayong kinalat niya sa akin.

Gusto ko sana siyang bawian pero nakabalik na siya sa upuan niya. Tumatawa lang si Daddy, Kuya Gus at Ate Seline sa kalokohan ni Kuya Sandro. Sabi sa inyo, e. Mukha pa rin siyang teenager na makulit kahit may asawa't anak na siya!

After naming kumain, una nang nagpaalam si Kuya Gus na mauuna na dahil bukod sa appointment niya bilang doctor, dadaanan pa raw niya sina Ate Ria sa in-laws niya. Hanggang sa sumunod na ring magpaalam ang isa pang doctor kong Kuya.

"I-babysit mo muna si Addison, Agatha." Sabi ni Kuya Sandro sa akin.

"Talaga!" Sabi ko naman sa kanya at tinukso siya nang makita ko kung paano naman siya magpaalam kay Ate Seline na asawa niya. "Pa-baby!" Pagpaparinig ko at akmang hahabulin pa ako nang lapitan ko si Daddy para tumago.

Tawang-tawa lang kaming naiwan na tatlo rito sa labas ng bahay. Hindi pala talo, kundi apat kami. Ako, si Daddy, Ate Seline, at ang cute kong niece na si Addison.

"Tita! You say Tita na, Addison. Tita." Malambing kong sabi sa pamangkin ko.

"Tata." Sagot niya sa akin na ikinatuwa ko.

"Ate Seline, kumusta naman si Kuya Sandro bilang husband mo? Makulit pa rin ba?" Pagtanong ko kay Ate Seline na nariritong nakaupo't pinapanood kaming mag-Tita habang naglalaro.

"Sinabi mo pa, Agatha. Mas makulit kaysa kay Addison ang Kuya mo."

Biniro ko naman si Ate Seline na mabuting hindi nagmana si Addison kay Kuya Sandro sa kakulitan.

Nang sumapit ang alas 2, mabuting hindi ako inaantok ngayon. Paano ba ako aantukin kung gising na gising ako dahil sa aliw ko sa pamangkin ko? Kuya Sandro's baby is so freakin' cute! Kanina pa kami naglalaro rito sa sala at natutuwa akong hindi siya nahihiya o natatakot sa akin dahil nandito lang siyang nakaupo sa lap ko habang naglalaro.

Pero ilang saglit, umiyak na siya. At sinabi ni Ate Seline na inaantok na at nap time niya na. Kaya kinuha niya na si Addison at nagpaalam na sa aming dalawa ni Daddy na magpupunta muna sila sa room nila. Mula sa pagkakaupo rito sa floor, tumabi na ako kay Daddy na nandito sa sofa.

"Ikaw? Hindi ka ba inaantok? Madaling araw sa California kapag ganitong oras." Sabi ni Daddy sa akin at medyo natawa ako.

Humilig ako sa balikat niya bago sumagot. "Mabuting hindi nga po, Daddy, e. At sana masanay na po ako. How about you, Daddy? Antok ka?" Tanong ko at tumingala sa kanya.

"Hindi naman."

Daddy's now wearing glasses, dahil malabo na ang mga mata niya. You know, old things. Dati, noong nandito pa ako, bihira lang siyang magsuot ng salamin. Kung may times man na makita ko, ayun ay dahil nagbabasa siya. Just reading glasses. Pero ngayon, steady nang nagsasalamin siya, for his vision dahil tumatanda na siya kaya lumalabo na ang paningin niya.

"Kwentuhan mo naman ako, anak, tungkol sa iyo.. Ang dami kong na-miss about you roon sa San Francisco."

"Ako pa talaga, Daddy? Eh, halos alam mo naman ang ganap ko roon dahil palagi mo 'kong kausap, si Ate Gab, at pati si Isha at Gianna!" Humagikgik ako. "Dapat nga ay ikaw po ang magkwento sa akin, Daddy. How were you here, Daddy?"

"Malungkot. Malungkot na wala ka rito."

Nakangiti man siya nang sabihin niya ang katagang iyon, pero alam ko.. Alam ko na kahit ngayong kasama na niya ako ay nalulungkot pa rin siya. Nalulungkot siyang iniwan ko siya rito nang biglaan. At sa tuwing naaalala ko kung bakit, hiya na lang ang siyang tangi kong nararamdaman.

Unti-unting nawala ang ngiti ko dahil sa sinagot niya sa akin, hanggang sa magsalita ako. "I'm sorry, Daddy, if I needed to leave. I'm sorry kung kinailangan kong lumayo rito at iwan ka. I'm sorry kung.. kung nabigyan po kita ng malaking problema, Daddy. At wala akong ginustong gawin kundi ang takasan iyon."

Ngumiti nang tipid si Daddy sa akin. Alam kong sa sandaling ito ay marami siyang gustong sabihin pero tanging yakap na lamang ang sinagot niya sa akin. Mabuting yakap na lang, dahil siguradong mag-iiyakan na naman kaming dalawa rito kung babalik kami sa mga bagay na hindi maiiwasang maungkat at mapag-usapan.

Dahil kahit gaano na katagal iyon, hindi pa rin sapat para makalimutan. At alam kong hanggang ngayon, sa tuwing nakikita ako ng mga kapatid ko, may isang senaryo sa isipan nila ang nakikita nila. Ayun ay 'yong ako na umiiyak at sumisigaw sa sobrang sakit at galit. Galit na para sa sarili ko at para sa isang tao. At ang taong iyon, walang iba kundi 'yong lalaking minahal ko nang sobra.

Nahihiya ako at hiyang-hiya pa rin hanggang ngayon. At isa iyon sa mga dahilan kung bakit gusto kong lumayo, na umalis dito sa Pinas at doon sa California muna tumira. Dahil nahihiya ako sa Daddy ko, mga Kuya ko at sa mga kaibigan ko about what happened. Sino nga bang hindi mahihiya roon, 'di ba? Ako, ako na nanloko ng isang tao dahil sa sobrang desperada ko. Nagpanggap na buntis at tagong nakipagrelasyon, at sa huli, nasaktan nang sobra.

Sobrang bilib ko dati sa sarili ko na hindi ko mae-experience ang masaktan nang ganoong kasakit, to the point na wala na talaga akong inisip kundi lumayo muna. I.. I got depressed. The worthlessness, self-hate and guilt, lahat iyon ay naramdaman ko noong panahon na iyon. Ilang buwan na nasa loob lang ako ng kwarto, nakakulong at gustong mapag-isa.

Noong una, inayawan ni Daddy ang idea na roon muna sa California tumira na siyang hiling ko isang araw na maisip ko. Pinipilit ko siya, tandang-tanda ko na umiiyak pa ako nun, at wala siyang nagawa kundi sundin ito. Pinayagan niya ako, pinagbigyan niyang lumayo ako, even if that means living for years without me near him. Pinagbigyan ako ni Daddy, kahit lungkot at pangungulila ang mararamdaman niya.

At ngayon, alam kong ganoon pa rin dahil hindi naman permanente ang pananatili ko rito sa Pilipinas.

"Always know that.. that I love you, anak. No matter what." Sambit na ni Daddy sa akin at katagang iyon lang pala ang makakapagpabagsak ng luha ko ngayon.

"I love you, too, Daddy. You're the best."

Nang sumapit ang alas 4 ng hapon, nag-open ako ng Viber para i-message ang friends ko ay i-inform sila na nandito na ako sa Pilipinas. At hindi na ako nagulat nang kaagad na nag-invite si Dahlia na mag-group call at nang sagutin ko, tili ni Elisse ang sumalubong sa akin.

"OMG! AGATHA!"

"Hi, girls! What's up?" Nakangiting tanong ko sa kanila at bumungisngis, pero naluluha na ako dahil sa tuwa.

Hindi umabot ng 5 minutes ang pag-uusap namin dahil sinabi ni Naomi na magbihis ang lahat dahil lalabas kami't magkikita-kita, na sinang-ayunan din naman ng dalawa. Napaisip pa ako pero napa-oo na rin ako, at ramdam na ramdam ko naman ang excitement nilang makita ako. Ganoon din ako!

Bago ako mag-ayos ng sarili, pinuntahan ko pa si Daddy sa room niya para magpaalam, pinayagan naman niya ako. Dahil sa totoo lang, gusto niya ngang lumalabas ako.

"Take care, Nicole."

Napatigil ako sa tinawag sa akin ni Daddy. "Nicole na naman, Daddy. Si Mommy talaga ay miss na miss mo pa rin talaga hanggang ngayon." Natatawang sabi ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin.

***

"OMG! AGATHA!"

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay silang tatlo na ang nagsitakbuhan para lapitan ako at salubungin ng yakap. Nagtititili si Elisse at Dahlia ngayong nakikita na akong kaharap nila, habang si Naomi ay parang hindi makapaniwalang nakikita ako dahil nanlalaki lang ang mga mata niya.

"We missed you, Agatha! Grabe, no joke!" Sabi ni Dahlia at muli akong niyakap.

"Pa-hug nga rin ulit!" Saad naman ni Elisse at sumama sa yakap.

"Ako rin. Teka, nagugulat lang talaga ako. Pero, Agatha, totoo ba itong nakikita ka namin? Nandito ka na pala, ba't hindi mo man lang sinabi para roon sa airport ka namin sinalubong?! Saang airline ka ba nun?" Natawa naman ako sa sinabi ni Naomi.

For 5 years, ngayon ko na lang ulit sila nakita at ganoon din sila sa akin. Oo, nag-uusap-usap pa rin sa through messaging at minsan ay video call, pero itong pagkikita talaga ay ngayon na lang nangyari ulit. Ngayon na lang nangyari dahil kahit gaano nila hiniling na makita ako noon sa tuwing umuuwi ako rito sa Pinas kapag Pasko, ako ang umaayaw. At naiintindihan naman nila iyon at ako.

Walang nagbago sa friendship naming apat kahit nahiwalay ako sa kanila for how many years. At kahit ngayong may kanya-kanya nang work at pinagkakaabalahan na ang isa't isa, we still friends. Best friends!

"Congratulations pala, Agatha! You graduated pala ulit, second degree! Ayiee!"

"Congratulations, babe! I like your hairstyle, huh! You're so gorgeous pa rin! Mas lalo!"

"Thank you! Thank you, loves." Nakangiting sabi ko sa kanilang tatlo. "Pati rin kayo! Mas gumanda lalo! I missed you, three!" At muli kaming nagyakapan na apat.

Una naming naisipang gawin ay tumambay sa Starbucks para kumain at doon magkwentuhan. Elise keeps on taking photos of me, na para bang artista ako rito! Tawa lang ako nang tawa at nagpapa-cute sa camera. Habang si Dahlia naman ay naka-cling lang sa arm ko, na siyang ugali niya noon pa man. Si Naomi naman, siya ang pinakamadaldal ngayon, tanong nang tanong sa akin, hindi na ako tinitigilan!

"Guys, it's my treat na. Don't pay, ako na ang bahala." Sabi ko sa kanila nang babayaran na sana nila ang order nila.

Nagpumilit pa silang tatlo na sila na ang magbabayad dahil gusto rin nila akong ilibre ngayon ngayong sila rito ang nagtatrabaho. Eh, ang kaso, mas makulit ako at hindi ko hahayaan iyon!

Bago pa ako magbayad, nagdagdag pa ako ng makakain namin dahil sa tingin ko ay matatagalan kami sa pagtambay dito sa Starbucks dahil sa mahaba-habang kwentuhan. Pagkaupo namin sa pwesto namin, mukha pa rin silang hindi makapaniwala na nakikita ako ngayon. Well, ako rin naman. Hindi ako makapaniwalang nakasama ko na ulit sila ngayon!

Nagsimula kaming magkwentuhan habang hinihintay ang order namin. Gusto ko rin sanang isingit 'yong pagtatanong naman tungkol sa kani-kanilang buhay pero hindi ko magawa dahil ako ang tinatadtad nila ng mga tanong. Na-miss nga nila ako nang sobra.

Nagsimula sa pagtatanong kung kumusta ang buhay ko roon sa San Francisco, sinabi kong masaya naman kahit isang napakalaking adjustment ang mabuhay doon. And about my studies, alam naman ng tatlo na dalawang degree na ang natapos ko dahil ina-update ko naman sila about my life kahit madalang lang. At kung may isang tanong hinihingian nila ng updates about me, ayun ay si Daddy. Siya ang madalas na kausap ng tatlong ito about how I was. Lalo na si Naomi!

"You're a MBA holder na rin pala, babe. Grabe! Ang galing mo naman! We are so happy and proud of you!" Masayang sabi ni Dahlia sa akin.

"Who told you?" Tanong ko sa kanya dahil wala pang nakakaalam about that except my family.

"Si Tito Gabriel! He even sent us photos of you noong graduation mo weeks ago."

Just like what I said, si Daddy ang madalas nilang makausap about me. Natawa ako sa isipan ko.

"Ang shala naman nung two degrees! Flight attendant na nga, MBA pa!" Wika naman ni Naomi at pumalakpak.

"Oo nga! Hindi ko akalain! Kinaya mo iyon, Agatha? Nakaka-proud!" Mangiyak-ngiyak namang sabi ni Elisse at inasar siya ni Naomi dahil doon.

Patawa-tawa lang ako sa mga kalokohan nila, lalo na nang ikwento ni Naomi na may nagkakagustong pilot kay Elisse. Oo nga pala, flight attendants na rin silang tatlo. Pero kumpara sa akin, talagang ganap na FAs na sila dahil pina-practice na nila. They are working at an airline, at magkakasama silang tatlo. 'Yung noong pinangarap lang naming apat, kami na magkakasama sa isang airline.

Palihim ko naman silang tinititigan isa-isa. I admit it, na-miss kong makita ito at makasama talaga sila. The last time na nangyari ito, hindi ko na matandaan. Dahil kung babalikan ko ang mga nangyari years ago, isa lang ang para bang naka-highlight para ayun lang ang masabi at maalala.

Nang dumating ang orders namin, hindi pa natigil ang kwentuhan habang kumakain kami. Mabuti at ako naman ang nakapagtanong sa kanila about their lives, at nalaman ko na may jowa na pala si Naomi. Sa gulat ko ay nahampas ko siya sa braso.

"May jowa ka na? OMG!" Tuwang-tuwa sabi ko at tinawanan niya ang reaction ko.

"Girl, matagal na! Sinabi ko nga sa GC natin! Malay ko ba kung nabasa mo."

Natawa na lang ako dahil hindi ko alam kung kailan niya sinabi iyon o nabasa ko ba. Hindi naman kasi ako active pa sa social media accounts ko. Ang totoo nga niyan, nag-detox ako sa paggamit ng social media. Ngayon na lang ako naging active ulit nang matapos ang graduation ko for my second degree.

So, may jowa na nga si Naomi. Habang si Dahlia ay sila pa rin ni Q. Niloko ko naman siya na baka mamaya-maya ay mag-propose na bigla si Q sa kanya, dahil ang tagal na rin pala talaga nilang dalawa! Habang si Elisse, single siya ngayon pero nalaman kong may nagkakagusto sa kanyang pilot. Woah, ang exciting naman ng kwento ng mga kaibigan ko.

"Ikaw, Agatha? May boyfriend ka na ba roon sa San Francisco? Ayiee!"

Tinawanan ko ang sunod na tanong ni Naomi at umiling. "Wala. Walang time." Tanging sagot ko sa kanila at hindi naman na sila nagpumilit pang malaman o pilitin ako.

Sunod naman nilang pinagdiskitahan ang buhok ko. Inggit na inggit si Dahlia dahil gustong-gusto na niya ring magpakulay nang ganito sa akin pero bawal. Bawal dahil hindi pwede sa airline na pinagtatrabahuan nila. Talagang bawal, bawal ang ganitong hair color for flight attendants dito sa Philippine airlines. That's one of their rules.

"Saka na lang, kapag pregnant ka na lang. Magle-leave ka nun, so you can have this kind of hairstyle for how many months, Dahlia." I winked at her and we laughed together.

Itong hair color ko naman, hindi permanent. Pagkatapos ng ilang buwan, babalik din ito sa natural hair color ko. At least, I tried this hairstyle! It's my dream hairstyle kaya.

"Ang cute ninyo, loves!" Sabi ko nang isa-isang ipinapakita ni Elisse ang pictures nilang tatlo sa lahat ng bansa na napupuntahan nila nang magkakasama.

Nang matapos, ako naman ang sunod na nagpakita ng pictures. Hindi pictures ko, kundi pictures ng mga pamangkin ko na siyang kasama ko roon sa California. Ate Gabriela's babies—Isha at Gianna! At mas cute na cute sila sa ipinapakita ko ngayon.

"Ang dami mo na palang pamangkin, Agatha! At mayroon na ring sari-sariling baby si Kuya Gus at Kuya Sandro."

"Yup! At may baby number 2 na ngayon si Kuya Gus! Kakaalam ko lang din noong kauuwi ko rito." Masayang anunsyo ko sa kanila at aliw na aliw sila. "Naomi, you're next na, ha?" Biro ko sa huli at napalo ako ni Naomi dahil doon.

"Kumusta pala si Ate Gab doon? Friends kami sa Facebook pero nahihiya akong kausapin siya, e."

Lumingon ako kay Dahlia nang tanungin niya iyon sa akin. "They are okay naman. Siya, si Kuya Haze at ang kanilang babies. They are now living with full happiness and contentment." Sagot ko sa kanya at ngumiti.

"That's good to hear, babe."

Wala silang alam na tatlo about what happened with Ate Gab's relationship with Kuya Haze. Hindi ko na rin nagawang sabihin pa ang tungkol doon. Pero hindi naman na importante iyon dahil maayos na ngayon. As what I said, Kuya Haze and Ate Gab are now living with full happiness and contentment. Hindi lang sa part ni Kuya Haze nagkaroon ng lesson, kundi pati kay Ate Gab. They became better, sila at ang relationship nila—ang pamilya nila.

Two hours ang lumipas, nandito pa rin kaming nakaupo at nagkukwentuhan. Napunta na ang topic tungkol sa internship na siyang purpose pag-uwi ko rito sa Pinas. Nagtatanong-tanong lang sila kung ano ang gagawin ko, sinasagot ko naman sila ng sagot na siyang alam ko.

"Next week pa ako mag-start. Medyo nae-excite nga ako, maybe because magagawa kong makapasok doon sa company namin at magkakaroon ako ng knowledge about how is it going?" Natatawang kwento ko pa sa kanila.

Nai-imagine ko 'yong magagawa kong pakinggan si Kuya Gavin na nandoon sa conference room, nagsasalita. Dahil balita ko, sobrang galing niyang CEO at kabilang ang company namin sa top engineering companies. Of course! Like, hello, that's my Kuya!

"Oh, that's exciting! Hindi ka naman magiging busy masyado, right? Makikita ka pa naman namin, 'no? Habang nandito ka, ha?"

"Of course! We'll spend more time together, babes!" Masiglang sabi ko at naghawakan kami ng mga kamay.

"Ano ito, spirit of the glass?" Pagbibiro naman ni Naomi na ikinatawa naming apat.

Nang makauwi ako sa bahay, nadatnan ko nang nandito si Kuya Sandro sa bahay. Kumakain na siya kasama si Ate Seline at Daddy ng dinner, inaaya pa nila ako pero umupo lang ako rito para kwentuhan sila about sa naging lakad ko with my friends. Nakangiti lang sila habang tuwang-tuwa akong nagkukwento.

"Gumala ka lang with them, little sis. Na-miss ka talaga ng mga iyon. Lalo na ni Naomi, 'di ba, Daddy? Siya ang madalas mong makausap habang wala rito si Agatha?"

Pagkatapos sabihin iyon ni Kuya Sandro, lumingon ako kay Daddy. Tumango si Daddy habang nakangiti at mas lumawak ang aking ngiti.

Mukha naman talagang mapapadalas ang gala ko kasama sila, I suppose. O baka hindi, dahil busy kaya ang tatlong iyon! Bilang flight attendants, mas busy sila kaysa akin na may tinatapos pa ring internship! But what important now is madalas ko na silang makakausap. Kaya kung may rason man kung bakit ako mag-o-open ng social media accounts ko ay dahil sa tatlong kaibigan kong iyon.

May na-gain din naman akong new friends sa San Francisco, some set of friends doon sa university na pinasukan ko. Pero aamin akong hindi ako masyadong na-attach, hindi tulad ng nararamdaman ko kay Dahlia, Elisse at Naomi na kahit matagal kaming hindi nagkikita-kita at nagkakasama, 'yong comfort ko ay nararamdaman ko pa rin sa kanila.

Lalo na kung ibabalik ko 'yong panahong hindi nila ako hinusgahan despite of the mistake I did. Nakinig lang silang tatlo sa akin habang umiiyak ako. Pag-iyak lang pala 'yong narinig nila sa akin, pero alam ko namang alam na nila ang buong kwento dahil si Naomi na ang nagsabi. At kung paanong nalaman din nina Daddy ang buong kwento, si Naomi na rin ang nagsabi sa kanila.

Sino pa ba ang nakakaalam ng lahat ng pinaggagagawa ko noon kundi siya lang, siya lang ang pinagsasabihan ko nun. At siya rin ang unang nakakaalam ng rason kung bakit ko nagawa iyon..

Naging tipid ang ngiti ko nang may sunod na lumutang sa isipan ko pero kaagad ko ring natanggal ito nang marinig ko ang iyak ni Addison. Tumayo ako para lapitan siya na buhat ng kanyang nanny, hanggang sa ako na ang bumuhat sa kanya at maglaro kaming dalawa.

Nine o'clock in the evening, gising pa rin ako. Ito, nakahiga na sa bed pero tuwang-tuwang ka-chat sina Naomi. Parang hindi kami nagkita kanina, hindi ba sila nagsawa man lang na makausap ako? Halos nasabi ko na nga lahat kanina ang bawat naging ganap ng buhay ko! Lol.

"Agatha, can I post our pictures sa Facebook and Instagram pala?" Tanong ni Elisse sa akin.

Saglit pa akong napaisip, pero um-oo lang din ako. Okay lang naman sa akin. Wala namang masama kung i-post niya ang pictures namin. Though, hindi na nga ako masyadong active.

"Yehey! Thanks!"

"Pwede? Ako rin, Agatha. Ipo-post ko."

"Me too! Gusto kong ipagsigawan na nagbalik ang Baby Agatha namin at nakita ulit namin siya."

Natawa na lamang ako sa sinagot naman ni Naomi at Dahlia. Napatitig ako sa huling message, mukhang by now ay pinaghahandaan na nga nila ang ipo-post nilang pictures namin kanina na magkakasama.

Bigla naman akong na-curious, hindi sa photos na ipo-post nila kundi kumusta kaya ang ganap sa timeline ng FB and IG ko? Sa sobrang tagal ko nang hindi binubuksan ang mga ito, ngayon lang ako na-curious. Kung kailan nandito pa ako sa Pilipinas. Wala lang, naisip ko lang kung ano-ano kaya ang mga makikita at malalaman ko kung sakaling mag-open ako ngayon?

Tss, huwag na pala. May alam akong ganap ng isang friend ko about sa life niya. Hindi lang sa social media pwedeng malaman, kundi sa TV pa nga and other business websites!

Napatigil ako sa pag-iisip nang sabihin ni Dahlia na posted na ang pictures namin sa social media accounts nila. Sinabi naman ni Naomi na maraming nangungumusta sa akin sa comment section, some schoolmates sa university na pinasukan namin dati.

"Agatha, hindi ikaw ang nag-post pero kapag titingnan no ang comments, parang ikaw ang may-ari ng account ko. Ang dami ring nakaka-miss sa iyo, oh!" Sabi pa ni Naomi at nagbigay lang ako ng "haha" reaction.

Akala ko, Naomi was just kidding not until nang i-sent ni Dahlia ang screenshots ng comment section ng post nilang tatlo. At oo nga, ang daming nagtatanong about me.

"Ni-tag pa talaga ninyo ako, eh hindi rin naman na ako nagbubukas ng accounts ko." Sabi ko sa kanilang tatlo at ni-send ito.

"Bakit? Pwede naman ah. Hahaha!"

Ilang minutes pa, nagpaalam na akong matutulog na dahil bukas, maaga pa pala kami dahil sa plano naming magpunta sa cemetery to visit Mommy and other relatives there. Inilagay ko na ang phone ko sa bedside table nang ilang saglit naman ay naisipan ko ulit kunin. At nang hindi ako makatiis, in-install ko ang Facebook.

"Just one, Agatha. I'm just gonna say hi, and then goodbye." Bulong ko sa sarili ko habang hinihintay matapos ang installation.

Nang mag-install na, kaagad kong pinindot ito para i-open ang account ko. At nang tuluyan ko nang mabuksan, ang kaagad na bumungad sa akin ay ang post ni Dahlia. Just 5 minutes ago. Actually, magkakasunod-sunod pa ang post nilang tatlo.

Dahlia: "Finally! After 5 years! 😭"

Naomi: "Flex ko lang pala ang friend naming Hollywood actress na. Kaya n'yo 'yon?"

Elisse: "Wala akong masabi kundi OMG! 🥺"

Ayan ang mga captions nila at patawa-tawa lang akong binabasa ito. At isa-isa ko namang tiningnan ang pictures. Halos magkakapareho lahat. Papaanong maiiba, eh kami-kami lang din naman ang magkakasama? Pero nakakainis dahil may candid and stolen pictures ako na sinama nila sa posts nila. But it's okay lang naman.

Nailaan ko ang halos 30 minutes ko sa pagbabasa ng comments sa kanya-kanya nilang posts. Tama nga sila, marami talagang nangungumusta sa akin. Schoolmates, kilala ko ang iba at ang iba ay hindi. Nakikita ko rin ang comments ng parents ng friends ko, at dito ako mas natuwa.

Napaisip ako, ka-kumusta-kumusta ba talaga ko? It seems like na-miss din ako ng iba? Ang iniisip ko kasi, noong umalis ako sa university ko dati, wala namang may pakialam except kay Dahlia, Naomi at Elisse.

Hindi ko na inabala pang reply-an isa-isa ang mga nagtatanong about me at mga reaction nila sa pagkikita naming magkakaibigan.

I was about to logged out nang mapatigil ako dahil sa aksidente kong na-refresh ang feed ko. At kung ano ang nakikita ko ngayon, natawa ako sa pagtatanong kung bakit ito ang nakikita ko ngayon?

"Salvador Builder's CEO Damon Salvador is rumored to have proposed to Jennifer Tan in what was a very short-lived romance."

Kumunot ang noo ko sa nababasa ko ngayon hanggang sa matawa ako. Dahil ang kaagad na pumasok sa isipan ko ngayon, ibang babae na naman ang na-link sa pangalan niya. Oh, gosh. Ang dami niya yatang girlfriends. Magkakaibang mga pangalan ng babae ang naitatabi sa pangalan niya kada articles eh. Sino ba talaga?

Kung paanong napunta rito sa feed ko, ayun ay dahil maraming schoolmates ko ang nag-share nun. Like proud pa silang schoolmate nila ang nasa article ngayon, for the nth time I guess?

Nang hindi ako makatiis, pinindot ko ang article para buksan at basahin. Wala lang, I just want to entertain myself. Lol.

Patawa-tawa at ngisi lang ako habang binabasa ang article about Mr. Damon Salvador. Wala namang bago, bukod sa company niya, ang palaging nata-topic ay 'yong rumored engagement niya with some girls. At kung ilan ang mga ito ay hindi ko alam, at ayaw ko nang alamin pa.

Wow, grabe. Mukhang marami. Mabuti at hindi siya nalilito kung sino ang kasama niya sa bawat araw niya. Mukhang hindi yata siya busy sa company niya't napakarami niyang time to date girls.

Pagka-scroll ko pababa, bumungad sa akin ang photos niya. Some photos of him wearing his corporate attire as the CEO of his company. Tinitigan ko ito hanggang sa isipin ko kung alin ang nagbago sa hitsura niya. Maraming nagbago at ang isa rito ay mas tumanda siyang tingnan! Oh, mukha siyang stressed. Stressed sa dami ng babae niya.

Bigla naman akong nanibago sa hairstyle niya. Kung noon na regular haircut for men, ngayon naman ay layered scissor cut. Gusto ko sanang laitin na mukhang wala siyang time magpa-haircut pero bahagya akong nainis sa sarili ko nang maisip kong bagay niya ang haircut na ito. Nang magsawa ako, tinigilan ko na.

At bago pa ako mag-leave sa website kung nasaan ang article, nakita ko ang tanong sa ibaba na nagtatanong kung relevant ba ang article o hindi. At dahil honest ako, sumagot ako.

"Not relevant." I responded.

——

Sunod-sunod na this! 😸

Continue Reading

You'll Also Like

70.5K 1.6K 45
Dare: 10 nights with a stranger. Will you fall in love or not? Iyan ang nai-post ni Heizel, matapos siyang masaktan ni Denver. Isang lalaki ang sumag...
20K 5.4K 45
[ C O M P L E T E D ] (Published in Ukiyoto Publishing) Paano kapag mahal mo pa rin pero hindi ka na maalala? Paano kung siya ay may iba na, samantal...
290K 15.7K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
135K 4.2K 96
•Not edited so expect Typo and Grammatical errors ahead• Ang bawat tao ay mga kaniya-kaniyang kwento. Malungkot. Masaya. At masasabi kong minsan ang...