Frida ( COMPLETE )

ShatteredBlues által

6.6K 209 3

Dahil sa pangungulila ni Frida Marseille sa kanyang yumaong asawang si Monsur ay nagpakalayo layo sya para ka... Több

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
CHAPTER 6
Chapter 7
Chapter 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
Chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19:
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 34
CHAPTER 35: END

CHAPTER 33

179 7 0
ShatteredBlues által

Unti unting nagmulat ng mata si Frida. At ganun nalang ang gulat nya nang makita ang mga nakasimangot nyang kaibigang sina Cecile at Joey sa kanyang harapan.

"N-nasaan ako?" Takang tanong ni Frida.

"Sa tingin mo ?!" Mapaklang tanong ni Cecile.

Lumingon lingon muna si Frida sa paligid. Sa kanyang tagiliran ay naroon ang puting kurtina. Ang mga wall at pinto sa paligid ay napipinturahan ng puti habang sa likod ng mga kaibigan nya ay may mga nagdaraang paruot paritong nurse at doctor. Saka lang naintindihan ni Frida kung anong klaseng lugar iyon.

"Sh*t" bulong ni Frida.

"Friend, sabihin mong hindi totoo ang sinabi sa amin ng doctor kanina." Akusa ni Cecile

Kanina ay ibinalita na nang doktor kina Cecile na buntis si Frida kaya ito nawalan ng malay. Hindi na makakapagsinungaling si Frida ngayon. Mismong doctor na ang nagsabi ng kanyang lihim.

"A-ang alin?" Umiwas nang tingin si Frida. Pinilit nya paring magmaang maangan.

"P*nyeta ka, wag ka ngang magmaang-maangan dyan. Alam kong alam mo ang ibig naming sabihin" Inis na saad ni Cecile.

Humugot muna nang malalim na hininga si Frida saka ibinaon ang kanyang mukha sa kanyang palad. Nahihiya syang aminin sa kanyang mga kaibigan ang tungkol sa kanyang nililihim.

Just two weeks ago ay nalaman nya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Noong una ay natakot pa sya sa magiging reaksyon nang lahat ng tao. Pero she realized na bago pa man nya iyon sabihin sa iba, ay kay Wilson dapat mauna.

Ngunit dahil narito na't nalaman narin nina Cecile at Joey ang tungkol rito ay hindi na nya ito pwedeng ilihim pa.

"Hoy Frida, ano na? Sabihin mo naman sa amin, si Josh ba ang ama? O si Hanz?" Nagbago ang tono ng boses ni Joey. Nagaalala sya sa lagay ng kanyang kaibigan "Friend magsalita ka...b-baka sakaling matulungan ka namin."

"Mangako muna kayong, hindi nyo ako pap*tayin...." Kunwa ay nagaalangang tanong ni Frida. Konti nalang ay matatawa na talaga sya sa mga hitsura ng mga ito.

"Gag* ka talaga!" Inis na hin*mpas ni Cecile ang braso si Frida.

"Oi, easy ka lang Cile, baka mapano yung baby." Pagaalala pa ni Joey.

"Naku naku...antayin mong malaman ito nina tita Amy at Tito Henry, tiyak sila ang pap*tay sayo." Napahalukipkip nalang si Cecile sa sobrang inis kay Frida....Paano kasing hindi man lang ito nagingat at gumamit ng proteksyon?

"So, sino na nga ang ama nang baby mo?" Curious na tanong muli ni Joey. Di na sya makapagantay sa sagot ni Frida.

"S-si Wilson..." Kinakabahang saad ni Frida.

"Si Wilson? As in si Wilson?! Aayiiieh!!!" Kinikilig na hinampas hampas pa ni Joey si Cecile. Habang gulat naman ang huli at di malaman ang magiging reaksyon.

Napangiti lang si Frida. Alam nyang ganito ang magiging reaksyon ng mga kaibigan nya kapag sinabi nya iyon.

At dahil nagkabukingan na nga ay napilitang i kwento ni Frida ang mga nangyari sa kanila ni Wilson.

Kinikilig ang mga l*karet nyang kaibigan at hindi mapigilan ang tuwa. Instant ninang na kasi sina Joey at Cecile.

"Alam na ba ito nila tita Amy?" Ani Joey

"Malamang hindi pa. Dahil kung alam na nila, ay siguradong pinaglalamayan na natin ngayon si Frida" Naparolyo pa ang mata ni Cecile. Naiinis parin sya sa paglilihim ni Frida ng tungkol sa kanila ni Wilson.

"P*cha ka talaga Frida. Papatayin ka ni tita Amy...hindi lang ikaw, damay din kami nyan." Napakagat labi si Joey nang maalalang tinawagan nya ang mama ni Frida upang ibalita na dinala nila si Frida sa hospital.

"Oh, shoot. Baka papunta na sila dito. Paano nalang pag nakausap ni tita yung doctor."

Sabay sabay na naglakihan ang mga mata nang tatlo nang maalala ang pagdating ng ina ni Frida.

Mabilis na napatayo si Frida sa kanyang kama.

"Oh, teka..saan ka pupunta?" Ani Joey.

"Okay na ako. I process mo na ang discharge ko. Dali!" Utos ni Frida kay Joey.

"O-oo. Sige" Natatarantang saad ni Joey.

"Okay, aabangan ko sila sa labas. Magready ka na... ayusin mo na sarili mo." Suwestyon naman ni Cecile kay Frida.

At tulad nang dating gawi, pinagtakpan nanaman nila ang isat isa. Ganito sila simula noong bata pa sila. At ganito parin sila hanggang ngayon.

Kaya naman nang dumating ang ina at ama ni Frida ay saktong papalabas na sila nang hospital. Mabuti nalang at pinayagan agad si Frida nang doctor na ma discharged dahil wala namang problema sa kanya. Binilinan nalang sya niyon na magpahinga sa bahay.

Nakaligtas pansamantala ang tatlong l*karet na magkakaibigan mula sa ina ni Frida.

For now, pagiisipan muna ni Frida kung paano nya sasabihin ito sa kanyang mga magulang. Ngunit hindi nya magagawang sabihin ito nang sya lang magisa. Kinakailangang malaman muna ito ni Wilson....

"Hindi ka makakauwi sa Saturday?" May bahid nang kalungkutan sa boses ni Frida nang malaman ang balita mula kay Wilson.

"Oo hon, marami pa kasi akong aayusin dito sa office. I need to finish this para mas matagal tayong magkasama once I get back there." Saad ni Wilson sa kabilang linya ng telepono.

Nalungkot si Frida. Ilang linggo pa naman syang excited nang ipakita kay Wilson ang ultrasound ng kanilang baby. Nasasabik na syang ibalita rito na buntis sya. Ngunit mukhang hindi matutuloy ang kanyang plano dahil hindi makakarating si Wilson sa araw na pinangako nito.

"Okay, kelan ka uuwi?" She asked in full of anticipation.

"Ahmm, hindi ko pa sigurado hon. Tambak pa kasi ang trabaho ko sa ngayon. But dont worry, once everything is fine, I'll go home as fast as I can and I will make up to you. Okay?" Malambing na saad ni Wilson.

"Okay..." May himig na pagtatampo ni Frida. Iyon lang at pinatay na ni Frida ang kanyang cellphone.

"Sorry kung hindi agad makakauwi si daddy Wilson, ha?" Bulong ni Frida habang hinihimas ang kanyang tiyan habang nakahiga sya sa kama "May mga tinatapos lang sya ngayon. But Im sure, matutuwa iyong makilala ka. Excited ka na bang makilala si daddy ?" Dagdag pa ni Frida.

Nakaramdam ng lungkot si Frida matapos makausap si Wilson. Ilang buwan narin silang hindi nagkikita niyon. Sobra sobra na nyang nami- miss ito.

At para hindi makaramdam ng pagkalungkot si Frida ay nilabas nya ang isang bible story book for kids na nabili nya noong nakaraang araw.

Tuwing gabi, bago sya matulog ay binabasahan nya ang kanyang baby sa sinapupunan niyon. In that way, nakakalimutan nya rin ang pangungulila nya kay Wilson.

Nang mga sumunod na araw ay ginawang abala ni Frida ang kanyang sarili sa kanyang bakeshop. Nagpa practice din sya ng cake decorating at nage experiment ng iba't ibang donuts recipes. Wala syang klase sa araw na iyon nang Biyernes kaya naman mahaba ang oras nya para mag practice.

"Maam, may nag order po sa atin ng special donuts kaninang umaga. Bayad na po ito. Ang kaso po, malayo po pala ang drop off location. At nagbilin po ang buyer na kayo po ang mismong mag deliver nito sa Taguig."

"Sa Taguig?! Susko naman Jane, bakit nyo naman tinanggap yang order. Alam nyo namang napaka layo niyan. At bakit ako pa daw?"

"Ang nakaindicate po kasi sa order ni Ms. Macey ay sa Mandaluyong lang po. Pero last two minutes nagpabago po sya ng location. Ang kaso po, gusto nya kayo mismo ang magdeliver nito kasi may proposal din daw sya naio offer sa inyo."

"Oh, yun naman pala eh. Sya ang may proposal...sya ang may kailangan pero bakit ako pa ang kailangan magdeliver nito. Di ba dapat sya ang mag pickup nitong order nya?!" Di makapaniwalang saad ni Frida.

Nagkibit balikat lang si Jane. Di nya rin alam ang sagot sa tanong ng kanyang amo.

"Haaay...sige na nga. Akina ang details nya." Inabot ni Frida ang isang kapirasong papel pati narin ang receipt ng order.

Nagpaalam sya na baka hindi na makabalik dahil gabi narin kaya hinabilin nya sa kanyang ina ang pagsasara ng store.

Dala ang mga donuts ay hinatid iyon ni Frida sa isang magarang hotel sa Taguig. Nagulat pa si Frida sa napaka engrandeng estraktura ng hotel. First time nya lang makakapasok roon.

Marami na syang napuntahang hotel sa Pilipinas pero first time nya lang makapasok sa hotel na tulad ng Grand Hyatt.

Tiningnan nya ang kanyang sarili sandali. Tanging Jeans at Tshirt blouse lang na uniform nila ang kanyang suot. Nakaramdam tuloy ng hiya si Frida sa kanyang sarili.

"Hi, My I know where can I find The Peak?" Tanong ni Frida sa guard ng hotel.

Itinuro niyon kay Frida ang elevator patungo sa The Peak. Malaki at magarbo ang hotel niyon at halos lahat ng makakasabay at makakasalubong nya ay naka formal attire and gowns. Hindi tuloy sya makatingin sa mga taong nakakasabay nya sa elevator.

Pagkarating nya sa pinaka last na floor ng building ay bumungad sa kanya ang napaka garbong kasangkapan at disenyo ng The Peak. Isa iyong restaurant sa tuktok ng hotel.

"E-excuse me. Im looking for Ms. Macey Verra Cruz?" Tanong ni Frida sa isang crew ng restaurant.

Iginaya si Frida niyon sa isang dulo ng restaurant kung saan open balcony at may nagiisang lamesa na naroon. Mayroon iyong magarang disenyo ng pagkakaayos ng ibat ibang palamuti ng ilaw at roses.

"Paakyat na po si Ms. Macey. Maupo muna po kayo maam." Nakangiting saad ng crew.

"No, Im okay. Hintayin ko nalang sya rito." Tanggi ni Frida.

Tumango lang ang crew at iniwan si Frida sa balcony ng restaurant.

Habang si Frida nama'y inikot ang paningin sa buong City. Manghang mangha sya sa taas ng building. Natatanaw nya ang buong Taguig habang sumasaboy sa kanya ang malakas at malamig na hangin. Sa pagkakaalam ni Frida ay ito ang isa sa pinakamataas na building sa buong Pilipinas.

Malayo man ang kanyang pinanggalingan ay sulit narin sa experience na makita ang ganito kagandang tanawin sa gabi. Samu't saring ilaw at building ang kanyang nakikita sa ibaba.

Lumapit pa sa Frida sa salamin na nagsisilbing harang ng balcony. Upang mas makita pa ang iba pang tanawin sa baba.

Ngunit sa di inaasahan ay may isang pamilyar na mukha syang nakikita mula sa repleksyon ng salamin sa kanyang harapan. May kalabuan man iyon ay naaaninag nya parin ang hitsura ng papalapit na lalake.

Mabilis na nagunahan ang kaba sa dibdib ni Frida. Totoo ba ang kanyang nakikita? Natatakot syang lumingon...baka nagkakamali lang sya.

"Sorry Im late." Saad ng baritonong boses ng lalake sa kanyang likuran.

Mas lalong bumilis ang kaba sa dibdib ni Frida. Nanunuyo narin ang laway sa kanyang lalamunan. Tama ba ang hinala nya?

Mabilis na lumingon si Frida para makasiguro na hindi sya nagkakamali.

"Wilson?" Bulong ni Frida.

"I thought, hindi ka na darating." Nakangiting saad nito. Napakagwapo nito sa suot na semi formal na polo and coat.

Mabilis na niyakap ni Frida si Wilson.... Oh my, kung alam lang ni Wilson kung gaano sya na miss ni Frida.

"B-bakit ka narito? I thought may business ka pang inaasikaso sa Singapore?" Takang tanong ni Frida.

"Magagawa ko bang ma miss ito? Remember I made a promise na darating ako ngayon. D*mn kung alam mo lang , everyday is like a hell for me. Sobra sobra kitang nami-miss" hinaplos ni Wilson ang pisngi ni Frida pati na ang paligid ng labi nito. He miss her face.... He miss her lips... He miss everything about Frida.

"Wait, may imi-meet up lang akong client. Okay lang bang maghintay ka sandali?" Nakangiting saad ni Frida.

"Does she goes by the name, Macey Verra Cruz?" Tanong ni Wilson.

Napanganga si Frida.

"So you set this up?!" Di makapaniwalang tanong ni Frida.

"Yup." Kaswal na saad ni Wilson.

"Sira*lo ka talaga." hin*mpas ni Frida si Wilson sa braso nito "Pinapunta mo pa ako ng ganito kalayo tas pagti tripan mo lang ako?! Wow...di ka parin nagbabago Wilson Del Thierro..."

Hinawakan ni Wilson ang dalawang kamay ni Frida. Kung saan isa iyong senyales upang ipatugtog ang isang malakas na music mula sa speaker ng restaurant. Ikinagulat din iyon ng mga taong naroon.

"Because I'd like to surprise you." Ani Wilson saka lumuhod ito sa harap ni Frida.

Nanlaki ang mga mata ni Frida nang makita na unti unting nitong nilalabas mula sa coat ang isang maliit na box. Parang sas*bog ang puso ni Frida sa oras na iyon.

"I've been wanting to do this eversince." Kinakabahang saad ni Wilson. " I want our marriage to be valid and be your husband for real. Frida, will you marry me? " Unti unting binuksan ni Wilson ang laman ng box at mula roon ay niluwa ang isang singsing na may malaking dyamante.

Napatakip ng bibig si Frida. Di sya makapaniwala sa kanyang nasasaksihan. Halo halo ang excitement nya nang oras na iyon. Naiiyak na sya sa sobrang galak na bumabalot sa kanyang puso.

"Yes! Yes!" Sunod sunod na tango din ni Frida. Di narin nya mapigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

Nanginginig na isinuot ni Wilson ang singsing sa daliri ni Frida at sa sobrang galak nya ay mabilis nyang yinakap ang kanyang nobya.

Ang tagpong iyon ay naging hudyat para sa isang napakagandang tanawin sa gabing iyon.

Isang malakas na pagputok ang kanilang narinig mula sa kabilang building. Kasabay niyon ay ang nagki kislapang mga liwanag na animoy mga bituin na nagkalat sa kalangitan.

"Woah!" Sabay na nagpalakpakan ang mga tao nang makita ang mga makukulay na fireworks sa langit.Nagsaboy iyon ng ibat ibang kulay at hugis na lalong nagpamangha sa lahat.

Kasabay ng musika na tinutugtog mula sa restaurant ay tila sumasabay sa saliw ang mga fireworks na iyon. At nang dumating na nga ang chorus nang kantang "Love Me Like You Do" ay sunod sunod ang pagputok ng ibat ibang laki nang hugis puso sa langit.

Nagpalakpakan ang lahat ng naroon at ang iba pa'y di mapigilan ang mag video sa sobrang pagkamangha sa kanilang nasasaksihan.

Lahat ng tao na naroon ay nakatutok ang atensyon sa kalangitan na bihira lang mangyari. Dahil roon ay nagdulot rin iyon ng paghaba ng traffic sa kahabaan ng Edsa. Pati kasi ang mga tao sa kani kanilang sasakyan ay di maiwasang tumunghay sa kalangitan.

"You made this?" Di makapaniwalang saad ni Frida.

"Yes." Malapad na ngiting saad ni Wilson. "Did you like it?"

"Of course, I love it!" Niyakap muli ni Frida si Wilson saka di napigilang h*likan ang gwapong nobyo.

Di maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Frida nang oras na iyon.

Ito na ang isa sa pinakamasayang nangyari sa buong buhay nya.....

Olvasás folytatása

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2M 79.5K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
122K 4.3K 17
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
1.8M 37.4K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.