When Suplado Boy Meets Palaba...

By iamhopelessromantic

687K 12.3K 1K

Si James Nathaniel dela Vega, gwapo at mayaman. Pero suplado at masama ang ugali. Sanay siya na kinatatakutan... More

Prologue
Chapter 1 - The New Comer
Chapter 2 - Diana Sophia Eliza Torres Alcantara
Chapter 3 - Suplado plus Palaban Equals ?
Chapter 4 - Apologize to him? NOOOOO WAY
Chapter 5 - I Have No Choice
The Great James
Chapter 6 - She's Not Gone
Chapter 7 - The Confrontation
Chapter 8 - Lost and Found
Chapter 9 - The Set-up
Chapter 10 - The Accident
Chapter 11 - Nathaniel (Part I)
Chapter 11 - Nathaniel (Part II)
Chapter 11 - Nathaniel (Part III)
Chapter 12 - Puno
Chapter 13 - The Suplado Returns
Chapter 14 - The Hard Reality
Chapter 15 - I'm Stupid
Chapter 16 - Their First Night Together
Chapter 17 - Angel
Chapter 18 - It's Confirm
Chapter 19 - Rooftop
Resolving the Issues
Chapter 20 - Drama Club
Chapter 21 - Relax
Chapter 22 - Nananadya
Chapter 23 - For the First Time
Chapter 24 - Boyfriend
Chapter 25 - His Female Version
The Reason Why
Chapter 26 - Lunchbox
Chapter 27 - Clinic
Chapter 28 - His Personal Nurse
Chapter 29 - Slave and Not Nurse
Chapter 30 - What's Wrong With Her
Chapter 31 - Palaban Girl is Back
Chapter 32 - 1,2,3,4 Pass
Chapter 33 - She's Mad at Me
Chapter 34 - Cold
Chapter 35 - Secret Admirer DAW
Chapter 36 - Enchanted Kingdom
Chapter 37 - Napakatanga
Chapter 38 - You're my Business
Chapter 40 - Tangs
Chapter 41 - Sumpong
Chapter 42 - Heartbeat
Chapter 43 - Yakap
Chapter 44 - To See You
Chapter 45 - Nalaglag
Chapter 46 - Cheer
Chapter 47 - Picture
Chapter 48 - Curious
Chapter 49 - Tears
Chapter 50 - Mall
Bastard
Chapter 51 - Future Sister In Law
Chapter 52 - Dinner
Chapter 53 - Goodbye
Chapter 54 - Hurt
Chapter 55 - What
Chapter 56 - Who's Jealous
Chapter 57 - Saleslady
Chapter 58 - Baliw Talaga
Chapter 59 - Walang Takas
Chapter 60 - Smile
Chapter 61 - Placard
Chapter 62 - Date
Chapter 63 - Picnic
Chapter 64 - Trust
Chapter 65 - Jason
Chapter 66 - Honesty May Not Be The Best Policy
Chapter 67 - Cake
Chapter 68 - Stalk
Chapter 69 - Locker Room
Chapter 70 - Guardian Angel
Chapter 71 - Ask
Chapter 72 - Sealed With a Kiss
Chapter 73 - Time Zone
Chapter 74 - Booth
Chapter 75 - King and Queen
Chapter 76 - Candles and Lies

Chapter 39 - Whether You Like it or You'll Like it

8.5K 137 6
By iamhopelessromantic

"Nagbibiro lang siya sa sinabi niya Diana. Huwag mong isipin yun. Wala lang magawa yun sa buhay niya at ikaw ang nakita niya para lokohin."

 

"At ako naman nasisiraan na ng bait dahil kinakausap ang sarili."

 

Bumuntunghininga ako. Lintik na buhay oh. Lintik talaga. Ang abnormal na yun. Bigla-bigla na lang niya sasabihin sa akin na girlfriend na niya ako. Huh. Ano siya sinuswerte?

Nasisiraan na talaga ng ulo ang lalaking iyon. Sira-ulo lang naman kasi ang gagawa ng ganun. And guess what. Matapos niyang sabihin sa akin na girlfriend na niya ako ay bigla na lang niya akong itinulak palabas ng kotse niya at pinaharurot yun.

"Baliw talaga. Baliw. baliw. baliw."

 

 

 

"Miss Yana. Andito na po tayo."

 

Napatingin ako sa driver ko na nasa pinto na ng kotse. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa school. Bumaba na ako.

"Sige po. Salamat."

 

 

Naglakad na ako papunta sa room namin. Pero napansin ko na panay ang tingin sa akin ng lahat ng mga estudyante na madaanan ko. Tinitingnan din naman ako nila dati pero iba talaga ngayon. Mukhang galit pa rin naman sila sa akin. Pero may nagbago talaga. Kasi dati kapag tinitingnan nila ako ay talagang ipinapakita nila na galit sila sa akin. Pero ngayon, kapag tinitingnan ko sila ay parang nag-iiwas sila ng tingin sa akin.

May kasalubong akong ilang estudyante. Ng malapit na kami sa isa't-isa ay bigla na lang silang tumigil sa paglalakad at binigyan ako ng daan. Napakunot na lang ang noo ko. Bakit parang bumait yata ng konti ang mga tao dito? Magugunaw na ba ang mundo?

Ng malapit na ako sa room namin ay sinalubong na agad ako nina Ina at Nica.

"Diana bakit naman ang tagal mo dumating?"

 

"Hindi pa naman ako late Ina ah? May problema ba?"

 

"Problema? Malaki. Ang sama mo."

 

Nagtatakang napatingin ako kay Nica.

"Bakit? Anong ginawa ko?"

 

"Tsss. Nagmamang-maangan ka pa diyan." Ina

 

"Eh ano nga kasi yun? Hindi ko kayo maintindihan eh."

 

"Bakit hindi mo sinabi sa amin na kayo na pala ni James?" -silang dalawa

 

"Ano?"

 

"Kung hindi pa namin narinig sa mga schoolamtes natin ay hindi namin malalaman. Isipin mo yun, alam na ng buong school tapos kami hindi pa." -Nica

"Oo nga. Kaibigan ka pa naman namin." - Ina

 

"Teka nga. Teka nga. Ano iyong sinasabi mong alam na ng buong school?"

 

"Na kayo ng dalawa ni James."

 

"ANOOOOOOOOOOO??????????"

 

Hindi ko na talaga napigilang mapasigaw. Iniisip ng lahat na boyfriend ko ang ungas na yun. LAHAT!!!!!!

"O.A sa gulat Diana ha. Ano bang ineexpect mo? Si James kaya yang boyfriend mo, natural malalaman ng lahat yun."

 

"Eto. Pakilagay ng bag ko sa mesa ko."

 

"Saan ka pupunta?"

"May kakausapin lang ako." sabi ko tapos tinalikuran ko na sila.

 

"Malapit na ang start ng klase..." - sigaw ni Ina

"Alam ko!!!!" sagot ko sa kanya

"Sabagay si James ang boyfriend mo kaya okay lang na hindi ka pumasok."

 

Sasagutin ko pa sana siya para sabihin sa kanya na mali ang narinig nila pero nakapasok na sila sa room namin.

Tsssk. Ang ungas na yun? Boyfriend ko? Urrrrrrggghhhhhhh. Kinikilabutan ako ah.

 

Pumunta ako sa palasyo ng prinsipe. Saan pa di sa recreation room. Kailangan kausapin ko siya. Hindi na maganda itong biro niya ah. Hindi na siya nakakatuwa. Well, hindi naman talaga ako natuwa sa kanya kahit kailan.

Dinadamay talaga niya ang buong school sa kalokohan niya.

Kumatok  na ako. Pero walang sumasagot. Pinihit ko ang door knob. Bukas. Pumasok ako sa loob. Kaya naman pala walang sumasagot. Walang tao.

 

Napabuntunghininga na lang ako. Minsan hindi rin talaga ako nag-iisip. Medyo maaga pa kaya malamang mamaya pa darating yun. Or baka hindi na talaga darating yun. Pumapasok lang naman kasi yun kung kelan niya gusto.

"Aisssshhh. Nakakainis talaga ang lalaking yun. Kung kailan kailangan saka hindi mahanap. Tapos kung hindi naman bigla na lang susulpot. Makabalik na nga lang sa room namin."

 

Nang makabalik na ako sa room namin ay nagsisimula ng mag lecture ang teacher namin. Lagot ako. Masungit pa naman si Mrs. Beceira. Ang math teacher namin. Dahan-dahan akong pumasok.

"Ms. Alcantara."

 

Napapikit na lang ako. Tapos dahan-dahang humarap kay Mrs. Beceira.

"You're late! Take your seat."

 

Nganga ako sa sobrang gulat. Hindi pa man ako nakakapagsalita para mag sorry ay pinapaupo na niya ako. Tinuloy na niya ang paglelecture na parang walang nangyari. Hinawakan yata si maam ng isang libong anghel at bigla na lang bumait.

"Ganyan talaga kapag girlfriend ka ng isang James dela Vega. Kahit ang pinakahorror na teacher bumabait." bulong ni Chloe

"Hindi niya ako girlfriend?" bulong ko din sa kanya.

"Ano? Hindi kita masyadong marinig. Lakasan mo nang konti."

 

"Kapag mas nilakasan ko maririnig na tayo ni maam."

 

"Tsssk. Hindi yan. Bingi naman yan eh."

 

"At sinong bingi Ms. Lopez?"

 

Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Sino pa eh di si Maam Beceira. Lagot. Mukhang galit siya.

"Ms. Lopez solve the equation on the board." sabi niya kay Chloe sabay abot ng chalk.

Napakamot na lang siya ng ulo sabay  tanggap ng chalk. Nakasimangot na pumunta na siya sa harap ng blackboard. Yumuko naman ako at pinipigilang matawa sa nangyari. Nakatayo pa rin kasi si maam sa tabi ko at hindi pa umaalis.

Buti na lang alam ni Chloe kung paano islove iyong equation. Pinaupo na siya agad ni maam pero I swear, kitang-kita ko na sinusundan ng matutulis niyang tingin si Chloe hanggang sa makaupo na ito. Ako naman, pinadaan lang niya ng tingin niya. Mga one second siguro. Tinuloy na ni maan ang lecture, si Chloe naman ayun, nakadikit na sa board at kay maam ang mga mata. Nadala agad.

Nang mag lunch break na ay nilapitan na agad ako ng mga kaibigan ko. Hindi pa nga ako nakakatayo ay nasa harapan ko na sila.

"Explain everything." - si Chloe. Nakaget-over na yata sa nangyari kanina.

 

Napatingin na lang ako sa kanila isa-isa. Mukhang sobrang excited ng tatlong girls, pero sina Mark at Michael mukhang wala namang pakialam sa nangyayari.

"Pano nangyari ang lahat? Sige na sabihin mo na." - Ina

"Walang nangyari. And for the record hindi ko siya boyfriend and vice versa. Kaya tigilan niyo na ako sa kakatanong niyo."

 

"Weeehhhhhhhhhh"

 

Napataas ang kilay ko sinagot nila. Ano yun? Hindi sila naniniwala sa akin?

"Huwag ka nang mahiya Diana. Mga kaibigan mo kami kaya okay lang sa amin. Kaya hindi mo kailangan maglihim sa'min."

 

"Ano ba yang sinasabi mo diyan Nica? Hindi talaga kami ng lalaking yun."

 

Nagpalingu-lingo silang tatlo. Tapos hinila na nila ako patayo.

"Ang mabuti pa kumain na tayo. Oh wait. May usapan ba kayo ni James na maglulunch kayong dalawa?"

 

"Wala---"

 

Hindi pa man ako natatapos magsalita ay sumagot na agad si Ina.

"Kung ganun tayo na sa cafeteria."

 

"Sandali nga lang" Sabi ko sabay hablot ng braso ko. Nafrufrustate na talaga ako sa mga kaibigan kong to. Bakit ayaw nila maniwala sa akin? They're my friends, they're supposed to know me better than anyone else. Dapat hindi sila naniwala sa narinig nila. Pero kabaliktaran ang ginawa nila. Naniwala sila sa tsismis na yun tapos ako ayaw nila paniwalaan.

"Makinig nga muna kayo sa akin. Hindi ako girlfriend na ungas na yun okay... Hindi kammmmmmmmm" Tinakpan ni bigla ni Nica ang bibig ko kaya hindi ko na natapos ang gusto ko sabihin.

"Ssssssssshhhh. Ano ka ba Diana. Baka may makarinig sa'yo makarating pa kay James yan. Sige ka magtatampo yun kapag nalaman niyang itinatanggi mo siya." -Chloe

"We know how you feel for him. Kaya huwag kang mag-aalala. We understand you."

 

Napapikit na lang ako. Ano bang problema nitong mga kaibigan ko. Ano bang pinagsasabi nila? They know how I feel? For him? Alam naman pala na hindi ko gusto ang lalaking yun eh. Then why the hell are they believing those stupid rumors and not me?

Inalis na ni Nica kamay niya sa bibig ko.

"I didn't expect it to be this fast but I know this is gonna happen." Pagmamalaki ni Ina.

"Me too." sabi naman ng dalawa.

Nagapalipat-lipat na lang ako ng tingin sa kanilang tatlo. Are they talking about the rumors? Fast though they expected it. They what????? Are they saying that they're anticipating na magiging kami ng ungas na yun? Mga baliw ba sila? At bakit naman nila iniisip yun. To think na alam nila na ayaw ko sa lalaking iyon. Hinding-hindi ako magakakagusto sa kanya. And they knew about it. Just like they said. THEY KNOW HOW I FEEL FOR HIM.

"Girls. Will you listen to---"

 

"Matagal pa ba kayo diyan? Nagugutom na kami ni Michael."

 

Napatingin kami sa dalawang boys. Nasa unahan namin sila naghihintay. Mukhang naiinip na.

Nagmadali nang lumapit sa kanila ang tatlo. Nasundan ko na lang sila ng tingin.

Pwedeng umiyak??? Gusto ko talagang maiyak sa nangyayari. Bakit ayaw nila maniwala sa akin?

 

After a few moments ay sumunod na rin ako sa kanila sa cafeteria. Hinanap ko kung nasaang table sila. Tingin sa kanan. Wala. Tingin naman sa kaliwa. Wala rin. Tingin ulit sa kanan. Hindi sila ang nakita ko kung hindi lumilipad na itlog.

Wala siyang pakpak. LOL. Pero papunta sa direksyon ko ang itlog. Hindi. Sa akin talaga iyon papunta. Tatamaan ako. Sa mismong mukha. Wala ng oras para umiwas. Itinaas ko ang braso para harangin ang itlog.

Kasabay ng pagtama sa akin ng itlog ay ang pagtingin sa akin ng lahat. ANAK NG... Hilaw pa siya. Sino namang sira-ulo ang magbabato ng itlog na hilaw? Kahit na hard boiled pa siya hindi pa rin tama na mambato ka ng pagkain.

"Nice reflects huh."

 

Napatingin ako sa nagsalita. Si Caroline. May hawak siyang itlog sa kamay niya. Tapos sa likuran naman niya ay may mga lalaking may hawak ng tig-iisang tray ng itlog.

What the... Anong binabalak niya? Bakit ang dami niyang itlog? Hindi pa naman easter ah. LOL.

Binigyan ng mga lalaking kasama ni Caroline ang mga nasa cafeteria ng tig-isang itlog. Nagdalawang isip pa ang iba pero tinanggap na rin nila. Tapos lumapit siya sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ginantihan ko naman siya ng tingin. Hindi niya ako matatakot no.

"Ibang klase din talaga ang lakas ng loob mo no? At talagang ipinagkakalat mo sa buong school na girlfriend ka ni James."

"Ano bang sinasabi mo?"

 

"Tsssk. Everyone. Your attention please.... Ang babaeng ito sa harap natin is spreading a rumor. After niyang insultuhin at maliitin si James sa harap nating lahat ngayon naman ay ipinagkakalat niya sa lahat na girlfriend siya nito. How disgusting."

 

"Hindi yan totoo. Hindi ako nagkakalat ng tsismis na yon."

 

"You really do admit na tsismis lang yun? Hindi ka talaga girlfriend ni James?"

 

"I'm not his girlfriend--"

 

"See??? Like I told you. Sinungaling ang babaeng ito. A low profile gold digger. At ang dapat na ginagawa sa mga taong katulad niya ay ganito..."

 

Bigla niyang ibinato sa akin ang itlog na dala-dala niya. Sapul ako sa mukha. Tapos sunod-sunod nang ibinato ng iba ang mga itlog nila sa akin. Iniharang ko ang kamay ko sa mukha ko. Dinig na dinig ko ang malakas na tawa ni Caroline.

"Diana.!!!"

 

"Diana!!!"

 

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag sa akin. Ang mga kaibigan ko. Sinusubukan nilang lumapit sa akin pero pinipigilan sila ng ibang mga estudyante. Panay pa rin ang bato ng iba sa akin ng itlog. Tapos naramdaman ko na lang na hindi na itlog ang ibinabato nila sa akin. Kung anu-ano na lang. Pagkain, junk foods, papel, lahat yata ng mahagip nila.

Napaluhod na ako sa kinatatayuan ko. Pero ayaw pa rin nila ako tigilan. Gusto ko na umiyak, pero alam ko kapag ginawa ko yun lalo lang nila akong hindi titigilan. Kaya ko pa naman tiisin ang sakit. Hindi naman siguro unlimited iyong ibinabato nila sa akin di ba? Mauubos at mauubos din yun. Tsaka mapapagod din sila. Hindi naman siguro ako mamatay sa ganito.

Nakayuko lang ako habang patuloy silang lahat sa pagbato sa akin. Tawag na naman ng tawag sa akin ang mga kaibigan ko kaya tumingala ako. Kaso hindi sila ang nakita ko kung hindi isang bola. Bola ng basketball ang mabilis na umiikot papunta sa akin. Pumikit na lang ulit ako. Hinihintay ko na lang ang pagtama ng bola sa ulo ko.

 

 

Pero nakailang segundo na ay wala pa ring bola na tumatama sa akin. Tumahimik na rin ang buong paligid. Wala nang sumisigaw at wala na ring tumatawa. Kaya iminulat ko ang mga mata ko. May tao sa na nakatayo sa harapan ko. Tumingala ako para makita kung sino siya.

"Are you out of your mind?? Bakit hindi ka umiwas?"

 

Kahit hindi ko pa tingnan alam ko na siya yan. Siya lang naman ang kilala ko na ganyan kasakit magsalita.

James' POV

Panay ang hum ko habang nag mamaneho. 12 noon na pero papunta pa lang ako ng school. Matapos kung magpark ng kotse ay tiningnan ko muna sarili ko sa salamin. Gwapo.

Inayo-ayos ko pa ng konti ang buhok ko. Kaya lang may napansin ako. Bakit ganito? Bakit hindi maalis itong ngiti sa mukha ko. Sumimangot ka James. Ayun. Kaya lang nang hindi ko na iniisip na sumimangot ako ay bumalik na naman iyong ngiti ko.

SHIT. Nababaliw na talaga ako. Hindi ko naman iniisip na ngumiti pero ito at nangingiti ako. Haaayyy. Kasalanan to nang babaeng yun. And speaking of her, malamang nasa cafeteria yun ngayon. Mapuntahan nga.

Kalalabas ko pa lang ng kotse ko ay nag-ring na ang phone ko. Si Dominic. Malamang itatanong lang nito kung papasok ako o hindi.

"Papunta na ako." sabi ko.

"Bilisan mo James."

 

"Bakit ba? Maaga pa naman." past twelve maaga. LOL.

"Si Diana."

 

"Anong nangyari sa kanya?"

 

"Nagkakagulo sa cafeteria-----"

 

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Ibinaba ko na agad ang phone ko at tumakbo papunta sa cafeteria. Ano naman ba ang ginawa niya? May nabangga na naman ba siya. May natapunan ng pagkain? O baka may pinagtanggol na naman siya?

Naman. Bakit palagi na lang siyang napapasok sa gulo?

Nang makarating ako sa cafeteria ay nagulat ako sa nakita ko. Nakaluhod siya habang nakapalibot sa kanya ang ibang estudyante at binabato siya ng kung anu-ano. At hinahayaan lang niya ang mga ito.

"Damn it."

 

Marahas kong inalis sa daraan ko iyong mga nakaharang na estudyante. Nagulat sila ng makita ako. Tinitigan ko sila ng masama. Papalapit na ako sa kanya ng marinig ko na panay ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya.

"SHIT"

May bola na papalapit sa kanya. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya. At sakto. Sa akin tumama ang bola. Natahimik ang lahat ng makita ako. Dapat lang.

Dahan-dahan siyang tumingala sa akin. She's a mess.

"Are you out of your mind?? Bakit hindi ka umiwas?" Galit na tanong ko sa kanya. Kasi naman eh, what the hell is she thinking? Bakit hindi man lang siya lumaban?

Inalalayan ko siya patayo. And to my surprise bigla na lang siyang yumakap sa akin. Ibinaon niya ang mukha niya dibdib ko. Tapos ay umiyak siya. Napabuntunghininga na lang ako. Yumakap na rin ako sa kanya.

Kahit na hindi ko maintindihan ang amoy niya. Kahit na napakalapot niya. Kahit na napakadumi niya. At kahit na nakakadiri siya ngayon. I wouldn't care. I would still want to hug her.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglapit ni Caroline.

"What are you doing James? Why are you helping her?"

 

"So you did this?"

 

"Yes. She's a liar you know. Ipinagkakalat niya sa lahat na girlfriend mo siya. I just taught her a lesson."

 

Kumalas siya sa pagkakayap sa akin. Pinahid niya ang luha niya at tumingin kay Caroline.

"Hindi yan totoo."

 

"Huh. And who would believe you???"

 

"I do."

Nanlaki ang mga mata ni Caroline na napatingin sa akin.

"I believe you." I told her.

"Nasisiraan ka na ba James?"

 

Hindi ko na lang pinansin ang sinasabi ni Caroline. Iniharap ko ulit sa akin si Diana. Pinahid ko ang luha niya. Tumutulo na naman kasi iyon. I really hate it when she cries.

"Stop crying will you." She just nodded.

"James anong nangyari?"

 

"Tsssk. Ikaw nga ang nagsabi sa'kin na nagkakagulo dito sa canteen tapos ako tatanungin mo?" sabi ko kay Dominic na kadarating lang kasama ang iba.

"Ang alam ko kasi nagkagulo dito eh."

 

"Ano ba kasi ang ginagawa niyo? Nandito lang kayo sa school pero ngayon lang kayo dumating dito. Mga wala talaga kayong silbi."

 

"Tsssk. Pasensiya na ha. Hindi kami nakatulong sa pagtatanggol ng prinsesa mo."

 

"Tsssk."

 

Diana are you alright?" tanong ni Annika.

Tumango lang din siya.

"Annika bring Diana with you. May tatapusin lang ako dito."

 

"Okay."

 

"At kayong lahat. Walang aalis. Dominic, Albert. Tandaan niyo ang pagmumukha ng lahat ng andito. Walang dapat makaligtas kahit na isa."

 

"Aiieee. Aiiieee Captain." sabi nilang dalawa sabay kuha ng cellphone nila. Tapos kinunan ng picture ang mga nandoon.

"Okay everyone say cheese." -Albert.

"Ms. beautiful huwag ka nang magtago diyan. We have CCTV cameras here kaya balewala din yan." -Dominic. May kasama pang pagpapacute.

"Makinig kayong lahat sa'kin. Ayoko na mauulit pa ang nangyari kanina. Sa oras na kantihin niyo kahit na dulo ng buhok niya ay pagbabayarin kayo."

 

"You'll what? You'll expel us? Nakalimutan mo na ba? Because of that girl ay hindi ka na pwedeng magpaexpel nang basta-basta."

 

Tinitigan ko ng masama si Caroline. Kailan pa naging ganito kalakas ang loob niya para kalabanin ako? I grab her arm.

"Who said I'm gonna expel you? Papahirapan ko lang kayo. Hanggang sa kayo mismo ay gugustuhin niyo nang umalis dito. Isn't that better? Ha Caroline? SO WHETHER YOU LIKE IT OR YOU'LL LIKE IT. She's my girlfriend. Kaya kung ako sa'yo manahimik ka na lang. Dahil kung hindi.... You know exactly what I'm capable of doing. Naiintindihan mo ba?"

 

Hindi siya sumagot. Nakipagsukatan lang siya ng tingin sa akin.

"DO I MAKE MYSELF CLEAR???"

 

"Y-es."

 

"Good."

 

 

"Anyway. Gusto ko lahat ng nandito ngayon dapat nandito rin bukas. Same time. Huwag niyo nang subukang tumakas. Kung ayaw niyong maging impyerno ang buhay niyo dito sa school huwag kayong magkakamaling hindi pumunta."

 

"Lalo ka na Caroline."

Continue Reading

You'll Also Like

17.5K 595 28
Paano kung ang isang panaginip ay naging totoo? Kagaya nalang ni Regina na nagkaroon ng isang pambihirang panaginip at hindi niya inaasahang mangyay...
259K 17.6K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
50.2K 2K 66
[Marry Me Book 2] Many years passed and a lot of things changed, except for her broken heart. She is still hoping that he will return to her arms one...
5K 551 19
[COMPLETE] Ang kwento ni Ci-L at Jenna. Mahilig kaba sa BASKETBALL? O isa ka rin sa humahanga sa BASKETBALL PLAYER? Ang kwentong ito ay pareho sa dal...