I'M INTO YOU SEASON 1

By bluereinventhusiast

6.4K 2.1K 1.2K

They say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels l... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Author's Note

Chapter 49

26 5 1
By bluereinventhusiast

11:11 PM

"Ang resulta ng DNA Test ay 99.9 percent. It's positive!" nakangiting anunsyo ni Kuya Xennus sa aming lahat.

It's the whole truth, he's my long-lost brother.

Adrixennon Martius Victoria.

The middle.

"My second child." nakangiting sabi ni Daddy habang nakatingin kay Kuya Adrixennon na payapang natutulog sa kama.

"Thank God! It's positive, anak nga natin siya mahal." nakangiting sabi ni Mommy kay Daddy at niyakap niya ito ng mahigpit.

Niyakap namin sina Mommy at Daddy.

Naputol ang kasiyahan naming lahat nang magising na siya.

Si Kuya Adrixennon.

"Nasaan ako?!" natatakot na sabi ni Kuya Adrixennon.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay nito kaya naman lumapit ako sakaniya at hinawakan ang kamay niya.

Pinisil-pisil ko iyon at maya-maya naman ay kumalma na siya.

"Nasa ospital ka anak." nakangiting sagot ni Mommy kay Kuya Adrixennon.

"Anak?! Kailangan niyo pa ako naging anak?" naguguluhang tanong nito sa amin.

Ibinigay ni Kuya Adrixennus ang DNA Test na nagpapakita doon na kadugo namin siya.

Nakita ko kung paano mangilid ang luha niya habang tinitingnan ang dokumento na nagpapatunay na isa siyang Victoria.

"Totoo ba ito?!" tila lumambot ang puso nito nang mabasa ang dokumento.

"Oo Kuya Adrixennon, isa kang Victoria." nakangiting sabi ko sakaniya.

Ang galit at sakit sa mga mata niya ay unti-unting napalitan ng pagmamahal at kalinga.

Siguro nga, kailangan niya lang talaga makasama ang mga taong makakabuo sa pagkatao niya.

At kami yon.

Ang tunay niyang pamilya.

Niyakap namin siya at unti-unti ay yumakap siya pabalik.

"Paano po si Tatay Ernesto? Matagal na din kaming hindi nagkita, gusto kong humingi ng patawad sakaniya at madalaw man lang siya." nagaalalang tanong ni Kuya Adrixennon.

"Hahanapin namin siya anak para sayo. Wag kang magalala." nakangiting sabi ni Daddy kay Kuya Adrixennon.

"No need Daddy. Si Manong Ernesto, ang personal driver natin. Siya ang tumayong magulang ni Kuya Adrixennon." nakangiting sagot ko kay Daddy.

"Talaga? Kayo ang amo ni Tatay? Lagi niya kayong naiikwento sa akin noon." masiglang sabi ni Kuya Adrixennon sa amin.

"Naikwento sa akin ni Manong Ernesto kung ano ang love story nila ni Manang Anastacia at kung paano ka napunta sa kanila." nakangiting sagot ko kay Adrixennon.

"Anak, payakap nga ako sayo. Matagal akong nangulila at nagluksa sayo pero hindi ko inakalang nasa harapan na kita ngayon." niyakap ni Mommy si Kuya Adrixennon.

Niyakap din pabalik ni Kuya Adrixennon si Mommy.

Iba talaga ang pagmamahal, walang papantay o tutumbas sa kahit anong materyal na bagay sa mundo.

"Ayos ka lang ba anak? May masakit ba sayo, sabihin mo lang. Ipapa-assist ka namin sa mga nurses dito." kalmadong sabi ni Daddy kay Kuya Adrixennon.

"Okay lang po ako Sir, wag niyo po akong alalahanin." nahihiyang sagot ni Kuya Adrixennon.

"Call me Daddy anak. You are my second child, you deserve to have my surname." nakangiting sabi ni Daddy kay Kuya Adrixennon.

"Okay po Daddy. Maraming salamat po." nakangiting sagot ni Kuya Adrixennon.

Ang gandang pagmasdan ang mga pangyayari.

Ang pangingibabaw ng pagmamahal sa galit at sakit.

Ang pagpapatawad.

Ang pagtanggap ng buong-buo.

Iyon ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya.

"Gusto mo na bang umuwi sa tunay na tahanan mo?" nakangiting tanong ni Mommy kay Kuya Adrixennon.

"Hayaan mo lang munang maubos yung gamot sa dextrose mo, makakauwi ka din anak." kalmadong sabi ni Daddy kay Kuya Adrixennon.

"Gusto mo bang kumain Kuya? Bibili na lang kami sa convenience store." malumanay kong tanong sakaniya.

Tumango lang siya sa akin at sumenyas ako kay Czheandrei na samahan niya ako sa labas.

"Teka! Sino iyong isang lalaki? Part din ba siya ng family?" naguguluhang tanong ni Kuya Adrixennon sa akin.

Natawa na lamang ako sa tanong ni Kuya Adrixennon.

"Hindi Kuya, schoolmate ko lang siya." nakangiting sagot ko sakaniya.

Lumabas na kami ni Czheandrei sa kwarto.

Naglakad kami papalabas sa ospital.

"Masaya ako para sayo, na-meet mo na ang long-lost brother mo." nakangiting sabi niya sa akin.

"Sayo nga dapat ako magpasalamat, kung hindi mo ginawa yun? Malamang patay na ako ngayon at hindi namin malalaman kung ano ang totoo." nakangiting sagot ko sakaniya.

"Inimbestigahan ko na siya simula pa lang noong sa phone call. Gumamit ako ng kaunting connection ng pamilya ko para ma-pull out ang totoo sainyo. Chineck ko lang din kanina ang medical records ng kapatid mo noong umuwi ako sa bahay. Nalaman ko ang lahat." kalmadong kwento niya sa akin.

"Anong ginawa mo sa mga dokumento pagkatapos?" mausisang tanong ko sakaniya.

"Balak kong dalhin ang mga dokumento at ipakita sainyo para makumpirma ko ang lahat kaso ang sabi ng personal driver niyo ay umalis kayo. Pumunta daw ang family mo sa warehouse. Hiningi ko sakaniya ang address ng warehouse. Binigay naman niya iyon kaagad sa akin. Nagtungo na ako sa warehouse. Saktong-sakto lang pala ang dating ko. Buti na lang, hindi ka niya napatay. Umabot ako." kalmadong kwento niya sa akin.

"Malapit na tayo sa convenience store, may ipapabili ka ba?" malumanay kong tanong sakaniya.

"Tingnan na lang natin sa loob kung may magugustuhan akong bilhin." kalmadong sagot niya sa akin.

Tumawid lang kami sa kalsada pagkatapos ay nandito na kami sa convenience store.

Pumasok na kami sa loob at kumuha agad ako ng oatmeal pagkatapos sandwich.

Maganda rin ang mga nuts sakaniya.

Bumili din ako nitong malaking bottled water.

"Oh kamusta, may napili ka ba? Magbabayad na sana ako sa counter." malumanay na tanong ko sakaniya.

Dala niya ang dalawang pint ice cream. Isang rocky road at double dutch.

Ang sarap!

Nagbayad na ako sa counter at namataan ko ang Jollibee.

"Bumili na din kaya tayo para sa family ko? Baka nagugutom na din sila, malapit lang naman ang Jollibee. Ilang lakad lang." malumanay kong sabi sakaniya.

"Sige, anong oras na din kasi noong nagpunta tayo ng ospital diba?" pagsang-ayon niya sa akin.

Lumakad kami papuntang Jollibee at nag-order lang kami ng mga meals para sa bawat isa.

Inintay na lang namin na maprepare ang mga orders pagkatapos ay kinuha naman agad namin sa counter.

Bumalik na kami sa ospital dala ang mga pinamili namin.

"Sa wakas, makakakain na ulit ako. Nagugutom na ako." kumuha ng meal si Kuya sa dala naming Jollibee.

Inuna ko munang pagsilbihan si Kuya Adrixennon.

He deserves everything after all what happened.

He deserves to be loved.

To be taken care of.

He deserves to be happy and complete.

"Oh Kuya, eto muna ang ilaman mo sa tiyan mo. May binili din naman kaming meal sa Jollibee for you. Light lang muna ang pwede mong kainin sa ngayon, bawi ka na lang mamaya." nakangiting sabi ko kay Kuya Adrixennon.

"Salamat." sabay tanggap ng mga pagkain na binili ko para sakaniya.

Kumain na kaming lahat at itinapon ang mga basura.

"Mga anak, matulog na kayo. Maaga pa kayo bukas diba?" malumanay na sabi sa amin ni Mommy.

"Uuwi na po ako Tita, gabi na po." nakangiting paalam ni Czheandrei sa amin.

"Dito ka na magpalipas ng gabi iho, kakausapin na lang namin ang mga magulang mo. Mahirap na, gabi na." nakangiting sabi ni Mommy kay Czheandrei.

"Maraming salamat po Tita!" nakangiting pasasalamat ni Czheandrei kay Mommy.

"O siya siya, matulog na muna kayo. Bukas ay uuwi na tayo." nakangiting sabi ni Daddy.

Nagsitulugan na kaming lahat at umaga na.

7:45 AM

Panibagong araw, bagong simula.

Nakangiti kong pinagmasdan ang mga taong nasa paligid ko.

Si Mommy.

Si Daddy.

Si Kuya Adrixennus.

Si Kuya Adrixennon.

Si Czheandrei.

Binuksan ko ang phone ko at nagcheck ng mga messages mula sa Messenger ko.

Bumungad ang mga messages sa akin ng SSG Officers.

S S G O F F I C E R S

SSG Vice President: Gising everyone! We need to prepare for our debate.

SSG Secretary: Get up! Productive week tayo ngayon! Bangon na diyan, magbreakfast muna kayo!

SSG P.O: Eto na nga, babangon na nga ako.

SSG Auditor: Antok na antok pa ako!

SSG P.I.O: Bangon na diyan dre! @Edward Jaye Dapadap

SSG Treasurer: Good morning everyone! Let's take this light! We are on our Day 4!

SSG Vice President: Malapit nang matapos ang first year natin ngayong Senior High School.

SSG Treasurer: Mamimiss ko kayo sa pagpapatupad ng mga activities sa school. Like super.

SSG P.I.O: Oo, iba na din kasi ang bonding natin ngayon no?

SSG P.O: Magkapamilya na ang turingan. Mga kapatid ko.

SSG Auditor: Ang sweet niyo naman! Pakiss nga mga dre!

SSG P.I.O: Tumigil ka nga @Edward Jaye Dapadap

SSG P.O: Saan mo ba gusto kumiss? @Edward Jaye Dapadap

SSG President: Thank you everyone! Ang bilis ng panahon, Day 4 na natin kaagad. One week na lang.

SSG President: Finals na after this week.

SSG Vice President: Grabe ka ha @Adrixenna Marie Victoria

SSG Secretary: Pinagaagawan ng mga naggwa-gwapuhang lalaki.

SSG President: Tigilan niyo nga ako @Gladys Sabeeyah Mendoza @Zemirah Claire Evangelista

SSG P.O: Magiistart na tayo ha? Mag-signal kayo sa akin.

Tinapik-tapik ko ang balikat ni Czheandrei upang umattend siya ng activities.

Nagche-check kami ng mga attendance sa lahat ng participants.

Ang bibilis nilang magsi-pasok today.

Nag-umpisa na kami sa mga kaniya-kaniyang introduction today.

Umabot kami ng dalawang oras sa Google Meet para sa debate.

Now, we are done with our fourth day!

"Mga anak, good morning! We can finally go home." nakangiting sabi ni Mommy sa amin.

Excited na ako.

Nagpatawag kami ng nurse upang i-assist kami.

Tinanggal na ni Nurse ang mga dextrose na nakalagay kay Kuya Adrixennon.

Nagbayad lang kami ng bill at umuwi na kami sa bahay.

Nagpaalam na din si Czheandrei sa amin para makauwi na siya sa kanila.

Nakauwi na kami sa bahay at nakita ko si Manong Ernesto.

Pinakita namin sakaniya ang DNA Test.

Bakas ang gulat sa mga mata niya pero masayang-masaya siya.

"Tatay patawarin mo ako, mahal na mahal kita." yakap ni Kuya Adrixennon kay Manong Ernesto.

"Kahit hindi ka man nanggaling sa akin, mahal na mahal kita anak." yakap pabalik ni Manong Ernesto kay Adrixennon.

Nagkaroon kami ng kaunting salo-salo sa bahay.

Isa ito sa mga pinakamasasayang araw ng buhay ko.

Hinding-hindi ko malilimutan ito.

Ilang araw ang nakalipas . . . . . . .

5:00 AM

Naalimpungatan ako nang may malakas akong boses na naririnig.

Si Mommy.

Ginigising niya pala ako.

Ito na ang huling araw ng mga school activities ngayong linggo.

Magkakaroon na kami ng finals.

Matatapos na ang first year ko as Senior High School student.

"Bangon na anak! Magbreakfast ka na doon, ito na ang huling school activity this week diba?" nakangiting paalala sa akin ni Mommy.

Nag-ayos na ako ng sarili ko at bumaba sa kusina.

Nakita ko si Daddy, Kuya Adrixennus at Kuya Adrixennon na nagkwe-kwentuhan sa baba.

"Good morning!" sabay-sabay na bati nila sa akin.

Natawa na lang ako sa mga inasal nila.

Sabay-sabay na kaming nag-breakfast at ilang minuto na lang ay nagiistart na ang livestream ng ML Tournament.

8:30 AM

Nanood lamang ako sa livestream ng ML Tournament.

Inabot kami ng kalahating araw sa tindi ng mga laban na pinakita nila.

Ibinigay namin ang prizes ng mga nanalo.

Nagbigay din kami ng certification of appreciation virtually.

2:45 PM

Binuksan ko ang Messenger app para makita ang mga updates.

S S G O F F I C E R S

SSG Vice President: Good job everyone!

SSG Treasurer: Pasabowg ang shampoohan kanina sa ML ah!

SSG P.O: Oo nga! Ang galing mga players natin kanina.

SSG Secretary: Ibang klase ang mga teams! Dominating talaga!

SSG P.I.O: Kahit ako as a core, napapahanga ako sa mga skills na nilabas nila.

SSG Auditor: Agree! Ang galing ng mga teams. May mga future itong mga ito sa MLBB scene for sure!

SSG President: This is our last day, gusto kong magpasalamat sainyong lahat! Nakakaproud kayo! Sa isang linggo nating pagsasama, nakabuo tayo ng magandang samahan na babaunin natin sa pagtatapos natin ng first year.

SSG Vice President: No words can explain how I am thankful to you guys! The best kayo!

SSG Auditor: Mamimiss ko call time natin palagi guys! Goodluck sa finals! See you sa graduation!

SSG Secretary: Maraming salamat sa lahat! Kung may makakasama ulit ako sa journey kong ito. Hihilingin ko na kayo ulit ang makasama ko.

SSG P.O: Blessed ako na naging parte ako ng pamilyang ito. Thank you guys!

SSG Treasurer: Maraming salamat sa pagtanggap niyo sa akin dito! Mamimiss ko kayo.

SSG P.I.O: Maraming salamat sainyo guys! Sa susunod ulit? Bonding ha?

This is SSG Officers, signing off.

Lunar Crescent Senior High School.

Ilang linggo ang nakalipas . . . . .

8:30 AM

Ngayon na ang araw ng finals namin.

Ang bilis ng mga araw.

Parang kailan lang.

Matatapos na nga talaga ang Senior High.

Pumasok na ako sa school at nagpahatid ako kay Manong Ernesto.

Hinanda ko na ang mga kagamitan ko para sa mga gagamitin ko sa exam.

Nagbigay na ng examinations ang teachers namin.

"May ballpen ka pa ba?" kalmadong tanong ng kaklase ko.

Binigay ko na sakaniya ang isang extra ballpen ko.

Nagpatuloy ako magsagot ng examination.

Pinasa ko na ang papel ko pagkatapos ay lumipat na ako sa ibang classroom upang mag-exam ng ibang subjects.

Thanks to God! Nakapasa ako sa lahat iyon.

"Congratulations Adrixeinna! You are part of the honor students this school year!" nakangiting sabi sa akin ni Ma'am.

Nagpasalamat naman ako sakaniya agad.

Isinukbit ko na ang bag ko at nagpasundo kay Manong Ernesto.

5:00 PM

Ilang minuto lamang ay nakarating na ako sa bahay.

Nasa sala silang lahat at iaanounce ko na sakanila ang magandang balita.

"Oh anak, kamusta ang mga exams mo?" nakangiting tanong ni Mommy.

"Mommy, gra-graduate akong honor student." nakangiting sagot ko sakaniya.

"Honors lang?" tumingin sa akin si Kuya Adrixennon.

"Honors lang?! Anong pinagsasabi mo Kuya Xennon?" malakas na sigaw ko sakaniya.

"Huwag kang pa-special. Narinig na namin, honors ka. Ano ngayon?" seryosong sabi ni Kuya Xennon sa akin.

"Anong honors lang Kuya Xennon?! Yung honors na mayroon ako, ginawa ko yun para sainyo, hindi lang para sa sarili ko! Kahit mahirap, kinaya ko! Kahit napapagod na ako! Napapagod na akong mag-aral! Napapagod na akong gampanan ang mga rensponsibilidad sa paligid ko! Hindi lang ito honors Kuya Xennon! Buhay ko ang itinaya ko dito, ang buo kong pagkatao." naiiyak kong sabi sakaniya.

"Buong buhay ko, lahat ng mga bagay na ginagawa ko para sa ibang tao! Paano naman ako? Yung honors na araw-araw akong pisikal na pinapatay kaaaral! Yung honors na mayroon ako, yun ang buong pagkatao na inalay ko para masuklian ko lahat ng nagawa ng pamilyang to! Yung honors na inalis ang pagmamahal at emosyon sa paligid ko!  Yung honors na naging dahilan para mawala sa akin ang mga taong mahal at pinapahalagahan ko! Yun ba? Yun ba yung honors lang na sinasabi mo?" tinulak ko siya at napaupo ako sa sahig.

"Itong honors na mayroon ako, ito na nga lang yung chance para mapatunayan ko yung sarili ko. Na kaya ko. Kinakaya ko. Kakayanin ko." umiiyak na sabi ko sakanilang lahat.

"If you don't want to celebrate this achievement of mine, you can tell me straight. Not like this. It hurts." bigla akong niyakap ni Mommy at Daddy.

Biglang nagwalk-out si Kuya Xennus at pagbalik nito ay may kasama na itong cake.

"IT WAS A PRANK!" natatawang sabi ni Kuya Xennon sa akin.

"Nakakatawa yon?! Mga bwisit kayo!" lalo akong naiyak sa surpresa nila para sa akin.

Naggroup-hug kaming lahat.

"Congratulations to our princess, we are so proud of you!" ginugulo-gulo ni Kuya Xennon ang buhay ko.

"If I had a daughter again, I would pray to God that she will be you." nakangiting sabi sa akin ni Mommy.

"I know what you've gone through, you are better now my princess." nakangiting sabi sa akin ni Daddy.

"You made it again princess, we are so proud of you." hinalikan ni Kuya Xennus ang noo ko.

Lumabas kami at pumunta sa may garden.

Sabay-sabay kaming tumingin sa langit.

Just because it ended, it doesn't mean that it wasn't good.

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so i can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiastwp.

Continue Reading

You'll Also Like

136K 3.6K 54
One night changed everything between Francesca and Marco. Ang isang gabing hindi nila pareho sinasadya ay naging dahilan para matali sila sa isa't-is...
Study Buddies By ♡

Teen Fiction

8.2K 370 16
Nagkrus ang landas nilang dalawa nang pinag-partner sila para ilaban sa Science Quiz Bee. Una palang ay hindi na sila nagkasundo dahil panay sila asa...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...