Frida ( COMPLETE )

By ShatteredBlues

6.6K 209 3

Dahil sa pangungulila ni Frida Marseille sa kanyang yumaong asawang si Monsur ay nagpakalayo layo sya para ka... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
CHAPTER 6
Chapter 7
Chapter 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
Chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35: END

CHAPTER 19:

139 5 0
By ShatteredBlues


💋 FRIDA

Pinilit kumawala ni Frida sa mga yakap ni Wilson at akmang tatalikuran ang binata ngunit mabilis na nahablot nito ang braso ni Frida.

"Bakit hindi mo ako sagutin? Dahil guilty ka ba na gusto mo rin ako?" Nanunuyang saad ni Wilson.

"This should've never happened. Alam mo yan Wilson. I must be crazy na tumugon ako sa halik mo but that doesnt mean na gusto rin kita"

Humakbang palapit si Wilson kay Frida at hinawakan ito sa magkabilaang balikat saka huminga ng muna nang malalim

"Then sana sinabi mo na ayaw mo rin.Sana sinabi mong itigil ko na...You may not aware of it, pero alam ko, nararamdaman ko sa halik mo na gusto mo rin ako. Let's give this a try..bakit di natin subukan?" Ang mga mata ni Wilson ay nangungusap....nagmamakaawa.

"You are crazy, hindi pwedeng maging tayo." Mariing pagtanggi ni Frida.

"Ano ba kasing inaalala mo pa? Dahil stepmom kita sa mata ng ibang tao? I dont care! Kung gusto mo pwede tayong umalis, sumama ka sakin sa Singapore. We can start a new lif --"

"No, Wilson,...No! We both known better na hindi pwede. At isa pa, hindi rin kita mahal..." Mariing saad ni Frida saka umiwas nang tingin. Ayaw nyang bigyan ng pagasa si Wilson. Kung kinakailangang saktan nya ito gamit ang masasakit na salita ay gagawin nya, tantanan lang sya ng binata.

Kasalanan nya ito...kung di sana sya naging marupok kanina, kung hindi sana sya nagpa tangay, hindi sana aasa itong maaaring maging sila.

"Dahil ba ito kay Dad?" Biglang nagiba ang tono ng boses ni Wilson. "Malaya ka na sa kanya... F*ck that man was already burning in hell!" Reklamo ni Wilson.

"Wilson!" Sita ni Frida at kasunod niyon ay isang malakas na s*mpal ang dumapo sa pisngi ng binata.

"How could you?! Paanong nasasabi mo yan sa daddy mo?"

"D*mn! Kung alam mo lang ang lahat, sigurado akong kamumuhian mo din sya! Kalimutan mo na sya,Frida. Heto ako, oh...I am here, I am breathing and I am more capable of loving you.I will take care of you, Just give me a chance..." Ani Wilson na nasa tono ng pagmamakaawa.

Marahil sa sobrang kalasingan ay kung ano ano na ang sinasabi nito tungkol sa ama.

"Forget about the kiss, and forget about your 7 years of love. Because there's no single chance for us, Wilson." Malamig na saad ni Frida saka nagpumilit kumawala upang  talikuran ang kanyang stepson.

Isang malakas na sunt*k ang pinakawalan ni Wilson sa pader. Akala pa man nya ay mababago na nya ang puso ni Frida after he waited for 7 years, pero nagkamali pala sya...Hindi magagawa nitong tingnan sya na tulad nang sa kanyang ama....

Pagkatapos nang gabing iyon ay hindi na nagusap pa sina Wilson at Frida. Hindi narin sila nagsasabay kumain o kahit na magpansinan kapag nagkakasalubong sila.

Ngunit sa huli ay hindi na nakatiis pa si Frida. Hindi pwedeng hayaan nyang ganito ang kanilang sitwasyon. Kailangan nyang kausapin ito ng masinsinan upang linawin ang lahat sa kanila. Dahil kung hindi nila ito maaayos, isa lang ang nakikita nyang solusyon para rito...Ang umalis nang tuluyan sa bahay na iyon.

"Wilson, can we talk?" Nagaalalang tanong ni Frida. Its been 4 days narin at hanggang ngayon ay di parin nila napaguusapan ang nangyari.

"Ano bang dapat pa nating pagusapan?" Malamig na saad ni Wilson habang tutok ang mga mata sa pagbabasa ng libro.

"About what happened that night?" Mahinang saad ni Frida. Naupo narin sya sa bakanteng silya na naroon sa patio.

"Wait, " biglang natigil si Wilson sa pagbabasa ng libro saka itinutok ang atensyon kay Frida. "You clearly told me, na kalimutan ko na hinali--"

"Shhhh" maagap na tinakpan ni Frida ang bibig ni Wilson nang mapansin na paparating si Aleng Belen para ihatid ang almusal ni Wilson sa patio.

"F*ck, ano ba?!" Reklamo ni Wilson sa ginawa ni Frida. At bago pa man sya tuluyang magreklamo ay nasa tabi na nya si Aleng Belen.

Nagulat naman ang katulong nang ma-sensed nito ang kakaibang kilos ng dalawang amo.

"Hehe.." Alanganing ngiti ni Frida sa katulong.

"Maam, may kailangan pa po kayo?" Tanong ni Belen

"W-wala...s-sige na magluto ka ulit sa kusina."

"Po?" Takang tanong ng katulong. Kakaluto nya lang ng almusal, ano kaya ang ipapaluto ulit ng among  babae?

"I mean, gusto ko sana ng arroz valenciana para sa tanghalian natin. Lagyan mo ng maraming sea foods ha? Then magluto ka narin ng grilled chicken at beef salpicao"  Utos ni Frida.

"P-pero di pa po ako nakakapamalengke ulit maam ng fresh seafoods."

"Then, that's good. Umalis ka, mamalengke ka , isama mo narin si Manang Mameng para masikatan naman ng araw. Hehe.."

Napakamot nalang ang katulong pagkatalikod sa dalawa.

Me birthday ba ngayon? Bakit di man lang sya na informed na magkakaroon pala ng handaan?...Napasimangot nalang ang katulong palayo kila Frida at Wilson.

"You know what, kahit kelan hindi ka marunong magsinungaling. Ang random ng sinasabi mo" puna ni Wilson na malamig ang tono ng boses.

"Eh, kasi naman hindi ka nagiingat sa sinasabi mo. Paano kung narinig ka ni Aleng Belen?"

"And so what? Palayasin ko pa silang lahat this instant."

"Ang sama talaga ng ugali mo kahit kelan" Naningkit ang mga mata ni Frida sa kanyang kaharap.

"At katulad nga nang sinabi mo that night" pagpapatuloy ni Wilson sa sinasabi nya kanina. "Kalimutan ko ang h*lik na namagitan satin at ang pitong taon kong pagibig sayo. So nanahimik ako...Then, why are you here to confront me about that?" Naningkit din ang mata ni Wilson at matiim na pinagmasdan ang stepmother.

"Ahm...wala lang..." Pakiramdam ni Frida ay napahiya sya....bakit nga ba nya kinu kwestyon ang pananahimik ngayon ni Wilson?

Diba iyon naman ang gusto nya? Diba dapat nga ay matuwa sya at hindi na sya kinukulit ng binata?

"Nagi guilty ka ba? Dahil kahit tinatanggi mo sa sarili mo na ayaw mo, nasarapan ka parin sa h*lik ko, tama ba?" Nanunuyang saad ni Wilson. "Gusto mo bang ulitin natin?" Mapang asar na dagdag pa ni Wilson

Nanlaki ang mata ni Frida....Nababaliw na talaga ang lalakeng ito !

"B*stos!" Akmang sas*mpalin ulit ni Frida si Wilson ngunit mabilis na nahawakan nito ang kanyang braso.

"Go, gawin mo. Hindi ako mangingiming h*likan ka ulit kahit nariyan pa sina Manang." Banta ni Wilson.

Napansin din ni Frida ang paglabas ng mga ugat nito sa leeg. Alam ni Frida na nagpipigil lang si Wilson ngayon....she sensed danger.

Hindi na nakatiis pang manatili ni Frida sa harap ni Wilson.

"Che!" Iyon lang ang sinabi nya at tinalikuran na nya ang binata. Habang si Wilson naman ay mariing hinawakan ang librong kanyang binabasa.

Kahit kelan hindi talaga sila magkakasundo ni Wilson....Kelan ba ito aalis pabalik ng Singapore?!...reklamo ng isip ni Frida.

-----

"Cecile, May kilala kang Saab na friend ni Hanz?" Curious na tanong ni Frida. Isang umaga nang magkita sila sa kanyang bakeshop

"Bakit?"

"The other night kasi, may nakasalubong kaming isang kakilala nya. Tinawag iyon ni Hanz na Saab at may binanggit din iyon na Keithlind ang pangalan. Ang weird, pero parang may hindi tama sa naging usapan nila."

"Di kaya ex girlfriend iyon ni Hanz ? Remember dati daw playboy talaga yang si Hanz." Ani Joey.

"Parang hindi eh, parang magkakilalang magkakilala sila pero hindi yung exgirlfriend relationship ang dating. And yung mga sinabi niyon parang may laman..alam mo yun?"

"Not sure kung sino yang Saab na yan. Pero sige aalamin ko yan." Ani Cecile

"Eh paano nman napasok si Keith- , ano ulit iyon?" Takang tanong Joey

"Keithlind..." Pagtatama ni Cecile

"Yeah , si Keithlind. Anong connect?" Takang tanong ni Joey.

"Hindi ko rin alam eh, pero noong binanggit iyon ni Saab, biglang nagbago ang hitsura ni Hanz.. Parang  bigla syang naging seryoso at buong gabi na magkasama kami ay hindi na nya ako  kinausap. Untill now di parin nya ako kino contact." Nakangusong saad ni Frida.

"Oooh...I smell something fishy..." Ani Joey.

"G*ga, kung ano man ang iniisip mo, hindi ganun si Sir Hanz. Sa one year ko nang nagta trabaho sa company, ay wala akong nabalitaan nyan na girlfriend at sobrang bait talaga nya. Hindi ako naniniwala na may tinatago si Sir Hanz na kung ano man yun..." Mariing tanggi ni Cecile.

"Eh papaano kung meron nga, anong gagawin mo Frida?" Usisa ni Joey.

"Di ko alam...at saka, di pa naman tayo sigurado kung ano yun." Saad ni Frida

"Ikaw Joey, ha... assumera ka nanaman. Wag ka ngang nega kay Hanz." Sita ni Cecile.

"Im just asking...wala naman masama sa sinabi ko. At saka sino ang mas kakampihan mo, yang si Hanz or ang kaibigan natin?" Dagdag pa ni Joey.

"Tinatanong ba yan? E halos iisa nalang ang dugong dumadaloy sa amin ni Frida. Malamang, sya ang pipiliin ko kesa naman sayo.." Nakataas ang isang kilay ni Cecile.

"Haaay, ayan nanaman kayo." sita ni Frida. "Oh sya magsilayas na kayo baka ma late pa kayo sa trabaho nyo, Cecile quarter to eight na." Paaalala pa ni Frida sa kaibigan.

Napatingin agad si Cecile sa kanyang relo at nanlaki ang mata nang makita ang oras.

"Shoooot!Maiwan ko na kayo. Haist!  Buti nalang pinaalala mo friend" isa isang dinampot ni Cecile ang kanyang mga gamit pati na laptop na nasa desk saka humabol pa ng paghigop sa kayang kape ."Bye mga Maritess!"  Paalam pa nya sa  mga kaibigan.

"Ingat sila sayo?!" Ani Joey saka bumaling kay Frida "by the way, mauuna narin ako. Kailangan ko pang magpunta ng museum."

"Oh, bakit ang aga naman?" Tanong ni Frida.

"Marami pa kasi kaming dapat ayusin and besides mas maganda na kung ready na ang lahat bago pa man magsimula ang exhibit ko tomorrow." Saka mabilis na ring nagpaalam sa kaibigan.

Kinabukasan ay naganap ang inaasahan ni Joey na Attick Gallery Exhibit. At habang lumalalim ang gabi ay mas lalong dumarami ang  mga bisitang nagdaratingam sa event.

Paborito ng lahat ang 3D painting ni Joey nang isang bata na kapag nagpalipat lipat ng direksyon ang tumitingin ay nagbabago rin ang emotion na pinapakita niyon.From happpy, sa ibang direksyon ay nagiging malungkot ito na bata hanggang sa huli ay tumutulo na ang luha nito.

"OMG! I cant believe this!" Halos pasigaw na saad ni Cecile.

"Ito ba yung nakatakip nang puting tela na sinasabi mong confidential?!" Si Frida na hindi rin makapaniwala sa kanyang nakikita.

"Yeah" Proud na saad ni Joey
"Oh, by the way, nasaan na nga pala si Wilson?" Ani Joey ng mapansing hindi kasama ni Frida pumasok sa gallery ang stepson.

"Mali late daw sya...Hayaan mo na yun. Maya maya lang ay darating na sya rito. "

"Si Sir Hanz, kanina kasama mo. Nasaan na sya ?" Usisa naman ni Cecile.

"Ahm, sabi nya kukuha lang daw sya ng wine..I wonder kung nasaan na sya, kanina pa yun eh." Luminga linga sya sa paligid pero di nya makita ang kanyang ka date nang gabing iyon.

"Speaking of Hanz, yung babaeng tinatanong mo noong nakaraan, si Saab?" Bitin na saad ni Cecile.

"Yup?" Magkasabay na tango ng dalawang kaibigan.

"Kapatid pala iyon ng ex girlfriend ni Sir Hanz. And you wont believe kung ano pa ang nalaman ko...."

"Ano?! Ang dami mo namang ka-ekekan, binibitin mo kami" reklamo ni Joey.

"Yung ex girlfriend daw ni Sir Hanz na kapatid ni Saab ay walang iba kundi si Keithlind Buencamino. Isang sikat na fashion designer. They found her de*d sa isang hotel sa Makati."

"Ommo!" Sabay na napatakip ng bibig sina Frida at Joey sa sobrang pagkabigla.

"Paano sya nam*tay?" Curious na tanong ni Joey na halos pabulong nalang ang tono.

"Yan ang di ko pa alam...dumating kasi yung Chief Marketing Officer namin kaya ayun naputol ang chikahan namin . Nakalimutan ko na tuloy  balikan yung kausap ko."

Sabay na naparolyo ang mata nina Frida at Joey sa sobrang dismaya. Laging ganito si Cecile kung magkwento sa kanila, laging  bitin na parang telenobela. Di tuloy maiwasan ni Joey at Frida ang magreklamo sa kaibigan.

"Excuse me maam, nariyan po si Sir Victor Carmello nais daw po nya kayong makausap about sa 'Woman in Distress' " Ani Cherry ang kanyang secretary na ang tinutukoy ay ang painting ni Joey.

"Sige see you guys later" pagpapaalam ni Joey sa mga kaibigan.

Nagpatiuna si Cherry na sinundan naman ni Joey.

Inentertain ni Joey ang kanyang bisita na madalas bumili ng kanyang painting. Nasa kalagitnaan sya ng pagpapaliwanag sa kanyang masugid na tagahanga nang maagaw ang atensyon nya nang isang binata na nakatayo sa harap nang Painting/Sculpture na may pinamagatang "Dark Mirror".

Matagal na nakatayo ang binatang iyon at tinititigan ang kanyang gawa. When she is about to walk infront of him, bigla itong lumingon sa kanyang direksyon.

Ganun nalang ang gulat na gumuhit sa mukha ni Joey...This was the guy na dapat bibili ng buong collection of painting nya noon.

Hindi sya maaaring magkamali dahil kamukha ito ni Chris Hemsworth! At kahit ilang taon na ang nakalipas, halos hindi nagbago ang mukha nito.

And wait....tinititigan ba nito  ang painting nya na ang modelo ay si Frida?!

Naku curious tuloy sya ngayon kung sino ang binatang ito. Sino ba ito sa buhay ng kanyang kaibigan?

She will find out ngayong gabi....

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.6M 165K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
148K 2.7K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...