Maybe It's Not Ours

By thelonewriter_

6.8K 165 29

Agatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sn... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
Epilogue

25

91 3 0
By thelonewriter_

"'Yung gusto ko, may gustong iba. Kasama ko siya ngayon pero pagmamay-ari ng iba ang atensyon niya."

"I am already taken by someone, Oliver.."

"Alam ko, pero gusto ko lang sabihin sa'yo. Gusto kita, matagal na."

Hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang sinabi ni Oliver na iyan sa akin kagabi. I've been thinking about last night, ayung pag-uusap naming dalawa hanggang sa natapos sa pag-amin niya. I just can't believe that he likes me at ang sabi niya, matagal na. Gaano katagal? Paano?

Now, tama nga ang nararamdaman nina Dahlia about it. Na may pagtingin sa akin si Oliver, kung bakit ay hindi ko man lang napansin o naramdaman? Masyado akong nagpaniwala sa hindi ko pagbibigay ng malisya sa pagiging closeness namin. Pero ang totoo kasi, parang isang Kuya ang turing ko sa kanya bukod sa isang kaibigan..

"Girls, wala na kayong naiwan na gamit dito, ha? Lalabas na tayo, pero ang sabi ni Ms. Gie, class picture muna tayo wit the beach, so labas na tayo! Tara na!" Sabi ni Dahlia pero sinabi kong mauna na silang tatlo at susunod na ako.

Nang maiwan ako ritong mag-isa sa room, nilabas ko ang phone ko at ni-dial ang number ni Damon. Dahil hindi ko na siya nagawang tawagan kagabi, hindi na kami nakapag-usap na dalawa. At dahil iyon sa.. sa naging pag-uusap namin ni Oliver.

I don't know, parang hindi na nag-functiin ang utak ko at 'yong pag-amin lang niya ang naiisip ko simula pa kagabi. Ngayon, naiisip ko pa rin pero hindi na kagaya kagabi na halos 100% ay occupied ng utak ko ang tungkol doon. Mabuti at hindi na nagtanong sina Naomi nang malaman nilang kasama at kausap ko si Oliver kagabi. At wala rin naman akong balak sabihin pa ang tungkol sa pag-amin niya.

Kumunot ang noo ko nang matapos ang pag-ring ay walang sagot si Damon. Hindi siya sumasagot sa tawag ko. Inulit kong gawin pero wala pa rin. Napatingin ako sa oras, past 11 AM na, probably ay nasa kalagitnaan siya ng klase niya. Pero ang napag-usapan namin, half day lang siya ngayong araw dahil hihintayin niya ako roon sa unit niya sa pagdating ko ngayong hapon.

Nag-send na lang ako ng message kay Damon. Sinabi kong naghahanda na kami pabalik sa Manila at inulit kong sabihin na sa kanya ako unang didiretso pagkarating na pagkarating ko roon. Hindi ko na hinintay pa ang ire-reply niya dahil sa nararamdaman ko ay busy siya sa school ngayon kaya tumayo na ako, kinuha ko na ang mga gamit ko bago lumabas.

Sa paglalakad ko, bumagal ang galaw ko nang kaagad kong mapansin si Oliver na nandito sa veranda ng resort. Hindi lang naman siya ang nandito pero siya ang kaagad kong napansin. Dumapo rin ang mga mata niya sa akin. Ang akala ko, ngingitihan niya ako pero hindi dahil umiwas siya ng tingin sa akin. Umiwas na lang din ako, pero hindi ko mapigilan ang makaramdam ng lungkot.

Habang nasa byahe na kami pabalik sa Manila, iniisip ko pa rin ang sinabi ni Oliver sa akin. At iniisip ko kung may magbabago ba pagkatapos nito. Hindi naman imposible dahil ano pa ba ang aasahan ko? He admitted that he likes me, I answered him that I am already taken. At tinapos niya ang pag-uusap namin sa pagsabi niya ulit ng gusto niya ako. Now, what's next? Hindi naman pwedeng umakto lang akong normal na parang walang nangyari.

Alam ko, nasaktan ko siya. Kahit wala naman akong ginawa at kasalanan. Alam ko, nasaktan siya sa sinabi kong may mahal na akong iba. Na may mahal akong iba, at alam kong kilala niya naman kung sino.

Umiling-iling na lamang ako at dumako ang tingin sa labas ng window para sa mga ulap na nadadaanan namin na lang tumuon ang atensyon ko. Isang oras ang lumipas, nakarating kami sa Manila, kanya-kanya na kami ng uwi pero napag-usapan namin ni Naomi na sa kanya muna ako didiretso para iwan saglit ang mga gamit ko. Bago ako magpunta kay Damon.

"Sigurado ka bang kakausapin mo siya ngayon? Hindi ka ba pagod?" Tanong sa akin ni Naomi nang makapasok na kami sa unit niya.

Umiling ako. "Hindi, mas nakakapagod kapag itutuloy ko pa ito."

Ngumiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako. Naramdaman kong bumalik ang sigla ko, kahit kailangan kong kabahan dahil ilang minutes na lang, makakaharap ko na si Damon, makakausap ko na siya tungkol sa panloloko ko sa kanya. But no, there's no turning back.

"Gusto mo bang samahan kita?"

"Ha? Huwag na! Kaya ko na ito, Naomi."

Ngumisi siya at parang may kung anong tumatakbo sa isipan niya. At kung ano man iyan, alam kong pang-aasar sa akin at kay Damon. Pero ang totoo, mag-uusap talaga kami ni Damon nang masinsinan. Sana ay huwag siyang pangunahan ng galit niya sa ginawa kong ito, sana ay maintindihan pa rin niya ako..

Iiwan ko muna ang mga gamit ko rito kay Naomi at tanging 'yong sling bag ko na ang laman ay wallet at phone ko ang dadalhin ko papunta sa unit ni Damon. Babalik din naman ako rito sa unit niya dahil dito ang sinabi ko kay Daddy na place para sunduin ako.

Hindi pa alam nila Daddy na nakabalik na kami rito sa Manila, sinadya ko iyon. Dahil sa plano kong kitain si Damon at makipag-usap, na hindi ko alam kung ilang oras naming magagawa kaya mabuti na 'yong safe at hindi mai-interrupt ang gagawin ko. Basta ang alam ni Daddy, ngayong araw ang uwi ko at mamayang hapon pa.

"Tawagan mo lang ako, kung may problema." Sabi pa ni Naomi sa akin nang magpaalam na akong aalis na ako para puntahan si Damon.

"Yes, I will. Thank you."

Nakasakay na ako sa taxi at habang byahe, napatingin ako sa phone ko, hanggang ngayon na past 1 na, wala pa ring tawag o kahit message si Damon sa akin. Napangiti naman ako, malamang ay nagpapa-miss.

Nag-send ako sa kanya ng message.

To: Hubby

Hi, love! Papunta na ako riyan sa'yo 💓

Bigla namang nanlamig ang mga kamay ko sa kaba nang makarating na kami sa condo. Binayaran ko ang sinakyan ko at bumaba na, at bawat paghakbang ko papasok, lumalakas ang tibok ng puso ko. Sumakay na ako sa elevator at may parte sa akin na humihiling na sana masiraan ako rito sa loob, pero hindi nangyari.

Nakarating ako sa 8th floor kung nasaan ang unit ni Damon, mas tumindi ang kanang nararamdaman ko. At imposibleng hindi niya ito mapapansin kaya tumigil muna ako sa paglalakad para kalmahin itong sarili ko.

Damn, Agatha! There's no turning back! You have to do this dahil ito ang dapat!

Huminga ako nang malalim bago magpatuloy sa paglalakad, hanggang sa marating ko na ang pinto ni Damon. Ilang segundo pa, kumatok na ako sa pinto. Nakailang katok ako pero walang nagbubukas ng pinto para sa akin.

Wait, nandito ba siya? Nandito naman siya at wala na sa school, right? Kasi, ayun ang sabi niya sa akin, na half day lang siya today dahil sa pagdating ko.

Sinubukan ko itong buksan at bukas naman kaya pumasok na ako. Sinubukan kong palawakin ang ngiti ko sa pagpasok ko sa loob ng unit niya, pero nakatatlong hakbang pa lang ako, naramdaman kong may marahas na humila sa akin at isinandal ako sa wall. Pagkakita ko kung sino ito, lumabas na ang tunay kong ngiti.

"Lewis--"

Lumapit si Damon sa akin para halikan ako sa aking mga labi. At first, I thought this was just a kiss to greet me but no. Malalim ang mga halik niya at gumagalaw ito. Mapusok. Napaawang pa ang mga labi ko nang kagatin niya ang lower lip ko.

Napahawak ako sa braso niya at medyo nagulat ako nang kalasin niya kaagad ang suot kong skirt at ibinaba na ito. Pagkatapos, binuhat niya ako papunta sa kwarto niya, still kissing.

Ibinagsak niya ako sa kama at akmang uupo ako nang magpunta siya sa top ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at itinaas para ipako ako rito.

"You've missed me this much, Lewis. Huh?" Tanong ko sa kanya at medyo natawa pa.

Ngumisi lang siya habang isa-isang tinatanggal ang kanyang mga suot, pagkatapos ay lumapit na para halikan ako nang halikan. While doing it, nakatitig lang siya sa akin and so am I. Halos maiyak ako dahil.. dahil hindi siya maingat this time.

Ito ang unang beses na masasabi kong nasasaktan ako sa mga galaw niya dahil sa bilis at diin at iba pang bagay na hindi ko maipaliwanag, pero masakit. Kumpara sa madalas naming ginagawa..

Inabot ko ang mga labi niya para idaan na lang sa halik ang sakit na nararamdaman ko pero sa leeg ko dumiretso ang mukha niya. Hindi ko rin siya makalmot dahil hawak-hawak niya ang dalawang kamay ko. Gusto ko siyang sabihan na bagalan niya pero hindi ko magawa dahil sa sobrang hingal at sakit na nararamdaman ko.

"D-Damon.." Sambit ko sa pangalan niya at hinarap niya ako. "I.. I love you.."

Pero mukhang hindi niya narinig ang huling sinabi ko dahil sa malakas na sigaw niya nang makaraos siya.

Kahit tapos na siya at ako, hindi pa rin siya tumitigil sa paggalaw. Binitawan niya na ang hawak niya sa akin at nanghihina akong nakahiga rito sa kama. Akala ko, hihiga na rin siya para tabihan ako at yakapin pero nagtaka ako nang tumayo siya at muling isinusuot ang mga hinubad niya.

Nanghihina man ako pero sinubukan kong umupo, inabot ko ang kumot para takpan ang katawan ko. Nagtataka ako kung bakit siya nagbibihis ngayon at kung bakit ay hindi niya man lang ako imikin ngayon. Dala ba ng pagka-miss niya? Nagtatampo pa rin ba siya?

"I missed you, love." Sambit ko sa kanya at saglit lang niya ako tiningnan. "I-Ikaw, na-miss mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.

Nakasunod lang ang mga mata ko sa kanya nang magpunta siya roon sa cabinet niya, bumalik din naman siya kaagad at labis akong nagulat nang itapon niya sa harapan ko ang hawak niya.

"Care to explain this, Agatha."

Namumutla akong nakatitig sa tinapon niya rito sa harapan ko. Ito 'yong pouch ko na ilang araw ko nang iniisip kung nasaan. Pero wala rito ang tingin ko, kundi nasa tablets na bawas na laman nito at sa papel na alam kong ikakagalit niya talaga. 'Yung bagay na kinakatakutan kong malaman niya..

'Yung pills na ginagamit ko at 'yong papel na pinagawa ko.. Pineke ko.

"Nagpunta ako sa clinic na iyan para tanungin sana kung kumusta ka at ano ang kailangan mo at mga kailangang gawin sa pagbubuntis mo. Pero alam mo ba ang napala ko? Nagmukha akong tanga, Agatha." Kinuha niya ang tablets. "At ito, itong tablets na ito. Inakala kong vitamins mo ito kung hindi ko pa binasa!"

Nabigla ulit ako nang itapon niya ang pills pero hindi na sa harapan ko, kundi sa sahig. Napalunok ako, iniisip kung totoo ba itong nangyayari ngayon. Dahil kung oo man, nabigo ako. Nabigo akong mauna bago pa man niya malaman..

"Ngayon, gusto kong marinig sa'yo ang totoo. Buntis ka ba talaga?"

Nakaiwas pa rin ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko siya kayang tingnan ngayon dahil nakakatakot siya. Ramdam ko ang galit niya pero hindi pwedeng hindi ko siya sagutin at harapin. I was ready for this, right? At sinabi ko sa sarili ko na tatanggapin ko kung ano man ang maging reaksyon niya.

Unti-unti ko siyang tiningnan at kita ko ang kanyang galit sa mukha niya dahil namumula ito. Sinubukan kong huwag maluha bago sumagot.

"Hindi.. Hindi ako buntis." Nakita ko ang pag-igting panga niya. "I'm sorry, Damon. I'm sorry. Matagal ko nang gustong sabihin sa iyo ito. Matagal na. Pero hindi ko lang kayang simulan kung paano. Natatakot a-ako na.. na baka mag-iba ang tingin mo sa akin. Pero maniwala ka, I was about to tell you about this. Ngayon mismo.. At handa akong tanggapin ang galit mo."

Dito na ako nagsimulang umiyak. Hawak-hawak ko pa rin ang kumot na nakatakip sa akin, nanatiling nakaupo sa kama, at habang nakatingin kaming dalawa ni Damon sa isa't isa. Pero 'yong pagtingin niya sa akin ngayon, walang emosyon at.. at parang wala siyang balak maniwala pa sa mga sinasabi ko.

"I'm sorry, Damon. Please forgive me. Nagawa ko lang iyon dahil.. dahil ayun ang naisip kong paraan para mapalapit sa'yo. Para makuha ang atensyon at loob mo. Kasi mahal kita. Mahal na mahal talaga kita."

Para siyang estatwa na nakatayo habang nakatingin lang sa akin. Alam ko, wala siyang  balak lapitan ako ngayon dahil sa panloloko ko sa kanya. Hindi siya nagsasalita, pero sana bukas ang mga tainga niya para pakinggan ako at ang mga rason ko kung bakit ko iyon nagawa. Dahil mahal ko siya.. Mahal na mahal ko siya.. Kaya umabot sa panloloko ang pagiging desparada ko mapalapit lamang sa kanya.

"Patawarin mo ako. Sana ay maintindihan mo kung bakit ko nagawa iyon."

Napahagulgol na ako at hanggang matapos ako sa pag-iyak, wala pa akong narinig na kahit anong salita sa kanya. Nakatayo pa rin siya, malapit man siya pero sa paraan ng pagtingin niya ay parang napakalayo niya sa akin. Gusto ko siyang takbuhin at yakapin, pero natatakot ako na baka itulak niya ako palayo.

"I love you, Damon.. I love you so much. Hindi ko kayang.. mawala ka sa buhay ko." Sambit ko sa kanya at ngumisi siya.

"Paano pa ako maniniwala sa'yo kung una pa lang, niloko mo na ako? Hindi rason at paraan ang pagmamahal para lokohin ang isang tao." Ngumisi siya at napailing-iling na parang hindi makapaniwala sa akin. "Napaka-selfish naman ng pagmamahal mo dahil ikaw ang nakinabang, at panloloko naman ang ibinigay mo sa akin noong una pa lang. Hindi pagmamahal."

Dito na ako tumayo, kahit wala pa akong suot na kahit ano, lumapit ako sa kanya para yakapin siya. Hinayaan niya lamang akong yakapin siya nang ilang segundo, at sunod ay isa-isa niya nang tinatanggal ang mga kapit ko. Pero hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Umalis ka na." Katagang sinabi niya na halos lumuhod ako para hindi niya hilingin iyon sa akin.

"Damon, I love you. I'm sorry kung niloko kita. Patawarin mo ako.. Magalit ka man sa akin pero.. pero huwag mo akong iiwan. Please!" Umiiyak na sabi ko at sumubsob sa dibdib niya.

Pero mas malakas siya sa akin kaya nagawa niyang tanggalin ang mga hawak ko sa kanya. Hinawakan ang magkabilang braso ko at umangat ang tingin ko sa kanyang mga mata. Lumapit ako para halikan siya sa mga labi niya, pero hindi niya ito sinagot kaya naging saglit lang. Bumitaw ako at napayuko, at saka muling umiyak.

"Umalis ka na muna. Gusto kong mapag-isa."

Nakarating ako sa bahay nang nanghihina, nanghihina dahil sa nalaman na ni Damon 'yong panloloko ko sa kanya. Muling bumagsak ang mga luha ko, at sinubukan kong ayusin ang sarili ko bago pumasok ng bahay. At pagpasok ko, kaagad kong napansin si Daddy na nandito sa sofa, nakaupo, kasama si Kuya Gus. Medyo nagulat ako.

"Agatha, you're already here."

Tumayo silang dalawa para lapitan ako at yakapin. At pagharap nila, kaagad kong napansin ang kunot na noo ni Daddy. Umiwas ako ng tingin.

"Nasaan ang mga gamit mo? Ba't hindi mo man lang sinabi na nandito ka na pala? Edi sana nasundo ka namin sa airport." Sabi ni Kuya Gus.

"Na kay.. Na kay Naomi po ang mga gamit ko. Iniwan ko muna roon." Sagot ko sa kanya.

"Agatha, are you alright, anak?" Tanong ni Daddy kaya ngumiti sa kanila. Pekeng ngiti.

"Gusto ko na pong magpahinga, Daddy." Tanging sabi ko sa kanya at naglakad na para magpunta sa kwarto ko.

***

Dalawang araw na akong nakakulong dito sa kwarto, at dalawang araw na akong hindi pumapasok sa school. Ngayon, araw ng Sabado, at wala pa rin akong balak lumabas. Ewan ko kung kailan pero gusto ko lang manatili rito sa room ko.

May kumatok sa pinto ko kaya nilingon ko lang ito, ilang saglit ay bumukas. Si Daddy ito, may dala siyang tray. At sa pang-amoy ko, mukhang pancakes ito.

"Hindi ka pa nagbi-breakfast, kaya dinala ko na rito, anak."

Nilapag ni Daddy ang dala niya sa table na nandito sa tabi ng kama, pinapanood ko lang siya habang inaayos ito. Ilang saglit ay tiningnan niya ako, tinitigan, at parang inaalam kung bakit ako nagkaka-ganito.

"Are you feeling sick? Ano ang masakit, anak?"

Daddy thought I was sick. Na may nararamdaman akong kung ano kaya ako nakahilata rito sa kama magdamag. Noong isang araw niya pa ako tinatanong kung ano ang nararamdaman ko pero umiling lang ako at humihiling na rito lang ako sa kwarto ko. Pati sina Kuya Sandro, Kuya Augustus at Kuya Gavin, nag-aalala na sa akin pero ang sinasabi ko lang ay okay lang ako. Gusto ko lang magpahinga.

"Alin ang masakit? Gusto mo ba, magpatawag na ako ng doctor para tingnan ka rito?" Tanong pa ni Daddy at umiling ako, at saka nginitahan ko siya nang tipid.

Gusto ko sanang biruin si Daddy na hindi pa ba sapat si Kuya Sandro at Kuya Gus na tumitingin sa akin na parang chini-check up? Pero hindi ko rin magawa, mas pinipili ko na lang manahimik.

Nakatingin lang kaming dalawa sa isa't isa at  ako na ang umiwas ng tingin. Hanggang sa magsalita ulit siya.

"Hinatid na pala ni Naomi rito ang mga gamit mo. Kasama niya sina Dahlia at Elisse na nagpunta rito kanina, kaso tulog ka pa. Gusto ka sana nilang kumustahin at tingnan."

Napatingin ako sa orasan, it's already 10 AM.  Natawa ako sa isipan ko, akala ko, alas 6 pa lang ng umaga. Hindi na ako nagulat, kahapon nga, tinanghali na ako ng gising.

"Agatha, magsalita ka naman. Please, anak, ano ang masakit?"

Ramdam ko ang pag-aalala ni Daddy dahil sa sinabi niya at halos tumulo na ulit ang mga luha ko. Gusto kong sabihin sa kanya at magsumbong kung ano ba ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko siyang tanungin kung ganito ba talaga? Ganito ba talaga kasakit kung nagmamahal ka?

"Wala po, Daddy.." Sagot ko sa kanya.

Ilang minuto pa siyang nanatili rito sa kwarto ko, bago sabihin na bababa muna siya at pagbalik niya rito ay dapat ubos ko na ang dinala niyang pagkain. Tumango ako kahit ang totoo ay wala akong ganang kumain. Pinipilit ko lang para kay Daddy dahil ayaw ko siyang mag-alala sa akin.

Naiwan akong mag-isa rito sa kwarto ko at naisip ko 'yong sinabi ni Daddy na nagpunta sina Naomi rito sa bahay. Alam kong nag-aalala na rin si Naomi sa akin, noong araw pa kung kailan nagsimula ito. Tumatawag siya sa akin pero hindi ko nagawang sumagot dahil hindi ko kaya. I was busy crying all day and night.

Pero kahapon, nag-message si Naomi sa akin, at sinabi niyang sinabi niya na kina Dahlia at Elisse 'yong nangyari. Hinayaan ko siya, hindi ko siya pinigilan. At ang akala kong magagalit sina Dahlia at Elisse dahil sa ginawa ko, iba ang nangyari. Dahil kahapon pa sila nagpapadala ng message sa akin na puro comfort ang laman.. At hindi galit at panlalait dahil sa pagiging desperada ko.

Na sana gano'n din si Damon, na sana ay maintindihan niya naman kahit kaunti kung bakit ko iyon nagawa sa kanya. Oo, niloko ko siya pero dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Dahil kung hindi ko ba ginawa iyon, magagawa niya ba akong papasukin sa buhay niya?

Pero sa kabila ng lahat, iniisip ko kung kumusta na si Damon ngayon? Kung okay na ba siya at nabawasan na 'yong galit niya dahil sa ginawa ko. Dahil tandang-tanda ko pa rin 'yong galit at malamig niyang mga mata. Tandang-tanda ko pa rin kung paano niya ako tawanan pagkatapos kong sabihin na mahal ko siya. Tandang-tanda ko pa rin kung paano niya ako ipagtabuyan at sabihing umalis na ako.

Umalis man ako pero hindi niya sinabing huwag na akong bumalik at magpakita sa kanya. At kahit papaano, nararamdaman kong may pag-asa pa. Kahit papaano.

Umupo na ako para kumain kahit kaunti, but surprisingly, naubos ko ang hinanda ni Daddy na pancakes, bacons and a glass of milk. Itinabi ko na ito at sakto namang tumunog ang phone ko kaya inabot ko ito para tingnan ang mensahe. It's from Dahlia.

Babe, stay strong please? Alam kong masakit ang nararamdaman mo ngayon but always remember na nandito kami para makinig at i-comfort ka with no judgement. We miss you. We hope to see you on Monday 🥺

Naluha ako sa sinabi ni Dahlia at muli nang nahiga. Hindi ako sigurado kung makakapasok pa ba ako after this. Dahil ang nasa isip ko ngayon, dito na lang ako sa kwarto. Yes, may part na nahihiya ako kina Dahlia at Elisse, pati na rin kay Naomi, dahil sa ginawa ko. Pero nahihiya man ako, ramdam ko na hindi nila ako huhusgahan no matter how wrong it was.

Paano pa kaya kung sina Daddy na ang makaalam nito? Dahil isa sa iniisip ko, gusto ko na ring ipaalam sa kanya ang tungkol dito. Pero masasaktan ko siya dahil sa kahihiyan na ito.. Masasaktan ko siya dahil hindi ako naging mabuting anak sa kanya. Sobrang unfair naman dahil ginawa ni Daddy ang lahat para sa akin, tapos ito ang igaganti ko sa kanya? Sa kanilang lahat? Na baka umabot pa sa point na sisihin ni Daddy ang sarili niya dahil nagkulang siya ng pagpapaalala at pagmamahal sa akin..

Pinunasan ko ang mga pisngi ko dahil tuloy-tuloy na naman sa pagtulo ang mga luha ko. Narinig kong bumukas ang pinto kaya kaagad akong bumalikwas at nagkumot, pumikit at nagkunwaring natutulog na ulit.

Naramdaman kong umupo ito sa kama ko. At pagsilip ko nang palihim, hindi pala si Daddy ito kundi si Kuya Sandro. Ito, binabantayan ako.

Kinabukasan, Sunday. Sunday is church day like we've been always doing. But not for me, dahil hindi ako sumama. Ayaw din ni Daddy na sumama ako dahil sa kalagayan ko. Though, hindi na rin sana siya sasama pero sinabi kong okay lang ako at hihintayin ko na lang sila rito sa bahay. Dahil ayaw ko namang matigil ang isang bagay na ginagawa namin dahil lang sa akin.

Gustuhin ko mang magpunta roon, sigurado namang wala ang attention ko sa papakinggan ko. I admit it, magulo pa rin ang utak ko. Kaya nga nandito pa rin ako sa kwarto ko at nakakulong.

Nakadapa akong nakahiga, mulat ang mga mata ko. At kanina ko pa naiisip si Damon na nandito sa tabi ko, na nakangiti siya habang nakatitig sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko. Pero pagpikit ko't pagdilat ko, wala siya. What a daydream.

Kagabi, I sent a message to him. I said sorry to him again and again. Paulit-ulit. At paulit-ulit ko ring sinabi sa kanya na mahal na mahal ko siya, na hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Pero wala siyang reply, wala akong sagot na natanggap.

Napangiti ako nang maramdaman kong tumabi si Cleo sa akin dito sa bed. Nilingon ko siya at sinimulang i-pet. But after how many minutes, umalis na siya at nagpunta na sa bed niya.

Inabot ko ang phone ko at tiningnan ang oras, 11 AM na rin pala. Mamaya-maya, parating na rin sina Daddy. Nagpunta ulit ako sa conversation namin ni Damon, and the last message I got from him was him saying that he'll wait for me to come home.

Hinintay niya nga ako pero iba ang nangyari. Iniisip ko kung paanong ang malas ko namang naunahan niya ako sa panlolokong ginawa ko. Kung bakit ay hindi man lang muna ako hinayaan ng tadhana na sa akin na mismo manggaling, na ako na mismo ang magsasabi at aamin sa kanya. Maybe kung ayun ang nangyari, hindi kami magkakaganito. Siguro, hindi mas masakit kumpara rito..

I found myself crying again, kailan pa ba natigil ito?

Muli akong nagpadala ng mensahe kay Damon.

"I love you, Damon. I miss you so much. Please forgive me. I love you." Sambit ko habang tina-type ito.

Binitawan ko ang phone ko, dahil alam ko namang hindi siya sasagot. Umayos ako ng higa paharap sa ceiling, habang tumutulo pa rin ang mga luha sa aking mga mata. Pero ilang minuto ang lumipas, nag-vibrate ang phone ko. May tumatawag.

Akala ko, si Daddy o isa kina Naomi ang tumatawag sa akin. Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ito kaya kaagad kong sinagot ito.

"Damon.." Sambit ko sa pangalan niya nang sagutin ko ang tawag.

"Hi, babe. I miss you."

Mas tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya pero buong-buo na ang aking ngiti sa sandaling ito.

"I.. I miss you too, love." Sabi ko sa kanya at pinigilan kong humagulgol dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon. "Damon, I'm sorry sa ginawa ko. Oo, mali ako, alam ko. But believe me, I was about to tell you about this." Wika ko pero iba ang sinagot niya.

"Can you come over to my place? Now? Ngayon na? I really miss you, babe."

Kaagad akong pumayag sa sinabi niya kaya tumayo na ako para maghanda. Hindi na ako naligo dahil matatagalan pa ako. Nagbihis ako at nag-apply ng light makeup dahil halata sa mga namumugto kong mata ang pag-iyak. Ngumiti ako habang nakatingin sa salamin, at sigurado akong the moment na makakaharap ko na si Damon ngayon, mas lalawak ito.

Napahawak naman ako sa kwintas na nakasuot sa akin, 'yong bigay ni Damon. Hinaplos ko ito habang nakangiti pa rin ako. Never ko itong hinubad ang kwintas na bigay niya sa akin, at hindi ko yata magagawang hubarin ito sa akin.

Pinapapunta niya ako roon sa unit niya ngayon, hindi ko alam kung bakit but he said that he misses me. I know we'll talk about what happened, at sana ay ito na iyon. Hindi malabong magkaintindihan na kami after the fight we had.

Lumabas ako sa kwarto ko at pagbaba ko sa hagdan, kaagad akong tinanong ni Manang kung ano ang kailangan ko. Pero sumagot akong lalabas muna ako saglit.

"Hija, alam ba ng Daddy mo ito. Teka, tatawagan ko siya."

"Manang, huwag na po! Babalik din po ako kaagad. Baka nga po hindi pa po sila nakauwi rito sa bahay, nakabalik na po ako." Sagot ko at wala na akong balak makipag-usap pa dahil hinihintay na ako ni Damon kaya tuluyan na akong lumabas.

Mabuting may taxi na ritong umiikot sa loob ng subdivision kaya ito na ang sinakyan ko. Nang makalabas na kami ng subdivision, bigla ko namang naisipan na bigyan ng pasalubong si Damon kaya nakiusap ako sa driver na dumaan muna kami sa isang cake shop na madadaanan.

"P1,500 po, Ma'am." Sabi sa akin ng cashier nang bayaran ko na ang cake.

Muli kong tiningnan ang cake bago ilagay sa box. It's nice, maganda, and what I like about it was the dedication on the top if it. It's just a four-word dedication: "Sorry. I love you."

Napangiti naman ako nang makatanggap ako ng message mula kay Damon. Tinatanong niya kung nasaan na ako kaya ni-reply-an ko siya at sinabing malapit na, papunta na ako sa kanya.

Nakarating ako sa condominium na tinitirahan niya. Nang makasakay ako sa elevator, I started to remember the last time when I went here. Ayun 'yong kararating ko mula sa Bora. Kinakabahan ako nun dahil sa aaminin ko, pero ngayon, hindi na kaba. Kundi bumalik na sa dati ang saya ko.

Para ngang mas masaya ako ngayon.

Nakarating ako sa floor ng unit niya hanggang sa pinto niya. Kumatok ako pero walang nagbukas kaya ako na ang pumihit ng pinto para buksan.

Akala ko, pagbukas ko ay kaagad ko siyang makikita dahil sa pagsalubong niya pero hindi. Nagtataka rin ako kung bakit ay medyo madilim ang paligid at dahil ito sa nakababang kurtina ni Damon. Naglakad ako papasok, at sunod kong napansin ay ang mga boteng walang laman na nakakalay dito sa sala niya. Bote ito ng alak.

"Damon?" Tawag ko sa kanya pero walang sumagot o lalaking palapit sa akin, kaya sunod na pinuntahan ko ay ang kwarto niya habang dala-dala ko ang pasalubong ko para sa kanya. Bukas ang pinto ng kwarto niya kaya tinulak ko lang ito, at nanigas ako sa sunod kong nakita.

It's.. It's Damon. Nasa kama siya at.. at may kasama siyang babaeng hubad. Damon is on the top of the girl, they were.. having fun. Patawa-tawa silang dalawa habang pinapaligaya ang isa't isa at habang ako, halos mabasag ang puso kong nakatingin sa kanila.

Nabitawan ko ang dala ko, dahilan para mapatigil silang dalawa sa ginagawa. Hindi ko na inaalintana kung nasira ang cake na pinagawa ko. Humarap si Damon sa direksyon ko at akala ko, magugulat siya ngayong nakikita niyang nandito na ako pero hindi. Umalis siya sa ibabaw ng babae at narinig ko pang nagreklamo ang babae.

"Damon! We are not done yet!" Sabi ng babae na parang hindi nito nakikitang nandito akong nakatayo.

Nakatingin lang ako kay Damon, at ganoon din siya sa akin. Sinuot niya ang shirt niya, hindi naman siya hubad dahil naka-boxers siya but still.. Still..

"Who is she, babe? Don't tell me siya ang kasunod mo sa akin? Parang ang boring naman niya!" Yumakap ang babae sa likod ni Damon habang hubad pa rin, narinig kong natawa si Damon.

Hindi ko kilala ang babae, hindi ko alam kung sino ito.

Sinabihan ni Damon na magbihis na ang babae at sa susunod ulit. Sumunod naman ang babae sa inutos niya. Nagbihis ito at bago umalis ay binigyan pa ng halik si Damon sa mga labi. Umiwas ako ng tingin, lalo na't ginantihan ni Damon ang halik na ito.

"Hala, sayang 'yong cake. Ba't naman hindi mo hinawakan nang mabuti, girl?" Parang nang-aasar na sabi ng babae sa akin at nilampasan na ako.

Nang maiwan kami rito ni Damon sa unit niya, hindi ko na mapigilang maluha ulit. At pag-angat ng mga mata ko sa kanya, malamig na mga mata niya ang nahagilap ko.

"You planned this, right? Sinadya mo akong saktan?" Tanong ko sa kanya at nagkibit-balikat lamang siya.

Alam kong pinlano niya ito.. Alam ko, dahil alam niyang pupuntahan ko siya. Alam naming pareho. He planned to hurt me like this. At hindi ko kaya kung kakayanin kong isipin pa.

Umupo siya sa edge ng kama niya at tinitigan ako. Tinapik niya ang tabi niya, asking me to sit beside him na para bang susunod ako sa gusto niya. Lumapit ako sa kanya, hindi para umupo kundi para sampalin siya. Napatayo siya sa gulat.

"Why the fuck did you slap me?" Tanong niya sa akin kaya sinampal ko ulit siya.

Akala ko, mas magagalit siya sa pangalawang sampal ko, pero tumawa siya pagkatapos. At tiningnan ulit ako sa aking mga mata.

"Masakit ba, Agatha? Masakit ba?"

"Ito ba? Ito ba ang ganti mo sa akin, Damon?! Ito ba? Ngayon, masaya ka na?!" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak. "Oo, masakit! Sobrang sakit!" Pag-amin ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at mukhang natutuwa ngayong inamin kong nasaktan ako sa ginawa niya. At hindi ko akalain na aabot siya sa puntong ito, na magagawa niyang gawin ito sa akin. Hindi ko akalain..

Ito ba ang ganti niya sa akin? Gusto niya rin akong saktan para pareho kami ng maramdaman? Bakit? Hindi ko ba nararamdaman 'yong sakit ng panlolokong ginawa ko sa kanya?

"Pwede mo bang sabihin sa akin kung gaano kasakit? Para may idea ako sa naramdaman ng tatay ko nang mahuli niya ang nanay kong may ka-sex na iba." Katagang lumabas sa bibig niya at puno ng poot at lait ang tono niya.

Inayos ko ang boses ko bago sumagot sa kanya.

"Hindi ko akalain na aabot ka sa point na ito, Damon. I love you but this is too much.. Oo, nasasaktan ako, sobra. Sobrang sakit, na parang wala lang kung para sa iyo ang nararamdaman ko."

"Sana naisip mo iyan bago mo rin ako paglaruan. Sana naisip mo 'yan bago mo ako lokohin at utuhin na parang tanga, na parang wala akong karapatan na masaktan." Sabi niya hanggang sa matawa siya nang sarkastiko. "Ano ang ini-expect mo na maramdaman ko? Na gawin ko?"

"Nagawa ko iyon dahil mahal kita. At ito, gumanti ka para saktan mo rin ako."

"PUTANGINA, AGATHA! Hindi palusot ang pagmamahal para saktan mo ako nang ganito!" Sigaw na niya sa akin. "Niloko mo ako! Pinaglaruan mo ako! For the second time around, I feel betrayed. Naloko na naman ako ng isang babae at ikaw iyon!"

Dinuro-duro niya ako at parang gusto niya na akong hawakan para saktan physically dahil ramdam ko ang gigil at galit niya, pero pinipigilan niya ang sarili niya.

"Kaya kung isusumbat mo sa akin 'yang pagmamahal na sinasabi mo at 'yang pagsasakripisyo mo sa akin, nagkakamali ka. Ako ang unang nagtiwala sa'yo, ako ang unang nagbigay sa'yo ng tiwala ko, Agatha. Pero sinira mo, binigo mo ako."

Akala ko, mas masakit na hindi siya nagsasalita. The last fight we had, galit siya pero hindi niya inilalabas. Pero ngayong inilalabas na ng bibig niya ang nararamdaman niya, sobrang bigat pala talaga ng idinulot ng panloloko ko sa kanya.

"Big deal na kung big deal dahil kahit gaano kaliit iyon, niloko mo pa rin ako!" Singhal niya at wala nang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. "Kaya kahit sabihin mo na mababaw akong tao para magalit doon, I'm sorry to say, hindi ko kayang palampasin iyon. Kung kailangan kong gumanti, gagawin ko, para lang maramdaman mo kung gaano kasakit ng ginawa mo sa akin. Dahil wala kang pinagkaiba sa nanay ko, pareho lang kayong dalawa. Niloko ninyo ako."

Tuluyan na akong napahagulgol at wala na akong masabing salita kundi "mahal kita." At nang tingnan kong muli ang kanyang mga mata, wala na 'yong dating tingin niya na sa akin lang niya ginagawa. Hindi ko na mahanap sa talim ng pagtingin niya sa akin ngayon.

"Thank you for all the pleasures you gave me, Agatha." Ngumiti siya sa akin nang buo. "You were so good in bed. I was obsessed with your wonderful body."

Marami pa siyang sinasabi na kung ano-ano, pero halatang gusto niya lang na galit din ang maramdaman ko sa kanya ngayon.

"Mahal kita, Damon. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mabuhay kung.. wala ka." Wika kong muli sa kanya at lumapit para yakapin siya, na kaagad niyang iniwasan.

Sunod ay lumuhod ako sa harapan niya para magmakaawang patawarin niya ako sa ginawa ko, pero iba ang sinagot niya.

"I'm not asking for a blow job, babe. Pero mukhang gusto mo, e."

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak hanggang sa yakapin ko ang mga binti niya.

"Mahal kita, Damon. Mahal na mahal kita! At alam ko, ramdam kong mahal mo rin ako." Sambit ko pa sa kanya habang humahagulgol.

"I am very sorry, Agatha, but I don't. I don't love you. Sinabi kong gusto kita pero ikaw lang din ang gumawa ng dahilan para bawiin ko ito."

Katagang tuluyang bumasag sa puso ko, at bago pa ako tuluyang umalis, nagsalita siyang muli.

"I will never forgive and forget you, Agatha. Ever."

Nakarating ako sa bahay na ewan ko kung paano. Luhaan, nasasaktan at masasabi kong wala sa sarili dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. At pagpasok ko sa bahay, nagulat man ako na bumungad sa akin ay si Daddy at ang mga kapatid ko, at huli na para ayusin ko pa ang sarili ko dahil nakikita nila ngayon kung ano ang hitsura ko. Silang lahat.

"Agatha, saan ka ba galing? Kanina ka pa namin tinatawagan!"

"Ba't hindi ka man lang nagsabi?"

"Agatha, what happened? Bakit ka umiyak?"

"Saan ka galing, Agatha? Bakit ka umiiyak? What's wrong?"

"Agatha? Agatha?"

Kaagad na akong tumakbo papunta sa kwarto ko at pagdating ko, ni-lock ko ang pinto. Alam kong susundan nila ako and there's no way I can hide my pain dahil nakita nila. At hinihiling ko na sana.. sana hindi nila maramdaman.

Sa sobrang frustration at sakit na nararamdaman ko, kusang nagpunta ang mga paa ko kung nasaan ang mga gamit ko at pinaggugulo-gulo at tinatapon ang mga ito. Dahilan para magkaroon ng ingay.

"Agatha! Open the door! Please!"

"Agatha! Ano ang nangyayari? Please, harapin mo kami!"

"Anak, buksan mo itong pinto!"

Sumigaw ako, sigaw na hindi para sa kanila kundi para sa sarili ko mismo. Nagpatuloy ako sa pagsira ng mga gamit ko. Hanggang sa lumapit ako sa kama para ito ang sunod kong guluhin.

"Bakit masakit? Bakit sobrang sakit?!" Mga tanong ko sa sarili ko at muling napahagulgol.

Napaupo ako sa sahig at patuloy sa pagtatapon sa kung ano ang madampot ko. Hanggang sa sunod kong maisip ay 'yong kwintas na suot ko, 'yong bigay ni Damon. Pinigtas ko ito mula sa leeg ko at kahit nasaktan man ako sa pagsira ko nito sa leeg ko, wala akong pakialam. At saka tinapon ito at muling napasigaw.

Hindi ko na namalayan na nabuksan na nila ang kwarto ko at kagaad nila akong nilapitan para yakapin at pakalmahin.. Silang apat. Si Kuya Gavin, Kuya Gus, Kuya Sandro at si Daddy. Nakikita nila ngayon kung gaano ako nasasaktan. Na sana ay hindi rin nila maramdaman..

"Bakit masakit? Bakit sobrang sakit?! Bakit?!" Mga tanong ko sa kanila habang umiiyak. "Bakit.. Bakit sobrang sakit, Daddy? Nagmahal lang naman ako.. Bakit sobrang sakit?"

Pinapakalma nila akong apat pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hawak-hawak ni Kuya Gus ang mga kamay ko habang pinupunasan naman ni Kuya Sandro ang mga luha ko. Umiling-iling ako sa kanila nang sabihin nilang kailangan kong kumalma.

"Mahal ko siya.. Mahal ko siya.." Paulit-ulit kong sabi at niyakap nila ako at patuloy na pinapatahan.

Mahal ko siya.. Akala ko, masasabi ko pa sa kanya sa oras na magharap kami ulit na dalawa. Pero hindi na, hindi na pala..

——

Hi!!!

Continue Reading

You'll Also Like

172M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
328 86 33
Stell and Amelia's story
2.7M 172K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
98.7K 1.3K 22
Ano ang gagawi mo kung yung taong gusto mo, pagahigantihan ka dahil ang pamilya nya ang pinaniniwalaan mong dahilan kung bakit nawala sayo yung taong...